Share

Kabanata 7

Author: Chu
Hindi man lang natakot si Peter at inambahan niya ng kamao niya si Frank habang sinasabing, "May lakas ng loob ang isang walang kwentang katulad mo na sagutin ako?! Tuturuan kita ng leksyon para sa kapatid ko ngayon din!"

Bigla siyang sinipa ni Frank sa sikmura sa mga sandaling iyon, dahilan upang tumalsik siya ng parang isang bala.

"Argh!" Namutla sa takot ang girlfriend ni Peter at nagmadaling lumapit sa kanya. "Ayos ka lang ba, mahal?!"

Sa malapit, malamig na nakangiti si Vicky.

Sinubukan niyang saktan si Frank? Ang tapang talaga ng bwisit na ‘to.

Pagkatapos nun, mas naging interesado si Vicky sa 'Helen' na binanggit ni Frank.

"Bwisit ka..." Namilipit ang mukha ni Peter dahil sa sakit sa kanyang tiyan—parang isusuka niya ang kanyang bituka!

Nanlilisik ang tingin niya kay Frank, at sinabi niya na, "A-Ang lakas ng loob mo na saktan ako!"

Nanatiling kalmado at mahinahon si Frank. "Palalampasin ko ang ginawa mo alang-alang sa ate mo. Pero ngayong pinutol ko na ang ugnayan ko sa pamilya mo, papatayin kita sa susunod na guluhin mo ulit ako.”."

Natigilan talaga si Peter sa nakakatakot na mga mata ni Frank at nilunok niya ang lahat ng masasamang salita na nasa dulo ng kanyang dila.

Sa halip, bumaling si Peter kay Vicky at sinabi niya na, "Anong ginagawa mo?! Guest ako dito, at sinaktan ako ng lalaking iyon! Diba ikaw ang manager ng lobby?! Kumilos ka!"

Napatingin sa kanya si Vicky at maya-maya'y umiling sa sobrang galit.

Kung ganun, mukha siyang lobby manager para sa kanya?

Kung ganun, makikipaglaro siya sa kanya sa pagkakataong ito.

Tinawag niya mga security guard, at sinabing, "Paalisin niyo siya dito."

"Anong ginagawa niyo?! Bitawan niyo ako! Mula ako sa Lane family!" Nagsisigaw si Peter. "Hindi pa ito tapos! Maghintay ka lang!"

"Ang Lane family? Hindi ko pa sila narinig. Pati ang lolo mo kailangang mag-ingat sa mga kilos niya sa paligid ko," suminghal si Vicky sa galit. "At wala kang kwenta para sa’kin. Itapon niyo siya sa labas."

Dahil doon, agad na itinapon ng dalawang security guard si Peter palabas ng entrance na para bang isa siyang bag ng basura, at iniwang nakasubsob ang kanyang mukha.

"Kapag dumating siya para manggulo ulit, binibigyan ko kayo ng permiso na bugbugin siya," ang sabi ni Vicky sa staff bago bumaling kay Frank. "Paumanhin, Mr. Lawrence. Ipinapangako ko sa’yo na hindi na ito mauulit."

Umiling si Frank. "Hindi, hindi mo ‘to kasalanan."

Ngumiti si Vicky at tumango. "Punta na tayo sa kwarto mo?"

Dinala siya ni Vicky sa elevator at sinamahan niya siya sa kanyang penthouse suite, at umalis si Vicky kasama si Yara pagkatapos makuha ang mga contact details niya.

Tumayo si Frank sa harap ng glass wall kung saan matatanaw ang buong Riverton.

Bagama't hindi niya inaasahan na hihiwalayan niya si Helen pagkatapos ng tatlong taon, nagawa niya ang hiling ng kanyang guro.

At ngayon, oras na para tuparin ang sarili niyang mga plano.

Sa sandaling iyon, nagsimulang tumunog ang phone ni Frank, at inilabas niya ito at nakita niya na isa itong tawag mula kay Henry Lane, ang pinuno ng Lane family.

Nag-alinlangan siyang sumagot, hindi siya sigurado kung alam ni Henry ang tungkol sa paghihiwalay nila ni Helen.

Hindi kalaunan ay sinagot niya ito, gayunpaman—-gaano man siya maliitin ng ibang mga Lane, itinuring pa rin siya ni Henry bilang kanyang apo.

"Hello, Lolo. Kamusta?" Tanong ni Frank.

"Hoy, Frankie!" Ang masayang sinabi ni Henry mula sa kabilang linya. "Nasaan ka ngayon?"

"Ako...? May ginagawa pa ako ngayon. May problema ba?" Ang tanong ni Frank.

Masasabi niya sa tono ni Henry na hindi niya alam ang tungkol sa hiwalayan, kaya hindi niya ito binanggit.

"I see... You and Helen should come by my place this evening. I have good news!" Excited na sabi ni Henry.

Bumilis ang tibok ng puso ni Frank. “Actually, busy talaga si Helen lately,” he said gingerly. "Paano sa ibang araw?"

“Naku, never siyang busy,” natatawang sabi ni Henry. "Ako na mismo ang tatawag sa kanya mamaya. I doubt she'd say no—dumaan ka na lang kapag tapos ka na sa errand mo."

Huminga ng malalim si Frank at tumango. "Oo. Pupunta ako kapag tapos na ako."

Sasabihin niya kay Henry ang tungkol sa paghihiwalay nila ni Helen ngayong gabi pagdating ni Helen!

-

Samantala, sa wakas ay nakilala nina Helen at Sean si Walter, kung saan si Sean ay agad na pinagmamasdan ang buong lalaki sa drawing room.

Nang sandaling maisip niya na itinakda niya ang tamang mood, ipinaliwanag niya ang layunin ng kanyang pagbisita, "Mr. Turnbull... Ganito ‘yun, sinabi sa’kin ng isang kaibigan ko na nagkaroon ng isang kakila-kilabot na kondisyon ang anak mong babae, kaya't bumili ako ng isang 100-taong gulang na panacea cap upang gamutin siya."

Nang mapansin niya na siya na ang magsasalita, agad na kinuha ni Helen ang velvet box at taimtim itong inilagay sa harap ni Walter.

Dahan-dahan niya itong binuksan, at ang mabangong aroma mula sa panacea cap ay agad na kumalat sa paligid.

Kahit na ang ningning at hipo nito ay nilinaw na hindi ito ang isang karaniwang damo.

Gayunman, mahinahong tumango si Walter.

Siguro ay magiging masayang-masaya siya noon dahil dito, ngunit ngayong magaling na ang kanyang anak, hindi na mahalaga ang panacea cap sa kanya.

Higit pa rito, malinaw na may dahilan si Sean para bisitahin siya at isama ang babaeng iyon.

Natural, nanigas si Sean sa kanyang naging reaksyon nang mapansin niyang hindi interesado si Walter sa panacea cap!

Samantala, masyadong kinakabahan si Helen para magsalita—natatakot siyang magkamali sa harapan ng isa sa mga bigatin ng Riverton.

Gayunpaman, tumanggi si Walter na mag-aksaya ng kanyang oras sa kanila at diretsong nagtanong, "Salamat sa iyong pag-aalala, Ms. Lane. Paano kaya kita mapapasalamatan?"

Agad namang itinaas ni Helen ang kanyang mga kamay. "Gusto ko lang tumulong. Wala akong balak na humingi ng kahit anong kapalit."

Napangiti si Walter. "Pakiusap, huwag kang mahiya. Malaya kang magsalita."

Tumawa ng malakas si Sean. "Salamat sa iyong pag-unawa, Mr. Turnbull. Ganito kasi ‘yun, nalaman ni Helen na pamumunuan ng pamilya mo ang isang development project sa kanluran ng lungsod, at ang Lane Holdings ay umaasa lamang na magkaroon ng isang partnership."

Nagalit si Walter sa loob-loob niya—kailanman ay hindi pa niya narinig ang Lane Holdings!

May kakayahan ba sila upang kunin ang proyektong iyon?

Gayunpaman, nanatili siyang mahinahon habang sinasabi niya na, "May karanasan ba ang Lane Holdings para sa proyektong ito?'

Mukhang natuwa si Helen sa tanong. "Oo naman. Tatlong taon nang nagtatrabaho ang kumpanya namin kasama ang Zurich International."

Talagang namangha si Walter—may partnership ang kumpanya ng babaeng ito sa kumpanya ni Trevor?

Sino ba ang babaeng ‘to? Isa kaya siya sa mga tauhan ni Trevor?!

Natural lang para kay Walter na magpakita ng paggalang sa puntong ito—nakaratay pa rin ngayon ang kanyang anak kung hindi dahil kay Trevor.

Pagkatapos niyang mag-isip-isip, sinabi niya na, "Bakit hindi natin pag-usapan ang mga detalye bukas? Magkakaroon ng isang salo-salo sa Verdant Hotel at magiging masaya ako kung makakadalo ka rin, Ms. Lane."

"Salamat, Mr. Turnbull." Tuwang-tuwa si Helen—malinaw na sinasang-ayunan siya ni Walter!

Pagkatapos nito, nag-usap ang tatlo, at gabi na nang umalis sina Helen at Sean sa Turnbull Villa.

Gayunpaman, hindi maitago ni Helen ang kanyang pananabik, at labis siyang nagpapasalamat kay Sean. "Maraming salamat, Mr. Wesley. Sa tingin ko hindi magiging interesado si Mr. Turnbull sa Lane Holdings kung hindi mo binili ang panacea cap na ‘yun."

"Binobola mo naman ako, Helen. Natuwa sa’yo si Mr. Turnbull dahil nagpakita ka ng tapang," marahang sumagot si Sean ng wala sa loob niya. "Gabi na, at nag-book na ako ng lugar para sa’tin sa Riverton Tower. Ayos ba sa’yo ang dinner at movie?"

Agad namang nag-alinlangan si Helen.

Dinner at movie? At silang dalawa lang?

Parang date ‘yun!

Kakahiwalay lang nila ni Frank at wala pa siyang planong magsimula ng isang bagong relasyon…

Nagsimulang tumunog ang phone niya sa mga sandaling iyon, at agad itong sinagot ni Helen.

"Hello, Lolo... Oh? Oo naman, sige."

Medyo natuwa si Helen pagkatapos niyang ibaba ang tawag. "Pasensya na, Mr. Wesley, pero gusto akong makita ng lolo ko ngayong gabi—sabi niya importante daw, kaya kailangan ko siyang puntahan. Pag-iisipan ko yung dinner."
Continue to read this book for free
Scan code to download App

Related chapters

  • The Girlboss Begs for Remarriage   Kabanata 8

    Sumakay si Frank ng taxi papuntang Laneville kinagabihan at nagulat siya nang makitang naghihintay si Gina sa pintuan.Nang makita siyang dumating, agad na lumapit sa kanya si Gina at nagbabala, "Alam ko na alam mo kung ano ang dapat at hindi dapat sabihin kapag nakita mo ang matanda mamaya."Humalakhak si Frank. "Dapat itaboy mo na lang ako kung nag-aalala ka ng ganyan.""Ano?!" Tiningnan siya ng masama ni Gina, gulat na gulat siya na pagsasalitaan siya ng ganun ni Frank.Gayunpaman, hindi siya pinansin ni Frank at pumasok na si Frank sa loob.Kung tutuusin, wala na siyang dahilan para magbait-baitan sa Lane family ngayong hiwalay na sila ni Helen!Pagkapasok na pagkapasok pa lang niya, nakita niya si Henry na nakatayo doon suot ang isang apron, at kakatapos lang magluto."Anong okasyon sir? Ang daming pagkain," ang sabi ni Frank.Nakangiti si Henry nang makita niya si Frank at lumapit siya para hawakan ang kanyang kamay. "Oh, nandito ka na pala, Frankie—malalaman mo din maya-

  • The Girlboss Begs for Remarriage   Kabanata 9

    Hindi balewala kay Frank ang miserableng reaksyon ni Henry.Gayunpaman, kahit na handa si Henry na tanggapin siya, hindi ganun ang kanyang pamilya.Para bang isang usaping pamilya ang kasal nila ni Helen at hindi sa kanilang dalawa lang!"Hindi, Lolo. Sa tingin ko hanggang dito na lang kami," ang sabi niya, at umalis siya nang hindi lumilingon.Nanghina si Henry at muntik nang bumagsak.Mabilis na kumilos si Helen at nagmamadaling lumapit upang saluhin siya, at napansin niyang wala sa ayos ang mga mata ni Henry habang paulit-ulit siyang bumubulong, "Tapos na... Tapos na ang lahat... Katapusan na ng pamilya ko..."Nagtaka si Helen sa mga sinasabi ni Henry. "Anong sinasabi mo, Lolo? Yung totoo, nag-abala si Sean na tulungan akong magkaroon ng partnership sa mga Turnbull kanina. Aangat ang pamilya natin at tatayo kasama ng mga elite sa Riverton.""Hah!" Malamig na sinabi ni Henry. "Yung Sean Wesley na sinasabi ni Frank?""Mismo," sagot ni Helen."Mas mahalaga pa nga ang utot kays

  • The Girlboss Begs for Remarriage   Kabanata 10

    Natawa si Frank. "Bakit naman sila magseselos? Hindi naman ako manliligaw ni Vicky.""Totoo ‘yun." Sumuko si Yara at bumuntong-hininga. "Pero may fiance na rin si Vicky. Sigurado ka bang hindi siya mag-iisip ng masama? Tsaka, siya ang tagapagmana ng mga Lionheart, isang mahalagang pamilya sa Morhen—ang lalaking iyon ay kilala sa pagiging walang awa, na mapapatunayan ng ibang manliligaw ni Vicky na bigla na lang nawala."Bilang bodyguard ni Vicky, natural na alam ni Yara ang ilang mga sikreto.Ayaw niyang makita ang isang kamangha-manghang martial artist na tulad ni Frank na patayin ang kanyang sarili. Kaya naman nagmagandang-loob siya at binalaan niya si Frank—may iba pang mga tao sa Riverton na kayang sirain si Frank bukod sa mga Lionheart."Hmph." Suminghal si Frank na may halong inis. "Ayos lang ako hangga't hindi nila ako gagalitin. Kapag ginawa nila ‘yun, mas magmumukha silang mga tupa kaysa sa mga leon."Napalunok si Yara.Ang lakas ng loob niya para sabihin ‘yun, gayunpama

  • The Girlboss Begs for Remarriage   Kabanata 11

    Ipinasok ni Frank ang kanyang mga kamay sa kanyang mga bulsa habang kalmado siyang pumasok sa kotse.Gayunpaman, si Vicky, ay patuloy na sumisilip sa kanya mula sa driver seat."Mr. Lawrence, pwede ko bang malaman kung sino si Peter Lane?" Di kalaunan ay nagtanong siya."Ang ex brother-in-law ko." Ang sabi ni Frank."Ah, ganun ba," ang sabi ni Vicky. "Si Helen Lane."Tumango si Frank habang nakangiti naman si Vicky. "Mukhang hindi naging maganda ang mga bagay sa pagitan niyong dalawa! Gusto mo bang tumulong ako ng kaunti?"Napatingin si Frank sa kanya.Kapag tumulong si Vicky, tiyak na magagawa niyang burahin ang mga Lane sa Riverton nang walang kahit anong bakas.Gayunpaman, wala siyang intensyon na gawin iyon sa kabila ng sama ng loob niya sa pamilyang iyon, at kailangan niyang magpakita ng respeto kay Henry hangga't nabubuhay siya."Salamat sa alok mo, pero kaya ko naman ang sarili ko," ang sagot niya.Napangiti si Vicky. "Naiintindihan ko. Basta huwag mong kalilimutan na

  • The Girlboss Begs for Remarriage   Kabanata 12

    Agad namang nainis si Sean sa sinabi ni Vicky. "Sige naman na, ganda. Bigyan mo naman ako ng konting credit."Siya ang tagapagmana ng Wesley family, at sinabi niya sa kanya na hindi siya maikukumpara sa isang basurang tulad ni Frank?Gayunpaman, napabuntong hininga lang si Vicky sa inis. "Bakit ko gagawin ‘yun?"Itinikom ni Sean ang kanyang mga labi, naglabasan ang kanyang mga ugat habang nakakuyom ang kanyang mga kamao. "Sasabihin ko ‘to sa’yo—wala ngang trabaho ang bwisit na ‘yan! Sa tingin mo bakit siya hihiwalayan ni Helen? Ano ang maibibigay niya sa’yo?! Ni hindi nga siya ganun kagwapo."Tumingin lamang si Vicky kay Frank at nagkibit-balikat. "Kailangan lang ni Mr. Lawrence ng panahon. Kailangan lang niya ng isang buwan, at siguradong mahihigitan niya ang pamilya mo.""Haha! Nakakatawa ka talaga!" Tumawa si Sean.Magsisimula siya sa wala at hihigitan niya ang kanyang pamilya sa loob ng isang buwan?! Mangarap siya!Ngumiti si Vicky bilang ganti. "Hindi ako nagpapatawa. Bakit

  • The Girlboss Begs for Remarriage   Kabanata 13

    Napabuntong-hininga si Helen nang maglakad si Vicky patungo sa kanila kasama ng mga tao, napagtanto niya na siya si Ms. Turnbull dahil sa kung paano kumilos ang mga tao sa paligid niya.Masama ang loob niya kay Vicky kanina at hindi siya komportable tungkol doon.Hindi lang mas maganda si Vicky kaysa sa kanya, kundi pati ang pamilya at mga koneksyon ng niya ay kayang durugin ang anumang mayroon siya!Sa sandaling iyon, naunawaan niya ang ibig sabihin ni Vicky tungkol sa pagpapahiya sa kanyang sarili.Malabong makuha niya ang proyektong iyon hangga't nariyan si Vicky!Kasabay nito, nauutal na nagsalita si Sean, "I-Ikaw si Ms. Turnbull?""Ano, masama ba ang loob mo?" Masayang tumingin sa kanya si Vicky. "Tsaka, sinisiraan mo si Mr. Lawrence, hindi ba?""Hmph! Ano ngayon?" Suminghal si Sean.Sa paningin ni niya, wala walang mapapala si Frank. Nagawa man niyang akitin si Vicky, isa lamang siyang laruan para kay Vicky!Sa katunayan, kung inaway siya ni Vicky dahil sa kanyang gigolo

  • The Girlboss Begs for Remarriage   Kabanata 14

    Dahil sa naunang insidente kay Trevor at sa kung ano ang sinabi ni Vicky kay Helen bago sila pumasok sa loob ng banquet hall, kumbinsido si Helen na wala siyang pagkakataon na makuha ang proyekto ng West City.Doon nagsalita si Sean ng nakasimangot, "Huwag kang mag-alala. Gigolo lang ni Vicky ang walang kwentang ‘yun, pero kasamahan ng lolo niya ang tatay ko. Sigurado ako na maiintindihan niya ang lahat sa isang tawag lang."Sa wakas ay naalala ni Gina na nandoon din pala si Sean. "Oh, Mr. Wesley! Talagang maaasahan ka namin kapag kailangan namin ng tulong!"Binalingan naman ni Helen ng masalimuot na tingin si Sean. "Pasensya na, pero talagang kailangan ka naming abalahin sa pagkakataong ito."Hindi siya mangangahas na umasa kay Frank—ang proyekto ng West City ang susi sa kinabukasan ng Lane Holdings!Inilabas ni Sean ang kanyang phone, at pumunta siya sa isang tahimik na sulok para tawagan ang kanyang ama, na si James Wesley, na pinuno ng kanyang pamilya."Ano ‘yun? Bakit tumata

  • The Girlboss Begs for Remarriage   Kabanata 15

    Pagkatapos niyang mag-isip ng sandali, huminga ng malalim si Frank at sinabing, "Ang harangin ang pagkita ng isang tao ay walang pinagkaiba sa pagpatay—kung napag-isipan mo nang ibigay sa kanila ang proyekto, Ms. Turnbull, wala akong dahilan para sabihin sa’yo na huwag ‘yun gawin."Ngumiti si Vicky kay Frank habang pinagmamasdan siya. "Sa tingin ko ayaw mo lang silang pahirapan ng husto. Marahil may nararamdaman ka pa para kay Ms. Lane?""Kung ‘yan ang tingin mo sa’kin..." Tiningnan siya ni Frank. "Wala akong masasabi tungkol diyan.""Hindi mo ba naisipang tumanggap ng panibagong kasintahan ngayong single ka na Mr. Lawrence?"Umiling si Frank. "Hindi ako interesado."Sumimangot si Vicky—medyo hindi nakakatuwa ang sagot niya.Gayunpaman, hindi niya ipinilit ang tungkol dito.Tiyak na hindi niya mamadaliin ang mga bagay dahil kakahiwalay lang ni Frank kay Helen ilang araw pa lang ang nakakaraan."Well, sigurado ako na mas interesado ka sa mga herbal treasure," ang sabi niya, binu

Latest chapter

  • The Girlboss Begs for Remarriage   Kabanata 1331

    Sa sandaling iyon, nagbigay ng ibang opinyon si Winter. "May tiwala ako kay Frank. Hindi siya kailanman nagsinungaling sa akin—kung sinasabi niyang kaya niyang talunin si Jaden Favoni, siguradong kaya niya!"Nakapagbigay ng kaaliwan kay Frank ang kanyang mga salita—sa wakas, may isang tao na naniwala sa kanya."Tama, pero uulitin ko: hindi ako matatalo. Ang tanging bagay na dapat nating ipag-alala ay ang pagdating ng mga Bearson para magdulot ng gulo, kaya mag-ingat kayo," sabi ni Frank sa kanila bago kunin ang sulat ng hamon at ang kanyang suit habang umaalis sa mansyon.Dahil sa sobrang kumpiyansa ni Frank, wala nang masabi pa sina Helen at Vicky.Gusto nilang sundan siya, pero doon pumasok si Silverbell.Inilabas ng pinuno ng Martial Alliance ang kanyang mga kamay, pinigilan sila. "Frank ang humiling na protektahan kita.""Silverbell, sa tingin mo ba kayang talunin ni Frank si Jaden Favoni?"“Oo… Narinig ko na pangalawa siya sa Skyrank.”Naging pamilyar na sila sa isa't isa

  • The Girlboss Begs for Remarriage   Kabanata 1330

    Tumango si Jaden. "Sige. Ngayon na nandito na ako, si Frank Lawrence ay magkakapira-piraso. Sana hindi mo kalimutan ang iyong bahagi ng kasunduan, Mr. Bearson.""Oo naman." Tumango si Troy at kumindat. "Kung ganun, tara na ba?""Hehe. Siyempre—nararapat lang na tanggapin ko ang iyong kabutihan." Ngumiti si Jaden.Habang lahat ay sumakay sa kotse na inihanda ni Troy, hindi nila nakita ang malamig at kasuklam-suklam na ngiti sa kanyang mukha mula sa loob."Anong karapatan mong maging bastos sa akin, batang pasaway," bulong niya. "Makakarma ka rin sa lalong madaling panahon!"Di nagtagal, dinala sila ng mamahaling sasakyan sa isa sa pinakamalalaking hotel ng Bearson Group, at lumawak ang ngiti ni Troy habang pinapanood si Jaden na walang kalaban-laban na umiinom ng isang basong pinatamis na alak.Si Stella, na tahimik na nanatili sa tabi ni Jaden, ay mukhang kahina-hinala habang nararamdaman ang nakakabalisang pakiramdam na may hindi tama.Ang pakiramdam na iyon ay talagang umabot

  • The Girlboss Begs for Remarriage   Kabanata 1329

    ”Hehe. Huwag kang mag-alala…”Si Troy ay ngumisi nang mabangis. "Hindi ako magkakamali, para sa kapakanan ng paghihiganti ng aking anak at pamangkin."Huminto siya sandali, pagkatapos ay bumuntong-hininga. "Sayang at nawala ko si Thunder, Bolt, Galen, at Blaze kay Frank. Mas kahanga-hanga siya kaysa sa inaasahan ko.""Talaga." Tumango rin si Kilian.Sigurado siyang naabot na ni Frank ang Birthright rank sa pinakamainam na antas, pero ngayon ay nag-aalinlangan na siya matapos mapatay ang mga tao ni Troy at ang kanyang pamangkin.Malinaw na pinabayaan niya si Frank, at sa kasong iyon, kailangan niyang gumawa ng ilang plano.Nangyari na lang na ang mga Favoni ay nasa likod na ni Frank, at kailangan lang niyang maglagay ng langis sa apoy.Nalaman na niya noon na ang ama ni Jaden Favoni ay umusad na nang husto sa Ascendant rank.Kung malalaman niya na pinatay ni Frank ang kanyang anak gamit ang maruming paraan tulad ng lason, tiyak na maghahanap siya ng dugo.Habang hinahabol ng mg

  • The Girlboss Begs for Remarriage   Kabanata 1328

    Halos sumabog si Jaden sa isip—maging katatawanan siya ng lahat ng martial artist kung malaman nilang nagmakaawa ang kanyang pamilya para sa kanya!"Nasaan si Stella ngayon?" Jaden ay nagbigay ng malamig na tingin kay Chelly.Nakita na talagang galit na galit siya, mabilis na sinabi ni Chelly, "Pinigil siya ng Dad. Papaluin siya ng limampung beses ayon sa mga patakaran ng pamilya.""Hah!" suminghal si Jaden. "Sa susunod na ‘yan!""Ano? Bakit?" Nagulat si Chelly—talagang naniwala siya na sapat na ang limampung palo para sa pagtataksil ni Stella!Papalipasin kong manood si Stella habang pinapalayas ko ang sinungaling na talunan sa ilalim ng aking paa, para masaktan niya ang kanyang mga latay nang kusa!Sa mga salitang iyon, naglakad si Jaden papunta sa kanilang ama.Si Chelly ay talagang nawala sa kanyang isipan noon.Nang makilala niya si Frank, nakita niya kung gaano ka-kalmado si Frank kumpara sa kanyang kapatid—halos hindi ito pangkaraniwan."Maaari bang tama nga si Stella?"

  • The Girlboss Begs for Remarriage   Kabanata 1327

    "Tama ka, Mr. Bearson. Ikaw ay isang henyo—huwag mong ikumpara ang iyong sarili sa mga tulad namin!""Sa loob ng ilang taon, malalampasan mo ang Demon ng Volsung Sect.""Talaga?""At sa pamumuno ni Mr. Bearson, aangkinin natin ang isang lugar sa Morhen at aangat bilang Fifth Family!"Kahit na nagbibiruan at pinapuri ng mga martial artist ng Favoni si Jaden, siya'y humikbi, inalis ang kanyang piring at tinadyakan ang mga sako ng buhangin at mga tingga sa kanyang mga paa.Gayunpaman, hindi siya gaanong naakit sa papuri.Sa halip, tumingin siya sa langit, nag-aalab ang determinasyon sa kanyang kalooban.Talagang mukhang si Ehud Lionheart lamang ang makakapantay sa kanya sa East Coast.Gayunpaman, palaging pinanatili ng Volsung Sect na nakatago si Ehud—wala ni isa ang nakarinig mula sa kanya, lalo na ang makakita sa kanya.Noong nagkita sila dalawang taon na ang nakalipas, mas bata pa si Jaden at nagiging mayabang dahil hindi siya makahanap ng karapat-dapat na kalaban.Dahil dito

  • The Girlboss Begs for Remarriage   Kabanata 1326

    Sinabi ni Tara, "Sana handa ka nang mamatay."Pagkatapos nun, tumalikod siya at umalis.Hindi siya pinigilan ni Frank kundi nanatili siya sa kanyang kinaroroonan, hinihimas ang kanyang baba habang nag-iisip."Napakasama nila!" singhal ni Winter.Ngumiti si Frank. "Tama ‘yun, pero ang katotohanan na dumating sila ay nagbigay sa akin ng ideya.""Ano'ng ideya?" tanong ni Winter, at humarap siya sa kanya.“Ang mga Favonis ay hindi talaga kasing tigas ng isang bato. Maaaring maging kapaki-pakinabang sila.”Ngumiti si Frank, at tinapik ang kanyang ulo. "Pero wala ka nang kinalaman dun. Dapat ay pinag-aaralan mong mabuti ang medical text na ibinigay ko sayo at kunin mo na ang posisyon bilang chief ng Zamri Hospital.""Oo na…" tumango si Winter, binigyan niya siya ng malungkot na tingin bago bumalik sa pag-aaral.Gayunpaman, hindi nagtagal ay narinig ni Frank ang mga dalaga na nagtatawanan sa silid at napabuntong-hininga siya sa inis.Tungkol naman sa mga Favonis, mayroon na siyang p

  • The Girlboss Begs for Remarriage   Kabanata 1325

    Lumapit si Winter, hinahatak ang manggas ni Frank at nagtanong, "Anong nangyari dito?""Wala." Umiling si Frank at sinadyang nagmukha ng masama. "Hindi ba sinabi ko sa'yo na mag-aral ka? Anong ginagawa mo dito?""N-Nag-aalala ako," bulong ni Winter na may pagdaramdam.Pinisil ni Frank ang kanyang ulo, unti-unting nawawala ang kanyang kalungkutan sa maamo nitong bulong.Pagkatapos, humarap muli kay Stella at sa iba pa, pinagsaluhan niya ang mga ito. "Sige, pwede na kayong umalis. Makikita natin ang katotohanan bukas."Gayunpaman, nagmatigas pa rin si Chelly. "Hah! Hindi ako natatakot sa'yo! Bukas, ilalampaso ka ng kapatid ko sa sahig—siya ang pangalawa sa Skyrank at isang top martial artist! Isang talunan at mandaraya tulad mo ay hindi man lang makakalapit sa kanya! Dapat nagmamakaawa ka at lumuhod sa akin para sa awa kung may utak ka man! Baka sakaling pakiusapan ko ang kapatid ko na patawarin ka!"At bago pa makapagsalita si Frank, tumatawa si Tara habang nagbabanta, "Tama. Kung

  • The Girlboss Begs for Remarriage   Kabanata 1324

    Napabuntong-hininga si Stella. "Ang lahat ng ginagawa ko ay para sa kaligtasan ng pamilya—"“Kaligtasan?!”Tumawa si Chelly.Malinaw na mainitin ang ulo niya, nang bigla siyang sumugod kay Frank, sumisigaw, "Tingnan natin kung kaya niyang makipagsabayan kay Jaden!"Kahit na inabot ni Chelly ang kanyang kamay habang tumalon siya kay Frank, nanatili lamang si Frank sa kanyang pwesto, ang kanyang mga mata'y naging malamig.Sa kabila ng lahat ng kanyang sigaw, isa lamang siyang tagapagdala ng lakas—kung magpapatuloy siyang atakihin si Frank, ang pag-atras ay magpaparalisa sa kanya sa lugar."Huwag!" sigaw ni Stella nang galit habang naglakad siya sa pagitan nina Chelly at Frank. "Tigilan mo na ang pakikinig sa mga nakakalason na salita ng tiyahin mo. Hindi mo dapat atakihin si Mr. Lawrence!""Mr. Lawrence?!"Alam ni Chelly mula pa lang sa pamagat kung gaano kalaki ang respeto ng kanyang kapatid kay Frank, at sumiklab ang kanyang galit nang ibinuka niya ang kanyang palad sa kanyang

  • The Girlboss Begs for Remarriage   Kabanata 1323

    Nanatiling walang pakialam si Frank sa kabila ng mga hikbi ni Stella, humihikbi. "Eh? Anong pakialam ko sa mga problema ng pamilya mo?"Hindi siya nagbabalak na magbago ng isip… o hindi niya kaya, upang maging tiyak.Ang mga Favoni ay determinado siyang patayin, kaya hindi siya puwedeng magpanggap na santo lang dahil lang sa pagmamakaawa ni Stella sa kanya sa pamamagitan ng luha at hayaan si Jaden na patayin siya.Bukod pa rito, talagang hindi kaakit-akit si Stella at kulang sa alindog—kahit na mayroon siya, hindi papatol si Frank dito."Dapat mong ipunin ang iyong hininga para sa iyong ama at kapatid," sabi ni Frank nang maikli.Ang kanyang mga prinsipyo ay palaging simple—iiwasan niya ang sinuman, basta't iiwasan din siya ng mga ito.Gayunpaman, nagdulot lamang iyon ng karagdagang sakit kay Stella.Sinabi na niya sa kanyang ama at kapatid ng isang daang beses na si Frank ay higit sa kanila at hindi dapat pakialamanin, pero masyado silang mayabang para makinig.Naniniwala pa n

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status