PRINCESS DELA BOTE

PRINCESS DELA BOTE

last updateLast Updated : 2024-01-22
By:   ArLan28  Completed
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
Not enough ratings
32Chapters
3.4Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Scan code to read on App

Hindi pa sila gaanong nakalalagpas sa kasibulan ng kabataan nang magkakilala’t ma-fall sa isa’t isa sina Ana at Enrico. Madali silang nahulog sa patibong ng pag-ibig na sa una lang puro kilig. Maaga silang ikinasal sa huwes. Hindi man lang muna inihanda ang kanilang kinabukasan. Nang magsama sila sa iisang bubong at maharap sa krisis ng realidad ng buhay may-asawa, tulad sa pag-inom ng alak, matapos malasing sa pag-ibig ay matinding hangover ang sumubok sa katatagan ng kanilang ugnayan. Nagumon sa pag-inom ng alak si Enrico. Gumatong ito sa galit ni Ana dahil sa kaiintindi kung paano sosolusyunan ang kanilang mga problema. Hanggang sa mapuno ang salop at humantong sila sa maapoy at dramatikong sakitan ng damdamin. Pinalayas ni Enrico si Ana. Nagpakalayo-layo si Ana at pumunta sa rose farm ng matalik niyang kaibigan. Sa loob ng ilang panahon, humupa ang hangover ng bara-bara nilang pagkalasing sa pag-ibig. Kaalinsabay nito’y ang pagsisisi at pananabik sa isa’t isa. Nahimasmasan si Enrico sa nagawa niyang pagkakamali. Pati ang tadhana’y nakiayon sa kaniya upang maituwid ang lahat. Nakatulong din sa mabilis na pagbabago ni Enrico ang natuklasan niyang diary ni Ana. Nagtuloy-tuloy ang pagbabago ni Enrico para kay Ana. Si Ana nama’y nagtuloy-tuloy ang pananabik at pangungulila kay Enrico; umabot pa nga sa puntong hinahanap niya ito sa ibang lalaki. Hanggang sa di inaasahang araw, muling nagkurus ang kanilang landas. Ngunit naulit ang kahapon. Muling nagpakalayo-layo si Ana. Ang dahilan—may bagong babae si Enrico. Umuwi si Ana sa bahay ng Tiyo Narding niya. Si Enrico nama’y pursigidong tapusin ang gusot sa pagitan nilang dalawa. Sinundan niya si Ana. Sa bahay ng Tiyo Narding ni Ana naresolba ang lahat sa paraang kakatwa at nakakikilig. Sa huli'y opisyal na kasalan ang naganap. Kasalang puno ng luha ng kaligayahan.

View More

Latest chapter

Free Preview

Chapter 1 : IN LOVE WITH A STRANGER

__________Hearts, when they're really meant to be,no telling when will start their story;it could simply be unexpectedly,but in the waythat even foretellers couldn't be able to see.Sometimes love beginsby just the meeting of eyes,sometimes by just a curve of smile;could even be born fresh from a fight,or after a war,it will twinkle like a star.But love,when its pages unfold;expect a roller coaster world,expect a zoo of wild emotions;sometimes a seatbelt's not enough,to secure you on the rides of love!***(The Rides of Love)---Arnel T. Lanorio---Dahil sa hirap ng buhay, at siyempre para sa simpleng pangarap para sa kaniyang kinabukasan, napilitang maghanap ng mapagtatrabahuan ang dalagang si Anna Marie Santana. Ulilang lubos na at ampon lang siya ng kanyang Tiyo Narding na kapatid ng yumao niyang ama. Nakikipisan lang siya sa pamilya nito sa Barangay Maligaya sa isang munisipalidad sa probinsiya ng Nueva Ecija. Malaki ang pamilya ng kaniyang tiyo, may sampung miyembr...

Interesting books of the same period

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

No Comments
32 Chapters
Chapter 1 : IN LOVE WITH A STRANGER
__________Hearts, when they're really meant to be,no telling when will start their story;it could simply be unexpectedly,but in the waythat even foretellers couldn't be able to see.Sometimes love beginsby just the meeting of eyes,sometimes by just a curve of smile;could even be born fresh from a fight,or after a war,it will twinkle like a star.But love,when its pages unfold;expect a roller coaster world,expect a zoo of wild emotions;sometimes a seatbelt's not enough,to secure you on the rides of love!***(The Rides of Love)---Arnel T. Lanorio---Dahil sa hirap ng buhay, at siyempre para sa simpleng pangarap para sa kaniyang kinabukasan, napilitang maghanap ng mapagtatrabahuan ang dalagang si Anna Marie Santana. Ulilang lubos na at ampon lang siya ng kanyang Tiyo Narding na kapatid ng yumao niyang ama. Nakikipisan lang siya sa pamilya nito sa Barangay Maligaya sa isang munisipalidad sa probinsiya ng Nueva Ecija. Malaki ang pamilya ng kaniyang tiyo, may sampung miyembr
last updateLast Updated : 2023-12-22
Read more
Chapter 2 THE SUITOR
__________Legend, that's how our hearts were shaped together;a dream come true from up the heavens.Uncertainties, once when ashamed,they tell a story with our names.To be in love sometimes is like a fantasy;so full of wonders we couldn't help but agree.It works in ways we can't predict;it's more just like a magic trick.A stroke of fate on the crossroads,just you and me left in the world;the meeting of our eyes marriedin the isle called romance.***(In the Isle called Romance)---Arnel T. Lanorio---Kinabukasan ay tanghali nang nagising si Ana. Biniro nga siya ni Minerva."Ha-hay! Salamat naman at nagising na rin ang sleeping beauty pagkatapos ng long dreamy night niya with her prince charming alyas Enrico!" si Minerva, at talagang tinapik pa nito ang sariling noo habang nakapamaywang.Marahang nag-inat-inat si Ana at lihim na nagtatatawa sa tinurang iyon ni Mine. T
last updateLast Updated : 2023-12-22
Read more
Chapter 3 : SWEET PROMISES
So there we were, drank with the wine of love,words bloomed like flowers with the sweetest scent;the hum of a bee won't know it all,because they were whispered just between you and me.But ties strengthen as they seemand our union defied the seams;the future, we looked intoand there we hoped to make it true.By just a kiss, we sealed the times;though pass they may, at least we've set their rhymes —the rhymes of our hearts to withstand all,though many times we're bound to fall.By just a kiss, we locked the promiseand by just another kiss, one day,it will be reopenedas a fulfilled wish.***(By Just a Kiss)---Arnel T. Lanorio---Mula nang unang gabing iyon ng panliligaw ni Enrico kay Ana ay lagi na siya nitong dinadalaw. Kung hindi siya nito binibisita kung gabi ay inihahatid naman siya tuwing umaga sa Heaven-Sent, ganoon din tuwing hapon kung pauwi na sila ni Minerva. Laging sakay ito ng bisikleta at wari bang lagi itong nagbabantay at nakabakod sa kaniya.Paano naman, si
last updateLast Updated : 2023-12-23
Read more
Chapter 3.2
Natatawa man siya sa naging hitsura nito ay hindi na pinansin ni Ana. Kiming hinarap na lamang niya ang naa-amuse na ginang at magalang na bumati rito.“Magandang hapon po!”“Magandang hapon naman sa iyo, iha! Halikayo rine sa loob at nang maipaghanda ko kayo ng mamimiryenda,” imbita ng ginang.“Dito na lang kami sa may hardin, 'nay!” singit ni Enrico sa magalang na paraan.“Sige, kayong bahala,” pakli ng ina ni Enrico na si Aling Nenita at saka tumalikod na para tumungo sa kusina. Alam na rin niya ang pangalan nito dahil madalas din itong ikuwento sa kaniya ni Enrico.Sila naman ay tinungo na ang di-kalayuang hardin. Doon ay may makikitang nakatirik na mesita at isang mahabang bangkuan na kapwa yari sa kawayan. Nayuyungyungan ang mga ito ng mayayabong na mga puno. Ang hardin ay hitik sa sari-saring halamang namumulaklak. Siyempre, pinakaprominente at pinakamarami ang mga bulaklak na rosas. Sa lupa na nga mismo nakatanim ang mga ito sa ha
last updateLast Updated : 2023-12-25
Read more
Chapter 3.3
__________At ang mamaya ngang iyon ay naganap nang ihatid na siya ni Enrico sa apartment nila ni Minerva. Nagkataong wala roon ang pinsan, pero nag-iwan ito ng sulat sa ibabaw ng mesita na nasa salas. Ayon sa sulat, tutal day-off naman daw nila, kaya may date daw ito kasama ang nobyo. Baka gabihin daw ito nang uwi.“Okay pala ang pinsan mo, ah,” si Enrico. Makahulugan ang ngiti nitong hindi napansin ni Ana. Nakaupo na ito sa sopang naroroon.“Si Minerva? Naku, first time lang kasi magkanobyo n'on at hindi iyon marunong magpalagpas ng pagkakataon lalo at guwapo. Takaw-gwapo iyon, e,” kuwento ni Ana.“Tulad mo?" tanong ng lalaki.“Hindi, 'no! Saka bakit mo naman nasabi?”“Kasi, puro tulad kong mga guwapo ang mga manliligaw mo.”“Gano'n ba? Naku, ang sabihin mo, sila ang takaw sa maganda at seksi na katulad ko,” depensa ni Ana.“E, bakit ini-entertain mo pa silang lahat, pati ako?”“E, 'di ba nga, sinabi ko na
last updateLast Updated : 2023-12-26
Read more
Chapter 4 : SIPS OF WINE
If troubled days come swimming byupon our pool of love;and if the end's to say goodbye,I'll choose us be as doves.Though we may fly free as the air,and roam the depths of skies;we know that life sometime's not fair,sometimes it breaks all ties.But reasons may mean that or this,that distance is what fits;who knows what lies beyond the seas,that only hurts can meet.We may be miles apart from now,but heartbeats, still the same;ours may be a broken vow,but still I know your name.***(Still I Know Your Name)---Arnel T. Lanorio---Dahil sa maalab na bugso ng kani-kanilang mga damdamin at sa kapusukan ng kanilang kabataan ay naging mabilis ang mga pangyayari sa buhay nina Ana at Enrico. Hindi pa man establisado ang para sa kanilang kinabukasan ay naisipan na kaagad nilang magpatali sa isa’t isa. Kakapasok lang noon ni Ana ng trabaho at si Enrico nama’y walang permanenteng hanapb
last updateLast Updated : 2023-12-27
Read more
Chapter 4.2
__________Pagkatapos ng sagutan nilang iyon ay walang ginawa si Enrico kundi maghanap, ngunit hindi ng trabaho, sa halip ay ng mapagpapalipasan ng tensiyong dala ng matinding pag-iintindi sa kanilang mga problema. Ang natagpuan nga nito ay mabisa. Natagpuan na lang nito ang sarili na nagpapakalunod sa mga bula ng alak.Noong una’y hinahayaan lang ni Ana ang paminsan-minsang pakikipag-inuman ni Enrico sa mga kumpare nito. Batid naman kasi niyang kailangan iyon minsan ni Enrico para pansumandaling makalimutan ang kagipitang kanilang pinagdaraanan. Basta ang ginagawa niya’y nandiyan pa rin naman siya para magpaalala sa asawa sa obligasyon nito bilang padre de pamilya.Ngunit kalauna’y nakalilimot magpaalala si Ana. Palibhasa’y kailangan din niyang dumiskarte, madalas na ang isip niya’y nakatutok sa kung paano palihim na magka-racket para kahit paano’y may pampuno sila sa pang-araw-araw na gastuhin ng kanilang pamilya. Nariyang tumanggap siya ng kaunting labada pa
last updateLast Updated : 2023-12-28
Read more
Chapter 5 : AWAY FROM HER LOVE NEST
__________Have all the love gone,that now you look at me like a stranger?Your smile is not the sameas the one I used to claim;who stole it away from me?I thought I'm still your ownbut now it seemed I'm wrong;the day I feared here comes,pushing away my arms —from holding you.Was this the changeof all that I suffered?my hopes, have they all gonethe day I found you with someone?What a sad love story,just a part of a sad memory!***(A Sad Love Story)---Arnel T. Lanorio---Hay, sa wakas, ang terminal ng Cabanatuan City sa probinsiya ng Nueva Ecija ay narating din ni Ana. Eksaktong alas-otso na ng gabi nang makababa siya mula sa sinakyan niyang bus na nanggaling pa ng Cubao, Quezon City. Halo-halo ang mga emosyong nagpipiyesta sa kaniyang abang dibdib.Kahit na pagod na pagod ay hindi na niya inintindi ang dala-dalang mabigat na travelling bag. Namimintog nga ito dahil
last updateLast Updated : 2023-12-29
Read more
Chapter 5.2
__________Dahil naman sa maghapong pagtatrabaho sa rose farm na kilu-kilometro ang layo sa dyip na sinasakyan ni Ana, himbing na himbing sa kaniyang pagtulog nang gabing iyon si Aseneth. Hindi nito katabi sa pagtulog ang asawa sa malapad na kutsong kama, sa resthouse na kasi ito sa bukid nagpalipas ng gabi sa dahilang hindi nito natapos ang trabaho. Bahagya nang naghihilik si Aseneth at halata sa ayos ng pagkakahiga na nasa kasarapan na ng pagtulog.Nasa ganoong kalagayan si Aseneth nang sunud-sunod na mga katok ang bumulabog sa kahimbingan nito, ang katulong na si Aling Marta iyon."Senyora! Senyora!" mahina ngunit klarong tawag ng katulong mula sa labas ng saradong pinto. Paulit-ulit ang ginawa nitong pagtawag hanggat walang sagot na natatanggap.Nang maalimpungatan ay inis na bumangon si Aseneth, nakapikit pa ang mga mata at yamot na kinamot-kamot ang ulo na ang buhok ay nagulo mula sa pagkakahiga."Ano ba iyan, Yaya Marta? Naiistorbo nama
last updateLast Updated : 2023-12-30
Read more
Chapter 5.3
__________Kinabukasan, sariwa pa ang sikat ng araw ay gising na gising na si Ana. Naging napakaramot ng nagdaang gabi kung kaya wala siyang nahitang sapat na tulog. Hindi siya napagkatulog dahil sa salit-salitang mga kaisipang pumutakti sa kaniyang isip. Kung nahimbing man siya ay mababaw lang. Kahit nga panaginip ay wala siyang nahita, sa halip ay muta at sakit ng ulo lang ang kaniyang napala.Kung bakit pa, ay dahil sa naninibago siya sa kinaroroonan niya. Iyon kasi ang unang gabi niya sa bahay ng kaibigan niyang si Aseneth. Napilitan kasi siyang umalis sa sarili niyang tahanan, hindi para takasan ang mga problema, kundi dahil ang problema mismo ang nagpalayas sa kaniya.Kung siya lang naman ang masusunod, kahit pa bahain siya ng sangkaterbang mga problema sa tahanang iyon ay hindi siya aalis sa kabila ng lahat. Ang kaso ay hindi ganoon ang naging sitwasyon. Ang problema mismo, na mahal na mahal pa niya, ang nangyaring nagpalayas sa kaniya.Ano nga
last updateLast Updated : 2023-12-31
Read more
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status