Home / Romance / PRINCESS DELA BOTE / Chapter 2 THE SUITOR

Share

Chapter 2 THE SUITOR

Author: ArLan28
last update Huling Na-update: 2023-12-22 09:30:19

__________

Legend, that's how our hearts were shaped together;

a dream come true from up the heavens.

Uncertainties, once when ashamed,

they tell a story with our names.

To be in love sometimes is like a fantasy;

so full of wonders we couldn't help but agree.

It works in ways we can't predict;

it's more just like a magic trick.

A stroke of fate on the crossroads,

just you and me left in the world;

the meeting of our eyes married

in the isle called romance.

***

(In the Isle called Romance)

---Arnel T. Lanorio---

Kinabukasan ay tanghali nang nagising si Ana. Biniro nga siya ni Minerva.

"Ha-hay! Salamat naman at nagising na rin ang sleeping beauty pagkatapos ng long dreamy night niya with her prince charming alyas Enrico!" si Minerva, at talagang tinapik pa nito ang sariling noo habang nakapamaywang.

Marahang nag-inat-inat si Ana at lihim na nagtatatawa sa tinurang iyon ni Mine. Totoo naman kasi ang metaphor nito. Pero, siyempre, nagkaila siya. Ang idinahilan na lang niya ay napuyat siya dahil sa pinagsamang paninibago sa paligid at dahil sa kung anu-anong mga isiping idinulot sa kaniya ng sobrang excitement sa pagkakatanggap niya ng trabaho.

"Aysus at magkakaila ka pa! Ibinubuko ka na nga't lahat niyang mga mata mong malakristal na 'di naman dating gan'yan!"

Ang akala ni Ana ay niloloko lang siya ni Minerva at ang pinupunto nito ay mga muta lang sa kaniyang mga mata kaya nagpahid siya ng muta. Iyon pala, sinasabi nitong may kakaibang kinang daw sa mga mata niyang tanda ng nai-in love.

Nai-in love na nga siguro siya, kasi nang umagang iyon ay si Enrico agad ang nakalaman sa utak niya.

'Kumusta na kaya siya? Naaalala pa rin kaya niya ako? Sana ay magkita kami nang hindi sinasadya ngayong araw. Sana rin ay natatandaan pa niya ang pangalan ko,' mga piping hiling niya.

"Hoy, Miss Ana Santana De Impaktita! Maghanda-handa ka na at may pasok pa tayo," si Minerva na nakagayak na't lahat. Mabangung-mabango rin ito at preskong-presko tingnan. "Heto nga po at mauuna na 'ko sa 'yo. Ay, naipagluto na rin po kita ng pang-breakfast mo!" patuloy nito at tinungo na ang pinto para makaalis na. Pero hindi pa man ay bigla itong tumalikod ulit. "Dalian mo lang, ha! Ayaw na ayaw po ni Mr. Delgado ng late comers sa trabaho. At sa Heaven-Sent, siguro naman ay kabisado mo na rin ang pagpunta ro’n, malapit lang naman."

__________

Naiwan nang mag-isa sa apartment si Ana. Iniwan na siya ni Minerva dahil hindi ito pupuwedeng ma-late nang husto. Matagal na kasi ang pinsan niya sa Heaven-Sent, samantalang siya ay baguhan pa lang. Puwede rin namang hindi siya pumasok nang araw na iyon, pero naisip niyang mas maganda kung papasok na rin siya.

Kaya ang ginawa niya, nag-ayos na siya ng sarili matapos makaligo at makapag-agahan. Nagputing t-shirt lang siya at nagsuot ng jeans. Nakigamit na rin siya ng pabango ni Minerva kaya amoy pa lang ay impressive na siya.

Feeling nga ni Ana nang umagang iyon ay para siyang bagong persona sa ibabaw ng lupa. Siya ang bagong Ana on the limelight, a new Ana Marie Santana on the sunlit side of life, fresh and stunning!

Palabas na siya ng gate nang may matanawan siyang mama na nakabisikleta. Nakasumbrero ito at yuko ang ulo. Naka-shorts lang ang mama at litaw sa kulay blue-green nitong sando ang malakabataang mga masel. Hula niya ay tagaroon lang sa di-kalayuan ang mama pagkat nakita pa niya ito kanina habang lumalabas sa isang gate na yari sa kawayan.

Naglalakad na siya sa gilid ng daan patalikod sa mamang nakabisikleta nang hindi niya namamalayang makahabol ito't mag-slow down sa tapat niya.

"A-Ana?" tinig ng mama na pamilyar yata ang timbre kay Ana kaya ikinagulat niya. Mabilis siyang napalingon sa mukha ng mama. Kung hindi siya nagkakamali ay mukha ni Enrico ang nakikita niya. Ngiting-ngiti ito anupat naglitawan ang mapuputi at maliliit na mga ngipin.

"S-sino sila?" sa pagkabigla ay tanging nasabi ni Ana.

Napaangat ang mga kilay ni Enrico sa turan niyang iyon. "Hindi mo na ba ako natatandaan?" takang tanong nito.

"E-Enrico?" bulalas ni Ana.

"Ako nga, Ana! Akala ko hindi mo na agad ako natatandaan, e," natatawang sabi nito. Bahagya nitong inayos ang malapad na sumbrero, sapat lang para mapagmasdan niya ito nang maigi.

Napansin ni Ana na bagay pala nito ang nakasumbrero kahit mukhang mama sa malayuan. Ngayong malapit at si Enrico nga, 'di niya maiwasang palihim itong pagmasdan.

Malaman ang mga masel ng lalaki sa mga hita at mga binti, parang sa atleta. Ganoon din pagdating sa mga braso nito, at lantad sa hapit na sando ang malalapad na mga dibdib na para bang kaysarap paghiligan ng ulo.

"Kung hindi ako nagkakamali, palagay ko, natanggap ka 'no?" pukaw ng lalaki sa sandaling pananahimik niya. Muli nitong pinatakbo ang bisikleta ngunit mabagal lang, tama lang para makasabay sa kaniyang paglalakad.

Nako-conscious si Ana na hindi niya mawari dahil sa presensiya ni Enrico. Pati tuloy paglalakad ay pinagbubuti niya. Pakiramdam niya ay nagtataasan lahat ng balahibo niya, lalo na sa tuwing nahuhuli niya itong titig na titig sa kaniya. Nagkakandagewang nga ang pagbibisikleta nito sa katitingin sa kaniya.

"A, eh, oo. Natanggap nga ako," sabi niya na ang rehistro sa pandinig niya ay nangingiming hindi na yata niya nakontrol.

"Sabi ko na nga ba at matatanggap ka!" napapitik pa sa ereng wika nito. Magaling pala itong magmaniobra ng bike gamit ang isang kamay lang.

"Salamat nga pala sa iyo," hindi niya nakalimutang banggitin kagaya ng gustung-gusto niyang sabihin dito noong pagkatapos ng first meeting nila. Iyong balak niyang pupugin ito ng halik ngayong heto na at libreng-libre ay pinanggigigilan niyang gawin. Ang kaso lang, tinakasan siya ng lakas ng loob at kinatkat siya ng hiya.

"Salamat?" napapantastikuhang sabi ng lalaki. "P-para saan?"

"Para sa encouragement. Malaki rin kaya ang naitulong no'n sa akin," sagot niya.

"Ah, iyon ba," anang lalaki saka ngumiti. "Ako rin naman, e, may dapat ipagpasalamat sa iyo."

Siya naman ang napantastikuhan. Napataas pa nga ang mga kilay niya. "I-ikaw?" tanong niya.

"Oo," sagot ng lalaki.

"Eh, ano naman ang nagawa ko sa iyo?" tanong ulit niya.

Ngumiti na naman ang lalaki. Nagpapasikat na naman ang cute nitong biloy sa pisngi.

"Alam mo kasi, no'ng araw na nagkita tayo at nagkausap, pakiramdam ko, gumanda ang mundo ko. Para bang lahat ng pangit sa buhay ko ay naburang lahat," saad ng lalaki. "Pakiramdam ko nga para akong bagong tao sa mundo ngayon. Isang bagong persona ba, na sumisikat pa lang."

'Same feeling,' aniya sa isip. So hindi lang pala siya ang feeling new person nang araw na iyon. Nakakatuwa!

"Totoo?" siyempre, tanong niya pa rin. Hindi kasi siya makapaniwala of all chances. Biruin mo, siya at ang Enrico Neil na ito, both feeling new persons in the world! What a coincidence!

"Bakit?" ngunit pagkatango'y balik-tanong ng lalaki. "Parang hindi ba kapani-paniwala?"

Hindi nga ba? Sa tingin niya ay hindi naman siya binobola lang ng lalaki. Ang sabi ay makikita naman daw sa mga mata ng isang tao kung nagsasabi ng totoo o hindi. Sa nakikita niya ay mukhang nagsasabi naman ito ng totoo dahil diretso kung makatingin sa kaniya. Siya nga itong hindi makatingin nang diretso sa lalaki, e.

"Hindi naman sa gano'n," sabi niya.

"Alam mo, kahit ngayon, ramdam ko ay nasa ulap ako. Alam mo kung bakit?"

"Bakit nga ba?" tanong naman niya.

"Kasi kausap kita,” masiglang sagot ni Enrico. “Ewan ko ba, pero anggaan-gaan ng loob ko sa iyo," susog nito. Mukha na yatang unlimitted ang mga ngiti sa mamula-mulang mga labi ng lalaki. Mabuti na lang at hindi naman makuhang pagsawaan ni Ana. Ang totoo nga, pati siya ay lihim na ngiti nang ngiti.

Ngiti siya nang ngiti dahil, imagine, parehong-pareho talaga sila ng feeling ng lalaking ito. Kung siya naman ang tatanungin how she feel that time, para naman siyang lumulutang at idinuduyan sa ere. Wonder why? Hindi na dapat sinasagot iyon. Malay niya. Basta ayaw niyang mag-blush kaya pinipigil niya.

"E, diyan ka lang ba nag-i-stay sa may banda riyan?" tanong ni Enrico nang hindi na nakaimik si Ana. Ang tinutukoy nito ay ang apartment na pinagbuhatan niya kanina.

"A, e, oo. Kasama ko ang pinsan kong si Minerva."

"So, diyan ka lang pala!" anang lalaki na may kislap sa mga mata. Parang natutuwang malaman na doon lang siya naglalagi. "Mabuti naman at nakahanap ka kaagad at mayroon pang kasama."

"Oo nga, e. E, ikaw, tagarito ka lang?" tanong din niya kahit may clue na siya.

"A, oo tagariyan lang ako o, sa may pakurbang daan diyan," sagot ng lalaki na ikinatuwa niya. Iminuwestra pa nito ang pinagbuhatan kanina. Kung ganoon ay tama si Minerva sa kutob nitong pakikita uli ito sa kaniya. Siya naman ay maling-mali sa akala niyang tagamalayo ito. Natutuwa talaga siya dahil pagkalapit-lapit lang pala ng tinitirhan nito mula sa apartment nila ni Mine.

"S-Siya nga pala, Ana. M-May b-boy friend ka na ba?" tanong ni Enrico na bahagya niyang ikinagulat. Napalingon pa siya rito.

"Palagay mo?" ngunit balik tanong niya na napapangiti.

Ito naman ang tumingin sa kaniya na para bang nakapaskil o nakasulat sa mukha niya ang sagot. Hindi tuloy siya ulit makatingin dito.

"Sa palagay ko, meron na," anang lalaki. Mapapansing parang medyo kinurot ito sa sariling sagot.

"Gano'n?"

"Oo! Palagay ko, baka nga hindi lang isa, e. Kung hindi dalawa ay baka tatlo o apat."

"Ay, grabe ka naman! Ano naman ang palagay mo sa akin, play girl?" gulat na reaksiyon niya.

"Hindi naman. I mean, maganda ka kasi. Iyon bang gandang pagkakaguluhan ng mga kalalakihan," esplika ng lalaki na tuluyang ipinag-blush na niya nang ganoon na lang. Sinsero kasi ang pagkakasabi nito kaya hindi na tuloy talaga siya makatingin dito nang tuwid. Malamang sa malamang na pulang-pula na ang mukha niya. Kaya medyo pinahupa muna niya bago ulit sinagot ang lalaki.

"E, kung sabihin kong wala ni isa, maniniwala ka kaya?" sabi niya na totoo naman. Wala kasi talaga siyang time para makipag-boyfriend kahit na noong nasa Nueva Ecija pa siya. Manliligaw manapa ang marami siya na naiwan niya sa munisipalidad ng Rizal.

"Siguro," sagot ng lalaki. "Imposible man ay maniniwala ako. Iyon ang sabi mo, e."

'Ganoon pala iyon, imposibleng wala pang boyfriend ang beauty ko,' aniya sa isip. Kung sabagay, kung lalaki rin siya, hindi rin siya maniniwalang wala pang boyfriend sina Angel Locsin at Sam Pinto. Bakit ay pinaghalong Angel at Sam daw ang beauty niya.

'Ang lalaki kayang ito, may girlfriend na kaya?' kuwestiyon niya sa isip. Kung hitsura rin kasi nito ang pagbabasehan, malabong wala pa.

"Ako naman, kung tatanungin mo, wala pa ring girlfriend," boluntaryong sagot ng lalaki, hindi pa man siya nagtatanong.

Hayun na, natuwa siya sa nalaman. Imposible man, she can't help herself to believe. Sinabi nito, e. At saka similarity na naman, e, between the two of them. Nakagagaan talaga ng loob. How she wish nga na sana, they are the same in everything kahit na estranghero pa rin silang maituturing sa isa't isa.

"Sa ngayon iyan," patuloy ng lalaki. "Few years back, may girlfriend ako, pero hindi rin kami nagtagal. Alam mo kung bakit? Masyado kasing possessive at super selosa na pati mga kaibigan kong lalaki ay pinagseselosan. Aba, bakla yata ang tingin sa mga kaibigan ko. Grabe talaga!"

Natawa siya sa huling sinabi nito. May mga babae pala na ipagdadamot ang boyfriend maski sa mga kaibigan nitong lalaki? Siguro sobrang obsessed at takot lang mawala sa kaniya ang boyfriend.

__________

Then Heaven-Sent Enterprises came into view as they turned toward the intersection of the road. Marami na rin silang napagkuwentuhan ni Enrico Neil at pakiramdam nila ay at home na at home sila sa isa't isa. Para bang matagal na silang magkakilala na ngayon lang muling nagkita.

Oh, Heaven-Sent! Marami nang heaven sent sa buhay ni Ana ngayon. Una ay ang paglaya niya mula sa kamay ng mabagsik niyang tiyahin. Ikalawa ay ang pagkakahanap niya ng trabaho. At ikatlo — ibibilang na ba niya ang lalaking ito? Puwede na siguro. He was a luck omen naman kasi, gave her encouragement and made her feel good in a way that she never felt before. Ah, hindi pa rin siguro. Not necessarily still. May isang bagay pang kulang. Ano man iyon, hihintayin niya na lang.

__________

At dumating nga ang bagay na iyon isang gabi sa apartment nila ni Minerva. Abala sila sa panonood ng isang Korean drama sa telebisyon nang may kumatok sa kanilang pinto.

Si Minerva ang nagbukas sa pag-aakalang boyfriend nito ang tumatao. Dalaw-dalawin na rin kasi ito ng manliligaw. Ngunit nagulat lang ito nang hindi ang inaasahan ang makitang nakatayo sa may pinto.

"S-Sino ka?" dinig ni Ana na tanong ng pinsan.

"Ah, eh, ako nga pala si Enrico. N-Nariyan ba si Ana?"

Napatda si Ana sa narinig. Hindi kasi niya akalaing tototohanin ng lalaki ang biro nitong aakyat daw ng ligaw sa kaniya. Heto at nadalaw na. Hindi nga siya makatinag mula sa kinauupuan nang papasukin ito ni Minerva.

"Hi, Ana! Magandang gabi!" masigla at magalang na pagbati sa kaniya ni Enrico. Simple lang ang suot nitong puting t-shirt at itim na pantalong maong, ngunit lumutang ang taglay nitong kaguwapuhan na mala-foreigner. Nakatago sa likod nito ang isang kamay ngunit makisig pa rin ang tindig.

"Magandang gabi naman sa 'yo, Enrico," sukling bati ni Ana at tipid na ngumiti. Pinatay na rin tuloy niya ang telebisyon sa pamamagitan ng remote control.

Si Minerva naman, matapos alukin ng upo ang bisita ay nagpaalam na at may aayusin lang daw. Pero bago ito umalis ay nagparinig pa.

"Ay, sila na ang nakakakilig! Langgamin sana sila to the extra max! Ay-yay-yay!"

Nangiti roon si Enrico sa kakengkayan ni Minerva at si Ana naman ay nangimi dahil kinindatan siya ng lalaki. Hindi niya matingnan ito nang tuwid.

Inilantad ni Enrico ang itinatago sa likod, tatlong pulang mga rosas na halatang sariwa pa. Ang isa ay malaki at bukang-buka, ang isa naman ay bahagyang buka, at ang isa pa ay medyo buko pa.

"Roses para sa iyo, Ana," magiliw na sambit ng lalaki at lumapit sa kaniya para iabot ang mga bulaklak.

Kiming tinanggap niya ang mga iyon na paborito niya at habang inaabot ay 'di naiwasang magkadaiti ang kanilang mga kamay. Pakiramdam niya ay may ground ang malapad na kamay ng lalaki. Para siyang napaso o nakuryente kaya.

"A, siya, maupo ka," natatarantang sabi niya dahil sa sensasyong iyon.

Tumalima naman si Enrico. Pero umupo ito sa upuang pinakamalapit kay Ana.

Nang gabing iyon ay naka-yellow shorts lang si Ana at naka-sky-blue na tee. Ang awra niya ay parang modernang diyosa. Sinasamba nga ng mga mata ni Enrico ang kabuuan niya.

Nako-conscious si Ana sa bawat titig ng lalaki habang sinasamyo niya ang mababangong mga rosas. Kumakalabog ang kaniyang dibdib sa sobrang sensitibo ng kaniyang radar. Lahat na lang ng ukol sa lalaki ay nasasagap niya.

Una ay ang mga titig nga ng lalaki na parang humahaplos sa kaniyang buong pagkatao na nagpapataas ng kaniyang mga balahibo. Ikalawa ay ang pabango nitong hindi lang may tinge of leathery scent, may something woody scent na rin ito na humahalo sa amoy ng mga rosas. 'Kaysarap samyuin!' anang isip niya.

Ikatlo ay ang puwesto nitong malapit na malapit lang sa kaniya. Parang gusto niyang lalo pa itong lumapit para mas maramdaman niya ang presensiya nito.

At panghuli ay ang mga rosas nga na galing sa lalaki. Paborito talaga niya ang mga bulaklak na rosas. Roses are symbol of romance, kaya hindi niya mapigilang kiligin sa sitwasyon niyang iyon.

"Uhurm!" maya-maya ay tikhim ng lalaki.

Muntik pang mapakislot si Ana nang maantala ang munti niyang pagliliwaliw nang tila may bara sa lalamunang pinalis ang lalaki. Umusog pa ito nang kaunti palapit sa kaniya.

'No, don't touch! I will die!' sigaw niya kunyari sa isip at tila nawala sa sariling muling napalanghap sa mga rosas na hawak.

"M-mabango ba, Ana?" pasimulang tanong ng lalaki sa malaprangkang tinig nito.

"Uhm, mabango naman," tipid ngunit nakangiti niyang sagot.

"Bulaklak nga pala iyan ng tanim kong rosas," imporma ng lalaki.

"Talaga?" gulat niyang tanong. "You mean, mahilig ka rin sa mga rosas?"

Medyo natawa ang lalaki sa reaksiyon niya. "Hindi naman sa gano’n. Aksidente lang kasi ang pagkakatanim ko niyan. Pero at least ako pa rin ang nagtanim."

"Aksidente?" gagad niya. "Paanong aksidente?" naku-curious niyang untag.

"Ganito kasi iyon," pasimulang kuwento ng lalaki sabay bago ng posisyon ng pagkakaupo. Itinukod nito ang mga siko sa may tuhod saka pinagsalikop ang mga kamay. Ang mukha nito ay nakatuon pa rin sa kaniya. "Ideya ng pinsan kong si Romy na bigyan ko raw ng flowers 'yong dati kong girlfriend para hindi na magtampo sa akin. Pinsan ko mismo ang bumili no'ng roses. Tapos, nang ibibigay ko na, hindi naman tinanggap. Sa akin na lang daw lahat at inaway pa ako. Kaya hayon, umuwi akong pikon na pikon. Sa galit ko nga ay sa mga rosas ko tuloy naibunton. Pinagbabalibag ko ang mga iyon sa lupa. Hindi ko naman alam na patayo palang natusok ang mga iyon sa mamasa-masang lupa. Kaya hayon, tumubo at inalagaan ng nanay ko hanggang sa mamulaklak. Hayan nga," lahad nito sa mga rosas na taban niya. "Mababango pala!"

"Nakakatuwa naman 'yang kuwento mo! Parang alamat na ng rosas, ah," komento niya.

"At parang may kahulugan," napatuwid muli ng upo na dugtong ng lalaki.

"Gano'n? At ano naman kaya ang kahulugan?" tanong niya.

"Parang sinasabing makakakita ulit ako ng bago kaya tumubo," nangingiting sagot ng lalaki.

"Gano'n!" tanging reaksiyon niya.

"Yup! At natitiyak kong ikaw iyon!"

Siya raw! Nagtatawa siya sa isip. Pakiramdam niya ay siya tuloy ang mga rosas na tumubo na tanim kuno nito. Sinamyo-samyo na naman tuloy niya ang mga bulaklak. Pagkabango-bango! Kahit ang totoo'y pabango ni Enrico ang pilit niyang sinisinghot sa mga rosas!

"Naniniwala ka ba, Ana, sa love at first sight? Iyon bang unang tingin mo pa lang sa isang tao, dama mo kaagad na siya na ang magiging soul mate mo?" tanong ng lalaki kapag kuwan. Sa bawat galaw nito'y lalong tumatapang ang gamit na cologne.

Naniniwala nga siguro siya roon. Paano'y ganoon din ang nararamdaman niyang mayroon sa kaniya ang lalaki.

"Hmm, siguro, oo. Naniniwala akong totoo iyan. Ikaw na lang, mukhang na-love at first sight ka na sa akin, e," may langkap na birong aniya.

At iyon na nga! Sa mismong gabing iyon ay nagtapat kaagad ang lalaki ng nararamdaman nito at ng intensiyon nitong umakyat ng ligaw sa kaniya. Dumating din ang hinihintay niyang isa pang hulog ng langit. Nang umalis nga ang lalaki ay tuwang-tuwa niyang ikinuwento ang lahat kay Minerva.

"Alam mo, Mine, nagtapat sa akin ng pag-ibig si prince charming!" excited niyang balita.

"Ay, talaga?" hindi makapaniwalang tanong ni Minerva. "Sabi ko na, e, at fastforwarder iyon!" pabuntot pa nito.

"Anong fastforwarder ka d'yan?" medyo biglang napakunot ng noong tanong niya. Ang excitement niyang magkuwento ay medyo nabawasan.

"Eh, kasi po, angbilis duma-moves! Baka bukas niyan aayain ka na magpakasal. At sa tingin ko naman papayag ka kaagad without further pakipot!" mahabang saad ni Minerva sa tonong naloloka sa kanilang dalawa ni Enrico.

Natawa si Ana sa pinagsasabi ng pinsan. Naisip tuloy niyang pikahin ito.

"So? Super inggit ka na niyan, Miss Pangeta?"

"Aysus! Saang banda ako maiinggit? Hoy, huwag mo akong ginagan'yan! For your info, hindi ako panget. All caps diyosang panget ako 'no! 'Mantalang ikaw, lower cased diyosa lang!" At binelatan pa siya ng pinsan.

Napahagalpak nang tawa si Ana sa pagdedepensa kuno ni Minerva sa sarili. Kahit kailan ay mahusay itong umakting at talagang patawa sa patawa.

"Pero, 'di nga. Talaga bang nagtapat na sa iyo si Joseph mo?" matapos magtatawa rin ay untag ulit ni Minerva.

"Oo, nga! Saksi ang mga rosas na ito, oh!" napaseryoso bigla na sagot ni Ana habang marahan niyang niyuyugyog ang hawak na mga rosas sa harap ni Minerva.

"Wow! Paamoy nga!" at inabot agad nito ang hawak niyang mga rosas. At nang maamoy ay bigla itong napatili.

"Ay! Awatin mo ako, Ana! Kinikilig ako sa sobrang bango ng roses ni Joseph Marco mo! Kinikilig talaga ako, sobra! Aww!"

Kaugnay na kabanata

  • PRINCESS DELA BOTE   Chapter 3 : SWEET PROMISES

    So there we were, drank with the wine of love,words bloomed like flowers with the sweetest scent;the hum of a bee won't know it all,because they were whispered just between you and me.But ties strengthen as they seemand our union defied the seams;the future, we looked intoand there we hoped to make it true.By just a kiss, we sealed the times;though pass they may, at least we've set their rhymes —the rhymes of our hearts to withstand all,though many times we're bound to fall.By just a kiss, we locked the promiseand by just another kiss, one day,it will be reopenedas a fulfilled wish.***(By Just a Kiss)---Arnel T. Lanorio---Mula nang unang gabing iyon ng panliligaw ni Enrico kay Ana ay lagi na siya nitong dinadalaw. Kung hindi siya nito binibisita kung gabi ay inihahatid naman siya tuwing umaga sa Heaven-Sent, ganoon din tuwing hapon kung pauwi na sila ni Minerva. Laging sakay ito ng bisikleta at wari bang lagi itong nagbabantay at nakabakod sa kaniya.Paano naman, si

    Huling Na-update : 2023-12-23
  • PRINCESS DELA BOTE   Chapter 3.2

    Natatawa man siya sa naging hitsura nito ay hindi na pinansin ni Ana. Kiming hinarap na lamang niya ang naa-amuse na ginang at magalang na bumati rito.“Magandang hapon po!”“Magandang hapon naman sa iyo, iha! Halikayo rine sa loob at nang maipaghanda ko kayo ng mamimiryenda,” imbita ng ginang.“Dito na lang kami sa may hardin, 'nay!” singit ni Enrico sa magalang na paraan.“Sige, kayong bahala,” pakli ng ina ni Enrico na si Aling Nenita at saka tumalikod na para tumungo sa kusina. Alam na rin niya ang pangalan nito dahil madalas din itong ikuwento sa kaniya ni Enrico.Sila naman ay tinungo na ang di-kalayuang hardin. Doon ay may makikitang nakatirik na mesita at isang mahabang bangkuan na kapwa yari sa kawayan. Nayuyungyungan ang mga ito ng mayayabong na mga puno. Ang hardin ay hitik sa sari-saring halamang namumulaklak. Siyempre, pinakaprominente at pinakamarami ang mga bulaklak na rosas. Sa lupa na nga mismo nakatanim ang mga ito sa ha

    Huling Na-update : 2023-12-25
  • PRINCESS DELA BOTE   Chapter 3.3

    __________At ang mamaya ngang iyon ay naganap nang ihatid na siya ni Enrico sa apartment nila ni Minerva. Nagkataong wala roon ang pinsan, pero nag-iwan ito ng sulat sa ibabaw ng mesita na nasa salas. Ayon sa sulat, tutal day-off naman daw nila, kaya may date daw ito kasama ang nobyo. Baka gabihin daw ito nang uwi.“Okay pala ang pinsan mo, ah,” si Enrico. Makahulugan ang ngiti nitong hindi napansin ni Ana. Nakaupo na ito sa sopang naroroon.“Si Minerva? Naku, first time lang kasi magkanobyo n'on at hindi iyon marunong magpalagpas ng pagkakataon lalo at guwapo. Takaw-gwapo iyon, e,” kuwento ni Ana.“Tulad mo?" tanong ng lalaki.“Hindi, 'no! Saka bakit mo naman nasabi?”“Kasi, puro tulad kong mga guwapo ang mga manliligaw mo.”“Gano'n ba? Naku, ang sabihin mo, sila ang takaw sa maganda at seksi na katulad ko,” depensa ni Ana.“E, bakit ini-entertain mo pa silang lahat, pati ako?”“E, 'di ba nga, sinabi ko na

    Huling Na-update : 2023-12-26
  • PRINCESS DELA BOTE   Chapter 4 : SIPS OF WINE

    If troubled days come swimming byupon our pool of love;and if the end's to say goodbye,I'll choose us be as doves.Though we may fly free as the air,and roam the depths of skies;we know that life sometime's not fair,sometimes it breaks all ties.But reasons may mean that or this,that distance is what fits;who knows what lies beyond the seas,that only hurts can meet.We may be miles apart from now,but heartbeats, still the same;ours may be a broken vow,but still I know your name.***(Still I Know Your Name)---Arnel T. Lanorio---Dahil sa maalab na bugso ng kani-kanilang mga damdamin at sa kapusukan ng kanilang kabataan ay naging mabilis ang mga pangyayari sa buhay nina Ana at Enrico. Hindi pa man establisado ang para sa kanilang kinabukasan ay naisipan na kaagad nilang magpatali sa isa’t isa. Kakapasok lang noon ni Ana ng trabaho at si Enrico nama’y walang permanenteng hanapb

    Huling Na-update : 2023-12-27
  • PRINCESS DELA BOTE   Chapter 4.2

    __________Pagkatapos ng sagutan nilang iyon ay walang ginawa si Enrico kundi maghanap, ngunit hindi ng trabaho, sa halip ay ng mapagpapalipasan ng tensiyong dala ng matinding pag-iintindi sa kanilang mga problema. Ang natagpuan nga nito ay mabisa. Natagpuan na lang nito ang sarili na nagpapakalunod sa mga bula ng alak.Noong una’y hinahayaan lang ni Ana ang paminsan-minsang pakikipag-inuman ni Enrico sa mga kumpare nito. Batid naman kasi niyang kailangan iyon minsan ni Enrico para pansumandaling makalimutan ang kagipitang kanilang pinagdaraanan. Basta ang ginagawa niya’y nandiyan pa rin naman siya para magpaalala sa asawa sa obligasyon nito bilang padre de pamilya.Ngunit kalauna’y nakalilimot magpaalala si Ana. Palibhasa’y kailangan din niyang dumiskarte, madalas na ang isip niya’y nakatutok sa kung paano palihim na magka-racket para kahit paano’y may pampuno sila sa pang-araw-araw na gastuhin ng kanilang pamilya. Nariyang tumanggap siya ng kaunting labada pa

    Huling Na-update : 2023-12-28
  • PRINCESS DELA BOTE   Chapter 5 : AWAY FROM HER LOVE NEST

    __________Have all the love gone,that now you look at me like a stranger?Your smile is not the sameas the one I used to claim;who stole it away from me?I thought I'm still your ownbut now it seemed I'm wrong;the day I feared here comes,pushing away my arms —from holding you.Was this the changeof all that I suffered?my hopes, have they all gonethe day I found you with someone?What a sad love story,just a part of a sad memory!***(A Sad Love Story)---Arnel T. Lanorio---Hay, sa wakas, ang terminal ng Cabanatuan City sa probinsiya ng Nueva Ecija ay narating din ni Ana. Eksaktong alas-otso na ng gabi nang makababa siya mula sa sinakyan niyang bus na nanggaling pa ng Cubao, Quezon City. Halo-halo ang mga emosyong nagpipiyesta sa kaniyang abang dibdib.Kahit na pagod na pagod ay hindi na niya inintindi ang dala-dalang mabigat na travelling bag. Namimintog nga ito dahil

    Huling Na-update : 2023-12-29
  • PRINCESS DELA BOTE   Chapter 5.2

    __________Dahil naman sa maghapong pagtatrabaho sa rose farm na kilu-kilometro ang layo sa dyip na sinasakyan ni Ana, himbing na himbing sa kaniyang pagtulog nang gabing iyon si Aseneth. Hindi nito katabi sa pagtulog ang asawa sa malapad na kutsong kama, sa resthouse na kasi ito sa bukid nagpalipas ng gabi sa dahilang hindi nito natapos ang trabaho. Bahagya nang naghihilik si Aseneth at halata sa ayos ng pagkakahiga na nasa kasarapan na ng pagtulog.Nasa ganoong kalagayan si Aseneth nang sunud-sunod na mga katok ang bumulabog sa kahimbingan nito, ang katulong na si Aling Marta iyon."Senyora! Senyora!" mahina ngunit klarong tawag ng katulong mula sa labas ng saradong pinto. Paulit-ulit ang ginawa nitong pagtawag hanggat walang sagot na natatanggap.Nang maalimpungatan ay inis na bumangon si Aseneth, nakapikit pa ang mga mata at yamot na kinamot-kamot ang ulo na ang buhok ay nagulo mula sa pagkakahiga."Ano ba iyan, Yaya Marta? Naiistorbo nama

    Huling Na-update : 2023-12-30
  • PRINCESS DELA BOTE   Chapter 5.3

    __________Kinabukasan, sariwa pa ang sikat ng araw ay gising na gising na si Ana. Naging napakaramot ng nagdaang gabi kung kaya wala siyang nahitang sapat na tulog. Hindi siya napagkatulog dahil sa salit-salitang mga kaisipang pumutakti sa kaniyang isip. Kung nahimbing man siya ay mababaw lang. Kahit nga panaginip ay wala siyang nahita, sa halip ay muta at sakit ng ulo lang ang kaniyang napala.Kung bakit pa, ay dahil sa naninibago siya sa kinaroroonan niya. Iyon kasi ang unang gabi niya sa bahay ng kaibigan niyang si Aseneth. Napilitan kasi siyang umalis sa sarili niyang tahanan, hindi para takasan ang mga problema, kundi dahil ang problema mismo ang nagpalayas sa kaniya.Kung siya lang naman ang masusunod, kahit pa bahain siya ng sangkaterbang mga problema sa tahanang iyon ay hindi siya aalis sa kabila ng lahat. Ang kaso ay hindi ganoon ang naging sitwasyon. Ang problema mismo, na mahal na mahal pa niya, ang nangyaring nagpalayas sa kaniya.Ano nga

    Huling Na-update : 2023-12-31

Pinakabagong kabanata

  • PRINCESS DELA BOTE   FINALE

    __________Welcom to Marie-Neil's Paradise of Roses!Iyan ang nakasabit sa gate ng Dela Fuente's Residence na nagsisilbing pambungad na pagbati nina Enrico at Ana sa mga imbitadong guests sa kanilang engrandeng pagtataling puso.Isang garden wedding ang nakatalagang maganap sa araw na ito after the groom and bride reconciled at Santana's Residence.Kayganda ng paligid, full of rose blooms and different flowers that Ana has never seen before. And the house was like a medium-built mansion she dreamed of. The place turned into a real paradise!Naroroon na ang lahat. Present ang buong pamilya ng Tiyo Narding niya. Sina Aseneth at Daniel ay naroroon din kasama ang mga katiwala ng mga ito na naka-close na rin ni Ana. Dumalo rin sina Romy (pinsan ni Enrico) kasama ang asawa nito, si Minerva at ang nobyo nitong si Ferdie, sina Melinda at Nikko at ang ilan pang mahahalagang mga panauhin gaya ng mga ninong at ninang, ilan pang mga abay at marami pa

  • PRINCESS DELA BOTE   11.3

    Gagang Aseneth!Hahabol na lang siya nang mapansin niyang naroroon pa rin pala si Enrico sa sala. Iniwan pala ito ng dalawa. Kamuntikan na niya itong mabangga. Ang masama lang, face to face na sila ni Enrico, so near that she almost lost her breathe.Nakaloloko ang ngiting nag-flash sa mapupulang mga labi ng lalaki."Sali ka sa honeymoon?" tila nang-aakit na wika nito at walang sabi-sabing hinapit siya sa baywang.She got lost the moment she felt his body again. Oh, how she longed to feel and touch his body! And she was more than lost when his warm healing breathe caressed her face. It was so sweet to smell, making her world around whirl. Lalo pa nang maamoy niya ang same cologne nito. She was again a woman yearning to be kissed, embraced, caressed!Enrico kissed her passionately, healing every wound in her heart. That sweet, warm and gentle kiss is too much assurance that they love each other so much. That is what she waited for, greater

  • PRINCESS DELA BOTE   11.2

    __________“Ana! May naghahanap sa iyo sa salas. Isang babae. Camineth Rico daw ang pangalan niya,” imporma ng Tiyo Narding ni Ana na siyang bumasag sa malalim na pagbubulay-bulay ng kaniyang usaping puso.Napakunot siya ng noo. Camineth Rico? May kilala ba siyang Camineth Rico na puwedeng maghanap sa kaniya? Wala siyang maalala na kakilalang may pangalang Camineth. Sino man ito ay malalaman niya rin.Pagdating sa sala ay nagulat pa siya nang mapagsino ang Camineth Rico na tinutukoy ng tiyo niya. Ito ang babaeng kasama ni Enrico kanina!Ang talanding babae at iniba-iba pa ang pangalan! Kung puwede lang manabunot agad ay pinanggigigilan niyang gawin. Pasalamat na lang ang babaeng ito at nasa poder siya ng Tiyo Narding niya. Kung hindi lang sana nakakahiya sa tiyo niya ang mag-eskandalo ay hahamunin talaga niya ito ng giyerang babae sa babae.“Ano ang kailangan mo?” malamig niyang bungad. Hindi niya maiwasang maging malamig dito. Pati ang ma-ins

  • PRINCESS DELA BOTE   Chapter 11 : THE RECONCILIATION AND THE CHURCH WEDDING

    __________A sip of wine on the cup of love,at first’s honey sweet;you’re left enchanted yearning more,drowning in the deep.But later on, when all you’re drankwith its heavenly spell;you’d feel you’re in a perfect romance,and hoping it is real.But when the drunkenness subside,reality strikes;love wine has an aftertaste,a screening test it’s like.If love is true and really there, to back down, it never will;it will forever sort things out,for love never fails.***(A LOVE METAPHOR)---Arnel T. Lanorio---Samantala sa pabalik sa rose farm, noong kaaalis lang ni Ana sa poder nina Aseneth, halos naestatwa si Enrico nang makita nang di-inaasahan si Ana. Next month pa sana niya ito balak hanapin, pero malayo pa man ay heto na't nagkrus na nang hindi sinasadya ang kanilang mga landas. Hindi niya akalaing sa pagtatagpo muli nilang iyon ay namumuhi pa rin sa kaniya ang asaw

  • PRINCESS DELA BOTE   10.2

    __________Sa loob ng bahay ng mag-asawang Narding at Celia Santana, sa isang maayos-ayos na kuwarto, ay nag-iiiyak si Ana. Katabi niya ang tiya niya na kakikitaan ng pagkabahala at pagkaawa sa mukha habang pinatatahan siya. Ikinuwento rito ni Ana ang ginawa niyang pagpapakalayo at ang tungkol sa kanilang dalawa ng asawa niyang si Enrico.“Ang asawa ko!” mapait na iyak ni Ana. “Pero sa kabila ng lahat, mahal na mahal ko pa rin naman ang asawa ko, Tiyang!" hagulgol pa niya saka suminghot-singhot. Kaawa-awa ang kaniyang hitsura.“Oo, Ana. Mahal mo nga si Enrico. Kaya nga nagseselos ka, e. Pero tama na ang pag-iyak," alo ng tiya niya.Pero ibinuhos pa ni Ana ang lahat niyang luha sa natuklasan nang nasa resthouse pa siya nina Aseneth. Saka lang siya nakadama ng kagaanan ng loob nang mapagod siya sa pag-iyak. Luminaw rin pagkatapos ang kaniyang isip.Natawa pa nga si Ana sa sarili kapag kuwan. Ah, mahal nga talaga niya si Enrico kaya ganoon na lan

  • PRINCESS DELA BOTE   10.1

    Natapos din ang masaganang agahan at umaatikabong kuwentuhan at tawanan. Natapos din ang pagkukunwari niyang masayang-masaya. Naroroon na nga sila sa resthouse nina Aseneth. Doon siya agad inakay ng bestfriend dahil may ikukuwento raw ito sa kaniya; tungkol raw sa naging customer nito na nag-ambon ng grasya sa DaNeth's.“Alam mo, Ana. Naku! Kung nandito ka lang kahapon, nakita mo sana 'yong customer kong super-duper sa kaguwapuhan! Ang tangkad no'ng lalaki, tapos artistahin pa ang dating! Kung hindi ka lang naki-birthday, na-meet mo sana siya at iyong kasama niyang babae na napakaganda at napakaseksi rin,” pasimulang pagbibida ni Aseneth sa paraang para lang may itsinitsismis sa kaniya.“Talaga?” tanong niya na 'di naman gaanong interesado sa kadahilanang wala siya sa mood. Humahanap kasi siya ng tamang tiyempo para makapagpaalam na.“Oo, naman! Eto pa ha. Taga-Laguna siya. Kababayan mo! Neil ang pangalan at ang apelyido, e — teka — ano na nga ba? Nakalimu

  • PRINCESS DELA BOTE   Chapter 10 : THE SURPRISE

    __________Memories,when they were not at ease,that's because it's you I miss.Only if the stroke of fatedid not become a wall,I wouldn't have been at a distant shore.But even fatesometimes do play a game,of mending heartsthrough blowing out our flame;but when kindled once again,a stronger tie begins.The wishing back is there,let resume our love affair;the horizon's bright anew,just waiting for me and you.***(Mending Hearts)---Arnel T. Lanorio---Kinabukasan ay maagang gumising si Ana. Kagaya ng plano niya, takdang araw na ng pagpapaalam niya kay Aseneth. Uuwi na siya ng Biñan, Laguna. Miss na miss na miss na niya ang kaniyang tatlong cute na mga anak. Miss na miss na rin niya ang kaniyang lasenggong asawa. Tatanggapin na rin niyang manatiling maging isang Princess Dela Bote.A, talaga ngang maging ano pa si Enrico ay mahal pa rin niya ang lalaki. Mahal na mahal n

  • PRINCESS DELA BOTE   9.4

    __________LLANERA, NUEVA ECIJAAt dumating nga ang next week! Dumalo rin si Ana sa birthday ni Melinda. Grabe ang garden birthday party ng kaibigan! Ang akala niya ay simpleng birthday party lang ang magaganap. Iyon pala, bonggang celebration complete with lights, drinks, foods and sounds. Dinner-dance birthday party pala!Kaya hayon, kamuntikan pang ma-out of place ang suot niyang damit kumpara sa mga bisita roong sosyal na sosyal ang dating. Mabuti na lang at kahit simple ang suot niyang puffed sleeve, floral tank na kulay blushing pink at may floral print sa bandang upper left ng kaniyang dibdib at black denim skirt niya na may side slits ay bumagay naman at nagpalutang sa ganda niyang mala-celebrity.Eye-catcher pa rin siya kumpara sa iba pang bisita roon, lalo na pagdating sa mga kalalakihan na ang ilan ay mukhang interesado siyang makilala. Tuwang-tuwa at proud na proud nga siyang ipinakilala ni Melinda sa mga ito.Hayon, nakipagkuwentuhan na rin siya sa mga bisitang karamiha'y

  • PRINCESS DELA BOTE   9.3

    __________SAN FRANCISCO, BIÑAN, LAGUNAMababakas sa mukha ni Aling Nenita ang labis na tuwa dahil sa nasasaksihang pagbabago ng buhay ng kaniyang itinuturing na kaisa-isang anak.Una, hindi na ito palainom ng alak. Talagang hinarap na nito ang mga hamon ng buhay nang buong tatag at sikap.Ikalawa, laging may oras na ito para sa mga anak. Dahil dito, nawala na ang dating panlalamig ng dalawa nitong mga anak. Masaya na parati ang mga ito at kahit paano ay nakalilimutang wala si Ana.Ikatlo, hindi na hamak na dampa lang ang bahay ng anak. Isa na itong malaki-laking bahay. Sa tulong ng pamangking si Romy, unti-unting naayos ang buhay ng anak. Pero ang totoo, ang anak niya mismong si Enzo pala ang nasa likod ng malaking pera na pahiram lang kuno ni Romy. Hindi nga pala totoong kinalimutan na sila nang lubusan ng panganay na anak. Nangako lang pala ito sa sarili na hindi ito magpaparamdam sa kanila hanggat wala pa itong maitutulong upang maiahon si

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status