Share

Chapter 3.3

__________

At ang mamaya ngang iyon ay naganap nang ihatid na siya ni Enrico sa apartment nila ni Minerva. Nagkataong wala roon ang pinsan, pero nag-iwan ito ng sulat sa ibabaw ng mesita na nasa salas. Ayon sa sulat, tutal day-off naman daw nila, kaya may date daw ito kasama ang nobyo. Baka gabihin daw ito nang uwi.

“Okay pala ang pinsan mo, ah,” si Enrico. Makahulugan ang ngiti nitong hindi napansin ni Ana. Nakaupo na ito sa sopang naroroon.

“Si Minerva? Naku, first time lang kasi magkanobyo n'on at hindi iyon marunong magpalagpas ng pagkakataon lalo at guwapo. Takaw-gwapo iyon, e,” kuwento ni Ana.

“Tulad mo?" tanong ng lalaki.

“Hindi, 'no! Saka bakit mo naman nasabi?”

“Kasi, puro tulad kong mga guwapo ang mga manliligaw mo.”

“Gano'n ba? Naku, ang sabihin mo, sila ang takaw sa maganda at seksi na katulad ko,” depensa ni Ana.

“E, bakit ini-entertain mo pa silang lahat, pati ako?”

“E, 'di ba nga, sinabi ko na sa iyo na babastedin ko na silang lahat.”

“Kasali ako?” taas ang mga kilay na tanong ni Enrico. Parang hindi makapapayag na pati ito ay babastedin niya.

Lihim na napangiti si Ana. “Sabihin ko kayang, oo,” biro niya.

Pero hindi niya inaasahang siseryosohin ito ng binata. Bigla-bigla na lang lumungkot ang ekspresyon ng maamo nitong mukha.

“Ganoon ba?” walang latoy na pahayag ni Enrico at laylay ang mga balikat na tumayo't lumapit kay Ana. “Aalis na ako kung ganoon,” bulong nito at tinungo na ang pintuan.

Nagulo ang isip ni Ana sa biglang pagkakaganoon ni Enrico. Ganoon na ba kalalim ang binitiwan niyang biro para agad itong magkaganoon? Mali ba ang naging facial expression niya? Wrong timing ba ang pagbibiro niya? Mali ba ang mga salitang lumabas mula sa bibig niya?

“Hoy, sandali!” Kunot-noong hinabol ni Ana ang binata. Huminto naman ito, ngunit nakatalikod pa rin sa kaniya. Ang hindi niya alam ay nakangisi pala ito nang makahulugan.

Nilapitan niya ito.

“Anong nangyari sa iyo? Binibiro lang kita, 'di ba?” nag-aalalang tanong ni Ana.

Biglang humarap sa kaniya si Enrico na nakangisi pa rin sabay hapit sa maliit niyang baywang na ikinabato niya. Ang bahagyang ikinuyom na kanang kamao nito ay idinaiti sa makinis niyang baba. Marahan nitong iniangat ang mukha niyang sinasamba ng mga mata nito.

Pinangangapusan ng hininga si Ana sa posisyon nilang iyon. Ang buong pagkatao niya ay parang binabalot ng isang makapangyarihang puwersa. Damang-dama niya ang kapwa malalakas na pintig ng kanilang mga puso.

“Alam kong ako lang ang lalaki sa puso mo, Ana,” masuyong bulong ni Enrico. Bahagya nitong inilapit ang mukha anupat ang mainit at mabangong hininga nito'y tumatama sa mukha ni Ana. Nilunod nito ang kaniyang diwa. “Gaya rin ng ikaw lang ang babae sa puso ko,” susog pa nito.

Iyon lang ang sinabi nito at dahan-dahan nang binagtas ang nalalabing espasyo sa pagitan ng kanilang mga labi. Muling nadama ni Ana ang mamasa-masa, mainit-init at malambot-lambot na mga labi ni Enrico. Sa pagkakataong ito ay binuhay na nito ang pakatago-tago niyang makamundong pagnanasa anupat nagpatukso siyang gumanti. Dahil dito’y lalong naging mapusok ang binata. Humigpit ang pagkakahapit nito sa kaniyang katawan hanggang sa maramdaman na lang niya ang pagbundol ng pagkalalaki nitong unti-unting nabubuhay.

Sa sandaling iyo’y nawala sa sariling wisyo si Ana, at lalo pa siyang nawala sa sarili nang simulang haplusin ni Enrico ang mga bundok sa kaniyang dibdib. Naroroon sa bawat nitong haplos ang pagsamba, ang pag-iingat at pananabik.Gustong magprotesta ng isip ni Ana ngunit tuluyan na siyang ipinagkanulo ng kaniyang katawan. Halik dito at halik doon. Haplos dito’t haplos doon ni Enrico. Wala na, darang na darang na si Ana sa nilalaro nilang apoy.

Kapag kuwa’y tuluyan nang lumantad ang malulusog na mga dibdib ni Ana. Bininyagan ng naninibasib na mga labi ni Enrico ang mga korona ng mga ito matapos pagsawaan ang liliyad-liyad niyang leeg. At nang hindi pa ito makuntento’y pumaibaba pa nang pumaibaba ang paghagod ng dila’t bibig nito.

Kalauna’y kapwa na sila bagong silang na mga sanggol na wala nang ni saplot sa katawan. Magkapatong silang naroroon sa ibabaw ng malambot na pahabang sofa sa sala ng apartment. Halos mapugto ang hininga ni Ana nang simulan siyang pasukin ni Enrico. Napaungol siya sa sakit na naramdaman.

“Sorry, sorry!” paumanhing anas ni Enrico. May sumilay na mas tuminding damdamin para kay Ana sa mga mata nito dahil sa natuklasan. “Dadahan-dahanin ko, Ana. Sisiguraduhin kong hindi mo pagsisisihan ang pag-angkin ko sa iyo.”

At ganoon nga ang ginawa ni Enrico. Tila ritmo ng malamyos na musika ang pag-indayog ng kanilang mga katawan. Unti-unting nawala ang sakit na nararamdaman ni Ana hanggang sa napalitan ito ng hindi maipaliwanag na glorya. Sumabay sa kanilang paglalayag sa karagatan ng pag-ibig ang maaliwalas na kalangitan sa labas. Pinalibutan sila ng mga anghel, pinatunog ang kanilang mga alpa habang sinasabayan ng kanilang malamyos ngunit matamis na awitin ang bawat nilang mga ungol.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status