__________
Sa loob ng bahay ng mag-asawang Narding at Celia Santana, sa isang maayos-ayos na kuwarto, ay nag-iiiyak si Ana. Katabi niya ang tiya niya na kakikitaan ng pagkabahala at pagkaawa sa mukha habang pinatatahan siya. Ikinuwento rito ni Ana ang ginawa niyang pagpapakalayo at ang tungkol sa kanilang dalawa ng asawa niyang si Enrico.“Ang asawa ko!” mapait na iyak ni Ana. “Pero sa kabila ng lahat, mahal na mahal ko pa rin naman ang asawa ko, Tiyang!" hagulgol pa niya saka suminghot-singhot. Kaawa-awa ang kaniyang hitsura.“Oo, Ana. Mahal mo nga si Enrico. Kaya nga nagseselos ka, e. Pero tama na ang pag-iyak," alo ng tiya niya.Pero ibinuhos pa ni Ana ang lahat niyang luha sa natuklasan nang nasa resthouse pa siya nina Aseneth. Saka lang siya nakadama ng kagaanan ng loob nang mapagod siya sa pag-iyak. Luminaw rin pagkatapos ang kaniyang isip.Natawa pa nga si Ana sa sarili kapag kuwan. Ah, mahal nga talaga niya si Enrico kaya ganoon na lan__________A sip of wine on the cup of love,at first’s honey sweet;you’re left enchanted yearning more,drowning in the deep.But later on, when all you’re drankwith its heavenly spell;you’d feel you’re in a perfect romance,and hoping it is real.But when the drunkenness subside,reality strikes;love wine has an aftertaste,a screening test it’s like.If love is true and really there, to back down, it never will;it will forever sort things out,for love never fails.***(A LOVE METAPHOR)---Arnel T. Lanorio---Samantala sa pabalik sa rose farm, noong kaaalis lang ni Ana sa poder nina Aseneth, halos naestatwa si Enrico nang makita nang di-inaasahan si Ana. Next month pa sana niya ito balak hanapin, pero malayo pa man ay heto na't nagkrus na nang hindi sinasadya ang kanilang mga landas. Hindi niya akalaing sa pagtatagpo muli nilang iyon ay namumuhi pa rin sa kaniya ang asaw
__________“Ana! May naghahanap sa iyo sa salas. Isang babae. Camineth Rico daw ang pangalan niya,” imporma ng Tiyo Narding ni Ana na siyang bumasag sa malalim na pagbubulay-bulay ng kaniyang usaping puso.Napakunot siya ng noo. Camineth Rico? May kilala ba siyang Camineth Rico na puwedeng maghanap sa kaniya? Wala siyang maalala na kakilalang may pangalang Camineth. Sino man ito ay malalaman niya rin.Pagdating sa sala ay nagulat pa siya nang mapagsino ang Camineth Rico na tinutukoy ng tiyo niya. Ito ang babaeng kasama ni Enrico kanina!Ang talanding babae at iniba-iba pa ang pangalan! Kung puwede lang manabunot agad ay pinanggigigilan niyang gawin. Pasalamat na lang ang babaeng ito at nasa poder siya ng Tiyo Narding niya. Kung hindi lang sana nakakahiya sa tiyo niya ang mag-eskandalo ay hahamunin talaga niya ito ng giyerang babae sa babae.“Ano ang kailangan mo?” malamig niyang bungad. Hindi niya maiwasang maging malamig dito. Pati ang ma-ins
Gagang Aseneth!Hahabol na lang siya nang mapansin niyang naroroon pa rin pala si Enrico sa sala. Iniwan pala ito ng dalawa. Kamuntikan na niya itong mabangga. Ang masama lang, face to face na sila ni Enrico, so near that she almost lost her breathe.Nakaloloko ang ngiting nag-flash sa mapupulang mga labi ng lalaki."Sali ka sa honeymoon?" tila nang-aakit na wika nito at walang sabi-sabing hinapit siya sa baywang.She got lost the moment she felt his body again. Oh, how she longed to feel and touch his body! And she was more than lost when his warm healing breathe caressed her face. It was so sweet to smell, making her world around whirl. Lalo pa nang maamoy niya ang same cologne nito. She was again a woman yearning to be kissed, embraced, caressed!Enrico kissed her passionately, healing every wound in her heart. That sweet, warm and gentle kiss is too much assurance that they love each other so much. That is what she waited for, greater
__________Welcom to Marie-Neil's Paradise of Roses!Iyan ang nakasabit sa gate ng Dela Fuente's Residence na nagsisilbing pambungad na pagbati nina Enrico at Ana sa mga imbitadong guests sa kanilang engrandeng pagtataling puso.Isang garden wedding ang nakatalagang maganap sa araw na ito after the groom and bride reconciled at Santana's Residence.Kayganda ng paligid, full of rose blooms and different flowers that Ana has never seen before. And the house was like a medium-built mansion she dreamed of. The place turned into a real paradise!Naroroon na ang lahat. Present ang buong pamilya ng Tiyo Narding niya. Sina Aseneth at Daniel ay naroroon din kasama ang mga katiwala ng mga ito na naka-close na rin ni Ana. Dumalo rin sina Romy (pinsan ni Enrico) kasama ang asawa nito, si Minerva at ang nobyo nitong si Ferdie, sina Melinda at Nikko at ang ilan pang mahahalagang mga panauhin gaya ng mga ninong at ninang, ilan pang mga abay at marami pa
__________Hearts, when they're really meant to be,no telling when will start their story;it could simply be unexpectedly,but in the waythat even foretellers couldn't be able to see.Sometimes love beginsby just the meeting of eyes,sometimes by just a curve of smile;could even be born fresh from a fight,or after a war,it will twinkle like a star.But love,when its pages unfold;expect a roller coaster world,expect a zoo of wild emotions;sometimes a seatbelt's not enough,to secure you on the rides of love!***(The Rides of Love)---Arnel T. Lanorio---Dahil sa hirap ng buhay, at siyempre para sa simpleng pangarap para sa kaniyang kinabukasan, napilitang maghanap ng mapagtatrabahuan ang dalagang si Anna Marie Santana. Ulilang lubos na at ampon lang siya ng kanyang Tiyo Narding na kapatid ng yumao niyang ama. Nakikipisan lang siya sa pamilya nito sa Barangay Maligaya sa isang munisipalidad sa probinsiya ng Nueva Ecija. Malaki ang pamilya ng kaniyang tiyo, may sampung miyembr
__________Legend, that's how our hearts were shaped together;a dream come true from up the heavens.Uncertainties, once when ashamed,they tell a story with our names.To be in love sometimes is like a fantasy;so full of wonders we couldn't help but agree.It works in ways we can't predict;it's more just like a magic trick.A stroke of fate on the crossroads,just you and me left in the world;the meeting of our eyes marriedin the isle called romance.***(In the Isle called Romance)---Arnel T. Lanorio---Kinabukasan ay tanghali nang nagising si Ana. Biniro nga siya ni Minerva."Ha-hay! Salamat naman at nagising na rin ang sleeping beauty pagkatapos ng long dreamy night niya with her prince charming alyas Enrico!" si Minerva, at talagang tinapik pa nito ang sariling noo habang nakapamaywang.Marahang nag-inat-inat si Ana at lihim na nagtatatawa sa tinurang iyon ni Mine. T
So there we were, drank with the wine of love,words bloomed like flowers with the sweetest scent;the hum of a bee won't know it all,because they were whispered just between you and me.But ties strengthen as they seemand our union defied the seams;the future, we looked intoand there we hoped to make it true.By just a kiss, we sealed the times;though pass they may, at least we've set their rhymes —the rhymes of our hearts to withstand all,though many times we're bound to fall.By just a kiss, we locked the promiseand by just another kiss, one day,it will be reopenedas a fulfilled wish.***(By Just a Kiss)---Arnel T. Lanorio---Mula nang unang gabing iyon ng panliligaw ni Enrico kay Ana ay lagi na siya nitong dinadalaw. Kung hindi siya nito binibisita kung gabi ay inihahatid naman siya tuwing umaga sa Heaven-Sent, ganoon din tuwing hapon kung pauwi na sila ni Minerva. Laging sakay ito ng bisikleta at wari bang lagi itong nagbabantay at nakabakod sa kaniya.Paano naman, si
Natatawa man siya sa naging hitsura nito ay hindi na pinansin ni Ana. Kiming hinarap na lamang niya ang naa-amuse na ginang at magalang na bumati rito.“Magandang hapon po!”“Magandang hapon naman sa iyo, iha! Halikayo rine sa loob at nang maipaghanda ko kayo ng mamimiryenda,” imbita ng ginang.“Dito na lang kami sa may hardin, 'nay!” singit ni Enrico sa magalang na paraan.“Sige, kayong bahala,” pakli ng ina ni Enrico na si Aling Nenita at saka tumalikod na para tumungo sa kusina. Alam na rin niya ang pangalan nito dahil madalas din itong ikuwento sa kaniya ni Enrico.Sila naman ay tinungo na ang di-kalayuang hardin. Doon ay may makikitang nakatirik na mesita at isang mahabang bangkuan na kapwa yari sa kawayan. Nayuyungyungan ang mga ito ng mayayabong na mga puno. Ang hardin ay hitik sa sari-saring halamang namumulaklak. Siyempre, pinakaprominente at pinakamarami ang mga bulaklak na rosas. Sa lupa na nga mismo nakatanim ang mga ito sa ha