Home / Romance / PRINCESS DELA BOTE / Chapter 1 : IN LOVE WITH A STRANGER

Share

PRINCESS DELA BOTE
PRINCESS DELA BOTE
Author: ArLan28

Chapter 1 : IN LOVE WITH A STRANGER

Author: ArLan28
last update Huling Na-update: 2023-12-22 09:30:58

__________

Hearts, when they're really meant to be,

no telling when will start their story;

it could simply be unexpectedly,

but in the way

that even foretellers couldn't be able to see.

Sometimes love begins

by just the meeting of eyes,

sometimes by just a curve of smile;

could even be born fresh from a fight,

or after a war,

it will twinkle like a star.

But love,

when its pages unfold;

expect a roller coaster world,

expect a zoo of wild emotions;

sometimes a seatbelt's not enough,

to secure you on the rides of love!

***

(The Rides of Love)

---Arnel T. Lanorio---

Dahil sa hirap ng buhay, at siyempre para sa simpleng pangarap para sa kaniyang kinabukasan, napilitang maghanap ng mapagtatrabahuan ang dalagang si Anna Marie Santana. Ulilang lubos na at ampon lang siya ng kanyang Tiyo Narding na kapatid ng yumao niyang ama. Nakikipisan lang siya sa pamilya nito sa Barangay Maligaya sa isang munisipalidad sa probinsiya ng Nueva Ecija. Malaki ang pamilya ng kaniyang tiyo, may sampung miyembro at talagang hirap ito na tustusan ang lahat ng pangangailangan ng mag-anak. Siyempre, bilang tumatayo na ring panganay at bilang pagtanaw ng utang loob sa kaniyang tiyo, gusto rin niyang makatulong rito. Pero ang talagang isa pang nagtutulak sa kaniya para makipagsapalaran sa buhay na malayo sa pamilya ng Tiyo Narding niya ay dahil sa noon pang hindi magandang trato sa kaniya ng kaniyang Tiya Sabel. Mainit ang dugo nito sa kaniya at madalas siyang pahirapan sa tuwing wala ang kaniyang tiyo.

May pinsan si Ana na nagtatrabaho bilang factory worker sa isang pabrika sa San Francisco, Biñan, Laguna. Dito niya naisipang humingi ng tulong. Nagkataon namang hiring sa pabrikang iyon kaya sinamantala ni Ana. Nag-apply kaagad siya rito. Sa kabutihang palad, isa siya sa mga aplikanteng nakatanggap ng mensahe para sa interview. Kinailangan niyang agad lumuwas at sinundo naman siya ng pinsan niyang si Minerva. Pansamantala siyang tumuloy sa inuupahan nitong apartment doon sa Laguna.

At dumating nga ang araw ng interview ni Ana. Ayon kay Minerva, ang amo raw mismo nito na si Mr. Ambrocio Delgado ang makakaharap niya. Kinakabahan siya habang naghihintay sa pila sa labas ng opisina nang umagang iyon. Labas-masok ang mga aplikanteng kasabayan niya. Laylay ang balikat ng ilan at nakalarawan ang kabiguan sa kanilang mga mukha tandang hindi nakapasa sa interview. Lalong kumakabog ang dibdib niya sa tuwing ganoon ang nakikita, pero kapag ang nakikita naman niyang lumalabas ay abot-tainga ang ngiti at nangniningning ang mga mata sa tuwa ay nabubuhayan siya ng pag-asa.

Isa sa mga aplikanteng lumabas na laylay ang mga balikat ay ang isang lalaking matangkad na ang kulay ng kutis ay nasa pagitan ng moreno at mestiso. Natawag ang kaniyang pansin, hindi dahil sa nakaaawang hitsura nito kundi dahil sa taglay nitong tinatawag na masculine appeal — iyong klase ng appeal na hindi palalagpasin ng kahit na sinong babae.

May angking kaguwapuhan ang lalaki na iba ang dating kay Ana. Ang totoo’y hindi lang siya ang natawag nito ng pansin, maging ang ilang kababaihan na naroroon sa labas ay napabaling din ng tingin sa direksiyon ng lalaki.

Ini-enjoy ng kaniyang mga mata ang pagtitig sa mukha ng estrangherong lalaki nang walang ano-ano’y mag-angat ito ng bahagyang nakayukong ulo, at sa di sinasadya’y sa direksiyon pa niya napatuon. Nagtama ang kanilang mga mata.

Tila nabato-balani ang kanilang mga mata sa isa’t isa at tila ba bumagal ang ikot ng mundo nang mga sandaling iyon. Unti-unting napangiti ang lalaki at sa ngiti nito’y may kung anong feeling na nadama sa dibdib si Ana. Bahagya tuloy siyang kinatkat ng pangingimi at di niya malaman kung susuklian ba ang ngiti ng lalaki o pirmi na lang na maeestatwa sa kaniyang kinatatayuan.

Papalapit sa kinaroroonan niya ang paglalakad ng lalaki. Ang pila kasi ay sa gilid lang ng pasilyo. Ang tila nakaeengganyong ngiti nito ay napalitan ng mga matang nagsasabing ‘ganito talaga ang buhay’, gaya rin ng ipinapakahulugan ng pagkikibit-balikat nito.

“Hi! Sana matanggap ka,” nakangiti ulit na bati ng lalaki nang huminto sa mismong tapat ni Ana. Sa pakiwari niya ay lalo itong gumuwapo sa malapitan. May maliit na biloy pala ito sa kanang pisngi kapag nakangiti, bagay na hindi pansin sa malayuan. “Hirap kapag hindi ka pa nga natatanggap ay sisante ka na agad,” medyo napapailing na dugtong ng lalaki.

“S-Sana nga,” tipid na sabi ni Ana at nagpakawala ng tipid ding ngiti. Hindi niya napigilang bahagyang makadama ng kiliti nang maamoy niya ang panlalaking pabango ng lalaki. Ewan niya, pero parang hindi rin buo ang boses na lumabas sa kaniyang bibig. Nagtatalo kasi sa kawawa niyang dibdib ang kaba dahil malapit na rin ang time niyang ma-interview at dahil sa nakalulunod na presensiya ng lalaki.

“Uhm, kinakabahan ka yata,” puna ng lalaki sa obvious na nangyayari sa kaniya.

“Ah, o-oo nga eh,” tugon niya na hindi na naitago ang napalakas niyang paghinga dahil sa pag-aalburuto ng kaba sa kaniyang dibdib. Iyong mag-blush ang pinangangambahan niya na ayaw niyang mangyari dahil paniguradong agad mahahalata dahil maputi ang kaniyang mukha.

Simpleng natawa ang lalaki. “Huwag kang kabahan,” pagpapalakas-loob nito. “Palagay ko naman e, sa hitsura mong ‘yan, malabong hindi ka matanggap.”

Medyo sumigla ang malaprangkang boses ng lalaki, parang naglaho na ang epekto ng katatamong kabiguang matanggap sa trabaho. Siguro sinadyang ganoon para ma-encourage siya. Lihim namang natuwa si Ana sa isiping iyon.

‘Eh, bakit ikaw, may hitsura ka rin naman, ah. Bakit hindi ka natanggap?’ muntik-muntikan niyang masabi. Mabuti na lang at hindi siya ipinagkanulo ng sarili niyang tinig. “S-Sana nga,” ito sa halip ang nasambit niya.

“Alam mo, tiyak kong unang tingin pa lang sa iyo ni Mr. Delgado ay tatanggapin ka agad no’n!” saad ng lalaki na para bang siguradong-sigurado. Sa isip-sip ni Ana ay nasasabi niyang may pagkabolero yata ang lalaki.

“Ay, gano’n? Paano mo namang nasabi ‘yan?” tanong niya kasabay ng paghupa na ng nadaramang kaba, palibhasa ay ginanahan siyang bigla dahil mukhang magandang kausap ang lalaki. Pero ang toto, gustong-gusto ng kaniyang pandinig ang malinaw nitong boses.

“Sabihin na lang nating may third eye ako at nakita ko ang nakatakdang mangyari,” anang lalaki na binuntutan ng cute na tawa ang binitiwang biro. Nakahahawa pala itong tumawa kaya siya man ay nakitawa na rin.

“Ay, monster in disguise ka pala, eh!” biro ni Ana. Nagbiro ang lalaki kaya nagbiro na rin siya. Napapalagay na rin naman ang loob niya rito, kahit hindi pa niya ito lubos na kilala. Gusto na nga niyang malaman kung ano ang pangalan nito. Pero, siyempre, ito ang hinihintay niyang unang magpakilala. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay ladies first. Magpapakipot muna siya.

“Medyo lang,” natatawang sabi ng lalaki sabay baling ng tingin sa bandang pinto ng opisina ni Mr. Delgado nang may lumabas mula roon. Pangalawa na si Ana sa pila noon at ang nauuna sa kaniya ay tinawag na. Hindi na magtatagal ay siya na ang sasalang para sa interview.

“O, paano iyan, ikaw na pala ang susunod.” Napakamot sa ulo ang lalaki. Parang ayaw pa siya nitong iwan. “Ipagpe-pray na lang kita, ha, para hundred percent kang matanggap.” Ngumiti ito nang pagkalapad-lapad sa kay Ana.

Nagpasalamat naman siya kahit medyo may kaunting inis. Wala na yata kasing balak na magpakilala ang lalaki, o kahit alamin man lang ang maganda niyang pangalan.

“Ah, siya nga pala!” nang biglang wika ng lalaki na parang may naalala. “Hindi ko pa pala alam ang pangalan mo.”

Siyempre, nagliwanag ang mukha ni Ana. For heaven’s sake, nagkaroon siya ng puwang sa mundo ng lalaki.

“Ako nga pala si Enrico. Enrico Neil Dela Fuente,” pakilala ng lalaki sabay lahad ng isang palad para makipagkamay.

Natukso naman siyang abutin ang malapad na palad ng lalaki ngunit para lang mapaso at makadama ng lihim na kiliti sa banayad nitong pagpisil sa kaniyang nagmistulang nanliliit na kamay.

“Ako naman si Ana. Ana Marie Santana,” matamis ang ngiting pakilala naman niya sa sarili. Ramdam na ramdang niyang parang biglang kumapal ang lagpas-balikat niyang buhok. Pasiple pa siya sa pag-flip nito.

Matapos nilang magkamay ay nagpaalam na si Enrico. “Paano, Ana, magpapaalam na ‘ko ha? Best of luck na lang sa ‘yo,” banayad nitong wika.

“Thanks, Enrico. Ingat palagi,” paalam din ni Ana at may ipinahabol pa nang papalayo na ang lalaki. “Salamat sa encouragement!”

Napalingon si Enrico. Maluwang ang ngiti nito. “Wala ‘yon. Best of luck ulit!” saka ito nagpakawala ng makahulugang kindat.

__________

Sa wakas ay tinawag din ang pangalan ni Ana. Muntik na nga niyang hindi marinig dahil laman pa rin ng isip niya ang mukha ni Enrico. Kamukha ito ng isang sikat na hunk actor sa local showbiz, pero kumpara rito ay mas lamang ito sa katangkaran at kagandahang lalaki.

Pumasok siya sa loob ng opisina na pagdarausan ng interview. Hindi na siya kinakabahan nang sandaling iyon, sa halip ay natutuwa. Hindi dahil sa mai-interview na rin siya kundi dahil nakilala niya ang para sa kaniya’y pinakaguwapong lalaki sa balat ng lupa.

“Good morning sir!” masiglang bati ni Ana kay Mr. Delgado. Nagulat pa ito dahil sa nakitang maganda niyang awra na halatang natural at walang ni kaunting bakas ng kaba. Masigla rin tuloy itong napangiti, at katulad ng sinabi sa kaniya ni Enrico, ang pagkakatitig nito ay tila nagsasabing gusto na agad siyang tanggapin.

“Please sit down, beautiful lady,” wika ni Mr. Delgado. Nakalahad ang kamay nito sa direksiyong kinaroroonan ng isang silya na malapit lamang sa lamesa nito.

“Thank you, sir!” nakangiting pasalamat ni Ana saka relaxed na umupo.

“So, you sure are applying as a — factory worker?” hindi makapaniwalang unang tanong ni Mr. Delgado.

“Yes, I am, sir,” tipid na tugon ni Ana ngunit di kinalilimutan ang mga tip na ipinabaon sa kaniya ng pinsan niyang si Minerva. Alerto siyang nakaupo nang tuwid.

“I can’t believe. A young and pretty lady like you just wants to be a factory worker? Didn’t you come here for a position other than that? Something better?” hindi pa rin makapaniwalang pagtatanong ni Mr. Delgado.

Sinabi niya ang totoo niyang pakay sa pag-a-apply sa may pagka-obese at may edad nang si Mr. Delgado. Parang ayaw nitong sa pagiging factory worker lang siya isabak kung sakali.

“Okay! And by the way, how old are you lady?” patuloy na pagtatanong ni Mr. Delgado.

“Just freshly turned eighteen, sir,” tugon ni Ana.

“Oh, very young indeed! And yet — willing?”

Muling umoo si Ana at ipinaliwanag pa niyang kung bibigyan siya ng oportunidad, handa siyang matuto ng bagong mga kasanayan at magpalawak ng mga nalalaman. Magtatrabaho rin siya nang buong husay sa abot ng kaniyang makakaya hanggat para sa ikabubuti ng kanilang kumpanya. Marami pang mga tanong ang sinagot niya nang buong tapat at buong husay bilang bahagi ng interview. Tinanong pa nga ni Mr. Delgado kung may boyfriend na raw ba siya. Siyempre, sinagot niya pa rin kahit bahagya siyang nabigla kung bakit pati ang ganoong bagay ay nakuhang itanong ni Mr. Delgado.

"As of now, nothing, sir. But I have a lot of suitors back in our hometown," mapitagan niyang sagot.

"That's because you really have such an awesome beauty, young lady," ngunit komento lang naman ni Mr. Delgado matapos sandaling mapaisip.

Makalipas ang ilan pang mga minuto ay sinabi na ni Mr. Delgado ang resulta ng interview.

"You're called and you can start tomorrow if you so wish. Congratulations, pretty lady!" anunsiyo ng may-edad na lalaki saka nakipagkamay sa kaniya.

Tuwang-tuwa siya noon dahil sa pagkakatanggap niya ng trabaho. Biruin ba namang lumalarawan sa isip niyang makatatayo na rin siya sa kaniyang sariling mga paa na hindi na kailangan pang umasa sa Tiyo Narding niya. Matutulungan na rin niya ang pamilya nito at mababayaran na rin niya ang mga ginawa nitong kabutihan sa kaniya.

Naglulundag nga si Ana sa sobrang tuwa nang ibalita niya iyon kay Minerva. Kung may dapat man siyang pasalamatan liban dito ay alam niyang si Enrico iyon. Kung naroroon pa rin sana ito, siguro ay napupog niya ito ng halik. Kaya naman nakadama siya ng kaunting panghihinayang dahil hindi man lang niya napasalamatan ang lalaking laylay ang mga balikat na lumabas ng opisina, pero naghatid naman sa kaniya ng magandang kapalaran. Inaasam tuloy niya nang araw na iyon na nawa'y muling magkurus ang kanilang mga landas para kahit papaano ay mapasalamatan niya rin ito. 'Nawa' talaga ang ginamit niyang salita sa halip na 'sana' para raw mas magkatotoo.

Ikinuwento nga niya kay Minerva ang pagkakatagpo nila ni Enrico sa may office.

"Alam mo, Minerva," excited na pasimula niya. "May nakilala akong estranghero kanina na siyang nagdala ng suwerteng ito sa buhay ko. Biruin mo, prince charming na, luck omen pa!"

"Ows! Talaga?" naiintrigang tanong ni Minerva.

"Oo! At alam kong hindi nakaligtas sa paningin mo nang magdaan dito iyon," ani Ana. Alam kasi niyang, when it comes to good-looking men, extra-sensitive ang mga mata ng pinsan niyang ito. In short, takaw-pogi.

Kumunot ang noo ng pinsan niya na waring sinisiguro sa sarili kung nakita nga nito ang lalaking tinutukoy niya.

"Matangkad ba?" usisa nito na medyo pinaliit pa ang mga mata bilang tanda na napapaisip.

"Yep! At siyempre, guwapo!" sagot niya.

"Iyon bang kamukha ni — ni —" nangangapang tanong muli ni Minerva. "Sino nang artista iyon?"

"Joseph Marco!" natutuwang banggit ni Ana sa pangalan ng actor ng ‘Wild Flower’.

"Ay, siya nga!" tili ni Minerva nang masigurong nakita nga niya ang lalaki kanina. "Nakita ko nga siya kanina. Akala ko nga, eh, si Joseph Marco na talaga iyon. Naku, kung bakante lang kami kanina. Aba! Susugurin ko sana iyon at talagang magpapa-authograph ako. Hindi lang basta autograph — autograph na kiss with matching tsikinini sa leeg. Ampogi-pogi kaya niya!" Sagad sa buto ang ginawang pag-emote ni Minerva anupat todo pikit ito na ikinatawa ni Ana. "Pero paano pala kayo nagkakilala?" kapag kuwan ay dugtong interesadong tanong nito matapos magkilig-emote.

Siyempre, sinabi niyang iyong lalaki ang lumapit sa kaniya at nakapag-usap sila nang medyo matagal.

"Talaga? Siya ang lumapit sa iyo at hindi ikaw?" paninigurong tanong pa ni Minerva.

"Oo, naman! Hindi ako paris mo 'no na first kung duma-moves!" Pinandilatan niya ang pinsan saka marahang tumawa.

"Ay! Ay! Ako na lang sana!" kinikilig na wika ni Minerva. Kulang na lang ay magkikisay ito dahil napaka-exaggerated umakto. "Palagay ko, tinamaan 'yon sa iyo insan. May kutob akong pakikita ulit iyon sa iyo. Ay! Ako na lang sana!" patuloy nito saka inulit ang pagpalatak na parang may sayad. Gusto sana niyang maniwala sa kutob kuno nito, pero iba ang palagay niya.

"Bagsik naman ng kutob mo, Mine. Paano naman kaya mangyayari iyon e, alam mo namang karamihan ng mga aplikante kanina ay pulos galing pa sa malalayong luga," saad niya na nakadama ng kaunting disappointment sa sariling tugon.

"Hay, naku! Walang imposble sa tinamaan, insan. Que near o far pa iyan, basta dumagundong si puso, hindi iyan mauubusan ng paraan, 'no!"

Iyon ang huling tugon na naalala niya mula sa pinsan bago sila tuluyang umalis sa gusali ng Heaven-Sent Enterprises. Hinihiling pa nga niyang, sana, ganoon nga ang mangyari. Habang daan pa nga ay ini-imagine niya ang magiging muli nilang pagtatagpo ng landas ni Enrico Neil Dela Fuente.

__________

Sa apartment na tinutuluyan nila ni Minerva, gabi na ay hindi pa rin dalawin ng antok si Ana. Laman pa rin ng isip niya si Enrico Neil Dela Fuente. Kung anu-ano na lang ang ini-imagine. Naririyang ilarawan niya ang lalaki sa harap niya na nakangiti nang ubod tamis at inaalayan daw siya ng tatlong imported na pulang mga rosas.

"This is for you, my beautiful princess," ang mataginting na sasabihin daw ng lalaki. "A symbol of my love for you. I love you!"

Tatanggapin daw niya ang mga rosas at sa wari ay maliliyo siya sa walang kasimbangong samyo ng mga ito. Ubod rin ang ngiting sasagot daw siya, " I love you too, my handsome and adorable prince! This time and to forever!"

Hahalikan daw siya ni Enrico sa labi at mapapapikit daw siya nang mariin dahil sa kakaibang tamis at nakadadarang na init ng mga labi nito.

Baliw na baliw siya sa pagpapantasya nang gabing iyon. Maging hanggang sa kaniyang panaginip ay kaulayaw niya ang lalaking unti-unting bumihag sa kaniyang puso, saksi ang malambot na unang yakap-yakap niya nang mahigpit. Ganoon na lamang ang kahilingan niyang sana ay gayon din si Enrico sa kanya, ang hanap-hanapin siya.

Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
ArLan28
Thank you!
goodnovel comment avatar
Lovelyn Gazzingan
Nice reading
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • PRINCESS DELA BOTE   Chapter 2 THE SUITOR

    __________Legend, that's how our hearts were shaped together;a dream come true from up the heavens.Uncertainties, once when ashamed,they tell a story with our names.To be in love sometimes is like a fantasy;so full of wonders we couldn't help but agree.It works in ways we can't predict;it's more just like a magic trick.A stroke of fate on the crossroads,just you and me left in the world;the meeting of our eyes marriedin the isle called romance.***(In the Isle called Romance)---Arnel T. Lanorio---Kinabukasan ay tanghali nang nagising si Ana. Biniro nga siya ni Minerva."Ha-hay! Salamat naman at nagising na rin ang sleeping beauty pagkatapos ng long dreamy night niya with her prince charming alyas Enrico!" si Minerva, at talagang tinapik pa nito ang sariling noo habang nakapamaywang.Marahang nag-inat-inat si Ana at lihim na nagtatatawa sa tinurang iyon ni Mine. T

    Huling Na-update : 2023-12-22
  • PRINCESS DELA BOTE   Chapter 3 : SWEET PROMISES

    So there we were, drank with the wine of love,words bloomed like flowers with the sweetest scent;the hum of a bee won't know it all,because they were whispered just between you and me.But ties strengthen as they seemand our union defied the seams;the future, we looked intoand there we hoped to make it true.By just a kiss, we sealed the times;though pass they may, at least we've set their rhymes —the rhymes of our hearts to withstand all,though many times we're bound to fall.By just a kiss, we locked the promiseand by just another kiss, one day,it will be reopenedas a fulfilled wish.***(By Just a Kiss)---Arnel T. Lanorio---Mula nang unang gabing iyon ng panliligaw ni Enrico kay Ana ay lagi na siya nitong dinadalaw. Kung hindi siya nito binibisita kung gabi ay inihahatid naman siya tuwing umaga sa Heaven-Sent, ganoon din tuwing hapon kung pauwi na sila ni Minerva. Laging sakay ito ng bisikleta at wari bang lagi itong nagbabantay at nakabakod sa kaniya.Paano naman, si

    Huling Na-update : 2023-12-23
  • PRINCESS DELA BOTE   Chapter 3.2

    Natatawa man siya sa naging hitsura nito ay hindi na pinansin ni Ana. Kiming hinarap na lamang niya ang naa-amuse na ginang at magalang na bumati rito.“Magandang hapon po!”“Magandang hapon naman sa iyo, iha! Halikayo rine sa loob at nang maipaghanda ko kayo ng mamimiryenda,” imbita ng ginang.“Dito na lang kami sa may hardin, 'nay!” singit ni Enrico sa magalang na paraan.“Sige, kayong bahala,” pakli ng ina ni Enrico na si Aling Nenita at saka tumalikod na para tumungo sa kusina. Alam na rin niya ang pangalan nito dahil madalas din itong ikuwento sa kaniya ni Enrico.Sila naman ay tinungo na ang di-kalayuang hardin. Doon ay may makikitang nakatirik na mesita at isang mahabang bangkuan na kapwa yari sa kawayan. Nayuyungyungan ang mga ito ng mayayabong na mga puno. Ang hardin ay hitik sa sari-saring halamang namumulaklak. Siyempre, pinakaprominente at pinakamarami ang mga bulaklak na rosas. Sa lupa na nga mismo nakatanim ang mga ito sa ha

    Huling Na-update : 2023-12-25
  • PRINCESS DELA BOTE   Chapter 3.3

    __________At ang mamaya ngang iyon ay naganap nang ihatid na siya ni Enrico sa apartment nila ni Minerva. Nagkataong wala roon ang pinsan, pero nag-iwan ito ng sulat sa ibabaw ng mesita na nasa salas. Ayon sa sulat, tutal day-off naman daw nila, kaya may date daw ito kasama ang nobyo. Baka gabihin daw ito nang uwi.“Okay pala ang pinsan mo, ah,” si Enrico. Makahulugan ang ngiti nitong hindi napansin ni Ana. Nakaupo na ito sa sopang naroroon.“Si Minerva? Naku, first time lang kasi magkanobyo n'on at hindi iyon marunong magpalagpas ng pagkakataon lalo at guwapo. Takaw-gwapo iyon, e,” kuwento ni Ana.“Tulad mo?" tanong ng lalaki.“Hindi, 'no! Saka bakit mo naman nasabi?”“Kasi, puro tulad kong mga guwapo ang mga manliligaw mo.”“Gano'n ba? Naku, ang sabihin mo, sila ang takaw sa maganda at seksi na katulad ko,” depensa ni Ana.“E, bakit ini-entertain mo pa silang lahat, pati ako?”“E, 'di ba nga, sinabi ko na

    Huling Na-update : 2023-12-26
  • PRINCESS DELA BOTE   Chapter 4 : SIPS OF WINE

    If troubled days come swimming byupon our pool of love;and if the end's to say goodbye,I'll choose us be as doves.Though we may fly free as the air,and roam the depths of skies;we know that life sometime's not fair,sometimes it breaks all ties.But reasons may mean that or this,that distance is what fits;who knows what lies beyond the seas,that only hurts can meet.We may be miles apart from now,but heartbeats, still the same;ours may be a broken vow,but still I know your name.***(Still I Know Your Name)---Arnel T. Lanorio---Dahil sa maalab na bugso ng kani-kanilang mga damdamin at sa kapusukan ng kanilang kabataan ay naging mabilis ang mga pangyayari sa buhay nina Ana at Enrico. Hindi pa man establisado ang para sa kanilang kinabukasan ay naisipan na kaagad nilang magpatali sa isa’t isa. Kakapasok lang noon ni Ana ng trabaho at si Enrico nama’y walang permanenteng hanapb

    Huling Na-update : 2023-12-27
  • PRINCESS DELA BOTE   Chapter 4.2

    __________Pagkatapos ng sagutan nilang iyon ay walang ginawa si Enrico kundi maghanap, ngunit hindi ng trabaho, sa halip ay ng mapagpapalipasan ng tensiyong dala ng matinding pag-iintindi sa kanilang mga problema. Ang natagpuan nga nito ay mabisa. Natagpuan na lang nito ang sarili na nagpapakalunod sa mga bula ng alak.Noong una’y hinahayaan lang ni Ana ang paminsan-minsang pakikipag-inuman ni Enrico sa mga kumpare nito. Batid naman kasi niyang kailangan iyon minsan ni Enrico para pansumandaling makalimutan ang kagipitang kanilang pinagdaraanan. Basta ang ginagawa niya’y nandiyan pa rin naman siya para magpaalala sa asawa sa obligasyon nito bilang padre de pamilya.Ngunit kalauna’y nakalilimot magpaalala si Ana. Palibhasa’y kailangan din niyang dumiskarte, madalas na ang isip niya’y nakatutok sa kung paano palihim na magka-racket para kahit paano’y may pampuno sila sa pang-araw-araw na gastuhin ng kanilang pamilya. Nariyang tumanggap siya ng kaunting labada pa

    Huling Na-update : 2023-12-28
  • PRINCESS DELA BOTE   Chapter 5 : AWAY FROM HER LOVE NEST

    __________Have all the love gone,that now you look at me like a stranger?Your smile is not the sameas the one I used to claim;who stole it away from me?I thought I'm still your ownbut now it seemed I'm wrong;the day I feared here comes,pushing away my arms —from holding you.Was this the changeof all that I suffered?my hopes, have they all gonethe day I found you with someone?What a sad love story,just a part of a sad memory!***(A Sad Love Story)---Arnel T. Lanorio---Hay, sa wakas, ang terminal ng Cabanatuan City sa probinsiya ng Nueva Ecija ay narating din ni Ana. Eksaktong alas-otso na ng gabi nang makababa siya mula sa sinakyan niyang bus na nanggaling pa ng Cubao, Quezon City. Halo-halo ang mga emosyong nagpipiyesta sa kaniyang abang dibdib.Kahit na pagod na pagod ay hindi na niya inintindi ang dala-dalang mabigat na travelling bag. Namimintog nga ito dahil

    Huling Na-update : 2023-12-29
  • PRINCESS DELA BOTE   Chapter 5.2

    __________Dahil naman sa maghapong pagtatrabaho sa rose farm na kilu-kilometro ang layo sa dyip na sinasakyan ni Ana, himbing na himbing sa kaniyang pagtulog nang gabing iyon si Aseneth. Hindi nito katabi sa pagtulog ang asawa sa malapad na kutsong kama, sa resthouse na kasi ito sa bukid nagpalipas ng gabi sa dahilang hindi nito natapos ang trabaho. Bahagya nang naghihilik si Aseneth at halata sa ayos ng pagkakahiga na nasa kasarapan na ng pagtulog.Nasa ganoong kalagayan si Aseneth nang sunud-sunod na mga katok ang bumulabog sa kahimbingan nito, ang katulong na si Aling Marta iyon."Senyora! Senyora!" mahina ngunit klarong tawag ng katulong mula sa labas ng saradong pinto. Paulit-ulit ang ginawa nitong pagtawag hanggat walang sagot na natatanggap.Nang maalimpungatan ay inis na bumangon si Aseneth, nakapikit pa ang mga mata at yamot na kinamot-kamot ang ulo na ang buhok ay nagulo mula sa pagkakahiga."Ano ba iyan, Yaya Marta? Naiistorbo nama

    Huling Na-update : 2023-12-30

Pinakabagong kabanata

  • PRINCESS DELA BOTE   FINALE

    __________Welcom to Marie-Neil's Paradise of Roses!Iyan ang nakasabit sa gate ng Dela Fuente's Residence na nagsisilbing pambungad na pagbati nina Enrico at Ana sa mga imbitadong guests sa kanilang engrandeng pagtataling puso.Isang garden wedding ang nakatalagang maganap sa araw na ito after the groom and bride reconciled at Santana's Residence.Kayganda ng paligid, full of rose blooms and different flowers that Ana has never seen before. And the house was like a medium-built mansion she dreamed of. The place turned into a real paradise!Naroroon na ang lahat. Present ang buong pamilya ng Tiyo Narding niya. Sina Aseneth at Daniel ay naroroon din kasama ang mga katiwala ng mga ito na naka-close na rin ni Ana. Dumalo rin sina Romy (pinsan ni Enrico) kasama ang asawa nito, si Minerva at ang nobyo nitong si Ferdie, sina Melinda at Nikko at ang ilan pang mahahalagang mga panauhin gaya ng mga ninong at ninang, ilan pang mga abay at marami pa

  • PRINCESS DELA BOTE   11.3

    Gagang Aseneth!Hahabol na lang siya nang mapansin niyang naroroon pa rin pala si Enrico sa sala. Iniwan pala ito ng dalawa. Kamuntikan na niya itong mabangga. Ang masama lang, face to face na sila ni Enrico, so near that she almost lost her breathe.Nakaloloko ang ngiting nag-flash sa mapupulang mga labi ng lalaki."Sali ka sa honeymoon?" tila nang-aakit na wika nito at walang sabi-sabing hinapit siya sa baywang.She got lost the moment she felt his body again. Oh, how she longed to feel and touch his body! And she was more than lost when his warm healing breathe caressed her face. It was so sweet to smell, making her world around whirl. Lalo pa nang maamoy niya ang same cologne nito. She was again a woman yearning to be kissed, embraced, caressed!Enrico kissed her passionately, healing every wound in her heart. That sweet, warm and gentle kiss is too much assurance that they love each other so much. That is what she waited for, greater

  • PRINCESS DELA BOTE   11.2

    __________“Ana! May naghahanap sa iyo sa salas. Isang babae. Camineth Rico daw ang pangalan niya,” imporma ng Tiyo Narding ni Ana na siyang bumasag sa malalim na pagbubulay-bulay ng kaniyang usaping puso.Napakunot siya ng noo. Camineth Rico? May kilala ba siyang Camineth Rico na puwedeng maghanap sa kaniya? Wala siyang maalala na kakilalang may pangalang Camineth. Sino man ito ay malalaman niya rin.Pagdating sa sala ay nagulat pa siya nang mapagsino ang Camineth Rico na tinutukoy ng tiyo niya. Ito ang babaeng kasama ni Enrico kanina!Ang talanding babae at iniba-iba pa ang pangalan! Kung puwede lang manabunot agad ay pinanggigigilan niyang gawin. Pasalamat na lang ang babaeng ito at nasa poder siya ng Tiyo Narding niya. Kung hindi lang sana nakakahiya sa tiyo niya ang mag-eskandalo ay hahamunin talaga niya ito ng giyerang babae sa babae.“Ano ang kailangan mo?” malamig niyang bungad. Hindi niya maiwasang maging malamig dito. Pati ang ma-ins

  • PRINCESS DELA BOTE   Chapter 11 : THE RECONCILIATION AND THE CHURCH WEDDING

    __________A sip of wine on the cup of love,at first’s honey sweet;you’re left enchanted yearning more,drowning in the deep.But later on, when all you’re drankwith its heavenly spell;you’d feel you’re in a perfect romance,and hoping it is real.But when the drunkenness subside,reality strikes;love wine has an aftertaste,a screening test it’s like.If love is true and really there, to back down, it never will;it will forever sort things out,for love never fails.***(A LOVE METAPHOR)---Arnel T. Lanorio---Samantala sa pabalik sa rose farm, noong kaaalis lang ni Ana sa poder nina Aseneth, halos naestatwa si Enrico nang makita nang di-inaasahan si Ana. Next month pa sana niya ito balak hanapin, pero malayo pa man ay heto na't nagkrus na nang hindi sinasadya ang kanilang mga landas. Hindi niya akalaing sa pagtatagpo muli nilang iyon ay namumuhi pa rin sa kaniya ang asaw

  • PRINCESS DELA BOTE   10.2

    __________Sa loob ng bahay ng mag-asawang Narding at Celia Santana, sa isang maayos-ayos na kuwarto, ay nag-iiiyak si Ana. Katabi niya ang tiya niya na kakikitaan ng pagkabahala at pagkaawa sa mukha habang pinatatahan siya. Ikinuwento rito ni Ana ang ginawa niyang pagpapakalayo at ang tungkol sa kanilang dalawa ng asawa niyang si Enrico.“Ang asawa ko!” mapait na iyak ni Ana. “Pero sa kabila ng lahat, mahal na mahal ko pa rin naman ang asawa ko, Tiyang!" hagulgol pa niya saka suminghot-singhot. Kaawa-awa ang kaniyang hitsura.“Oo, Ana. Mahal mo nga si Enrico. Kaya nga nagseselos ka, e. Pero tama na ang pag-iyak," alo ng tiya niya.Pero ibinuhos pa ni Ana ang lahat niyang luha sa natuklasan nang nasa resthouse pa siya nina Aseneth. Saka lang siya nakadama ng kagaanan ng loob nang mapagod siya sa pag-iyak. Luminaw rin pagkatapos ang kaniyang isip.Natawa pa nga si Ana sa sarili kapag kuwan. Ah, mahal nga talaga niya si Enrico kaya ganoon na lan

  • PRINCESS DELA BOTE   10.1

    Natapos din ang masaganang agahan at umaatikabong kuwentuhan at tawanan. Natapos din ang pagkukunwari niyang masayang-masaya. Naroroon na nga sila sa resthouse nina Aseneth. Doon siya agad inakay ng bestfriend dahil may ikukuwento raw ito sa kaniya; tungkol raw sa naging customer nito na nag-ambon ng grasya sa DaNeth's.“Alam mo, Ana. Naku! Kung nandito ka lang kahapon, nakita mo sana 'yong customer kong super-duper sa kaguwapuhan! Ang tangkad no'ng lalaki, tapos artistahin pa ang dating! Kung hindi ka lang naki-birthday, na-meet mo sana siya at iyong kasama niyang babae na napakaganda at napakaseksi rin,” pasimulang pagbibida ni Aseneth sa paraang para lang may itsinitsismis sa kaniya.“Talaga?” tanong niya na 'di naman gaanong interesado sa kadahilanang wala siya sa mood. Humahanap kasi siya ng tamang tiyempo para makapagpaalam na.“Oo, naman! Eto pa ha. Taga-Laguna siya. Kababayan mo! Neil ang pangalan at ang apelyido, e — teka — ano na nga ba? Nakalimu

  • PRINCESS DELA BOTE   Chapter 10 : THE SURPRISE

    __________Memories,when they were not at ease,that's because it's you I miss.Only if the stroke of fatedid not become a wall,I wouldn't have been at a distant shore.But even fatesometimes do play a game,of mending heartsthrough blowing out our flame;but when kindled once again,a stronger tie begins.The wishing back is there,let resume our love affair;the horizon's bright anew,just waiting for me and you.***(Mending Hearts)---Arnel T. Lanorio---Kinabukasan ay maagang gumising si Ana. Kagaya ng plano niya, takdang araw na ng pagpapaalam niya kay Aseneth. Uuwi na siya ng Biñan, Laguna. Miss na miss na miss na niya ang kaniyang tatlong cute na mga anak. Miss na miss na rin niya ang kaniyang lasenggong asawa. Tatanggapin na rin niyang manatiling maging isang Princess Dela Bote.A, talaga ngang maging ano pa si Enrico ay mahal pa rin niya ang lalaki. Mahal na mahal n

  • PRINCESS DELA BOTE   9.4

    __________LLANERA, NUEVA ECIJAAt dumating nga ang next week! Dumalo rin si Ana sa birthday ni Melinda. Grabe ang garden birthday party ng kaibigan! Ang akala niya ay simpleng birthday party lang ang magaganap. Iyon pala, bonggang celebration complete with lights, drinks, foods and sounds. Dinner-dance birthday party pala!Kaya hayon, kamuntikan pang ma-out of place ang suot niyang damit kumpara sa mga bisita roong sosyal na sosyal ang dating. Mabuti na lang at kahit simple ang suot niyang puffed sleeve, floral tank na kulay blushing pink at may floral print sa bandang upper left ng kaniyang dibdib at black denim skirt niya na may side slits ay bumagay naman at nagpalutang sa ganda niyang mala-celebrity.Eye-catcher pa rin siya kumpara sa iba pang bisita roon, lalo na pagdating sa mga kalalakihan na ang ilan ay mukhang interesado siyang makilala. Tuwang-tuwa at proud na proud nga siyang ipinakilala ni Melinda sa mga ito.Hayon, nakipagkuwentuhan na rin siya sa mga bisitang karamiha'y

  • PRINCESS DELA BOTE   9.3

    __________SAN FRANCISCO, BIÑAN, LAGUNAMababakas sa mukha ni Aling Nenita ang labis na tuwa dahil sa nasasaksihang pagbabago ng buhay ng kaniyang itinuturing na kaisa-isang anak.Una, hindi na ito palainom ng alak. Talagang hinarap na nito ang mga hamon ng buhay nang buong tatag at sikap.Ikalawa, laging may oras na ito para sa mga anak. Dahil dito, nawala na ang dating panlalamig ng dalawa nitong mga anak. Masaya na parati ang mga ito at kahit paano ay nakalilimutang wala si Ana.Ikatlo, hindi na hamak na dampa lang ang bahay ng anak. Isa na itong malaki-laking bahay. Sa tulong ng pamangking si Romy, unti-unting naayos ang buhay ng anak. Pero ang totoo, ang anak niya mismong si Enzo pala ang nasa likod ng malaking pera na pahiram lang kuno ni Romy. Hindi nga pala totoong kinalimutan na sila nang lubusan ng panganay na anak. Nangako lang pala ito sa sarili na hindi ito magpaparamdam sa kanila hanggat wala pa itong maitutulong upang maiahon si

DMCA.com Protection Status