Ikinuwento ni Ana kay Aseneth ang lahat. Simula sa pagluwas niya sa Laguna para sa interview at para mapasok sa trabaho, sa di nila inaasahang pagkikita ni Enrico sa opisina ni Mr. Delgado noon sa Heaven Sent Enterprises, sa nakakikilig nilang ligawan moments, kung gaano sila naging marupok at mapusok dahil nasa kasibulan pa lang sila noon wika nga, kung paano sila tinupok ng apoy na pinagsaluhan nilang dalawa. Pero matapos niyang ikuwento ang maaga nilang pagpapakasal sa huwes dahil noo’y nagdadalng-tao na siya at hanggang sa mauwi sa matinding sagutan at hiwalayan ay itinigil na niya roon.
Nakanganga lang ang bestfriend niya nang matapos si Ana at tila bitin pa rin sa mahaba-haba niyang kuwento. Sa kahabaan nga ay kasabay pa niyang natapos sa pamimitas ng bulaklak sina Daniel at Mang Kanor. Naroroon na nga ang mga ito eksaktong matapos siya.“Bitin!” palatak ni Aseneth.“Huh! Saan ka bitin, darling?” nagtatakang bungad agad na tanong nga ni Daniel nang s__________I loved you once and still I do,but I have done a great mistake;your scents have gone as well's the dew,I was now like a swanless lake.Each sip of wine's a memory,I couldn't help but cry;each bitter sting that rule my tongue,I'm always asking "why?".My Princess, oh, where is your Prince?here he is, sad and alone;if only I have all the means,the distance should have not been born.I’m standing now stooping low,ashamed of all that I have done;I hope a chance will do a tow,so that my hope will not be gone.***(A Prince’s Sorrow)---Arnel T. Lanorio---Samantala, doon sa munti nilang dampa sa Laguna, kagaya ng nakagawian na niya mula nang hindi matupad ang isang pangako sa asawa, pag-inom na naman ng alak ang inaatupag ni Enrico. Malaki na ang ibinagsak ng pangangatawan niya dahil sa labis na pag-iintindi sa mga problemang binabalikat na lang mag-isa sa buhay sim
"Hay, naku, Enrico! Walang mangyayari sa inyo kung hindi mo titigilan ang bisyo mong iyan. Pati mga anak mo, tingnan mo, naaapektuhan na rin sila. Mabuti nga sa iyong nilayuan ka ng asawa mo para magtanda ka naman!" umpisa uli ni Aling Nenita sa pagsasalita."Akala ko dati, dahil hindi lasenggo ang itay mo, malayong maging lasenggo ka. Pero kung magbiro nga naman ang tadhana, hay, heto at ang paborito ko pang anak ang nalulong!""Hoy, anak! Baka akala mo, headline sa mga tsismis ang tungkol sa hiwalayan ninyo ng kumander mo. Hayun, pati tuloy si Mareng Trining ay nag-aalala. Baka raw hindi na ninyo bayaran ang mga utang ninyo sa tindahan niya. Alangan namang ako ang magbayad. Aysus! Saang sulok naman ng bulsa ko madudukot ang pambayad sa utang ninyong gakalawakan? Magising ka naman sana anak."Pabiling-biling si Enrico sa pagkakahiga sa supang kawayan habang nakatayo at nakapamaywang na nagbubunganga ang ina. Nariyang pilit niyang binabalewala ang mga nari
__________Lumipas pa ang ilang mga araw mula nang umalis si Ana ay lalong namuroblema si Enrico. Dahil sa pangyayaring iyon ng iringan nila ng dapat sana'y itinuturing niyang prinsesa ay nalason ng paghihinanakit laban sa kaniya ang maliliit pa niyang mga anak, maliban kay Junior na noo'y hindi naman nasaksihan ang naging drama nila ni Ana. Tuluyang nanlamig ang pakikitungo ng mga ito sa kaniya na lalong nagpalalim sa mga sugat na buong kapaitang umukit sa kaniyang puso.Mula rin noon ay lalo pa siyang nagumon sa alak. Sa dami ng mga problemang isa-isang dumating sa kaniyang buhay ay lalong bumukal hanggang sa lumigwak ang kaniyang pagnanasang ibaling sa iba ang kaniyang isip sa tulong ng alak, ang lumimot, ang maghanap ng kaunti ngunit makasariling aliw, ang maglakbay sa dako ng pakunwaring alapaap, ang pailalim sa espiritu ng kawalang dinaramdam at ang pasakop sa nakalalasing na damdamin ng kalayaan sa mga suliranin.Isasa-isang tabi muna niya ang kaniyang pamilya at sandaling magpa
__________Doon naman sa Rizal, Nueva Ecija kung saan naroroon si Ana ay walang kaalam-alam si Enrico na nang oras ding iyon ay mag-isang nakaupo si Ana sa garden bench na nasa harap lamang ng bahay nina Aseneth. Kandong nito ang isang basket ng assorted roses and flowers habang madamdaming inaawit ang awitin ding iyon ni Ogie Alcasid. Bumabalong ang masaganang luha sa mga mata nito na umaagos sa makinis nitong mga pisngi nang abutan roon ni Aseneth. Dala ni Aseneth ang miryendang ipinakuha kay Aling Marta at ito na mismo ang nagdulot kay Ana.“Hoy, ano 'yan, ha? Sentimental ka na naman,” pansin ni Aseneth. “Sentimental iyang mga rosas na kandong mo, sentimental din iyang kinakanta mo and then, sentimental pati iyang mga mata mo.” At nag-iyak-iyakan din ito na kunwang may hawak na tisyu na ipinampapahid sa kunwang tumutulong mga luha. “Hu-hu-hu! At sentimental na rin pati si ako. Hu-hu-hu!”Nangiti't napahagalpak ng tawa si Ana sa joke ng kaibigan, lalo na sa e
__________I could take it all,those hard strokes of fate;let them drown me,let them pin me down,I wouldn't flinchas long as you're with me.But without you,my heartbeats would be for nothing;it would be my greatest mistake,it would be my greatest fall.To bring you paradise,I could have failedbecause imperfect I was found;from a wrong cupI could have sipped,for that I wished to be freefrom all that I lacked.It all I didbecause I couldn't withstandto see you drowning in my quicksand.Yeah, I've wronged;I drove you away all alone.And because I don't knowwhen you'll be once again my own,so I'll just let me singa sad song.***(A Sad Song)---Arnel T. Lanorio---Sa kuwarto nilang mag-asawa, kalaliman na ng gabi ay hindi pa rin makuhang dalawin ng antok si Enrico. Dati-rati, kapag ganitong lasing siya ay madali lang siyang
Ikinuwento ni Enrico kay Romy ang lahat ng dapat ikuwento kasali na pati kung sino ang dapat sisihin sa nangyari sa kanila ni Ana. Siyempre, sarili niya ang sinisisi niya.Naunawaan naman siya ni Romy. Tumango-tango lang ito habang nagbibida siya. Naroon sila sa munting sala.“Alam mo insan, magkakabalikan din kayo,” wika ni Romy matapos niyang magkuwento.“Hindi na siguro mangyayari iyon, Romy. Hindi na ako babalikan pa ni Ana. Sa grabeng mga nasabi ko sa kaniya, tiyak kong sobrang nasaktan ko siya,” sagot niya sa tonong nagsisisi at naghihinayang.“Gano'n? Hahayaan mo na lang na ganoon?” si Romy.“Ano pa bang magagawa ko, insan? Kasalanan ko naman kasi lahat,” kibit-balikat niyang pahayag.“Hindi dapat gan'yan, En. Kung talagang mahal mo 'yong tao, hindi mo dapat kaagad-agad sinusukuan. Bakit hindi mo siya hanapin, muling suyuin at ipakita mong nagsisisi ka na at ipangako mong magbabago ka na. Ganoon lang kasimple! Anghina mo n
__________Ang naging usapan pa nga nilang iyon ni Romy ang hindi nagpatulog kay Enrico. Negosyo? Ano nga ba ang nenegosyohin niya? Sa totoo lang ay wala talaga siyang alam sa pagpapatakbo ng kahit anong negosyo. Kaylaki pa naman ng ipinautang sa kaniya ni Romy. Pahiramin ba naman siya ng dalawang daang libo. Nakalulula na iyon para sa kaniya. Pero ang problema, saan niya ito ii-invest? Ang alam lang niya ay ang gumastos.Ah, si Ana. Si Ana ang kailangang-kailangan niya ngayon. Walang mahalaga sa kaniya kundi ang maibalik ito sa piling niya.Nagbangon si Enrico, umupo sa isang silyang di-kalayuan sa papag. Pinakialaman niya ang aparador na pinagtaguan niya ng dalawang daang libo. Iniangat niya ang ilang bungkos mula roon at inilapag sa mesitang kalapit. Kinuha pa niya ang natitira, at kukuhanin na lang niya ang pinakahuling bungkos nang may mapansin siyang isang maliit na notebook na nakasingit sa mga damit na naiwan ni Ana. Kinuha niya iyon para lang mamangha
__________Kinabukasan, masiglang gumising si Enrico kahit nakadama ng kaunting hang-over dulot ng alak na nainom nang nagdaang gabi. Babangon na lang siya nang mapansing may nakadagang bagay sa tapat ng kaniyang dibdib. Ang diary ni Ana!Napangiti siya, marahang bumangon at saka hinagkan ang hawak na diary nang buong suyo bago ito buong ingat na itinabi sa mesitang naroroon.Tumayo siya at bigay-todong nag-inat-inat. Nasa ere na ang nakaunat na mga braso nang muli siyang may mapansin.Nangiti na naman siya. Ngayon lang uli siya gumising sa umaga na masigla. Bakit nga ba ngayon lang ulit? Dahil ba sa nakasilip siya ng pag-asa? Dahil ba sa perang magagamit niya sa pagpapanibagong-buhay?Ganoon nga siguro. Pero ang totoo, ang dahilan ay ang mismong pag-ibig ni Ana sa kaniya gaya ng nabasa niya sa diary nito.Hindi niya namamalayang napahalakhak siya. Sa lahat ng mga taong magkasama sila ni Ana at mabiyayaan ng tatlong cute na mga anak,
__________Welcom to Marie-Neil's Paradise of Roses!Iyan ang nakasabit sa gate ng Dela Fuente's Residence na nagsisilbing pambungad na pagbati nina Enrico at Ana sa mga imbitadong guests sa kanilang engrandeng pagtataling puso.Isang garden wedding ang nakatalagang maganap sa araw na ito after the groom and bride reconciled at Santana's Residence.Kayganda ng paligid, full of rose blooms and different flowers that Ana has never seen before. And the house was like a medium-built mansion she dreamed of. The place turned into a real paradise!Naroroon na ang lahat. Present ang buong pamilya ng Tiyo Narding niya. Sina Aseneth at Daniel ay naroroon din kasama ang mga katiwala ng mga ito na naka-close na rin ni Ana. Dumalo rin sina Romy (pinsan ni Enrico) kasama ang asawa nito, si Minerva at ang nobyo nitong si Ferdie, sina Melinda at Nikko at ang ilan pang mahahalagang mga panauhin gaya ng mga ninong at ninang, ilan pang mga abay at marami pa
Gagang Aseneth!Hahabol na lang siya nang mapansin niyang naroroon pa rin pala si Enrico sa sala. Iniwan pala ito ng dalawa. Kamuntikan na niya itong mabangga. Ang masama lang, face to face na sila ni Enrico, so near that she almost lost her breathe.Nakaloloko ang ngiting nag-flash sa mapupulang mga labi ng lalaki."Sali ka sa honeymoon?" tila nang-aakit na wika nito at walang sabi-sabing hinapit siya sa baywang.She got lost the moment she felt his body again. Oh, how she longed to feel and touch his body! And she was more than lost when his warm healing breathe caressed her face. It was so sweet to smell, making her world around whirl. Lalo pa nang maamoy niya ang same cologne nito. She was again a woman yearning to be kissed, embraced, caressed!Enrico kissed her passionately, healing every wound in her heart. That sweet, warm and gentle kiss is too much assurance that they love each other so much. That is what she waited for, greater
__________“Ana! May naghahanap sa iyo sa salas. Isang babae. Camineth Rico daw ang pangalan niya,” imporma ng Tiyo Narding ni Ana na siyang bumasag sa malalim na pagbubulay-bulay ng kaniyang usaping puso.Napakunot siya ng noo. Camineth Rico? May kilala ba siyang Camineth Rico na puwedeng maghanap sa kaniya? Wala siyang maalala na kakilalang may pangalang Camineth. Sino man ito ay malalaman niya rin.Pagdating sa sala ay nagulat pa siya nang mapagsino ang Camineth Rico na tinutukoy ng tiyo niya. Ito ang babaeng kasama ni Enrico kanina!Ang talanding babae at iniba-iba pa ang pangalan! Kung puwede lang manabunot agad ay pinanggigigilan niyang gawin. Pasalamat na lang ang babaeng ito at nasa poder siya ng Tiyo Narding niya. Kung hindi lang sana nakakahiya sa tiyo niya ang mag-eskandalo ay hahamunin talaga niya ito ng giyerang babae sa babae.“Ano ang kailangan mo?” malamig niyang bungad. Hindi niya maiwasang maging malamig dito. Pati ang ma-ins
__________A sip of wine on the cup of love,at first’s honey sweet;you’re left enchanted yearning more,drowning in the deep.But later on, when all you’re drankwith its heavenly spell;you’d feel you’re in a perfect romance,and hoping it is real.But when the drunkenness subside,reality strikes;love wine has an aftertaste,a screening test it’s like.If love is true and really there, to back down, it never will;it will forever sort things out,for love never fails.***(A LOVE METAPHOR)---Arnel T. Lanorio---Samantala sa pabalik sa rose farm, noong kaaalis lang ni Ana sa poder nina Aseneth, halos naestatwa si Enrico nang makita nang di-inaasahan si Ana. Next month pa sana niya ito balak hanapin, pero malayo pa man ay heto na't nagkrus na nang hindi sinasadya ang kanilang mga landas. Hindi niya akalaing sa pagtatagpo muli nilang iyon ay namumuhi pa rin sa kaniya ang asaw
__________Sa loob ng bahay ng mag-asawang Narding at Celia Santana, sa isang maayos-ayos na kuwarto, ay nag-iiiyak si Ana. Katabi niya ang tiya niya na kakikitaan ng pagkabahala at pagkaawa sa mukha habang pinatatahan siya. Ikinuwento rito ni Ana ang ginawa niyang pagpapakalayo at ang tungkol sa kanilang dalawa ng asawa niyang si Enrico.“Ang asawa ko!” mapait na iyak ni Ana. “Pero sa kabila ng lahat, mahal na mahal ko pa rin naman ang asawa ko, Tiyang!" hagulgol pa niya saka suminghot-singhot. Kaawa-awa ang kaniyang hitsura.“Oo, Ana. Mahal mo nga si Enrico. Kaya nga nagseselos ka, e. Pero tama na ang pag-iyak," alo ng tiya niya.Pero ibinuhos pa ni Ana ang lahat niyang luha sa natuklasan nang nasa resthouse pa siya nina Aseneth. Saka lang siya nakadama ng kagaanan ng loob nang mapagod siya sa pag-iyak. Luminaw rin pagkatapos ang kaniyang isip.Natawa pa nga si Ana sa sarili kapag kuwan. Ah, mahal nga talaga niya si Enrico kaya ganoon na lan
Natapos din ang masaganang agahan at umaatikabong kuwentuhan at tawanan. Natapos din ang pagkukunwari niyang masayang-masaya. Naroroon na nga sila sa resthouse nina Aseneth. Doon siya agad inakay ng bestfriend dahil may ikukuwento raw ito sa kaniya; tungkol raw sa naging customer nito na nag-ambon ng grasya sa DaNeth's.“Alam mo, Ana. Naku! Kung nandito ka lang kahapon, nakita mo sana 'yong customer kong super-duper sa kaguwapuhan! Ang tangkad no'ng lalaki, tapos artistahin pa ang dating! Kung hindi ka lang naki-birthday, na-meet mo sana siya at iyong kasama niyang babae na napakaganda at napakaseksi rin,” pasimulang pagbibida ni Aseneth sa paraang para lang may itsinitsismis sa kaniya.“Talaga?” tanong niya na 'di naman gaanong interesado sa kadahilanang wala siya sa mood. Humahanap kasi siya ng tamang tiyempo para makapagpaalam na.“Oo, naman! Eto pa ha. Taga-Laguna siya. Kababayan mo! Neil ang pangalan at ang apelyido, e — teka — ano na nga ba? Nakalimu
__________Memories,when they were not at ease,that's because it's you I miss.Only if the stroke of fatedid not become a wall,I wouldn't have been at a distant shore.But even fatesometimes do play a game,of mending heartsthrough blowing out our flame;but when kindled once again,a stronger tie begins.The wishing back is there,let resume our love affair;the horizon's bright anew,just waiting for me and you.***(Mending Hearts)---Arnel T. Lanorio---Kinabukasan ay maagang gumising si Ana. Kagaya ng plano niya, takdang araw na ng pagpapaalam niya kay Aseneth. Uuwi na siya ng Biñan, Laguna. Miss na miss na miss na niya ang kaniyang tatlong cute na mga anak. Miss na miss na rin niya ang kaniyang lasenggong asawa. Tatanggapin na rin niyang manatiling maging isang Princess Dela Bote.A, talaga ngang maging ano pa si Enrico ay mahal pa rin niya ang lalaki. Mahal na mahal n
__________LLANERA, NUEVA ECIJAAt dumating nga ang next week! Dumalo rin si Ana sa birthday ni Melinda. Grabe ang garden birthday party ng kaibigan! Ang akala niya ay simpleng birthday party lang ang magaganap. Iyon pala, bonggang celebration complete with lights, drinks, foods and sounds. Dinner-dance birthday party pala!Kaya hayon, kamuntikan pang ma-out of place ang suot niyang damit kumpara sa mga bisita roong sosyal na sosyal ang dating. Mabuti na lang at kahit simple ang suot niyang puffed sleeve, floral tank na kulay blushing pink at may floral print sa bandang upper left ng kaniyang dibdib at black denim skirt niya na may side slits ay bumagay naman at nagpalutang sa ganda niyang mala-celebrity.Eye-catcher pa rin siya kumpara sa iba pang bisita roon, lalo na pagdating sa mga kalalakihan na ang ilan ay mukhang interesado siyang makilala. Tuwang-tuwa at proud na proud nga siyang ipinakilala ni Melinda sa mga ito.Hayon, nakipagkuwentuhan na rin siya sa mga bisitang karamiha'y
__________SAN FRANCISCO, BIÑAN, LAGUNAMababakas sa mukha ni Aling Nenita ang labis na tuwa dahil sa nasasaksihang pagbabago ng buhay ng kaniyang itinuturing na kaisa-isang anak.Una, hindi na ito palainom ng alak. Talagang hinarap na nito ang mga hamon ng buhay nang buong tatag at sikap.Ikalawa, laging may oras na ito para sa mga anak. Dahil dito, nawala na ang dating panlalamig ng dalawa nitong mga anak. Masaya na parati ang mga ito at kahit paano ay nakalilimutang wala si Ana.Ikatlo, hindi na hamak na dampa lang ang bahay ng anak. Isa na itong malaki-laking bahay. Sa tulong ng pamangking si Romy, unti-unting naayos ang buhay ng anak. Pero ang totoo, ang anak niya mismong si Enzo pala ang nasa likod ng malaking pera na pahiram lang kuno ni Romy. Hindi nga pala totoong kinalimutan na sila nang lubusan ng panganay na anak. Nangako lang pala ito sa sarili na hindi ito magpaparamdam sa kanila hanggat wala pa itong maitutulong upang maiahon si