Share

8.4

__________

Kinabukasan, masiglang gumising si Enrico kahit nakadama ng kaunting hang-over dulot ng alak na nainom nang nagdaang gabi. Babangon na lang siya nang mapansing may nakadagang bagay sa tapat ng kaniyang dibdib. Ang diary ni Ana!

Napangiti siya, marahang bumangon at saka hinagkan ang hawak na diary nang buong suyo bago ito buong ingat na itinabi sa mesitang naroroon.

Tumayo siya at bigay-todong nag-inat-inat. Nasa ere na ang nakaunat na mga braso nang muli siyang may mapansin.

Nangiti na naman siya. Ngayon lang uli siya gumising sa umaga na masigla. Bakit nga ba ngayon lang ulit? Dahil ba sa nakasilip siya ng pag-asa? Dahil ba sa perang magagamit niya sa pagpapanibagong-buhay?

Ganoon nga siguro. Pero ang totoo, ang dahilan ay ang mismong pag-ibig ni Ana sa kaniya gaya ng nabasa niya sa diary nito.

Hindi niya namamalayang napahalakhak siya. Sa lahat ng mga taong magkasama sila ni Ana at mabiyayaan ng tatlong cute na mga anak,
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status