Share

8.3

__________

Ang naging usapan pa nga nilang iyon ni Romy ang hindi nagpatulog kay Enrico. Negosyo? Ano nga ba ang nenegosyohin niya? Sa totoo lang ay wala talaga siyang alam sa pagpapatakbo ng kahit anong negosyo. Kaylaki pa naman ng ipinautang sa kaniya ni Romy. Pahiramin ba naman siya ng dalawang daang libo. Nakalulula na iyon para sa kaniya. Pero ang problema, saan niya ito ii-invest? Ang alam lang niya ay ang gumastos.

Ah, si Ana. Si Ana ang kailangang-kailangan niya ngayon. Walang mahalaga sa kaniya kundi ang maibalik ito sa piling niya.

Nagbangon si Enrico, umupo sa isang silyang di-kalayuan sa papag. Pinakialaman niya ang aparador na pinagtaguan niya ng dalawang daang libo. Iniangat niya ang ilang bungkos mula roon at inilapag sa mesitang kalapit. Kinuha pa niya ang natitira, at kukuhanin na lang niya ang pinakahuling bungkos nang may mapansin siyang isang maliit na notebook na nakasingit sa mga damit na naiwan ni Ana. Kinuha niya iyon para lang mamangha
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status