Share

8.2

Ikinuwento ni Enrico kay Romy ang lahat ng dapat ikuwento kasali na pati kung sino ang dapat sisihin sa nangyari sa kanila ni Ana. Siyempre, sarili niya ang sinisisi niya.

Naunawaan naman siya ni Romy. Tumango-tango lang ito habang nagbibida siya. Naroon sila sa munting sala.

“Alam mo insan, magkakabalikan din kayo,” wika ni Romy matapos niyang magkuwento.

“Hindi na siguro mangyayari iyon, Romy. Hindi na ako babalikan pa ni Ana. Sa grabeng mga nasabi ko sa kaniya, tiyak kong sobrang nasaktan ko siya,” sagot niya sa tonong nagsisisi at naghihinayang.

“Gano'n? Hahayaan mo na lang na ganoon?” si Romy.

“Ano pa bang magagawa ko, insan? Kasalanan ko naman kasi lahat,” kibit-balikat niyang pahayag.

“Hindi dapat gan'yan, En. Kung talagang mahal mo 'yong tao, hindi mo dapat kaagad-agad sinusukuan. Bakit hindi mo siya hanapin, muling suyuin at ipakita mong nagsisisi ka na at ipangako mong magbabago ka na. Ganoon lang kasimple! Anghina mo n
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status