"Let's divorce. Bumalik na ang ex-girlfriend ko at kailangan na nating tapusin kung ano man ang nakasaad sa kontrata. Bibigyan kita ng pera para sa panibagong buhay mo.” “Wala bang halaga sa ‘yo ang tatlong taon nating pagsasama para itapon mo iyon ng ganun-ganun lang?” Si Manson, ang asawa ni Claire na gustong makipaghiwalay sa kanya dahil sa pagbabalik ng ex nito. Pero hindi pa man naproseso ang hiwalayan nila ay gusto na agad siyang balikan ng asawa? Gayunman ay tinanggap ni Claire ang asawa pero saka naman niya nalaman na ang kanyang kababata na first love at mahal pa rin niya hanggang ngayon ay bumalik at buhay pa pala? Huli na ba ang lahat para pagsisisihan niya ang naging desisyon niya? Si Lucas, ang lalaking handang magpakamatay para lang iligtas siya. Bago sila ikasal ni Manson ay nagmamahalan silang dalawa. At ngayong bumalik ito ay naging kumplikado ang puso ni Claire. Hihiwalayan niya ba si Manson para kay Lucas?
View More“I am sorry to say, pero sa ngayon ay hindi pa stable ang kalagayan ni Aunty Odette. Nakita mo naman ang kagayan niya ‘di ba? Kahit si Vincent ay hindi niya nakikilala. Let’s wait a little bit more, okay?” nakikiusap ang boses ni Manson para lang paniwalaan siya ni Claire. Walang nagawa si Claire kundi tumango gaano man kalungkot ang puso niya. Upang pagaanin ang loob niya ay niyakap siya ni Manson at nanatili sila sa ganoong posisyon sa loob ng ilang segundo bago siya bumitaw. Ngayong alam na niya ang totoo tungkol sa tunay niyang pagkatao ay labis-labis na pananabik ang nararamdaman niya para sa ina. Kailangan niyang kumalma ngayon at pilitin ang sarili na mag-isip ng tama kaya naisipan niyang bisitahin ang ina ni Manson, si Morsheire. Sa pagkakatanda niya ay may naikuwento ito sa kanya noon tungkol sa pagdo-donate nito habang buntis ito kaya gusto niyang makahingi ng advice rito. Hinatid siya ni Manson sa opisina ng kanyang ina na dalawampung minuto ang layo mula sa opisina nito
Pagtapos ng tanghalian ay pinigilan ni Claire ang antok at nagpasyang bumisita sa ospital. Habang nasa sasakyan na minamaneho ng tauhan ni Manson ay tinawagan niya ang lalaki.“May balita na ba kayo tungkol kay Veena?”“Wala pa. Mukhang may kasabwat siya sa ospital dahil pati ang CCTV ay mayroong nagmanipula. ‘Wag kang mag-alala, ginagawa ng ng kapulisan ang lahat para mahanap ang babaeng iyon.”“Hmn…” tanging sagot niya. “Pupunta ako ngayon sa ospital parabisitahin ang aking guro,” pagbibigay alam niya. “Claire…” Manson softly whispered. “Manson, ‘wag kang mag-alala. Bibisitahin ko lang siya. Your father already reminded me na hindi ko pwedeng ipahamak ang anak natin,” mabilis na paliwanag niya. Habang naliligo kanina ay ay napag-isip-isip ni Claire na tama naman ang sinabi ni Mr. Perie. Minsan ay dapat maging selfish din siya katulad ni Veena. “Thank you, Claire. At huwag ka ring mag-alala dahil gagawi ko ang lahat mahanap lang ang babaeng iyon, oka
Imbes na sa bahay ni Claire dumiretso ay sa ospital ang kanilang tungo. Naghihintay na sa kanila ang doktor na mag-oopera sana kay Mr. Campbell. Bakas sa mukha nito ang pag-aalala dahil sa kalagayan ni Mr. Campbell. “Ano’ng nangyari? Paano kayo natakasan ng babaeng ‘yon?” madilim ang mukhang tanong ni Manson. Pigil ang galit nito na ‘wag sigawan ang doktor. Nasa tabi niya si Claire na hindi mapakali dahil sa ginawa ni Veena. Napakasama talaga ng ugali ng babaeng ‘yon! Sinadya nitong ilagay sa alanganin ang buhay ng lolo nito para walang magawa si Claire kundi ang mag-donate. “Naghahanda na kaming lahat pero biglang nagpaalam si Miss Veena na magsi-CR daw muna dahil nininerbyus siya pero hindi na ito bumalik,” may takot sa boses na paliwanag ng doktor. “Hindi porke’t tinawagan mo si Claire at pinapunta rito ay papayag na akong mag-donate siya. Isang beses na siyang nakunan at kapag mawala ulit ang anak namin ay malabo na ang susunod niyang pagbubuntis,” matigas ang boses ni Manson a
Habang pwersahang pinapalabas ng guards sina Veena at Benjamin ay bigla namang dumating sina Manson at Khaleed. “What is happening here?” malakas ang boses na tanong ni Manson. Gad na dumiretso ang tingin nito kina Benjamin at Veena. “Manson, we came here in a peaceful way. Gusto lang namin pakiusapan si Claire na tulungan si Lolo na mag-donate. Pero pinagtatabuyan niya kami!” Hindi pinansin ni Manson si Veena at dumiretso siya kay Claire. Samantala si Khaleed ay huminto sa tapat ni Benjamin. “Why are you here forcing someone to donate when you know she is not capable? Buntis ang anak ko at pinipilit niyo na mag-donate siya? Ano namang silbi niyang anak mo na wala namang karamdaman sa katawan? Siya ang apo ni Mr. Campbell kaya siya ang karapat-dapat na mag-donate!” Dumilim ang mukha ni Benjamin dahil sa sinabi ni Khaleed. Mataas siyang tao, nirerespeto kaya hindi siya papayag na basta-basta na lang pagsasabihan ng ibang tao. “Sino ka para pagsabihan ako ng ganyan? Nasaan ang u
Natigilan si Claire sa sinabi ng doktor. Saka lang niya naalala na halos isang linggo nang delay ang menstruation niya. Kahit hindi sigurado kung buntis siya o hindi ay tinanong niya ang doktor. “Puwede pa rin ba akong mag-donate kung buntis nga ako?”“No. Imposible ‘yon, iha. Ikakamatay ng bata kung magdo-donate ka pa.”“Hindi ba at kukuhanan lang naman ako ng dugo saka stem cells?” pamimilit niya. “Iha, hindi ganoon kadali ang sinasabi mo. Bago ka kuhaan niyon ay kailangan ka pang turukan ng anesthestia at mobilization agent para i-stimulate ang paggalaw ng hematopoietic stem cells at delikado iyon sa fetus,” paliwanag ng doktor. Hindi nakaimik si Claire. Pinasalamatan niya ang doktor at lumabas ng opisina nito at hinayaan si Veena kahit tinatawag ang pangalan niya para pigilan siya. Dumiretso siya sa OB-gyne department ng hospital para magpa-check up kung tama nga ang hinala niya at hindi nagtagal ay nakuha din niya ang resulta. She was pregnant indeed…“Oh, bakit sambakol ang m
Agad-agad na pinuntahan nina Manson at Claire si Mr. Campbell sa ospital kung saan ito nakaratay. Kahit hindi pinayagan ni Claire si Manson ay nagpumilit ito dahil sa maganda rin ang samahan nito sa kanyang guro. Ilang buwan pa lang ang nakakalipas pero ibang-iba na ang mukha na nakikita ngayon ni Claire. Humpak ang pisngi ni Mr. Campbell at ang laki ng ipinayat ng katawan nito. Agad siyang nakaramdam ng awa sa guro. Nilapitan niya ang matanda at maingat itong hinawakan sa braso. “Master…” pnigilan niya ang mapaluha dahil sa bigat ng nararamdaman niya. Maraming naitulong sa kanya si Mr. Campbell at hinding-hindi niya makakalimutan ang lahat ng aral na nakuha niya rito. Hindi man ganoon katagal ang naging pagsasama nila bilang guro at estudyante nila ay malalim pa rin ang pinagsamahan nila para balewalain ni Claire ang matanda. Pahirapang nagmulat si Mr. Campbell at pilit na ngumiti kahit nahihirapan. “Claire, iha. Wala kang dapat na ikabahala. Nasa cycle na ako ng buhay ko na handa
Sumapit ang araw ng pasko at nakatanggap ng imbitasyon si Claire mula kay Nana na magsalo-salo sa mansyon ng mga ito pero magalang niya itong tinanggihan dahil gusto niyang makasama ang kanyang ina. Hindi lang iyon, ayaw niyang makita si Veena at si Bruce kaya siya tumanggi. Naiintindihan siya ni Manson kaya’t pinadalhan siya nito nang maraming pagkain na galing pa sa isang mamahaling hotel. Kasama niya si Manang Delia at silang tatlo ang nagsalo-salo sa noche buena. Hindi makapunta si Manson at naiintindihan iyon ni Claire dahil tradisyon ng pamilya nito ang magsalo-salo sa tuwing pasko. Noon ay nakakasama siya pero dahil may nangyari sa kanyang ina ay naiintindihan siya ni Nana. Kakatapos lang nilang kumain at habang nagliligpit sa kusina si Manang Delia ay nasa salas naman si Claire at nanonood ng TV. Nasa tabi niya ang kanyang ina na nakaupo sa wheelchair. Sinusubuan niya ng prutas ang ina nang biglang tumunog ang doorbell. Akmang tatayo si Claire para pagbuksan iyon nang biglan
“You are getting more and more vicious, huh? Two percent of the company's shares?” mahinang napatawa si Manson.Napanguso si Claire saka marahang pinunasan ang mukha nito ng basang tuwalya. “Well, kung iisipin mo, kulang pa ang dalawang porsyento sa lahat ng pananakit na ginawa niya sa akin. Our child lost because of their scheming. My mother is in a vegetative state because of him. Masisisi mo ba ako kung kahit papaano I became a greedy person? Ginagawa ko lang ‘to para sa ‘yo.” Nilagay niya sa ibabaw ng mesa ang maliit na palanggana kasama ang bimpo saka hinawakan ang kamay ni Manson at inumpisahang masahiin iyon. “Pagdating ng araw, kapag maghaharap na kayo ni Bruce malaking tulong sa ‘yo ang two percent.”Kinagabihan, nang bumalik si Claire sa kuwarto ni Manson ay naikuwenta niya ang pinag-usapan nila ni Mr. Perie. Kaya naman ganoon na lang ang naging reaksyon ni Manson dahil hindi ito makapaniwala na naisahan niya ang ama nito. “Thank you,” Manson thanked her sincerely. “You are
“Lucas, sinasabi ko sa ‘yo, pero wala akong kinalaman sa nangyari kay Leonora. Kung ano man ang naging kasalanan ko sa inyong mag-ina ay nabayaran na iyon ng pagkaaksidente ko.”Tumikwas ang sulok ng labi ni Lucas at tinalikuran ito bago pinindot ang elevator button para makababa. Nilingon niya si Mr. Perie. “We’re clear of each other’s debt, as long as you don’t hurt people I care about. Wala na tayong dapat pag-usapan pa kaya sana hindi na tayo magkita pa.” Nang bumukas ang elevator ay agad na pumasok si Lucas pero mabilis na pinagulong ni Mr. Perie ang wheelchair para sundan siya. “Sandali, may sasabihin pa ako sa ‘yo, Lucas,” hinihingal na pigil nito. Papasara na ang elevator kaya muntikan itong maipit sa gitna pero hindi nakaramdam ng awa si Lucas at hinayaan ito. He hates rapist people the most. Mga kalalakihang pinagsasamantalahan ang kahinaan ng babae para magawang ilabas ang libido ng katawan ng mga ito. Kaya ganoon na lang ang galit niya kay Mr. Perie. Ilang tao na rin ang
May ngiti sa labing nagmulat ng mata si Claire nang maalala ang masarap na pag-iisa ng katawan nila ni Manson kagabi. Hindi lang iisa kundi ilang beses na may nangyari sa kanila. Bukod sa kama ay may nangyari sa kanila ng asawa sa banyo, sa terrace habang nanonood ng kabilugan ng buwan, sa kusina nang bumaba si Claire para uminom ng tubig at sa hagdan habang nakaluhod siya at binabayo ni Manson mula sa likuran. It was a wild night, but Claire felt all the consequences when she woke up. Nananakit ang buong katawan niya na parang inararo ng sasakyan. Marahan siyang nag-inat ng katawan upang hindi magising ang katabi na mahimbing pa rin ang tulog. Alam niyang tulad niya ay pagod din ito. Mula nang ikasal sila ni Manson, tatlong taon na ang nakakaraan, ay isang beses lang na may mangyari sa kanila kaya tuwang-tuwa si Claire na kagabi ay muling pinagnasaan ng asawa ang katawan niya. Ang buong akala niya ay hindi siya nito gusto kaya ayaw nitong makipagtalik. Contract marriage lang ang...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments