Dahil sa insidenteng nangyari ay naabala ang gawain ni Claire at lalong nadagdagan ang ginagawa niya. May rush order din galing sa Earl ng Ireland at milyones ang ibinayad sa kanya upang matapos agad iyon. Isa iyong korona na gawa sa iba’t ibang klase ng mamahaling diyamante, rubi at emeralds. Ang koronang ito ay para sa bagong hihiranging Earl ng Northern Ireland kaya puno ng pag-iingat ang ginagawa ni Claire.
Hindi na niya namalayan ang mga oras at araw na lumipas. Dahil puwede naman siyang sa botique na lang matulog ay dito na siya mamalagi at kung hindi pa siya pinipeste ni Nana na umuwi sa mansyon nito ay hindi pa uuwi si Claire. Nang sa ganun, kahit papaano ay nagkikita pa rin sila ni Manson. Sa iisang kuwarto pa rin sila natutulog pero sa kama siya at sa sofa si Manson. Lalong nasasaktan si Claire sa ganoong set-up nila ni Manson pero ininda niya ang lahat ng iyon dahil alam niyang wala na siyang pag-asa na magbabalik sa dati ang pagsasama nila ng asawa. “I’ll be back late tonight, Claire. Pakisabi kay Nana na huwag na ako hintayin dahil hindi kita masusundo. I have a dinner meeting until late.” Tumango si Claire. Nakatalikod siya kay Manson habang nagbibihis. Samantalang ang asawa ay nakahanda na para umalis. “Sure. I’ll let Nana know. Hindi rin ako makakauwi dahil marami rin akong dapat tapusin.” Akamng papasok siya sa banyo nang bigla siyang tinawag ni Manson. “Are you angry with me, Claire? Ilang araw nang malamig ang pakikitungo mo sa akin.” “No.” Nilingon niya ito. “I am just thinking about when are we gonna process our divorce? Habang tumatagal ayaw kong lokohin si Nana. There will be no more for us. Kaya alam kong hindi ko siya kayang bigyan ng apo.” Napatda si Manson sa narinig at hindi hinintay ni Claire na sumagot ito saka pumasok sa banyo. Kinabukasan, alas-onse na ng umaga nang magpasyang umuwi si Claire. Balak niyang dumiretso sa bahay ng kanyang ina pero isang mensahe ang natanggap niya mula sa isang hindi kilalang kontak. Hindi sana niya iyon papansinin at baka scam lang pero nang makita niya ang larawan na s-in-end nito ay namutla si Claire. Dali-dali siyang nag-hire ng taxi at nagpahatid sa lokasyon na ibinigay ng sender. Nang makarating sa restaurant ay agad niyang hinanap ang mesa ng sender. Hindi na nahirapan si Claire dahil isang babae ang kumakaway sa kanya. Napaawang ang labi niya at mabilis na tumibok ang puso. It was Valeen. “Salamat at pumunta ka. Akala ko wala akong mapagsabihan ng magandang balita.” Hinawakan ni Valeen ang kamay niya nang makaupo siya sa mesa kaharap nito. Claire’s eyes darted onto that diamond ring that was so familiar to her. Eto ang larawan na ipinadala sa kanya. Pero hindi iyon ang dahilan kung bakit pamilyar iyon. Dahil ang singsing na suot ni Veena ay ang mismong singsing na ginawa niya noong k-in-idnap siya ng dalawang lalaki. Bakit ito napunta sa kanya? Hindi siya makakibo. “Bakit hindi ka makapagsalita? Hindi ka ba makapaniwala na makipagkita ako sa ‘yo? O tulad ko ay excited ka rin sa good news na ibabalita ko?” Sinalubong ni Claire ang tingin ni Veena. Matamis man itong nakangiti ay hindi niya iyon nakitaan ng senseridad. “Do you know who gave this to me?” Veena asked. Itinaas nito ang kamay na may suot na singsing. “Last night, Manson gave this to me after our intimate dinner. Ang sabi niya promise ring daw eto dahil malapit na kayong mag-divorce. Ikaw na mismo ang hindi makapaghintay na makipag-divorce hindi ba?” Claire swallowed her foreboding feeling. So, hindi company dinner ang pinuntahan niya kagabi kundi i-date si Veena. Si Manson ang ang nagbigay ng singsing na ginawa ko para sa mga magnanakaw? How could it be? Nanatiling nakatutok ang mata niya sa singsing na suot ni Veena. “Isn’t this pretty? Bagay, hindi ba? Lalo na at mula kay Manson. Napakabait mo, Claire. Salamat sa pagpapalaya kay Manson at sa pag-aalaga sa kanya.” Kinuyom ni Claire ang kamao na nakatago sa ilalim ng mesa. “Are you happy with that? Acting pity to ruin a family?” Nawala ang ngiti ni Veena pero maya-maya ay ngumisi ito. “Kasal ka lang kay Manson pero hindi ikaw ang mahal niya. Aren’t you the one who ruined Manson? He’s not happy with you. Ako ang mahal niya. He even gave me a ring.” Claire gritted her teeth. Mula nang ikasal sila ni Manson ni isa ay hindi siya nito nabigyan ng kahit anong alahas. “Congratulations, then.” Tumayo siya. Hindi niya kayang harapin ang kaplastikan ng babae at baka kung ano pa ang magawa niya dahil kanina pa siya nagtitimpi. “Why are you leaving? Are you hurt, my dear Claire dahil hindi ikaw ang pinili ni Manson?” Ngumisi si Claire at ikinatok ang kamao sa mesa. “Manson will never be happy for a slut like you!” “Ano’ng sinabi mo?” Mabilis itong tumayo at pinigilan siya sa braso. Akmang sasampalin siya nito pero napigilan niya ito. Ito ang tagpong naabutan ni Manson. “What are you doing, Claire?”Mabilis na nabitawan ni Claire ang braso ni Veena nang marinig ang galit na boses ni Manson na bigla na lang lumitaw kung saan. Namumutla ang mukha na nilingon niya ito at kinabahan baka kung ano ang isipin ni Manson sa kanya. “Manson…” Mahina pa sa boses ng daga ang boses na bulong niya sa pangalan ng asawa. Naisara niya ang nakaawang na labi dahil sa galit na nakikita sa mukha nito. “Hindi naman ako–”“Manson!” putol ni Veena sa iba pa niyang sasabihin at kaagad itong lumapit kay Manson saka nangunyapit sa braso nito. “Help me…” Nanghihinang anas nito pero dahil magkalapit lang sila ay narinig iyon ni Claire.Tumaas ang kilay ni Claire at napabuga ng iritadong hininga nang makita ang inakto nito. Lalo pa siyang hindi makapaniwala nang nginisihan siya ni Veena pero nang tumingin ito kay Manson ay parang kawawa pa sa isang alipin ang hitsura nito. Labis ang pagpigil ni Claire sa inis upang hindi ito sunggaban at sampalin.“Ano’ng nangyari sa ‘yo, Claire? Bakit mo sinasaktan si Veena?
Dahil sa nangyari kanina sa restaurant ay hindi mapigilan ni Manson na maglasing upang alisin ang inis sa dibdib. Matapos ang trabaho ay pumunta siya sa isa sa mga paborito niyang bar kung saan pagmamay-ari ng kaibigan niya na siyang abay rin sa kasal nila ni Claire, si Harley. Magkalapit ang loob nito at ng kanyang asawa kaya lagi siyang nakakatikim dito ng sermon, tulad na lang ngayon. “Manson, ano ba ang pumasok sa kukute mo at kailangan mo pang i-divorce si Claire? You two are doing okay,” magkasalubong ang kilay na tanong ni Harley matapos siyang abutan ng baso ng whiskey. Alam na alam na nito kung ano ang gusto niyang inumin kapag napagawi siya sa bar.Mabait na tao si Harley. Kaibigan ito ni Manson noong high school pa lang sila sa isang prehisteryosong eskwelahan. Maganda, matangkad at matalino at papasa bilang isang beauty queen. Lagi pa nga silang napagkakamalang magkasintahan noon kaso alam ni manson simula’t sapul na babae rin ang gusto ni Harley at tanging kaibigan ang t
Dahil sa tagpong nakita ni Claire sa sariling pamamahay ay hindi siya nakatulog nang maayos kaya ang ginawa niya ay tinapos ang mga desinyo na pinapagawa ng kliyente niya. Narito siya ngayon sa boutique at inabala ang sarili upang kalimutan ang pait na nararamdaman ngunit kahit ano’ng gawin niya ay hindi iyon nababawasan.Tumigil lamang siya sa ginagawa nang mapansin na maliwanag na sa labas. Tumayo siya at nag-inat pagkatapos ay tiningnan ang cellphone. Umaasa siya na may mensahe sa kanya si Manson pero ni isa wala. Bagkus ay meron doong sampung miscall at sandamakmak na mensahe mula kay Meesha. Hindi niya iyon binasa at diretso itong tinawagan."Hey, ate! Bakit ngayon ka lang tumwag? Kagabi pa ako tawag nang tawag sa 'yo!"Nailayo ni Claire ang cellphone sa tainga dahil sa tinis ng boses ni Meesha. "Bakit, may nangyari ba?""Ate naman! Kailangan ba may mangyari pa para makausap kita?" nagtatampong tanong ni Meesha.Naiiling na ngumiti si Claire at nagpasyang katagpuin ito baka magta
Mabilis na lumapit ang bodyguard ni Veena upang umawat pero dahil malakas si Meesha ay nahirapan ang mga itong awatin ang dalawa. Kaagad namang hinawakan ni Claire si Meesha at sinubukan itong ilayo pero sa ginawa niyang iyon ay nakalmot siya ni Veena sa braso. “Damn you, slut!” Naghuramentadong sigaw ni Meesha nang makita ang ginawa ni Veena kay Claire pero dahil kaagad na humarang ang bodyguards nang una ay hindi nakalapit ang kapatid ng asawa niya. “Meesha, tama na. Ayos lang ako,” pigil ni Claire rito. “Hayaan mo na siya at baka ikaw na naman ang pagagalitan ng kuya mo.”“Hmp!” Umupo si Meesha sa kalapit na upuan matapos itong pakalmahin ni Claire. “Hindi mo dapat siya pinapakitaan ng kabutihan, ate. Hindi niya deserve ‘yun!”“How could you, Meesha!? Kapatid ang turing ko sa ‘yo mula pa noon pero bakit ganito ang trato mo sa akin?” Biglang sigaw ni Veena. Hindi ito makalapit sa kinauupuan nilang mesa dahil sa mga bodyguards nitong pumipigil dito.Marahas itong nilingon ni Meesha
May maliit pero sagana sa panindang bulaklak malapit sa botique na pinagtatrabahuan ni Claire kaya’t doon siya nagpababa. Pero walang ideya ang asawa kung bakit.“Samahan na kita,” suhestiyon ni Manson nang pinagbuksan siya nito ng pinto ng kotse. “Bakit bumaba ka rito samantalang doon pa ang botique na pinapasukan mo?”Hindi sumagot si Claire at nagpatiunang naglakad papasok sa botique. Sumunod sa kanya ang nakakunot ang noong asawa. Nang makita nito kung ano ang ginawa niya ay saka lang ito natauhan. “Kailangan ko ng one-hundred and forty-three long stem white roses,” utos ni Claire sa tindera na namangha dahil sa dami ng in-order niya. “Para saan pong okasyon, maam?” magalang na tanong ng tindera pero ang mata nito ay hindi mapigilang tumingin kay Manson na nakatayo sa likuran niya. Masungit na nilingon ni Claire si Manson at pinandilatan. Hmp! Nakakamatay talaga ang kaguwapuhan mo! Tahimik niyang bulong sa sarili. Nilingon niya ang tindera na ngayon ay nag-umpisa ngang magpakit
Chapter 11Natigilan sa akmang pagpasok sa botique si Claire nang marinig ang sinabi ni Manson. Biglang nanginig ang kamay niya na nakahawak sa handle ng pintuan dahil sa biglang pagbilis ng tibok ng puso. Mabilis niyang nilingon ang asawa. Pero gustuhin man niyang umasa ay hindi pupuwede.“Bakit mo nasabi ‘yan? Hindi ba ikaw ang unang nagsuhestiyon na maghiwalay na tayo dahil sa Veena na ‘yon?” She didn’t want her hopes to crash without even starting. “Ibig ba niyang sabihin ay determinado ka na makipaghiwalay sa akin?”Kahit nasasaktan ay tumango si Claire. “Oo. Malapit nang maaprubahan ang divorce dito sa Pilipinas kaya oo, sigurado ako sa desisyon kong makipaghiwalay sa ‘yo.” Ngumiti si Claire kahit taliwas iyon sa totoong nararamdaman. Kung puwede lang ay ibalik niya ang oras at huwag nang pumayag na makipaghiwalay rito.“Claire! Anong ginagawa mo diyan sa labas? Pumasok ka na rito at may meeting tayo para sa bagong proyekto.” Isang lalaki, na halos kasing-edad ni Claire ang lum
Chapter 12Nang lumapat ang labi ni Veena sa kanya ay mabilis itong itinulak ni Manson palayo at matalim ang matang tiningnan ang babae na tila binibigyan ng babala. Kaagad namang lumayo si Veena at nakuntentong umupo sa tabi niya. “Bakit ka nandito?” malamig ang boses na tanong ni Manson. Ayaw niyang magkaroon uli sila ng hindi pagkakaunawaan ni Claire kapag malaman nitong nagkita sila ni Veena at magkatabi pa sa upuan.Malawak na ngumiti si Veena at inabala ang sarili sa pagkuha ng pagkain na hindi man lang nagpapaalam sa um-order niyon. “You know me, Manson. I am wherever you go. I can sniff and will find you even if you are in depths of earth,” Veena answered coquitteshly.Umangat ang kilay ni Marx sa narinig habang si Manson ay hindi sumagot. Tahimik siyang kumuha ng pagkain pero bago pa niya iyon mailagay sa plato ay inagaw na iyon ni Veena at ito na ang nagsilbi sa kanya.“Let me, my bae. Nakahanda akong pagsilbihan ka kahit saan. Kahit anong pagsisilbi gagawin ko.”Hindi na n
Chapter 13Natulos sa kinatatayuan si Claire nang makita kung paano subuan ni Manson si Veena na puno ng lambing na gustong-gusto naman ng huli. Nakaramdam ng iritasyon si Claire at sumikip ang dibdib dahil sa hindi niya makayanan ang tagpo. Masarap na amoy ng pagkain na may halong amoy ng alak ang VIP room, pero taliwas iyon sa nararamdaman ni Claire. Gusto niyang sugurin si Veena at ingudngod ang nguso nito sa mesa pero alam niyang wala siya sa posisyon. Sa puso ni Manson, ito ang nangunguna at siya ay asawa lamang sa papel. Nang tinapunan niya ng tingin si Marx ay pinandilatan niya ito ng mata na nakatingin din pala sa kanya na nakaawang ang labi. Saan ang emergency? Emergency dahil tinitigasan? Nanggigil na sigaw niya sa isip.Dahil nakita na rin naman siya ni Marx ay hindi siya nito hinayaang makaalis. “Claire!” Tumayo ito sa kinauupuan saka hinila siya papasok sa loob at pinaupo sa kabilang gilid ni Manson. Tinapik siya nito sa braso at tiningnan siya na tila sinasabing bantaya