Home / Romance / Divorce Now, Marry Me Later / Chapter Six: Another accusations

Share

Chapter Six: Another accusations

Author: SQQ27
last update Huling Na-update: 2024-05-31 10:03:13

Mabilis na nabitawan ni Claire ang braso ni Veena nang marinig ang galit na boses ni Manson na bigla na lang lumitaw kung saan. Namumutla ang mukha na nilingon niya ito at kinabahan baka kung ano ang isipin ni Manson sa kanya.

“Manson…” Mahina pa sa boses ng daga ang boses na bulong niya sa pangalan ng asawa. Naisara niya ang nakaawang na labi dahil sa galit na nakikita sa mukha nito. “Hindi naman ako–”

“Manson!” putol ni Veena sa iba pa niyang sasabihin at kaagad itong lumapit kay Manson saka nangunyapit sa braso nito. “Help me…” Nanghihinang anas nito pero dahil magkalapit lang sila ay narinig iyon ni Claire.

Tumaas ang kilay ni Claire at napabuga ng iritadong hininga nang makita ang inakto nito. Lalo pa siyang hindi makapaniwala nang nginisihan siya ni Veena pero nang tumingin ito kay Manson ay parang kawawa pa sa isang alipin ang hitsura nito. Labis ang pagpigil ni Claire sa inis upang hindi ito sunggaban at sampalin.

“Ano’ng nangyari sa ‘yo, Claire? Bakit mo sinasaktan si Veena?” Madilim ang mukha na akusa sa kanya ni Manson. Bakas na bakas ang galit sa mukha nito at anumang oras ay handang saktan si Claire. “Hindi mo ba alam kung gaano kahina ang katawan niya tapos pagbubuhatan mo pa ng kamay?”

Dumarami na ang tao sa restaurant lalo pa at lunchtime, breaktime ng mga empleyado sa mga kalapit na building. Pinagtitinginan sila at hindi kaya ni Claire ang klase ng tingin ng mga ito sa kanya dahil sa sinabi ni Manson. It looks like she was bullying a weak Veena.

“Asawa mo ako pero siya ang kinakampihan mo? Ganoon ka na kadesperado at hindi ka na makapaghintay na ma-divorce ang kasal natin at naglalandian na kayo?” Nanggigigil na aniya. Namasa ang kanyang mata dahil sa muling pagkirot ng sakit sa dibdib niya pero ayaw niyang magpakita ng kahinaan kaya pilit niyang nilabanan ang luha.

“Our marriage is ruined. Umalis ka na, Claire. Bago pa ako may masamang magawa sa ‘yo.”

“Manson, hayaan mo na si Claire. Huwag mo siyang pagalitan. Baka hindi lang kayang dalhin ng emosyon niya ang katotohanang malapit na kayong maghiwalay.” Umayos ng tayo si Veena pero suportado pa rin ito ni Manson. “Kaya ko naman ang sarili ko, hindi ako nasaktan.”

Halos magsuka ng dugo si Claire sa labis na pagpigil ng galit dahil sa inaakto ni Veena. Kung sasali ito sa Oscars, siguradong magwawagi ito. Marahas siyang napailing at nagpakawala ng mahinang tawa. Oo, nasasaktan siya pero hindi iyon dahilan para magpakababaw at magsinungaling para lang makuha ang atensyon ni Manson. Hindi na siya nagsalita at marahas na tinalikuran ang dalawa. Forget about lunch. Nawala na ang gutom niya at nabusog siya ng inis.

Pagkaalis niya ay dumating si Meesha, ang kapatid ni Manson. Ang totoo ay kanina pa ito nagmamasid pero hindi lumapit dahil alam niyang mapapagalitan lang siya ng kanyang kuya pero hindi niya matiis ang kaipokritohan nito at nagpapaloko sa kasinungalingan ni Veena.

“Kuya, naman! Bakit mo pinaalis si Ate Claire ng ganun-ganon lang? Bakit mo siya pinagalitan ng hindi mo naman alam kung ano ang totoong nangyari?” Nakapameywang na tanong niya sa kanyang kapatid.

Nasa loob pa rin sila ng restaurant pero nakaupo na ang dalawa at si Meesha ay nakatayo habang naghihintay ng kasagutan ng kanyang kapatid. Hindi man lang niya binigyan ng tingin si Veena.

“Tama ka, Meesha. Sabi ko nga kay Manson ay napakabait ni Clare para manakit. Ayos lang naman ako at walang nang–”

“Puwede ba manahimik ka? Hindi kita tinatanong!” Meesha rudely cut off Veena’s words disregarding his brother’s look of dissappoval. “Kung hindi ka sana bumalik masaya pa ring nagsasama si Claire at ang kuya ko!” pagpapatuloy pa ni Meesha.

“Meesha!” Mabilis na tumayo si Manson upang pigilan ang kapatid pero mabilis itong napigilan ni Veena at nawalan ito ng balanse kaya bahagya itong nabuwal at napayakap ang katawan kay Veena.

Iyon ang tagpong naabutan ni Claire nang bumalik siya sa restaurant dahil nagpadala sa kanya ng mensahe si Meesha na nandoon nga raw ito at may ibibigay sa kanya. Ang buong akala niya ay nakaalis na sina Veena at Manson pero hindi niya akalain na maaabutan pa rin niya ang mga ito. Higit sa lahat sa ganitong sitwasyon. Mapakla siyang napangiti at muling tumalikod nang hindi na kinatagpo si Meesha. Hindi na niya kayang pigilang pumatak ang luha hinayaan niya iyon hanggang makasakay siya sa taxi at kahit hanggang makarating sa bahay ng ina ay luhaan siyang nagmukmok sa kuwarto. Plano niyang bumalik sa botique mamayang gabi upang isubsob sa trabaho ang nadudurog na puso.

Samantala ay mabilis na lumayo si Manson kay Veena. “Did I hurt you?” Inalalayan niya itong makatayo saka pinandilatan si Meesha. “Umuwi ka na, Meesha. Ikaw ang mananagot sa akin mamaya kapg hindi ka pa tumigil.”

“Huwag! Huwag mong pagalitan ang kapatid mo, Manson. Walang kasalanan si Meesha rito. Ako ang dapat na sisihin. Kung hindi sana ako lumayo…”

“Shhh… Tama na, Veena. Walang sisihan, okay?”

Napaismid si Meesha habang nagmamasid. Kung si Claire ay halos masuka ng dugo dahil sa kaplastikan ni Veena, siya naman ay gustong himatayin dahil hindio niya kayang sikmurain ang ugali ng babaeng kaharap.

“Enough, Veena. Hindi ko kailangan ng peke mong simpatiya,” asik niya na muling umani ng sama ng tingin mula kay Manson.

“Meesha!” bulyaw sa kanya ng kapatid. “Umuwi ka na kung ayaw mong ipadampot kita sa mga bodyguards mo!”

“Sige, kuya. Ipagpatuloy mo ‘yang kaipokritohan mo at magpalamon ka sa kasinungalingan ng babaeng ‘yan!” Nagpapadyak na umalis ng restaurant si Meesha pero imbis na umuwi tulad ng sinabi ng kanyang kuya ay dumiretso siya sa bahay ng ina ni Claire.

“Hayaan mo na ang kapatid mo, Manson. Alam kong galit pa siya sa akin kaya niya nasabi iyon. Huwag kang mag-alala dahil habang pinoproseso mo ang divorce niyo ni Claire, susubukan ko namang paamuin siya.”

“Hmm…” tanging sagot ni Manson. Ang totoo ay ukupado ang isip niya ni Claire. Kung gaano ito nasaktan kanina dahil sa pagsuway niya. Hindi niya alam kung tama ba ang nababasa niya sa mukha nito na tila may pakialam pa rin ito sa kanya. Tahimik siyang umiling. Nah! Sigurado akong mas importante sa kanya ang Lucas na ‘yon keysa sa akin!

Mga Comments (3)
goodnovel comment avatar
Miles Petersaint
ayy kapangit n ng kwento na eto' hahahh mga walang kwenta Ang bida ......... haysss dati Ang gaganda ng kwento sa apps na eto' ngayon sus puro katangahan na Ang kwento " katamad na magbasa Dito sa apps na eto'
goodnovel comment avatar
Maricris Sadiwa Gega
nakakainis , lagi nman wla ending
goodnovel comment avatar
Claudia Rico
nakakainis Ka Manson
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • Divorce Now, Marry Me Later   Chapter Seven: Drunk

    Dahil sa nangyari kanina sa restaurant ay hindi mapigilan ni Manson na maglasing upang alisin ang inis sa dibdib. Matapos ang trabaho ay pumunta siya sa isa sa mga paborito niyang bar kung saan pagmamay-ari ng kaibigan niya na siyang abay rin sa kasal nila ni Claire, si Harley. Magkalapit ang loob nito at ng kanyang asawa kaya lagi siyang nakakatikim dito ng sermon, tulad na lang ngayon. “Manson, ano ba ang pumasok sa kukute mo at kailangan mo pang i-divorce si Claire? You two are doing okay,” magkasalubong ang kilay na tanong ni Harley matapos siyang abutan ng baso ng whiskey. Alam na alam na nito kung ano ang gusto niyang inumin kapag napagawi siya sa bar.Mabait na tao si Harley. Kaibigan ito ni Manson noong high school pa lang sila sa isang prehisteryosong eskwelahan. Maganda, matangkad at matalino at papasa bilang isang beauty queen. Lagi pa nga silang napagkakamalang magkasintahan noon kaso alam ni manson simula’t sapul na babae rin ang gusto ni Harley at tanging kaibigan ang t

    Huling Na-update : 2024-06-01
  • Divorce Now, Marry Me Later   Chapter Eight: Roses

    Dahil sa tagpong nakita ni Claire sa sariling pamamahay ay hindi siya nakatulog nang maayos kaya ang ginawa niya ay tinapos ang mga desinyo na pinapagawa ng kliyente niya. Narito siya ngayon sa boutique at inabala ang sarili upang kalimutan ang pait na nararamdaman ngunit kahit ano’ng gawin niya ay hindi iyon nababawasan.Tumigil lamang siya sa ginagawa nang mapansin na maliwanag na sa labas. Tumayo siya at nag-inat pagkatapos ay tiningnan ang cellphone. Umaasa siya na may mensahe sa kanya si Manson pero ni isa wala. Bagkus ay meron doong sampung miscall at sandamakmak na mensahe mula kay Meesha. Hindi niya iyon binasa at diretso itong tinawagan."Hey, ate! Bakit ngayon ka lang tumwag? Kagabi pa ako tawag nang tawag sa 'yo!"Nailayo ni Claire ang cellphone sa tainga dahil sa tinis ng boses ni Meesha. "Bakit, may nangyari ba?""Ate naman! Kailangan ba may mangyari pa para makausap kita?" nagtatampong tanong ni Meesha.Naiiling na ngumiti si Claire at nagpasyang katagpuin ito baka magta

    Huling Na-update : 2024-06-02
  • Divorce Now, Marry Me Later   Chapter Nine: Explanations

    Mabilis na lumapit ang bodyguard ni Veena upang umawat pero dahil malakas si Meesha ay nahirapan ang mga itong awatin ang dalawa. Kaagad namang hinawakan ni Claire si Meesha at sinubukan itong ilayo pero sa ginawa niyang iyon ay nakalmot siya ni Veena sa braso. “Damn you, slut!” Naghuramentadong sigaw ni Meesha nang makita ang ginawa ni Veena kay Claire pero dahil kaagad na humarang ang bodyguards nang una ay hindi nakalapit ang kapatid ng asawa niya. “Meesha, tama na. Ayos lang ako,” pigil ni Claire rito. “Hayaan mo na siya at baka ikaw na naman ang pagagalitan ng kuya mo.”“Hmp!” Umupo si Meesha sa kalapit na upuan matapos itong pakalmahin ni Claire. “Hindi mo dapat siya pinapakitaan ng kabutihan, ate. Hindi niya deserve ‘yun!”“How could you, Meesha!? Kapatid ang turing ko sa ‘yo mula pa noon pero bakit ganito ang trato mo sa akin?” Biglang sigaw ni Veena. Hindi ito makalapit sa kinauupuan nilang mesa dahil sa mga bodyguards nitong pumipigil dito.Marahas itong nilingon ni Meesha

    Huling Na-update : 2024-06-03
  • Divorce Now, Marry Me Later   Chapter Ten: Why do we need to divorce?

    May maliit pero sagana sa panindang bulaklak malapit sa botique na pinagtatrabahuan ni Claire kaya’t doon siya nagpababa. Pero walang ideya ang asawa kung bakit.“Samahan na kita,” suhestiyon ni Manson nang pinagbuksan siya nito ng pinto ng kotse. “Bakit bumaba ka rito samantalang doon pa ang botique na pinapasukan mo?”Hindi sumagot si Claire at nagpatiunang naglakad papasok sa botique. Sumunod sa kanya ang nakakunot ang noong asawa. Nang makita nito kung ano ang ginawa niya ay saka lang ito natauhan. “Kailangan ko ng one-hundred and forty-three long stem white roses,” utos ni Claire sa tindera na namangha dahil sa dami ng in-order niya. “Para saan pong okasyon, maam?” magalang na tanong ng tindera pero ang mata nito ay hindi mapigilang tumingin kay Manson na nakatayo sa likuran niya. Masungit na nilingon ni Claire si Manson at pinandilatan. Hmp! Nakakamatay talaga ang kaguwapuhan mo! Tahimik niyang bulong sa sarili. Nilingon niya ang tindera na ngayon ay nag-umpisa ngang magpakit

    Huling Na-update : 2024-06-04
  • Divorce Now, Marry Me Later   Chapter Eleven : Claire

    Chapter 11Natigilan sa akmang pagpasok sa botique si Claire nang marinig ang sinabi ni Manson. Biglang nanginig ang kamay niya na nakahawak sa handle ng pintuan dahil sa biglang pagbilis ng tibok ng puso. Mabilis niyang nilingon ang asawa. Pero gustuhin man niyang umasa ay hindi pupuwede.“Bakit mo nasabi ‘yan? Hindi ba ikaw ang unang nagsuhestiyon na maghiwalay na tayo dahil sa Veena na ‘yon?” She didn’t want her hopes to crash without even starting. “Ibig ba niyang sabihin ay determinado ka na makipaghiwalay sa akin?”Kahit nasasaktan ay tumango si Claire. “Oo. Malapit nang maaprubahan ang divorce dito sa Pilipinas kaya oo, sigurado ako sa desisyon kong makipaghiwalay sa ‘yo.” Ngumiti si Claire kahit taliwas iyon sa totoong nararamdaman. Kung puwede lang ay ibalik niya ang oras at huwag nang pumayag na makipaghiwalay rito.“Claire! Anong ginagawa mo diyan sa labas? Pumasok ka na rito at may meeting tayo para sa bagong proyekto.” Isang lalaki, na halos kasing-edad ni Claire ang lum

    Huling Na-update : 2024-06-06
  • Divorce Now, Marry Me Later   Chapter Twelve: Feed Me

    Chapter 12Nang lumapat ang labi ni Veena sa kanya ay mabilis itong itinulak ni Manson palayo at matalim ang matang tiningnan ang babae na tila binibigyan ng babala. Kaagad namang lumayo si Veena at nakuntentong umupo sa tabi niya. “Bakit ka nandito?” malamig ang boses na tanong ni Manson. Ayaw niyang magkaroon uli sila ng hindi pagkakaunawaan ni Claire kapag malaman nitong nagkita sila ni Veena at magkatabi pa sa upuan.Malawak na ngumiti si Veena at inabala ang sarili sa pagkuha ng pagkain na hindi man lang nagpapaalam sa um-order niyon. “You know me, Manson. I am wherever you go. I can sniff and will find you even if you are in depths of earth,” Veena answered coquitteshly.Umangat ang kilay ni Marx sa narinig habang si Manson ay hindi sumagot. Tahimik siyang kumuha ng pagkain pero bago pa niya iyon mailagay sa plato ay inagaw na iyon ni Veena at ito na ang nagsilbi sa kanya.“Let me, my bae. Nakahanda akong pagsilbihan ka kahit saan. Kahit anong pagsisilbi gagawin ko.”Hindi na n

    Huling Na-update : 2024-06-07
  • Divorce Now, Marry Me Later   Chapter Thirteen : cousin

    Chapter 13Natulos sa kinatatayuan si Claire nang makita kung paano subuan ni Manson si Veena na puno ng lambing na gustong-gusto naman ng huli. Nakaramdam ng iritasyon si Claire at sumikip ang dibdib dahil sa hindi niya makayanan ang tagpo. Masarap na amoy ng pagkain na may halong amoy ng alak ang VIP room, pero taliwas iyon sa nararamdaman ni Claire. Gusto niyang sugurin si Veena at ingudngod ang nguso nito sa mesa pero alam niyang wala siya sa posisyon. Sa puso ni Manson, ito ang nangunguna at siya ay asawa lamang sa papel. Nang tinapunan niya ng tingin si Marx ay pinandilatan niya ito ng mata na nakatingin din pala sa kanya na nakaawang ang labi. Saan ang emergency? Emergency dahil tinitigasan? Nanggigil na sigaw niya sa isip.Dahil nakita na rin naman siya ni Marx ay hindi siya nito hinayaang makaalis. “Claire!” Tumayo ito sa kinauupuan saka hinila siya papasok sa loob at pinaupo sa kabilang gilid ni Manson. Tinapik siya nito sa braso at tiningnan siya na tila sinasabing bantaya

    Huling Na-update : 2024-06-08
  • Divorce Now, Marry Me Later   Chapter Fourteen : Kiss

    Nagpahatid si Claire kay Claude sa bahay ng kanyang ina dahil labis itong nag-ayaw na mag-commute siya at dis-oras na ng gabi. Nakaparada ang sasakyan ng lalaki sa tapat ng building ng apartment complex na tinutuluyan ng kanyang ina habang pareho silang nakasandal sa harapan ng kotse nito. Mainit ang dala ng hangin at masarap iyon sa pakiramdam kaya nang inimbitahan siya ni Claude na mag-usap sandali ay agad pumayag si Claire.Claude insists on talking with her a bit longer. Wala naman silang ibang pinag-usapan kundi puro tungkol sa trabaho at dahil pareho sila ng hilig ay hindi napansin ni Claire na napahaba na ang kanilang usapan. Walang ano-ano ay bigla niyang napansin ang isang matangkad na pigura na papalapit hindi kalayuan sa kanila. Kahit mahina ang liwanag mula sa poste ng ilaw sa kalsada ay aninag na aninag pa rin ni Claire ang nag-mamay-ari ng bulto ng katawan na ito, ang kanyang asawa. Paano ba niya ito hindi makikilala kung sa paglalakad pa lang ng mahabang biyas nito ay n

    Huling Na-update : 2024-06-09

Pinakabagong kabanata

  • Divorce Now, Marry Me Later   Chapter 196: MaPa

    Kinabukasan, nagpahayag ng imbitasyon si Vincent kina Claire at Manson na gusto nitong manood ng sine matapos mag-dinner sa labas. Pero ang totoong dahilan nito ay nahihiya kung silang dalawa lang ni Meesha ang magkasama. Dahil buong araw na nakapagpahinga ang dalawa ay pinaunlakan nila si Vincent. “Vincent, paano ka naman makaka-iskor kay Meesha niyan kung kasama mo kami?” biro ni Claire kay Vincent nang matapos na silang manood. Nasa labas na sila sa hallway habang hinihintay si Meesha na lumabas ng banyo. Napakamot sa ulo ang lalaki at kinakabahang napatawa. “That’s why I asked you and Manson to come. Kailangan ko lang ng moral support.” “Tsk!” naiiling na komento ni Manson pero wala na itong sinabi dahil papalapit na sa kanila si Meesha. “Goodluck! Kaya mo ‘yan!”Nangunot ang noo ni Meesha dahil sa sinabi ni Claire. “Bakit, ano’ng meron?” Tumayo ito sa tabi ni Vincent at pinaningkitan ng mata ang binata. Alanganin na ngumiti si Vincent saka inaya si Meesha. “Nothing. They

  • Divorce Now, Marry Me Later   Chapter 195: Go Back

    Kinabukasan ay palihim na kinausap si Claire ng kanyang ina sa kanyang kuwarto na ikinagulat niya dahil maaga pa lang ay nasa loob na ito. “Ma, may kailangan ka?” hindi niya mapigilang usisain ito dahil sa labis na pagtataka. Nakahiga pa siya sa kama dahil katatapos niya lang makipag-usap kay Manson. Umupo ang kanyang ina sa gilid ng kama malapit sa uluhan niya at hinaplos ang magulo niyang buhok saka pilit na ngumiti. Nangunot naman ang noo ni Claire dahil sa nakikitang itsura ng ina na tila hindi ito nakatulog dahil sa malalim ang iniisip. Hinintay niya itong sumagot upang pakinggan kung sakali mang may dinadala itong problema. “Claire, ano ang tingin mo ay Lucas?”Lalong nagkasalubong ang kanyang kilay at nagkaroon ng hinala kung bakit tila balisa ito. “Ma, is this about Aunty Marriotte asking me to marry Lucas?” Tumango ito at dumilim ang mukha ni Claire. “Ma, it can't be happen. Hindi ako magpapakasal kay Lucas dahil parang kapatid na ang turing ko sa kanya. Kung ano man ang n

  • Divorce Now, Marry Me Later   Chapter 194: Dilemma

    Abala si Claire sa pag-aalaga kay Lola Rosa, ang lola ni Lucas, na hindi niya napansin ang pitong araw na binigay sa kanya ni Manson ay tapos na. Araw-araw siyang tumutungo sa ospital at inaalagan, binabantayan at iginagala sa compound ng hospital si Lola Rosa. kung hindi pa siya sinabihan ng kanyang ina na kailangan na nilang umuwi dahil siguradong magagalit na naman si Manson. Kahit si Lucas ay inuudyukan din siyang bumalik na sa Pilipinas at kaya naman na nitong alagaan si Lola Rosa pero sa araw-araw na lumilipas na nakikita niyang ang unti-unting paghihina ng matanda ay nasasaktan siya at hindi niya ito kayang iwan. Naalala niya ang kanyang lola. Namatay ito na wala siya sa tabi nito. “Claire, hindi ka ba napapagod sa ginagawa mo? Kaya ko nang alagaan si Lola. bumalik ka na ng Pilipinas dahil sigurado akong hinahanap ka na ng kapatid ko. Kapag magtatagal ka pa rito ay sigurado akong hindi ka na makakabalik dahil sa ngayon ay ikaw na lang ang hinahanap ni Lola.”Mahinang napatawa

  • Divorce Now, Marry Me Later   Chapter 193: Marriage

    Dumating ang araw ng linggo na pinakahihintay ni Claire. Ngayong gabi kasi ay pupunta sa bahay nila sina Meesha at Vincent para sumalo sa hapunan kaya naman naghanda ng maraming pagkain si Claire. Hindi niya alam kung ano ang paboritong pagkain ng dalawa kaya bago maghanda ay tinanong niya muna si Manson na sikreto namang tinanong si Meesha upang alamin. Bukod sa in-order niyang putahi ay mayroon ding nilutong pagkain si Claire na natutunan niya sa kanyang lola noong nabubuhay pa ito. At habang naghahanda nga siya ay may hindi maipaliwanag na tuwa sa kanyang puso sa isiping maka-bonding niya si Vincent. Mabuti na lamang at kahit halata sa kilos niya ang tuwa habang naghahanda ay hindi nagselos si Manson at inaprubahan lang kung ano ang gusto niya. Dahil wala si Aurora sa bahay ay sila ni Manang Silva lang ang natoka sa kusina kaya naman nang dumating ang dalawang bisita ay si Manson ang sumalubong dito. Habang nagsalo-salo ang tanging nagsasalita ay si Meesha, as usual ito ang pinak

  • Divorce Now, Marry Me Later   Chapter 192: Blood link

    Kung dati ay nagdadalawang-isip pa si Claire, ngayon ay gusto na niyang sagutin ng oo si Manson hindi dahil sa ama nito na botong-boto na sa kanya sa biglang pagtaas ng posisyon niya kundi dahil gusto niya nang matali sa kanya ng tuluyan si Manson. Sa taglay na kaguwapuhan ng lalaki ay sigurado siyang marami at marami pang kababaihan ang gustong lumandi rito. Niyakap niya ang braso sa leeg ni Manson at sinserong ngumiti habang magkahinang ang kanilang mata. “You know that I always wanted to marry you. Hindi lang talaga sumasabay ang pagkakataon. I always wanted to be with you forever dahil gusto ko nang itali ka sa akin habang-buhay para wala nang ibang babae ang humarot sa ‘yo pero…” “Pero?” Umupo si Claire sa kandungan ni Manson habang nakaupo ito sa kama saka mabilis na dinampian ng halik sa labi at nagsalita. Her words were refined and delicate to appease the man of her dreams for him to agree to her plans. “Alam mong malubha na ang kalagayan ng lola ni Lucas at dahil isa siya

  • Divorce Now, Marry Me Later   Chapter 191: Failed attempt

    Hindi agad-agad naniniwala si Claire sa mga ganitong nababasa lalo na at dumarami ang mga scammers ngayon. Pero dahil binanggit ang pangalan ni Manson ay may bahagi ng isip niya ang naniniwala na baka totoo nga ito kaya naman mabilis niyang tinawagan ang numero nang nagpadala ng mensahe pero kahit anong tawag niya ay hindi niya na iyon makontak. Nagkibit siya ng balikat at binalewala iyon pero habang tumatagal ang oras na hindi nagre-reply sa kanya si Manson ay tila may sumusundot sa puso niya t hindi siya mapakali. Nang sumapit ang gabi ay halos hindi siya makatulog dahil iniisip pa rin kung sino ang misteryosong nagpadala sa kanya ng mensahe. Mabuti na lang bago siya matulog ay tumawag sa kanya si Manson at sinabing ayos lang ito kaya naman hindi na niya inungkat dito ang tungkol sa mensahe na natanggap.Kinabukasan, inumpisahan niya ang painting na personal niyang naisip. Iyon ay ang painting ng kanyang ina. Ang sabi sa kanya ng kanyang ama ay magkamukha sila nito kaya naman ginam

  • Divorce Now, Marry Me Later   Chapter 190: Secrets spilled

    Mahigpit na napahawak sa jewelry box si Khaleed at tumiim ang bagang dahil hindi niya kayang isipin na ang isang tulad ni Benjamin ang ama ni Claire. A single 'ding' sound followed by the elevator’s door being opened and Manson ang Khaleed simultaneously turned their heads towards it. Nangunot ang noo at nagsalubong ang kilay ni Manson nang mapagsino ang nakitang lumabas. Nang nilingon niya si Khaleed ay mas madilim pa ang mukha nito sa kanya na halatang-halata ang galit sa mukha. “Ano’ng ginagawa n’yo rito?” malamig na tanong ni Khaleed. Walang bahid ng ngiti sa labi nito habang nakatingin sa bagong dating na sina Benjamin at Lanette.Biglang nalukot ang mukha ni Benjamin sa tanong ni Khaleed. “Hindi ba at ako dapat ang magtanong niyan sa ‘yo? Ano ang ginagawa mo rito? Ano ang karapatan mo para bisitahin ang dati kong asawa?”Tumaas ang sulok ng labi ni Khaleed at simpleng sumagot. “Kaibigan, may problema ba roon?” kalmadong sagot niya.“Aunty Lanette, magkaibigan din ang mama ko a

  • Divorce Now, Marry Me Later   Chapter 189: Her Father

    Mapait na ngumiti si Khaleed saka nilingon si Manson na nakatingala pa rin sa medyo madilim na kisame. Hindi talaga niya matakasan ang matalinong tao. Kaya ito naging matagumpay sa negosyo kahit sa batang edad nito ay dahil mabusisi at matalino ito na kayang basahin ang bawat galaw ng kaharap. “Huwag mong sabihin kay Claire. Hindi niya muna kailangang malaman kung sino ang tunay niyang ina.”Tumango si Manson bilang pagsang-ayon at diretsong tiningnan si Mr. Khaleed. “Naiintindihan ko. Pero hindi ba at mas maganda kung malaman ni Claire kung sino ang ina niya at hindi naman siya nasa dilim kung sino ang tunay niyang ina? Pareho nating alam na matagal na niyang gustong malaman kung sino ang kanyang ina.”“Dahil nasa dilim ang taong gustong manakit kay Claire at tayo ay nasa liwanag. Madali tayong makikita ng kalaban. Wala akong alam kung sino ang may pakana sa pagkawala niya noon. Kung sino ang taong gustong pumatay sa kanya. Kapag kilala ng mag-ina ang isa’t isa ay sigurado akong par

  • Divorce Now, Marry Me Later   Chapter 188: Her mother...

    “Claire? Sino’ng kausap mo?”Mula sa pagkakatayo sa pintuan ay nakangiting nilingon ni Claire ang ama na nasa kanya palang likuran. Lumamlam ang mga mata niya. “Pa, nandiyan ho pala kayo.” May munting ngiti sa labi ng kanyang ama nang lumapit ito at tumayo sa gilid niya. “Hindi mo naman sinabi na may bisita ka pala. Bakit hindi mo papasukin sa loob?” Napakamot sa batok si Claire. Ang totoo ay hindi niya rin akalaing bibisitahin siya ni Lucas. Ang buong akala niya ay nasa America pa ito kaya’t nagulat siya nang bigla siya nitong sinurpresa. Kadarating lang nito nang makita sila ng kanyang ama pero nag-aalangan siya kung papasukin ito o hindi dahil hindi niya ito pamamahay at hindi siya sigurado kung okay lang ba sa kanyang ama kung magpapasok siya ng bisita. “Ah kasi ano, pa…” Nilingon niya si Lucas na ang pokus ng tingin ay nasa kanyang ama. “Huwag ka nang mahiya, Claire. Paalis na rin ako kaya malaya kayong makakapag-usap.”Namula ang mukha ni Claire dahil sa sinabi ng kanyang am

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status