Mabilis na lumapit ang bodyguard ni Veena upang umawat pero dahil malakas si Meesha ay nahirapan ang mga itong awatin ang dalawa. Kaagad namang hinawakan ni Claire si Meesha at sinubukan itong ilayo pero sa ginawa niyang iyon ay nakalmot siya ni Veena sa braso. “Damn you, slut!” Naghuramentadong sigaw ni Meesha nang makita ang ginawa ni Veena kay Claire pero dahil kaagad na humarang ang bodyguards nang una ay hindi nakalapit ang kapatid ng asawa niya. “Meesha, tama na. Ayos lang ako,” pigil ni Claire rito. “Hayaan mo na siya at baka ikaw na naman ang pagagalitan ng kuya mo.”“Hmp!” Umupo si Meesha sa kalapit na upuan matapos itong pakalmahin ni Claire. “Hindi mo dapat siya pinapakitaan ng kabutihan, ate. Hindi niya deserve ‘yun!”“How could you, Meesha!? Kapatid ang turing ko sa ‘yo mula pa noon pero bakit ganito ang trato mo sa akin?” Biglang sigaw ni Veena. Hindi ito makalapit sa kinauupuan nilang mesa dahil sa mga bodyguards nitong pumipigil dito.Marahas itong nilingon ni Meesha
May maliit pero sagana sa panindang bulaklak malapit sa botique na pinagtatrabahuan ni Claire kaya’t doon siya nagpababa. Pero walang ideya ang asawa kung bakit.“Samahan na kita,” suhestiyon ni Manson nang pinagbuksan siya nito ng pinto ng kotse. “Bakit bumaba ka rito samantalang doon pa ang botique na pinapasukan mo?”Hindi sumagot si Claire at nagpatiunang naglakad papasok sa botique. Sumunod sa kanya ang nakakunot ang noong asawa. Nang makita nito kung ano ang ginawa niya ay saka lang ito natauhan. “Kailangan ko ng one-hundred and forty-three long stem white roses,” utos ni Claire sa tindera na namangha dahil sa dami ng in-order niya. “Para saan pong okasyon, maam?” magalang na tanong ng tindera pero ang mata nito ay hindi mapigilang tumingin kay Manson na nakatayo sa likuran niya. Masungit na nilingon ni Claire si Manson at pinandilatan. Hmp! Nakakamatay talaga ang kaguwapuhan mo! Tahimik niyang bulong sa sarili. Nilingon niya ang tindera na ngayon ay nag-umpisa ngang magpakit
Chapter 11Natigilan sa akmang pagpasok sa botique si Claire nang marinig ang sinabi ni Manson. Biglang nanginig ang kamay niya na nakahawak sa handle ng pintuan dahil sa biglang pagbilis ng tibok ng puso. Mabilis niyang nilingon ang asawa. Pero gustuhin man niyang umasa ay hindi pupuwede.“Bakit mo nasabi ‘yan? Hindi ba ikaw ang unang nagsuhestiyon na maghiwalay na tayo dahil sa Veena na ‘yon?” She didn’t want her hopes to crash without even starting. “Ibig ba niyang sabihin ay determinado ka na makipaghiwalay sa akin?”Kahit nasasaktan ay tumango si Claire. “Oo. Malapit nang maaprubahan ang divorce dito sa Pilipinas kaya oo, sigurado ako sa desisyon kong makipaghiwalay sa ‘yo.” Ngumiti si Claire kahit taliwas iyon sa totoong nararamdaman. Kung puwede lang ay ibalik niya ang oras at huwag nang pumayag na makipaghiwalay rito.“Claire! Anong ginagawa mo diyan sa labas? Pumasok ka na rito at may meeting tayo para sa bagong proyekto.” Isang lalaki, na halos kasing-edad ni Claire ang lum
Chapter 12Nang lumapat ang labi ni Veena sa kanya ay mabilis itong itinulak ni Manson palayo at matalim ang matang tiningnan ang babae na tila binibigyan ng babala. Kaagad namang lumayo si Veena at nakuntentong umupo sa tabi niya. “Bakit ka nandito?” malamig ang boses na tanong ni Manson. Ayaw niyang magkaroon uli sila ng hindi pagkakaunawaan ni Claire kapag malaman nitong nagkita sila ni Veena at magkatabi pa sa upuan.Malawak na ngumiti si Veena at inabala ang sarili sa pagkuha ng pagkain na hindi man lang nagpapaalam sa um-order niyon. “You know me, Manson. I am wherever you go. I can sniff and will find you even if you are in depths of earth,” Veena answered coquitteshly.Umangat ang kilay ni Marx sa narinig habang si Manson ay hindi sumagot. Tahimik siyang kumuha ng pagkain pero bago pa niya iyon mailagay sa plato ay inagaw na iyon ni Veena at ito na ang nagsilbi sa kanya.“Let me, my bae. Nakahanda akong pagsilbihan ka kahit saan. Kahit anong pagsisilbi gagawin ko.”Hindi na n
Chapter 13Natulos sa kinatatayuan si Claire nang makita kung paano subuan ni Manson si Veena na puno ng lambing na gustong-gusto naman ng huli. Nakaramdam ng iritasyon si Claire at sumikip ang dibdib dahil sa hindi niya makayanan ang tagpo. Masarap na amoy ng pagkain na may halong amoy ng alak ang VIP room, pero taliwas iyon sa nararamdaman ni Claire. Gusto niyang sugurin si Veena at ingudngod ang nguso nito sa mesa pero alam niyang wala siya sa posisyon. Sa puso ni Manson, ito ang nangunguna at siya ay asawa lamang sa papel. Nang tinapunan niya ng tingin si Marx ay pinandilatan niya ito ng mata na nakatingin din pala sa kanya na nakaawang ang labi. Saan ang emergency? Emergency dahil tinitigasan? Nanggigil na sigaw niya sa isip.Dahil nakita na rin naman siya ni Marx ay hindi siya nito hinayaang makaalis. “Claire!” Tumayo ito sa kinauupuan saka hinila siya papasok sa loob at pinaupo sa kabilang gilid ni Manson. Tinapik siya nito sa braso at tiningnan siya na tila sinasabing bantaya
Nagpahatid si Claire kay Claude sa bahay ng kanyang ina dahil labis itong nag-ayaw na mag-commute siya at dis-oras na ng gabi. Nakaparada ang sasakyan ng lalaki sa tapat ng building ng apartment complex na tinutuluyan ng kanyang ina habang pareho silang nakasandal sa harapan ng kotse nito. Mainit ang dala ng hangin at masarap iyon sa pakiramdam kaya nang inimbitahan siya ni Claude na mag-usap sandali ay agad pumayag si Claire.Claude insists on talking with her a bit longer. Wala naman silang ibang pinag-usapan kundi puro tungkol sa trabaho at dahil pareho sila ng hilig ay hindi napansin ni Claire na napahaba na ang kanilang usapan. Walang ano-ano ay bigla niyang napansin ang isang matangkad na pigura na papalapit hindi kalayuan sa kanila. Kahit mahina ang liwanag mula sa poste ng ilaw sa kalsada ay aninag na aninag pa rin ni Claire ang nag-mamay-ari ng bulto ng katawan na ito, ang kanyang asawa. Paano ba niya ito hindi makikilala kung sa paglalakad pa lang ng mahabang biyas nito ay n
Hindi sumagot si Claire at halos sindihan ang puwet niya nang pagbukas na pagbukas ng elevator ay kumaripas siya ng lakad. Habang binubuksan ang lock ng pinto ng apartment ay tinanong siya ni Manson.“Pinagsisihan mo ba na nagpakasal ka sa akin?” Bahagyang nasurpresa si Claire sa tanong ni Manson. Itinigil niya ang akmang pagbukas ng pinto at tiningala ang matangkad na asawa. Nagkasalubong ang mata nila. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala na parang isang greek god o model ng isang men’s magazine ang napakasalan niya. May problema man sila ngayon ay hindi iyon hadlang para i-admire niya ang kaguwapuhan nito. Bumilis ang pintig ng kanyang puso. Pero pinagsisihan ba niya na nagpakasal siya kay Manson?Umiling siya. “No. Hindi ko pinagsisihan.”Tinulak ni Claire ang pinto at naunang pumasok habang nakasunod sa kanya si Manson. “Tatlong taon ang nakakaraan ay isa akong walang silbing asawa. Ni hindi makalakad, mainitin ang ulo na kahit mga doktor at nurses na tumitingin ay
Umangat ang mukha ni Claire mula sa nabasag na vase at hindi makapaniwalang tumingin kay Manson dahil bigla itong pumasok. Paano pala kung n*******d siya? “Ayos lang ang lahat, Manson. Nasagi ko ang vase nang hindi sinasadya.” Tumingkayad siya upang pulutin sana ang piraso ng vase na basag nang mabilis siyang pinigilan ni Manson. “Ako na ang gagawa at baka masugatan ka pa.” Pinatong nito ang cellphone sa lababo na hindi pa rin napapansin na naka-on call pa rin iyon. Yumuko ito at isa-isang pinulot ang basag na piraso ng vase. Mabuti na lang at ceramic iyon kaya malalaki ang piraso ng bubog. “Mag-ingat ka at baka ikaw naman ang masugatan,” paalala ni Claire habang inabot dito ang basurahan. Kinindatan siya ng asawa at inilagay sa basurahan ang mga basag na piraso. “Nag-aalala ka ba para sa ‘kin? Huwag kang mabahala, aking asawa. Makalyo ang palad ko. Hindi ito agad-agad masugatan.” “Stop joking around. Walang makapal na balat sa matalas na bubog.” Yumuko siya at tinulungan ito pero
Ilang araw ang lumipas nang mabalitaan ni Claire na pinamanahan siya ni Mr. Campbell nang malaking mana na labis niyang ikinabigla. Alam niyang tunay siya nitong apo pero sino ang mag-aakala na halos lahat ng yaman ay ipapamana nito sa kanya!? Ang rason nito ay dahil binigyan niya ito ng isa pang pagkakataon na mabuhay muli. Kahit ang kapatid niyang si Vincent ay agree sa lolo nito pero hindi si Claire kaya naman agad siyang sumugod sa ospital upang komprontahin ang matanda. Pero naabutan niya roon si Lucas. “Lucas, nandito ka…” Tinanguan siya ng binata bago nilapitan saka mahigpit na niyakap. Claire patted him on the back. Agad rin namang kumalas si Lucas at baka magselos na naman si Manson kung may magsumbong dito.“I heard what happened. Ayos ka lang ba? Nandito ako para bisitahin si Mr. Campbell bago puntahan ka pero hindi ko akalain na makikita kita rito.” Umatras ito ng dalawang beses saka mataman siyang pinagmasdan mula ulo hanggang paa. “Why do you look so haggard? Bakit ang
Ang buong akala ni Claire ay makikilanlan ng kanyang ina ang pangalang Onyxie, pero isa iyong pagkakamali dahil ang sumunod na sandali ay bigla siyang hinampas nito ng unan. “No! Umalis kayo! Umalis kayo! Huwag niyong kunin ang anak ko!” Dahil hindi agad nakatayo si Claire sa kama ay nahablot siya ng kanyang ina sa braso at kahit nangangayat ito ay pwersado pa rin ito. Hinila siya nito patayo sa kama saka itinulak sa sahig. dahil nagulat ang lahat sa bayolenteng kilos ni Odette ay hindi agad nakahuma si Manson at hindi niya napigilan ang pagbalibag ng katawan ni Claire. “Claire!” Mabilis siyang nilapitan ni Manson at inalalayan na makatayo. Kahit naging bayolente ang kanyang ina ay walang sumigaw at nanatiling kalmado ang lahat para hindi ito ma-aggravate. “Mom, mom, stop. It’s Onyxie. Hindi siya lalayo sa ‘yo. Hindi ka niya iiwan.” Lumapit si Vincent sa ina at inalo ito habang ang isang kamay ay pinindot ang bell para tumawag ng nurse. Dahil hindi pa rin tumitigil sa pagwawala
“Ano’ng ibig sabihin nito, Doc?” Magkahalong tuwa at pagtataka ang nababadha sa mukha ni Claire habang nakatingin sa doktora. “Sigurado ho ako sa check-up na ginawa ko noong nakaraan na positibo akong buntis pero bakit sa ultrasound ay lumalabas na hindi ako buntis?”Nauunawang nginitian siya ng doktor saka nag-umpisang magpaliwanag. “May cases na ganito, iha. It is called blighted ovum or anembryonic pregnancy. It means, an early miscarriage pero hindi mo malalaman hangga’t hindi nau-ultrasound.” Itinuro ng doktora ang synogram at binilogan ang tila itim na bilog doon. “Mayroon na-develop na gestational sac sa matris mo pero ang bata na mabubuo ay hindi na-develop kahit na fertilized egg pa ang pumasok sa ‘yo. So, even if the embryo fails to develop, the gestational sac will continue to grow. Kaya napagkamalan kang buntis dahil sa bahay-bata.”“Pero bakit ho nakaramdam ako ng pagkahilo at pagsusuka na tulad ng ibang babaeng buntis?”Nanatili ang ngiti sa mukha ng doktora at malumana
“I am sorry to say, pero sa ngayon ay hindi pa stable ang kalagayan ni Aunty Odette. Nakita mo naman ang kagayan niya ‘di ba? Kahit si Vincent ay hindi niya nakikilala. Let’s wait a little bit more, okay?” nakikiusap ang boses ni Manson para lang paniwalaan siya ni Claire. Walang nagawa si Claire kundi tumango gaano man kalungkot ang puso niya. Upang pagaanin ang loob niya ay niyakap siya ni Manson at nanatili sila sa ganoong posisyon sa loob ng ilang segundo bago siya bumitaw. Ngayong alam na niya ang totoo tungkol sa tunay niyang pagkatao ay labis-labis na pananabik ang nararamdaman niya para sa ina. Kailangan niyang kumalma ngayon at pilitin ang sarili na mag-isip ng tama kaya naisipan niyang bisitahin ang ina ni Manson, si Morsheire. Sa pagkakatanda niya ay may naikuwento ito sa kanya noon tungkol sa pagdo-donate nito habang buntis ito kaya gusto niyang makahingi ng advice rito. Hinatid siya ni Manson sa opisina ng kanyang ina na dalawampung minuto ang layo mula sa opisina nito
Pagtapos ng tanghalian ay pinigilan ni Claire ang antok at nagpasyang bumisita sa ospital. Habang nasa sasakyan na minamaneho ng tauhan ni Manson ay tinawagan niya ang lalaki.“May balita na ba kayo tungkol kay Veena?”“Wala pa. Mukhang may kasabwat siya sa ospital dahil pati ang CCTV ay mayroong nagmanipula. ‘Wag kang mag-alala, ginagawa ng ng kapulisan ang lahat para mahanap ang babaeng iyon.”“Hmn…” tanging sagot niya. “Pupunta ako ngayon sa ospital parabisitahin ang aking guro,” pagbibigay alam niya. “Claire…” Manson softly whispered. “Manson, ‘wag kang mag-alala. Bibisitahin ko lang siya. Your father already reminded me na hindi ko pwedeng ipahamak ang anak natin,” mabilis na paliwanag niya. Habang naliligo kanina ay ay napag-isip-isip ni Claire na tama naman ang sinabi ni Mr. Perie. Minsan ay dapat maging selfish din siya katulad ni Veena. “Thank you, Claire. At huwag ka ring mag-alala dahil gagawi ko ang lahat mahanap lang ang babaeng iyon, oka
Imbes na sa bahay ni Claire dumiretso ay sa ospital ang kanilang tungo. Naghihintay na sa kanila ang doktor na mag-oopera sana kay Mr. Campbell. Bakas sa mukha nito ang pag-aalala dahil sa kalagayan ni Mr. Campbell. “Ano’ng nangyari? Paano kayo natakasan ng babaeng ‘yon?” madilim ang mukhang tanong ni Manson. Pigil ang galit nito na ‘wag sigawan ang doktor. Nasa tabi niya si Claire na hindi mapakali dahil sa ginawa ni Veena. Napakasama talaga ng ugali ng babaeng ‘yon! Sinadya nitong ilagay sa alanganin ang buhay ng lolo nito para walang magawa si Claire kundi ang mag-donate. “Naghahanda na kaming lahat pero biglang nagpaalam si Miss Veena na magsi-CR daw muna dahil nininerbyus siya pero hindi na ito bumalik,” may takot sa boses na paliwanag ng doktor. “Hindi porke’t tinawagan mo si Claire at pinapunta rito ay papayag na akong mag-donate siya. Isang beses na siyang nakunan at kapag mawala ulit ang anak namin ay malabo na ang susunod niyang pagbubuntis,” matigas ang boses ni Manson a
Habang pwersahang pinapalabas ng guards sina Veena at Benjamin ay bigla namang dumating sina Manson at Khaleed. “What is happening here?” malakas ang boses na tanong ni Manson. Gad na dumiretso ang tingin nito kina Benjamin at Veena. “Manson, we came here in a peaceful way. Gusto lang namin pakiusapan si Claire na tulungan si Lolo na mag-donate. Pero pinagtatabuyan niya kami!” Hindi pinansin ni Manson si Veena at dumiretso siya kay Claire. Samantala si Khaleed ay huminto sa tapat ni Benjamin. “Why are you here forcing someone to donate when you know she is not capable? Buntis ang anak ko at pinipilit niyo na mag-donate siya? Ano namang silbi niyang anak mo na wala namang karamdaman sa katawan? Siya ang apo ni Mr. Campbell kaya siya ang karapat-dapat na mag-donate!” Dumilim ang mukha ni Benjamin dahil sa sinabi ni Khaleed. Mataas siyang tao, nirerespeto kaya hindi siya papayag na basta-basta na lang pagsasabihan ng ibang tao. “Sino ka para pagsabihan ako ng ganyan? Nasaan ang u
Natigilan si Claire sa sinabi ng doktor. Saka lang niya naalala na halos isang linggo nang delay ang menstruation niya. Kahit hindi sigurado kung buntis siya o hindi ay tinanong niya ang doktor. “Puwede pa rin ba akong mag-donate kung buntis nga ako?”“No. Imposible ‘yon, iha. Ikakamatay ng bata kung magdo-donate ka pa.”“Hindi ba at kukuhanan lang naman ako ng dugo saka stem cells?” pamimilit niya. “Iha, hindi ganoon kadali ang sinasabi mo. Bago ka kuhaan niyon ay kailangan ka pang turukan ng anesthestia at mobilization agent para i-stimulate ang paggalaw ng hematopoietic stem cells at delikado iyon sa fetus,” paliwanag ng doktor. Hindi nakaimik si Claire. Pinasalamatan niya ang doktor at lumabas ng opisina nito at hinayaan si Veena kahit tinatawag ang pangalan niya para pigilan siya. Dumiretso siya sa OB-gyne department ng hospital para magpa-check up kung tama nga ang hinala niya at hindi nagtagal ay nakuha din niya ang resulta. She was pregnant indeed…“Oh, bakit sambakol ang m
Agad-agad na pinuntahan nina Manson at Claire si Mr. Campbell sa ospital kung saan ito nakaratay. Kahit hindi pinayagan ni Claire si Manson ay nagpumilit ito dahil sa maganda rin ang samahan nito sa kanyang guro. Ilang buwan pa lang ang nakakalipas pero ibang-iba na ang mukha na nakikita ngayon ni Claire. Humpak ang pisngi ni Mr. Campbell at ang laki ng ipinayat ng katawan nito. Agad siyang nakaramdam ng awa sa guro. Nilapitan niya ang matanda at maingat itong hinawakan sa braso. “Master…” pnigilan niya ang mapaluha dahil sa bigat ng nararamdaman niya. Maraming naitulong sa kanya si Mr. Campbell at hinding-hindi niya makakalimutan ang lahat ng aral na nakuha niya rito. Hindi man ganoon katagal ang naging pagsasama nila bilang guro at estudyante nila ay malalim pa rin ang pinagsamahan nila para balewalain ni Claire ang matanda. Pahirapang nagmulat si Mr. Campbell at pilit na ngumiti kahit nahihirapan. “Claire, iha. Wala kang dapat na ikabahala. Nasa cycle na ako ng buhay ko na handa