Chapter: Chapter 174: Ransom moneyHabang lumilipas ang minuto na kasama ng kanyang ina ang kanyang ama y hindi mapakali si Claire. Pabalik-balik ang kanyang lakad sa salas upang pakalmahin ang sarili pero kahit ano’ng gawin niya ay hindi siya mapakali. Mahigpit na habilin ng kanyang ina na ‘wag siyang sumunod rito dahil kaya na nito ang sarili pero hindi siya basta magpapaniwala sa sinabi nito. Kahit ilang beses pa lang niyang naka-engkwentro ang ama ay alam na niya ang likaw ng bituka nito. Sigurado siyang may masama itong tangka sa kanyang ina. “Claire, relax. Walang mangyayaring masama sa iyong ina. Kasama niya ang tatlong bodyguards na itinalaga ko sa kanya.”Nilingon ni Claire si Manson na nakaupo sa sofa at kanina pa nababahala dahil sa labis niyang pag-aalala. “Hindi mo kilala si Rolando, Manson. Kahit siya man ang asawa ni mama, ay hindi niya kailanman itinuring na asawa ang aking ina. At kahit may bodyguards siyang kasama alam kong kung gagawa nang masama si Rolando ay hindi sila magiging sapat.”Tumayo si
Huling Na-update: 2024-12-21
Chapter: Chapter 173: Slander Claire Nagsisimula na ang selebrasyon nang makapasok ang dalawa sa loob. Veena and Bruce walked table by table to toast to the guests. At dahil ayaw iwanan ni Manson si Claire na mag-isa ay umupo siya sa table nito upang samahan ito kagit pa ang table na dapat para sa kanya ay nasa harapan banda. Nang lumapit sa mesa nila sina Veena ay imposibleng hindi mag-iwan ng salita ang babae kahit pa tahimik lang si Claire.“Claire, mukhang ikaw ang star ng selebrasyon dahil mas lumilitaw ang awra mo kaysa sa akin. Are you trying to steal my limelight?” Veena said. Sinadya nitong palakasin ang boses para marami ang makarinig. Hahayaan na lang sana niya na si Manson ang bumati sa dalawa pero nang marinig ang sinabi ni Veena ay mahina siyang napatawa. This girl, even in her fabulous day, acted pathetic. “Veena, this is a happy occasion. Dapat ay magsaya ka at ‘wag gumawa ng negatibo. Isa pa, kapag kasal na kayo ni Bruce magiging magkapamilya na tayo.” Kinindatan niya si Veena saka kumapit ang kamay
Huling Na-update: 2024-12-19
Chapter: Chapter 172: Failed Investigation “Manson…” mahinang tawag ni Claire sa asawa. Nakatayo ito sa veranda ng bahay niya habang naninigarilyo. Hindi niya alam kung pang-ilang stick na nito iyon pero hindi pa rin ito tumigil. Isang linggo na ang makalipas magmula ang komprontahan nila ni Marriotte. Nakalabas na rin sa ospital si Lucas at nakauwi na ang mga ito sa America. Labis ang lungkot ni Claire dahil hindi man lang ito nagpaalam sa kanya pero alam niyang umiiwas lang ito marahil ay sinabi rito ng ina na ang tungkol sa kondisyon na hinihingi nito kay Mr. Perie, sa ama nito. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala na magkapatid nga ang asawa at kababata niya. “Gusto kong pumunta tayo sa probinsya n’yo at imbestigahan ang nangyaring sunog. Kung totoo man ang sinabi ni Marriotte na may kinalaman ang aking ama’t ina sa nangyari sa inyo ni Lucas ay kailangan ko silang panagutin. Pero gusto kong kumbinsihin ang sarili ko na walang kinalaman dito si mama. I don’t care if it was my father’s doing to cover his crim
Huling Na-update: 2024-12-17
Chapter: Chapter 171: She was RHindi agad nakasagot si Claire dahil sa sinabi ni Mosheire. Nakamata lang siya rito habang naglalakad ito papalapit sa kanila ni Manson. Kasunod nito sa likuran si Mr. Perie na katulad ni Manson ay madilim ang mukha na nakatingin kay Marriotte. Ngunit kahit mag-isa lang ang babae habang pinagtutulungan ito ng tatlo ay hindi ito nagpakita ng takot.Claire was different. Hindi siya agad naniwala sa sinabi ni Mosheire at ni Manson hangga’t hindi niya naririnig ang side nito. Tulad nga ng sabi nila, may dalawang panig ang istorya. Nang lumapit sa tabi niya si Mosheirre at hinawakan siya sa braso ay isang tipid na ngiti lang ang iginawad niya rito bago tumingin kay Marriotte na naninibugho pa rin ang tingin pero ngayon, lahat ng galit nito ay ibinunton kay Mr. Perie. “At iyan ang ipinagkakalat niyo? Na isa akong kabet?” Itinuro nito ang sarili. Wala itong pakialam kahit pinagtitinginan ito ng ibang dumadaang tao dahil sa bulgar na sinabi nito. Malakas itong napaismid saka idinuro si Mr. P
Huling Na-update: 2024-12-15
Chapter: Chapter 170: Her Backstory Nagpatuloy si Marriotte sa mahigpit na paghawak sa kuwelyo ni Manson. Habang si Claire na nakikinig at nakatingin sa tabi nito ay hindi halos makakilos dahil sa nangyayari. Magkakilala ba sina Marriotte at Manson? Bakit galit na galit ito sa dati niyang asawa niya?“Dalawa kayo ng ina mo ang may dugong demonyo. Mga masasama ang loob! Hindi na kayo nakuntento noon na ipapatay si Lucas, at ngayong nalaman niyong buhay pa rin siya ay gusto niyo siyang patayin ulit? Kapag may nangyari masama sa anak ko ay siguraduhin kong lalabas ang baho ng pamilya ninyo!”Hinawakan ni Manson si Marriotte sa braso nito at pilit na tinanggal ang kamay nito sa pagkakahawak sa braso niya. “Huwag kang basta-basta mambintang at baka makasuhan kita,” malamig na banta ni Manson. “Wala akong ginawang masama sa anak mo.”Hinawakan ni Claire sa braso si Manson at pinisil iyon upang pakalmahin ito. Bagama’t sumunod ay nagpatuloy pa rin ito sa pagsasalita. “Pardon me for being blunt, but I have nothing to do with yo
Huling Na-update: 2024-12-14
Chapter: Chapter 169: part 2Next:Limang araw na ang nakalipas pero wala pang balita si Claire tungkol kay Lucas. Ang eroplanong sinasakyan nga nito ang nabalitang nag-crash kaya’t agad silang dumayo sa Batanes dahil doon napabalitang nakita ang debris ng eroplanong bumagsak. Tumuloy sila sa isang hotel doon. Kasama niya si Manson at ang ilang tauhan nito.Bukod sa mga search and rescue team ng gobyerno ay nagdala rin si Manson ng sarili nitong rescuer team para maabilis ang paghahanap. Sa loob ng limang araw na wala siyang balita kay Lucas ay halos hindi rin makakain si Claire nang maayos dahil labis ang kanyang pag-aalala. Hindi niya kayang tanggapin kung may mangyaring masama kay Lucas. Hindi pa sila nito nagkakasama nang matagal.“Claire,” tawag sa kanya ni Manson. Kagagaling na nila sa karagatan upang suyurin ang lugar kung saan nag-crash ang eroplano. “Kumain ka muna. Ilang araw ka ng walang ayos na kain. Alagaan mo ang sarili mo, puwede ba? Sa tingin mo ba magugustuhan ni Lucas kung malaman niya na pinaba
Huling Na-update: 2024-12-12
Chapter: Chapter 59: RanchKinabukasan, maaga pa lang ay bumiyahe na ang dalawa patungo sa rancho ng kaibigan ni Rhett sa Batangas. Sa katunayan, sina Duncan, Sean at Archer ay nauna na roon kagabi pa. Kaya lang nahuli sina Georgina at Rhett ay dahil ayaw ni Rhett na mapagod siya sa biyahe at gabi na rin nang niyaya siya nito. “Tita!!!” Ang matinis na boses ni Nathalia ang sumalubong kina Georgina pagkababa nila ng sasakyan. Naningkit ang mata niya dahil sa sinabi nito at nakahalukipkip na humarap sa dalaga. Napakamot ito sa batok. “Sorry, I mean, Georgie.”“Nandito ka rin?” Bago pa ito tanungin ni Georgina ay naunahan na siya ni Rhett na nakatayo sa kanyang likuran. Nakasuot ito ng navy blue na polo shirt na pinaresan ng denim jacket at maong na pantalon saka kulay brown na ankle boots. May suot din itong itim na salamin at nang lingunin ito ni Georgina ay hindi niya maiwasang sumikdo ang puso dahil sa nakitang kaguwapohan nito. Kaagad niyang binawi ang tingin bago pa nito mahalata pero huli na dahil tumayo
Huling Na-update: 2024-12-21
Chapter: Chapter 58: Pancit Canton Nang magising si Georgina ay halos madilim na ang paligid at kumakalam na rin ang kanyang sikmura. Wala na rin ang sakit ng ulo na nararamdaman bago siya matulog dahil sa isipin tungkol sa tunay na ama. Matapos magmumog ay bumaba siya ng kuwarto at nakitang walang ni isang kasambahay sa baba. Alam niyang karamihan sa kasambahay sa pamamahay na ito ay halos sunod-sunuran kay Rizza. Tanging ang mayordoma lamang ang nakakasundo niya pero sa mga sandaling iyon ay wala rin iyon doon.Hindi na niya kayang hintayin kung kailan pa darating ang moyordoma. Nagpasya siyang magluto ng pansit canton na matagal na rin niyang hindi natitikman. Nakasuot siya ng puting malaking t-shirt at boxer short sa pang-ibaba at para hindi madumihan ay nagsuot siya ng apron. Habang nagpapakulo ng tubig ay kumuha siya ng noodles sa cabinet pero kahit matangkad siya ay hindi pa rin niya iyon kayang abutin. She tiptoed and stretched her hand even further and touched the plastic, but still couldn’t reach it. Nang b
Huling Na-update: 2024-12-20
Chapter: Chapter 57: Who is her father?Mabilis na kumalat ang mga videos na inupload ng mga netizens. Lalo na dahil bigla ring dumating sa ospital ang asawa ni Direktor Dan at nalaman nito ang ginawang pagtataksil ng asawa. Nabulgar din ang ginawang panloloko ng mag-inang Pia at Mitz. Tama nga ang sinabi ni Tony na ang ginawa nitong paternity ay pineke nito para lang maipasok si Pia sa Nillulf Entertainment. Habang nangyayari ang lahat ng kaguluhang ito ay hindi naman maalis ang ngiti sa labi ni Georgina. Simple lang siyang gumanti pero malakas ang epekto. May importanteng nawala sa kanya dahil sa kagagawan ng mag-ina, kaya malaki rin ang ibabalik niya sa mga ito.“Ahh… finally. Ito na ba ang pagbagsak ng iyong madrasta at anak niya?” nakangising sabi ni Tony na ngayon ay nasa tabi niya. Narito ito sa ospital dahil ito ang nagdala sa asawa ni Direktor Dan. Napahikab si Georgina at napainat ng katawan habang naglalakad. Nakaramdam na naman siya ng pagod nang maalala kung ano ang ginawa nila ni Rhett kagabi. Napayuko siya
Huling Na-update: 2024-12-19
Chapter: Chapter 56: Face Slapping moment “Georgina, alam kong nagpapanggap ka lang na mabait kapag kaharap ang papa mo. Pero hindi ako papayag na sasaktan mo ang anak ko ng basta-basta!”Ngumisi si Georgina at nakahalukipkip na hinarap ang mag-ina. “Hindi ba at ganoon rin kayo, Mitz Lucindo? Hindi lang ako ang nagpapanggap dito. Mas malala pa ang kalokohan niyo ng anak mo, kaya ‘wag kang magmalinis.”“Kapag talaga anak ng isang malanding kabet, ganoon din ang magiging ugali. Manang-mana ka sa ina mong malandi!” sigaw ni Mitz at dinuro siya. Nagkibit lang ng balikat si Georgina at nanatiling kalmado ang mukha na siyang kinatakutan ni Mitz. Pero ang anak nitong si Pia ang hindi makapagpigil at sinugod siya habang walang tigil ang matabil na dila. “Tama ang aking ina, Georgina. Dapat sa malalandi at walang kuwentang katulad mo ay hindi na pinapatira pa rito. Ang dapat sa ‘yo ay tinuturuan ng leksyon!”Ngunit kanina pa nagpipigil ng galit si Georgina dahil sa nawalang puri niya kaya sinangga niya ang kamay ni Pia at mahigpit i
Huling Na-update: 2024-12-19
Chapter: Chapter 55: Lost Her purity Nang magising si Georgina ay wala na si Rhett sa kanyang tabi. Nag-inat siya ng katawan at nanatili ang matang nakatutok sa kisame. Hindi siya makapaniwala na sa isang iglap ay naisuko niya ang pinakaiingatan niyang pagkababae. Pero hindi siya nagsisisi dahil ginusto niya rin ang nangyari at nagpadala siya sa tukso. Hindi siya lasing at hindi siya ang lulong sa gamot. Hinilot niya ang sumasakit na sentido at nang maisip ang kapatid ay galit ang namuo sa kanyang puso. Kung hindi dahil kay Pia ay walang mangyayari sa kanila ni Rhett. Kahit masakit ang likod at balakang, kahit ang gitna ng kanyang hita ay pinilit niyang bumangon. Kahit ang braso niya na natamaan ng bala ay biglang nanakit. Nang makababa sa kama ay bigla namang bumukas ang pinto sa banyo at iniluwa niyon si Rhett. Nang makita ito ni Georgina ay agad na namula ang kanyang mukha dahil naalala na naman kung gaano sila ka-wild kagabi ng asawa. “Finally awake?” tanong ni Rhett. May munting ngiti sa labi nito nang lumapit sa
Huling Na-update: 2024-12-18
Chapter: Chapter 54: Warning / SPGNanlaban si Georgina at pilit na itinulak si Rhett pero sa hindi malamang pagkakataon kahit anong pwersa ang gamitin niya ay hindi niya ito magawang itulak. If it was the drugs running in his blood, she would be doomed. Nagpatuloy sa paghalik sa kanya si Rhett habang ang dalawang kamay niya ay hawak nito sa sa magkabilang tagiliran. Inangat niya ang kanang paa upang sipain ito sa likuran pero tila manhid ang pakiramdam ni Rhett at hindi ito nakaramdam ng sakit. Siya ang nakaramdam ng sakit dahil biglang sumigid ang kirot mula sa kanyang sugatang balikat.“Stop fighting, George. You brought this yourself. Panindigan mo.” Hindi pinakinggan ni Georgina ang namamaos na boses ni Rhett at patuloy sa pagpupumiglas at nilabanan ang asawa habang walang tigil sa pagmumura sa kapatid. ‘Those fuckers! Malilintikan talaga kayo sa akin ‘pag ako ang gumanti!Alam niya na kagagawan to ng mag-ina. Plano siguro ng mga itong akitin si Rhett pero nabigo ang mga ito dahil sa kanya pa rin umuwi ang asawa
Huling Na-update: 2024-12-16