Walang kapantay na lungkot at pighati ang nararamdaman ni Claire ng mga sandaling iyon. Gusto niyang gumuho na ang mundo at lamunin na lang siya. Kung mawawalan ng silbi ang kamay niya, paano na lang siya mabubuhay? Paano sila ng kanyang ina kung tuluyan na silang maghiwalay ni Manson? Paano na ang trabaho niya?Puno ng katanungan ang magulong isip ni Claire, dagdag pa ang matinding kirot na dulot ng sugat niya. Pabagsak siyang napaluhod sa sahig.Nang marinig ng may-ari ng restaurant ang kaguluhan ay mabilis siya nitong dinaluhan. Kahit ang ibang customer ay nakapalibot sa kanya habang tumatawag ng ambulansya para dalhin siya sa ospital pero nagprisinta ang may-ari ng restawran na ito na ang magdadala sa kanya. Habang ang taong maygawa sa kanya ay parang bulang bilang naglaho.Dahil ang person in contact of emergency ay ang asawa niya, dali-dali ring pumunta ng ospital si Manson nang makatanggap ito ng tawag. Inabandona nito ang isang importanteng meeting at pinaubaya sa sekretarya .
Matapos bitiwan ang mga salitang iyon ay inabot ni Manson ang babasaging ashtray na puno ng upos ng sigarilyo at walang-awang hinampas iyon sa pagmumukha ni Helena. Hindi na nagkaroon ng pagkakataon ang babae na makaiwas dahil hawak siya ng dalawang tauhan ni Manson sa magkabilang-balikat.Pumutok ang kaliwang kilay ni Helena kung saan natamaan ng ashtray at kaagad na umagos ang dugo mula roon. Sinipa siya paluhod ng tauhan ni Manson at napaigik ito nang tumama ang tuhod nito sa nabasag na bubog. Pumalahaw ng iyak ang babae pero pinusalan ng isa pang tauhan ang bibig nito ng isang maduming panyo. Tumayo si Manson at gamit ang sapatos ay inangat niya ang mukha ng babae. “Masakit? Dapat ay maranasan mo rin ang sakit na naranasan ng asawa ko dahil sa ginawa mo. Kapag hindi bumalik sa dati ang kamay niya ay hindi lang ito ang aabutin mo,” mababa ang boses na banta niya. Para siyang demonyo na walang puwang para sa awa. Pagkatapos, gamit ang kaparehong paa ay malakas niyang inapakan ang k
Ang mga sumunod na araw ay iginugol ni Manson sa pagbabantay kay Claire sa ospital at kapag may nais siyang pirmahan na papeles ay pinapadala niya sa sekretarya. Nang gabing iyon habang natutulog si Claire ay nakatanggap siya ng tawag mula sa kapatid ni Veena na si Vincent. Akmang babangon siya mula sa pagkakahiga sa kama nang bigla siyang pinigilan ni Claire na nagising dahil sa kilos niya.“Saan ka pupunta?” namamaos ang boses na tanong nito dahil naudlot ang tulog.Itinaas niya ang hawak na cellphone at hinaplos ang buhok nito saka malumanay ang boses na nagsalita. “Sandali lang ako. Sasagutin ko lang ang tawag.”“Malamig sa labas, dito mo na lang sagutin. Is it important?”Tumango si Manson saka umupo sa kama at sumandal sa headboard. “Bakit napatawag ka ng dis-oras ng gabi, Vincent? May problema ba?”“Pasensya na sa istorbo, Manson. Pero may masamang nangyari kay Veena. May umatake sa kanya at napuruhan ang kanyang kamay. Halos mawasak iyon kaya’t nandito rin siya sa ospital. Ang
Naiiling na pinulot ni Vincent ang unan na tinapon ng kapatid saka bumaling dito. “Veena, sa mga panahong magkasama kayo ni Manson, maayos ang lagay niya. Protektado ka niya, pinagsisilbihan. Pero nang malugmok siya, umalis ka at iniwan mo siya. At iyon ang mga panahon na pumasok si Claire sa buhay ni Manson. Inalagaan niya ito, pinagsilbihan at hindi ito iniwan. Ang sabi nga nila, ang taong karamay sa kahirapan ay ang taong tunay na maaasahan. Kaya’t huwag kang magtaka kung ang tatlong taon ni Claire sa poder ng lalaki ay mas matibay sa ilang taon niyong pagsasama ni Manson.”“Bakit siya ang kinakampihan mo, kuya? Kapatid ba talaga kita?” Hestirikal na sigaw ni Veena at hindi alintana ang IV na nakakabit sa palad habang dinuduro ang kapatid. Nilamon na ito ng emosyon.“Wala akong kinakampihan, Veena. Tinuturuan lang kitang pag-aralan ang sitwasyon at mag-isip nang maayos,” kalmadong sagot ni Vincent. Ngunit lalong naglupasay sa pag-iyak si Veena dahil sa sagot niya. Para itong bata
Halos mawalan ng ulirat si Mrs. Colter dahil sa sakit nang pagpalo ni Claire sa kanya ng thermo flusk. Kaagad niyang tinakpan ang ilong, gamit ang kaliwang kamay na nababalot ng gintong alahas, na siyang natamaan nang maramdaman na umagos ang dugo mula roon. Hindi niya akalain na ang inosente at mahaba ang pasensya na si Claire ay biglang naging bayolente.“Ahhh!!!” nangangalit ang bagang na sigaw niya at akmang susuguring muli si Claire pero nasa likuran pa rin niya si Manang Silva at ang bodyguard kaya agad siyang napigilan.Ito ang tagpong naabutan ni Manson. Kaagad na dumilim ang mukha nito saka matatalim ang matang tiningnan si Mrs. Colter. Nang bumaling siya sa asawa at makita na ayos lang ito ay saka lang umaliwalas ang mukha niya.“Manson!” sigaw ni Mrs. Colter upang agawin ang pansin niya. “Tingnan mo kung ano ang ginawa ng babaeng ‘yan sa mukha ko. ‘Yan ba ang sinasabi mong mabait? Na may mahabang pasensya at mapagpatawad? Hinampas niya ako ng flusk, Manson! Isa siyang bayo
Hindi napansin ni Claire ang pagdilim ng mukha ni Manson dahil sa pagdepensa niya sa pangalan ni Lucas. Kahit ang pagbago ng reaksyon ng asawa ay hindi niya pansin dahil nakatuon ang buong atensyon niya sa larawan sa cellphone nito. “Lalabas lang ako sandali,” paalam ni Manson at tumayo. Walang emosyon ang boses nito at hindi siya hinalikan sa noo katulad nang lagi nitong ginagawa saka malakas na binalibag ang pinto nang lumabas. Pero lahat ng pagbabagong ito ay hindi napansin ni Claire dahil nakatutok pa rin siya sa larawan. Dahil ang totoo, ang pangalang Lucas ay ang susi sa na magbubukas ng pinto sa nakaraan niya na hindi niya kayang kalimutan. Kapag naririnig niya ang pangalang Lucas, tila may punyal na tinatarak sa puso niya nang paulit-ulit at hindi niya kaya ang sakit niyon.Hindi niya namalayang tumulo na ang kanyang luha kung hindi pa niya iyon nakitang tumulo sa cellphone.Pilit niyang kinalma ang sarili habang nakatingin pa rin sa larawan at malalim na nag-isip.Sino ang t
Hindi makapaniwala si Manson na blacklisted siya ng asawa. Ilang beses pa niyang sinubukang tumawag pero paulit-ulit lang na ang mechanical na tunog ng babae ang sumasagot sa kanya.“Fuck!” he loudly cursed and gripped the phone tightly. Nahilot niya ang sentido upang pagaanin ang ulo na unti-unti nang sumasakit. Nang kumalma na ang kanyang isip ay saka niya naalala ang bodyguards na nagbabantay kay Claire. Mabilis niya itong tinawagan.“Mahigppit ang utos ko na bantayan n’yong mabuti si Claire, pero ano’ng ginawa n’yo? Bakit nawawala siya?” mataas ang boses na usisa niya habang mahigpit na nakasabunot sa buhok ang isang kamay. “Boss? Hindi po namin alam. Dalawang araw na po kaming nasa bakasyon dahil iyon ang sabi ni Ms. Claire sa utos n’yo na rin,” paliwanag ng bodyguard na halata ang takot sa boses nang marinig ang galit sa boses ni Manson. Nitong nakaraang araw ay may out of town conference si Manson kaya hindi siya nakakabisita sa ospital at marahil ay sinamantala ito ni Claire
Mapait na napatawa si Claire nang marinig ang akusasyon ni Manson tungkol kay Lucas. Lalo lang nadagdagan ang inis niya sa asawa dahil sa ginawa nito. Ang dahilan kaya siya umalis sa ospital nang hindi nagpapaalam dito ay dahil nakita niya ang bakat ng lipstick sa kuwelyo nito. Alam niyang nang araw na huling nagkita sila ni Vincent ay si Veena ang katagpo nito. Pigil ang luha ay tumayo siya mula sa kinauupuang duyan at inaya si Manson na sumunod sa kanya. Pumunta sila sa likuran ng bahay kung saan may makapal na kagubatan pero may maayos silang daanan na puno ng namumulaklak na halaman sa magkabilang gilid. Habang naglalakad ay walang imik si Claire. Nang marating nila ang maliit na burol ay saka siya huminto sa paanan niyon. Ang burol ay puno ng mga puntod. “Nandito si Lucas,” sambit ni Claire habang pinipigilan ang sarili na huwag lumuha. Naninikip ang dibdib niya sa tuwing nasa harapan siya ng puntod ni Lucas.Kahit maalala o mabanggit ang pangalan nito ay kakaibang emosyon na a
“Ano’ng ibig sabihin nito, Doc?” Magkahalong tuwa at pagtataka ang nababadha sa mukha ni Claire habang nakatingin sa doktora. “Sigurado ho ako sa check-up na ginawa ko noong nakaraan na positibo akong buntis pero bakit sa ultrasound ay lumalabas na hindi ako buntis?”Nauunawang nginitian siya ng doktor saka nag-umpisang magpaliwanag. “May cases na ganito, iha. It is called blighted ovum or anembryonic pregnancy. It means, an early miscarriage pero hindi mo malalaman hangga’t hindi nau-ultrasound.” Itinuro ng doktora ang synogram at binilogan ang tila itim na bilog doon. “Mayroon na-develop na gestational sac sa matris mo pero ang bata na mabubuo ay hindi na-develop kahit na fertilized egg pa ang pumasok sa ‘yo. So, even if the embryo fails to develop, the gestational sac will continue to grow. Kaya napagkamalan kang buntis dahil sa bahay-bata.”“Pero bakit ho nakaramdam ako ng pagkahilo at pagsusuka na tulad ng ibang babaeng buntis?”Nanatili ang ngiti sa mukha ng doktora at malumana
“I am sorry to say, pero sa ngayon ay hindi pa stable ang kalagayan ni Aunty Odette. Nakita mo naman ang kagayan niya ‘di ba? Kahit si Vincent ay hindi niya nakikilala. Let’s wait a little bit more, okay?” nakikiusap ang boses ni Manson para lang paniwalaan siya ni Claire. Walang nagawa si Claire kundi tumango gaano man kalungkot ang puso niya. Upang pagaanin ang loob niya ay niyakap siya ni Manson at nanatili sila sa ganoong posisyon sa loob ng ilang segundo bago siya bumitaw. Ngayong alam na niya ang totoo tungkol sa tunay niyang pagkatao ay labis-labis na pananabik ang nararamdaman niya para sa ina. Kailangan niyang kumalma ngayon at pilitin ang sarili na mag-isip ng tama kaya naisipan niyang bisitahin ang ina ni Manson, si Morsheire. Sa pagkakatanda niya ay may naikuwento ito sa kanya noon tungkol sa pagdo-donate nito habang buntis ito kaya gusto niyang makahingi ng advice rito. Hinatid siya ni Manson sa opisina ng kanyang ina na dalawampung minuto ang layo mula sa opisina nito
Pagtapos ng tanghalian ay pinigilan ni Claire ang antok at nagpasyang bumisita sa ospital. Habang nasa sasakyan na minamaneho ng tauhan ni Manson ay tinawagan niya ang lalaki.“May balita na ba kayo tungkol kay Veena?”“Wala pa. Mukhang may kasabwat siya sa ospital dahil pati ang CCTV ay mayroong nagmanipula. ‘Wag kang mag-alala, ginagawa ng ng kapulisan ang lahat para mahanap ang babaeng iyon.”“Hmn…” tanging sagot niya. “Pupunta ako ngayon sa ospital parabisitahin ang aking guro,” pagbibigay alam niya. “Claire…” Manson softly whispered. “Manson, ‘wag kang mag-alala. Bibisitahin ko lang siya. Your father already reminded me na hindi ko pwedeng ipahamak ang anak natin,” mabilis na paliwanag niya. Habang naliligo kanina ay ay napag-isip-isip ni Claire na tama naman ang sinabi ni Mr. Perie. Minsan ay dapat maging selfish din siya katulad ni Veena. “Thank you, Claire. At huwag ka ring mag-alala dahil gagawi ko ang lahat mahanap lang ang babaeng iyon, oka
Imbes na sa bahay ni Claire dumiretso ay sa ospital ang kanilang tungo. Naghihintay na sa kanila ang doktor na mag-oopera sana kay Mr. Campbell. Bakas sa mukha nito ang pag-aalala dahil sa kalagayan ni Mr. Campbell. “Ano’ng nangyari? Paano kayo natakasan ng babaeng ‘yon?” madilim ang mukhang tanong ni Manson. Pigil ang galit nito na ‘wag sigawan ang doktor. Nasa tabi niya si Claire na hindi mapakali dahil sa ginawa ni Veena. Napakasama talaga ng ugali ng babaeng ‘yon! Sinadya nitong ilagay sa alanganin ang buhay ng lolo nito para walang magawa si Claire kundi ang mag-donate. “Naghahanda na kaming lahat pero biglang nagpaalam si Miss Veena na magsi-CR daw muna dahil nininerbyus siya pero hindi na ito bumalik,” may takot sa boses na paliwanag ng doktor. “Hindi porke’t tinawagan mo si Claire at pinapunta rito ay papayag na akong mag-donate siya. Isang beses na siyang nakunan at kapag mawala ulit ang anak namin ay malabo na ang susunod niyang pagbubuntis,” matigas ang boses ni Manson a
Habang pwersahang pinapalabas ng guards sina Veena at Benjamin ay bigla namang dumating sina Manson at Khaleed. “What is happening here?” malakas ang boses na tanong ni Manson. Gad na dumiretso ang tingin nito kina Benjamin at Veena. “Manson, we came here in a peaceful way. Gusto lang namin pakiusapan si Claire na tulungan si Lolo na mag-donate. Pero pinagtatabuyan niya kami!” Hindi pinansin ni Manson si Veena at dumiretso siya kay Claire. Samantala si Khaleed ay huminto sa tapat ni Benjamin. “Why are you here forcing someone to donate when you know she is not capable? Buntis ang anak ko at pinipilit niyo na mag-donate siya? Ano namang silbi niyang anak mo na wala namang karamdaman sa katawan? Siya ang apo ni Mr. Campbell kaya siya ang karapat-dapat na mag-donate!” Dumilim ang mukha ni Benjamin dahil sa sinabi ni Khaleed. Mataas siyang tao, nirerespeto kaya hindi siya papayag na basta-basta na lang pagsasabihan ng ibang tao. “Sino ka para pagsabihan ako ng ganyan? Nasaan ang u
Natigilan si Claire sa sinabi ng doktor. Saka lang niya naalala na halos isang linggo nang delay ang menstruation niya. Kahit hindi sigurado kung buntis siya o hindi ay tinanong niya ang doktor. “Puwede pa rin ba akong mag-donate kung buntis nga ako?”“No. Imposible ‘yon, iha. Ikakamatay ng bata kung magdo-donate ka pa.”“Hindi ba at kukuhanan lang naman ako ng dugo saka stem cells?” pamimilit niya. “Iha, hindi ganoon kadali ang sinasabi mo. Bago ka kuhaan niyon ay kailangan ka pang turukan ng anesthestia at mobilization agent para i-stimulate ang paggalaw ng hematopoietic stem cells at delikado iyon sa fetus,” paliwanag ng doktor. Hindi nakaimik si Claire. Pinasalamatan niya ang doktor at lumabas ng opisina nito at hinayaan si Veena kahit tinatawag ang pangalan niya para pigilan siya. Dumiretso siya sa OB-gyne department ng hospital para magpa-check up kung tama nga ang hinala niya at hindi nagtagal ay nakuha din niya ang resulta. She was pregnant indeed…“Oh, bakit sambakol ang m
Agad-agad na pinuntahan nina Manson at Claire si Mr. Campbell sa ospital kung saan ito nakaratay. Kahit hindi pinayagan ni Claire si Manson ay nagpumilit ito dahil sa maganda rin ang samahan nito sa kanyang guro. Ilang buwan pa lang ang nakakalipas pero ibang-iba na ang mukha na nakikita ngayon ni Claire. Humpak ang pisngi ni Mr. Campbell at ang laki ng ipinayat ng katawan nito. Agad siyang nakaramdam ng awa sa guro. Nilapitan niya ang matanda at maingat itong hinawakan sa braso. “Master…” pnigilan niya ang mapaluha dahil sa bigat ng nararamdaman niya. Maraming naitulong sa kanya si Mr. Campbell at hinding-hindi niya makakalimutan ang lahat ng aral na nakuha niya rito. Hindi man ganoon katagal ang naging pagsasama nila bilang guro at estudyante nila ay malalim pa rin ang pinagsamahan nila para balewalain ni Claire ang matanda. Pahirapang nagmulat si Mr. Campbell at pilit na ngumiti kahit nahihirapan. “Claire, iha. Wala kang dapat na ikabahala. Nasa cycle na ako ng buhay ko na handa
Sumapit ang araw ng pasko at nakatanggap ng imbitasyon si Claire mula kay Nana na magsalo-salo sa mansyon ng mga ito pero magalang niya itong tinanggihan dahil gusto niyang makasama ang kanyang ina. Hindi lang iyon, ayaw niyang makita si Veena at si Bruce kaya siya tumanggi. Naiintindihan siya ni Manson kaya’t pinadalhan siya nito nang maraming pagkain na galing pa sa isang mamahaling hotel. Kasama niya si Manang Delia at silang tatlo ang nagsalo-salo sa noche buena. Hindi makapunta si Manson at naiintindihan iyon ni Claire dahil tradisyon ng pamilya nito ang magsalo-salo sa tuwing pasko. Noon ay nakakasama siya pero dahil may nangyari sa kanyang ina ay naiintindihan siya ni Nana. Kakatapos lang nilang kumain at habang nagliligpit sa kusina si Manang Delia ay nasa salas naman si Claire at nanonood ng TV. Nasa tabi niya ang kanyang ina na nakaupo sa wheelchair. Sinusubuan niya ng prutas ang ina nang biglang tumunog ang doorbell. Akmang tatayo si Claire para pagbuksan iyon nang biglan
“You are getting more and more vicious, huh? Two percent of the company's shares?” mahinang napatawa si Manson.Napanguso si Claire saka marahang pinunasan ang mukha nito ng basang tuwalya. “Well, kung iisipin mo, kulang pa ang dalawang porsyento sa lahat ng pananakit na ginawa niya sa akin. Our child lost because of their scheming. My mother is in a vegetative state because of him. Masisisi mo ba ako kung kahit papaano I became a greedy person? Ginagawa ko lang ‘to para sa ‘yo.” Nilagay niya sa ibabaw ng mesa ang maliit na palanggana kasama ang bimpo saka hinawakan ang kamay ni Manson at inumpisahang masahiin iyon. “Pagdating ng araw, kapag maghaharap na kayo ni Bruce malaking tulong sa ‘yo ang two percent.”Kinagabihan, nang bumalik si Claire sa kuwarto ni Manson ay naikuwenta niya ang pinag-usapan nila ni Mr. Perie. Kaya naman ganoon na lang ang naging reaksyon ni Manson dahil hindi ito makapaniwala na naisahan niya ang ama nito. “Thank you,” Manson thanked her sincerely. “You are