Ang mga sumunod na araw ay iginugol ni Manson sa pagbabantay kay Claire sa ospital at kapag may nais siyang pirmahan na papeles ay pinapadala niya sa sekretarya. Nang gabing iyon habang natutulog si Claire ay nakatanggap siya ng tawag mula sa kapatid ni Veena na si Vincent. Akmang babangon siya mula sa pagkakahiga sa kama nang bigla siyang pinigilan ni Claire na nagising dahil sa kilos niya.“Saan ka pupunta?” namamaos ang boses na tanong nito dahil naudlot ang tulog.Itinaas niya ang hawak na cellphone at hinaplos ang buhok nito saka malumanay ang boses na nagsalita. “Sandali lang ako. Sasagutin ko lang ang tawag.”“Malamig sa labas, dito mo na lang sagutin. Is it important?”Tumango si Manson saka umupo sa kama at sumandal sa headboard. “Bakit napatawag ka ng dis-oras ng gabi, Vincent? May problema ba?”“Pasensya na sa istorbo, Manson. Pero may masamang nangyari kay Veena. May umatake sa kanya at napuruhan ang kanyang kamay. Halos mawasak iyon kaya’t nandito rin siya sa ospital. Ang
Naiiling na pinulot ni Vincent ang unan na tinapon ng kapatid saka bumaling dito. “Veena, sa mga panahong magkasama kayo ni Manson, maayos ang lagay niya. Protektado ka niya, pinagsisilbihan. Pero nang malugmok siya, umalis ka at iniwan mo siya. At iyon ang mga panahon na pumasok si Claire sa buhay ni Manson. Inalagaan niya ito, pinagsilbihan at hindi ito iniwan. Ang sabi nga nila, ang taong karamay sa kahirapan ay ang taong tunay na maaasahan. Kaya’t huwag kang magtaka kung ang tatlong taon ni Claire sa poder ng lalaki ay mas matibay sa ilang taon niyong pagsasama ni Manson.”“Bakit siya ang kinakampihan mo, kuya? Kapatid ba talaga kita?” Hestirikal na sigaw ni Veena at hindi alintana ang IV na nakakabit sa palad habang dinuduro ang kapatid. Nilamon na ito ng emosyon.“Wala akong kinakampihan, Veena. Tinuturuan lang kitang pag-aralan ang sitwasyon at mag-isip nang maayos,” kalmadong sagot ni Vincent. Ngunit lalong naglupasay sa pag-iyak si Veena dahil sa sagot niya. Para itong bata
Halos mawalan ng ulirat si Mrs. Colter dahil sa sakit nang pagpalo ni Claire sa kanya ng thermo flusk. Kaagad niyang tinakpan ang ilong, gamit ang kaliwang kamay na nababalot ng gintong alahas, na siyang natamaan nang maramdaman na umagos ang dugo mula roon. Hindi niya akalain na ang inosente at mahaba ang pasensya na si Claire ay biglang naging bayolente.“Ahhh!!!” nangangalit ang bagang na sigaw niya at akmang susuguring muli si Claire pero nasa likuran pa rin niya si Manang Silva at ang bodyguard kaya agad siyang napigilan.Ito ang tagpong naabutan ni Manson. Kaagad na dumilim ang mukha nito saka matatalim ang matang tiningnan si Mrs. Colter. Nang bumaling siya sa asawa at makita na ayos lang ito ay saka lang umaliwalas ang mukha niya.“Manson!” sigaw ni Mrs. Colter upang agawin ang pansin niya. “Tingnan mo kung ano ang ginawa ng babaeng ‘yan sa mukha ko. ‘Yan ba ang sinasabi mong mabait? Na may mahabang pasensya at mapagpatawad? Hinampas niya ako ng flusk, Manson! Isa siyang bayo
Hindi napansin ni Claire ang pagdilim ng mukha ni Manson dahil sa pagdepensa niya sa pangalan ni Lucas. Kahit ang pagbago ng reaksyon ng asawa ay hindi niya pansin dahil nakatuon ang buong atensyon niya sa larawan sa cellphone nito. “Lalabas lang ako sandali,” paalam ni Manson at tumayo. Walang emosyon ang boses nito at hindi siya hinalikan sa noo katulad nang lagi nitong ginagawa saka malakas na binalibag ang pinto nang lumabas. Pero lahat ng pagbabagong ito ay hindi napansin ni Claire dahil nakatutok pa rin siya sa larawan. Dahil ang totoo, ang pangalang Lucas ay ang susi sa na magbubukas ng pinto sa nakaraan niya na hindi niya kayang kalimutan. Kapag naririnig niya ang pangalang Lucas, tila may punyal na tinatarak sa puso niya nang paulit-ulit at hindi niya kaya ang sakit niyon.Hindi niya namalayang tumulo na ang kanyang luha kung hindi pa niya iyon nakitang tumulo sa cellphone.Pilit niyang kinalma ang sarili habang nakatingin pa rin sa larawan at malalim na nag-isip.Sino ang t
Hindi makapaniwala si Manson na blacklisted siya ng asawa. Ilang beses pa niyang sinubukang tumawag pero paulit-ulit lang na ang mechanical na tunog ng babae ang sumasagot sa kanya.“Fuck!” he loudly cursed and gripped the phone tightly. Nahilot niya ang sentido upang pagaanin ang ulo na unti-unti nang sumasakit. Nang kumalma na ang kanyang isip ay saka niya naalala ang bodyguards na nagbabantay kay Claire. Mabilis niya itong tinawagan.“Mahigppit ang utos ko na bantayan n’yong mabuti si Claire, pero ano’ng ginawa n’yo? Bakit nawawala siya?” mataas ang boses na usisa niya habang mahigpit na nakasabunot sa buhok ang isang kamay. “Boss? Hindi po namin alam. Dalawang araw na po kaming nasa bakasyon dahil iyon ang sabi ni Ms. Claire sa utos n’yo na rin,” paliwanag ng bodyguard na halata ang takot sa boses nang marinig ang galit sa boses ni Manson. Nitong nakaraang araw ay may out of town conference si Manson kaya hindi siya nakakabisita sa ospital at marahil ay sinamantala ito ni Claire
Mapait na napatawa si Claire nang marinig ang akusasyon ni Manson tungkol kay Lucas. Lalo lang nadagdagan ang inis niya sa asawa dahil sa ginawa nito. Ang dahilan kaya siya umalis sa ospital nang hindi nagpapaalam dito ay dahil nakita niya ang bakat ng lipstick sa kuwelyo nito. Alam niyang nang araw na huling nagkita sila ni Vincent ay si Veena ang katagpo nito. Pigil ang luha ay tumayo siya mula sa kinauupuang duyan at inaya si Manson na sumunod sa kanya. Pumunta sila sa likuran ng bahay kung saan may makapal na kagubatan pero may maayos silang daanan na puno ng namumulaklak na halaman sa magkabilang gilid. Habang naglalakad ay walang imik si Claire. Nang marating nila ang maliit na burol ay saka siya huminto sa paanan niyon. Ang burol ay puno ng mga puntod. “Nandito si Lucas,” sambit ni Claire habang pinipigilan ang sarili na huwag lumuha. Naninikip ang dibdib niya sa tuwing nasa harapan siya ng puntod ni Lucas.Kahit maalala o mabanggit ang pangalan nito ay kakaibang emosyon na a
Bago pa tuluyang lumalim ang halik ni Manson ay bigla na lang siyang itinulak ni Claire. Pero hindi nagbago ang malamlam na awra sa mga mata niya. Ang kamay na nakahawak sa pisngi ni Claire ay lumandas pababa sa beywang ng asawa at hinigit ito papalapit sa kanya. “Bakit mo sinabi kay Claude na magpinsan tayo?” Nakataas ang kilay na tanong niya kapagkuwan. Nanatili siya sa pagkakayakap kay Claire. “May masama ba sa sinabi ko? Malapit nang mawalan ng bisa ang kasal natin. Ginawa ko lang ‘yon para sa susunod walang dudungis sa pangalan mo na nagpakasal ka sa isang katulad kong hindi kilala at hindi galing sa prominenteng pamilya.”“Masiyado ka namang advance mag-isip.” Mapait na tumango si Claire. “The strong tramples the weak. Ginawa ko lang ‘yon para protektahan ang sarili ko.”Hinawakan ni Manson ang mukha ni Claire at masuyo iyong hinaplos. “Sino ang nagsabing mahina ka? Mabibilang lang sa daliri ang numero ng taong kaya akong pabiyahiin magdamag. Kaya ba nila ‘yon?”“Tse! Huwag m
Kaagad na bumiyahe ang grupo pa-Maynila nang gabi ding iyon. Pumunta sila ng Kalibo na siyang pinakamalapit na airport sa bahay ng lolo ni Claire. Pasalamat sila dahil may bakanteng tickets kaya hindi na sila naghintay nang matagal. Pero mag-a-alas kuwatro na rin ng madaling araw nang makarating ng ospital si Claire dahil sa traffic sa airport. Claude parted ways after the plane landed in NAIA. Nang makarating sina Claire at Manang Silva sa top floor kung saan ang VIP room ni Nana ay naabutan nila si Manson na nasa hallway malapit sa bintana at naninigarilyo. Gumuhit ang pag-aalala sa mukha ni Claire dahil sa stress na nababasa niya sa mukha ng asawa. Hindi pa man siya nakakahakbang upang lumapit dito ay biglang may malambing na boses ang tumawag sa pangalan nito.“Manson…” Kasunod niyon ay ang balingkinitang braso na yumakap sa baywang ni Manson. “Nabalitaan ko na nasa ospital si Nana. Pumunta ako para bumisita.”Parang sinakal ang pakiramdam ni Claire at hindi siya makahinga dahil
Kinabukasan, nagpahayag ng imbitasyon si Vincent kina Claire at Manson na gusto nitong manood ng sine matapos mag-dinner sa labas. Pero ang totoong dahilan nito ay nahihiya kung silang dalawa lang ni Meesha ang magkasama. Dahil buong araw na nakapagpahinga ang dalawa ay pinaunlakan nila si Vincent. “Vincent, paano ka naman makaka-iskor kay Meesha niyan kung kasama mo kami?” biro ni Claire kay Vincent nang matapos na silang manood. Nasa labas na sila sa hallway habang hinihintay si Meesha na lumabas ng banyo. Napakamot sa ulo ang lalaki at kinakabahang napatawa. “That’s why I asked you and Manson to come. Kailangan ko lang ng moral support.” “Tsk!” naiiling na komento ni Manson pero wala na itong sinabi dahil papalapit na sa kanila si Meesha. “Goodluck! Kaya mo ‘yan!”Nangunot ang noo ni Meesha dahil sa sinabi ni Claire. “Bakit, ano’ng meron?” Tumayo ito sa tabi ni Vincent at pinaningkitan ng mata ang binata. Alanganin na ngumiti si Vincent saka inaya si Meesha. “Nothing. They
Kinabukasan ay palihim na kinausap si Claire ng kanyang ina sa kanyang kuwarto na ikinagulat niya dahil maaga pa lang ay nasa loob na ito. “Ma, may kailangan ka?” hindi niya mapigilang usisain ito dahil sa labis na pagtataka. Nakahiga pa siya sa kama dahil katatapos niya lang makipag-usap kay Manson. Umupo ang kanyang ina sa gilid ng kama malapit sa uluhan niya at hinaplos ang magulo niyang buhok saka pilit na ngumiti. Nangunot naman ang noo ni Claire dahil sa nakikitang itsura ng ina na tila hindi ito nakatulog dahil sa malalim ang iniisip. Hinintay niya itong sumagot upang pakinggan kung sakali mang may dinadala itong problema. “Claire, ano ang tingin mo ay Lucas?”Lalong nagkasalubong ang kanyang kilay at nagkaroon ng hinala kung bakit tila balisa ito. “Ma, is this about Aunty Marriotte asking me to marry Lucas?” Tumango ito at dumilim ang mukha ni Claire. “Ma, it can't be happen. Hindi ako magpapakasal kay Lucas dahil parang kapatid na ang turing ko sa kanya. Kung ano man ang n
Abala si Claire sa pag-aalaga kay Lola Rosa, ang lola ni Lucas, na hindi niya napansin ang pitong araw na binigay sa kanya ni Manson ay tapos na. Araw-araw siyang tumutungo sa ospital at inaalagan, binabantayan at iginagala sa compound ng hospital si Lola Rosa. kung hindi pa siya sinabihan ng kanyang ina na kailangan na nilang umuwi dahil siguradong magagalit na naman si Manson. Kahit si Lucas ay inuudyukan din siyang bumalik na sa Pilipinas at kaya naman na nitong alagaan si Lola Rosa pero sa araw-araw na lumilipas na nakikita niyang ang unti-unting paghihina ng matanda ay nasasaktan siya at hindi niya ito kayang iwan. Naalala niya ang kanyang lola. Namatay ito na wala siya sa tabi nito. “Claire, hindi ka ba napapagod sa ginagawa mo? Kaya ko nang alagaan si Lola. bumalik ka na ng Pilipinas dahil sigurado akong hinahanap ka na ng kapatid ko. Kapag magtatagal ka pa rito ay sigurado akong hindi ka na makakabalik dahil sa ngayon ay ikaw na lang ang hinahanap ni Lola.”Mahinang napatawa
Dumating ang araw ng linggo na pinakahihintay ni Claire. Ngayong gabi kasi ay pupunta sa bahay nila sina Meesha at Vincent para sumalo sa hapunan kaya naman naghanda ng maraming pagkain si Claire. Hindi niya alam kung ano ang paboritong pagkain ng dalawa kaya bago maghanda ay tinanong niya muna si Manson na sikreto namang tinanong si Meesha upang alamin. Bukod sa in-order niyang putahi ay mayroon ding nilutong pagkain si Claire na natutunan niya sa kanyang lola noong nabubuhay pa ito. At habang naghahanda nga siya ay may hindi maipaliwanag na tuwa sa kanyang puso sa isiping maka-bonding niya si Vincent. Mabuti na lamang at kahit halata sa kilos niya ang tuwa habang naghahanda ay hindi nagselos si Manson at inaprubahan lang kung ano ang gusto niya. Dahil wala si Aurora sa bahay ay sila ni Manang Silva lang ang natoka sa kusina kaya naman nang dumating ang dalawang bisita ay si Manson ang sumalubong dito. Habang nagsalo-salo ang tanging nagsasalita ay si Meesha, as usual ito ang pinak
Kung dati ay nagdadalawang-isip pa si Claire, ngayon ay gusto na niyang sagutin ng oo si Manson hindi dahil sa ama nito na botong-boto na sa kanya sa biglang pagtaas ng posisyon niya kundi dahil gusto niya nang matali sa kanya ng tuluyan si Manson. Sa taglay na kaguwapuhan ng lalaki ay sigurado siyang marami at marami pang kababaihan ang gustong lumandi rito. Niyakap niya ang braso sa leeg ni Manson at sinserong ngumiti habang magkahinang ang kanilang mata. “You know that I always wanted to marry you. Hindi lang talaga sumasabay ang pagkakataon. I always wanted to be with you forever dahil gusto ko nang itali ka sa akin habang-buhay para wala nang ibang babae ang humarot sa ‘yo pero…” “Pero?” Umupo si Claire sa kandungan ni Manson habang nakaupo ito sa kama saka mabilis na dinampian ng halik sa labi at nagsalita. Her words were refined and delicate to appease the man of her dreams for him to agree to her plans. “Alam mong malubha na ang kalagayan ng lola ni Lucas at dahil isa siya
Hindi agad-agad naniniwala si Claire sa mga ganitong nababasa lalo na at dumarami ang mga scammers ngayon. Pero dahil binanggit ang pangalan ni Manson ay may bahagi ng isip niya ang naniniwala na baka totoo nga ito kaya naman mabilis niyang tinawagan ang numero nang nagpadala ng mensahe pero kahit anong tawag niya ay hindi niya na iyon makontak. Nagkibit siya ng balikat at binalewala iyon pero habang tumatagal ang oras na hindi nagre-reply sa kanya si Manson ay tila may sumusundot sa puso niya t hindi siya mapakali. Nang sumapit ang gabi ay halos hindi siya makatulog dahil iniisip pa rin kung sino ang misteryosong nagpadala sa kanya ng mensahe. Mabuti na lang bago siya matulog ay tumawag sa kanya si Manson at sinabing ayos lang ito kaya naman hindi na niya inungkat dito ang tungkol sa mensahe na natanggap.Kinabukasan, inumpisahan niya ang painting na personal niyang naisip. Iyon ay ang painting ng kanyang ina. Ang sabi sa kanya ng kanyang ama ay magkamukha sila nito kaya naman ginam
Mahigpit na napahawak sa jewelry box si Khaleed at tumiim ang bagang dahil hindi niya kayang isipin na ang isang tulad ni Benjamin ang ama ni Claire. A single 'ding' sound followed by the elevator’s door being opened and Manson ang Khaleed simultaneously turned their heads towards it. Nangunot ang noo at nagsalubong ang kilay ni Manson nang mapagsino ang nakitang lumabas. Nang nilingon niya si Khaleed ay mas madilim pa ang mukha nito sa kanya na halatang-halata ang galit sa mukha. “Ano’ng ginagawa n’yo rito?” malamig na tanong ni Khaleed. Walang bahid ng ngiti sa labi nito habang nakatingin sa bagong dating na sina Benjamin at Lanette.Biglang nalukot ang mukha ni Benjamin sa tanong ni Khaleed. “Hindi ba at ako dapat ang magtanong niyan sa ‘yo? Ano ang ginagawa mo rito? Ano ang karapatan mo para bisitahin ang dati kong asawa?”Tumaas ang sulok ng labi ni Khaleed at simpleng sumagot. “Kaibigan, may problema ba roon?” kalmadong sagot niya.“Aunty Lanette, magkaibigan din ang mama ko a
Mapait na ngumiti si Khaleed saka nilingon si Manson na nakatingala pa rin sa medyo madilim na kisame. Hindi talaga niya matakasan ang matalinong tao. Kaya ito naging matagumpay sa negosyo kahit sa batang edad nito ay dahil mabusisi at matalino ito na kayang basahin ang bawat galaw ng kaharap. “Huwag mong sabihin kay Claire. Hindi niya muna kailangang malaman kung sino ang tunay niyang ina.”Tumango si Manson bilang pagsang-ayon at diretsong tiningnan si Mr. Khaleed. “Naiintindihan ko. Pero hindi ba at mas maganda kung malaman ni Claire kung sino ang ina niya at hindi naman siya nasa dilim kung sino ang tunay niyang ina? Pareho nating alam na matagal na niyang gustong malaman kung sino ang kanyang ina.”“Dahil nasa dilim ang taong gustong manakit kay Claire at tayo ay nasa liwanag. Madali tayong makikita ng kalaban. Wala akong alam kung sino ang may pakana sa pagkawala niya noon. Kung sino ang taong gustong pumatay sa kanya. Kapag kilala ng mag-ina ang isa’t isa ay sigurado akong par
“Claire? Sino’ng kausap mo?”Mula sa pagkakatayo sa pintuan ay nakangiting nilingon ni Claire ang ama na nasa kanya palang likuran. Lumamlam ang mga mata niya. “Pa, nandiyan ho pala kayo.” May munting ngiti sa labi ng kanyang ama nang lumapit ito at tumayo sa gilid niya. “Hindi mo naman sinabi na may bisita ka pala. Bakit hindi mo papasukin sa loob?” Napakamot sa batok si Claire. Ang totoo ay hindi niya rin akalaing bibisitahin siya ni Lucas. Ang buong akala niya ay nasa America pa ito kaya’t nagulat siya nang bigla siya nitong sinurpresa. Kadarating lang nito nang makita sila ng kanyang ama pero nag-aalangan siya kung papasukin ito o hindi dahil hindi niya ito pamamahay at hindi siya sigurado kung okay lang ba sa kanyang ama kung magpapasok siya ng bisita. “Ah kasi ano, pa…” Nilingon niya si Lucas na ang pokus ng tingin ay nasa kanyang ama. “Huwag ka nang mahiya, Claire. Paalis na rin ako kaya malaya kayong makakapag-usap.”Namula ang mukha ni Claire dahil sa sinabi ng kanyang am