Hired To Be A Substitute Mommy

Hired To Be A Substitute Mommy

last updateLast Updated : 2023-09-08
By:  Ms. RED  Ongoing
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
1 rating. 1 review
14Chapters
2.9Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Leave your review on App

Ipinangako ni Shana sa mga magulang at kapatid na iaahon niya ang mga ito sa hirap. Kaya baon ang pinaghirapang diploma at pag-asang makakahanap ng magandang trabaho ay lakas loob siyang lumuwas ng Maynila. Ngunit ang pag-asang iyon ay unti-unting natupok when the ruthless Cairo Luther Sylvestre came in her life and offer her to be his Daughter substitute mom. "Bakit mo ba ginagawa saakin ito? Sinabi ko na sayo diba? Ayaw ko! ano bang hindi mo maintindihan sa salitang ayaw ko ha Mr. President? Ayaw kong maging asawa mo!" "Ayaw din kita maging asawa Miss. Pero gusto kang maging Mommy ng anak ko kaya sa ayaw at sa gusto mo, you will work for me. And besides, wala narin namang tatanggap sayo kahit saan ka mag-apply." "Dahil pinakalat mo na huwag akong tanggapin bwisit kang Kapre ka! Akala mo hindi ko mahahalata? Unggoy!" "Bungangera" "Aba't!—" "Shh. Just stop Lucianna. Dahil kahit anong gawin mo. Akin ka na—" "Anong sayo na ako? Hoy!—"

View More

Latest chapter

Free Preview

Lucianna Eclaire

Nang makarating sa huling eskinita patungo saaming bahay ay agad kong hinigpitan ang hawak sa supot ng tinapay at gatas para mas bilisan pa ang paglalakad. Pero agad rin akong napapikit at napilitang huminto nang makarinig ng sigaw. Boses na siyang iniiwasan kong marinig. "Nakalabas na ba sa hospital ang kapatid mo Shana?" sigaw ni Aling Martha na nakaupo at naglalaba sa harap ng kanilang bahay. "Opo Aling Marites—este Aling Martha. Nakalabas na po si Buknoy kaninang umaga lang." sagot ko naman, nakapaskil ang pekeng ngiti sa labi. "Mabuti naman. Naku at balita ko nga ay nabaon nanaman sa utang iyang Tatay mo para lamang makabayad muli sa hospital." Tipid lamang muli akong ngumiti. Ngiti lang Shana, Ano naman ang dapat kong isagot? hay naku, dapat ay mas binilisan ko pa talaga ang lakad ko nang hindi ako naharang ng isang to. Akala mo lang sa una ay mangangamusta pero heto na at chismis at kung ano-ano nang sasabihin. Sa buong baryo siguro ay siya ang pinaka-pakialamera sa lahat.

Interesting books of the same period

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

user avatar
Bunz So
I really love this story. thank you
2023-08-29 13:45:24
0
14 Chapters

Lucianna Eclaire

Nang makarating sa huling eskinita patungo saaming bahay ay agad kong hinigpitan ang hawak sa supot ng tinapay at gatas para mas bilisan pa ang paglalakad. Pero agad rin akong napapikit at napilitang huminto nang makarinig ng sigaw. Boses na siyang iniiwasan kong marinig. "Nakalabas na ba sa hospital ang kapatid mo Shana?" sigaw ni Aling Martha na nakaupo at naglalaba sa harap ng kanilang bahay. "Opo Aling Marites—este Aling Martha. Nakalabas na po si Buknoy kaninang umaga lang." sagot ko naman, nakapaskil ang pekeng ngiti sa labi. "Mabuti naman. Naku at balita ko nga ay nabaon nanaman sa utang iyang Tatay mo para lamang makabayad muli sa hospital." Tipid lamang muli akong ngumiti. Ngiti lang Shana, Ano naman ang dapat kong isagot? hay naku, dapat ay mas binilisan ko pa talaga ang lakad ko nang hindi ako naharang ng isang to. Akala mo lang sa una ay mangangamusta pero heto na at chismis at kung ano-ano nang sasabihin. Sa buong baryo siguro ay siya ang pinaka-pakialamera sa lahat.
Read more

Maynila

"Akala ko ay napaano ka na. Mabuti at natuntun mo itong lugar na ito?" tanong ni Ate Del. Siya ang may ari ng apartment na uupahan ko habang nandito ako sa Maynila, kakilala siya ng amo nila Tatay sila Don Miguel. "May napagtanungan po babae tapos nagulat ako taxi driver po siya kaya siya po ang tumulong saaking mahanap tong apartment. Pwede na po palang maging driver ang babae dito Ate Del?" namamanghang tanong ko pa nang maalala ang babaeng driver. "Ipasok niyo na sa loob yung mga gamit, doon sa isang kwarto na may double deck," utos niya muna sa mga lalaking may karga sa gamit ko bago ako hinarap at pinaupo sa maliit na sala. "Ang mga babae dito sa Maynila kahit pagdedeliver at pagda-driver ay pinapatos na dahil sa hirap ng buhay. Wala ka ng karapatang maging choosy sa paghahanap ng trabaho ngayon." paliwanag nito, tumango naman ako at saka lamang binigyan ng pansin ang kabuuhan ng lugar. "Halika at ililibot kita," yagak ni Ate Del saakin kaya dali-dali akong tumayo at sumunod
Read more

Hi, Mommy

"Ay ano kasi baby, hindi ako Mommy mo.""No! You're my Mommy! Mommy!" nagsimula ng magtubig ang mga mata nito kaya natataranta na akong napaluhod sa harap ng bata."Shh sige na huwag ka na umiyak huhu naiiyak narin ako eh." palinga-linga nako sa paligid at napansing pinagtitinginan na kami."Grabe namang Nanay yan dinala pa sa trabaho ang anak." "Kaya nga, mukhang bata pa yung Nanay. Hay naku kabataan talaga"Kebago-bago ko lang dito sa Maynila may chismis na ko, grabe ba. Hello mga Marites hindi ko naman to anak no! mga judger tong mga to."Mommy..."Halos matunaw ako nang lumapat ang maliit na kamay niya sa pisngi ko nang hawakan niya ang mukha ko. Ngayong magkatitigan kami, napansin ko lalo ang pagiging magandang bata nito."Mommy wag ka na po alish, wag mo na iwan shi Lilly mommy..." nagsimula na itong humikbi kaya no choice ako kundin kargahin ang bata."Shh tahan na baby, nasaan ba ang bantay mo? sino kasama mo pumunta dito?" marahan kong tanong habang karga siya at dahan-dahan
Read more

Visitor

Napapikit ako nang makarinig ng kalansing ng mga baso at kutsara sa kusina. Kahit hindi ko makita si Erica at Angie ngayon ay alam kong parehong aligaga ang dalawa. Paano ba namang hindi? Nandito lang naman yung taong kanina lang ay pinag-uusapan namin. Hindi ko na alam kung saan ko ba ilalatag ang mga mata ko. Naiilang akong tingnan siya na ngayon ay nakaupo sa maliit naming sofa at talagang nakatitig lang saamin ng batang kalong ko. "Ehem. Fafa—este Sir eto po kape ka muna hihi" napayuko na lamang ako nang marinig ang ipit na ipit na boses ni Angie. Nakita ko pa kung paanong mapilantik niyang inilapag ang tasa ng kape sa harap ni Cairo. "Thanks." "You're always welcome!" halos lumundag na sagot ni Angie na siyang nagpatawa na saakin at kay Erica na hinila na siya papalayo. "Ah, sige mauuna na kami sa loob hehe papainumin ko pa ng gamot." ngiwing sabi ni Erica habang pilit hinihila si Angie na hindi na maalis ang malagkit na tingin kay Cairo. "Goodnight po," kahit antok na anto
Read more

Offer

Tahimik akong sumunod habang hila niya ang kamay ko. Grabe yung kamay niya... sobrang lambot nakakahiyang ikumpara sa kamay kong batak sa trabaho. Pero bakit ba kailangan hawak pa niya kamay ko? Pasmado pa naman ako nakakahiya!May pa linga-linga pa ako sa paligid dahil parang kinakabahan akong may makakita saamin. Ewan ko ba. Parang nahihiya ako na ewan. Nasapo ko rin ang dibdib ko nang makaramdam ng paghahabol ng hininga dahil sa lakas at bilis ng pintig ng puso ko. Bumaba ang tingin ko sa kamay naming dalawa nang maramdaman kong bibitaw na siya."Let's sit and talk" sabi niya sa malalim na tinig. Pero hindi ko alam kung anong kalandian ang sumapi saakin at nagawa ko ang ganitong kahihiyan.Nung mabibitawan na niya ang kamay ko ay hinabol ko pa ng hawak ang kamay nya na para bang sabik pa ako sa hawak niya, pastilan! "Ah s-sige!" taranta kong sagot, ramdam ang pag-usok ng tainga ko sa sobrang kahihiyan. Nadagdagan pa ang hiya ko nang marinig ang mahina niyang tawa na halatang nan
Read more

Strange Feeling

"What ish this Mommy?" Nilingon ko si Lilly sa kanan ko kung saan siya nakaupo. Nangingiti kong hinaplos ang buhok niya bago damputin ang pandesal."Pandesal ang tawag dito Lilly ito naman ay peanut butter." pagpapaliwanag ko habang pinupunasan ng palaman ang tinapay. "Eto tikman mo." binigay ko sakaniya ang tinapay at nakangiti siyang pinanood na kagatan iyon."Yum!" tuwang-tuwa niyang sabi matapos matikman ang pagkain. "Hahaha tuwang-tuwa ka naman bebe Lilly. Wala bang ganiyan sa house niyo? mukha naman kayong rich ah?" tanong ni Erica na kasabay naming nag-aalmusal. "Loka loka! syempre rich nga diba? tingin mo ba kumakain ng pandesal ang mga rich? syempre imported bread ang mga yan tapos pa-oatmeal and yogurt" singhal ni Angie kay Erica . "Diba baby girl?" "Uhm, yesh?" alangang pagsang-ayon ni Lilly na wari ko ay nalito sa kung ano-anong mga sinabi ni Angie.Nandito kaming apat ngayon at sabay-sabay na naga-agahan. Hindi ko alam kung nasaan ang tatay ni Lilly dahil simula ng
Read more

The Kiss

"Wow ang laki!" sigaw ko. Namamangha kong pinagmasdan ang napakalaking teddy bear sa harap ko na naka-display sa tapat ng kulay blue na shop. Nakita kong madaming iba't-ibang klase ng teddy sa loob pero hindi kasing laki ng isa to. Nilingon ko kung nasaan sila Lilly, nung makita kong busy parin sila kakapili ng mga candy sa isang stall ay sinamantala ko ng mas lapitan pa ang malaking teddy bear. "Sobrang laki naman nito!" pumapalakpak kong tili. Syempre yung tili na ako lang ang nakakarinig. Kinagat ko ang pangibabang-labi ko nang makaramdam na gusto kong yakapin ang stuff toy. Sigurado akong sobrang lambot nito. Kaso nakakahiya naman hawakan, ang puti pa naman. Baka madumihan ko lang, makabayad pa ako. Sigurado pa naman akong mahal yan, hindi ko yan kaya bayaran kapag nadumihan ko.Kinalma ko ang sarili ko at unti-unting umatras papalayo at nakontento na lamang pagmasdan ang higanteng laruan. Nang mapansing tapos na sila Lilly mamili ng candy ay bumalik na ako sa pwesto nila. "Yo
Read more

Trapped

"Shana anong ganap mo? Bakit tulala ka diyan sa pinto?" "Shanny dear? yuhoo! hala kaloka! Naging bato na ang lola mo!" "Hilahin mo na nga yan papasok, paupuin mo don sa sofa para doon na siya tumulala buong magdamag.""Okay! let's go na Shanny dear. Dito ka na lang mag moment sa loob at pinagpiyestahan ka na riyan ng mga moskitow." Naririnig ko silang dalawa pero hindi ko magawang magsalita dahil sobra talaga akong nabigla sa mga nangyari kanina. Wala pa akong kahit na anong karanasan sa mga ganon. Kahit nga pakikipag-holding hands ay hindi ko pa naranasan dahil masyado akong tutok sa pag aaral dati. Noong high school at college ako ay marami rin namang nanliligaw sa akin, ang iba pa nga ay namimilit makipag-relasyon pero pinagsawalang bahala ko iyon dahil wala talaga akong balak. Puro pag aaral at kung paano magkakapera ang laging nasa isipan ko nung mga panahong iyon. Atsaka siguro din ay hindi ko lang talaga sila tipo kaya kahit anong pilit nila ay nakakatanggi ako. Pero kani
Read more

Consent and Kisses

Paggising ko ay nasa hospital na ako. Ang huli kong natatandaan ay magkasama kami ni Sir Cairo habang galit na galit ako. Tapos nakaramdam ako ng kirot sa ulo at nanlabo na rin ang paningin ko at doon na ako nawalan ng malay. Kinapa ko ang sarili ko, at nakahinga ng maluwag dahil wala ng ibang nangyari sa akin. Bukod sa dextrose na nakasalpak sa kamay ko ay wala na akong ibang natamo kagaya ng sugat o kaya ay pasa. .Mabuti hindi nabagok ulo ko pagkabagsak ko. Kung nagkataon ay baka lahat ng pinag-aralan ko simula elementarya hanggang college ay maglaho na lang. Mas lalo akong mahirapan maghanap ng trabaho. "Nauuhaw ako." dahan-dahan akong bumangon at hinanap kung mayroon bang maiinom sa paligid. "Napakalayo naman." reklamo ko nung makita ko ang pitsel sa lamesa na medyo malayo sa kama. "Hindi naman ako aabot doon. Hindi ako marunong mag tanggal nitong swero." nagkandahaba-haba ang nguso ko habang tinatanaw ang pitsel. Ano ba yan, gusto ko na talagang uminom. Pakiramdam ko tuyot na t
Read more

Rejections

"Hello Erica saan nga tayo magkikita? pasensya na natagalan ako don sa isang kumpanya." [Dito sa BGZ Building Shana, sabihin mo lang sa driver alam na nila yan.]"Sige Erica. Salamat. Pasakay na ako ng jeep kita na lang tayo dyan." [Okay sige hintayin ka namin, break time pa naman.] Ibinaba ko na ang tawag at lupaypay na nagpara ng jeep. Sinabi ko kung saan ako baba at ng tumango ang driver ay napanatag na ako. Umayos ako ng upo at tumulala na lang sa labas habang hinihintay na makarating sa lugar kung saan nagtatrabaho sila Erica. Pangalawang araw ko na kasi itong nagiikot-ikot pero wala parin akong nakukuhang trabaho. Wala pa daw kasi akong experience at hindi pa kilala ang school ko. Paano ako magkakaroon ng experience eh fresh graduate nga ako? kaya nga ako nag-apply para magkaroon ng experience. Meron akong experience sa pagtitinda at pagtatanim pero hindi naman pwedeng ilagay ko yon sa resume ko. Sa usapang school naman. Mas pinapaburan nila yung mga aplikante na galing sa ki
Read more
DMCA.com Protection Status