"I will not promise you a happy life once you agreed to this union." Isang Arranged Marriage ang kinasangkutan nila Lumiere Jane Ramirez at Drake Achyls Hernandez matapos ang kanilang Senior Highschool. Isa itong Promise of Union ng dalawang pamilya at sa kanila ito maisasakatuparan. Habang naghihimutok sa galit sa pagtutol si Drake ay kaiba naman kay Lumiere dahil ito ay matagal ng may gusto kay Drake. Akala niya isang fairytale, kapag naikasal ka sa taong matagal mo ng gusto pero mas lalong naging cold, indifferent at malupit sa kaniya ang lalaki to the point he handed her a divorce. Namatay ang lolo ni Lumiere at sinisi niya ang lahat kay Drake. Nais na niyang iwan ito at hindi na magpakita pero nagkita sila sa isang bar. Nakita ni Drake na nakikipagsayaw sa iba ang kaniyang asawa. Sa unang pagkakataon ay inuwi siya nito sa condo para komprontahin. Dahil sa kalasingan ay nauwi ang lahat sa isang mainit na gabi. Kinabukasan ay nakita ni Lumiere ang divorce agreement at pinirmahan niya ito dahil hindi naman niya kayang pilitin ang lalaking mahalin siya. At ang nangyari kagabi ay dahil lang sa kalasingan. It was just a s*x. Umalis si Lumiere at hindi na muli pang nakipagkita kay Drake. After 5 long years, nagkita silang muli ngunit siya ay nobya na ng kaniyang pinsan na si Orphen. Lalo siyang nagalit ng malaman niyang may anak na ang mga ito. Pinilit niyang bawiin si Lumiere at nagsimula ang bawat dagok sa kanilang buhay. Isa bang sumpa ang Promise of Union o kailangan lang nilang mapatunayan na para talaga sila sa isat-isa.
Lihat lebih banyakHi Milabs,A year din ang inabot ng story na ito at labis-labis akong nagpapasalamat sa pagbabasa ninyo sa aking munting akda. Medyo matagal din ang pag-update ko pasensya na po kayo. Pangalawa itong story na sinimulan ko dito sa Goodnovel. Bilang isang baguhang manunulat sana po ay nagustuhan ninyo ang story nila Lumiere at Drake na nagstart sa isang Arranged Marriage at mala-roller coaster na taguan ng totoong nararamdaman. Sana po ay suportahan din po ninyo ang iba ko pang story dito kay GN. Utang na loob ko po ito sa inyo na laging naka-antabay sa updates ko. May ilang chapters pa po tayo bago tuluyang isara ang kuwento nila Drake at Lumiere. Gusto ko lang mag-pasalamat sa inyo. Hanggang sa huli!Maraming Salamat po sa inyo!Lexie,
LUMIERE POV“Drake, mukhang manganganak na ako?” ani ko kay Drake na nasa kusina at may kung anong niluluto. Pinatay niya ang kalan at pinukol ako ng mapag-alalang tingin.Dali-dali niya akong nilapitan at bakas’ron ang pag-aalala sa kaniyang mukha. Hindi ko pa nakita ang ganitong itsura ni Drake. At sa ganitong eksena hindi ko narin magawang maipinta ang mukha ko. “May masakit ba sa iyo? Tell me where? or just tell me you’re atleast okay!” taranta niyang sabi. Hinubad niya ang kaniyang suot na apron at binalibag nalang kung saan. Saka ako hinawakan. “I’m in labor, Drake! Yes, I’m gonna be okay basta dalhin mo ako sa hospital ngayon ‘din!” mahinahon kong sabi pero mukhang lalo ko lamang siyang pinakaba at pinag-alala.Dahan-dahan kaming lumakad palabas ng bahay at hindi niya malaman kung bubuhatin na ba niya ako or hindi? Kaya bahagya kong pinisil ang kamay niya. At pinakatitigan ko ang mga mata niya.“I’m gonna be okay! Just drive!” “O-Oo.” Kahit sobrang sakit na ng tiyan ko ay n
Nagising si Lumiere dahil sa sinag ng araw na tumagos mula sa bintana. Naramdaman niya ang maiinit na hininga na dumadampi sa kaniyang mukha. Si Drake. Natulog sila ng magkatabi dahil nag-aalala ito at hindi din kasi mapigil ang kaniyang pag-iyak. Kumislot siya pero nanatili siyang nakakulong sa mga bisig nito. Pinagmasdan niya ang guwapong mukha nito at naalala niya ang unang beses na makita niya ito noon sa Campus. Magkaiba sila ng mundo noon at hindi sa hinagap ay mapapansin siya nito. Mabigat parin ang kaniyang talukap at nagsisimula na namang mangilid ang kaniyang luha. Kahit mahina ang kaniyang hikbi ay nagising si Drake. Pinunasan nito ang unang luha na umagos at kinintalan siya ng halik sa noo, sa ilong at marahang dampi sa kaniyang labi.“L-Lumiere, mag-start ulit tayo,” panunuyo ni Drake.“H-Hindi ko alam kung paano tayo magsisimula’t kung paano ko iha-handle ang sarili ko. I was still recovering,” nangangatal na sagot ni Lumiere.“Andito ako sa tabi mo. Bubuo ulit tayo ng pa
HINAWAKAN ni Drake ang mga kamay ni Lumiere at minasahe ng kaunti. Gayundin ang saya ng mga titig nila sa isat-isa.“How are you?” tanong ni Drake habang hindi binibitawan ang kaniyang mga palad.“Ahmm. I’m okay.” may pamumula sa mga pisngi ni Lumiere habang ngumingiti kay Drake.“You know what? It feels like a dream to me, Lumiere.” “Sa akin naman para akong tumutulay na naka-blindfold. Wala parin akong matandaan,” ani ni Lumiere.“Don’t worry, I’ll help you out,” sabi ni Drake at biglang naging seryoso ang mukha nito. “Thank You! Magkuwento ka about sa atin,” sabi ni Lumiere.“A-Actually, hindi naging maganda ang nangyari sa atin nitong mga nakaraang taon. But, I realize last night na kailangan mong malaman ang lahat. Promise me na hinding-hindi ka magagalit sa akin.”Bigla namang dumating si Coreen at pinukol niya ng matalim na tingin si Drake para huwag bumanggit ng kahit anong masamang memories kay Lumiere.“N-Nako halika na kayo sa dining para makapag-umagahan tayo.” muli niy
NATAGPUAN ni Coreen ang anak na sapo-sapo ang mukha habang hinihintay na lumabas ang doktor na sumusuri kay Lumiere. Masyado ng maraming dugo ang nawala kay Lumiere, halos patay na siya ng matagpuan ni Drake.Lumapit si Coreen at umupo. “Son?” tawag ni Coreen. Bahagyang inangat ni Drake ang mukha. Bakas sa mukha nito ang matinding pag-aalala at namumula ang mga mata.“Makakayanan ito ni Lumiere. Babalik siya sa atin.”“I know, Mom. Kayang-kaya niya ito,” Ngunit hindi niya napigilan ang hindi humagulgol ng iyak sa harap ng ina. Ito lamang ang nakakakita ng weak side ni Drake. Niyakap ni Coreen ang anak.“Be strong para sa kaniya anak. Magiging masaya na si Luke dahil nabigyan na ng hustisya ang pagkamatay niya.”“Mom, sa tuwing nasa poder ko si Lumiere ay lagi nalang siyang napapahamak. Maybe I need to accept this. Pinilit kong bumalik siya pero bakit ganoon lagi siyang nalalagay sa panganib.”“Hahayaan mo nalang ba siya ngayon? Susundin mo na ba ang Dad mo?” pinunasan niya ang luha ni
NAGSIMULA siyang mabalot nang takot para sa kaniyang buhay. Hindi na niya mapigil ang pagbuhos nang kaniyang luha ng oras ding iyon kasabay ang dumadagundong na kaba. Napansin siya ulit nang lalaki kaya’t muli siyang pinasadahan ng tingin at nilapitan.“Oh, Miss bakit ka umiiyak?” muling pa sanang magsasalita ang lalaki ngunit narinig nilang pareha ang pagdating nang isang kotse.Tinalikuran siya ng lalaki at tinungo kung sino ang nasa labas. Maya-maya pa ay nakarinig siya nang tunog nang nakatakong. Marahil ay ganito din ang naramdaman ng anak niya bago ito mawala.“Oooh my sweet cousin…” bungad nito. Naiangat niya ang ulo at pinagmasdan si Layla. Napaka-elegante parin nito sa pulang tight dress na suot nito.“L-Layla! Maguusap lang naman tayo hindi ba? P-Pakawalan mo ako!” pagmamakaawa niya.“Sa tingin mo ay pakakawalan kita para ano? M-Maging masaya na kayo ni Drake? Wala akong ibang balak na gawin ngayon kundi ang tapusin ang kawawa mong buhay.” Kinuha niya ang baril mula sa kaniy
NANG imulat niya ang kaniyang mga mata ay ilang segundo pang napako sa kisame ang mga ito kasabay ang pagbuga ng hangin dahil parang isang magandang panaginip ang nangyari sa kaniya ng nakaraang gabi. Ilang beses siyang napapikit at napatingin sa kaniyang katabi. Mahimbing paring natutulog si Lumiere. Tulad parin ng dati, para parin itong isang anghel sa kaniyang paningin. Pinagmasdan niya ito at bahagyang kinapa ang pisngi nito. Ilang beses itong kumislot ngunit hindi parin ito nagising. Napangiti siya sa kaniyang sarili sa naiisip siguradong pagod na pagod ito sa nagdaang gabi. Nang magising kasi ito ng madaling araw ay muli niya pa itong inangkin. Hindi niya kasi ito hinayaang makabuwelo. Napuno ng ungol nito ang kaniyang kuwarto at dahil na lamang sa pagod kaya parehas silang nakatulog.Hinalikan niya ang pisngi nito patungo sa ilong at sa labi nito. Bahagyang napaungol ito dahil sa sensasyong nararamdaman nang madampian ng haplos niya ang hita nito. Naimulat ni Lumiere ang kaniya
TRIGGER WARNING! Some scenes are not suitable for young and sensitive readers. READ at YOUR risk!Ang mga sumusunod na pangyayari ay may karupukan.LUMIERE POVNanlaki ang mga mata ko ng maramdaman ko ang kaniyang labi kaya agad akong lumayo. Ayokong magkaroon ng kaugnayan ulit sa kaniya. Ngunit hinigit niya ako kaya muling dumampi ang aking labi sa kaniya. Tinulak ko siya dahil hindi ito tama.“I need to go, D-Drake! This isn’t right!” tumayo ako.Alam kong mas magiging kumplikado ang lahat kapag pinagpatuloy ko pa ang pananatili ko sa lugar na ito. Kalmado na siya. Mukha namang maayos na siya. Pero muli niyang hinawakan ang kamay ko at hinila para makaupo ulit.“Look, I’m sorry,” he lowered his head.Ilang minuto kaming nabalot ng katahimikan. Ayokong magsalita at ganon din siguro siya. Hindi naging maganda ang pagsasama namin at parang ang kasal namin ay naging tanikala para sa amin.“I assumed you had already left. I was in Brimways drinking and thinking how my life could be if ou
Lumiere POV Sa halos 10 taon ngayon lang ako magkakalakas ng loob na pumasok sa lugar na ito. ‘Drake’ siya na naman ang naaalala ko. Gusto kong maging masaya at kalimutan na siya para sa ikatatahimik ng mga sarili namin. We need to move on. Kinuha ko ang cocktail na inorder namin ni Khia at sumabay sa nakakabinging ingay ng Bar. Sumayaw kami at nag-enjoy kami. Kinulong ko ang sarili ko sa mga alaala ni Luke. And I let the time slip away. Kinuha ni Khia ang aking kamay at hinila sa dance floor. Hindi ba masyado na kaming matanda para makipagsayaw sa mga tao ‘ron? Nah for Khia I can do anything. Nagsayaw kami hanggang lumabas ang lahat ng pawis ko. Gusto kong ayusin ang buhay ko at kahit papaano ay mag-enjoy. Ayoko ng umiyak at magkulong sa Gallery. Bukas na bukas ay aalis na ako at hahanapin ko ang sarili ko para maging masaya. Ngunit nagulat nalang ako ng may humapit sa aking baywang. Parehas kaming naliligo sa pawis at natagpuan ko ang sarili kong nasa bisig ng isang estranghero. Nas
This is a work of fiction; therefore, the novel's story and characters are fictitious. Any public agencies, institutions, or historical figures mentioned in the story serve as a backdrop to the characters and their actions, which are wholly imaginary.Lumiere RamirezAko nga pala si Lumiere Ramirez, nasa ika-4 na taon na sa Highschool. Inayos ko ang aking salamin para malinaw kong makita ang pinaka-gwapong lalaki dito sa school namin. Si Drake Achlys Hernandez. Halos lahat dito kilala siya at pinipilahan ng mga babae. May sariling Fans Club nga eh, pero ayokong bumilang dun tama ng araw-araw ko siyang nakikita kahit ni kausapin di ko magawa paano nakakalusaw ang ka-gwapuhan. Kahit puro pawis pa yan iba parin ang gandang lalaki at malakas ang appeal. Mukhang tapos na ang practice nila makaalis na. "Ehem, ehem..hoy nerd! Sabi na nga ba andito kananaman eh. Si Drake nanaman ang pinagpapantasyahan mo noh. Sorry ka dahil hindi ka papatulan niyan. Nerd ka diba?" Naghalakhakan ang buong g...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Komen