Rhaiven Mendoza, ang dakilang playboy na kilala sa buong campus. Dahil sa kakaibang katigasan nya ng ulo ay kinakailangan syang kunan ng yaya para may magbantay sa kanya. Ngunit, lahat ng yayang kinukuha ng kanyang mga magulang ay hindi nagtatagal dahil sa kalupitan nito. Hanggang sa nakahanap na nga sila ng magiging katapat nito. Si Haila na kayang gawin lahat para sa kanyang pamilya. Magkakasundo kaya sila o mapapabilang rin si Haila sa mga yayang napatalsik nito?
View More"Mahal mo pa? Balikan mo na." Napatingin ako kay Luis, naisipan nyang sadyain akong bisitahin dito sa opisina ko. Hindi ko nga alam kung ano ang nakain nito at naisipan nya akong puntahan. At alam ko naman na nabalitaan na nya ang nangyaring bukingan sa sikreto ni Mavi. "Not now, dude." Sagot ko, napasandal ako sa swivel chair ko habang hawak ang baso ng alak. Pinagtaasan nya ako ng kilay at ibinaba ang magazine na hawak. Nasa sofa sya nakaupo habang abala kaninang sinusuri ang hawak na magazine sa kanyang mga kamay. "What's wrong? Nahanapan mo naman na ng baho ang Mavi na 'yon, it's now your time to shine, pre." "Luis, iniisip ko ang nararamdaman ni Haila, tsaka, gusto kong mairealize nyang mali sya. May balak naman akong balikan sya dahil mahal ko pa pero hindi sa ganitong sitwasyon. Masyado pa syang naiipit kaya bibigyan ko muna sya ng oras para makapag-isip.""Ikaw bahala, basta kapag kailangan mo ng tulong, nandito lang kami." Paalala nito at tinapik ang balikat ko. Tumango
"Hindi ko priority ang pagkakaroon ng anak..... "Inaasahan ko na mag-eenjoy ako ngayong gabi, umasa ako na magiging maganda ang resulta ng pagpunta ko dito, hindi pala. Mas madadagdagan pala 'yong sama ng loob ko dahil kay Rhaiven ko mismo narinig ang mga katagang iniiwasan kong marinig sa lahat.Ang sakit. Sa sobrang sakit ay gusto ko na lang manahimik na lang at itago sa kanya 'tong pagbubuntis ko. Gusto ko ng tumigil sa pagpapantasya ng mga bagay-bagay na alam kong hindi nya kayang ibigay para sa anak ko. Baka nga tama si Kuya, hindi pa talaga ako sigurado kung seryoso ang pagmamahal ni Rhaiven sa akin ngayon. "Haila, ano meron? Ba't lumabas ka na?" Narinig ko ang boses ni Criza sa likod. Wala yatang nakapansin na umalis ako doon, sabagay nasa medyo madilim akong parte. Lahat kasi ng pansin nila ay na kay Rhaiven na seryoso nilang iniinterview. Mabilis kong pinunasan ang ilang butil ng luha na tumulo sa pisngi ko. Ayokong magtanong si Criza, mas bibigat lang ang mararamdaman ko
"Bes, huwag na huwag mong kakalimutan lahat ng bilin ni doktora sa'yo lalong-lalo na 'yong mga makakasama kay baby. Sya nga pala, 'yong mga gamot na kailangan mong inumin, nabili ko na lahat."Nalulungkot lang ako ng sobra dahil sya dapat ang kasama ko dito sa second checkup ko hindi si Criza, well, naaappreciate ko naman sya. Iba lang siguro ang saya kapag daddy ng baby ko mismo ang kasama ko sa checkup ko ngayong araw. "Haila, dapat marunong ka na agad kung paano magpalit ng diaper at kung paano linisan ang pwet ni baby kapag nagdumi. Ngayon pa lang dapat matuto ka na ng mga basic step sa pag-aalaga ng sanggol para kapag time mo na e hindi ka na mahihirapan." Paalala ni Ate. Abala syang pinapalitan ang bunso nilang anak, natae kasi ito at tinulungan ko naman sya sa pag-asikaso sa bata. Tinuruan nya ako at hindi ko maiwasang maexcite. Nakakapressure mang gawin pero nakakaenjoy naman. Napahaplos tuloy ako sa tyan ko. "Bakit, buntis ba sya?"Napalingon kaagad kami ni Ate nang magsal
WARNING: THIS CHAPTER CONTAINS A MATURED SCENES. READ AT YOUR OWN RISK."Miss Santiago, aware ka bang two months ka ng buntis?"Para akong binuhusan ng malamig na tubig pagkarinig sa sinabi ni Doktora Genieva, ang OBGYNE na kakilala ko rito sa ospital. Sa kanya ako nagset ng schedule para magpacheck up, gusto ko rin kasing makasigurado. Baka kasi bulok lang 'yong pregnancy test na ginamit ko kahapon. Lantang gulay akong naglakad palabas ng naturang ospital. Hawak-hawak ko 'yong listahan ng mga vitamins at gamot na kinakailangan kong bilhin. Nakasulat din doon kung anong oras dapat ako uminom ng gamot. Binigyan pa ako ni doktora ng kaunting kaalaman kanina ukol sa pagbubuntis ko. Nirekomenda nya sa akin na huwag magpalamon sa stress dahil maaaring maapektuhan ang bata na nasa sinapupunan ko. Napaupo ako dito sa may bench, hindi ko namalayan na napadpad ako dito sa isang parke. May ilang bata na naglalaro doon, naagaw ng atensyon ko 'yong isang ina na abalang nagpapadede ng kanyang s
"Magreresign ka na?" Dahan-dahan akong tumango habang nakayuko, hindi ko kayang tumingin ng diretso kay Tito Gabby, ang daddy ni Mavi. Sinadya ko talagang pumunta dito para personal na magresign na sa trabaho. Alam ko na wala si Mavi dito dahil lumipad sila ni Amarah papunta sa Dubai upang puntahan si Jayzel. Doon ko nalaman na buntis pala ito at kinakailangan nya si Mavi roon. "Tito, alam ko nakakagulat 'tong desisyon ko pero heto lang kasi 'yong alam kong paraan para makalimot sa mga nangyari. Gusto ko na rin pong mamuhay ng walang iniisip. Alam ko na hindi nyo rin inaasahan na ganito ang mangyayari sa amin ng anak nyo. Pero, sana maintindihan nyo po kami." Tumikhim sya saka umalis sa pagkakasandal doon sa swivel chair. Tumayo ito at lumapit sa akin. "Haila, naiintindihan kita." Napayakap na lang ako sa kanya ng mahigpit at hindi napigilan ang maiyak. Nagpasalamat ako sa kanya dahil naiintindihan nya ako. Ang inaasahan ko kasi ay hindi sya papayag sa pagreresign kong ito sa komp
"Haila.."Hinabol ako ni Rhaiven pagkatapos kong magmoveon. Narinig ko ang yabag ng paa nya pasunod sa akin. Hindi ko naman sya magawang lingunin dahil nagagalit ako ng sobra sa nalaman ko. "Haila, let me explain, please. "Tuluyan nyang nahawakan ang braso ko, dahilan rin 'yon para mapahinto ako sa paglalakad at hinarap sya. Patuloy sa pag-agos ang luha ko dahil sa sakit na nararamdaman ko. Hinarap ko sya. Tumingin ako ng diretso sa kanyang mga mata. Puno sya ng pagmamakaawang pakinggan ko ang pagpapaliwanag nya. Pinapanood lang kami ni Mavi sa 'di kalayuan, hinayaan nya kaming makapag-usap. "Magpapaliwanag ako, please, maki-"Hindi ko na sya pinatapos sa dapat sasabihin nya nang malakas ko syang sinampal sa pisngi. Halos mapapikit pa sya sa lakas non. Namula pa iyon ng bahagya at hindi manlang ako makaramdam ng awa sa kanya dahil sa ginawa ko.Samantala, tumakbo si Mavi palapit sa akin at hinawakan ako sa braso. Mukhang sinusuway nya ako. Pilit nya akong pinapakalma pero hindi 'y
"Matagal na naming alam na niloloko ka ni Mavi."Naiyak pa ako lalo nang marinig ang sinabi ni Kenneth tungkol sa panlolokong ginawa ni Mavi sa akin. Sila mismo ang naisipan kong puntahan kinabukasan nang matanggap ang chat ni Jaime sa akin. Ni hindi ako nakatulog kinagabihan dahil doon. Gusto ko tuloy na pauwiin si Mavi at pagsasampalin hanggang sa magsawa ako. Galit na galit ako sa ginawa nyang ito sa akin. Wala naman akong alam na kasalanang ginawa sa kanya para gawin nya ang ganito sa akin. "Natatakot lang kami na sabihin sa'yo, baka kasi isipin mo gumagawa kami ng palusot para balikan mo si Rhaiven. Baka isipin mo rin na sinisiraan namin 'yong fiancee mo. Mahirap mangialam sa ganitong bagay lalo na't hindi biro 'tong sitwasyon na kinakaharap mo, Haila." Usisa naman ni Luis. Naglapag ulit sya ng panibagong rolyo ng tissue sa harap ko. Kumuha si Hana at iniabot ito sa akin. "Binalak talaga namin na dalasin kang yayaing lumabas, nagbabakasakali kasi kami na masasabi namin sa'yo an
"Omg! Rhaiven, you're here, I can't believe it."Napatakip si Jayzel nang makita ako papasok ng resort kung saan gaganapin ang kanyang birthday. Tumakbo sya para salubungin ako't niyakap ng sobrang higpit. Nahihiya tuloy ako dahil maraming bisita ang nakatingin sa'min. "Sorry, I'm late.""No, it's okay, man." Kumalas na sya sa pagkakayakap sa akin at nagbeso sa pisngi ko. Jaime invited me to her sister's birthday party here in Dubai. Kinakailangan ko pang bumyahe dito para makaattend ng birthday nya since inaasahan nya ang pagdating ko. She was my first ever business partner kaya ganoon nalang kami kaclose. Dahil sa pangshiship nila sa amin ay naging malapit ang loob namin sa isa't isa. Una pa lang ramdam ko na kailanman hindi nya ako magugustuhan. Sabi nga nya, iba ang tipo nya sa lalaki, malayong-malayo daw sa akin. "Happy Birthday," bati ko sa kanya at itinaas 'yong babasaging baso ng alak na hawak ko. Nagtoast kami ay sabay uminom. "Thank you, bestie." Masayang usal nya. "Ak
"Kahit kailan talaga bwisit ka, Rhaiven."Pinanggigilan ko ng sobra 'yong hawak kong unan. Kasalukuyan akong nakahiga dito sa kama. Aaminin ko, hindi ko magawang maniwala sa mga sinasabi nya. Ni wala syang ebidensyang makipakita sa akin na totoo ang paratang nya kay Mavi. Iniisip ko nga, ginagawa nyang gumawa ng kwento para magtiwala ako sa kanya't iwan ko si Mavi. "Hindi magagawang manloko ni Mavi, Haila. Huwag kang magpapauto sa Rhaiven na 'yon." Pangungumbinsi ko sa sarili ko habang nakatanaw sa lawak ng mansyon ni Mavi dito sa may terrance. Siguro nga naprapraning lang ako dahil sa mga sinabi ni Rhaiven. Hindi naman dapat ako makinig sa gagong 'yon dahil una sa lahat, pwedeng magkatotoo lahat ng hinala ni Mavi tungkol sa kanya. Dapat kong paghandaan ang anumang plano na gagawin nya sa relasyon namin ni Mavi. "Masyado ka kasing stress dyan sa trabaho mo, 'yan tuloy sumasakit na ang ulo mo."Halos mabingi ako sa hindi pamutol na panenermon ni Criza sa akin habang inaasikaso ako.
Trabaho ang hinahanap ko hindi pag-ibig. Pera ang gusto kong ipunin, hindi mga alaala na pilit magpapaniwala sa akin na ang tadhana ay sobrang mapaglaro. Kung kailan seryoso na ako sa mga bagay-bagay, mangyayari ang kailanman hindi ko inaasahan. Si Rhaiven Mendoza, ang dakilang playboy na kilala sa buong campus. Sa kakaibang katigasan nya ng ulo ay kinakailangan syang kunan ng yaya para may magbantay sa kanya. Ngunit, lahat ng yayang kinukuha ng kanyang mga magulang ay hindi nagtatagal dahil sa kalupitan nito. Hanggang sa nahanap nila ako ang tinaguriang katapat niya. Magkakasundo kaya kami o mapapabilang rin kaya ako sa mga yayang mapapatalsik niya? ...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments