Trabaho ang hinahanap ko hindi pag-ibig. Pera ang gusto kong ipunin, hindi mga alaala na pilit magpapaniwala sa akin na ang tadhana ay sobrang mapaglaro. Kung kailan seryoso na ako sa mga bagay-bagay, mangyayari ang kailanman hindi ko inaasahan.
Si Rhaiven Mendoza, ang dakilang playboy na kilala sa buong campus. Sa kakaibang katigasan nya ng ulo ay kinakailangan syang kunan ng yaya para may magbantay sa kanya. Ngunit, lahat ng yayang kinukuha ng kanyang mga magulang ay hindi nagtatagal dahil sa kalupitan nito. Hanggang sa nahanap nila ako ang tinaguriang katapat niya. Magkakasundo kaya kami o mapapabilang rin kaya ako sa mga yayang mapapatalsik niya?“Maam, ayoko na po, aalis na po ako dito. Hindi ko na po siya kayang alagaan pa. Mamamatay ako ng maaga kapag nagtagal pa ako dito.” Nanginginig na tugon ni Manang Mawi kay Mommy at dali-dali na inaakay ang nga bagahe nito palabas ng mansyon. Sinundan siya ni Mommy at nakita kong marahan na hinawakan niya ito sa braso. Gosh! 'Yan na naman si Mommy. Nakisosyo na rin sa eksena si Daddy na bagong dating lang. “Manang sandali lang naman, pag-usapan natin ito ng maayos.”Umiling si Manang Mawi sa takot. “Maam, ayoko na po, parang awa niyo na payagan niyo na po akong magresign.” Mangiyak-iyak na usal nito at kapansin-pansin ang panginginig ng buo nitong katawan sa takot. “Nakaya kong palampasin ang mga ginawa niya sa akin noong una pero nitong huli ay hindi na. Masyado na pong nakakasakit at hindi makatarungan. Kaya nararapat lang po na umalis na ko dito bago may lumala ang gawin niya sa akin.”“Manang, sandali lang.” Pinigilan siya ni Mommy nang akma nitong pipihitin ang doorknob palabas
"Ano bang sungay ang meron ka't hindi nagtatagal 'yong mga yaya na kinukuha ng nanay mo sa'yo? Kampon ka ba ni satanas, ha?" Tugon ni Luis sa akin at abalang pinupuno 'yong baso ko ng alak na kanilang pinagsasaluhan. Doon na ako dumiretso matapos kong masundo si Rhaivee sa probinsiya. Mabuti nga at humupa na 'yong inis ko sa babaeng nakasagutan ko kanina. "Tsk! Hindi naman na kasi ako bata para kunan pa ng ponyetang yaya na 'yan. Kaya ako na ang gumagawa ng paraan para 'di sila magtagal sa bahay. Masama na kung masama, bahala sila." Tugon ko at dire-diretsong nilagok 'yong alak na laman ng baso ko. Pagkatapos ay kumuha ako ng kapiraso nong pizza na pulutan namin at saka ito kinain. "Ibang klase ka talaga." Natatawang usal ni Chris. "Kahit naman anong gawin mo, kukuha at kukuha si Tita ng yaya para sa'yo. For sure, tumawag na naman siya sa ibang agency at nagrequest ng yaya para alagaan ka. Kilala mo 'yong nanay mo, mas overacting sa'yo kaysa kay Rhaivee.""Bwisit na bwisit nga ako
“What a small world, woman,” narinig ko pa ang pagkawala niya ng mapaklang tawa na ikinainis ko. Nasa harapan ko siya, nakatayo at nakakrus ang mga braso nito sa kanyang dibdib habang diretso ang tingin sa akin. Kahit nakayuko ako at hinihimas ang palad ko sa kaba, alam kong nakatingin siya sa akin. “Psh! Sinong tanga naman ang nagsabi sayo na maliit ang mundo?” Bulong ko at hindi naman niya yon narinig dahil abala siyang nakatitig sa biodata na hiningi nito mula sa akin. “Haila Santiago pala ang palangan mo?” “Malamang, ‘yon ang nakasulat diyan e, siguro naman po ‘di kayo bulag ‘no,” sabay irap sa kaniya. Napakagat ako ng labi ng padabog siyang lumapit sa’kin. “Huwag ako ang pinagtritripan mo, bago ka lang dito at kaya pa kitang palitan ng iba, naiintindihan mo ‘ko?” nakataas-kilay niyang tanong sa akin kaya sa takot ko ay tumango nalang ako. “I’m Ranz Rhaiven Mendoza. Sa tingin ko naman nasabi na ni Daddy na ako ang aalagaan mo,” seryosong ani niya. Seryoso ba siya? Siya ‘y
“Gusto ko ng korean chicken wings,” sagot ko nang tanungin ng yaya ko kung ano ang gusto kong ulam ngayong tanghalian. “Noted, Sir.” Sabay tango niya habang abala na isinusulat sa maliit na papel yong mga pagkain na gusto kong kainin. “May idadagdag pa po ba kayo, Sir?”“Wala na.” Sagot ko kaya umalis na siya. Napahinto lang siya sa paglalakad nang magsalita ulit ako. “Pero gusto ko sa korean chicken wings, puro left ha.”Napnsin ko ang pagkunot ng noo niya. “Paano ko naman po malalaman kung kaliwang pakpak yon ng manok?” Pansin ko ang inis sa boses niya.Walang gana kong ibinalik sa computer ko ang aking tingin, nakasandal pa ako sa gaming chair ko. “Problema mo na yon.”Kahit rinig na rinig ko ang pagdadabog niya, hindi ko nagawang mainis o magalit manlang. Natawa na lang ako kung tutusin. Sinadya niya pang padabog na isara yong pintuan nang lumabas ito. At kahit hindi ko nakita ang itsura niya, alam kong nainis siya sa ipinag-utos ko. Wala e, may demonyo tayong utak!“Kain na po
“Buti na lang hindi ako napagod sa paglalaba. Hindi naman pala sira ang washing machine. Baka ‘yong nantrip ang sira, ‘no?” Pagpaparinig ko sa binata na kunwari pa akong nakatingin sa malayo. “Nagpaparinig ka ba?” “Oh, Sir bakit kayo nagreact? Natamaan po ba kayo doon? Sorry naman po,” palusot ko at sinadyang paliparin ang aking buhok. “Tss. H’wag mo ko simulan dyan ah. At para sabihin ko sa’yo, hindi ako nasisiraan ng bait.” “Wala naman po akong sinabi ah. Ikaw ‘tong nagrereact bigla. Tinamaan ka, ‘no?” “Alam mo ikaw, napakatapang mo para sagut- sagutin mo ako ng ganyan, ‘no? Hoy! Yaya ka lang dito at kami ang may-ari ng bahay na ‘to kaya umayos ka. “Sumagot ako na napakamot pa sa aking ulo. “Nakaayos naman po ako.” “Tangina,” pagmumura ni Rhaiven sa inis. “Ipaghanda mo na nga lang ako ng meryenda ko baka ano pa magawa ko sa’yong negra ka.” Singhal nito na akma akong hahambalusin. _“Sir, eto na po ang meryenda niyo,” masiglang wika ko ng malapit na ako sa pwesto niya. Kaaga
"Kuya, ilang araw pa lang ako dito sa bago kong trabaho. Nakakahiyang humingi ng advance na sweldo ‘no. Pwedeng ikaw na muna ang magpadala kay Lola ng pera pambili niya ng gamot?” Namomoblema kami ng sobra ng Kuya Gino ko sa pera dahil kinakailangang padalhan si Lola pambili niya ng gamot. Ngayon na nga lang ulit kami mag-usap, tungkol pa sa problema. Ni hindi na kami nagkamustahan kung ano na ang mga nangyayari sa mga buhay-buhay namin. Isa rin to sa mga katangian ng kuya ko, walang kapreno-preno ang bunganga kapag problema na. “Lala, walang-wala ako. Alam mo naman na may binabayaran akong apartment dito. Isama mo na rin ‘yong mga gastusin ko pangkain tapos tubig pa saka kuryente. Kakasweldo ko nga lang nong nakaraan e kaso naubos kaagad sa dami ng bayarin. Gawan mo muna ng paraan. Pangako, sa mga susunod na buwan, ako ang magpapadala.” “Kuya naman e.” “Sige na, ngayon lang naman e. Walang-wala lang talaga ako ngayon.” Ramdam ko naman sa boses ni Kuya na desperado siyang kumbinsi
“Aaah!” Hiyaw ko kaya naman napatakip si Sir ng dalawa niyang teinga. Nabingi yata siya sa pagsigaw ko. “Ano ba huwag ka ngang tumili dyan! Nakakarindi ka alam mo ba ‘yun, ha?” “Anong ginawa mo sa akin, Sir? Saklolo, tulungan nyo ko nirape ako!” Nagsisisigaw na ako mula sa may bintana kahti sarado pa naman ‘yon. “What do you think you‘re doing, huh? Nirape? Ikaw? Tss, asa ka naman uy!” “Aba, bakit, Sir, hindi ba nakakaattract itong katawan ko?” “Hindi!” Singhal niya sa akin. “Anong ginagawa mo dyan, ha? Oras ng trabaho nandito ka natutulog? Tamad ka talaga.” “Tamad agad, Sir? Hindi ba pwedeng nagpahinga lang ako? Hfmpt!” “Nagpahinga, dito sa kotse ko? Ang kapal din ng mukha mo ‘no.” “Bakit ba, ikakasira ba ng kotse mo ang pagtulog ko dito, ha?” “Hindi pero ikakabaho nya lang lalo na sa mga katulad mong taong bundok.” _ “Oh, dyan ka lang? May bibilhin lang ako sa bookstore. Pag ikaw bumaba dyan, umuwi ka mag-isa, maliwanag?” Mataas na tonong utos nya sa akin kaya naman napan
“Goodevening Sir,” masayang bati ko pagkapasok ko sa kwarto ni Sir Rhaiven. Naabutan ko siya sa kanyang kama, nakahiga at abalang nagtitipa sa kanyang laptop kahit nakabukas ang telebisyon. “What are you doing here?” “Chillax lang, Sir, sungit nyo masyado. Nandito lang ako para ihatid ‘tong gatas nyo and syempre para macheck if tulog na kayo.” “Nakikita mo naman na hindi pa ako tulog ‘di ba? Tanga lang? Tss! Ilapag mo na lang dyan sa study table ko ‘yang gatas, mamaya ko na inumin,” utos nya at ginawang unan ang dalawa nitong braso. “Sir, ‘di na ‘to masarap pagmalamig, parang tao lang din wala ng lasa pagmalamig dapat painitin para masarap ‘di po ba?” Saka ako nagpakawala ng malakas na tawa pero hindi manlang ako nakarinig ng tawa mula sa alaga ko, nagpapahiwatid lang noon na hindi sya natawa sa biro ko. “Get out of my room, please? Sisipain kita pag hindi ka pa umalis dito,” dinuro nya pa ng bahagya ang pintuan. “Kung kanina nyo pa ininom ‘tong gatas, Sir, kanina pa dapat ak
"Mahal mo pa? Balikan mo na." Napatingin ako kay Luis, naisipan nyang sadyain akong bisitahin dito sa opisina ko. Hindi ko nga alam kung ano ang nakain nito at naisipan nya akong puntahan. At alam ko naman na nabalitaan na nya ang nangyaring bukingan sa sikreto ni Mavi. "Not now, dude." Sagot ko, napasandal ako sa swivel chair ko habang hawak ang baso ng alak. Pinagtaasan nya ako ng kilay at ibinaba ang magazine na hawak. Nasa sofa sya nakaupo habang abala kaninang sinusuri ang hawak na magazine sa kanyang mga kamay. "What's wrong? Nahanapan mo naman na ng baho ang Mavi na 'yon, it's now your time to shine, pre." "Luis, iniisip ko ang nararamdaman ni Haila, tsaka, gusto kong mairealize nyang mali sya. May balak naman akong balikan sya dahil mahal ko pa pero hindi sa ganitong sitwasyon. Masyado pa syang naiipit kaya bibigyan ko muna sya ng oras para makapag-isip.""Ikaw bahala, basta kapag kailangan mo ng tulong, nandito lang kami." Paalala nito at tinapik ang balikat ko. Tumango
"Hindi ko priority ang pagkakaroon ng anak..... "Inaasahan ko na mag-eenjoy ako ngayong gabi, umasa ako na magiging maganda ang resulta ng pagpunta ko dito, hindi pala. Mas madadagdagan pala 'yong sama ng loob ko dahil kay Rhaiven ko mismo narinig ang mga katagang iniiwasan kong marinig sa lahat.Ang sakit. Sa sobrang sakit ay gusto ko na lang manahimik na lang at itago sa kanya 'tong pagbubuntis ko. Gusto ko ng tumigil sa pagpapantasya ng mga bagay-bagay na alam kong hindi nya kayang ibigay para sa anak ko. Baka nga tama si Kuya, hindi pa talaga ako sigurado kung seryoso ang pagmamahal ni Rhaiven sa akin ngayon. "Haila, ano meron? Ba't lumabas ka na?" Narinig ko ang boses ni Criza sa likod. Wala yatang nakapansin na umalis ako doon, sabagay nasa medyo madilim akong parte. Lahat kasi ng pansin nila ay na kay Rhaiven na seryoso nilang iniinterview. Mabilis kong pinunasan ang ilang butil ng luha na tumulo sa pisngi ko. Ayokong magtanong si Criza, mas bibigat lang ang mararamdaman ko
"Bes, huwag na huwag mong kakalimutan lahat ng bilin ni doktora sa'yo lalong-lalo na 'yong mga makakasama kay baby. Sya nga pala, 'yong mga gamot na kailangan mong inumin, nabili ko na lahat."Nalulungkot lang ako ng sobra dahil sya dapat ang kasama ko dito sa second checkup ko hindi si Criza, well, naaappreciate ko naman sya. Iba lang siguro ang saya kapag daddy ng baby ko mismo ang kasama ko sa checkup ko ngayong araw. "Haila, dapat marunong ka na agad kung paano magpalit ng diaper at kung paano linisan ang pwet ni baby kapag nagdumi. Ngayon pa lang dapat matuto ka na ng mga basic step sa pag-aalaga ng sanggol para kapag time mo na e hindi ka na mahihirapan." Paalala ni Ate. Abala syang pinapalitan ang bunso nilang anak, natae kasi ito at tinulungan ko naman sya sa pag-asikaso sa bata. Tinuruan nya ako at hindi ko maiwasang maexcite. Nakakapressure mang gawin pero nakakaenjoy naman. Napahaplos tuloy ako sa tyan ko. "Bakit, buntis ba sya?"Napalingon kaagad kami ni Ate nang magsal
WARNING: THIS CHAPTER CONTAINS A MATURED SCENES. READ AT YOUR OWN RISK."Miss Santiago, aware ka bang two months ka ng buntis?"Para akong binuhusan ng malamig na tubig pagkarinig sa sinabi ni Doktora Genieva, ang OBGYNE na kakilala ko rito sa ospital. Sa kanya ako nagset ng schedule para magpacheck up, gusto ko rin kasing makasigurado. Baka kasi bulok lang 'yong pregnancy test na ginamit ko kahapon. Lantang gulay akong naglakad palabas ng naturang ospital. Hawak-hawak ko 'yong listahan ng mga vitamins at gamot na kinakailangan kong bilhin. Nakasulat din doon kung anong oras dapat ako uminom ng gamot. Binigyan pa ako ni doktora ng kaunting kaalaman kanina ukol sa pagbubuntis ko. Nirekomenda nya sa akin na huwag magpalamon sa stress dahil maaaring maapektuhan ang bata na nasa sinapupunan ko. Napaupo ako dito sa may bench, hindi ko namalayan na napadpad ako dito sa isang parke. May ilang bata na naglalaro doon, naagaw ng atensyon ko 'yong isang ina na abalang nagpapadede ng kanyang s
"Magreresign ka na?" Dahan-dahan akong tumango habang nakayuko, hindi ko kayang tumingin ng diretso kay Tito Gabby, ang daddy ni Mavi. Sinadya ko talagang pumunta dito para personal na magresign na sa trabaho. Alam ko na wala si Mavi dito dahil lumipad sila ni Amarah papunta sa Dubai upang puntahan si Jayzel. Doon ko nalaman na buntis pala ito at kinakailangan nya si Mavi roon. "Tito, alam ko nakakagulat 'tong desisyon ko pero heto lang kasi 'yong alam kong paraan para makalimot sa mga nangyari. Gusto ko na rin pong mamuhay ng walang iniisip. Alam ko na hindi nyo rin inaasahan na ganito ang mangyayari sa amin ng anak nyo. Pero, sana maintindihan nyo po kami." Tumikhim sya saka umalis sa pagkakasandal doon sa swivel chair. Tumayo ito at lumapit sa akin. "Haila, naiintindihan kita." Napayakap na lang ako sa kanya ng mahigpit at hindi napigilan ang maiyak. Nagpasalamat ako sa kanya dahil naiintindihan nya ako. Ang inaasahan ko kasi ay hindi sya papayag sa pagreresign kong ito sa komp
"Haila.."Hinabol ako ni Rhaiven pagkatapos kong magmoveon. Narinig ko ang yabag ng paa nya pasunod sa akin. Hindi ko naman sya magawang lingunin dahil nagagalit ako ng sobra sa nalaman ko. "Haila, let me explain, please. "Tuluyan nyang nahawakan ang braso ko, dahilan rin 'yon para mapahinto ako sa paglalakad at hinarap sya. Patuloy sa pag-agos ang luha ko dahil sa sakit na nararamdaman ko. Hinarap ko sya. Tumingin ako ng diretso sa kanyang mga mata. Puno sya ng pagmamakaawang pakinggan ko ang pagpapaliwanag nya. Pinapanood lang kami ni Mavi sa 'di kalayuan, hinayaan nya kaming makapag-usap. "Magpapaliwanag ako, please, maki-"Hindi ko na sya pinatapos sa dapat sasabihin nya nang malakas ko syang sinampal sa pisngi. Halos mapapikit pa sya sa lakas non. Namula pa iyon ng bahagya at hindi manlang ako makaramdam ng awa sa kanya dahil sa ginawa ko.Samantala, tumakbo si Mavi palapit sa akin at hinawakan ako sa braso. Mukhang sinusuway nya ako. Pilit nya akong pinapakalma pero hindi 'y
"Matagal na naming alam na niloloko ka ni Mavi."Naiyak pa ako lalo nang marinig ang sinabi ni Kenneth tungkol sa panlolokong ginawa ni Mavi sa akin. Sila mismo ang naisipan kong puntahan kinabukasan nang matanggap ang chat ni Jaime sa akin. Ni hindi ako nakatulog kinagabihan dahil doon. Gusto ko tuloy na pauwiin si Mavi at pagsasampalin hanggang sa magsawa ako. Galit na galit ako sa ginawa nyang ito sa akin. Wala naman akong alam na kasalanang ginawa sa kanya para gawin nya ang ganito sa akin. "Natatakot lang kami na sabihin sa'yo, baka kasi isipin mo gumagawa kami ng palusot para balikan mo si Rhaiven. Baka isipin mo rin na sinisiraan namin 'yong fiancee mo. Mahirap mangialam sa ganitong bagay lalo na't hindi biro 'tong sitwasyon na kinakaharap mo, Haila." Usisa naman ni Luis. Naglapag ulit sya ng panibagong rolyo ng tissue sa harap ko. Kumuha si Hana at iniabot ito sa akin. "Binalak talaga namin na dalasin kang yayaing lumabas, nagbabakasakali kasi kami na masasabi namin sa'yo an
"Omg! Rhaiven, you're here, I can't believe it."Napatakip si Jayzel nang makita ako papasok ng resort kung saan gaganapin ang kanyang birthday. Tumakbo sya para salubungin ako't niyakap ng sobrang higpit. Nahihiya tuloy ako dahil maraming bisita ang nakatingin sa'min. "Sorry, I'm late.""No, it's okay, man." Kumalas na sya sa pagkakayakap sa akin at nagbeso sa pisngi ko. Jaime invited me to her sister's birthday party here in Dubai. Kinakailangan ko pang bumyahe dito para makaattend ng birthday nya since inaasahan nya ang pagdating ko. She was my first ever business partner kaya ganoon nalang kami kaclose. Dahil sa pangshiship nila sa amin ay naging malapit ang loob namin sa isa't isa. Una pa lang ramdam ko na kailanman hindi nya ako magugustuhan. Sabi nga nya, iba ang tipo nya sa lalaki, malayong-malayo daw sa akin. "Happy Birthday," bati ko sa kanya at itinaas 'yong babasaging baso ng alak na hawak ko. Nagtoast kami ay sabay uminom. "Thank you, bestie." Masayang usal nya. "Ak
"Kahit kailan talaga bwisit ka, Rhaiven."Pinanggigilan ko ng sobra 'yong hawak kong unan. Kasalukuyan akong nakahiga dito sa kama. Aaminin ko, hindi ko magawang maniwala sa mga sinasabi nya. Ni wala syang ebidensyang makipakita sa akin na totoo ang paratang nya kay Mavi. Iniisip ko nga, ginagawa nyang gumawa ng kwento para magtiwala ako sa kanya't iwan ko si Mavi. "Hindi magagawang manloko ni Mavi, Haila. Huwag kang magpapauto sa Rhaiven na 'yon." Pangungumbinsi ko sa sarili ko habang nakatanaw sa lawak ng mansyon ni Mavi dito sa may terrance. Siguro nga naprapraning lang ako dahil sa mga sinabi ni Rhaiven. Hindi naman dapat ako makinig sa gagong 'yon dahil una sa lahat, pwedeng magkatotoo lahat ng hinala ni Mavi tungkol sa kanya. Dapat kong paghandaan ang anumang plano na gagawin nya sa relasyon namin ni Mavi. "Masyado ka kasing stress dyan sa trabaho mo, 'yan tuloy sumasakit na ang ulo mo."Halos mabingi ako sa hindi pamutol na panenermon ni Criza sa akin habang inaasikaso ako.