“Gusto ko ng korean chicken wings,” sagot ko nang tanungin ng yaya ko kung ano ang gusto kong ulam ngayong tanghalian.
“Noted, Sir.” Sabay tango niya habang abala na isinusulat sa maliit na papel yong mga pagkain na gusto kong kainin. “May idadagdag pa po ba kayo, Sir?”“Wala na.” Sagot ko kaya umalis na siya. Napahinto lang siya sa paglalakad nang magsalita ulit ako. “Pero gusto ko sa korean chicken wings, puro left ha.”Napnsin ko ang pagkunot ng noo niya. “Paano ko naman po malalaman kung kaliwang pakpak yon ng manok?” Pansin ko ang inis sa boses niya.Walang gana kong ibinalik sa computer ko ang aking tingin, nakasandal pa ako sa gaming chair ko. “Problema mo na yon.”Kahit rinig na rinig ko ang pagdadabog niya, hindi ko nagawang mainis o magalit manlang. Natawa na lang ako kung tutusin. Sinadya niya pang padabog na isara yong pintuan nang lumabas ito. At kahit hindi ko nakita ang itsura niya, alam kong nainis siya sa ipinag-utos ko.Wala e, may demonyo tayong utak!“Kain na po, Sir.” Hinihingal na usal niya isang oras matapos niyang magtungo dito sa kwarto ko.Sobrang tagal niya kung tutuusin. Isang simpleng ulam lang naman yong nirequest ko sa kanya. Pero syempre, hindi naman ako tanga para hindi alam ang dahilan non.“Bat ang tagal mo? Alam mo bang nagpapatayan na yong mga bulate ko sa tiyan dahil sa kabagalan mo?” Kunwaring panenermon ko sa kanya para matakot siya.Malalim ang buntong hininga na pinakawalan nya bago niya ako sinagot. “Sinong di mababagalan sa request niyong korean chicken wings na puro left? Sa tingin niyo ba madali. Malamang sa malamang, pinag-isipan akong baliw ng mga tinderang pinagtanungan ko ng gusto niyong kaliwang pakpak ng manok. Psh! Buong palengke, hinalungkat ko na para lang makahanap ng left wings.”“Hindi ko na yon problema. Tinanong mo ko kung ano ang gusto kong kainin this lunch, sumagot lang naman ako ah.” I tried not to laugh.“Ah talaga?”“Where’s my korean chicken wings that I requested to you?” Pag-iiba ko ng usapan bago pa ako matawa sa itsura niya.Nakabusangot siyang naglakad pabalik sa kusina upang kunin yong niluto niya. Abot hanggang teinga yong ngisi ko dahil unang plano ko pa lang sa pagpapalayas sa kanya ay nagtagumpay na ako. Cant wait sa mga susunod kong plano.Kahit pwede naman yon kamayin ay ginamitan ko pa talaga ito ng tinidor. Hindi naman talaga ako nagcrave sa korean chicken wings e. Sinusubukan ko lamang siya at kasali ito sa plano ko na pahirapan itong bagong salta kong yaya.“Bat makunat to? Niluto mo ba to ng maayos?” Pag-iinarte ko kahit ang totoo ay tama ang pagkakaluto niya. Nag-iinarte lang ako na makunat dahil may bagong kalokohan na naman na pumapasok sa utak ko.Lumapit siya sa gawi ko para icheck kung makunat nga yong niluto niya. “Hindi naman po makunat ah.”“Ayoko na niyan. Mas gusto ko pala ng carbonara.” Usal ko pagkatapos ay umalis ako sa aking kinauupuan saka nagtungo pabalik sa gaming chair ko upang maglaro.Narinig ko ang malalim niyang pagbuntong hininga, dala siguro yon ng inis. “Wow ah, matapos kong magpakahirap maghanap ng puro left wings at magpakaduling kakanood kung paano to lutuin, babalewalain niyo ng ganun lang? Dugo at pawis ang puhunan ko dyan.”“E sa makunat e. Sinong gaganahan kumain kung ganyan.”“Hindi naman ah, paanong makunat e niluto ko yan ng maayos. Psh!”“Huwag ng maraming satsat, ipagluto mo na ako ng carbonara. Ayoko ng may bacon ah.” Satsat ko at hindi na siya tinapunan ng tingin.Hindi nakaligtas sa pandinig ko yong pagmura niya ng pabulong. “Sir, hindi ako marunong magluto ng carbonara na gusto niyo.”“Hindi ko na yon problema, gawan mo ulit ng paraan.” Tinapunan ko siya ng tingin at halata sa mukha niya na problemado siya. “Nahihirapan ka na yata? Bukas ang pintuan namin at kasya ka don palabas if gusto mo ng umalis.”Inirapan niya ako at sininghalan ng nakahawak sa magkabila niyang beywang. “Psh! Kahit sabay pa tayo lumabas kung gusto mo. Alam mo, Sir, hindi na bago sa akin yong ganito. Sige lang, gawin mo lahat ng trip mo, basta walang iyakan sa huli.” Ngumisi pa ito na ikinakulo ng dugo ko.“What the fuck!” Pagmumura ko nang tuluyan na siyang makalabas ng kwarto ko. Nakaramdam ako ng inis dahil sa sinabi niya. Bakit imbes na siya ang mapikon ay ako pa?_ “Blag! Blag! Blag! Blag! “Malakas na tunog ng takip ng kaserola na pinaresan ko ng sandok na pamalo upang makagawa ng ingay sa kwadradong silid ng alaga ko upang magising ito sa pagkahimbing-himbing niyang pagkatulog.Napansin ko na napamulat ito ng mata, naniningkit pa.“Magandang umaga po Sir!”“Tss! Walang maganda sa umaga ko dahil ngayon pa lang nasira mo na!” Bulyaw pabalik ni Sir at padabog na tinakpan ang teinga gamit ang isang unan. Tumagilid siya ng bahagya sa gawi ko dahil naiirita siya siguro sa pagmumukha ko.“Sir, bangon na po diyan,” pangungulit ko at hinampas ulit ang takip ng kaserola na nagpaingay ulit sa silid niya na kanina ay napakatahimik. “Alam mo ikaw, kung wala kang magawa sa buhay mo pwedeng h’wag mo ko’ng isali, ha? Nakikita mong ang sarap ng tulog ko dito. Kung mambulabog ka ‘kala mo naman sa’yo ‘tong bahay. Tss.”“E Sir, umaga na po kasi at trabaho ko po na gisingin kayo. ‘Di ba nga po yaya niyo ‘ko? Ginagawa ko lang po ang trabaho ko.” “Pwes, yaya lang kita at wala kang pakialam kung hanggang kailan ko gustong matulog. H’wag ka ngang feeling close.” Iritadong usal nito at akmang ihahampas ang unan sa akin ay mabilis ako na umilag na tatawa-tawa pa.“Inutusan lang po ako ni Sir Russel na gisingin kayo kasi may pasok pa daw po kayo e.” Nakangusong paliwanag ko.“Inutusan ka pala, ba’t kailangan mo pang magdala ng takip ng kaserola at sandok para gisingin ako? Ha?”“Sir, ilang beses po kayang kitang ginising kanina pero wala, tulog mantika ka pa rin. Sinampal ko pa kayo, pero makapal mukha niyo kaya ‘di kayo nagising. Kung alam ko lang na takip ng kaserola at sandok magpapagising sa inyo, hindi na sana pa ako nagpakapagod.”“Sino maysabi sa’yo na sampalin ako? Utos din ba ‘yun ni Daddy sa’yo?” Naiinis na tanong nya. “Hindi po Sir, ‘yon po pumasok sa isip ko na paraan para magising kayo. Astig nga po, dalawang palad ko sumampal sa’yo wala ka pa ring malay,” tumawa pa ito ng malakas at hindi manlang alintana ang binata na nakatingin sa kanya.“Anong karapatan mo na sampalin ako?”“Ang sabi ng Lola ko, kapag ang isang tao ayaw gumising, sampalin para bumangon.”“Tangina! Pwedeng umalis ka na lang? Lalo mo lang sinisira araw ko,” tugon ni Sir Rhaiven saka isinuklay ang daliri sa magulo niyang buhok. Naiinis na talaga siya sa akin.“Akala ko ba nasira ko na? ‘Yun sabi nyo kanina ‘di ba?” Dahil sa sinabi ko na ‘yon ay tinignan niya lalo ako ng masama kaya nakaramdam ako ng takot. “Sabi ko nga, Sir, aalis na ako. Bye, Sir,” kumaway pa ako ng may ngiti sa mga labi bago tuluyang umalis._“Goodmorning po, Sir,” bati sa kanya ni Erica at tanging tango na lamang ang naisagot nito dahil halatang wala siyang gana.“Nasa’n sina Daddy saka si Rhaivee?” Bungad na tanong nya sa akin.“Uhm! Umalis na po silang dalawa dahil po hindi ka na po nila mahintay,” sarkastimo ngunit magalang na ko sa kanya.“Tsk! Whatever. Dalhan mo nga ako ng pancake doon, ‘yon ang gusto kong maging breakfast ngayon e,” utos niya sa akin na nakacross ang mga braso sa dibdib nito. Halatang inis na inis pa rin sa tono ng boses nito pati na rin ang postura niya.“Okay, sige po, Sir. Tatapusin ko lang po ‘tong---”“Ngayon na! Ayokong pinaghihintay ako.”Sa takot na masigawan ulit, sinunod ko na kaagad ang utos niya’t ipighanda nga siya ng gusto niyang breakfast.“By the way, naihanda ko na lahat ng lalabhan mo. Lahat ng kalat sa kwarto ko pakilinis ng mabuti at kapag ‘di sakto sa panlasa ko ang paglilinis mo, uulitin mo, maliwanag?”“Opo, Sir.”“Sira ‘yong washing machine kaya magkamay ka sa paglalaba,” walang ganang utos pa nito na nakatingin sa ibang direksyon.“Po? Bakit po sira? Kay yaman niyo sira naman pala washing machine niyo. Ano ba ‘yan,” reklamo ko at napakamot pa sa ulo.“May problema ka ba doon? Ha?” Taas-kilay nitong singhal.“Ah-eh wala naman po, Sir. Keri ko pong magkamay sa paglalaba,” napipilitin ko na sagot pero sa kaloob-looban ay naiinis ako.“Okay, good. Ipaghanda mo na ako at baka malate ako,” pagkasabi niya ng ganoon ay tinalikuran na nya ako’t saka naglakad papunta sa dining area._“O, Haila, heto pa daw ang lalabhan mo sabi ni Sir Rhaiven kanina,” sulpot ng kasama namin na kasambahay na si Nancy na may hawak na mga sapatos.“Lahat po ‘yan?”“Oo, matagal na rin daw na hindi nakatikim ng sabon ang mga ‘to kaya kailangan na daw labhan. Mga bente pares lang naman,” wika ng babae at tumango na lang ako. Iniwan na niya ako pagkalapag ng mga sapatos sa may left side ko.Isang oras na ang nakakalipas pero hindi pa ako nangangalahati sa mga nilalabhan ko. Ramdam ko na ‘yong pananakit ng mga braso ko pero hindi ko kailangang tumigil dahil baka magalit ang alaga ko pag-uwi.“Haila, bakit nagkakamay ka sa paglalaba?” Tanong ni Erica na nakakunot-noo. Binigyan ko ito ng tingin saglit bago ibinalik sa ginagawa ko.“Naku! Sanay naman po ako, saka okay lang, nag-eenjoy naman ako e,” palusot ko sa kasama at bahagya pa akong tumawa.Nagsalita ulit si Erica at napahilot sa kanyang sentido. “Hay! Naku, hindi mo naman kailangang magkamay para maglaba e. “Nagtaka ako sa naging komento ni Erica. “E, manang, sabi po kasi ni Sir Rhaiven sira daw ang washing machine kaya magkamay raw ako sa paglalaba.”“Ano?”“Opo, sinabi niya po sa’kin kanina. Ang dami nga po ‘tong pinalaba niya sa’kin, ang sakit na ng mga braso ko,” wika ko at hinimas ang kaliwang braso ko na makirot.“Anong sira? Hindi naman ah.” “Po?”“Ano ka ba. Kakabili lang noong nakaraang linggo ‘yong washing machine ng masyon. Tsaka, imposible naman na masira ‘yon agad, mahal pa naman ang bili noon ni Sir Russel sa pagkakaalam ko,” paliwanag nito at halos malaglag ang panga sa narining ko.Bakit hindi ko naramdaman na pinagtripan lang ako ni Sir Rhaiven? “Hindi po sira?” Paninigurado ko habang nakaduro sa naturang washing machine na umaandar na.“Hindi nga. Ayan oh, kita mong umaandar,”“Bwisit na demonyo ‘yon! Nakakainis! Bakit niya sinabing sira ang washing machine nila, hindi naman pala! Anong tingin niya sa’kin ignorante? Psh! Kahit mahirap kami kaya ko pa rin gumamit ng ganoong bagay. ‘Kala niya hindi ako gaganti? Tss. Lintik lang ang walang ganti.” Muntik pang magusot ang mga damit niyang kinukusot ko’t iimagine ko na pagmumukha niya ‘yon. Talagang pinagtrtripan niya ako at hindi ko mapapalampas ‘to.Gaganti ako!“Buti na lang hindi ako napagod sa paglalaba. Hindi naman pala sira ang washing machine. Baka ‘yong nantrip ang sira, ‘no?” Pagpaparinig ko sa binata na kunwari pa akong nakatingin sa malayo. “Nagpaparinig ka ba?” “Oh, Sir bakit kayo nagreact? Natamaan po ba kayo doon? Sorry naman po,” palusot ko at sinadyang paliparin ang aking buhok. “Tss. H’wag mo ko simulan dyan ah. At para sabihin ko sa’yo, hindi ako nasisiraan ng bait.” “Wala naman po akong sinabi ah. Ikaw ‘tong nagrereact bigla. Tinamaan ka, ‘no?” “Alam mo ikaw, napakatapang mo para sagut- sagutin mo ako ng ganyan, ‘no? Hoy! Yaya ka lang dito at kami ang may-ari ng bahay na ‘to kaya umayos ka. “Sumagot ako na napakamot pa sa aking ulo. “Nakaayos naman po ako.” “Tangina,” pagmumura ni Rhaiven sa inis. “Ipaghanda mo na nga lang ako ng meryenda ko baka ano pa magawa ko sa’yong negra ka.” Singhal nito na akma akong hahambalusin. _“Sir, eto na po ang meryenda niyo,” masiglang wika ko ng malapit na ako sa pwesto niya. Kaaga
"Kuya, ilang araw pa lang ako dito sa bago kong trabaho. Nakakahiyang humingi ng advance na sweldo ‘no. Pwedeng ikaw na muna ang magpadala kay Lola ng pera pambili niya ng gamot?” Namomoblema kami ng sobra ng Kuya Gino ko sa pera dahil kinakailangang padalhan si Lola pambili niya ng gamot. Ngayon na nga lang ulit kami mag-usap, tungkol pa sa problema. Ni hindi na kami nagkamustahan kung ano na ang mga nangyayari sa mga buhay-buhay namin. Isa rin to sa mga katangian ng kuya ko, walang kapreno-preno ang bunganga kapag problema na. “Lala, walang-wala ako. Alam mo naman na may binabayaran akong apartment dito. Isama mo na rin ‘yong mga gastusin ko pangkain tapos tubig pa saka kuryente. Kakasweldo ko nga lang nong nakaraan e kaso naubos kaagad sa dami ng bayarin. Gawan mo muna ng paraan. Pangako, sa mga susunod na buwan, ako ang magpapadala.” “Kuya naman e.” “Sige na, ngayon lang naman e. Walang-wala lang talaga ako ngayon.” Ramdam ko naman sa boses ni Kuya na desperado siyang kumbinsi
“Aaah!” Hiyaw ko kaya naman napatakip si Sir ng dalawa niyang teinga. Nabingi yata siya sa pagsigaw ko. “Ano ba huwag ka ngang tumili dyan! Nakakarindi ka alam mo ba ‘yun, ha?” “Anong ginawa mo sa akin, Sir? Saklolo, tulungan nyo ko nirape ako!” Nagsisisigaw na ako mula sa may bintana kahti sarado pa naman ‘yon. “What do you think you‘re doing, huh? Nirape? Ikaw? Tss, asa ka naman uy!” “Aba, bakit, Sir, hindi ba nakakaattract itong katawan ko?” “Hindi!” Singhal niya sa akin. “Anong ginagawa mo dyan, ha? Oras ng trabaho nandito ka natutulog? Tamad ka talaga.” “Tamad agad, Sir? Hindi ba pwedeng nagpahinga lang ako? Hfmpt!” “Nagpahinga, dito sa kotse ko? Ang kapal din ng mukha mo ‘no.” “Bakit ba, ikakasira ba ng kotse mo ang pagtulog ko dito, ha?” “Hindi pero ikakabaho nya lang lalo na sa mga katulad mong taong bundok.” _ “Oh, dyan ka lang? May bibilhin lang ako sa bookstore. Pag ikaw bumaba dyan, umuwi ka mag-isa, maliwanag?” Mataas na tonong utos nya sa akin kaya naman napan
“Goodevening Sir,” masayang bati ko pagkapasok ko sa kwarto ni Sir Rhaiven. Naabutan ko siya sa kanyang kama, nakahiga at abalang nagtitipa sa kanyang laptop kahit nakabukas ang telebisyon. “What are you doing here?” “Chillax lang, Sir, sungit nyo masyado. Nandito lang ako para ihatid ‘tong gatas nyo and syempre para macheck if tulog na kayo.” “Nakikita mo naman na hindi pa ako tulog ‘di ba? Tanga lang? Tss! Ilapag mo na lang dyan sa study table ko ‘yang gatas, mamaya ko na inumin,” utos nya at ginawang unan ang dalawa nitong braso. “Sir, ‘di na ‘to masarap pagmalamig, parang tao lang din wala ng lasa pagmalamig dapat painitin para masarap ‘di po ba?” Saka ako nagpakawala ng malakas na tawa pero hindi manlang ako nakarinig ng tawa mula sa alaga ko, nagpapahiwatid lang noon na hindi sya natawa sa biro ko. “Get out of my room, please? Sisipain kita pag hindi ka pa umalis dito,” dinuro nya pa ng bahagya ang pintuan. “Kung kanina nyo pa ininom ‘tong gatas, Sir, kanina pa dapat ak
“Hahayaan mo talagang malunod ang yaya mo para lamang dyan sa mga plano mo, ha? Rhaiven, paano kapag walang nakakita kay Haila kanina. Kakayanin ba ng konsensya mo kung sakaling mas malala pa don ang nangyari sa kanya?”Panenermon ni Daddy sa akin matapos niyang mailigtas si Haila. Inutusan niya ang ilang kasambahay namin na asikasuhin si Haila upang kausapin ako ukol sa nangyari. “It’s not my intention, Dad.” “Hwag mo kong gawin tanga, Rhaiven.” Tinuro ako ni Daddy sa mukha dahilan para mapayuko ako. “Kaya ka lang naman ganyan dahil hanggang ngayon hindi mo matanggap na wala na si Manang Tessa,” natigilan siya at huminga ng malalim. “Ranz, walang kinalaman ang mga taong kinukuha namin sa iyo sa pagkawala nya. Wala silang hangad kundi magkaroon ng trabaho para sa ganoon may maibigay sila sa pamilya nila. Ano bang nangyayari sa iyo? Hindi ka naman ganyan dati e, nagsimula lahat ng pagbabago mo ng mawala sya,” habol ni Daddy ang hininga matapos sabihin ‘yun sa harap ko. “Anong mahir
“Siya ‘tong may kasalanan, bakit ako ang magsosorry? Matapos niya akong itulak don, mag-aaksaya ako ng laway para humingi ng sorry sa kanya. Sino siya para sinuswerte? Porket anak siya ng amo natin dapat itolerate ‘yong maling ginawa niya? Aba! Hindi pwede ‘yan. Kung gusto niya, isampal ko muna sa pagmumukha niya ‘yong kopya ko ng kasambahay law bago ako magsorry sa kanya.” Umuusok ang ilong ko sa galit na depensa matapos isuhesityon ni Manang Erica na ako na lang daw ang makipagbati kay Sir Rhaiven. Hindi naman sila mga alien para hindi nila mapansin ang walang imikan namin ni Sir Rhaiven. Hindi naman kami hangin para hindi nila mahalata. Sa loob ng tatlong araw, hindi ako nag-aksaya ng laway o panahon manlang para kausapin o pansinin manlang ang alaga ko. Matapos niya akong hayaan na malunod sa swimming pool, makikipag-usap ako sa kanya na parang walang nangyari? Ano ako, tanga? “E kaysa naman yong hindi kayo nagpapansinan. Tahimik tuloy ‘tong mansyon.” Depensa ni Manang Erica,
Day three. What the fuck! Ilang araw na ang lumipas matapos namin magkasundo ni Daddy ay wala pa rin akong nagagawa. Hindi ako makakapayag na matalo ako lalong-lalo na ang makilala nina Mommy at Haila ang isa’t isa. Kung naging kasundo ni Haila ng walang kahirap-hirap ang Daddy, for sure kay Mommy ay ganon rin. Ginawa ko na lahat ng paraan para takutin siya at mahirapan pero mukhang sisiw lang sa kanya. Maiinis siya pagkatapos ng mga trip ko tapos wala na, dedma na sa kanya. Aakto siya na parang walang nangyari at walang epekto ‘yon sa kanya. Aaminin kong nahihirapan ako ng sobra sa pagpapalayas sa kanya. Ngayon lang ako nahirapan sa isang katulad niya. Mukhang tama nga si Daddy na kakaiba siyang babae. Mukhang nakahanap na ako ng katapat ko. “Tignan natin kung ‘di ka pa aalis dito sa gagawin ko.” Inayos ko ng mabuti ‘yong patibong na ginawa ko. Sinadya kong bumili ng ubas upang gamitin sa plano ko. Hindi nakakaligtas sa paningin ko kung gaano kaadik si Haila sa ubas. Nahuhuli ko
"What’s up, Babyboy,” Muntik pa akong mawalan ng balase sa paghakbang nang marinig ang sambit ng mga kaibigan ko nang madatnan ko silang tatlo sa may sala namin. Napatigil naman ako sa paghakbang sa may hagdanan ng makita ko ang mga pilyo tingin nila. Sila lang pala ang mga bisitang sinasabi ng yaya kanina. Tsk! “Babyboy?” Naguguluhang tanong ko. Ngayon lang nila ako tinawag ng ganyan. Nakakapanibago talaga. “Mula ngayon ‘yun na ang itatawag namin sa’yo,” si Chris ang sumagot sa tanong ko. Napakunot noo naman ako dahil hindi ko makuha ang kanyang pinupunto. “At anong kabaduyan na naman ‘yan, Chris?” Inis na tanong ko ulit. “E may yaya ka e, pag meron kang yaya, baby ka palang. ‘Di ba nga, ang trabaho ng babysitter alagaan ang isang baby?” Nang-aasar na paliwanag ni Chris. Medyo magulo ang pagkakapaliwanag nya’t naintindihan ko kahit papaano. “Mga siraulo,” singhal ko’t nakipag-apir sa kanila isa-isa. Pagkatapos ay nagsiupo na kami sa mahabang sofa. Inutusan ko naman si Manang
"Mahal mo pa? Balikan mo na." Napatingin ako kay Luis, naisipan nyang sadyain akong bisitahin dito sa opisina ko. Hindi ko nga alam kung ano ang nakain nito at naisipan nya akong puntahan. At alam ko naman na nabalitaan na nya ang nangyaring bukingan sa sikreto ni Mavi. "Not now, dude." Sagot ko, napasandal ako sa swivel chair ko habang hawak ang baso ng alak. Pinagtaasan nya ako ng kilay at ibinaba ang magazine na hawak. Nasa sofa sya nakaupo habang abala kaninang sinusuri ang hawak na magazine sa kanyang mga kamay. "What's wrong? Nahanapan mo naman na ng baho ang Mavi na 'yon, it's now your time to shine, pre." "Luis, iniisip ko ang nararamdaman ni Haila, tsaka, gusto kong mairealize nyang mali sya. May balak naman akong balikan sya dahil mahal ko pa pero hindi sa ganitong sitwasyon. Masyado pa syang naiipit kaya bibigyan ko muna sya ng oras para makapag-isip.""Ikaw bahala, basta kapag kailangan mo ng tulong, nandito lang kami." Paalala nito at tinapik ang balikat ko. Tumango
"Hindi ko priority ang pagkakaroon ng anak..... "Inaasahan ko na mag-eenjoy ako ngayong gabi, umasa ako na magiging maganda ang resulta ng pagpunta ko dito, hindi pala. Mas madadagdagan pala 'yong sama ng loob ko dahil kay Rhaiven ko mismo narinig ang mga katagang iniiwasan kong marinig sa lahat.Ang sakit. Sa sobrang sakit ay gusto ko na lang manahimik na lang at itago sa kanya 'tong pagbubuntis ko. Gusto ko ng tumigil sa pagpapantasya ng mga bagay-bagay na alam kong hindi nya kayang ibigay para sa anak ko. Baka nga tama si Kuya, hindi pa talaga ako sigurado kung seryoso ang pagmamahal ni Rhaiven sa akin ngayon. "Haila, ano meron? Ba't lumabas ka na?" Narinig ko ang boses ni Criza sa likod. Wala yatang nakapansin na umalis ako doon, sabagay nasa medyo madilim akong parte. Lahat kasi ng pansin nila ay na kay Rhaiven na seryoso nilang iniinterview. Mabilis kong pinunasan ang ilang butil ng luha na tumulo sa pisngi ko. Ayokong magtanong si Criza, mas bibigat lang ang mararamdaman ko
"Bes, huwag na huwag mong kakalimutan lahat ng bilin ni doktora sa'yo lalong-lalo na 'yong mga makakasama kay baby. Sya nga pala, 'yong mga gamot na kailangan mong inumin, nabili ko na lahat."Nalulungkot lang ako ng sobra dahil sya dapat ang kasama ko dito sa second checkup ko hindi si Criza, well, naaappreciate ko naman sya. Iba lang siguro ang saya kapag daddy ng baby ko mismo ang kasama ko sa checkup ko ngayong araw. "Haila, dapat marunong ka na agad kung paano magpalit ng diaper at kung paano linisan ang pwet ni baby kapag nagdumi. Ngayon pa lang dapat matuto ka na ng mga basic step sa pag-aalaga ng sanggol para kapag time mo na e hindi ka na mahihirapan." Paalala ni Ate. Abala syang pinapalitan ang bunso nilang anak, natae kasi ito at tinulungan ko naman sya sa pag-asikaso sa bata. Tinuruan nya ako at hindi ko maiwasang maexcite. Nakakapressure mang gawin pero nakakaenjoy naman. Napahaplos tuloy ako sa tyan ko. "Bakit, buntis ba sya?"Napalingon kaagad kami ni Ate nang magsal
WARNING: THIS CHAPTER CONTAINS A MATURED SCENES. READ AT YOUR OWN RISK."Miss Santiago, aware ka bang two months ka ng buntis?"Para akong binuhusan ng malamig na tubig pagkarinig sa sinabi ni Doktora Genieva, ang OBGYNE na kakilala ko rito sa ospital. Sa kanya ako nagset ng schedule para magpacheck up, gusto ko rin kasing makasigurado. Baka kasi bulok lang 'yong pregnancy test na ginamit ko kahapon. Lantang gulay akong naglakad palabas ng naturang ospital. Hawak-hawak ko 'yong listahan ng mga vitamins at gamot na kinakailangan kong bilhin. Nakasulat din doon kung anong oras dapat ako uminom ng gamot. Binigyan pa ako ni doktora ng kaunting kaalaman kanina ukol sa pagbubuntis ko. Nirekomenda nya sa akin na huwag magpalamon sa stress dahil maaaring maapektuhan ang bata na nasa sinapupunan ko. Napaupo ako dito sa may bench, hindi ko namalayan na napadpad ako dito sa isang parke. May ilang bata na naglalaro doon, naagaw ng atensyon ko 'yong isang ina na abalang nagpapadede ng kanyang s
"Magreresign ka na?" Dahan-dahan akong tumango habang nakayuko, hindi ko kayang tumingin ng diretso kay Tito Gabby, ang daddy ni Mavi. Sinadya ko talagang pumunta dito para personal na magresign na sa trabaho. Alam ko na wala si Mavi dito dahil lumipad sila ni Amarah papunta sa Dubai upang puntahan si Jayzel. Doon ko nalaman na buntis pala ito at kinakailangan nya si Mavi roon. "Tito, alam ko nakakagulat 'tong desisyon ko pero heto lang kasi 'yong alam kong paraan para makalimot sa mga nangyari. Gusto ko na rin pong mamuhay ng walang iniisip. Alam ko na hindi nyo rin inaasahan na ganito ang mangyayari sa amin ng anak nyo. Pero, sana maintindihan nyo po kami." Tumikhim sya saka umalis sa pagkakasandal doon sa swivel chair. Tumayo ito at lumapit sa akin. "Haila, naiintindihan kita." Napayakap na lang ako sa kanya ng mahigpit at hindi napigilan ang maiyak. Nagpasalamat ako sa kanya dahil naiintindihan nya ako. Ang inaasahan ko kasi ay hindi sya papayag sa pagreresign kong ito sa komp
"Haila.."Hinabol ako ni Rhaiven pagkatapos kong magmoveon. Narinig ko ang yabag ng paa nya pasunod sa akin. Hindi ko naman sya magawang lingunin dahil nagagalit ako ng sobra sa nalaman ko. "Haila, let me explain, please. "Tuluyan nyang nahawakan ang braso ko, dahilan rin 'yon para mapahinto ako sa paglalakad at hinarap sya. Patuloy sa pag-agos ang luha ko dahil sa sakit na nararamdaman ko. Hinarap ko sya. Tumingin ako ng diretso sa kanyang mga mata. Puno sya ng pagmamakaawang pakinggan ko ang pagpapaliwanag nya. Pinapanood lang kami ni Mavi sa 'di kalayuan, hinayaan nya kaming makapag-usap. "Magpapaliwanag ako, please, maki-"Hindi ko na sya pinatapos sa dapat sasabihin nya nang malakas ko syang sinampal sa pisngi. Halos mapapikit pa sya sa lakas non. Namula pa iyon ng bahagya at hindi manlang ako makaramdam ng awa sa kanya dahil sa ginawa ko.Samantala, tumakbo si Mavi palapit sa akin at hinawakan ako sa braso. Mukhang sinusuway nya ako. Pilit nya akong pinapakalma pero hindi 'y
"Matagal na naming alam na niloloko ka ni Mavi."Naiyak pa ako lalo nang marinig ang sinabi ni Kenneth tungkol sa panlolokong ginawa ni Mavi sa akin. Sila mismo ang naisipan kong puntahan kinabukasan nang matanggap ang chat ni Jaime sa akin. Ni hindi ako nakatulog kinagabihan dahil doon. Gusto ko tuloy na pauwiin si Mavi at pagsasampalin hanggang sa magsawa ako. Galit na galit ako sa ginawa nyang ito sa akin. Wala naman akong alam na kasalanang ginawa sa kanya para gawin nya ang ganito sa akin. "Natatakot lang kami na sabihin sa'yo, baka kasi isipin mo gumagawa kami ng palusot para balikan mo si Rhaiven. Baka isipin mo rin na sinisiraan namin 'yong fiancee mo. Mahirap mangialam sa ganitong bagay lalo na't hindi biro 'tong sitwasyon na kinakaharap mo, Haila." Usisa naman ni Luis. Naglapag ulit sya ng panibagong rolyo ng tissue sa harap ko. Kumuha si Hana at iniabot ito sa akin. "Binalak talaga namin na dalasin kang yayaing lumabas, nagbabakasakali kasi kami na masasabi namin sa'yo an
"Omg! Rhaiven, you're here, I can't believe it."Napatakip si Jayzel nang makita ako papasok ng resort kung saan gaganapin ang kanyang birthday. Tumakbo sya para salubungin ako't niyakap ng sobrang higpit. Nahihiya tuloy ako dahil maraming bisita ang nakatingin sa'min. "Sorry, I'm late.""No, it's okay, man." Kumalas na sya sa pagkakayakap sa akin at nagbeso sa pisngi ko. Jaime invited me to her sister's birthday party here in Dubai. Kinakailangan ko pang bumyahe dito para makaattend ng birthday nya since inaasahan nya ang pagdating ko. She was my first ever business partner kaya ganoon nalang kami kaclose. Dahil sa pangshiship nila sa amin ay naging malapit ang loob namin sa isa't isa. Una pa lang ramdam ko na kailanman hindi nya ako magugustuhan. Sabi nga nya, iba ang tipo nya sa lalaki, malayong-malayo daw sa akin. "Happy Birthday," bati ko sa kanya at itinaas 'yong babasaging baso ng alak na hawak ko. Nagtoast kami ay sabay uminom. "Thank you, bestie." Masayang usal nya. "Ak
"Kahit kailan talaga bwisit ka, Rhaiven."Pinanggigilan ko ng sobra 'yong hawak kong unan. Kasalukuyan akong nakahiga dito sa kama. Aaminin ko, hindi ko magawang maniwala sa mga sinasabi nya. Ni wala syang ebidensyang makipakita sa akin na totoo ang paratang nya kay Mavi. Iniisip ko nga, ginagawa nyang gumawa ng kwento para magtiwala ako sa kanya't iwan ko si Mavi. "Hindi magagawang manloko ni Mavi, Haila. Huwag kang magpapauto sa Rhaiven na 'yon." Pangungumbinsi ko sa sarili ko habang nakatanaw sa lawak ng mansyon ni Mavi dito sa may terrance. Siguro nga naprapraning lang ako dahil sa mga sinabi ni Rhaiven. Hindi naman dapat ako makinig sa gagong 'yon dahil una sa lahat, pwedeng magkatotoo lahat ng hinala ni Mavi tungkol sa kanya. Dapat kong paghandaan ang anumang plano na gagawin nya sa relasyon namin ni Mavi. "Masyado ka kasing stress dyan sa trabaho mo, 'yan tuloy sumasakit na ang ulo mo."Halos mabingi ako sa hindi pamutol na panenermon ni Criza sa akin habang inaasikaso ako.