She's Mine (Battle of the Gangsters)

She's Mine (Battle of the Gangsters)

last updateLast Updated : 2024-05-29
By:   Chrispepper  Ongoing
Language: Filipino
goodnovel12goodnovel
Not enough ratings
49Chapters
1.4Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Leave your review on App

"What the memory forgets, a heart can remember." Yan ang mga katagang pinaniniwalaan at pinanghahawakan ni Ken lalo na nang malaman niyang ang lahat ng ala-ala ni Ciashet patungkol sa kanya at sa mga taong related sa kanya ay nakalimutan nito. Gusto ni Ken na maalala ni Ciashet ang feelings ng babae para sa kanya pero mayroong puwang sa isip niya na nagsasabing ayaw niya ring makaalala pa ang nobya dahil natatakot siya sa mga posibleng maalala nito. Baka hindi lang pagmamahal ang maalala nito kundi pati na rin ang galit na maging dahilan pa ng pag-iwas at pag-alis ulit ng babae palayo sa kanya. Paano nga ba haharapin ng magkasintahang ito ang mga ala-ala sa nakaraan na nakalimutan ng babae at ala-ala naman sa kasalukuyan na makakalimutan naman ni Ken dahil sa isang aksidente. Posible kayang magtagpo pang muli ang mga ala-ala nila? O tuluyan na lang nilang kakalimutan ang isa't isa?

View More

Latest chapter

Free Preview

Kabanata 1

NASA LOOB ako ngayon ng Thanks-a-Latte—isang sikat na coffee shop malapit sa university namin. Nakasaksak ang laptop ko sa plug nila at naka-connect din ako sa palibre nilang wifi. I was about to go home nang mahagip ng mata ko ang Free Wifi na sign sa bulletin board nilang nasa labas. Galing kasi ako kanina sa library ng school namin dahil doon ko sinimulan itong research na ito. Ang kaso, dahil hindi pa nga ako nakatapos ay pumasok ako rito para magpatuloy. Wala kasing wifi sa tinutuluyan ko ngayon. Wala rin naman akong pambili ng mga broadband-broadband na iyan dahil hindi iyan s’wak sa budget ko.Kanina pa sumasakit iyong ulo ko sa research na ito. Bukas ang deadline, samantalang noong nakaraang araw lang naman ito pinasimulan sa amin. Mabuti sana kung by group ang paggawa para sana may makatulong sa pagtapos kahit papaano, ang kaso ay ginawa namang by individual. Dagdag pa sa sakit ng ulo ko iyong masamang tingin na ibinibigay sa akin ng isa sa mga empleyado rito na akala mo ay se...

Interesting books of the same period

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

No Comments
49 Chapters
Kabanata 1
NASA LOOB ako ngayon ng Thanks-a-Latte—isang sikat na coffee shop malapit sa university namin. Nakasaksak ang laptop ko sa plug nila at naka-connect din ako sa palibre nilang wifi. I was about to go home nang mahagip ng mata ko ang Free Wifi na sign sa bulletin board nilang nasa labas. Galing kasi ako kanina sa library ng school namin dahil doon ko sinimulan itong research na ito. Ang kaso, dahil hindi pa nga ako nakatapos ay pumasok ako rito para magpatuloy. Wala kasing wifi sa tinutuluyan ko ngayon. Wala rin naman akong pambili ng mga broadband-broadband na iyan dahil hindi iyan s’wak sa budget ko.Kanina pa sumasakit iyong ulo ko sa research na ito. Bukas ang deadline, samantalang noong nakaraang araw lang naman ito pinasimulan sa amin. Mabuti sana kung by group ang paggawa para sana may makatulong sa pagtapos kahit papaano, ang kaso ay ginawa namang by individual. Dagdag pa sa sakit ng ulo ko iyong masamang tingin na ibinibigay sa akin ng isa sa mga empleyado rito na akala mo ay se
last updateLast Updated : 2022-07-19
Read more
Kabanata 2
NAGISING AKO dahil sa cell phone kong tunog nang tunog. Panandalian akong nagkusot ng mata at kinapa ang cell phone ko sa gilid ng unan ko.Pikit ang isang mata kong tiningnan kung sino ang tumatawag—unknown number. Napatingin na rin ako sa oras sa upper right ng cell phone ko . . . ala-singko pa lang ng umaga. ‘Sinong nilalang naman ang tatawag nang ganito kaaga? Hindi niya ba alam ang proper calling etiquette?’Pikit-mata kong pinindot ang green button sa cell phone ko para masagot ang tawag.“Sino ito?” kaagad kong tanong.“Hello rin, miss.”Napamulat ako nang mata nang marinig ko ang boses ng nasa kabilang linya. Boses iyon ng isang lalaki. Napatayo ako nang wala sa oras. Kahit ilang beses ko kasing alalahanin kung sino ang may-ari ng boses ay hindi ko talaga makilala. Wrong number siguro.“I’m sorry if it's too early to contact you, however . . . I think, importante naman ito para sa iyo, Ms. Ciashet Laurice.”Na-amaze ako when he correctly pronounced my name. Sa 19 years na exist
last updateLast Updated : 2022-07-19
Read more
Kabanata 3
“KING, HINDI na talaga namin siya mahanap,” ani ng kaibigang si Gio.Apat na araw na silang naghahanap sa kasintahan nitong si Cia. Apat na araw na rin itong nawawala matapos ang balitang pagkamatay ng mga magulang nito sa isang aksidente na hindi alam ang tunay na dahilan.Hindi na nagawang makausap ng binata ang dalaga dahil sa naging frustrations din nito sa nangyari. Hindi nila ito inaasahan. Sa tingin niya ay may kasalanan siya. No, baka nga talagang kasalanan niya ang lahat ng nangyari. Pinoproblema niya ngayon kung paano mahahanap ang nobya para makausap ito at makapagpaliwanag man lang sana pero, parang huli na siya.“Wala ka na bang alam na puwede niyang puntahan?” tanong pa ng isa pa niyang kaibigang si Paulo. Napaupo na ito sa gilid ng kalsada dahil sa labis na pagod sa paghahanap.“No, wala siyang sinasamahang kaibigan. Hindi ko rin alam kung saan pa siya puwedeng puntahan.”Pagod na rin ang binata sa paghahanap pero hindi siya puwedeng tumigil. Hindi niya puwedeng sukuan a
last updateLast Updated : 2022-07-19
Read more
Kabanata 4
“HOY, MARE!”That was Gwen—my bestfriend. Sa tinis pa lang ng boses niya ay nakilala ko na siya kaagad.“Bakit? Ang ingay mo,” sabi ko. Isinukbit ko ang bag ko sa upuan at saka naupo.“Nakita ko si Lawrence, ang bango pa rin tingnan gaya ng dati.” May paghampas pa siya sa braso ko na para bang kilig na kilig.Napakunot ang noo ko. Sa pagkakatanda ko, ako ang nagka-crush kay Lawrence dati at hindi siya.“Saan mo naman nakita? Sino ang kasama?” tanong ko na lang sa kaniya kahit na alam ko naman na ang sagot doon sa pangalawa kong tanong.Crush ko noon si Lawrence Lucas. As in simula freshman year ko sa college ay gusto ko na siya. Nag-uusap naman kami pero hindi ko alam kung alam ba niyang may crush ako sa kaniya dati. Crush lang naman iyon, pinapalala lang nitong si Gwen. Sobrang loyal kasi ng lalaking iyon kay Maureen na girlfriend niya ngayon. Well, I am not sure kung girlfriend niya pa rin until now kasi on and off ang relationship nilang dalawa. Kahit ilang beses silang mag-away, si
last updateLast Updated : 2022-07-19
Read more
Kabanata 5
“WE’RE HERE.”Napatingala ako nang husto nang marating namin ang isang mataas na building. Kilala ang building na ito dahil isa ito sa mga sikat na hotel hindi lang dito sa lugar namin kundi sa iba pa. Mga mayayaman kasi ang kadalasang guests dito at halos dito rin ginaganap ang mga special events sa buhay ng mga kilala at matataas na tao.“Dito ako titira?” tanong ko sa kaniya sa hindi makapaniwalang tono.Tumango siya sa akin. Hindi ko maitago ang excitement sa katawan ko habang pinapakatitigan ang hotel na tutuluyan ko simula sa araw na ito.“Grabe, para akong nananaginip habang nakadilat ang mga mata ko. Ni minsan nga ay hindi ko naisip na titira ako sa ganito kagandang lugar.”“Well, kailangan mo nang masanay dahil ito na ang palaging uuwian mo.” Naramdaman ko ang paghawak niya sa baywang ko. “Tara, dadalhin na kita sa unit mo.”Mula paglabas sa coffee shop hanggang sa marating namin ang hotel na ito ay hindi na kami ulit nag-usap ni Ken dahil sa naging pagtatalo namin kanina. Buo
last updateLast Updated : 2022-07-19
Read more
Kabanata 6
“KING, IBA ang ngiti natin ngayon, ah,” pang-aasar sa kaniya ni Kobe—isa sa mga kaibigan niya. Inaya kasi siya nito maglaro ng basketball. At ngayon nga ay kasalukuyan silang nagwa-one on one.“I finally found her, Tanda,” sagot sa kaniya ng kausap.Hawak ni Ken ang bola. Inaagaw ito sa kaniya ni Kobe habang todo iwas naman sa kaniya iyong isa. Hindi tuloy makapaniwala si Ken kung paanong naging coach ng basketball ang kaibigan niya gayong hindi naman nito maagaw sa kaniya ang bola.“Sino?” tanong ni Kobe na ngayon ay tagaktak na ang pawis sa noo. Medyo hingal na rin ito.“Queen.”Humakbang paatras si Ken saka inihagis ang bola sa ere para mag-shoot. Pasok!Napahinto sa paglalaro si Kobe at hindi makapaniwalang tumingin sa kaniya “You mean . . . ”Tinanguan lang siya ng kausap habang nagpupunas ng pawis.“Wow, kailan mo pa siya nakita?”“Matagal na. Halos anim na buwan na rin simula noong una. Pero isang linggo mahigit ko pa lang siya ulit nakakasama. Pinauwi ko siya sa unit na dati pa
last updateLast Updated : 2022-07-31
Read more
Kabanata 7
“KING, MY Love!”Sinalubong si Ken ng isang babae pagkapasok na pagkapasok nito sa loob ng kanilang bahay. Tumalon pa siya para lang yumakap sa kaniya. Bakas ngayon sa mukha ng lalaki ang pagkainis.“Bakit ba narito ka na naman?” naiiritang tanong nito sa babae.Pabagsak na umupo ang lalaki sa upuan saka isinandal doon ang kaniyang ulo. May pasa siya sa mukha dahil sa pakikipag-away kanina sa mga lalaking nagtangkang humarang sa daraanan nila.“Wala lang, miss kaya kita nang sobra.” Tumabi sa kaniya ang babae at ipinulupot sa braso niya ang mga kamay nito. “May pasa ka na naman! Nakipag-away ka na naman sa labas, ano?” panenermon pa nito sa kaniya.“Pakialam mo ba? Umalis-alis ka nga sa harapan ko dahil nabubuwisit ako sa mukha mo. Hindi pa ba sapat sa iyo na pinilit mo akong maging boyfriend mo at buong buhay ko pa ang ginugulo mo?” asar na tanong na naman sa kaniya ng lalaki.“Hindi naman kita ginugulo, ah! Aalis na rin ako maya-maya lang, gusto lang talaga kitang makita,” nakanguso
last updateLast Updated : 2022-10-09
Read more
Kabanata 8
NASA SASAKYAN na kami. It’s already 6:30PM nang magdesisyon na si Ken na umuwi dahil nga ang usapan ay 7 p.m. ay dapat nasa bahay na kami.Nakahawak lang siya sa kamay ko all throughout the ride at hindi man lang nag-atubiling magsalita ng kahit ano. Kapag ganito kasing tahimik siya, alam kong malalim ang iniisip niya or mayroong something na gumugulo sa kaniya.“Ken?” Diniinan ko ang pagkakahawak ko sa kaniyang kamay matapos kong tawagin ang pangalan niya. Nakatingin ako sa mukha niya na ngayon ay nakaside view sa akin dahil nga sa magkatabi kami ngayong nakaupo rito sa likuran ng sasakyan habang si Mang Calix ay nagmamaneho. Siguro ay kailangan ko lang siyang daldalin para matuon sa iba ang atensyon niya.“What?”Naramdaman kong ililingon niya ang ulo niya sa akin kaya kaagad kong iniwas ang tingin ko sa kaniya. Baka kasi ako naman ang hindi makapag-focus dahil sa mga titig niya kaya naman mas pinili kong sa rear view mirror na lang siya silipin. Hindi nga ako nagkamali. Ngayon nga a
last updateLast Updated : 2022-10-19
Read more
Kabanata 9
“ANO NA naman ba ang ginagawa mo rito, Cia? Wala ka bang ibang pinagkakaabalahan sa buhay mo kundi ang buwisitin ako!?” bulyaw sa kaniya ng lalaki.“Hindi naman kita binubuwisit, ah!” nakangusong sabi ng babae sa kaniya. “Sabi ko naman sa iyo ay pupuntahan kita rito kapag may vacant time ako, hindi ba?”“Oras-oras ba iyang vacant mo? T*ngina!” Mababakas sa hitsura ng lalaki ang pagkainis. Para kasi sa kaniya ay walang ibang ginagawa ang babaeng ito sa buhay niya kundi ang manggulo at pataasin ang dugo niya.“Huwag mo na lang kasi akong pansinin, Love. Saka, bakit hindi ‘Love’ ang tinatawag mo sa akin, ha?!” kunwari pang naggagalit-galitan ang babae sa kaniya.Tanging masasamang tingin lamang ang iginaganti niya sa babae para maiparating dito ang pagkainis niya sa presensya nito. Ilang beses na niya itong itinaboy sa buhay niya pero hindi ito marunong sumunod.“Tingnan mo na, ang sama-sama na naman ng tingin mo sa akin, hindi naman kita inaano!” sabi ng babae na kulang na lang ay sabita
last updateLast Updated : 2022-10-27
Read more
Kabanata 10
“MAG-AAPPLY KA sa AlPerez Hotel para sa OJT natin? Okay ka lang ba? Masyadong bigatin ang hotel na iyon, siguradong magbabayad ka nang malaki para tanggapin ka nila,” sabi sa akin ni Gwen.Narito kami ngayon sa isang bench na nasa ilalim ng lilim ng malaking puno. Nasa quadrangle kami ng school at inaasikaso ang mga curriculum vitae namin habang lunch break. Pinag-uusapan na rin namin iyong tungkol sa mga companies na puwede naming puntahan para sa on-the-job training namin.Hindi siya naniniwalang matatanggap ako sa hotel na iyon for OJT. Hindi ko kasi sinabing si Ken mismo ang nagsabi sa akin na gawin iyon. Kagabi kasi, bago matulog ay napag-usapan namin ang tungkol sa bagay na iyon.Speaking of kagabi. Pucha, hindi pa rin ako maka-move on sa isiping buong magdamag na nakadikit sa akin ang katawan ni Ken. Ayokong magpaka-manyakis ngayon pero kasi . . . ugh!“Oh, tingnan mo na, namumula na ang mukha mo sa hiya mo sa sarili mong pangarap, ano? Wala na bang mas mataas pang hotel kang bi
last updateLast Updated : 2022-11-01
Read more
DMCA.com Protection Status