“WHAT ARE you doing?” takang tanong ko kay Karl. “Talagang ikababaliw mo ang lahat kung patuloy mo silang panonoorin. Kumalma ka riyan,” sagot niya sa akin. Nakahawak sa ulo ko ang kamay niya—nakaalalay. Pero ang atensyon niya ngayon ay naroon na sa nagsasalita sa stage. “Buti pa itong si Karl, sweet. Hindi katulad nitong si Lawrence na walang ibang ginawa kundi mambuwisit sa akin,” rinig kong sabi ni Maureen saka hinampas sa braso ang boyfriend niya. “Darling, I want to pee. Samahan mo ako sa CR, please?” malandi pang pakisuyo ng babaeng intrimitida. Napaarko na naman ang kilay ko. Talaga bang kailangan pa niyang magpasama? Si Ken ba ang gusto niyang magbaba ng panty niya!? “Alright, come on,” walang pag-aalinlangang sagot ni Ken. Napaangat ako ng ulo at napasunod ng tingin sa kanila nang iwanan na nila kami sa puwesto namin. Nakaangkla ang braso ng babae sa kaniya at nakasandal pa sa braso niya ang ulo niyon habang naglalakad. Nakakainis na habang papalayo sila ay muli akong n
“THE DEATH hour will start in 3 minutes,” muling anunsyo matapos na magpaputok nang sunod-sunod. Dali-dali kaming nagsitayo at muling nagsipagtakbuhan. Tatlong minuto na lang at mas gugulo pa sa lugar na ito. Napaka ingay na sa paligid, halos hindi na nga magkarinigan. May ilan ngang umiiyak na dahil sa takot at kaba. Napakaraming mga sibilyan dito. Malaki ang posibilidad na kahit hindi kami miyembro ng anumang gang ay mapapahamak kami rito. “Karl, nasaan ka na!?” sigaw ko pa ulit habang tumatakbo kahit pa alam ko namang malabong marinig niya ako. Pero hindi pa rin ako nawawalan ng pag-asa. Halos nagkakandapatid-patid na nga rin ako dahil sa napaka habang gown na suot ko pero nagpapatuloy pa rin ako. Hindi ako papayag na dito kami mamamatay ng anak ko. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. Nanginginig nga ang mga laman-laman ko—napakalamig maging ng pawis ko. Ang daming masasamang bagay ang pumapasok sa isip ko ngayon. Sinisisi ko pa ang sarili ko dahil hinayaan kong bitiwan ako ni
MULING INANYAYAHAN sa labas ang mga taong nakaligtas sa nagdaang Death Hour. Doon kasi ipa-flash sa screen ang mga larawan at pangalan ng mga nasawi sa nasabing event. Bakas sa mukha ng mga natira ang labis na kaba at pangamba lalo na at may mga kakilala, kaibigan, o kagrupo silang hindi pa natatagpuan o nababalitaan. Kung sa umpisa ng annual event na ito ay mababakas mo pa ang pagiging sopistikado ng mga tao gayundin ang magarang ambiance ng paligid, ngayon naman ay wala kang ibang makikita kung hindi ang gulo ng paligid at dama mo ang mabigat na nararamdaman ngayon ng mga kalahok sa nasabing event. Maski nga sa iilang mga table cloth na ibinalik pantakip sa mesa ay may mapapansin ka pang mangilan-ngilang bakas ng dugo. Bagamat naiayos nang muli ang mga mesa at upuan, nagmistula namang ghost town ang paligid sa sobrang tahimik nito. Tanging ang sipol ng hangin nga lamang ang maririnig mo at ang mata ng lahat ay tutok na tutok lamang sa malaking white screen na nasa stage kung saan
HANGGANG SA tapat ng unit ni Karl sa Wonder Palace ay inihatid nila ako. Akala mo nga kilala akong tao at kailangan pa talaga ng maraming bodyguards.“Sige na, puwede na ninyo akong iwanan dito . . . kaya ko na,” sabi ko sa kanila nang nasa tapat na kami ng pintuan.“Are you sure na wala kang sugat or anything na gusto mong ipa-check sa doktor? Ayaw mo nang magpa-check para masigurong ayos ka?” nag-aalala pang tanong sa akin ni Karl.Napatawa na lang ako sa labis niyang pag-aalala. Ilang beses niya ba kasi ako kailangang tanungin kung may sugat ako? Bukod sa pagod, wala na akong ibang nararamdaman sa katawan ko.“Huwag na ninyo akong alalahanin. Ang mga sarili ninyo ang asikasuhin ninyo nang makapagpahinga na kayo. Kayo itong puro galos at tama ng bala sa katawan.” sabi ko. Paano ba naman kasi, parang wala man lang silang iniinda sa mga katawan nila. Akala mo mga matatandang may anting-anting!Nagpaalam na silang lahat sa akin at ako naman ay pumasok na sa unit. Kaagad na nahiga ako s
NASA LOOB ako ngayon ng Thanks-a-Latte—isang sikat na coffee shop malapit sa university namin. Nakasaksak ang laptop ko sa plug nila at naka-connect din ako sa palibre nilang wifi. I was about to go home nang mahagip ng mata ko ang Free Wifi na sign sa bulletin board nilang nasa labas. Galing kasi ako kanina sa library ng school namin dahil doon ko sinimulan itong research na ito. Ang kaso, dahil hindi pa nga ako nakatapos ay pumasok ako rito para magpatuloy. Wala kasing wifi sa tinutuluyan ko ngayon. Wala rin naman akong pambili ng mga broadband-broadband na iyan dahil hindi iyan s’wak sa budget ko.Kanina pa sumasakit iyong ulo ko sa research na ito. Bukas ang deadline, samantalang noong nakaraang araw lang naman ito pinasimulan sa amin. Mabuti sana kung by group ang paggawa para sana may makatulong sa pagtapos kahit papaano, ang kaso ay ginawa namang by individual. Dagdag pa sa sakit ng ulo ko iyong masamang tingin na ibinibigay sa akin ng isa sa mga empleyado rito na akala mo ay se
NAGISING AKO dahil sa cell phone kong tunog nang tunog. Panandalian akong nagkusot ng mata at kinapa ang cell phone ko sa gilid ng unan ko.Pikit ang isang mata kong tiningnan kung sino ang tumatawag—unknown number. Napatingin na rin ako sa oras sa upper right ng cell phone ko . . . ala-singko pa lang ng umaga. ‘Sinong nilalang naman ang tatawag nang ganito kaaga? Hindi niya ba alam ang proper calling etiquette?’Pikit-mata kong pinindot ang green button sa cell phone ko para masagot ang tawag.“Sino ito?” kaagad kong tanong.“Hello rin, miss.”Napamulat ako nang mata nang marinig ko ang boses ng nasa kabilang linya. Boses iyon ng isang lalaki. Napatayo ako nang wala sa oras. Kahit ilang beses ko kasing alalahanin kung sino ang may-ari ng boses ay hindi ko talaga makilala. Wrong number siguro.“I’m sorry if it's too early to contact you, however . . . I think, importante naman ito para sa iyo, Ms. Ciashet Laurice.”Na-amaze ako when he correctly pronounced my name. Sa 19 years na exist
“KING, HINDI na talaga namin siya mahanap,” ani ng kaibigang si Gio.Apat na araw na silang naghahanap sa kasintahan nitong si Cia. Apat na araw na rin itong nawawala matapos ang balitang pagkamatay ng mga magulang nito sa isang aksidente na hindi alam ang tunay na dahilan.Hindi na nagawang makausap ng binata ang dalaga dahil sa naging frustrations din nito sa nangyari. Hindi nila ito inaasahan. Sa tingin niya ay may kasalanan siya. No, baka nga talagang kasalanan niya ang lahat ng nangyari. Pinoproblema niya ngayon kung paano mahahanap ang nobya para makausap ito at makapagpaliwanag man lang sana pero, parang huli na siya.“Wala ka na bang alam na puwede niyang puntahan?” tanong pa ng isa pa niyang kaibigang si Paulo. Napaupo na ito sa gilid ng kalsada dahil sa labis na pagod sa paghahanap.“No, wala siyang sinasamahang kaibigan. Hindi ko rin alam kung saan pa siya puwedeng puntahan.”Pagod na rin ang binata sa paghahanap pero hindi siya puwedeng tumigil. Hindi niya puwedeng sukuan a
“HOY, MARE!”That was Gwen—my bestfriend. Sa tinis pa lang ng boses niya ay nakilala ko na siya kaagad.“Bakit? Ang ingay mo,” sabi ko. Isinukbit ko ang bag ko sa upuan at saka naupo.“Nakita ko si Lawrence, ang bango pa rin tingnan gaya ng dati.” May paghampas pa siya sa braso ko na para bang kilig na kilig.Napakunot ang noo ko. Sa pagkakatanda ko, ako ang nagka-crush kay Lawrence dati at hindi siya.“Saan mo naman nakita? Sino ang kasama?” tanong ko na lang sa kaniya kahit na alam ko naman na ang sagot doon sa pangalawa kong tanong.Crush ko noon si Lawrence Lucas. As in simula freshman year ko sa college ay gusto ko na siya. Nag-uusap naman kami pero hindi ko alam kung alam ba niyang may crush ako sa kaniya dati. Crush lang naman iyon, pinapalala lang nitong si Gwen. Sobrang loyal kasi ng lalaking iyon kay Maureen na girlfriend niya ngayon. Well, I am not sure kung girlfriend niya pa rin until now kasi on and off ang relationship nilang dalawa. Kahit ilang beses silang mag-away, si
HANGGANG SA tapat ng unit ni Karl sa Wonder Palace ay inihatid nila ako. Akala mo nga kilala akong tao at kailangan pa talaga ng maraming bodyguards.“Sige na, puwede na ninyo akong iwanan dito . . . kaya ko na,” sabi ko sa kanila nang nasa tapat na kami ng pintuan.“Are you sure na wala kang sugat or anything na gusto mong ipa-check sa doktor? Ayaw mo nang magpa-check para masigurong ayos ka?” nag-aalala pang tanong sa akin ni Karl.Napatawa na lang ako sa labis niyang pag-aalala. Ilang beses niya ba kasi ako kailangang tanungin kung may sugat ako? Bukod sa pagod, wala na akong ibang nararamdaman sa katawan ko.“Huwag na ninyo akong alalahanin. Ang mga sarili ninyo ang asikasuhin ninyo nang makapagpahinga na kayo. Kayo itong puro galos at tama ng bala sa katawan.” sabi ko. Paano ba naman kasi, parang wala man lang silang iniinda sa mga katawan nila. Akala mo mga matatandang may anting-anting!Nagpaalam na silang lahat sa akin at ako naman ay pumasok na sa unit. Kaagad na nahiga ako s
MULING INANYAYAHAN sa labas ang mga taong nakaligtas sa nagdaang Death Hour. Doon kasi ipa-flash sa screen ang mga larawan at pangalan ng mga nasawi sa nasabing event. Bakas sa mukha ng mga natira ang labis na kaba at pangamba lalo na at may mga kakilala, kaibigan, o kagrupo silang hindi pa natatagpuan o nababalitaan. Kung sa umpisa ng annual event na ito ay mababakas mo pa ang pagiging sopistikado ng mga tao gayundin ang magarang ambiance ng paligid, ngayon naman ay wala kang ibang makikita kung hindi ang gulo ng paligid at dama mo ang mabigat na nararamdaman ngayon ng mga kalahok sa nasabing event. Maski nga sa iilang mga table cloth na ibinalik pantakip sa mesa ay may mapapansin ka pang mangilan-ngilang bakas ng dugo. Bagamat naiayos nang muli ang mga mesa at upuan, nagmistula namang ghost town ang paligid sa sobrang tahimik nito. Tanging ang sipol ng hangin nga lamang ang maririnig mo at ang mata ng lahat ay tutok na tutok lamang sa malaking white screen na nasa stage kung saan
“THE DEATH hour will start in 3 minutes,” muling anunsyo matapos na magpaputok nang sunod-sunod. Dali-dali kaming nagsitayo at muling nagsipagtakbuhan. Tatlong minuto na lang at mas gugulo pa sa lugar na ito. Napaka ingay na sa paligid, halos hindi na nga magkarinigan. May ilan ngang umiiyak na dahil sa takot at kaba. Napakaraming mga sibilyan dito. Malaki ang posibilidad na kahit hindi kami miyembro ng anumang gang ay mapapahamak kami rito. “Karl, nasaan ka na!?” sigaw ko pa ulit habang tumatakbo kahit pa alam ko namang malabong marinig niya ako. Pero hindi pa rin ako nawawalan ng pag-asa. Halos nagkakandapatid-patid na nga rin ako dahil sa napaka habang gown na suot ko pero nagpapatuloy pa rin ako. Hindi ako papayag na dito kami mamamatay ng anak ko. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. Nanginginig nga ang mga laman-laman ko—napakalamig maging ng pawis ko. Ang daming masasamang bagay ang pumapasok sa isip ko ngayon. Sinisisi ko pa ang sarili ko dahil hinayaan kong bitiwan ako ni
“WHAT ARE you doing?” takang tanong ko kay Karl. “Talagang ikababaliw mo ang lahat kung patuloy mo silang panonoorin. Kumalma ka riyan,” sagot niya sa akin. Nakahawak sa ulo ko ang kamay niya—nakaalalay. Pero ang atensyon niya ngayon ay naroon na sa nagsasalita sa stage. “Buti pa itong si Karl, sweet. Hindi katulad nitong si Lawrence na walang ibang ginawa kundi mambuwisit sa akin,” rinig kong sabi ni Maureen saka hinampas sa braso ang boyfriend niya. “Darling, I want to pee. Samahan mo ako sa CR, please?” malandi pang pakisuyo ng babaeng intrimitida. Napaarko na naman ang kilay ko. Talaga bang kailangan pa niyang magpasama? Si Ken ba ang gusto niyang magbaba ng panty niya!? “Alright, come on,” walang pag-aalinlangang sagot ni Ken. Napaangat ako ng ulo at napasunod ng tingin sa kanila nang iwanan na nila kami sa puwesto namin. Nakaangkla ang braso ng babae sa kaniya at nakasandal pa sa braso niya ang ulo niyon habang naglalakad. Nakakainis na habang papalayo sila ay muli akong n
“SURE BA kayo sa plano?” tanong ni Harvey sa apat pagkarating na pagkarating nila sa tagpuan ng grupo–sa headquarters. Iniwan na nila sina Ciashet at Karl sa unit nito. Si Ken naman ay nasa sarili niyang unit at naglilibang ng sarili. Si Lawrence naman ay may date kasama ang girlfriend na si Maureen. “Sure na,” sagot ni Kobe. Halata sa mukha niya na hindi naman talaga siya sigurado pero kailangan nilang sumugal para roon sa dalawa. “Si Karl talaga ang kakausapin natin na gumawa niyon?” paninigurong tanong pa ulit ni Harvey. Gusto nilang pag-isipan muna nang maigi ang plano bago nila ito isagawa. Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na talagang nagkaroon ng feelings si Karl noon kay Ciashet at hindi naman malabong mangyari iyon ulit ngayon. Baka mas lalo lang hindi maging maganda ang samahan ng dalawang magkaibigan dahil dito. “Siya lang ang may kakayahang gumanap, eh,” sagot muli ni Kobe pagkatapos ay naupo sa maliit na sofa. “At isa pa, hindi ba’t dahil lang din sa pagseselos
“Halika rito, mare, bilisan mo,”Hila-hila ako ngayon ni Gwen dito sa SM Megamall para maglibot-libot. Hindi ko alam kung ano ang gusto niyang bilhin pero lahat na yata ng stores dito ay napasok na namin pero wala pa rin siyang nabibili maski na isa. Konti na nga lang ay iisipin ko nang nagwi-window shopping lang ang isang ito, eh.“Ano ba talaga ang gagawin natin dito, mare? Napapagod na akong maglakad,” reklamo ko pa sa kaniya. Isang buwan pa lang ang baby ko ay parang gusto na akong matagtag nitong kaibigan ko, susme.“Naghahanap kasi ako ng dress para sa magiging date namin ni Kobe. Hindi ba kauuwi lang nila ngayon mula sa Batangas? Bukas lalabas kami kaya kailangan kong maghanda. So please, help me, okay?”“Handang-handa ka naman masyado. Kailangan ba talaga bago ang damit kapag makikipag-date? Saka . . . may label na ba kayo, ha?” tanong ko pa sa kaniya.Saglit siyang napahinto sa paglalakad saka pa nakangusong lumingon sa akin.“Huwag ka ngang manira ng trip diyan, mare. Huwag
NAGISING AKO sa sunod-sunod na doorbell mula sa labas ng pinto ng kuwartong tinutuluyan ko ngayon. Ikatlong araw ko na pero hindi ko pa rin kilala iyong mystery guy na tumutulong sa akin.Nag-inat muna ako ng katawan at saka pa napahikab. Puro tulog lang naman ang ginagawa ko rito pero pakiramdam ko ay palagi pa rin akong pagod.Panay pa rin ang pagtunog ng doorbell. Nagdesisyon na akong bumangon at lumabas ng kuwarto para silipin sa peephole kung sino ang nagdo-doorbell.“Karl?”Kaagad kong binuksan ang pinto at magkasalubong ang kilay ko siyang hinarap.“Masyado pa bang maaga ang pagpunta ko? Mukhang kagigising mo lang, may panis na laway ka pa sa pisngi,” sabi pa nito saka dere-deretsong pumasok sa loob ng unit na tinutuluyan ko.Hindi ako kaagad nakapagsalita. Ni hindi ko na nga napigilan ang pagpasok niya. “Hoy, Karl, ano’ng ginagawa mo rito!? Paano mo nalaman na narito ako!?”Ipinasok niya sa kanan niyang tainga ang kanan niyang hinliliit na para bang naiingayan siya sa akin.“
“WHAT’S WRONG with her? Parang hindi siya iyong nakakainis na babaeng kilala ko. Mukhang natutuhan na niyang mag-isip.” Naguguluhang tanong ni Ken.Hindi na kasi nawala sa isip niya ang hitsura ni Ciashet kanina. Malayong-malayo umano sa Ciashet na kilala niya ang kaharap niya kanina. Kaya nga sobra siyang nanibago habang pinakikinggan niya ang mga sinasabi nito.Nasa ospital ang lahat ng kaibigan niya. Paano ba naman ay ipinatawag niya ang mga ito para ikuwento ang nangyari at pamamaalam ni Ciashet kanina sa kaniya. Dati-rati, sa tuwing sinasabi sa kaniya ng babae na titigilan na niya ito, kinabukasan ay alam niyang nariyan na naman iyon para manggulo.Pero ibang-iba ngayon. Nabakas niya ang kaseryosohan sa desisyon na iyon ni Ciashet.“I told you, King, hindi na siya iyong Ciashet na naaalala mo dahil nga four years ago na iyon! Ewan ko ba sa iyo kung bakit ayaw mong maniwala na mayroon na nga kayong relasyon. Hinanap mo siya, dude, hinanap mo!” Naiinis nang paliwanag sa kaniya ng k
SA ALPEREZ’ ako inihatid ni Karl. Nauna muna naming ibaba si Tita Babs sa bahay nila kanina. Ayoko munang mag-stay doon dahil hindi ko gusto ang ambiance ng bahay nila ngayon dahil sobrang lungkot. Gusto kong baguhin ang mood ko dahil ayokong ipakita kay Ken na nasasaktan ako sa nangyayari sa amin. Gusto kong maging malakas para sa kaniya.Nagluto ako ng oats upang kahit papaano ay mayroon naman akong makain. Pagkatapos ay nag-backread ako sa mga text messages namin ni Ken.Mas lalo lang akong nalungkot sa ginawa ko. Sobra na ang pagka-miss ko sa kaniya.Naupo ako sa couch at saka isinandal doon ang likod at ulo ko. Napatulala na lang ako habang nakatingin sa kisame.“Ano ba talaga ang hindi ko maalala? Ano ba’ng nangyari sa atin dati?” tanong ko pa sa kawalan saka pa napabuntonghininga.Sa kaiisip, bigla kong naalala ang naikuwento sa akin ni Ken noon. Tungkol sa hindi niya magandang pagtrato sa akin, sa madalas niyang pagkabuwisit sa tuwing ginugulo ko siya. Ang sabi niya noon, ilan