Share

Kabanata 2

Author: Chrispepper
last update Last Updated: 2022-07-19 15:16:10

NAGISING AKO dahil sa cell phone kong tunog nang tunog. Panandalian akong nagkusot ng mata at kinapa ang cell phone ko sa gilid ng unan ko.

Pikit ang isang mata kong tiningnan kung sino ang tumatawag—unknown number. Napatingin na rin ako sa oras sa upper right ng cell phone ko . . . ala-singko pa lang ng umaga. ‘Sinong nilalang naman ang tatawag nang ganito kaaga? Hindi niya ba alam ang proper calling etiquette?’

Pikit-mata kong pinindot ang green button sa cell phone ko para masagot ang tawag.

“Sino ito?” kaagad kong tanong.

“Hello rin, miss.”

Napamulat ako nang mata nang marinig ko ang boses ng nasa kabilang linya. Boses iyon ng isang lalaki. Napatayo ako nang wala sa oras. Kahit ilang beses ko kasing alalahanin kung sino ang may-ari ng boses ay hindi ko talaga makilala. Wrong number siguro.

“I’m sorry if it's too early to contact you, however . . . I think, importante naman ito para sa iyo, Ms. Ciashet Laurice.”

Na-amaze ako when he correctly pronounced my name. Sa 19 years na existence ko sa mundong ito, ito ang unang beses na may nakatama sa pronunciation ng pangalan ko na Ki-ya-shey Lo-ris. Napaka ganda naman kasi ng pangalan ko at talaga nga namang kay hirap bigkasin kapag una mo siyang na-encounter. Ang apelyido ko nga lang na Medina ang siyang tama sa lahat kapag tinatawag ako sa school para sa recitation.

Pero wait . . . alam niya ang pangalan ko pero ako, hindi ko makilala ang boses niya.

“Matanong ko lang po, sino po ba ito?” napahikab pa ako matapos ko iyong itanong sa kaniya.

“Ken Alvarez.”

Napakunot ang noo ko. “Sino iyon?”

“That's me . . . I am Ken Sebastian Alvarez.”

Inilayo ko ang cell phone ko sa tainga ko saka pa napakamot sa ulo. First time kong narinig ang pangalan niya. Muli kong inilapit ang tainga ko sa cell phone para muli siyang kausapin.

“Wrong number yata ang natawagan mo, sir.”

“Paanong wrong number, ikaw si Cia, hindi ba? At isa pa, nakita ko itong number mo sa wallet mo.”

Nanlaki ang mga mata ko nang mabanggit niya ang wallet ko na kanina pang nawawala.

“Naku, mabuti naman po at napatawag ka. Puwede ko po bang makuha iyong wallet ko? As in now na, sir? I badly need it, iyan na lang kasi ang natitirang pambudget ko hanggang sa mga susunod na mga araw,” paliwanag ko pa. ‘Siguro naman ay hindi siya tatawag para lang sabihin niya sa aking hindi niya ibabalik ang wallet ko, hindi ba?’

“Sure . . . wala naman itong laman bukod sa mga weird mong pictures sa IDs mo, eh.”

Hindi nakalampas sa pandinig ko ang pagtawa niya—parang nang-aasar. ‘Pinagtatawanan niya ba ang hitsura ko?’

“For your information, mister, may pera iyan sa loob!” Aba, huwag naman na niyang pagtangkaan pa iyong natitirang pag-asa ko sa buhay, ano!

“Yeah, I saw it. It’s only Php.600.00, I won’t be interested on it.”

“Pera pa rin iyan at pinagpaguran ko iyan, ano. Saan ka makakakuha ng ganyang halaga sa kalsada sa panahon ngayon, ha?” tanong ko pa. “Nasaan ka ba nang mapuntahan kita at makuha ko na iyan, baka mamaya pagsamantalahan mo pa iyong mga pictures ko riyan.”

“Thanks-a-Latte.”

Naningkit ang mga mata ko sa sinabi niya at napabuga pa ako ng hangin.

“Alam ko na,” natatawa-tawa ko pang sabi. “isa ka sa mga mapangmatang nakatingin sa akin habang sinisigawan ako ng babae kahapon, ano?”

Muli ko na namang narinig ang pagtawa niya matapos kong sabihin iyon.

“Bakit mo ako tinatawanan? Mukha ba akong nakikipagbiruan?” mataray kong tanong.

“Hindi kita tinatawanan,” he said then he cleared his throat. “Pumunta ka na rito kung gusto mo na talagang makuha itong wallet mo.”

Matapos niyang sabihin iyon ay pinatay na niya kaagad ang linya. ‘Bastos, hindi man lang nag-good bye!’

Dali-dali akong bumangon para mag-ayos ng sarili ko. Kailangan ko nang makuha iyong wallet ko dahil kung hindi ay hindi na naman ako makakakain. Mabuti nga at hindi ko na nararamdaman ngayon ang gutom na kagabi ko pa tinitiis.

Ginising ko si Ate Rosa para manghiram ng isandaan para mayroon akong pampamasahe. I know, ang kapal ng mukha kong manghiram ng pera nang ganito kaaga pero ibabalik ko rin naman mamaya kapag nakuha ko na iyong wallet ko.

Same routine. Nilakad ko ang mula sa apartment papunta sa sakayan ng jeep. Noong naroon na ako sa terminal ng jeep ay kaagad kong tinext iyong number na tumawag sa akin kanina.

To: 09352817***

OTW na ako.

 

Hindi niya ako ni-reply-an. Nang marating ko na iyong tapat ng Thanks-a-Latte, bago pa ako makapagbayad at makababa, may nag-abot na ng bayad doon sa driver.

“Bayad ng bababa, keep the change,” sabi pa ng lalaki. Nakita kong isandaan ang iniabot niya sa driver. Hindi ko makita ang mukha niya kaya naman kaagad akong bumaba para makilala siya.

“Oh my ghad . . . ” Naitakip ko pa sa bibig ko ang kanan kong palad habang itinuturo siya gamit ang hintuturo ko sa kaliwang kamay.

“I thought wala ka nang pera kaya hinintay na kita rito at mabayaran ang pamasahe mo,” nakapamulsa pang sabi niya sa akin.

“Sir Ken, tama? Ikaw ang may-ari nitong coffee shop. Hindi ko alam na ikaw ang nakakuha sa wallet ko. Pasensya na sa abala,” paghingi ko ng paumanhin sa kaniya habang inaalala ang way ng pakikipag-usap ko sa kaniya sa phone kanina. ‘Myghad, naging rude ba ako kanina? Nakakahiya! Malay ko bang siya pala iyong kausap ko?’

“Actually, hindi ako iyong nakakuha niyan. Isinurrender lang sa akin ng isa sa mga tao ko,” paliwanag naman niya.

Napatango na lang ako at pagkatapos ay inilahad ko sa kaniya ang kamay ko. “Iyong wallet ko . . . kukunin ko na.”

“No—not yet,” pigil niya sa akin na ikinakunot ng noo ko.

May kinuha siya sa bulsa niya—pack of cigarette. Kumuha siya ng isang stick at saka sinindihan gamit ang lighter. Kung kahapon ay mukha siyang gulat na gulat sa pagkakita niya sa akin, ngayon naman ay sobrang chill niya. Kung titingnan din siya ngayon ay para bang ang seryoso masyado ng mukha niya habang nakatitig na naman sa akin.

“Follow me, we need to talk. I have something to offer,” sabi niya at pagtapos ay nagsimula nang maglakad papasok sa loob ng coffee shop niya.

Hindi na niya hinintay ang sagot ko. Tututol pa sana ako kaso lumalayo na ang agwat namin sa bilis niyang humakbang. Sumunod na rin naman ako sa kaniya dahil nasa kaniya pa rin naman ang wallet ko.

Nagdere-deretso siya paakyat sa hagdan. Hindi pa nakabukas ang coffee shop pero nagpe-prepare na iyong mga employees niya para sa opening nito.

“Maupo ka,” utos niya sa akin nang makapasok na kami sa office niya.

Magkaharap kami ngayon. Nakaupo siya sa swivel chair niya at ako naman ay naupo sa upuan katapat ng babasagin niyang desk na may nakasulat pang buo niyang pangalan sa isang paparisukat na kahoy.

‘Ken Sebastian Alvarez. Magandang pangalan para sa isang lalaki.’

“Ano ba ang io-offer mo sa akin?” tanong ko.

“Nabasa ko iyong isang papel na nakaipit dito sa wallet mo. I think, it's a bucket list.”

Kaagad na nanlaki ang mata ko nang marinig ko ang sinabi niya. “Binasa mo iyong—”

“Just the first one—about part time job.”

“Pero number five iyon!” pagtatama ko pa. Sh*t, malamang alam na niyang kasama sa bucket list ko iyong makahanap ako ng boyfriend bago ako gumraduate. Myghad, Cia, ang desperada!

“Akala ko nasa number one iyon,” sabi niya nang may nakakalokong ngiti sa labi niya.

“Pakialamero,” bulong ko sa sarili ko saka ko siya sinamaan ng tingin. Guwapo na sana kaso nangingialam ng hindi sa kaniya.

“Hindi ko naman sinasadyang mabasa iyon, kung saan-saan mo kasi inilalagay,” paninisi pa niya sa akin.

I lowered my eyelashes. Kung makapagsalita siya ay para bang tama lang ang kung ano’ng ginawa niya.

“You’re staring as if you wanna bite me.”

Inirapan ko na lang siya saka nag-iwas ng tingin. Bakit ba kasi dinala pa niya ako rito?

“I brought you here to offer you a job, Cia,” pagsisimula niya.

Seryoso ang mga tingin niya habang hinihithit ang sigarilyong hawak niya. Sa harap ko pa talaga siya mismo nagbuga ng usok pero hindi na ako nagreklamo dahil sa natuwa ako sa kung ano’ng sinabi niya. Sakto, naghahanap ako ng trabaho dahil halos kaka-endo ko pa lang bilang service crew sa fast food chain na pinagtatrabahuhan ko.

“Gagawin mo akong isa sa mga crew dito?”

“No, that doesn’t suit you.”

“Tagahugas ng pinggan?” tanong ko pa ulit. “Magaling ako roon!”

Umiling lang siya bilang pagsagot. Sinubukan ko pang hulaan kung ano bang klase ng trabaho ang ibibigay niya sa akin pero wala na akong maisip.

“Naku, nakakahiya naman kung manager kaagad iyong position na io-offer mo sa akin,” I said with sarcasm.

“It’s a special job, Ciashet.” Pinatay niya ang siga ng sigarilyo sa ashtray na nakapatong sa mesa niya at muling ibinuga sa paligid ang huling usok mula sa bibig niya.

“Special agent?” Tinitigan ko pa siya nang maigi. Baka kasi iyon talaga ang balak niyang ipagawa sa akin. “Gagawin mo ba akong spy sa iba pang coffee shops dito para malaman kung ano ang special ingredients nila nang matapatan ninyo at kayo ang manguna sa bansa natin?” dagdag ko pa.

“Stop being funny. I want you to be my girlfriend.”

Para akong naestatwa sa sinabi niya at mataman pa siyang tinitigan. Tama ba ang pagkakarinig ko? Sinabi niyang gusto niya akong maging girlfriend?

“You just need to pretend that you are my girlfriend . . . that’s it.”

Nang makumpirma kong tama nga ang pagkakadinig ko, bigla na lang akong napatawa nang malakas sa harapan niya. Hindi ko nakikita sa mukha niya ang pagbibiro kaya nga iyon ang mas ikinakatawa ko. Anong drugs ba ang nasinghot nito at parang ang lakas ng tama?

Napatigil na lang ako sa paghalakhak nang mapansin kong medyo nalulukot na ang mukha niya.

“Don’t tell me na seryoso ka?” tanong ko pa habang pinupunasan ang namuong butil ng luha sa gilid ng mata dahil sa sobrang pagtawa.

“Mukha ba akong nagpapatawa?”

Ilang segundo ko muna ulit na tinitigan ang mukha niya para siguruhin na hindi nga siya nagbibiro. Nang mapagtanto kong seryoso siya sa sinasabi niya ay napatayo na ako.

“Alam mo, Sir Ken, pagod lang iyan. Nasobrahan ka yata sa kakatrabaho kaya kung ano-ano na ang naiisip mo. Kung ako sa iyo, ipapahinga ko iyan.” Kinuha ko ang wallet kong nasa ibabaw ng table niya para makaalis na kaagad. Malakas yata ang tama ng taong ito kaya hindi na nakakapag-isip nang maayos. Sayang, guwapo sana kaso aning.

“Thirty thousand per month ang sahod mo bukod sa gastos para sa pang-araw-araw mong pangangailangan. You’ll have your own condo and a car of your choice.”

Napahinto ako sa paghakbang at paatras na bumalik sa inupuan ko. Inilapit ko ang mukha ko sa kaniya saka siya pinaningkitan.

“Seryoso ka ba riyan sa ino-offer mo?” tanong ko saka nakipagtitigan sa kaniya. Aba, mukhang papatusin ko iyan kung talaga ngang seryoso siya. Ganitong gipit ako!

“You need a job, right?”

Patuloy ko pa ring tinatantya kung gaano siya kaseryoso sa ino-offer niya sa akin. Sabi nga nila, kung hindi makatingin nang deretso ay tiyak na nagsisinungaling. Pero . . . sa paraan ng pagbabalik niya ng titig sa akin, mukha ngang hindi siya nagbibiro.

“I hope you don’t mind, sir, but . . . nasisiraan ka na ba? Anong klaseng trabaho naman iyang ibinibigay mo sa akin? Ano ang tingin mo sa akin, bayarang babae? Na madali mong mabibili kapag natipuhan mo?”

“Woah.” Napatayo siya and he looks at me with disbelief. Nakatingala na ako sa kaniya ngayon. “Hindi ganoon ang tingin ko sa iyo. Don’t get me wrong. In fact, I just wanna help you. Thirty thousand isn’t a joke for a job that is super easy, right?”

“Yes,” pagsang-ayon ko pa sa kaniya. “Pero, I just wanna inform you also na hindi binibili ang girlfriend, just so you know.”

“Are you still fighting for your pride or you’ll just accept this job and pay your rent for next week?”

Nagsalubong ang kilay ko. “Bakit mo alam na—”

Bahagya siyang yumuko at pinagtapat ang mga mukha namin. “I have my own ways to know everything, Ms. Ciashet Laurice Medina. I already do a background check on you last night.”

Last night? Ganoon kabilis lang niya nalaman ang tungkol sa akin? Gaano ba kaimpluwensya ang isang ito?

“So, ano pa ang alam mo tungkol sa akin?” tanong ko sa kaniya para ma-test kung totoo ba ang sinasabi niya.

I saw a smirk on his face. Dumeretso siya nang tayo saka isinuksok ang kamay niya sa bulsa ng suot niyang pantalon. Saka lumakad papunta sa bintana. Nanatili lang ako sa kinauupuan ko pero nakasunod ang tingin sa kaniya.

“Last year, nasunog ang bodega ng school dahil sa iyo. Walang ibang nakaalam niyon kundi kayo lang ng bestfriend mo—Gwen is the name, if I got it correctly. However, it doesn’t seem to be a secret anymore kasi alam ko na ang tungkol doon and anytime, puwede na rin iyong malaman ng iba.”

Parang nanuyo ang lalamunan ko dahil sa sinabi niya. “Paano mo—”

“I told you . . . I have my own ways. So, if I were you, tatanggapin mo ang offer ko sa iyo then I will shut my mouth para hindi na makarating sa school ang nalaman ko. Graduating ka pa naman, mahirap na at baka magka-bad records ka pa . . . worse, makick-out ka pa sa university.”

Sinamaan ko siya ng tingin. Hindi puwedeng malaman ng school ang tungkol doon dahil for sure, hindi lang suspension ang makukuha ko. Baka ma-expel pa ako. Isa iyon sa napaka laking problemang kinaharap ng school namin dahil lahat ng school records ay natupok ng apoy. Masuwerte ako noon dahil hindi naka-open ang CCTV at walang sino man ang nakaalam kung paano nagsimula ang apoy.

“Kung payag ka na—” Nagtungo siya sa isang cabinet at may kung anumang kinuha. Bumalik siya sa akin nang nakangisi. “Do not hesitate to sign this paper.”

Pagalit kong hinablot sa kaniya ang hawak niyang papel. Nang tingnan ko ang nakasulat, 'contract' ang agad kong nabasa. Kinuha ko ang sign pen na nasa table niya at saka pinirmahan iyong papel. Mabilis na gumuhit ang ngiti sa labi ng g*go.

‘Guwapo nga, buwisit naman!

Related chapters

  • She's Mine (Battle of the Gangsters)   Kabanata 3

    “KING, HINDI na talaga namin siya mahanap,” ani ng kaibigang si Gio.Apat na araw na silang naghahanap sa kasintahan nitong si Cia. Apat na araw na rin itong nawawala matapos ang balitang pagkamatay ng mga magulang nito sa isang aksidente na hindi alam ang tunay na dahilan.Hindi na nagawang makausap ng binata ang dalaga dahil sa naging frustrations din nito sa nangyari. Hindi nila ito inaasahan. Sa tingin niya ay may kasalanan siya. No, baka nga talagang kasalanan niya ang lahat ng nangyari. Pinoproblema niya ngayon kung paano mahahanap ang nobya para makausap ito at makapagpaliwanag man lang sana pero, parang huli na siya.“Wala ka na bang alam na puwede niyang puntahan?” tanong pa ng isa pa niyang kaibigang si Paulo. Napaupo na ito sa gilid ng kalsada dahil sa labis na pagod sa paghahanap.“No, wala siyang sinasamahang kaibigan. Hindi ko rin alam kung saan pa siya puwedeng puntahan.”Pagod na rin ang binata sa paghahanap pero hindi siya puwedeng tumigil. Hindi niya puwedeng sukuan a

    Last Updated : 2022-07-19
  • She's Mine (Battle of the Gangsters)   Kabanata 4

    “HOY, MARE!”That was Gwen—my bestfriend. Sa tinis pa lang ng boses niya ay nakilala ko na siya kaagad.“Bakit? Ang ingay mo,” sabi ko. Isinukbit ko ang bag ko sa upuan at saka naupo.“Nakita ko si Lawrence, ang bango pa rin tingnan gaya ng dati.” May paghampas pa siya sa braso ko na para bang kilig na kilig.Napakunot ang noo ko. Sa pagkakatanda ko, ako ang nagka-crush kay Lawrence dati at hindi siya.“Saan mo naman nakita? Sino ang kasama?” tanong ko na lang sa kaniya kahit na alam ko naman na ang sagot doon sa pangalawa kong tanong.Crush ko noon si Lawrence Lucas. As in simula freshman year ko sa college ay gusto ko na siya. Nag-uusap naman kami pero hindi ko alam kung alam ba niyang may crush ako sa kaniya dati. Crush lang naman iyon, pinapalala lang nitong si Gwen. Sobrang loyal kasi ng lalaking iyon kay Maureen na girlfriend niya ngayon. Well, I am not sure kung girlfriend niya pa rin until now kasi on and off ang relationship nilang dalawa. Kahit ilang beses silang mag-away, si

    Last Updated : 2022-07-19
  • She's Mine (Battle of the Gangsters)   Kabanata 5

    “WE’RE HERE.”Napatingala ako nang husto nang marating namin ang isang mataas na building. Kilala ang building na ito dahil isa ito sa mga sikat na hotel hindi lang dito sa lugar namin kundi sa iba pa. Mga mayayaman kasi ang kadalasang guests dito at halos dito rin ginaganap ang mga special events sa buhay ng mga kilala at matataas na tao.“Dito ako titira?” tanong ko sa kaniya sa hindi makapaniwalang tono.Tumango siya sa akin. Hindi ko maitago ang excitement sa katawan ko habang pinapakatitigan ang hotel na tutuluyan ko simula sa araw na ito.“Grabe, para akong nananaginip habang nakadilat ang mga mata ko. Ni minsan nga ay hindi ko naisip na titira ako sa ganito kagandang lugar.”“Well, kailangan mo nang masanay dahil ito na ang palaging uuwian mo.” Naramdaman ko ang paghawak niya sa baywang ko. “Tara, dadalhin na kita sa unit mo.”Mula paglabas sa coffee shop hanggang sa marating namin ang hotel na ito ay hindi na kami ulit nag-usap ni Ken dahil sa naging pagtatalo namin kanina. Buo

    Last Updated : 2022-07-19
  • She's Mine (Battle of the Gangsters)   Kabanata 6

    “KING, IBA ang ngiti natin ngayon, ah,” pang-aasar sa kaniya ni Kobe—isa sa mga kaibigan niya. Inaya kasi siya nito maglaro ng basketball. At ngayon nga ay kasalukuyan silang nagwa-one on one.“I finally found her, Tanda,” sagot sa kaniya ng kausap.Hawak ni Ken ang bola. Inaagaw ito sa kaniya ni Kobe habang todo iwas naman sa kaniya iyong isa. Hindi tuloy makapaniwala si Ken kung paanong naging coach ng basketball ang kaibigan niya gayong hindi naman nito maagaw sa kaniya ang bola.“Sino?” tanong ni Kobe na ngayon ay tagaktak na ang pawis sa noo. Medyo hingal na rin ito.“Queen.”Humakbang paatras si Ken saka inihagis ang bola sa ere para mag-shoot. Pasok!Napahinto sa paglalaro si Kobe at hindi makapaniwalang tumingin sa kaniya “You mean . . . ”Tinanguan lang siya ng kausap habang nagpupunas ng pawis.“Wow, kailan mo pa siya nakita?”“Matagal na. Halos anim na buwan na rin simula noong una. Pero isang linggo mahigit ko pa lang siya ulit nakakasama. Pinauwi ko siya sa unit na dati pa

    Last Updated : 2022-07-31
  • She's Mine (Battle of the Gangsters)   Kabanata 7

    “KING, MY Love!”Sinalubong si Ken ng isang babae pagkapasok na pagkapasok nito sa loob ng kanilang bahay. Tumalon pa siya para lang yumakap sa kaniya. Bakas ngayon sa mukha ng lalaki ang pagkainis.“Bakit ba narito ka na naman?” naiiritang tanong nito sa babae.Pabagsak na umupo ang lalaki sa upuan saka isinandal doon ang kaniyang ulo. May pasa siya sa mukha dahil sa pakikipag-away kanina sa mga lalaking nagtangkang humarang sa daraanan nila.“Wala lang, miss kaya kita nang sobra.” Tumabi sa kaniya ang babae at ipinulupot sa braso niya ang mga kamay nito. “May pasa ka na naman! Nakipag-away ka na naman sa labas, ano?” panenermon pa nito sa kaniya.“Pakialam mo ba? Umalis-alis ka nga sa harapan ko dahil nabubuwisit ako sa mukha mo. Hindi pa ba sapat sa iyo na pinilit mo akong maging boyfriend mo at buong buhay ko pa ang ginugulo mo?” asar na tanong na naman sa kaniya ng lalaki.“Hindi naman kita ginugulo, ah! Aalis na rin ako maya-maya lang, gusto lang talaga kitang makita,” nakanguso

    Last Updated : 2022-10-09
  • She's Mine (Battle of the Gangsters)   Kabanata 8

    NASA SASAKYAN na kami. It’s already 6:30PM nang magdesisyon na si Ken na umuwi dahil nga ang usapan ay 7 p.m. ay dapat nasa bahay na kami.Nakahawak lang siya sa kamay ko all throughout the ride at hindi man lang nag-atubiling magsalita ng kahit ano. Kapag ganito kasing tahimik siya, alam kong malalim ang iniisip niya or mayroong something na gumugulo sa kaniya.“Ken?” Diniinan ko ang pagkakahawak ko sa kaniyang kamay matapos kong tawagin ang pangalan niya. Nakatingin ako sa mukha niya na ngayon ay nakaside view sa akin dahil nga sa magkatabi kami ngayong nakaupo rito sa likuran ng sasakyan habang si Mang Calix ay nagmamaneho. Siguro ay kailangan ko lang siyang daldalin para matuon sa iba ang atensyon niya.“What?”Naramdaman kong ililingon niya ang ulo niya sa akin kaya kaagad kong iniwas ang tingin ko sa kaniya. Baka kasi ako naman ang hindi makapag-focus dahil sa mga titig niya kaya naman mas pinili kong sa rear view mirror na lang siya silipin. Hindi nga ako nagkamali. Ngayon nga a

    Last Updated : 2022-10-19
  • She's Mine (Battle of the Gangsters)   Kabanata 9

    “ANO NA naman ba ang ginagawa mo rito, Cia? Wala ka bang ibang pinagkakaabalahan sa buhay mo kundi ang buwisitin ako!?” bulyaw sa kaniya ng lalaki.“Hindi naman kita binubuwisit, ah!” nakangusong sabi ng babae sa kaniya. “Sabi ko naman sa iyo ay pupuntahan kita rito kapag may vacant time ako, hindi ba?”“Oras-oras ba iyang vacant mo? T*ngina!” Mababakas sa hitsura ng lalaki ang pagkainis. Para kasi sa kaniya ay walang ibang ginagawa ang babaeng ito sa buhay niya kundi ang manggulo at pataasin ang dugo niya.“Huwag mo na lang kasi akong pansinin, Love. Saka, bakit hindi ‘Love’ ang tinatawag mo sa akin, ha?!” kunwari pang naggagalit-galitan ang babae sa kaniya.Tanging masasamang tingin lamang ang iginaganti niya sa babae para maiparating dito ang pagkainis niya sa presensya nito. Ilang beses na niya itong itinaboy sa buhay niya pero hindi ito marunong sumunod.“Tingnan mo na, ang sama-sama na naman ng tingin mo sa akin, hindi naman kita inaano!” sabi ng babae na kulang na lang ay sabita

    Last Updated : 2022-10-27
  • She's Mine (Battle of the Gangsters)   Kabanata 10

    “MAG-AAPPLY KA sa AlPerez Hotel para sa OJT natin? Okay ka lang ba? Masyadong bigatin ang hotel na iyon, siguradong magbabayad ka nang malaki para tanggapin ka nila,” sabi sa akin ni Gwen.Narito kami ngayon sa isang bench na nasa ilalim ng lilim ng malaking puno. Nasa quadrangle kami ng school at inaasikaso ang mga curriculum vitae namin habang lunch break. Pinag-uusapan na rin namin iyong tungkol sa mga companies na puwede naming puntahan para sa on-the-job training namin.Hindi siya naniniwalang matatanggap ako sa hotel na iyon for OJT. Hindi ko kasi sinabing si Ken mismo ang nagsabi sa akin na gawin iyon. Kagabi kasi, bago matulog ay napag-usapan namin ang tungkol sa bagay na iyon.Speaking of kagabi. Pucha, hindi pa rin ako maka-move on sa isiping buong magdamag na nakadikit sa akin ang katawan ni Ken. Ayokong magpaka-manyakis ngayon pero kasi . . . ugh!“Oh, tingnan mo na, namumula na ang mukha mo sa hiya mo sa sarili mong pangarap, ano? Wala na bang mas mataas pang hotel kang bi

    Last Updated : 2022-11-01

Latest chapter

  • She's Mine (Battle of the Gangsters)   Kabanata 49

    HANGGANG SA tapat ng unit ni Karl sa Wonder Palace ay inihatid nila ako. Akala mo nga kilala akong tao at kailangan pa talaga ng maraming bodyguards.“Sige na, puwede na ninyo akong iwanan dito . . . kaya ko na,” sabi ko sa kanila nang nasa tapat na kami ng pintuan.“Are you sure na wala kang sugat or anything na gusto mong ipa-check sa doktor? Ayaw mo nang magpa-check para masigurong ayos ka?” nag-aalala pang tanong sa akin ni Karl.Napatawa na lang ako sa labis niyang pag-aalala. Ilang beses niya ba kasi ako kailangang tanungin kung may sugat ako? Bukod sa pagod, wala na akong ibang nararamdaman sa katawan ko.“Huwag na ninyo akong alalahanin. Ang mga sarili ninyo ang asikasuhin ninyo nang makapagpahinga na kayo. Kayo itong puro galos at tama ng bala sa katawan.” sabi ko. Paano ba naman kasi, parang wala man lang silang iniinda sa mga katawan nila. Akala mo mga matatandang may anting-anting!Nagpaalam na silang lahat sa akin at ako naman ay pumasok na sa unit. Kaagad na nahiga ako s

  • She's Mine (Battle of the Gangsters)   Kabanata 48

    MULING INANYAYAHAN sa labas ang mga taong nakaligtas sa nagdaang Death Hour. Doon kasi ipa-flash sa screen ang mga larawan at pangalan ng mga nasawi sa nasabing event. Bakas sa mukha ng mga natira ang labis na kaba at pangamba lalo na at may mga kakilala, kaibigan, o kagrupo silang hindi pa natatagpuan o nababalitaan. Kung sa umpisa ng annual event na ito ay mababakas mo pa ang pagiging sopistikado ng mga tao gayundin ang magarang ambiance ng paligid, ngayon naman ay wala kang ibang makikita kung hindi ang gulo ng paligid at dama mo ang mabigat na nararamdaman ngayon ng mga kalahok sa nasabing event. Maski nga sa iilang mga table cloth na ibinalik pantakip sa mesa ay may mapapansin ka pang mangilan-ngilang bakas ng dugo. Bagamat naiayos nang muli ang mga mesa at upuan, nagmistula namang ghost town ang paligid sa sobrang tahimik nito. Tanging ang sipol ng hangin nga lamang ang maririnig mo at ang mata ng lahat ay tutok na tutok lamang sa malaking white screen na nasa stage kung saan

  • She's Mine (Battle of the Gangsters)   Kabanata 47

    “THE DEATH hour will start in 3 minutes,” muling anunsyo matapos na magpaputok nang sunod-sunod. Dali-dali kaming nagsitayo at muling nagsipagtakbuhan. Tatlong minuto na lang at mas gugulo pa sa lugar na ito. Napaka ingay na sa paligid, halos hindi na nga magkarinigan. May ilan ngang umiiyak na dahil sa takot at kaba. Napakaraming mga sibilyan dito. Malaki ang posibilidad na kahit hindi kami miyembro ng anumang gang ay mapapahamak kami rito. “Karl, nasaan ka na!?” sigaw ko pa ulit habang tumatakbo kahit pa alam ko namang malabong marinig niya ako. Pero hindi pa rin ako nawawalan ng pag-asa. Halos nagkakandapatid-patid na nga rin ako dahil sa napaka habang gown na suot ko pero nagpapatuloy pa rin ako. Hindi ako papayag na dito kami mamamatay ng anak ko. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. Nanginginig nga ang mga laman-laman ko—napakalamig maging ng pawis ko. Ang daming masasamang bagay ang pumapasok sa isip ko ngayon. Sinisisi ko pa ang sarili ko dahil hinayaan kong bitiwan ako ni

  • She's Mine (Battle of the Gangsters)   Kabanata 46

    “WHAT ARE you doing?” takang tanong ko kay Karl. “Talagang ikababaliw mo ang lahat kung patuloy mo silang panonoorin. Kumalma ka riyan,” sagot niya sa akin. Nakahawak sa ulo ko ang kamay niya—nakaalalay. Pero ang atensyon niya ngayon ay naroon na sa nagsasalita sa stage. “Buti pa itong si Karl, sweet. Hindi katulad nitong si Lawrence na walang ibang ginawa kundi mambuwisit sa akin,” rinig kong sabi ni Maureen saka hinampas sa braso ang boyfriend niya. “Darling, I want to pee. Samahan mo ako sa CR, please?” malandi pang pakisuyo ng babaeng intrimitida. Napaarko na naman ang kilay ko. Talaga bang kailangan pa niyang magpasama? Si Ken ba ang gusto niyang magbaba ng panty niya!? “Alright, come on,” walang pag-aalinlangang sagot ni Ken. Napaangat ako ng ulo at napasunod ng tingin sa kanila nang iwanan na nila kami sa puwesto namin. Nakaangkla ang braso ng babae sa kaniya at nakasandal pa sa braso niya ang ulo niyon habang naglalakad. Nakakainis na habang papalayo sila ay muli akong n

  • She's Mine (Battle of the Gangsters)   Kabanata 45

    “SURE BA kayo sa plano?” tanong ni Harvey sa apat pagkarating na pagkarating nila sa tagpuan ng grupo–sa headquarters. Iniwan na nila sina Ciashet at Karl sa unit nito. Si Ken naman ay nasa sarili niyang unit at naglilibang ng sarili. Si Lawrence naman ay may date kasama ang girlfriend na si Maureen. “Sure na,” sagot ni Kobe. Halata sa mukha niya na hindi naman talaga siya sigurado pero kailangan nilang sumugal para roon sa dalawa. “Si Karl talaga ang kakausapin natin na gumawa niyon?” paninigurong tanong pa ulit ni Harvey. Gusto nilang pag-isipan muna nang maigi ang plano bago nila ito isagawa. Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na talagang nagkaroon ng feelings si Karl noon kay Ciashet at hindi naman malabong mangyari iyon ulit ngayon. Baka mas lalo lang hindi maging maganda ang samahan ng dalawang magkaibigan dahil dito. “Siya lang ang may kakayahang gumanap, eh,” sagot muli ni Kobe pagkatapos ay naupo sa maliit na sofa. “At isa pa, hindi ba’t dahil lang din sa pagseselos

  • She's Mine (Battle of the Gangsters)   Kabanata 44

    “Halika rito, mare, bilisan mo,”Hila-hila ako ngayon ni Gwen dito sa SM Megamall para maglibot-libot. Hindi ko alam kung ano ang gusto niyang bilhin pero lahat na yata ng stores dito ay napasok na namin pero wala pa rin siyang nabibili maski na isa. Konti na nga lang ay iisipin ko nang nagwi-window shopping lang ang isang ito, eh.“Ano ba talaga ang gagawin natin dito, mare? Napapagod na akong maglakad,” reklamo ko pa sa kaniya. Isang buwan pa lang ang baby ko ay parang gusto na akong matagtag nitong kaibigan ko, susme.“Naghahanap kasi ako ng dress para sa magiging date namin ni Kobe. Hindi ba kauuwi lang nila ngayon mula sa Batangas? Bukas lalabas kami kaya kailangan kong maghanda. So please, help me, okay?”“Handang-handa ka naman masyado. Kailangan ba talaga bago ang damit kapag makikipag-date? Saka . . . may label na ba kayo, ha?” tanong ko pa sa kaniya.Saglit siyang napahinto sa paglalakad saka pa nakangusong lumingon sa akin.“Huwag ka ngang manira ng trip diyan, mare. Huwag

  • She's Mine (Battle of the Gangsters)   Kabanata 43

    NAGISING AKO sa sunod-sunod na doorbell mula sa labas ng pinto ng kuwartong tinutuluyan ko ngayon. Ikatlong araw ko na pero hindi ko pa rin kilala iyong mystery guy na tumutulong sa akin.Nag-inat muna ako ng katawan at saka pa napahikab. Puro tulog lang naman ang ginagawa ko rito pero pakiramdam ko ay palagi pa rin akong pagod.Panay pa rin ang pagtunog ng doorbell. Nagdesisyon na akong bumangon at lumabas ng kuwarto para silipin sa peephole kung sino ang nagdo-doorbell.“Karl?”Kaagad kong binuksan ang pinto at magkasalubong ang kilay ko siyang hinarap.“Masyado pa bang maaga ang pagpunta ko? Mukhang kagigising mo lang, may panis na laway ka pa sa pisngi,” sabi pa nito saka dere-deretsong pumasok sa loob ng unit na tinutuluyan ko.Hindi ako kaagad nakapagsalita. Ni hindi ko na nga napigilan ang pagpasok niya. “Hoy, Karl, ano’ng ginagawa mo rito!? Paano mo nalaman na narito ako!?”Ipinasok niya sa kanan niyang tainga ang kanan niyang hinliliit na para bang naiingayan siya sa akin.“

  • She's Mine (Battle of the Gangsters)   Kabanata 42

    “WHAT’S WRONG with her? Parang hindi siya iyong nakakainis na babaeng kilala ko. Mukhang natutuhan na niyang mag-isip.” Naguguluhang tanong ni Ken.Hindi na kasi nawala sa isip niya ang hitsura ni Ciashet kanina. Malayong-malayo umano sa Ciashet na kilala niya ang kaharap niya kanina. Kaya nga sobra siyang nanibago habang pinakikinggan niya ang mga sinasabi nito.Nasa ospital ang lahat ng kaibigan niya. Paano ba naman ay ipinatawag niya ang mga ito para ikuwento ang nangyari at pamamaalam ni Ciashet kanina sa kaniya. Dati-rati, sa tuwing sinasabi sa kaniya ng babae na titigilan na niya ito, kinabukasan ay alam niyang nariyan na naman iyon para manggulo.Pero ibang-iba ngayon. Nabakas niya ang kaseryosohan sa desisyon na iyon ni Ciashet.“I told you, King, hindi na siya iyong Ciashet na naaalala mo dahil nga four years ago na iyon! Ewan ko ba sa iyo kung bakit ayaw mong maniwala na mayroon na nga kayong relasyon. Hinanap mo siya, dude, hinanap mo!” Naiinis nang paliwanag sa kaniya ng k

  • She's Mine (Battle of the Gangsters)   Kabanata 41

    SA ALPEREZ’ ako inihatid ni Karl. Nauna muna naming ibaba si Tita Babs sa bahay nila kanina. Ayoko munang mag-stay doon dahil hindi ko gusto ang ambiance ng bahay nila ngayon dahil sobrang lungkot. Gusto kong baguhin ang mood ko dahil ayokong ipakita kay Ken na nasasaktan ako sa nangyayari sa amin. Gusto kong maging malakas para sa kaniya.Nagluto ako ng oats upang kahit papaano ay mayroon naman akong makain. Pagkatapos ay nag-backread ako sa mga text messages namin ni Ken.Mas lalo lang akong nalungkot sa ginawa ko. Sobra na ang pagka-miss ko sa kaniya.Naupo ako sa couch at saka isinandal doon ang likod at ulo ko. Napatulala na lang ako habang nakatingin sa kisame.“Ano ba talaga ang hindi ko maalala? Ano ba’ng nangyari sa atin dati?” tanong ko pa sa kawalan saka pa napabuntonghininga.Sa kaiisip, bigla kong naalala ang naikuwento sa akin ni Ken noon. Tungkol sa hindi niya magandang pagtrato sa akin, sa madalas niyang pagkabuwisit sa tuwing ginugulo ko siya. Ang sabi niya noon, ilan

DMCA.com Protection Status