“HOY, MARE!”
That was Gwen—my bestfriend. Sa tinis pa lang ng boses niya ay nakilala ko na siya kaagad.“Bakit? Ang ingay mo,” sabi ko. Isinukbit ko ang bag ko sa upuan at saka naupo.“Nakita ko si Lawrence, ang bango pa rin tingnan gaya ng dati.” May paghampas pa siya sa braso ko na para bang kilig na kilig.Napakunot ang noo ko. Sa pagkakatanda ko, ako ang nagka-crush kay Lawrence dati at hindi siya.“Saan mo naman nakita? Sino ang kasama?” tanong ko na lang sa kaniya kahit na alam ko naman na ang sagot doon sa pangalawa kong tanong.Crush ko noon si Lawrence Lucas. As in simula freshman year ko sa college ay gusto ko na siya. Nag-uusap naman kami pero hindi ko alam kung alam ba niyang may crush ako sa kaniya dati. Crush lang naman iyon, pinapalala lang nitong si Gwen. Sobrang loyal kasi ng lalaking iyon kay Maureen na girlfriend niya ngayon. Well, I am not sure kung girlfriend niya pa rin until now kasi on and off ang relationship nilang dalawa. Kahit ilang beses silang mag-away, si Maureen pa rin ang pinipili niya no matter what happened.Mapapatanong ka na lang talaga kung bakit parang ang unfair ng Lord sa lovelife mo.“Masayang-masaya siya, mare, mukhang never ka niyang kakailanganin sa buhay niya,” may pang-aasar sa tonong sabi niya. “Nagkabalikan na ulit sila ni Maureen, magka-holding hands! Ganoon na ganoon, oh.” Idinemo pa niya kung gaano kahigpit ang paghahawakan ng kamay ng dalawang kinukuwento niya.Tinapik ko ang magkadikit niyang kamay. “Oo na, sila na ang forever, tinanggap ko naman na iyon. Ikaw lang naman itong hindi maka-get over. Para ngang mas affected ka pa kaysa sa akin,” umirap pang sabi ko.“Ang hina mo kasing magpapansin, mare. Tatanda kang dalaga kung ganyan ka parati, sige ka,” pananakot pa niya.“Okay lang, sila ang manghihinayang dahil hindi nila ako piniling jowain. Jowable kaya ako!” confident pang sabi ko.“Jowable, ah,” hindi naniniwalang sabi niya. “Eh, simula nang naging magkaibigan tayo, wala ni isang nanligaw sa iyo.”Sinimangutan ko siya kasabay ng masamang tingin. Totoo naman kasi iyong sinabi niya. Hindi naman ako pangit pero bakit nga ba hindi ako ligawin?“Anyway, natapos mo na ba iyong research natin? Kaloka, kamuntikan ko nang hindi magawa, buti na lang naalala ko kagabi. Wala tuloy akong maayos na tulog ngayon.” May nalalaman pa siyang padampi-dampi ng palad sa magkabila niyang pisngi na akala mo model ng kung anumang brand ng face powder.“Natapos ko na iyong sa akin. Doon ko sa Thanks-a-Latte ginawa, alam mo na, free wifi. Binungangaan pa nga ako ng isa sa mga employee roon.”“Bakit naman? Baka naman hindi ka bumili maski isang kape? May pagkakuripot ka pa naman,” tatawa-tawa pang sabi niya. Kilala talaga ako ng isang ito, eh.Ikinuwento ko sa kaniya ang nangyari kahapon hanggang doon sa scene na dumating si Ken.“Nakita mo nang malapitan si Sir King?” hindi makapaniwalang tanong niya. “Sobrang guwapo ba? Masungit o mabait? Ano ang hitsura niya kapag nagpa-pout? Sh*t.” Napahawi pa siya sa buhok niya saka napakagat sa ibaba niyang labi. “Nai-imagine ko pa lang iyong lips niya, gusto ko na siyang halikan.”Napangiwi ako sa sinabi niya. Minsan talaga ay may sapi ang isang ito at kung sino-sinong lalaki na lang ang pinapantasya.“Guwapo siya, clear skin, mas clear pa sa future natin,” simpleng sagot ko sa kaniya pero mukhang walang gana. Minsan kasi ay napapagod na ako sa kaharutan nitong kaibigan ko.Sa narinig niyang description ko kay Ken, kaagad na bumakas ang excitement sa mukha niya. Alam na alam ko na ang balak niyang gawin kapag ganyan ang hitsura niya.“Pumunta nga tayo minsan doon sa coffee shop, silipin lang natin siya,” pag-aaya niya sa akin na kaagad ko namang tinutulan.“Mare, huwag na. I-search mo na lang siya sa F******k dahil for sure ay may account siya roon. Mas matititigan mo pa siya nang matagal kapag doon mo siya tiningnan,” suhestyon ko.“So . . . ” inilapit niya nang husto ang sarili niya sa akin at malalim pang tumingin sa mga mata ko. “Alam mo iyong pangalan niya?”“Oo naman,” nang-iinggit pang sabi ko. “Hindi mo pa ba alam? Ang hina mo naman.” Ngumisi pa ako.“Ano ang pangalan niya?” Hinampas-hampas niya ako sa braso ko. Masakit. Nakalimutan niya yatang volleyball player siya.“Hulaan mo.” Dumila pa ako sa kaniya para lang asarin siya. Knowing her, hindi siya titigil hangga't hindi niya nalalaman ang pangalan ng lalaking iyon. ♡ ✿ ♡ ✿ ♡ SAKTONG DISMISSAL namin nang makatanggap ako ng text galing kay Ken. Kaya siguro kinuha non ang schedule ko sa school para malaman kung anong oras niya ako ite-text. KenCan’t fetch you today, sorry. Daan ka rito sa coffee shop.— received Ok.— sent “Mare, puntahan na natin si Papi King!”Tumakbo pa palapit sa akin si Gwen na kanina pang atat na malaman ang buong pangalan ni Ken. Dahil daw sa ayaw kong sabihin, siya na raw ang bahalang umalam niyon at heto na nga, nagpapasama pa siya sa akin ngayon doon sa coffee shop nito.Ang kaso . . . hindi puwedeng makarating ngayon si Gwen doon dahil baka malaman niyang nagtatrabaho ako sa lalaking iyon bilang girlfriend niya. Isang malaking ka-cheap-an ang ganoong klase ng trabaho at baka isipan pa ako ni Gwen nang masama.“Huwag ngayon, mare, sa ibang araw na lang. Hindi ba may pinapaayos pa si Maam Jannet doon sa research paper natin? Tapusin muna natin ngayon and then saka na tayo sumipat doon kapag okay na,” pagpalusot ko pa.“Sige na nga,” nakasimangot na sabi niya. “Nagi-guilty naman ako at mukhang bad influence pa ako sa iyo if ever na pilitin pa kitang pumunta roon. Running for Cum Laude ka pa naman.”“Sira! Ang arte mo riyan, ah. Basta sa susunod, sasamahan kita,” pangako ko pa sa kaniya.“Promise iyan, ha? Sige, uuwi na ako.” Nakipag-cheeks to cheeks pa siya sa akin bago na siya nagpaalam umalis.Nakahinga ako nang maluwang nang masiguro kong nasa malayo na ang sinakyan niya. Nagsimula na akong maglakad papunta sa coffee shop para kitain si Ken.“Ano na namang ginagawa mo rito? Makiki-wifi ka na naman ba, ha?” taas-kilay na namang tanong sa akin ni Bianca. Sa dami naman ng puwedeng sumalubong sa akin dito, ang babaeng ito pa talaga.“Don’t worry, hindi ako makiki-wifi today. Actually, pinapatawag ako ng boss mo, ako na yata ang ipapalit sa iyo,” pang-inis na sabi ko. Effective naman kasi mukhang naiinis nga siya.“Bakit ako maniniwala sa iyo? Nasaan ang appointment mo?” mataray pang tanong niya.“Wala akong ganoon. Bakit ba ayaw mong maniwalang pinapunt—”“Hindi puwede. Labas!” Humawak siya sa braso ko saka ako hinila palabas ng coffee shop. Talagang doon siya sa tabi ng glass sliding door tumambay para hindi ako makapasok.Napaka g*go talaga ng ugali ng isang ito. Masyadong pambuwisit ng araw.Naghintay ako sa labas ng coffee shop. Tinext ko si Ken pero hindi siya nagre-reply.“Bakit ka narito?”Napalingon ako sa nagsalita.“Uy, Karl,” tumingin ako sa paligid para masigurong ako nga ang kinakausap nitong si Karl. “Ano, kasi . . . ”Karl Timothy Santiago—schoolmate ko siya at isa rin sa mga naging crush ko ngayong college. Ang family nila ang may-ari ng school na pinapasukan ko ngayon.“Gusto mo bang pumasok sa loob?” tanong niya sa akin na may halong pagtataka.“Oo, sana. Kaso, hindi ako pinapapasok ng babae kasi nagkasagutan kami noong nakaraan dahil sa wifi,” paliwanag ko.Tiningnan niya iyong babaeng tinutukoy ko at nakita ko pang kumunot ang noo niya.“Hindi naman siya ang may-ari niyan,” sabi pa nito. “Come on.” Hinawakan niya ang kamay ko saka hinila papasok sa coffee shop. Nagulat pa iyong Bianca nang makita niyang hawak ni Karl ang kamay ko.“Pumili ka ng coffee,” utos pa sa akin ni Karl matapos naming i-occupy ang isang table.Nakatitig lang ako sa kaniya. Hindi ako makapaniwala. Totoo ba ito? Kasama ko ngayon si Karl Timothy?“Hey, are you alright?”Nabalik lang ako sa ulirat nang narinig ko siya muling magsalita. Sh*t, totoo nga. Kasama ko nga siya ngayon! KenWhere are you? Susunduin na lang kita.—received Narito na ako sa baba, Ken. May kasama ako. Hindi ako makaakyat kasi hindi rin ako pinapayagan ni Bianca na makausap ka.— sent “Try this peach cobbler flavored coffee,” suhestiyon pa ni Karl habang ipinapakita sa akin ang picture ng kapeng tinutukoy niya na nasa menu. “Masarap ito. For sure babalik-balikan mo ito rito,” dugtong niya nang may kasamang ngiti.Hindi ko mapigilang hindi kiligin dahil sa nangyayari. How come na out of the blue ay makakasama ko nang ganito si Karl? Tapos siya pa ang namimili ng kapeng iinumin ko.“Orderin na natin, ha?”Tumango na lang ako.Tinawag niya si Bianca. Taas-noo naman itong lumapit papunta sa amin. Hindi ngumingiti.“Ikaw ang mag-utos sa kaniya. Iparamdam mo kung ano ang totoong role niya rito sa coffee shop na ito,” nakangising sabi ni Karl sa akin. “Let you remind her na sa lugar na ito, hindi siya ang boss.”Nangisi rin ako sa plano ni Karl. He’s right, kailangang matutuhan ng babaeng ito ang leksyon niya.Kinuha ko iyong menu para basahin iyong kapeng tinutukoy niya. Nag-cross legs pa ako saka mataray na tumingin sa kaniya.“Two peach cobbler flavored coffee, please?” I said. “And please, make it fast.”Padabog niyang isinulat ang order ko sa papel at umiirap na tumalikod sa amin. Nanliliit ang mga mata ko habang sunod ang tingin sa kaniya.“Bakit kaya tinanggap dito ni Ken ang babaeng iyon?” hindi makapaniwalang tanong ko. Akala mo kasi ay pinaglihi sa sama ng loob. Ako pa talaga ang napili niyang pagdiskitahan.Pinakatitigan kong muli iyong menu at napatingin sa presyo ng kapeng pinaorder ni Karl. Halos masamid ako sa sarili kong laway nang makita ko iyong presyo. Php.650.00!?“Oh, bakit parang gulat na gulat ka?” takang tanong pa ni Karl.“Ang mahal pala ng kapeng ito!” pabulong na sigaw ko. Tawang-tawa naman siya nang makita niya ang hitsura ko. Wow, hindi naman halatang can’t afford ko iyong kapeng ito, hindi ba?“Hindi ko naman sinabing mura iyan, Laurice,” tumatawa pa ring sabi niya. “But, don’t worry, libre ko naman.”Nakahinga ako nang maluwag nang marinig ko ang sinabi niya. “Jusko, salamat naman kung ganoon.”Nakita ko si Ken na pababa sa hagdanan ng coffee shop kaya kaagad akong kumaway sa kaniya nang may kasama pang ngiti. Napansin ko rin ang pagdapo ng tingin ni Karl sa kaniya.“Bro,” bati sa kaniya ni Karl nang makalapit na siya sa amin.Kinuha ni Ken ang isang kamay ko at hinigit ako patayo. “Come on.”Nawala ang ngiti sa labi ko. Bahagyang kumunot ang noo ko dahil sa pagtataka. Sinubukan kong kunin ang kamay ko sa kaniya pero mahigpit ang pagkakahawak niya sa akin.“Ken—”“Shut up,” pigil niya sa akin. Seryoso ang pagkakasabi niya at sa hindi ko malamang dahilan, naramdaman ko ang galit na mayroon siya.Hinila niya ako paakyat ng hagdan—dere-deretso sa opisina niya kung saan kami nagkapirmahan kahapon.“Ano ba ang problema mo?” inis na tanong ko. Binawi ko ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya.Minsan lang sa buhay ko mangyayaring makasama sa pagkakape ang lalaking minsan ko nang nagustuhan pagkatapos ay sinira pa nitong isang ito dahil sa hindi malamang dahilan?“Kung hindi pa ako bumaba, hindi ko pa malalamang kasama mo ang tarantadong iyon!” galit ding sagot niya sa akin.“Wala naman kaming ginagawang masama!”“Drinking coffee together behind my back? Sa coffee shop ko mismo, Love, are you insane!?”“Schoolmate ko si Karl, and for Pete’s sake, walang malisya iyon!” Sa kaniya. Sa akin mayroon, huhu sayang talaga ang pagkakataon.“And he’s my f*ckin’ friend . . . and a guy . . . for Pete’s sake!”Napasabunot ako sa sarili ko dahil sa pagtatalo naming ito. Napaka simpleng pagkakape lang niyon, nagagalit na siya kaagad.“I told you, as long as you’re working with me, ayokong may pumoporma sa iyo.”Napahilot ako sa sentido ko at huminga muna nang malalim bago sumagot. Ayoko naman siyang mataasan ng boses lalo pa’t nauna na ang sahod ko kaysa sa pagpapanggap ko.“Hindi niya ako pinopormahan, Ken. Siya ang tumulong sa aking makapasok dito dahil ayaw akong papasukin ng empleyado mo, okay?”“Hindi pinopormahan, ha? Kung wala siyang gusto sa iyo, dapat matagal na niyang sinabi na nakita ka na pala niya two f*ckin’ years ago! Hindi ka dapat niya tinago sa akin nang ganoon katagal kung wala siyang ibang balak sa iyo!”Saglit akong napatigil at tumitig sa kaniya. “Ano bang sinasabi mo? Anong tinago? Bakit niya ako itatago?”Naupo siya sa swivel chair niya at napabuga ng hangin. Naihilamos niya ang kamay niya sa mukha niya. He’s trying to calm himself right now.“Ken, ano ba ang sinasabi mo?” tanong ko ulit sa kaniya. Naupo na rin ako sa upuang katapat ng mesa niya at naghihintay sa isasagot niya. Itinuon niya ang tingin niya sa akin pero kaagad naman niyang binawi iyon.“Kalimutan mo na ang sinabi ko.”Nagsalubong ang kilay ko. “Naguguluhan ako, malinaw sa pandinig ko ang sinabi mo. Ano ang ibig mong sabihin na itinago ako ni Karl sa iyo? Bakit niya iyon gagawin?”“Sinabi ko nang kalimutan mo na.” Tumayo siya at kinuha ang coat niyang nakasabit sa swivel chair at lumakad papunta sa harapan ko. He intertwined his fingers on mine. “Come on, let’s go home.”“WE’RE HERE.”Napatingala ako nang husto nang marating namin ang isang mataas na building. Kilala ang building na ito dahil isa ito sa mga sikat na hotel hindi lang dito sa lugar namin kundi sa iba pa. Mga mayayaman kasi ang kadalasang guests dito at halos dito rin ginaganap ang mga special events sa buhay ng mga kilala at matataas na tao.“Dito ako titira?” tanong ko sa kaniya sa hindi makapaniwalang tono.Tumango siya sa akin. Hindi ko maitago ang excitement sa katawan ko habang pinapakatitigan ang hotel na tutuluyan ko simula sa araw na ito.“Grabe, para akong nananaginip habang nakadilat ang mga mata ko. Ni minsan nga ay hindi ko naisip na titira ako sa ganito kagandang lugar.”“Well, kailangan mo nang masanay dahil ito na ang palaging uuwian mo.” Naramdaman ko ang paghawak niya sa baywang ko. “Tara, dadalhin na kita sa unit mo.”Mula paglabas sa coffee shop hanggang sa marating namin ang hotel na ito ay hindi na kami ulit nag-usap ni Ken dahil sa naging pagtatalo namin kanina. Buo
“KING, IBA ang ngiti natin ngayon, ah,” pang-aasar sa kaniya ni Kobe—isa sa mga kaibigan niya. Inaya kasi siya nito maglaro ng basketball. At ngayon nga ay kasalukuyan silang nagwa-one on one.“I finally found her, Tanda,” sagot sa kaniya ng kausap.Hawak ni Ken ang bola. Inaagaw ito sa kaniya ni Kobe habang todo iwas naman sa kaniya iyong isa. Hindi tuloy makapaniwala si Ken kung paanong naging coach ng basketball ang kaibigan niya gayong hindi naman nito maagaw sa kaniya ang bola.“Sino?” tanong ni Kobe na ngayon ay tagaktak na ang pawis sa noo. Medyo hingal na rin ito.“Queen.”Humakbang paatras si Ken saka inihagis ang bola sa ere para mag-shoot. Pasok!Napahinto sa paglalaro si Kobe at hindi makapaniwalang tumingin sa kaniya “You mean . . . ”Tinanguan lang siya ng kausap habang nagpupunas ng pawis.“Wow, kailan mo pa siya nakita?”“Matagal na. Halos anim na buwan na rin simula noong una. Pero isang linggo mahigit ko pa lang siya ulit nakakasama. Pinauwi ko siya sa unit na dati pa
“KING, MY Love!”Sinalubong si Ken ng isang babae pagkapasok na pagkapasok nito sa loob ng kanilang bahay. Tumalon pa siya para lang yumakap sa kaniya. Bakas ngayon sa mukha ng lalaki ang pagkainis.“Bakit ba narito ka na naman?” naiiritang tanong nito sa babae.Pabagsak na umupo ang lalaki sa upuan saka isinandal doon ang kaniyang ulo. May pasa siya sa mukha dahil sa pakikipag-away kanina sa mga lalaking nagtangkang humarang sa daraanan nila.“Wala lang, miss kaya kita nang sobra.” Tumabi sa kaniya ang babae at ipinulupot sa braso niya ang mga kamay nito. “May pasa ka na naman! Nakipag-away ka na naman sa labas, ano?” panenermon pa nito sa kaniya.“Pakialam mo ba? Umalis-alis ka nga sa harapan ko dahil nabubuwisit ako sa mukha mo. Hindi pa ba sapat sa iyo na pinilit mo akong maging boyfriend mo at buong buhay ko pa ang ginugulo mo?” asar na tanong na naman sa kaniya ng lalaki.“Hindi naman kita ginugulo, ah! Aalis na rin ako maya-maya lang, gusto lang talaga kitang makita,” nakanguso
NASA SASAKYAN na kami. It’s already 6:30PM nang magdesisyon na si Ken na umuwi dahil nga ang usapan ay 7 p.m. ay dapat nasa bahay na kami.Nakahawak lang siya sa kamay ko all throughout the ride at hindi man lang nag-atubiling magsalita ng kahit ano. Kapag ganito kasing tahimik siya, alam kong malalim ang iniisip niya or mayroong something na gumugulo sa kaniya.“Ken?” Diniinan ko ang pagkakahawak ko sa kaniyang kamay matapos kong tawagin ang pangalan niya. Nakatingin ako sa mukha niya na ngayon ay nakaside view sa akin dahil nga sa magkatabi kami ngayong nakaupo rito sa likuran ng sasakyan habang si Mang Calix ay nagmamaneho. Siguro ay kailangan ko lang siyang daldalin para matuon sa iba ang atensyon niya.“What?”Naramdaman kong ililingon niya ang ulo niya sa akin kaya kaagad kong iniwas ang tingin ko sa kaniya. Baka kasi ako naman ang hindi makapag-focus dahil sa mga titig niya kaya naman mas pinili kong sa rear view mirror na lang siya silipin. Hindi nga ako nagkamali. Ngayon nga a
“ANO NA naman ba ang ginagawa mo rito, Cia? Wala ka bang ibang pinagkakaabalahan sa buhay mo kundi ang buwisitin ako!?” bulyaw sa kaniya ng lalaki.“Hindi naman kita binubuwisit, ah!” nakangusong sabi ng babae sa kaniya. “Sabi ko naman sa iyo ay pupuntahan kita rito kapag may vacant time ako, hindi ba?”“Oras-oras ba iyang vacant mo? T*ngina!” Mababakas sa hitsura ng lalaki ang pagkainis. Para kasi sa kaniya ay walang ibang ginagawa ang babaeng ito sa buhay niya kundi ang manggulo at pataasin ang dugo niya.“Huwag mo na lang kasi akong pansinin, Love. Saka, bakit hindi ‘Love’ ang tinatawag mo sa akin, ha?!” kunwari pang naggagalit-galitan ang babae sa kaniya.Tanging masasamang tingin lamang ang iginaganti niya sa babae para maiparating dito ang pagkainis niya sa presensya nito. Ilang beses na niya itong itinaboy sa buhay niya pero hindi ito marunong sumunod.“Tingnan mo na, ang sama-sama na naman ng tingin mo sa akin, hindi naman kita inaano!” sabi ng babae na kulang na lang ay sabita
“MAG-AAPPLY KA sa AlPerez Hotel para sa OJT natin? Okay ka lang ba? Masyadong bigatin ang hotel na iyon, siguradong magbabayad ka nang malaki para tanggapin ka nila,” sabi sa akin ni Gwen.Narito kami ngayon sa isang bench na nasa ilalim ng lilim ng malaking puno. Nasa quadrangle kami ng school at inaasikaso ang mga curriculum vitae namin habang lunch break. Pinag-uusapan na rin namin iyong tungkol sa mga companies na puwede naming puntahan para sa on-the-job training namin.Hindi siya naniniwalang matatanggap ako sa hotel na iyon for OJT. Hindi ko kasi sinabing si Ken mismo ang nagsabi sa akin na gawin iyon. Kagabi kasi, bago matulog ay napag-usapan namin ang tungkol sa bagay na iyon.Speaking of kagabi. Pucha, hindi pa rin ako maka-move on sa isiping buong magdamag na nakadikit sa akin ang katawan ni Ken. Ayokong magpaka-manyakis ngayon pero kasi . . . ugh!“Oh, tingnan mo na, namumula na ang mukha mo sa hiya mo sa sarili mong pangarap, ano? Wala na bang mas mataas pang hotel kang bi
“IT’S TOO early, papasok ka na kaagad?” tanong sa akin ni Ken nang magkasabay kami sa elevator.Papunta na ako ngayon sa San Carlos University para ihatid itong letseng papel na ito. It’s just seven o’clock in the morning at alam niyang ten o’clock pa ang klase ko.“Oo eh,” sagot ko sa kaniya. “May dadaanan din kasi ako.”“Saan?” Nakapamulsang tanong niya. Hindi siya sa akin nakatingin kundi sa pababang numero sa elevator tanda na bumababa na kami ng floor. Nakaitim siyang sweatshirt at pants na pinartneran ng puting low cut converse shoes. May suot din siyang itim na cap. Batay sa ayos niya ngayon, mukhang hindi sa coffee shop ang punta niya.“Basta . . . school stuff,” simple kong sagot na sinabayan ko pa ng pagngiti.Ayoko nang malaman pa niyang sa San Carlos University ako pupunta dahil baka wala siyang ideya tungkol sa school na iyon pagkatapos ay bigla siyang sumugod. Baka mabugbog pa siya. Ano namang magiging laban niya kung sakali?“Do you want me to accompany you? Off ko ngayo
“HI, SIR, good afternoon po,” pagbati ko nang makapasok ako sa Principal’s office. Naupo ako sa upuan katapat ng desk niya. Kasalukuyan siyang may binabasang papel ngayon at ni hindi man lang ako nilingon kahit na sandali.“Ano ang pakay mo rito?” masungit pa niyang tanong sa akin. Matapos ay tinitigan pa ako mula ulo hanggang paa.Inilagay ko sa table niya iyong papel para sa mga magpa-practice teaching.“Ipinabibigay po ng Dean ng University de Santiago.”Tumango lang siya sa akin pagkatapos ay inilagay ang iniabot kong folder sa ibabaw ng iba pa niyang papeles na nasa ibabaw ng mesa niya. Tumayo siya at lumapit sa mga kumpol din ng mga files na nakalagay sa drawer hindi malayo sa mesa niya. May kinuha siyang isang green na folder at iniabot iyon sa akin.“Ibigay mo naman ito sa Dean ninyo at bumalik ka rito para sa magiging sagot niya.”I just smiled at him bitterly. Asa ka pang babalik ako sa impyernong ito.Inilagay ko na iyong folder sa loob ng bag ko at pagkatapos ay nagpaalam n
HANGGANG SA tapat ng unit ni Karl sa Wonder Palace ay inihatid nila ako. Akala mo nga kilala akong tao at kailangan pa talaga ng maraming bodyguards.“Sige na, puwede na ninyo akong iwanan dito . . . kaya ko na,” sabi ko sa kanila nang nasa tapat na kami ng pintuan.“Are you sure na wala kang sugat or anything na gusto mong ipa-check sa doktor? Ayaw mo nang magpa-check para masigurong ayos ka?” nag-aalala pang tanong sa akin ni Karl.Napatawa na lang ako sa labis niyang pag-aalala. Ilang beses niya ba kasi ako kailangang tanungin kung may sugat ako? Bukod sa pagod, wala na akong ibang nararamdaman sa katawan ko.“Huwag na ninyo akong alalahanin. Ang mga sarili ninyo ang asikasuhin ninyo nang makapagpahinga na kayo. Kayo itong puro galos at tama ng bala sa katawan.” sabi ko. Paano ba naman kasi, parang wala man lang silang iniinda sa mga katawan nila. Akala mo mga matatandang may anting-anting!Nagpaalam na silang lahat sa akin at ako naman ay pumasok na sa unit. Kaagad na nahiga ako s
MULING INANYAYAHAN sa labas ang mga taong nakaligtas sa nagdaang Death Hour. Doon kasi ipa-flash sa screen ang mga larawan at pangalan ng mga nasawi sa nasabing event. Bakas sa mukha ng mga natira ang labis na kaba at pangamba lalo na at may mga kakilala, kaibigan, o kagrupo silang hindi pa natatagpuan o nababalitaan. Kung sa umpisa ng annual event na ito ay mababakas mo pa ang pagiging sopistikado ng mga tao gayundin ang magarang ambiance ng paligid, ngayon naman ay wala kang ibang makikita kung hindi ang gulo ng paligid at dama mo ang mabigat na nararamdaman ngayon ng mga kalahok sa nasabing event. Maski nga sa iilang mga table cloth na ibinalik pantakip sa mesa ay may mapapansin ka pang mangilan-ngilang bakas ng dugo. Bagamat naiayos nang muli ang mga mesa at upuan, nagmistula namang ghost town ang paligid sa sobrang tahimik nito. Tanging ang sipol ng hangin nga lamang ang maririnig mo at ang mata ng lahat ay tutok na tutok lamang sa malaking white screen na nasa stage kung saan
“THE DEATH hour will start in 3 minutes,” muling anunsyo matapos na magpaputok nang sunod-sunod. Dali-dali kaming nagsitayo at muling nagsipagtakbuhan. Tatlong minuto na lang at mas gugulo pa sa lugar na ito. Napaka ingay na sa paligid, halos hindi na nga magkarinigan. May ilan ngang umiiyak na dahil sa takot at kaba. Napakaraming mga sibilyan dito. Malaki ang posibilidad na kahit hindi kami miyembro ng anumang gang ay mapapahamak kami rito. “Karl, nasaan ka na!?” sigaw ko pa ulit habang tumatakbo kahit pa alam ko namang malabong marinig niya ako. Pero hindi pa rin ako nawawalan ng pag-asa. Halos nagkakandapatid-patid na nga rin ako dahil sa napaka habang gown na suot ko pero nagpapatuloy pa rin ako. Hindi ako papayag na dito kami mamamatay ng anak ko. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. Nanginginig nga ang mga laman-laman ko—napakalamig maging ng pawis ko. Ang daming masasamang bagay ang pumapasok sa isip ko ngayon. Sinisisi ko pa ang sarili ko dahil hinayaan kong bitiwan ako ni
“WHAT ARE you doing?” takang tanong ko kay Karl. “Talagang ikababaliw mo ang lahat kung patuloy mo silang panonoorin. Kumalma ka riyan,” sagot niya sa akin. Nakahawak sa ulo ko ang kamay niya—nakaalalay. Pero ang atensyon niya ngayon ay naroon na sa nagsasalita sa stage. “Buti pa itong si Karl, sweet. Hindi katulad nitong si Lawrence na walang ibang ginawa kundi mambuwisit sa akin,” rinig kong sabi ni Maureen saka hinampas sa braso ang boyfriend niya. “Darling, I want to pee. Samahan mo ako sa CR, please?” malandi pang pakisuyo ng babaeng intrimitida. Napaarko na naman ang kilay ko. Talaga bang kailangan pa niyang magpasama? Si Ken ba ang gusto niyang magbaba ng panty niya!? “Alright, come on,” walang pag-aalinlangang sagot ni Ken. Napaangat ako ng ulo at napasunod ng tingin sa kanila nang iwanan na nila kami sa puwesto namin. Nakaangkla ang braso ng babae sa kaniya at nakasandal pa sa braso niya ang ulo niyon habang naglalakad. Nakakainis na habang papalayo sila ay muli akong n
“SURE BA kayo sa plano?” tanong ni Harvey sa apat pagkarating na pagkarating nila sa tagpuan ng grupo–sa headquarters. Iniwan na nila sina Ciashet at Karl sa unit nito. Si Ken naman ay nasa sarili niyang unit at naglilibang ng sarili. Si Lawrence naman ay may date kasama ang girlfriend na si Maureen. “Sure na,” sagot ni Kobe. Halata sa mukha niya na hindi naman talaga siya sigurado pero kailangan nilang sumugal para roon sa dalawa. “Si Karl talaga ang kakausapin natin na gumawa niyon?” paninigurong tanong pa ulit ni Harvey. Gusto nilang pag-isipan muna nang maigi ang plano bago nila ito isagawa. Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na talagang nagkaroon ng feelings si Karl noon kay Ciashet at hindi naman malabong mangyari iyon ulit ngayon. Baka mas lalo lang hindi maging maganda ang samahan ng dalawang magkaibigan dahil dito. “Siya lang ang may kakayahang gumanap, eh,” sagot muli ni Kobe pagkatapos ay naupo sa maliit na sofa. “At isa pa, hindi ba’t dahil lang din sa pagseselos
“Halika rito, mare, bilisan mo,”Hila-hila ako ngayon ni Gwen dito sa SM Megamall para maglibot-libot. Hindi ko alam kung ano ang gusto niyang bilhin pero lahat na yata ng stores dito ay napasok na namin pero wala pa rin siyang nabibili maski na isa. Konti na nga lang ay iisipin ko nang nagwi-window shopping lang ang isang ito, eh.“Ano ba talaga ang gagawin natin dito, mare? Napapagod na akong maglakad,” reklamo ko pa sa kaniya. Isang buwan pa lang ang baby ko ay parang gusto na akong matagtag nitong kaibigan ko, susme.“Naghahanap kasi ako ng dress para sa magiging date namin ni Kobe. Hindi ba kauuwi lang nila ngayon mula sa Batangas? Bukas lalabas kami kaya kailangan kong maghanda. So please, help me, okay?”“Handang-handa ka naman masyado. Kailangan ba talaga bago ang damit kapag makikipag-date? Saka . . . may label na ba kayo, ha?” tanong ko pa sa kaniya.Saglit siyang napahinto sa paglalakad saka pa nakangusong lumingon sa akin.“Huwag ka ngang manira ng trip diyan, mare. Huwag
NAGISING AKO sa sunod-sunod na doorbell mula sa labas ng pinto ng kuwartong tinutuluyan ko ngayon. Ikatlong araw ko na pero hindi ko pa rin kilala iyong mystery guy na tumutulong sa akin.Nag-inat muna ako ng katawan at saka pa napahikab. Puro tulog lang naman ang ginagawa ko rito pero pakiramdam ko ay palagi pa rin akong pagod.Panay pa rin ang pagtunog ng doorbell. Nagdesisyon na akong bumangon at lumabas ng kuwarto para silipin sa peephole kung sino ang nagdo-doorbell.“Karl?”Kaagad kong binuksan ang pinto at magkasalubong ang kilay ko siyang hinarap.“Masyado pa bang maaga ang pagpunta ko? Mukhang kagigising mo lang, may panis na laway ka pa sa pisngi,” sabi pa nito saka dere-deretsong pumasok sa loob ng unit na tinutuluyan ko.Hindi ako kaagad nakapagsalita. Ni hindi ko na nga napigilan ang pagpasok niya. “Hoy, Karl, ano’ng ginagawa mo rito!? Paano mo nalaman na narito ako!?”Ipinasok niya sa kanan niyang tainga ang kanan niyang hinliliit na para bang naiingayan siya sa akin.“
“WHAT’S WRONG with her? Parang hindi siya iyong nakakainis na babaeng kilala ko. Mukhang natutuhan na niyang mag-isip.” Naguguluhang tanong ni Ken.Hindi na kasi nawala sa isip niya ang hitsura ni Ciashet kanina. Malayong-malayo umano sa Ciashet na kilala niya ang kaharap niya kanina. Kaya nga sobra siyang nanibago habang pinakikinggan niya ang mga sinasabi nito.Nasa ospital ang lahat ng kaibigan niya. Paano ba naman ay ipinatawag niya ang mga ito para ikuwento ang nangyari at pamamaalam ni Ciashet kanina sa kaniya. Dati-rati, sa tuwing sinasabi sa kaniya ng babae na titigilan na niya ito, kinabukasan ay alam niyang nariyan na naman iyon para manggulo.Pero ibang-iba ngayon. Nabakas niya ang kaseryosohan sa desisyon na iyon ni Ciashet.“I told you, King, hindi na siya iyong Ciashet na naaalala mo dahil nga four years ago na iyon! Ewan ko ba sa iyo kung bakit ayaw mong maniwala na mayroon na nga kayong relasyon. Hinanap mo siya, dude, hinanap mo!” Naiinis nang paliwanag sa kaniya ng k
SA ALPEREZ’ ako inihatid ni Karl. Nauna muna naming ibaba si Tita Babs sa bahay nila kanina. Ayoko munang mag-stay doon dahil hindi ko gusto ang ambiance ng bahay nila ngayon dahil sobrang lungkot. Gusto kong baguhin ang mood ko dahil ayokong ipakita kay Ken na nasasaktan ako sa nangyayari sa amin. Gusto kong maging malakas para sa kaniya.Nagluto ako ng oats upang kahit papaano ay mayroon naman akong makain. Pagkatapos ay nag-backread ako sa mga text messages namin ni Ken.Mas lalo lang akong nalungkot sa ginawa ko. Sobra na ang pagka-miss ko sa kaniya.Naupo ako sa couch at saka isinandal doon ang likod at ulo ko. Napatulala na lang ako habang nakatingin sa kisame.“Ano ba talaga ang hindi ko maalala? Ano ba’ng nangyari sa atin dati?” tanong ko pa sa kawalan saka pa napabuntonghininga.Sa kaiisip, bigla kong naalala ang naikuwento sa akin ni Ken noon. Tungkol sa hindi niya magandang pagtrato sa akin, sa madalas niyang pagkabuwisit sa tuwing ginugulo ko siya. Ang sabi niya noon, ilan