Isang malaking bangungot ang pagdating ng isang marriage contract kay Luis na babago sa kanyang buhay. Matatali siya sa babaeng kinaiinisan niya ng sobra at kailanman hindi niya hiniling na maging asawa. At para makuha ang inaasam nitong mana, nakiusap siya sa babae na magkunwari silang masayang mag-asawa. Kasabay ng pagpapanggap nila ay kanila ring inaasikaso ang pagsasawalang bisa ng kanilang kasal. Pero sa kasamaang palad, unti-unting mahuhulog ang loob nila sa isa't isa. Alin kaya ang matutuloy, ang kanila kayang annulment o ang pag-iibigan nilang dalawa.
View More"Luwi, ano, dadalo ka ba ng burol?" Matagal bago sinagot ni Luis ang tanong na 'yon ni Chris mula sa kabilang linya. Abala siyang inaayos ang kanyang gamit na dadalhin dahil mayamaya lamang ay flight na niya paalis ng bansa. Kagabi pa siya kinukulit ng kanyang mga kaibigan lalong-lalo na si Chris kung dadalo ba siya ng burol kinabukasan which is ngayon na. Gustuhin man niyang dumalo pero mas mahalaga sa kanya ang kanyang lakad. Wala siya sa wisyo para dumalo ng burol. Gusto niya ng peace of mind kaya mas pipiliin niyang huwag nalang dumalo."Sabihan mo lang ako kung oo, ipapasundo kita kay Manong Pito, ha?" Napakamot ng ulo si Luis sa inis dahil sa pagiging makulit ni Chris. Kung nasa harapan niya lamang ito ay baka kanina niya pa ito binatukan. Sa halos trenta minutos na niyang kaharap si Chris sa kanyang selpon, wala itong bukambibig kundi ang pagdalo nito sa burol na wala naman siyang balak daluhan."Anak ng yawa, Chris, hindi nga 'ko dadalo. Ang kulit mo naman. Kanina ka pa ah.
"Twenty-four hours left. Just fucking twenty four hours, Mahana..."Pagkatanggap niya sa ibinalita ng doktor na mayroon na lamang bente kuwatro oras upang maisalba ang buhay ni Mahana sa pamamagitan ng pagkakaroon niya ng malay. Hindi na siya makaalis sa tabi ng babae. Hindi niya magawang bitawan ang mga kamay nito. Hindi niya magawang alisin ang tingin niya sa maamo nitong mukha. Natatakot siya na baka sa susunod na mga segundo ay biglang mawala ang babae."Please, wake up, love...please..." Pakiusap nito. Basang-basang na ang mukha nito ng luha na umaagos mula sa kanyang mga mata.Kasama niya sa kwarto ang pamilya ni Mahana na naghihintay rin sa paggising nito. Maski ang mga ito ay nilalamon rin ng takot. Lahat sila ay hindi mapalagay. Lahat ay ayaw iwan si Mahana at ninanais na manatili na lang sa tabi nito. Nagbabakasakali silang gigising ito sa pamamagitan ng tahimik nilang mga dasal."Luwi.."Napalingon si Luis nang bumukas ang pinto at iniluwa noon si Rhaiven kasama si Chris. N
"Mahana, anak ko..."Maririnig sa kuwadradong silid na kinaroroonan nila ang masakit na paghagulgol ni Meredith habang yakap-yakap nito ang kanyang anak na si Mahana na walang malay na nakahiga sa hospital bed.Sa tinig ng pag-iyak nito ay sapat lamang upang maramdaman nila ang sakit na dumudurog sa dibdib ng ginang. Walang nagawa ang apat na lalaki kundi ang panoorin na lamang ang ginang at hayaan na maramdaman ang yakap nito mula sa kanyang anak.Napayuko si Luis dahil nahawa siya sa pagiging emosyonal ni Meredith. Sinubukan niyang itago ang emosyon nito pero habang naririnig niya ang pag-iyak ng ginang ay nadadala siya. Naramdaman niyang hinagod-hagod ni Rhaiven ang kanyang likod, nakatulong naman iyon ng konti para gumaan ang kanyang pakiramdam. Malaking pasasalamat niya na sa kabila ng hindi nila pagkakaintindihan ni Rhaiven ay nagawa pa rin siya nitong tulungan."Sir...patawarin niyo po ang anak ko..."Napunta ang kanilang tingin kay Meredith na dahan-dahan na naglakad palapit
"She's a cancer patient, Luis.."Halos malaglag ang panga ni Luis matapos marinig ang balitang iyon mula sa Lola Luisa niya. Ang salitang cancer rin ang tumatak sa mata niya pagkakita sa iniabot nitong envelope kanina na naglalaman ng impormasyon sa totoong karamdaman ng babae.Nakaramdam ng panlulumo si Luis matapos malaman ang totoo. Gusto niyang sumigaw. Gusto niyang tumayo kaagad upang puntahan si Mahana pero ramdam niyang wala siyang lakas. Mas nanaig ang kalasingan na kanyang nararamdaman."No...you're joking, La. She's not..." napailing-iling pa si Luis na pilit hindi pinapaniwalaan ang kanyang nalaman. Nag-unahang bumagsak ang mga butil ng luha sa kanyang pisngi. "Apo, kaya siya pumayag sa gusto ng mama mo ay dahil gusto niyang makita ang tatay niya bago siya mawala. Ang kapalit ng pagpapanggap niya at panloloko sa'yo ay ang pagkikita nila ng tatay niyang matagal na niyang hinahanap. Nararamdaman na kasi niya na hindi na siya magtatagal. She take risk, Luis." Pagpapaliwanag n
"Matagal na naming alam." Pambabasag ni Rhaiven sa katahimikan habang pinapanood nila si Luis na nilulunod ang sarili sa alak. Ni hindi na nila ito maawat at walang kahirap-hirap na inuubos ang mga alak na inorder nito. Napahinto si Luis sa paglagok ng bote ng alak na kanyang hawak. Diretso niyang tinapunan ng tingin si Rhaiven na seryosong nakatitig naman sa kanya. "What do you mean?"Nagkatinginan muna ang tatlo. Matagal na silang may alam pero nanatili silang tahimik at hinayaan na si Luis mismo ang makabisto kay Mahana. Palihim naman nila itong minamanmanan nang sa ganon ay may ebidensya sila kung sakaling pilit itong ideny ng babae.Sinenyasan ni Kenneth si Rhaiven na siya na lamang ang magpaliwanag kay Luis. Tutal siya naman ang unang nakaalam ng katotohanan dahil pasikreto itong kumuha ng imbestigador upang asikasuhin ang kaso nina Luis. Sa hindi inaasahang pagkakataon, may hindi kanais-nais siyang nalaman at iyon ay dawit si Mahana."Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin
"Let's talk, Mahana..."Malalaking hakbang ang ginawa ni Luis para maabutan si Mahana na dali-daling naglalakad papunta sa kwarto nila sa tinuluyan nilang hotel. Gusto niyang malaman ang katotohanan sa paratang ng kanyang pamilya laban kay Mahana. Hindi nag-antubili si Mahana na ipaliwanag ang kanyang sarili matapos ang hindi inaasahan na pagbubuking ng pamilya ni Luis sa kanya. Ang tanging paraan na naisip niya lang ay ang magwalk-out. Hindi siya nakapaghanda sa bagay na 'yon na matutuldukan ng biglaan ang kasinungalingan niya."Luis, please, huwag ngayon...." Mabilis na binawi ni Mahana ang braso niya na nahuli ni Luis pagdating nila sa tapat ng kanilang kwarto. Sinamantala ni Mahana na pihitin ang doorknob para makapasok na siya sa loob kahit ang totoo ay wala siyang takas kay Luis. "Hana, ano ba! Kausapin mo 'ko.." muling humakbang ng malaki si Luis upang maabutan si Mahana nang tuluyan na silang makapasok ng kwarto. Sinubukan niyang pakalmahin si Mahana upang makausap niya it
"Small world nga naman at dito pa tayo nagkita-kita. Kayo naman, hindi naman kayo nagsabi na pupunta pala kayo ng Baguio, e di sana nakisabay na kami para isahan na lang 'yong pagbyahe natin." Usisa ni Arlene, ang ina ni Luis."Unplanned rin po kasi 'tong pagpunta namin dito, Ma. Napaluwas lang kami ng biglaan ni Hana kahapon, right love?" Sagot ni Luis saka hinimas ang bandang balikat ni Mahana kung saan siya nakaakbay. Hindi makatingin ng diretso na tumango-tango si Mahana. "Yeah." Pilit pa itong ngumiti.Sa kabilang dako, pinasadahan ni Arlene ng tingin ang kaniyang daughter in law na si Mahana habang abala si Luis na kinakamusta ang Lola Luisa nito na noon ay bagong pasok lang ng hotel. Napangisi siya ng bahagya saka napabuga ng hangin."Hi, hija. Long time no see." Usisa ni Lola Luisa, lumapit naman si Mahana upang makipagbeso rito at kapansin-pansin ang pilit na pilit nitong pagngiti na animoy hindi komportable sa presensya ng pamilya ni Luis. "How are you, hija? Ang tagal ka n
"Luis, akin na 'yan, please."Sinubukang agawin ni Mahana ang hawak ni Luis na folder kung saan nakalagay ang mga dokumento na kaniyang ginamit upang ilakad ang kaniyang pag-alis ng bansa. Hindi niya inaasahan na mahahalungkat iyon ni Luis kahit pa man nakatago na iyon sa hindi masyadong napapansin na sulok.Kahit na anong pang-aagaw ang gawin ni Mahana, hindi niya makuha-kuha iyong folder dahil mabilis na iniilag ni Luis iyon gamit ang kaniyang kamay kasabay ng masamang titig nito sa kaniya. Doon na nakaramdam si Mahana ng kaba at takot lalo na at hindi siya handa sa panahon na iyon na malalaman ni Luis ang buong katotohanan sa madalas nitong paglabas at hindi pagsama sa lakad ng pamilya."Please, Luis, i-ibigay mo na 'yan sa akin." Pagmamakaawa ni Mahana, namumuo na rin ng luha sa gilid ng kaniyang mata dala ng kaba at takot. Nanginginig ang kaniyang buong katawan at hindi niya alam kung paano niya ipapaliwanag ang lahat sa lalaki. "No!" Pagmamatigas ni Luis sa maawtoridad na tinig
"Are you out of your mind, Luwi? Seryoso ka? Hindi ka tutuloy sa seminar na 'yon?"Inaasahan na ni Luis na ganoon ang magiging reaksyon ng kaniyang mga kaibigan sa pang-rereject na ginawa niya sa seminar na inalok sa kaniya. Nadismaya ang kaniyang mga tropa dahil pangarap niya noon pa man na mapasali sa seminar na iyon lalo na at nandon ang hinahangaan nitong businessman."Oo nga, pre, hindi ako tutuloy." Pagkumpirma nito. "Tsk!" Napailing-iling si Kenneth. "Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maiinis sa mga pinaggagagawa mo, Luis. Una, inurong mo 'yong kaso dahil sa kahibangan mo na ayusin ang sa inyo ni Mahana kahit alam natin na konting panahon na lang ay malalaman na natin kung sino ang may kagagawan ng pekeng kasal niyo. Tapos ngayon, nireject mo ang seminar na pinapangarap mo simula pa nong highschool tayo, para ano? Para kay Mahana na naman? Pre, ang dami mo ng sinasayang na opportunity oh." Pamamaktol nito dahil hindi na siya natutuwa sa mga desisyon na ginagawa ni Luis.Sin
Breath in....Breath out....Breath in....Breath out....Hindi mabilang na buntong-hininga ang nagawa ko matapos buksan ang bagong dating na papel sa akin na ngayon ay hawak-hawak ko na nagiging dahilan para manginig ang kamay ko sa kaba.Titig na titig ako sa kapirasong papel na hawak ko na hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Gusto ko itong punitin pero naubusan ako ng lakas. Hindi maalis ang tingin ko sa dalawang salita na alam kong makakapagpabago sa buhay ko.Sinusubukan kong iproseso ng maayos kung tama ba ang pagkakabasa ko sa dalawang salita na malalaki na nakasulat sa pinakaitaas ng papel. Marunong naman ako magbasa pero bakit nabobo ako bigla sa papel na ito? Bakit biglang hindi gumana ang utak ko?Sa isang iglap, hindi ko akalain na biglang magbabago ang buhay ko. Isang gabi na puno ng saya pero nabahiran nito ang nananahimik kong buhay ng kaba at pangamba.Paano ko haharapin ito? Hindi ako naging handa sa bagay na ito. Wala pa ito sa plano ko pero dumating ito sa pan...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments