LUIS'S POV
"Yeah! Inom pa! Magpakalasing tayo ngayong gabi..."Walang kahirap-hirap ko na itinungga ang bagong bukas na wine na kinuha ko mula sa cabinet ng condo ko. Oo, nandito kami sa condo ko, hindi dahil nagtitipid kami kundi dahil dito mas komportable kaming uminom, iwas pa sa gulo.Kumuha rin ako ng ilang plato dahil sakto na kararating din ng inorder kong pulutan namin sa isang fastfoodchain. I was with my friends, Kenneth and Chris, Rhaiven's presence is absent, as usual. Dinadamdam niya pa rin hanggang ngayon 'yong pagkawala ni Haila sa kaniya. Although, hindi naman namin siya masisisi kung bakit ganoon katagal siya magmoveon.After our graduation, wala na yata kaming ginawa kundi ang icelebrate ang achievement na nalagpasan namin ang college life. Almost one month na rin mula nong grumaduate kami. And yes, hanggang ngayong nagcecelebrate pa rin kami. Ganito kami kasaya na sa wakas ay mga degree holder na kami.College life is one of the worst part of my life as a student. Hindi naman ako bobo, sadyang nakakalusaw lang ng braincells sa dami ng gagawin. Kaliwa't kanang ipapasa. Reporting doon, exam at quiz dito, roleplay dito, sayaw diyan. Hays! Basta ang dami kaya deserve naming magsaya ng matagal dahil after this, back to normal na naman. Well, we don't have any plan yet."Uy! Teka lang, wala pa si Rhaiven e. Hintayin muna natin," suhestiyon ni Chris habang abala na nagpipindot sa kanyang selpon. Malamang ay sinusubukan niyang tawagan si Rhaiven."Kailan pa sumipot sa inuman ang kumag na 'yon? Malamang, nandon na naman siya sa kwarto non, nagmumukmok."Matapos kong mailapag ang pulutan namin sa center table ay tumabi na ako kay Kenneth na naroon sa sofa nakaupo, abaal rin ito sa pagtitipa sa kanyang selpon. Siniko ko siya ng mahina para makuha ang kanyang atensyon."Pumunta ka ba dito para mag-inom o para magselpon?" Inis na tugon ko sa kanya.Napangisi siya at bahagya pang natawa. "Selos agad e, tinitignan ko lang kung binati na 'ko ng crush ko.""Ulul! Kung may balak man siyang batiin ka, sana nong araw mismo ng graduation natin. Umaasa ka talaga na babatiin ka non, e isang buwan na mula nong grumaduate tayo e."Nakatanggap siya ng mahinang sapok mula sa akin." Malay natin, batiin niya ako ng belated.""Alam mo ikaw, sabog ka lang. Uminom na lang tayo at icelebrate tong achievement natin." Ginulo ko pa ng bahagya ang kanyang buhok bago itinapon kay Chris ang atensyon ko. "Hoy! Chris, ano inom na tayo, tama na 'yang selpon. Kahit anong gawin mo, hindi mo malalason ang utak ni Rhaiven kaya hayaan mo na siya."Tumayo ako at mahinang inihagis kay Chris iyong bote ng alak. Nasalo naman niya ito at walang kahirap-hirap na binuksan gamit ang kanyang ngipin. Nagsiupo na kami sa pang-isahang sofa at nasa gitna namin ang table kung saan nakalapag ang mga pulutan namin."Ano ng balak niyo sa mga buhay niyo? Graduate na tayo kaya dapat may mga plano na tayo sa buhay."Napunta ang tingin namin kay Kenneth nong mag-open siya ng bagong topic. Natawa pa nga kami ni Chris ng bahagya dahil hindi kami sanay na seryoso siya."Anong nakakatawa sa sinabi ko?" inis na singhal ni Kenneth sa aming dalawa ni Chris na pilit nagpipigil ng tawa. Kung nandito lang si Rhaiven, malamang pinaulanan na niya ng asar itong si Kenneth."Ang seryoso mo naman masyado e, dinaig mo pa may asawa. After natin makawala sa academic stress, gagawa ka na naman ng bago. Hindi ba pwedeng magrelax muna tayo, hmm?" patutsada ko."Pre, kailangan na natin magsettle sa mga bagay-bagay. Hindi naman habambuhay na nakadepende tayo sa mga magulang natin e." Depensa ni Kenneth kaya parehas kaming napakamot ng ulo ni Chris."Hay naku! Nanenermon na naman ang pastor sa barkada." Pasaring ko kaya nagtawanan kami.Hindi na bago sa amin na matured mag-isip at magsalita itong si Kenneth. Naging open lang naman siya sa mga bagay-bagay simula nong nawala si Haila. May mga pagkakataon naman na nakakatawa pero mas maraming pagkakataon na hindi siya nakakatuwa, kagaya ngayon."Naiintindihan ka namin, Ken, pero kasi, ayaw pa namin magsettle e. Hindi naman porket ayaw pa namin ay nakadepende na kami palagi sa mga magulang namin. Pupunta rin kami diyan, not now but in the right time."Sinang-ayunan ni Chris ang sinabi ko. "I agree to him... teka nga, bakit ba atat na ata kang magsettle ha? Kating-kati ka na ba mag-asawa, huh?"Naibuga ni Kenneth ang iniinom niyang alak dahil sa sinabi ni Chris. Napuno ng tawanan ang pagitan naming tatlo dahil sa naging reaksyon nito."Wow! Gusto lang magsettle, mag-aasawa agad? Hindi ba pwedeng to secure my future lang?" Depensa nito."Secure mo mama mo! Paubos na nga pera mo sa bangko, may gana ka pang magsettle ah."Nagtawanan kami at nagsilagok ng alak pagkatapos ay muli na namang nag-open ng panibagong topic itong si Kenneth. Kahit papaano ay may sense rin ang mga sinasabi ng kumag na 'to e."Speaking of asawa, do you have any plan?" Nakangising tanong nito."Basta ako, anytime ready akong yayain si Jaime mylabs ko." Mayabang na tugon ni Chris. "Kayo ba?""Ulul! Parang 'di ka naman aware na 'di ako crush nong crush ko." Depensa ni Kenneth at kumurot sa manok na pulutan namin."E ikaw, Luis?""Anong ako?""Sus! Sa ating lahat, ikaw 'tong never nagkaroon ng girlfriend.""Ops! Baka nagkaroon pero hindi sinasabi sa atin.." sabay kindat pa ni Kenneth. Ibinato ko sa kanya 'yong tansan na hawak ko at mabuti nakaiwas siya dahil kung hindi baka tumama 'yon sa pagmumukha niya."Hoy! Ultimo pag-utot ko alam niyo, sa usapang babae pa kaya. At kailan pa ako nagtago ng sikreto sa inyo, hmm?"Nagpalipat-lipat ako ng tingin sa kanilang dalawa at sabay silang nagkibit-balikat."Right now, I want to be free. I don't want someone to control me in things. Now that I don't want to settle down in life, I want to do everything I want, I want to explore anywhere I want without anyone stopping me." Seryosong tugon ko."E paano si--""Parehas pa naman namin ayaw magsettle e. Busy pa siya sa career niya kaya mag-aantay ako hanggang sa maging ready siya. Darating din kami sa puntong 'yon, hwag kayong excited baka mausog."Iyon na ang plano ko bago pa maganap ang graduation namin. Ang dami ko ng planong puntahan, gawin, at tignan. Sa sobrang dami non ay tiyak mauubos lahat ng perang naipon ko. I want to create a memorable days in my life bago ako magsettle para sa kinabukasan ko, namin ng pinakamamahal ko."Alam mo kung sino ang pipigil sa'yo?"Kunot-noo kong tinignan si Kenneth."Sino?""Mama mo."Nagtawanan silang dalawa ni Chris maliban sa akin. Nag-apir pa silang dalawa na animoy tuwang-tuwa sa pangdodogshow nila sa akin."Tangina mo! Huwag kang kukurot ng pulutan ah!" Bahagya kong inusog palayo sa kanya 'yong plato ng manok."Parang nagjoke lang e." Napakamot siya sa kanyang ulo.After ng dogshowan ay nakatanggap kami ng text mula sa mga batchmates namin na may gaganapin na party sa bar. Kaya na uhaw na uhaw sa alak ay pumaroon kahit nahihirapan na kaming maglakad dala ng kalasingan.Naabutan namin ang mga batchmates namin na animoy mga zombie sa sobrang kalasingan. Palibhasa, pare-parehas kaming nagcecelebrate pa rin kahit one month na ang nakakalipas after ng graduation namin.That night was so fun! Inuman doon, sayawan dito. Nilunod ko kumbaga ang sarili ko sa alak. Ni hindi ko na nga tinatawag na Mayor 'yong papa ni Jade na kasalo namin. Hindi ko namamalayan ang oras at naiwan na ako roon kasama sina Jade and friends. Sina Kenneth at Chris ay hindi na mahagilap ng mata ko. Sa sobrang kalasingan, hindi ko na halos magawang tignan ng mabuti kung sino ang babaeng nakatable ko. may ririnig akong mga boses na napapasagot ako kahit hindi naman klaro sa pandinig ko."Oo naman ako pa."Naramdaman ko na inalalayan nila akong na magsulat, ewan kung ano 'yon. Basta ang alam ko, naglalaro kami. Pare-parehas kaming lasing at wala sa matinong pag-iisip ng mga kasama ko. Kahit na ganon ay nag-enjoy ako, lalo na noong naramdaman ko na may labing dumampi sa labi ko. Sa sarap non ay mapusok ko na hinalikan pabalik ang taong bumuhay sa walang muwang kong pag-iisip. At bago pa kami tuluyang makagawa ng milagro ay may taong humila sa akin palayo."Congratulations! Mr. and Mrs. Arevalo."Hindi naging klaro sa akin ang huling sinabi ni Mayor dahil tuluyan na akong nawalan ng malay dala ng sobrang kalasingan."Luis, fix yourself na dahil sasama ka meeting namin with Mr. Choi para sa business natin. Dapat ngayon pa lang ay matuto ka na para incase ibigay na namin sa iyo ang negosyo ay alam mo na ang gagawin mo."Napatakip ako ng unan sa teinga ko dahil tanghaling tapat ay nandito na si Mama sa kwarto, nanenermon. Laking pagsisisi ko tuloy na umuwi dito dahil sa pagiging bungangera niya. Mas mainam pa sa condo, wala akong sermon na maririnig mula kay Mama."Bumangon ka na diyan." Hinila niya iyong kumot na nakatakip sa akin. "Saan ka na naman ba nagpunta kagabi at tinanghali ka na naman ng gising?""Ma, sa bar lang.." walang gana na sagot ko."Jusko, Luis, araw-araw na 'yang paglabas mo ng gabi para makipag-inuman ha. Imbes na 'yan ang atupagin mo, bakit hindi 'yang pag-aasawa mo ang asikasuhin mo.""Si Mama naman, kakagraduate ko pa lang, gusto mo na 'ko agad mag-asawa." Napakamot ako sa aking sentido."Aba! Kung puro barkada ang aatupagin mo, hindi ka magkakaroon ng inspiration na magsettl
"Tangina ka! Legal 'to, pre.."Pinagpapasa-pasahan nina Kenneth, Chris, at Rhaiven 'yong marriage contract upang makita nila ito at mahawakan. Hindi ako nag-aksaya ng oras para tawagan sila para makahingi ng tulong. Akala nila nong una ay nakikipagbiruan lang ako sa kanila hanggang sa nagpakita ako ng proof ay nagsitakbukhan na sila papunta dito sa condo ko."Sabi sa inyo e, ayaw nyo pang maniwala kanina." Tugon ko at inilapag 'yong mga bote ng alak sa center table dito sa may sala para may mapagsaluhan naman kami. Hindi ko nakalimutan syempre 'yong pulutan namin."Aba! Malay ba natin kung nantritrip ka lang? Kilala ka pa naman namin." Patutsada ni Chris at kinuha iyong iniabot kong bote ng alak matapos kong alisin ang takip nito.Isa-isa ko rin na inabutan sina Kenneth at Rhaiven ng bote ng alak na noon ay sinusuri pa rin 'yong marriage contract. Nakakatuwa dahil sa wakas naisama nila si Rhaiven.Matapos ko silang bigyan ng kani-kanilang mga iinumin, naupo na ako sa pang-isahang sofa
“Welcome to our family, Mahana…” Mula rito sa may main door ng bahay namin, rinig na rinig ko na ang masayang tugon na iyon ni Mama. Patakbo akong nagtungo sa may sala at nakita ko ang babaeng kayakap ni Mama, nakadress ito ng babypink ang kulay na may kabagsakan ang buhok. Hindi ko nakita ang mukha niya dahil nakatalikod ito sa akin. Sumunod naman siyang winelcome ni Papa at huli sa pila si Alyssa na nagpipigil ng tili. “Anong welcome?” Pang-aagaw ko ng kanilang atensyon at doon ko na nakita ang kabuuan ng babae. Psh! Kagaya pa rin ng dati, ang pangit pa rin.“Hi there, son..” Lumapit si Mama sa akin saka niyakap ng sobrang higpit na talaga namang mararamdaman mo sa mga bisig nito ang tuwa. Kahit wala siyang sabihin, alam ko at ramdam ko na ang tuwa sa puso niya na sa wakas ay natupad na ang pinakamalaking pangarap niya sa akin at iyon ay ang makapag-asawa na.“Bakit niyo winewelcome ang babaeng ‘yan?" Taas kilay kong tanong, nagpalipat-lipat pa ako ng tingin sa kanilang tatlo at
"Ikaw na ang bahala sa Misis mo, Luis at kami ay matutulog na."Akay-akay ni Mama si Papa na halos lantang gulay na ang kalagayan dahil tinamaan na ng sobra ng kalasingan. Matapos kasi ang dinner ay nagyaya pa sila na uminom, go na go naman pati 'yong mga kamag-anak ko na pare-parehas din na lasing na, maliban kay Lola na nauna nang pumaroon sa may kwarto upang matulog. At kagaya ng sabi ni Lola, nagcelebrate nga sila pero hindi ako halos nakaramdam ng tuwa.Tinulungan ko si Mama na alalayan si Papa hanggang sa kwarto nila. Malakas kasi siyang uminom kagaya ko kaya wag na kayo magtama kung kanino ako nagmana sa pagiging lasinggero."Oh, saan ka pupunta?"Napansin ko na tinatahak ni Mahana ang daan palabas ng main door ng bahay namin nang pababa na ako sa may hagdanan."Uuwi na."Hinabol ko siya hanggang sa makalabas kami ng bahay. Tuloy-tuloy siya sa paglalakad at nakabuntot lang ako sa kanya."Ba't ka nakasunod sa'kin?" Huminto ito sa paglalakad at hinarap ako na makikita sa mukha
"Kalilipat pa lang ng pangalan ko sa kompanya, uutangan mo na 'ko. Ni wala pang bente kwatro oras na nakapangalan tong kompanya sa'kin e." Napasugod ako kay Rhaiven nang maalala ko na mauubos na ang laman ng bank account ko. Hindi magiging sapat ang pera ko na nandon para bayaran si Mahana if ever pumayag ito, idagdag pa 'yong gagastusin namin sa pagproseso nong annulment ng kasal namin.Sa aming lahat, si Rhaiven itong mapera dahil animoy nagtatae ng pera ang bank account nito or wallet. Swerte kumbaga ang isang to pagdating sa pera. Hindi naman ito 'yong unang beses na uutangan ko siya. Lahat kami kapag may problema pinansyal ay sa kanya kami kaagad tumatakbo. Hindi naman kasi madamot ang isang 'to."Babayaran ko naman, pre. Kinakailangan ko lang talaga ngayon."Nagdekwatro ako ng upo sa sofa na nasa gilid ng kanyang opisina habang abala na nilalaklak 'yong alak na inilabas niya kanina sa may center table."Hindi naman issue sa akin kung mababayaran o hindi e." Napasandal siya sa k
"Luis, ibalik mo sa'kin 'yong passport ko."Sinundan niya ako ng tingin papunta sa sala ng tinitirhan niya. Iyong kutsilyo na hawak niya kanina ay ibinaba na niya dahil natatakot siyang baka masaksak niya ako ng tuluyan. Nakangisi ako na naglakad-lakad sa kabuuan ng sala at ramdam na ramdam ko sa mga tingin niya 'yong inis."Pumayag ka muna sa gusto ko." Kinindatan ko pa siya na lalong nagpausok sa ilong niyang galit na galit."Psh! Ano ako tanga? Papayag sa gusto mo nang hindi ko pag-iisipan ng mabuti? Hoy! Kunin mo na lahat sa akin, huwag lang 'yang passport ko kaya akin na." Lumapit siya sa pwesto ko at kinapkapan ako sa buong katawan. Itinaas ko pa ng bahagya ang dalawang kamay ko para malaya siyang gawin ang gusto niya. Napakadesperada niya. Wala akong nagawa kundi ang pagtawanan siya."Oh, kalma, baka ibang passport makapa mo dyan." Pilyong biro ko at walang kahirap-hirap niyang kinurot ang braso ko. "Aray naman!"Namula iyong kinurot niya sa akin kaya hinimas-himas ko ito para
"As of now, wala pang balita ukol sa pagpapahanap kina Jade. Sa lawak ng mundo, hindi natin alam kung saan sulok sila hahanapin. Kumalma ka nga, 'yong reward na ibibigay ng Lola mo muna ang asikasuhin mo."Kinuha ko iyong iniabot ni Kenneth sa akin na bote ng alak. Sumadya ako rito sa condo niya para makibalita. Hindi ko siya makontak kaya sinadya ko na siya. Wala sina Chris at Rhaiven dahil busy sila sa mga buhay nila, lalong-lalo na si Rhaiven."Anong kalma? Paano ako kakalma sa lagay na 'to? Ni hindi ko alam kung nasaan sina Jade e. Pre, walang silbi kung makukuha ko 'yong reward kapag kasal pa rin ako sa babaeng 'yon. Gusto ko, as soon as possible ay mapasawalang bisa na 'yon."Kumuha ako ng pulutan namin at kinain ko iyon. Oo, napapayag ko nga si Mahana na magpanggap kami pero ang ikinakatakot ko, baka hindi niya gawin ng maayos ang trabaho niya. Bukod don, hindi pa alam ni Misty ang tungkol sa kasal namin ni Mahana."E anong magagawa natin, mukhang nagtatago sila e.""Iyon ang n
"Namatay siya because of cardiac arrest. Noong last na nag-usap kami, para siyang may gustong sabihin sa akin pero nahihirapan siyang magsalita. Ang buong akala ko, nandon siya sa bahay nagpapahinga pero hindi, animoy nagtatago siya kaya naron siya sa probinsiya."Tahimik kaming lahat sa pagkwekwento ng nakababang kapatid ni Mayor Queja ukol sa kalagayan nito. Interesado akong malaman lahat ang tungkol kay Mayor pagkatapos nong aksidenteng kasal namin ni Mahana na siya ang pasimuno.Mukhang tama nga ang hinala ko, may alam sina Mayor Queja sa kasal, at sa pagkakakwento ng kapatid nito, nagtatago siya dahil animoy may naghahanap sa kanila. Ang tanong, sino naman?"E, nasa'n po si Jade?" Lahat napunta sa akin ang kanilang tingin nang magsalita ako. Hindi ko na napigilan pa dahil gulong-gulo na ako sa mga nangyayari. Uhaw na uhaw ako sa mga impormasyon na makakapagsalba sa akin sa gantong kapalaran ko.Nagkibit-balikat ang ginang. "Hindi ko alam kung nasaan siya. Maski siya, naglaho na
"Luwi, ano, dadalo ka ba ng burol?" Matagal bago sinagot ni Luis ang tanong na 'yon ni Chris mula sa kabilang linya. Abala siyang inaayos ang kanyang gamit na dadalhin dahil mayamaya lamang ay flight na niya paalis ng bansa. Kagabi pa siya kinukulit ng kanyang mga kaibigan lalong-lalo na si Chris kung dadalo ba siya ng burol kinabukasan which is ngayon na. Gustuhin man niyang dumalo pero mas mahalaga sa kanya ang kanyang lakad. Wala siya sa wisyo para dumalo ng burol. Gusto niya ng peace of mind kaya mas pipiliin niyang huwag nalang dumalo."Sabihan mo lang ako kung oo, ipapasundo kita kay Manong Pito, ha?" Napakamot ng ulo si Luis sa inis dahil sa pagiging makulit ni Chris. Kung nasa harapan niya lamang ito ay baka kanina niya pa ito binatukan. Sa halos trenta minutos na niyang kaharap si Chris sa kanyang selpon, wala itong bukambibig kundi ang pagdalo nito sa burol na wala naman siyang balak daluhan."Anak ng yawa, Chris, hindi nga 'ko dadalo. Ang kulit mo naman. Kanina ka pa ah.
"Twenty-four hours left. Just fucking twenty four hours, Mahana..."Pagkatanggap niya sa ibinalita ng doktor na mayroon na lamang bente kuwatro oras upang maisalba ang buhay ni Mahana sa pamamagitan ng pagkakaroon niya ng malay. Hindi na siya makaalis sa tabi ng babae. Hindi niya magawang bitawan ang mga kamay nito. Hindi niya magawang alisin ang tingin niya sa maamo nitong mukha. Natatakot siya na baka sa susunod na mga segundo ay biglang mawala ang babae."Please, wake up, love...please..." Pakiusap nito. Basang-basang na ang mukha nito ng luha na umaagos mula sa kanyang mga mata.Kasama niya sa kwarto ang pamilya ni Mahana na naghihintay rin sa paggising nito. Maski ang mga ito ay nilalamon rin ng takot. Lahat sila ay hindi mapalagay. Lahat ay ayaw iwan si Mahana at ninanais na manatili na lang sa tabi nito. Nagbabakasakali silang gigising ito sa pamamagitan ng tahimik nilang mga dasal."Luwi.."Napalingon si Luis nang bumukas ang pinto at iniluwa noon si Rhaiven kasama si Chris. N
"Mahana, anak ko..."Maririnig sa kuwadradong silid na kinaroroonan nila ang masakit na paghagulgol ni Meredith habang yakap-yakap nito ang kanyang anak na si Mahana na walang malay na nakahiga sa hospital bed.Sa tinig ng pag-iyak nito ay sapat lamang upang maramdaman nila ang sakit na dumudurog sa dibdib ng ginang. Walang nagawa ang apat na lalaki kundi ang panoorin na lamang ang ginang at hayaan na maramdaman ang yakap nito mula sa kanyang anak.Napayuko si Luis dahil nahawa siya sa pagiging emosyonal ni Meredith. Sinubukan niyang itago ang emosyon nito pero habang naririnig niya ang pag-iyak ng ginang ay nadadala siya. Naramdaman niyang hinagod-hagod ni Rhaiven ang kanyang likod, nakatulong naman iyon ng konti para gumaan ang kanyang pakiramdam. Malaking pasasalamat niya na sa kabila ng hindi nila pagkakaintindihan ni Rhaiven ay nagawa pa rin siya nitong tulungan."Sir...patawarin niyo po ang anak ko..."Napunta ang kanilang tingin kay Meredith na dahan-dahan na naglakad palapit
"She's a cancer patient, Luis.."Halos malaglag ang panga ni Luis matapos marinig ang balitang iyon mula sa Lola Luisa niya. Ang salitang cancer rin ang tumatak sa mata niya pagkakita sa iniabot nitong envelope kanina na naglalaman ng impormasyon sa totoong karamdaman ng babae.Nakaramdam ng panlulumo si Luis matapos malaman ang totoo. Gusto niyang sumigaw. Gusto niyang tumayo kaagad upang puntahan si Mahana pero ramdam niyang wala siyang lakas. Mas nanaig ang kalasingan na kanyang nararamdaman."No...you're joking, La. She's not..." napailing-iling pa si Luis na pilit hindi pinapaniwalaan ang kanyang nalaman. Nag-unahang bumagsak ang mga butil ng luha sa kanyang pisngi. "Apo, kaya siya pumayag sa gusto ng mama mo ay dahil gusto niyang makita ang tatay niya bago siya mawala. Ang kapalit ng pagpapanggap niya at panloloko sa'yo ay ang pagkikita nila ng tatay niyang matagal na niyang hinahanap. Nararamdaman na kasi niya na hindi na siya magtatagal. She take risk, Luis." Pagpapaliwanag n
"Matagal na naming alam." Pambabasag ni Rhaiven sa katahimikan habang pinapanood nila si Luis na nilulunod ang sarili sa alak. Ni hindi na nila ito maawat at walang kahirap-hirap na inuubos ang mga alak na inorder nito. Napahinto si Luis sa paglagok ng bote ng alak na kanyang hawak. Diretso niyang tinapunan ng tingin si Rhaiven na seryosong nakatitig naman sa kanya. "What do you mean?"Nagkatinginan muna ang tatlo. Matagal na silang may alam pero nanatili silang tahimik at hinayaan na si Luis mismo ang makabisto kay Mahana. Palihim naman nila itong minamanmanan nang sa ganon ay may ebidensya sila kung sakaling pilit itong ideny ng babae.Sinenyasan ni Kenneth si Rhaiven na siya na lamang ang magpaliwanag kay Luis. Tutal siya naman ang unang nakaalam ng katotohanan dahil pasikreto itong kumuha ng imbestigador upang asikasuhin ang kaso nina Luis. Sa hindi inaasahang pagkakataon, may hindi kanais-nais siyang nalaman at iyon ay dawit si Mahana."Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin
"Let's talk, Mahana..."Malalaking hakbang ang ginawa ni Luis para maabutan si Mahana na dali-daling naglalakad papunta sa kwarto nila sa tinuluyan nilang hotel. Gusto niyang malaman ang katotohanan sa paratang ng kanyang pamilya laban kay Mahana. Hindi nag-antubili si Mahana na ipaliwanag ang kanyang sarili matapos ang hindi inaasahan na pagbubuking ng pamilya ni Luis sa kanya. Ang tanging paraan na naisip niya lang ay ang magwalk-out. Hindi siya nakapaghanda sa bagay na 'yon na matutuldukan ng biglaan ang kasinungalingan niya."Luis, please, huwag ngayon...." Mabilis na binawi ni Mahana ang braso niya na nahuli ni Luis pagdating nila sa tapat ng kanilang kwarto. Sinamantala ni Mahana na pihitin ang doorknob para makapasok na siya sa loob kahit ang totoo ay wala siyang takas kay Luis. "Hana, ano ba! Kausapin mo 'ko.." muling humakbang ng malaki si Luis upang maabutan si Mahana nang tuluyan na silang makapasok ng kwarto. Sinubukan niyang pakalmahin si Mahana upang makausap niya it
"Small world nga naman at dito pa tayo nagkita-kita. Kayo naman, hindi naman kayo nagsabi na pupunta pala kayo ng Baguio, e di sana nakisabay na kami para isahan na lang 'yong pagbyahe natin." Usisa ni Arlene, ang ina ni Luis."Unplanned rin po kasi 'tong pagpunta namin dito, Ma. Napaluwas lang kami ng biglaan ni Hana kahapon, right love?" Sagot ni Luis saka hinimas ang bandang balikat ni Mahana kung saan siya nakaakbay. Hindi makatingin ng diretso na tumango-tango si Mahana. "Yeah." Pilit pa itong ngumiti.Sa kabilang dako, pinasadahan ni Arlene ng tingin ang kaniyang daughter in law na si Mahana habang abala si Luis na kinakamusta ang Lola Luisa nito na noon ay bagong pasok lang ng hotel. Napangisi siya ng bahagya saka napabuga ng hangin."Hi, hija. Long time no see." Usisa ni Lola Luisa, lumapit naman si Mahana upang makipagbeso rito at kapansin-pansin ang pilit na pilit nitong pagngiti na animoy hindi komportable sa presensya ng pamilya ni Luis. "How are you, hija? Ang tagal ka n
"Luis, akin na 'yan, please."Sinubukang agawin ni Mahana ang hawak ni Luis na folder kung saan nakalagay ang mga dokumento na kaniyang ginamit upang ilakad ang kaniyang pag-alis ng bansa. Hindi niya inaasahan na mahahalungkat iyon ni Luis kahit pa man nakatago na iyon sa hindi masyadong napapansin na sulok.Kahit na anong pang-aagaw ang gawin ni Mahana, hindi niya makuha-kuha iyong folder dahil mabilis na iniilag ni Luis iyon gamit ang kaniyang kamay kasabay ng masamang titig nito sa kaniya. Doon na nakaramdam si Mahana ng kaba at takot lalo na at hindi siya handa sa panahon na iyon na malalaman ni Luis ang buong katotohanan sa madalas nitong paglabas at hindi pagsama sa lakad ng pamilya."Please, Luis, i-ibigay mo na 'yan sa akin." Pagmamakaawa ni Mahana, namumuo na rin ng luha sa gilid ng kaniyang mata dala ng kaba at takot. Nanginginig ang kaniyang buong katawan at hindi niya alam kung paano niya ipapaliwanag ang lahat sa lalaki. "No!" Pagmamatigas ni Luis sa maawtoridad na tinig
"Are you out of your mind, Luwi? Seryoso ka? Hindi ka tutuloy sa seminar na 'yon?"Inaasahan na ni Luis na ganoon ang magiging reaksyon ng kaniyang mga kaibigan sa pang-rereject na ginawa niya sa seminar na inalok sa kaniya. Nadismaya ang kaniyang mga tropa dahil pangarap niya noon pa man na mapasali sa seminar na iyon lalo na at nandon ang hinahangaan nitong businessman."Oo nga, pre, hindi ako tutuloy." Pagkumpirma nito. "Tsk!" Napailing-iling si Kenneth. "Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maiinis sa mga pinaggagagawa mo, Luis. Una, inurong mo 'yong kaso dahil sa kahibangan mo na ayusin ang sa inyo ni Mahana kahit alam natin na konting panahon na lang ay malalaman na natin kung sino ang may kagagawan ng pekeng kasal niyo. Tapos ngayon, nireject mo ang seminar na pinapangarap mo simula pa nong highschool tayo, para ano? Para kay Mahana na naman? Pre, ang dami mo ng sinasayang na opportunity oh." Pamamaktol nito dahil hindi na siya natutuwa sa mga desisyon na ginagawa ni Luis.Sin