"Ikaw na ang bahala sa Misis mo, Luis at kami ay matutulog na."
Akay-akay ni Mama si Papa na halos lantang gulay na ang kalagayan dahil tinamaan na ng sobra ng kalasingan. Matapos kasi ang dinner ay nagyaya pa sila na uminom, go na go naman pati 'yong mga kamag-anak ko na pare-parehas din na lasing na, maliban kay Lola na nauna nang pumaroon sa may kwarto upang matulog. At kagaya ng sabi ni Lola, nagcelebrate nga sila pero hindi ako halos nakaramdam ng tuwa.Tinulungan ko si Mama na alalayan si Papa hanggang sa kwarto nila. Malakas kasi siyang uminom kagaya ko kaya wag na kayo magtama kung kanino ako nagmana sa pagiging lasinggero."Oh, saan ka pupunta?"Napansin ko na tinatahak ni Mahana ang daan palabas ng main door ng bahay namin nang pababa na ako sa may hagdanan."Uuwi na."Hinabol ko siya hanggang sa makalabas kami ng bahay. Tuloy-tuloy siya sa paglalakad at nakabuntot lang ako sa kanya."Ba't ka nakasunod sa'kin?"Huminto ito sa paglalakad at hinarap ako na makikita sa mukha niya ang pagdududa dahil nga nakasunod ako sa kanya."We need to talk."Natawa si Mahana ng mapakla at tsaka ito tumingin ng nakangisi sa akin."Ulul! Talk mo mukha mo." Singhal niya sa akin na ikinainis ko. "Aawayin mo lang naman ako e. Kaya bago pa tayo magkarambulan, uuwi na 'ko."Nagpatuloy siya sa paglalakad pero mabilis ko siyang hinawakan sa may palapulsuhan niya para mapigilan ito."I'm fucking serious, Mahana." Maawtoridad na tugon ko kaya padabog niyang binawi 'yong kamay niya sa akin at pinagtaasan niya ako ng kilay."Oh, akala ko ba naiinis ka sa'kin? Ayaw mo nga na raramdaman 'yong presensya ko, 'di ba? Tutal naman tulog na 'yong kapamilya mo, tapos na din ang trabaho ko bilang MISIS mo." Pagdidiin niya sa kanyang mga salita.Napabuga ako ng hangin sa inis. Nakikita ko naman na parehas lamang kami na ayaw maramdaman ng presensya ang bawat isa. Pero gusto kong malaman niya na kinakailangan ko ng tulong niya."I need your help.""Wow naman! Himala! Nangangailangan pala ng tulong ang isang Playboy na si Luis. Gosh! Firstime ko 'tong maencounter ah. Dakilang playboy, humihingi ng tulong sa akin?" Nakaduro pa siya sa kanyang sarili at humalakhak ng malakas."Wala akong time para makipagbiruan sa'yo." Iritableng tugon ko sa kanya."Excuse me lang, ha? Mahana ang pangalan ko hindi founder ng sagip kapamilya, hmm?" Singhal nito sa akin at inayos na niya ang kanyang shoulder bag. "Alis na 'ko.""I'll pay you, fifthy thousand a month, just be my wife."Napatigil siya sa paglalakad, ilang segundo muna ang nakalipas bago ito humarap sa akin. Pinagkrus niya ang kanyang braso sa kanyang dibdib at nakataas-kilay na tinapunan ako ng tingin."Kahit kaluluwa mo pa ang ipangbayad mo sa'kin, ayoko! Matapos nong mga ginawa mo sa'kin nong highschool, akala mo ba, papayag ako ng ganon lang kadali? Pwes! Manigas ka." Malditang ani nito at inirapan ako."Ano ba, Mahana, paano mo nakakayang magchill lang ng ganyan? Hindi mo ba nakikita, nauulol na ako kakaisip ng paraan para lang maayos 'yong kasal na 'yon. Tapos ikaw, kalmado lang?""Wala akong pakialam kaya kalmado ako, okay? Tsaka, okay lang naman sakin kung kasal tayo, walang problema sa'kin tutal naman parehas natin na 'di ginusto yon e. Ayos lang sa'kin dahil sa papel lang naman tayo masasabing mag-asawa, hindi sa totoong buhay." Depensa nito."Kung sa'yo okay lang, sa'kin hindi. Lumala pa ngayon dahil nagpakita ka sa pamilya ko, malamang, hahanap-hanapin ka na nila.""Pwes, gawan mo ng paraan ng mag-isa mo. Matalino ka naman, 'di ba? Kaya mo na 'yon. Busy akong tao at wala akong panahon sa mga trip mo, hmm?""Hindi ito trip lang, Mahana, seryosong sitwasyon 'to.""Ahh talaga? Ang sabihin mo, uhaw ka don sa reward na sinabi ng Lola mo, tama ako 'di ba?" Tumaas-baba pa ang kanyang kilay na animoy inaasar ako.Napaiwas ako ng tingin dahil tama siya. Iyon talaga ang habol ko kaya ko siya kinukumbinsi. Pangarap ko iyon ng matagal at ayokong sayangin pa ang pagkakataon na ito."Don't worry, hahatian pa kita kung yon ang gusto mo, okay? Just fucking help me." Patutsada ko.Kahit labag sa kalooban ko, gagawin ko yon para lang pumayag siya. Madaming pera ang Lola ko, isang palakpak niya lamang ay nasa harapan ko na yong hinihiling ko sa kanya."Tsk! Talaga lang ah." Nakangising tugon nito."We're going to pretend na maayos at masaya 'yong pagsasama natin while I'm working to our annulment. Habang nagpapanggap tayo, aasikasuhin naman natin yong annulment natin, plus, magkakapera ka pa. So ano, deal?"Inilapag ko ang aking kamay upang makipagshakehands sana sa kanya. Nakipaglaban siya ng titigan sa akin hanggang sa napunta ang tingin niya sa kamay ko na nakalapag sa harapan niya."Psh!" Napailing siya na ikinanuot ng noo ko.Iginalaw ko ang kamay ko na nasa harapan niya upang makumbinsi siya pero nagulat nalang ako sa ginawa niya."Pwe!""Potang-- yuck! You're so disgusting! What the?"Kumaripas ako ng punas upang alisin 'yong laway nito na dumapo sa kamay ko. Tawang-tawa siya na nakatitig sa akin dahil sa ginawa niya. Nanlilisik ang mga mata ko na titigan siya."Deal mo mukha mo!" Inirapan niya muna ako bago tuluyang umalis at sumakay sa napara nitong taxi. Walang kahirap-hirap siyang sumakay roon at naiwan akong kumukulo ang aking dugo sa inis."Potangina! Mapapatay ko talaga ang babaeng 'yon. Im trying my best na nga to be nice to her but look what she did. Ang kadiri."Binuhusan ko na naman sa ikapitong pagkakataon 'yong kamay ko na dinuraan niya. Nakatatlong beses ako ng hugas sa kamay ko dahil diring-diri ako ng sobra sa ginawa niya. Wala naman ginawa ang mga kaibigan ko kundi ang pagtawanan lang ako ng malala."Ganyan na ganyan 'yong inis mo sa kanya nong highschool tayo, pre." Komento ni Kenneth na sinang-ayunan ng tatlo."Ayan ka na naman kasi sa pagiging uhaw mo sa reward mula sa Lola mo e. Malay mo ba kasi kung inuuto ka lang nila para maging mabuting asawa ka kay Mahana?" Tugon ni Chris habang abala sa pagtitipa sa kanyang selpon, kinikilig pa ang yawa.Tinapunan ko siya ng tingin at pasimpleng binato ng kornik na akma ko sanang isusubo. "Kilala mo ang Lola ko, kahit hilingin mo ang mundo don, ibibigay at ibibigay niya ng walang kahirap-hirap. Huwag mo na nila-lang ang Lola ko, ulul.""So, what's your plan?"Napapansin ko na napapadalas na 'yong pagsama ni Rhaiven sa mga lakad namin. Mukhang nagiging okay na siya. Masaya naman ako para sa kanya pero may bahid pa rin ako ng pag-aalala. Baka kasi umaakto lang siya kahit ang totoo hindi siya okay."Ano pa ba, edi kukulitin ko 'yon hanggang sa mapapayag ko. Ayokong sayangin ang pagkakataon, pre, pangarap kong restaurant 'yon. Pero, tangina, sinusubok ng babaeng 'yon ang pasensya ko e." Padabog ko na nilagok ang alak na nakalata na hawak ko."Ang tanong, alam mo ba kung saan siya hahanapin?" Tanong ni Kenneth.Ponyeta! Maski pala address non hindi ko alam e. Bat ba ang malas ko ngayong araw. Heto ako at hindi na halos makaramdam ng antok. Kasalanan lahat 'to ng Mahana na 'yon."Pasasaan pa na naging pinsan mo si detective conan kung hindi mo 'yon gagawin para sa'kin?" Singhal ko sa kanya dahil sa aming lahat, siya ang maalam sa mga background check thing. Malikot ang kamay niyan pagdating sa computer."Sus! Si Haila nga hindi niya nahanap, si Mahana pa--- So-sorry. Hehe, ang daldal ko pala."Nabato ko ng lata si Chris dahil sa kadaldalan niya. Nasali niya si Haila sa usapan gayong narito lamang si Rhaiven. At dahil sa sinabi niyang 'yon nagwalk-out si Rhaiven, malamang naalala na naman niya si Haila."Tangina mo! Kita mo na ngang nagiging okay na 'yong tao, pinaalala mo pa."Nakatanggap ng malulutong na mura si Chris mula sa amin ni Kenneth dahil sa katangahan niya. Ang hirap tuloy humingi ng pabor kay Kenneth ukol sa paghahanap nang makabalik na si Rhaiven. Napagdesisyon ni Kenneth na sa call nalang namin iyon pag-usapan."Pre, Luis, tara, kailangan mo 'tong makita."Patakbo akong nagtungo sa sala ng condo ko nang marinig si Kenneth na tinatawag ako. Abala ako na niluluto 'yong request niyang ulam sa akin. Tutal naman may kailangan ako sa kanya at mapapakinabangan ko, pinagbigyan ko na."Bakit?"Pinunasan ko ang kamay ko gamit 'yong tissue na kinuha ko sa may center table saka ako tumabi kay Kenneth sa sofa na abalang may pinipindot sa kanyang laptop."According dito sa nasearch ko, mag-isa nalang siya sa buhay tapos palipat-lipat siya ng address pero nakuha ko naman 'yong current address niya.""Good job!" Naghighfive kaming dalawa saka umalis sa pagkakaupo roon sa sofa."Pero ito ang malupit boi, magugulat ka talaga at sasabog sa galit.""Ha? Bakit?" Napabalik ako sa pagkakaupo sa may sofa, sa tabi niya."Baka siguro okay lang sa kanya na kasal kayo at kaya hindi siya payag sa gusto mo na magpanggap bilang happy married couple ay dahil nilalakad niya 'yong papeles niya, last year pa, pupunta yata siya sa abroad, walang sinabi dito kung anong bansa e kaso hindi siya makaalis-alis ng bansa dahil sa ilang personal problem." Pagbabahagi ni Kenneth na ikinagulat ko."Anong personal problem naman kaya?"Nagkibit-balikat siya. "Walang sinabi dito e, basta aalis siya ng bansa as soon as possible.""Fuck! No way! " Napahilamos ako sa aking mukha sa sobrang stress. "I need to stop her.""Then, goodluck! Makakalaban mo ang isang dragon na kagaya mo."Masama ko siyang tinignan at nagpeacesign nalang ito para hindi matamaan sa akin. Muli niyang ibinalik ang tingin sa laptop niya samantalang ako, natulala na lang.Tangina! Ano naman ang gagawin niya sa ibang bansa?"Kalilipat pa lang ng pangalan ko sa kompanya, uutangan mo na 'ko. Ni wala pang bente kwatro oras na nakapangalan tong kompanya sa'kin e." Napasugod ako kay Rhaiven nang maalala ko na mauubos na ang laman ng bank account ko. Hindi magiging sapat ang pera ko na nandon para bayaran si Mahana if ever pumayag ito, idagdag pa 'yong gagastusin namin sa pagproseso nong annulment ng kasal namin.Sa aming lahat, si Rhaiven itong mapera dahil animoy nagtatae ng pera ang bank account nito or wallet. Swerte kumbaga ang isang to pagdating sa pera. Hindi naman ito 'yong unang beses na uutangan ko siya. Lahat kami kapag may problema pinansyal ay sa kanya kami kaagad tumatakbo. Hindi naman kasi madamot ang isang 'to."Babayaran ko naman, pre. Kinakailangan ko lang talaga ngayon."Nagdekwatro ako ng upo sa sofa na nasa gilid ng kanyang opisina habang abala na nilalaklak 'yong alak na inilabas niya kanina sa may center table."Hindi naman issue sa akin kung mababayaran o hindi e." Napasandal siya sa k
"Luis, ibalik mo sa'kin 'yong passport ko."Sinundan niya ako ng tingin papunta sa sala ng tinitirhan niya. Iyong kutsilyo na hawak niya kanina ay ibinaba na niya dahil natatakot siyang baka masaksak niya ako ng tuluyan. Nakangisi ako na naglakad-lakad sa kabuuan ng sala at ramdam na ramdam ko sa mga tingin niya 'yong inis."Pumayag ka muna sa gusto ko." Kinindatan ko pa siya na lalong nagpausok sa ilong niyang galit na galit."Psh! Ano ako tanga? Papayag sa gusto mo nang hindi ko pag-iisipan ng mabuti? Hoy! Kunin mo na lahat sa akin, huwag lang 'yang passport ko kaya akin na." Lumapit siya sa pwesto ko at kinapkapan ako sa buong katawan. Itinaas ko pa ng bahagya ang dalawang kamay ko para malaya siyang gawin ang gusto niya. Napakadesperada niya. Wala akong nagawa kundi ang pagtawanan siya."Oh, kalma, baka ibang passport makapa mo dyan." Pilyong biro ko at walang kahirap-hirap niyang kinurot ang braso ko. "Aray naman!"Namula iyong kinurot niya sa akin kaya hinimas-himas ko ito para
"As of now, wala pang balita ukol sa pagpapahanap kina Jade. Sa lawak ng mundo, hindi natin alam kung saan sulok sila hahanapin. Kumalma ka nga, 'yong reward na ibibigay ng Lola mo muna ang asikasuhin mo."Kinuha ko iyong iniabot ni Kenneth sa akin na bote ng alak. Sumadya ako rito sa condo niya para makibalita. Hindi ko siya makontak kaya sinadya ko na siya. Wala sina Chris at Rhaiven dahil busy sila sa mga buhay nila, lalong-lalo na si Rhaiven."Anong kalma? Paano ako kakalma sa lagay na 'to? Ni hindi ko alam kung nasaan sina Jade e. Pre, walang silbi kung makukuha ko 'yong reward kapag kasal pa rin ako sa babaeng 'yon. Gusto ko, as soon as possible ay mapasawalang bisa na 'yon."Kumuha ako ng pulutan namin at kinain ko iyon. Oo, napapayag ko nga si Mahana na magpanggap kami pero ang ikinakatakot ko, baka hindi niya gawin ng maayos ang trabaho niya. Bukod don, hindi pa alam ni Misty ang tungkol sa kasal namin ni Mahana."E anong magagawa natin, mukhang nagtatago sila e.""Iyon ang n
"Namatay siya because of cardiac arrest. Noong last na nag-usap kami, para siyang may gustong sabihin sa akin pero nahihirapan siyang magsalita. Ang buong akala ko, nandon siya sa bahay nagpapahinga pero hindi, animoy nagtatago siya kaya naron siya sa probinsiya."Tahimik kaming lahat sa pagkwekwento ng nakababang kapatid ni Mayor Queja ukol sa kalagayan nito. Interesado akong malaman lahat ang tungkol kay Mayor pagkatapos nong aksidenteng kasal namin ni Mahana na siya ang pasimuno.Mukhang tama nga ang hinala ko, may alam sina Mayor Queja sa kasal, at sa pagkakakwento ng kapatid nito, nagtatago siya dahil animoy may naghahanap sa kanila. Ang tanong, sino naman?"E, nasa'n po si Jade?" Lahat napunta sa akin ang kanilang tingin nang magsalita ako. Hindi ko na napigilan pa dahil gulong-gulo na ako sa mga nangyayari. Uhaw na uhaw ako sa mga impormasyon na makakapagsalba sa akin sa gantong kapalaran ko.Nagkibit-balikat ang ginang. "Hindi ko alam kung nasaan siya. Maski siya, naglaho na
"Hindi mo sinabi sa akin na close pala kayo ni Mama. Kailan pa?"Binasag ko ang katahimikan matapos naming ihatis si Mama sa bahay. Nang maabutan ko silang nag-uusap, aligaga silang dalawa na animoy gulat na gulat sa pagdating ko. Tutal sinusundo si Mahana, isinabay ko na rin si Mama na nabalitaan ko na nagtaxi lang papunta roon."Sinuyo ako ng Mama mo kaya siya nandon." Sagot ni Mahana sa akin habang nasa labas ng bintana ang kanyang tingin. "Napansin niya yata 'yong kilos nating dalawa kanina sa restaurant. Hindi mo sinabi sa akin na malakas ang pang-amoy ng nanay mo kapag magkagalit ang dalawang tao."Buong pwersa ko na kinalabit ang preno ng sasakyan ko dahil nagkulay red ang traffic light. Bahagya akong napatitig kay Mahana na noon na buryong-buryo sa postura niya. Kahit wala siyang ginagawa sa akin, inis na inis talaga ako sa kanya. Ewan ko talaga kung kaya ko siyang pakisamahan hanggang sa makuha ko yong rewars kay Lola."E bakit gulat na gulat kayo nong makita niyo 'ko?" Tanon
"Why don't you tell him the truth nalang instead nagdadahilan ka pa sa kanya. Baka imbes na gustuhin ka non e maturn-off pa dahil diyan sa pagsisinungaling mo."Wala na akong ibang natanggap mula sa mga kaibigan ko kundi panenermon. Sila ang takbuhan ko kapag may problema ako dahil sila ang alam kong makakatulong sa akin. Akala ko magiging madali ang lahat sa akin kapag napapayag ko si Mahana na magpanggap bilang asawa ko pero hindi pala. Unti-unti niyang binabahiran ng kamalasan ang mga bagay na kinaiingatan ko."She's going to understand me, bro, kilala ko si Misty." Sabi ko na lang para gumaan ang nangangabang pakiramdam ko. "E ano ba kasi ang napag-usapan nila ni Mahana?" Tanong ni Rhaiven na nakahilata sa pang-isahang sofa. Narito kami sa condo ni Chris dahil tinulungan namin siyang planuhin iyong proposal niya kay Jaime sa susunod na buwan."Ayaw sabihin ni Mahana sa akin. Tangina non! Pahamak talaga. Ganon na ganon siya nong highschool tayo e. Nakakairita."Naalala ko na naman
"Sana lang talaga may mapala tayo dito sa ideya mo, Luis, at kung wala, ikaw ang bahala na magpaliwanag sa nililigawan ko. Date namin ngayon, pre, wrong timing ka naman e."Mula makaalis kami ng condo ni Kenneth ay panay na siya reklamo dahil may date dapat sila nong Alona na nililigawan niya. Kung hindi ko lang kinosensya kanina, hindi naman siya sasama sa akin."Uunahin mo pa talaga 'yon kaysa sa'kin? Importante 'tong lakad natin, pre, galingan mo na lang magpalusot sa kanya mamaya."Napakamot na lang siya ng ulo habang nagmamaneho. Para bang may sili sa pwet ko at hindi ako mapakali sa pagkakaupo. Kating-kati na akong makuha 'yong kopya nong CCTV footage. Tanging iyon ang makakapagsalba sa akin.Nakatanggap ako ng tawag mula kina Rhaiven at Chris na naroon na daw sila sa bar. Mas nauna pa silang dumating don dahil malapit lang naman 'yon sa mga work nila hindi tulad sa amin ni Ken na kinakailangan pa namin makipag-initan sa mga motorista dahil sa traffic."Anong meron at napasugod
"May alam ka ba kung bakit napasugod bigla si Lola dito?"Hindi ko tinantanan si Mahana hanggang sa kwarto nang utusan kami ni Lola na ayusin 'yong mga gamit namin na dadalhin sa bahay niya. Kahit naman lumuhod ako sa pakikipag-usap, hindi ako pagbibigyan ni Lola. May isang salita siya na dapat sundin."Ba't pinagbibintangan mo 'ko? Gumising lang naman ako tapos pumaroon sa kusina para magluto sana nong makita ko siya sa sala nakaupo. Natarantat nga 'ko nong makita ko siya e." Paliwanag nito, kumuha siya ng ilang gamit sa cabinet niya kung saan nakaayos ang mga dala niyang damit dito sa condo ko."Shit!" Napahilot ako sa aking sentido dahil sa inis. "Mag-impake ka na ng gamit mo, baka mamaya sumugod pa si Lola dito sa kwarto e at maabutan 'yang pag-uusok mo sa galit." Usisa niya at inilapag iyong isang maleta na paglalagyan ko ng aking mga damit and personal hygiene. Natapos na siya sa pag-iimpake at inilalagay na lang niya sa isang pouch 'yong mga skincare at makeup niya na nakadisp
"Matagal na naming alam." Pambabasag ni Rhaiven sa katahimikan habang pinapanood nila si Luis na nilulunod ang sarili sa alak. Ni hindi na nila ito maawat at walang kahirap-hirap na inuubos ang mga alak na inorder nito. Napahinto si Luis sa paglagok ng bote ng alak na kanyang hawak. Diretso niyang tinapunan ng tingin si Rhaiven na seryosong nakatitig naman sa kanya. "What do you mean?"Nagkatinginan muna ang tatlo. Matagal na silang may alam pero nanatili silang tahimik at hinayaan na si Luis mismo ang makabisto kay Mahana. Palihim naman nila itong minamanmanan nang sa ganon ay may ebidensya sila kung sakaling pilit itong ideny ng babae.Sinenyasan ni Kenneth si Rhaiven na siya na lamang ang magpaliwanag kay Luis. Tutal siya naman ang unang nakaalam ng katotohanan dahil pasikreto itong kumuha ng imbestigador upang asikasuhin ang kaso nina Luis. Sa hindi inaasahang pagkakataon, may hindi kanais-nais siyang nalaman at iyon ay dawit si Mahana."Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin
"Let's talk, Mahana..."Malalaking hakbang ang ginawa ni Luis para maabutan si Mahana na dali-daling naglalakad papunta sa kwarto nila sa tinuluyan nilang hotel. Gusto niyang malaman ang katotohanan sa paratang ng kanyang pamilya laban kay Mahana. Hindi nag-antubili si Mahana na ipaliwanag ang kanyang sarili matapos ang hindi inaasahan na pagbubuking ng pamilya ni Luis sa kanya. Ang tanging paraan na naisip niya lang ay ang magwalk-out. Hindi siya nakapaghanda sa bagay na 'yon na matutuldukan ng biglaan ang kasinungalingan niya."Luis, please, huwag ngayon...." Mabilis na binawi ni Mahana ang braso niya na nahuli ni Luis pagdating nila sa tapat ng kanilang kwarto. Sinamantala ni Mahana na pihitin ang doorknob para makapasok na siya sa loob kahit ang totoo ay wala siyang takas kay Luis. "Hana, ano ba! Kausapin mo 'ko.." muling humakbang ng malaki si Luis upang maabutan si Mahana nang tuluyan na silang makapasok ng kwarto. Sinubukan niyang pakalmahin si Mahana upang makausap niya it
"Small world nga naman at dito pa tayo nagkita-kita. Kayo naman, hindi naman kayo nagsabi na pupunta pala kayo ng Baguio, e di sana nakisabay na kami para isahan na lang 'yong pagbyahe natin." Usisa ni Arlene, ang ina ni Luis."Unplanned rin po kasi 'tong pagpunta namin dito, Ma. Napaluwas lang kami ng biglaan ni Hana kahapon, right love?" Sagot ni Luis saka hinimas ang bandang balikat ni Mahana kung saan siya nakaakbay. Hindi makatingin ng diretso na tumango-tango si Mahana. "Yeah." Pilit pa itong ngumiti.Sa kabilang dako, pinasadahan ni Arlene ng tingin ang kaniyang daughter in law na si Mahana habang abala si Luis na kinakamusta ang Lola Luisa nito na noon ay bagong pasok lang ng hotel. Napangisi siya ng bahagya saka napabuga ng hangin."Hi, hija. Long time no see." Usisa ni Lola Luisa, lumapit naman si Mahana upang makipagbeso rito at kapansin-pansin ang pilit na pilit nitong pagngiti na animoy hindi komportable sa presensya ng pamilya ni Luis. "How are you, hija? Ang tagal ka n
"Luis, akin na 'yan, please."Sinubukang agawin ni Mahana ang hawak ni Luis na folder kung saan nakalagay ang mga dokumento na kaniyang ginamit upang ilakad ang kaniyang pag-alis ng bansa. Hindi niya inaasahan na mahahalungkat iyon ni Luis kahit pa man nakatago na iyon sa hindi masyadong napapansin na sulok.Kahit na anong pang-aagaw ang gawin ni Mahana, hindi niya makuha-kuha iyong folder dahil mabilis na iniilag ni Luis iyon gamit ang kaniyang kamay kasabay ng masamang titig nito sa kaniya. Doon na nakaramdam si Mahana ng kaba at takot lalo na at hindi siya handa sa panahon na iyon na malalaman ni Luis ang buong katotohanan sa madalas nitong paglabas at hindi pagsama sa lakad ng pamilya."Please, Luis, i-ibigay mo na 'yan sa akin." Pagmamakaawa ni Mahana, namumuo na rin ng luha sa gilid ng kaniyang mata dala ng kaba at takot. Nanginginig ang kaniyang buong katawan at hindi niya alam kung paano niya ipapaliwanag ang lahat sa lalaki. "No!" Pagmamatigas ni Luis sa maawtoridad na tinig
"Are you out of your mind, Luwi? Seryoso ka? Hindi ka tutuloy sa seminar na 'yon?"Inaasahan na ni Luis na ganoon ang magiging reaksyon ng kaniyang mga kaibigan sa pang-rereject na ginawa niya sa seminar na inalok sa kaniya. Nadismaya ang kaniyang mga tropa dahil pangarap niya noon pa man na mapasali sa seminar na iyon lalo na at nandon ang hinahangaan nitong businessman."Oo nga, pre, hindi ako tutuloy." Pagkumpirma nito. "Tsk!" Napailing-iling si Kenneth. "Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maiinis sa mga pinaggagagawa mo, Luis. Una, inurong mo 'yong kaso dahil sa kahibangan mo na ayusin ang sa inyo ni Mahana kahit alam natin na konting panahon na lang ay malalaman na natin kung sino ang may kagagawan ng pekeng kasal niyo. Tapos ngayon, nireject mo ang seminar na pinapangarap mo simula pa nong highschool tayo, para ano? Para kay Mahana na naman? Pre, ang dami mo ng sinasayang na opportunity oh." Pamamaktol nito dahil hindi na siya natutuwa sa mga desisyon na ginagawa ni Luis.Sin
"Sino bang kikitain mo at isinama mo pa talaga kami? Walang hiya ka! Para kang batang bubwit na kinakailangan pang samahan sa lahat ng lakad mo." Walang humpay na pagrereklamo ni Kenneth dahil kinidnap na naman silang dalawa ni Chris upang samahan sa lakad na iyon ni Luis."Pre, I can't do this on my own. Mas maganda ang magiging kalabasan nito kapag sumama kayo incase na may gusto kayong isuggest." Sagot ni Luis saka ipinark na sa garahe ng restaurant iyong sinakyan nilang kotse. Pagkapatay niya ng makina ay inalis na niya ang nakasuklib na seatbelt sa kanyang katawan.Pakamot-kamot naman ang dalawa na napilitang tanggalin na rin ang kanilang seatbelt."Ulul! Pwede mo naman kaming tawagan incase tatanungin mo kami kung may maisusuggest kami dyan sa binabalak mong proposal kay Mahana e. Pwede rin na ilista mo nalang at hindi ganito na inabala mo pa kami." Iritableng singhal ni Chris saka padabog na isinarado ang pinto ng sasakyan."Chris, relax.." umakbay si Luis sa kaniya. "Incase na
"Nakakagulat naman 'tong gusto mong mangyari, Luis." Pag-uumpisa ni Attorney Robles ng usapan matapos makarating ni Luis sa coffee shop na meeting place nila.Natawa ng bahagya si Luis. "Oo nga po e, pati 'yong mga kaibigan ko, nagulat din.""So, anong nagtulak sa'yo na gawin ito? Luis, let me remind you, konti nalang malalaman niyo na kung sino ang may kapakanan ng pekeng kasal niyo ni Mahana. Ayaw mo bang ituloy na lang?" Suhestiyon ng abogado."Attorney, I don't know how to explain this pero I want to settle everything now sa amin ni Mahana. Hindi ko masabi yong eksaktong dahilan ko para iatras ng ganitong biglaan 'yong annulment namin. Basta, ang alam ko, gusto ko nang bumukod at bumuo ng masayang pamilya na kasama siya." Masayang paliwanag ni Luis.Napangiti si Attorney na kasabay noon ang kaniyang pagtango na animoy natuwa sa mga sinabi ni Luis. Napabuntong-hininga ng malalim si Attorney Robles saka may kinuha sa kaniyang suitcase na dala at muling humarap kay Luis."Well, kung
"Kakaibang trip 'to, Luis, BADTRIP!"Halos ayaw ihakbang ni Mahana ang kanyang mga paa papasok ng mamahaling restaurant na pinareserve ni Luis upang doon ganapin ang engrandeng surpresa niya para sa wedding anniversary nila ni Mahana. Hindi naman na nila dapat icelebrate iyon dahil hindi bigdeal sa kanilang dalawa pero gusto ni Luis na may kaunting pagdiriwang pa din na magaganap sa espesyal na araw na iyon sa kanila bilang mag-asawa."Haha! Nandito ka naman na e. Just enjoy the moment with me." Ipinaghila niya ng upuan si Mahana saka ngitian ito na sinenyasan na maupo roon. Nagpapadyak pa si Mahana sa inis na parang bata at napakamot ng bahagya sa kanyang ulo bago tuluyang tinugon ang gusto ni Luis. Padabog siyang naupo at inayos ang kanyang sarili. Pagkaupo niya ay dali-dali namang pumunta si Luis sa kanyang pwesto.Pagkaupo pa lamang ni Luis ay isa-isa nang nagsilapit ang mga waiter upang ihain ang mga nagsasarapang pagkain sa kanilang lamesa na sa gitna nito ay may kandila pa't m
"Pamine mga bhie, bra, cup B size thirty two. Bagay 'to sa mga malalaki ang dyoga. Pamine na, bilis." Pang-aakit ni Luis sa mga viewers nila sa kanilang live selling ng mga produkto ni Mahana. Nakatanggap siya ng malakas na hampas mula kay Mahana na nakaupo sa likod nito. Natawa si Mahana pero mas nanaig ang kanyang inis sa mga sinabi ni Luis."Ang baboy mo talaga. Ayusin mo naman." Suway ng babae sa kanya sabay pinagdilatan siya ng mata."Bakit? Anong baboy don? E sa bra 'tong binebenta ko e. Maaakit ko ba sila kung sasabihin kong bagay 'to sa flat chested? Hindi naman, 'di ba?" Depensa ni Luis habang hawak-hawak iyong bra na kanyang binebenta."Oo nga pero ifilter mo naman 'yang sasabihin mo. Ma-ban pa 'yong account ko sa'yo e." Napakamot si Mahana sa kanyang ulo."Tsk! Ikaw na nga 'tong tinutulungan." Bulong ni Luis saka humarap ulit sa selpon upang ipagpatuloy ang kanyang ginagawa."Anong sabi mo?""Wala, sabi ko, icheck mo na baka may nagmine na." Palusot nito. "Okay, next item