"Luis, ibalik mo sa'kin 'yong passport ko."Sinundan niya ako ng tingin papunta sa sala ng tinitirhan niya. Iyong kutsilyo na hawak niya kanina ay ibinaba na niya dahil natatakot siyang baka masaksak niya ako ng tuluyan. Nakangisi ako na naglakad-lakad sa kabuuan ng sala at ramdam na ramdam ko sa mga tingin niya 'yong inis."Pumayag ka muna sa gusto ko." Kinindatan ko pa siya na lalong nagpausok sa ilong niyang galit na galit."Psh! Ano ako tanga? Papayag sa gusto mo nang hindi ko pag-iisipan ng mabuti? Hoy! Kunin mo na lahat sa akin, huwag lang 'yang passport ko kaya akin na." Lumapit siya sa pwesto ko at kinapkapan ako sa buong katawan. Itinaas ko pa ng bahagya ang dalawang kamay ko para malaya siyang gawin ang gusto niya. Napakadesperada niya. Wala akong nagawa kundi ang pagtawanan siya."Oh, kalma, baka ibang passport makapa mo dyan." Pilyong biro ko at walang kahirap-hirap niyang kinurot ang braso ko. "Aray naman!"Namula iyong kinurot niya sa akin kaya hinimas-himas ko ito para
"As of now, wala pang balita ukol sa pagpapahanap kina Jade. Sa lawak ng mundo, hindi natin alam kung saan sulok sila hahanapin. Kumalma ka nga, 'yong reward na ibibigay ng Lola mo muna ang asikasuhin mo."Kinuha ko iyong iniabot ni Kenneth sa akin na bote ng alak. Sumadya ako rito sa condo niya para makibalita. Hindi ko siya makontak kaya sinadya ko na siya. Wala sina Chris at Rhaiven dahil busy sila sa mga buhay nila, lalong-lalo na si Rhaiven."Anong kalma? Paano ako kakalma sa lagay na 'to? Ni hindi ko alam kung nasaan sina Jade e. Pre, walang silbi kung makukuha ko 'yong reward kapag kasal pa rin ako sa babaeng 'yon. Gusto ko, as soon as possible ay mapasawalang bisa na 'yon."Kumuha ako ng pulutan namin at kinain ko iyon. Oo, napapayag ko nga si Mahana na magpanggap kami pero ang ikinakatakot ko, baka hindi niya gawin ng maayos ang trabaho niya. Bukod don, hindi pa alam ni Misty ang tungkol sa kasal namin ni Mahana."E anong magagawa natin, mukhang nagtatago sila e.""Iyon ang n
"Namatay siya because of cardiac arrest. Noong last na nag-usap kami, para siyang may gustong sabihin sa akin pero nahihirapan siyang magsalita. Ang buong akala ko, nandon siya sa bahay nagpapahinga pero hindi, animoy nagtatago siya kaya naron siya sa probinsiya."Tahimik kaming lahat sa pagkwekwento ng nakababang kapatid ni Mayor Queja ukol sa kalagayan nito. Interesado akong malaman lahat ang tungkol kay Mayor pagkatapos nong aksidenteng kasal namin ni Mahana na siya ang pasimuno.Mukhang tama nga ang hinala ko, may alam sina Mayor Queja sa kasal, at sa pagkakakwento ng kapatid nito, nagtatago siya dahil animoy may naghahanap sa kanila. Ang tanong, sino naman?"E, nasa'n po si Jade?" Lahat napunta sa akin ang kanilang tingin nang magsalita ako. Hindi ko na napigilan pa dahil gulong-gulo na ako sa mga nangyayari. Uhaw na uhaw ako sa mga impormasyon na makakapagsalba sa akin sa gantong kapalaran ko.Nagkibit-balikat ang ginang. "Hindi ko alam kung nasaan siya. Maski siya, naglaho na
"Hindi mo sinabi sa akin na close pala kayo ni Mama. Kailan pa?"Binasag ko ang katahimikan matapos naming ihatis si Mama sa bahay. Nang maabutan ko silang nag-uusap, aligaga silang dalawa na animoy gulat na gulat sa pagdating ko. Tutal sinusundo si Mahana, isinabay ko na rin si Mama na nabalitaan ko na nagtaxi lang papunta roon."Sinuyo ako ng Mama mo kaya siya nandon." Sagot ni Mahana sa akin habang nasa labas ng bintana ang kanyang tingin. "Napansin niya yata 'yong kilos nating dalawa kanina sa restaurant. Hindi mo sinabi sa akin na malakas ang pang-amoy ng nanay mo kapag magkagalit ang dalawang tao."Buong pwersa ko na kinalabit ang preno ng sasakyan ko dahil nagkulay red ang traffic light. Bahagya akong napatitig kay Mahana na noon na buryong-buryo sa postura niya. Kahit wala siyang ginagawa sa akin, inis na inis talaga ako sa kanya. Ewan ko talaga kung kaya ko siyang pakisamahan hanggang sa makuha ko yong rewars kay Lola."E bakit gulat na gulat kayo nong makita niyo 'ko?" Tanon
"Why don't you tell him the truth nalang instead nagdadahilan ka pa sa kanya. Baka imbes na gustuhin ka non e maturn-off pa dahil diyan sa pagsisinungaling mo."Wala na akong ibang natanggap mula sa mga kaibigan ko kundi panenermon. Sila ang takbuhan ko kapag may problema ako dahil sila ang alam kong makakatulong sa akin. Akala ko magiging madali ang lahat sa akin kapag napapayag ko si Mahana na magpanggap bilang asawa ko pero hindi pala. Unti-unti niyang binabahiran ng kamalasan ang mga bagay na kinaiingatan ko."She's going to understand me, bro, kilala ko si Misty." Sabi ko na lang para gumaan ang nangangabang pakiramdam ko. "E ano ba kasi ang napag-usapan nila ni Mahana?" Tanong ni Rhaiven na nakahilata sa pang-isahang sofa. Narito kami sa condo ni Chris dahil tinulungan namin siyang planuhin iyong proposal niya kay Jaime sa susunod na buwan."Ayaw sabihin ni Mahana sa akin. Tangina non! Pahamak talaga. Ganon na ganon siya nong highschool tayo e. Nakakairita."Naalala ko na naman
"Sana lang talaga may mapala tayo dito sa ideya mo, Luis, at kung wala, ikaw ang bahala na magpaliwanag sa nililigawan ko. Date namin ngayon, pre, wrong timing ka naman e."Mula makaalis kami ng condo ni Kenneth ay panay na siya reklamo dahil may date dapat sila nong Alona na nililigawan niya. Kung hindi ko lang kinosensya kanina, hindi naman siya sasama sa akin."Uunahin mo pa talaga 'yon kaysa sa'kin? Importante 'tong lakad natin, pre, galingan mo na lang magpalusot sa kanya mamaya."Napakamot na lang siya ng ulo habang nagmamaneho. Para bang may sili sa pwet ko at hindi ako mapakali sa pagkakaupo. Kating-kati na akong makuha 'yong kopya nong CCTV footage. Tanging iyon ang makakapagsalba sa akin.Nakatanggap ako ng tawag mula kina Rhaiven at Chris na naroon na daw sila sa bar. Mas nauna pa silang dumating don dahil malapit lang naman 'yon sa mga work nila hindi tulad sa amin ni Ken na kinakailangan pa namin makipag-initan sa mga motorista dahil sa traffic."Anong meron at napasugod
"May alam ka ba kung bakit napasugod bigla si Lola dito?"Hindi ko tinantanan si Mahana hanggang sa kwarto nang utusan kami ni Lola na ayusin 'yong mga gamit namin na dadalhin sa bahay niya. Kahit naman lumuhod ako sa pakikipag-usap, hindi ako pagbibigyan ni Lola. May isang salita siya na dapat sundin."Ba't pinagbibintangan mo 'ko? Gumising lang naman ako tapos pumaroon sa kusina para magluto sana nong makita ko siya sa sala nakaupo. Natarantat nga 'ko nong makita ko siya e." Paliwanag nito, kumuha siya ng ilang gamit sa cabinet niya kung saan nakaayos ang mga dala niyang damit dito sa condo ko."Shit!" Napahilot ako sa aking sentido dahil sa inis. "Mag-impake ka na ng gamit mo, baka mamaya sumugod pa si Lola dito sa kwarto e at maabutan 'yang pag-uusok mo sa galit." Usisa niya at inilapag iyong isang maleta na paglalagyan ko ng aking mga damit and personal hygiene. Natapos na siya sa pag-iimpake at inilalagay na lang niya sa isang pouch 'yong mga skincare at makeup niya na nakadisp
"Ba't kasi hindi nalang natin pagbigyan si Lola para tantanan na niya tayo."Muntik kong maibato kay Mahana iyong hawak ko na unan dahil sa sinabi niyang iyon. Hindi na namin kailangan mag-agawan sa kama dahil malaki naman iyon. Kung tutuusin ay mailalarawan ko na iyong pinakamagandang kwarto ang kinuha ni Lola para sa amin. "Are you out of your mind?" Inis na singhal ko sa kamya. "Papayag ka na makipagsex sa akin para lang mapatahimik ang Lola ko? Adik ka ba?""E kaysa naman 'yong kinukulit tayo, nauubusan na ako ng palusot don e." Sagot nito."Tsk! Ganyan ka ba kababaw para pumayag na lang ng ganon kadali? Mahana, bata ang hinihiling ni Lola at hindi isang laruan lang na ibibigay ng basta-basta. Kung makasunod ka kay Lola parang nag-uutos lang ng gawaing bahay 'yon ah." Kompronta ko.Ang dali sa kanyang mapapayag sa mga ganong bagay para matapos kaagad ang problema. Hindi niya pinag-iisipan ng mabuti ang mga posibleng mangyari kung nagkataon na gagawa nga kami. Kung makapagdesisyo