"Ang sabi niya sa akin, Sir, pinapakuha niyo raw, nagsend ka raw po ng message na nagsasabing inutusan mo siya. At hindi lang 'yon, Sir, tinawagan pa kayo, mukhang kayo naman 'yong kausap kaya ibinigay ko na."Halos mamura ko ng malutong ang staff ng bar habang ikinukwento ang pangyayari kahapon kung saan ibinigay niya sa hindi ko kilalang tao iyong kopya nong CCTV footage. Pinili kong kumalma dahil nakakahiya kung pagbubuntunan ko ng galit itong lalaki na kausap ko. Sinubukan kong kumalma kahit sa loob-loob ko ay sasabog na talaga ako sa galit.Pasimple kong iginalaw ang panga ko sa inis."Kuya, wala akong inutusan, okay? Tsaka, sinabi ko naman sa'yo na hwag mong ibibigay 'yon kahit kanino bukod sa akin o sa mga kaibigan ko, diba?" I try my very best to calm down.Napakamot ito ng ulo. "E, Sir, iyon din po ang sinabi ko e kaso nagpumilit at sinabing kaibigan niyo rin daw siya e."Napakunot ako ng noo. "My friends are busy, manong, wala silang panahon para kunin iyon.""Makulit po ta
"Bakit magkasama kayo ni Mama kanina? Anong pinag-uusapan niyo? At bakit, nandito siya sa Pinas e pagkakaalam ko, nasa abroad dapat siya kasama si Papa? Bakit inform ka na nandito siya tapos ako na anak niya, hindi?"Ang daming tanong na sumasagi sa utak ko dahil sa nakita ko kanina na tanging sina Mahana at Mama lamang ang makakasagot. Nakakapagtaka naman talaga, bakit alam ni Mahana na nandito si Mama pero hindi manlang niya sinabi sa akin? Bakit parang may pinag-uusapan silang importante at kung ano man iyon ay wala akong ideya?Napatigil siya sa pagsusuklay ng kanyang buhok. Abala kami sa paghahanda sa pag-alis namin kasama si Lola. Ayon nga sa sabi niya kanina, sasama kami sa dinner with her amigas/ amigos. Kahit naman ayaw ko ay wala akong magagawa."Isusurprise ka dapat ni Tita, kaso, nabisto mo naman kami kanina." Sagot nito pero hindi ko magawang makumbinsi. Gusto ko ng malalim na paliwanag. Hindi ako satisfied sa sagot niya."Anong pinag-usapan niyo? Mukhang seryoso kayo kan
"Fuck! Hindi ko na siya macontact. Argh!"Naihagis ko sa ere ang hawak kong selpon dahil hindi ko na macontact ang cellphone number ni Jade na tumawag sa akin kanina. Nakailang dial na ako sa number nito ay wala pa rin. Hindi ko pa naalaman kung sino ang may pakanan lahat ng ito. Nagulat si Mahana sa paghagis na ginawa ko sa selpon na hawak ko kanina. Sa inis ko ay napamura ako ng malutong saka pinagpupukpok ang ulo ko gamit ang kamay ko."Kumalma ka nga." Malumanay na usisa nito, nararamdaman ko sa boses nito ang kaba at takot dahil sa inaasta ko pero hindi ko siya magawang pakinggan.Matalim ang tingin na itinapon ko sa kanya. Siya ang tanging dahilan kung bakit naputol ang pag-uusap namin ni Jade. Ang pag-uusap namin na makakapagbigay sa akin ng kasagutan sa lahat ng katanungan na gumugulo sa isipan ko."Tsk! This is your fucking faul!" Paninisi ko sa kanya, naiduro ko pa siya ng bahagya dahilan upanh mapahawak ito sa kanyang dibdib na animoy nagtataka kung bakit siya ang sinisis
"Hindi pa rin ba kayo bati?"Kumabog ng mabilis ang puso ko nang mapunta ang atensyon ni Lola sa aming dalawa ni Mahana. Nasa hapag kainan kami ngayon kasalo siya. Magkatabi kami ni Mahana pero wala kaming pansinan. Ni hindi kami tabi matulog kagabi dahil sa mainit na sagutan namin.Walang sumagot sa amin ni Mahana, kahit nakayuko ako, alam kong nakatitig si Lola sa aming dalawa. Malamang pinapakiramdam niya kaming dalawa ng misis ko. Gusto kong magsalita at ipaglaban ang sarili ko pero kusang umatras ang dila ko."Ayusin niyo 'yan. Walang ibang aayos nyan kundi kayo lang." Panenermon ni Lola sa amin. "Naiintindihan niyo ba, Luis at Hana?" Nauna akong tumango at sinundan iyon ni Mahana pagkatapos ay nabalot na ulit ng katahimikan ang hapag kainan. Gutom naman ako sa tingin ko pero hindi ako kakapokus sa pagkain dahil sa wirdong presensya ni Mahana sa tabi ko."Aalis na po ako." Tumayo ako, pinunasan ang labi ko gamit ang table napkin. Lumapit ako kay Lola upang humalik sa pisngi ni
"Fuck! No way!"Napabalikwas ako ng bangon nang pagkamulat ko ng aking mga mata ay bumungad sa akin si Mahana na nakayakap sa hubad kong katawan, habang siya ay tanging iyong puting kumot lamang ang nakabalot sa kanyang katawan.Walang kahirap-hirap ko na inalis iyong pagkakayakap ng kanyang braso sa katawan ko. Konti nalang din ay itulak ko siya palayo sa akin dahil sa sobrang galit ko. Kahit na anong pwersa ang ginawa ko para mailayo siya sa tabi ko ay hindi pa rin ito nagising. Tulog mantika ang babae. Psh!Mag alas otso na ng umaga pagkakita ko sa wall clock na narito sa kwarto ko. Nagkalat sa sahig ang mga damit namin. May ilan na roon sa sofa at may kung ano ang pumasok sa utak ko, sumagi sa utak ko na may ginawa kami sa sofa kagabi kaya naroon ang mga damit namin. Napailing ako. Nakakadiri.Sa sobrang pagkataranta ay kaagad kong pinulot iyong damit ko't dali-daling pumaroon sa banyo upang balutin ang katawan ko. "Shit! No! This can't be real! No!" Napahilamos ako sa aking mukh
"Uy! Pameryenda ka naman dyan." Kinalabit ako ni Mahana sa may binti ko, nakahiga ako ngayon dito sa kama habang naglalaro ng online games sa selpon ko. Wala akong lakad ngayon kaya tatambay na muna ako dito sa bahay."Meryenda? Katatapos lang natin kumain ng lunch." Sagot ko. Wala pa yatang isang oras matapos namin kumain ng tanghalian ay gutom na naman ang babae. Madami namang ipinahanda si Lola kanina kaya paano na hindi 'to nabusog? Akala mo naglilihi na parang..... No!Napatitig ako ng makahulugan sa kanya. Ni hindi ko na inisip iyong paglalaro ko sa selpon kung matalo man ito dahil may kung anong enerhiya ang humigop sa akin para titigan siya at suriin ang kanyang mukha."Oh, bat ka naman ganyan makatingin sa'kin?" Nagtatakang tanong nito nang mahuli nito na nakatitig ako sa kanya ng makahulugan.Napaiwas ako ng tingin sabay iling ng ilang beses. Potangina! Nag-ooverthink na naman ako. Naalala ko bigla ang mga paalala ni Rhaiven sa akin kahapon. "Oorder na 'ko ah. Ikaw magbaya
"Prinank ka lang, nagalit ka na agad."Narinig ko ang sunod-sunod na pagtawa ni Mahana matapos niya akong maabutan na hawak-hawak iyong pregnancy test na positive. At mas lalo pa akong naguluhan sa mga sinabi niya.Napakunot ako ng noo. "Anong prank?" Kinuha niya iyong pregnancy test na hawak ko. Sinundan ko siya ng tingin na maupo sa dulo ng kama. Kung gaano kakabado ang puso ko siya naman ang ikinakalma niya."Aamin na ako. Sige na." Tugon niya, nakaabang ang buong sistema ko sa mga susunod niyang sasabihin."Bu-buntis ka?" Dire-diretsong tanong ko dahil nilalamon na ako ng kaba."Hahaha!" Ayon na naman ang pagtawa niya na ikinaiinis ng teinga ko na marinig."Bakit ka ba tumatawa? Anong aamin mo? Wala ka ng aaminin dahil nahuli na kita. Buntis ka ' diba?" Iritableng tugon ko. Konti nalang din ay sabunutan ko siya dahil sa pagiging kalmado niya. Pinagtatawanan pa ako ng babae."Shunga! Hindi ako buntis." Sagot niya na ikinagulat ko. "Anong hindi? Positive 'yang resulta dyan sa preg
A/N: Ang chapter na ito ay third person kumpara sa mga nauna. Form now on third person na gagamitin ko. Im going to edit the previous chapter kapag sinipag ako. Thank you!"Hana, halika ka dito at baka may maalala ka kapag napanood mo 'to." Sinenyasan ni Luis si Mahana na lumapit sa kanilang pwesto, tinap niya iyong space sa tabi nito upang doon maupo ang babae.Napansin ni Luis ang pananahimik ni Mahana. Tinitigan niya ito. Hindi niya masigurado kung kinakabahan ba ito o maeexcite kagaya niya. Iniisip niya rin na baka dala lang yon ng pagod dahil tumakbo sila kanina para makarating agad sa condo ni Kenneth."Hindi, dito na lang ako." Sagot ng babae, pilit pa ang kanyang pagngiti na ginawa.Ngunit hindi siya tinantanan ni Luis. "Ayaw mo bang mapanood tong video? Heto na 'yong kasagutan sa problema natin oh. Halika na." Napailing siya. "Oo, papanoorin ko nalang mamaya. Napagod ako sa pagtakbo natin kanina e." Ginamit niya pang paypay ang palad nito dahil nagsisiunahang bumagsak an
"She's a cancer patient, Luis.."Halos malaglag ang panga ni Luis matapos marinig ang balitang iyon mula sa Lola Luisa niya. Ang salitang cancer rin ang tumatak sa mata niya pagkakita sa iniabot nitong envelope kanina na naglalaman ng impormasyon sa totoong karamdaman ng babae.Nakaramdam ng panlulumo si Luis matapos malaman ang totoo. Gusto niyang sumigaw. Gusto niyang tumayo kaagad upang puntahan si Mahana pero ramdam niyang wala siyang lakas. Mas nanaig ang kalasingan na kanyang nararamdaman."No...you're joking, La. She's not..." napailing-iling pa si Luis na pilit hindi pinapaniwalaan ang kanyang nalaman. Nag-unahang bumagsak ang mga butil ng luha sa kanyang pisngi. "Apo, kaya siya pumayag sa gusto ng mama mo ay dahil gusto niyang makita ang tatay niya bago siya mawala. Ang kapalit ng pagpapanggap niya at panloloko sa'yo ay ang pagkikita nila ng tatay niyang matagal na niyang hinahanap. Nararamdaman na kasi niya na hindi na siya magtatagal. She take risk, Luis." Pagpapaliwanag n
"Matagal na naming alam." Pambabasag ni Rhaiven sa katahimikan habang pinapanood nila si Luis na nilulunod ang sarili sa alak. Ni hindi na nila ito maawat at walang kahirap-hirap na inuubos ang mga alak na inorder nito. Napahinto si Luis sa paglagok ng bote ng alak na kanyang hawak. Diretso niyang tinapunan ng tingin si Rhaiven na seryosong nakatitig naman sa kanya. "What do you mean?"Nagkatinginan muna ang tatlo. Matagal na silang may alam pero nanatili silang tahimik at hinayaan na si Luis mismo ang makabisto kay Mahana. Palihim naman nila itong minamanmanan nang sa ganon ay may ebidensya sila kung sakaling pilit itong ideny ng babae.Sinenyasan ni Kenneth si Rhaiven na siya na lamang ang magpaliwanag kay Luis. Tutal siya naman ang unang nakaalam ng katotohanan dahil pasikreto itong kumuha ng imbestigador upang asikasuhin ang kaso nina Luis. Sa hindi inaasahang pagkakataon, may hindi kanais-nais siyang nalaman at iyon ay dawit si Mahana."Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin
"Let's talk, Mahana..."Malalaking hakbang ang ginawa ni Luis para maabutan si Mahana na dali-daling naglalakad papunta sa kwarto nila sa tinuluyan nilang hotel. Gusto niyang malaman ang katotohanan sa paratang ng kanyang pamilya laban kay Mahana. Hindi nag-antubili si Mahana na ipaliwanag ang kanyang sarili matapos ang hindi inaasahan na pagbubuking ng pamilya ni Luis sa kanya. Ang tanging paraan na naisip niya lang ay ang magwalk-out. Hindi siya nakapaghanda sa bagay na 'yon na matutuldukan ng biglaan ang kasinungalingan niya."Luis, please, huwag ngayon...." Mabilis na binawi ni Mahana ang braso niya na nahuli ni Luis pagdating nila sa tapat ng kanilang kwarto. Sinamantala ni Mahana na pihitin ang doorknob para makapasok na siya sa loob kahit ang totoo ay wala siyang takas kay Luis. "Hana, ano ba! Kausapin mo 'ko.." muling humakbang ng malaki si Luis upang maabutan si Mahana nang tuluyan na silang makapasok ng kwarto. Sinubukan niyang pakalmahin si Mahana upang makausap niya it
"Small world nga naman at dito pa tayo nagkita-kita. Kayo naman, hindi naman kayo nagsabi na pupunta pala kayo ng Baguio, e di sana nakisabay na kami para isahan na lang 'yong pagbyahe natin." Usisa ni Arlene, ang ina ni Luis."Unplanned rin po kasi 'tong pagpunta namin dito, Ma. Napaluwas lang kami ng biglaan ni Hana kahapon, right love?" Sagot ni Luis saka hinimas ang bandang balikat ni Mahana kung saan siya nakaakbay. Hindi makatingin ng diretso na tumango-tango si Mahana. "Yeah." Pilit pa itong ngumiti.Sa kabilang dako, pinasadahan ni Arlene ng tingin ang kaniyang daughter in law na si Mahana habang abala si Luis na kinakamusta ang Lola Luisa nito na noon ay bagong pasok lang ng hotel. Napangisi siya ng bahagya saka napabuga ng hangin."Hi, hija. Long time no see." Usisa ni Lola Luisa, lumapit naman si Mahana upang makipagbeso rito at kapansin-pansin ang pilit na pilit nitong pagngiti na animoy hindi komportable sa presensya ng pamilya ni Luis. "How are you, hija? Ang tagal ka n
"Luis, akin na 'yan, please."Sinubukang agawin ni Mahana ang hawak ni Luis na folder kung saan nakalagay ang mga dokumento na kaniyang ginamit upang ilakad ang kaniyang pag-alis ng bansa. Hindi niya inaasahan na mahahalungkat iyon ni Luis kahit pa man nakatago na iyon sa hindi masyadong napapansin na sulok.Kahit na anong pang-aagaw ang gawin ni Mahana, hindi niya makuha-kuha iyong folder dahil mabilis na iniilag ni Luis iyon gamit ang kaniyang kamay kasabay ng masamang titig nito sa kaniya. Doon na nakaramdam si Mahana ng kaba at takot lalo na at hindi siya handa sa panahon na iyon na malalaman ni Luis ang buong katotohanan sa madalas nitong paglabas at hindi pagsama sa lakad ng pamilya."Please, Luis, i-ibigay mo na 'yan sa akin." Pagmamakaawa ni Mahana, namumuo na rin ng luha sa gilid ng kaniyang mata dala ng kaba at takot. Nanginginig ang kaniyang buong katawan at hindi niya alam kung paano niya ipapaliwanag ang lahat sa lalaki. "No!" Pagmamatigas ni Luis sa maawtoridad na tinig
"Are you out of your mind, Luwi? Seryoso ka? Hindi ka tutuloy sa seminar na 'yon?"Inaasahan na ni Luis na ganoon ang magiging reaksyon ng kaniyang mga kaibigan sa pang-rereject na ginawa niya sa seminar na inalok sa kaniya. Nadismaya ang kaniyang mga tropa dahil pangarap niya noon pa man na mapasali sa seminar na iyon lalo na at nandon ang hinahangaan nitong businessman."Oo nga, pre, hindi ako tutuloy." Pagkumpirma nito. "Tsk!" Napailing-iling si Kenneth. "Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maiinis sa mga pinaggagagawa mo, Luis. Una, inurong mo 'yong kaso dahil sa kahibangan mo na ayusin ang sa inyo ni Mahana kahit alam natin na konting panahon na lang ay malalaman na natin kung sino ang may kagagawan ng pekeng kasal niyo. Tapos ngayon, nireject mo ang seminar na pinapangarap mo simula pa nong highschool tayo, para ano? Para kay Mahana na naman? Pre, ang dami mo ng sinasayang na opportunity oh." Pamamaktol nito dahil hindi na siya natutuwa sa mga desisyon na ginagawa ni Luis.Sin
"Sino bang kikitain mo at isinama mo pa talaga kami? Walang hiya ka! Para kang batang bubwit na kinakailangan pang samahan sa lahat ng lakad mo." Walang humpay na pagrereklamo ni Kenneth dahil kinidnap na naman silang dalawa ni Chris upang samahan sa lakad na iyon ni Luis."Pre, I can't do this on my own. Mas maganda ang magiging kalabasan nito kapag sumama kayo incase na may gusto kayong isuggest." Sagot ni Luis saka ipinark na sa garahe ng restaurant iyong sinakyan nilang kotse. Pagkapatay niya ng makina ay inalis na niya ang nakasuklib na seatbelt sa kanyang katawan.Pakamot-kamot naman ang dalawa na napilitang tanggalin na rin ang kanilang seatbelt."Ulul! Pwede mo naman kaming tawagan incase tatanungin mo kami kung may maisusuggest kami dyan sa binabalak mong proposal kay Mahana e. Pwede rin na ilista mo nalang at hindi ganito na inabala mo pa kami." Iritableng singhal ni Chris saka padabog na isinarado ang pinto ng sasakyan."Chris, relax.." umakbay si Luis sa kaniya. "Incase na
"Nakakagulat naman 'tong gusto mong mangyari, Luis." Pag-uumpisa ni Attorney Robles ng usapan matapos makarating ni Luis sa coffee shop na meeting place nila.Natawa ng bahagya si Luis. "Oo nga po e, pati 'yong mga kaibigan ko, nagulat din.""So, anong nagtulak sa'yo na gawin ito? Luis, let me remind you, konti nalang malalaman niyo na kung sino ang may kapakanan ng pekeng kasal niyo ni Mahana. Ayaw mo bang ituloy na lang?" Suhestiyon ng abogado."Attorney, I don't know how to explain this pero I want to settle everything now sa amin ni Mahana. Hindi ko masabi yong eksaktong dahilan ko para iatras ng ganitong biglaan 'yong annulment namin. Basta, ang alam ko, gusto ko nang bumukod at bumuo ng masayang pamilya na kasama siya." Masayang paliwanag ni Luis.Napangiti si Attorney na kasabay noon ang kaniyang pagtango na animoy natuwa sa mga sinabi ni Luis. Napabuntong-hininga ng malalim si Attorney Robles saka may kinuha sa kaniyang suitcase na dala at muling humarap kay Luis."Well, kung
"Kakaibang trip 'to, Luis, BADTRIP!"Halos ayaw ihakbang ni Mahana ang kanyang mga paa papasok ng mamahaling restaurant na pinareserve ni Luis upang doon ganapin ang engrandeng surpresa niya para sa wedding anniversary nila ni Mahana. Hindi naman na nila dapat icelebrate iyon dahil hindi bigdeal sa kanilang dalawa pero gusto ni Luis na may kaunting pagdiriwang pa din na magaganap sa espesyal na araw na iyon sa kanila bilang mag-asawa."Haha! Nandito ka naman na e. Just enjoy the moment with me." Ipinaghila niya ng upuan si Mahana saka ngitian ito na sinenyasan na maupo roon. Nagpapadyak pa si Mahana sa inis na parang bata at napakamot ng bahagya sa kanyang ulo bago tuluyang tinugon ang gusto ni Luis. Padabog siyang naupo at inayos ang kanyang sarili. Pagkaupo niya ay dali-dali namang pumunta si Luis sa kanyang pwesto.Pagkaupo pa lamang ni Luis ay isa-isa nang nagsilapit ang mga waiter upang ihain ang mga nagsasarapang pagkain sa kanilang lamesa na sa gitna nito ay may kandila pa't m