"Hindi pa rin ba kayo bati?"Kumabog ng mabilis ang puso ko nang mapunta ang atensyon ni Lola sa aming dalawa ni Mahana. Nasa hapag kainan kami ngayon kasalo siya. Magkatabi kami ni Mahana pero wala kaming pansinan. Ni hindi kami tabi matulog kagabi dahil sa mainit na sagutan namin.Walang sumagot sa amin ni Mahana, kahit nakayuko ako, alam kong nakatitig si Lola sa aming dalawa. Malamang pinapakiramdam niya kaming dalawa ng misis ko. Gusto kong magsalita at ipaglaban ang sarili ko pero kusang umatras ang dila ko."Ayusin niyo 'yan. Walang ibang aayos nyan kundi kayo lang." Panenermon ni Lola sa amin. "Naiintindihan niyo ba, Luis at Hana?" Nauna akong tumango at sinundan iyon ni Mahana pagkatapos ay nabalot na ulit ng katahimikan ang hapag kainan. Gutom naman ako sa tingin ko pero hindi ako kakapokus sa pagkain dahil sa wirdong presensya ni Mahana sa tabi ko."Aalis na po ako." Tumayo ako, pinunasan ang labi ko gamit ang table napkin. Lumapit ako kay Lola upang humalik sa pisngi ni
"Fuck! No way!"Napabalikwas ako ng bangon nang pagkamulat ko ng aking mga mata ay bumungad sa akin si Mahana na nakayakap sa hubad kong katawan, habang siya ay tanging iyong puting kumot lamang ang nakabalot sa kanyang katawan.Walang kahirap-hirap ko na inalis iyong pagkakayakap ng kanyang braso sa katawan ko. Konti nalang din ay itulak ko siya palayo sa akin dahil sa sobrang galit ko. Kahit na anong pwersa ang ginawa ko para mailayo siya sa tabi ko ay hindi pa rin ito nagising. Tulog mantika ang babae. Psh!Mag alas otso na ng umaga pagkakita ko sa wall clock na narito sa kwarto ko. Nagkalat sa sahig ang mga damit namin. May ilan na roon sa sofa at may kung ano ang pumasok sa utak ko, sumagi sa utak ko na may ginawa kami sa sofa kagabi kaya naroon ang mga damit namin. Napailing ako. Nakakadiri.Sa sobrang pagkataranta ay kaagad kong pinulot iyong damit ko't dali-daling pumaroon sa banyo upang balutin ang katawan ko. "Shit! No! This can't be real! No!" Napahilamos ako sa aking mukh
"Uy! Pameryenda ka naman dyan." Kinalabit ako ni Mahana sa may binti ko, nakahiga ako ngayon dito sa kama habang naglalaro ng online games sa selpon ko. Wala akong lakad ngayon kaya tatambay na muna ako dito sa bahay."Meryenda? Katatapos lang natin kumain ng lunch." Sagot ko. Wala pa yatang isang oras matapos namin kumain ng tanghalian ay gutom na naman ang babae. Madami namang ipinahanda si Lola kanina kaya paano na hindi 'to nabusog? Akala mo naglilihi na parang..... No!Napatitig ako ng makahulugan sa kanya. Ni hindi ko na inisip iyong paglalaro ko sa selpon kung matalo man ito dahil may kung anong enerhiya ang humigop sa akin para titigan siya at suriin ang kanyang mukha."Oh, bat ka naman ganyan makatingin sa'kin?" Nagtatakang tanong nito nang mahuli nito na nakatitig ako sa kanya ng makahulugan.Napaiwas ako ng tingin sabay iling ng ilang beses. Potangina! Nag-ooverthink na naman ako. Naalala ko bigla ang mga paalala ni Rhaiven sa akin kahapon. "Oorder na 'ko ah. Ikaw magbaya
"Prinank ka lang, nagalit ka na agad."Narinig ko ang sunod-sunod na pagtawa ni Mahana matapos niya akong maabutan na hawak-hawak iyong pregnancy test na positive. At mas lalo pa akong naguluhan sa mga sinabi niya.Napakunot ako ng noo. "Anong prank?" Kinuha niya iyong pregnancy test na hawak ko. Sinundan ko siya ng tingin na maupo sa dulo ng kama. Kung gaano kakabado ang puso ko siya naman ang ikinakalma niya."Aamin na ako. Sige na." Tugon niya, nakaabang ang buong sistema ko sa mga susunod niyang sasabihin."Bu-buntis ka?" Dire-diretsong tanong ko dahil nilalamon na ako ng kaba."Hahaha!" Ayon na naman ang pagtawa niya na ikinaiinis ng teinga ko na marinig."Bakit ka ba tumatawa? Anong aamin mo? Wala ka ng aaminin dahil nahuli na kita. Buntis ka ' diba?" Iritableng tugon ko. Konti nalang din ay sabunutan ko siya dahil sa pagiging kalmado niya. Pinagtatawanan pa ako ng babae."Shunga! Hindi ako buntis." Sagot niya na ikinagulat ko. "Anong hindi? Positive 'yang resulta dyan sa preg
A/N: Ang chapter na ito ay third person kumpara sa mga nauna. Form now on third person na gagamitin ko. Im going to edit the previous chapter kapag sinipag ako. Thank you!"Hana, halika ka dito at baka may maalala ka kapag napanood mo 'to." Sinenyasan ni Luis si Mahana na lumapit sa kanilang pwesto, tinap niya iyong space sa tabi nito upang doon maupo ang babae.Napansin ni Luis ang pananahimik ni Mahana. Tinitigan niya ito. Hindi niya masigurado kung kinakabahan ba ito o maeexcite kagaya niya. Iniisip niya rin na baka dala lang yon ng pagod dahil tumakbo sila kanina para makarating agad sa condo ni Kenneth."Hindi, dito na lang ako." Sagot ng babae, pilit pa ang kanyang pagngiti na ginawa.Ngunit hindi siya tinantanan ni Luis. "Ayaw mo bang mapanood tong video? Heto na 'yong kasagutan sa problema natin oh. Halika na." Napailing siya. "Oo, papanoorin ko nalang mamaya. Napagod ako sa pagtakbo natin kanina e." Ginamit niya pang paypay ang palad nito dahil nagsisiunahang bumagsak an
"Ibalik mo na 'yong passport ko."Inilapag ni Mahana iyong kamay niya sa harapan ni Luis na noon ay nakaupo sa dulo ng kama. Pinapanood niya kanina si Mahana na nag-impake sa mga gamit nito. Tinawagan siya ni Rhaiven pagkahatid nito kay Mahana at ipinaalam ang binabalak ng babae na magsusumbong na ito sa kanyang Lola. Napasugod kaagad siya ng uwi at hindi niya hahayaan si Mahana na gawin iyon."You signed the agreement at nakasaad doon na saka ko lamang ibibigay ang passport mo kapag nagawa mo ng maayos ang trabaho mo, kapag naibigay na ni Lola yong reward." Malamig na tugon ni Luis na animoy walang pakialam sa paglalayas na gustong gawin ni Mahana.Napabuntong-hininga ng malalim si Mahana. Gusto niyang pektusan sa mata itong si Luis dala ng inis pero pinigilan niya ang kanyang sarili."Hindi ko na kaya ang pinapagawa mo kaya mag-quit na ko sa kasunduan natin." Depensa nito. "Akin na 'yong passport ko.""No!" Tumayo si Luis sa pagkakaupo sa dulo ng sofa at sinundan naman siya ng tingi
"Kinabahan ka 'no? Akala mo nagsumbong ako 'no? Hahaha! Syempre, joke! Ganda ng acting ko no?" Naigalaw ni Luis ang panga nito sa inis. Hindi niya inaasahan na prank iyong ginawa ni Mahana sa kanya kahapon. Pinaniwala niya ito na nagsumbong na siya ito sa kanyang lola kahit ang totoo ay may iba pala itong binabalak. "Psh! Bakit ka nagdedesisyon ng hindi ka muna nagtatanong sa'kin?"Nag-uusok sa galit si Luis na naabutan ni Mahana pagkarating niya sa bahay ng Lola nito. Iyon ang nakatakdang araw na luluwas sila papunta ng probinsiya upang magbakasyon ng isang buwan. At kagaya ng inaasahan niya, alam niyang magagalit si Luis sa kanya."Psh! Pwedeng magpasalamat ka nalang dahil nagbago ang isip ko na aminin sa kanya 'yong totoo?" Patutsada ni Mahana habang abala na iniimpake yong mga gamit ni Luis. Siya na ang nag-abalang mag-impake ng mga yon dahil mas inuna pa ni Luis na talakan siya kaysa ayusin ang mga gamit nito."Ang sabihin mo, takot ka. Hindi mo kayang gawin yon dahil nasa akin
"Welcome to Baresbes!"Pagkababa nila ng sinakyan nilang bus ay bumungad sa kanila ang malawak na berdeng palayan. Sariwa ang hangin at napakagandang paligid ang makikita. Hindi kagaya sa syudad, imbes na nagtatayugang mga gusali ang makikita ay mga punong ang mga dahon nito ay sumasayaw dala ng simoy ng hangin."Okay.." tipid na tugon ni Luis, nabuburyo ito. Sa tono ng boses nito ay halatang hindi siya masaya. Walang bahid ng tuwa ang makikita sa mukha nito."Hindi ka manlang ba tatalon sa tuwa? Ang ganda kaya ng tanawin tapos napakalamig pa 'yong simoy ng hangin." Nakangusong depensa ng babae. Kinuha niya kay Luis iyong bagahe niya upang siya na ang magdadala non. Alam naman niyang hindi gentleman itong si Luis."Hindi ako OA kagaya mo." Singhal nito, isa-isa niyang inalis ang earpods na nakasuksok sa kanyang teinga. Pagkatapos ay hinawi nito ang ilang butil ng pawis na namuo sa kanyang noo. Datapwat niyang ginamit pamaypay ang kanyang kamay dala ng init. "Saan na tayo nito? Fuck! A
"She's a cancer patient, Luis.."Halos malaglag ang panga ni Luis matapos marinig ang balitang iyon mula sa Lola Luisa niya. Ang salitang cancer rin ang tumatak sa mata niya pagkakita sa iniabot nitong envelope kanina na naglalaman ng impormasyon sa totoong karamdaman ng babae.Nakaramdam ng panlulumo si Luis matapos malaman ang totoo. Gusto niyang sumigaw. Gusto niyang tumayo kaagad upang puntahan si Mahana pero ramdam niyang wala siyang lakas. Mas nanaig ang kalasingan na kanyang nararamdaman."No...you're joking, La. She's not..." napailing-iling pa si Luis na pilit hindi pinapaniwalaan ang kanyang nalaman. Nag-unahang bumagsak ang mga butil ng luha sa kanyang pisngi. "Apo, kaya siya pumayag sa gusto ng mama mo ay dahil gusto niyang makita ang tatay niya bago siya mawala. Ang kapalit ng pagpapanggap niya at panloloko sa'yo ay ang pagkikita nila ng tatay niyang matagal na niyang hinahanap. Nararamdaman na kasi niya na hindi na siya magtatagal. She take risk, Luis." Pagpapaliwanag n
"Matagal na naming alam." Pambabasag ni Rhaiven sa katahimikan habang pinapanood nila si Luis na nilulunod ang sarili sa alak. Ni hindi na nila ito maawat at walang kahirap-hirap na inuubos ang mga alak na inorder nito. Napahinto si Luis sa paglagok ng bote ng alak na kanyang hawak. Diretso niyang tinapunan ng tingin si Rhaiven na seryosong nakatitig naman sa kanya. "What do you mean?"Nagkatinginan muna ang tatlo. Matagal na silang may alam pero nanatili silang tahimik at hinayaan na si Luis mismo ang makabisto kay Mahana. Palihim naman nila itong minamanmanan nang sa ganon ay may ebidensya sila kung sakaling pilit itong ideny ng babae.Sinenyasan ni Kenneth si Rhaiven na siya na lamang ang magpaliwanag kay Luis. Tutal siya naman ang unang nakaalam ng katotohanan dahil pasikreto itong kumuha ng imbestigador upang asikasuhin ang kaso nina Luis. Sa hindi inaasahang pagkakataon, may hindi kanais-nais siyang nalaman at iyon ay dawit si Mahana."Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin
"Let's talk, Mahana..."Malalaking hakbang ang ginawa ni Luis para maabutan si Mahana na dali-daling naglalakad papunta sa kwarto nila sa tinuluyan nilang hotel. Gusto niyang malaman ang katotohanan sa paratang ng kanyang pamilya laban kay Mahana. Hindi nag-antubili si Mahana na ipaliwanag ang kanyang sarili matapos ang hindi inaasahan na pagbubuking ng pamilya ni Luis sa kanya. Ang tanging paraan na naisip niya lang ay ang magwalk-out. Hindi siya nakapaghanda sa bagay na 'yon na matutuldukan ng biglaan ang kasinungalingan niya."Luis, please, huwag ngayon...." Mabilis na binawi ni Mahana ang braso niya na nahuli ni Luis pagdating nila sa tapat ng kanilang kwarto. Sinamantala ni Mahana na pihitin ang doorknob para makapasok na siya sa loob kahit ang totoo ay wala siyang takas kay Luis. "Hana, ano ba! Kausapin mo 'ko.." muling humakbang ng malaki si Luis upang maabutan si Mahana nang tuluyan na silang makapasok ng kwarto. Sinubukan niyang pakalmahin si Mahana upang makausap niya it
"Small world nga naman at dito pa tayo nagkita-kita. Kayo naman, hindi naman kayo nagsabi na pupunta pala kayo ng Baguio, e di sana nakisabay na kami para isahan na lang 'yong pagbyahe natin." Usisa ni Arlene, ang ina ni Luis."Unplanned rin po kasi 'tong pagpunta namin dito, Ma. Napaluwas lang kami ng biglaan ni Hana kahapon, right love?" Sagot ni Luis saka hinimas ang bandang balikat ni Mahana kung saan siya nakaakbay. Hindi makatingin ng diretso na tumango-tango si Mahana. "Yeah." Pilit pa itong ngumiti.Sa kabilang dako, pinasadahan ni Arlene ng tingin ang kaniyang daughter in law na si Mahana habang abala si Luis na kinakamusta ang Lola Luisa nito na noon ay bagong pasok lang ng hotel. Napangisi siya ng bahagya saka napabuga ng hangin."Hi, hija. Long time no see." Usisa ni Lola Luisa, lumapit naman si Mahana upang makipagbeso rito at kapansin-pansin ang pilit na pilit nitong pagngiti na animoy hindi komportable sa presensya ng pamilya ni Luis. "How are you, hija? Ang tagal ka n
"Luis, akin na 'yan, please."Sinubukang agawin ni Mahana ang hawak ni Luis na folder kung saan nakalagay ang mga dokumento na kaniyang ginamit upang ilakad ang kaniyang pag-alis ng bansa. Hindi niya inaasahan na mahahalungkat iyon ni Luis kahit pa man nakatago na iyon sa hindi masyadong napapansin na sulok.Kahit na anong pang-aagaw ang gawin ni Mahana, hindi niya makuha-kuha iyong folder dahil mabilis na iniilag ni Luis iyon gamit ang kaniyang kamay kasabay ng masamang titig nito sa kaniya. Doon na nakaramdam si Mahana ng kaba at takot lalo na at hindi siya handa sa panahon na iyon na malalaman ni Luis ang buong katotohanan sa madalas nitong paglabas at hindi pagsama sa lakad ng pamilya."Please, Luis, i-ibigay mo na 'yan sa akin." Pagmamakaawa ni Mahana, namumuo na rin ng luha sa gilid ng kaniyang mata dala ng kaba at takot. Nanginginig ang kaniyang buong katawan at hindi niya alam kung paano niya ipapaliwanag ang lahat sa lalaki. "No!" Pagmamatigas ni Luis sa maawtoridad na tinig
"Are you out of your mind, Luwi? Seryoso ka? Hindi ka tutuloy sa seminar na 'yon?"Inaasahan na ni Luis na ganoon ang magiging reaksyon ng kaniyang mga kaibigan sa pang-rereject na ginawa niya sa seminar na inalok sa kaniya. Nadismaya ang kaniyang mga tropa dahil pangarap niya noon pa man na mapasali sa seminar na iyon lalo na at nandon ang hinahangaan nitong businessman."Oo nga, pre, hindi ako tutuloy." Pagkumpirma nito. "Tsk!" Napailing-iling si Kenneth. "Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maiinis sa mga pinaggagagawa mo, Luis. Una, inurong mo 'yong kaso dahil sa kahibangan mo na ayusin ang sa inyo ni Mahana kahit alam natin na konting panahon na lang ay malalaman na natin kung sino ang may kagagawan ng pekeng kasal niyo. Tapos ngayon, nireject mo ang seminar na pinapangarap mo simula pa nong highschool tayo, para ano? Para kay Mahana na naman? Pre, ang dami mo ng sinasayang na opportunity oh." Pamamaktol nito dahil hindi na siya natutuwa sa mga desisyon na ginagawa ni Luis.Sin
"Sino bang kikitain mo at isinama mo pa talaga kami? Walang hiya ka! Para kang batang bubwit na kinakailangan pang samahan sa lahat ng lakad mo." Walang humpay na pagrereklamo ni Kenneth dahil kinidnap na naman silang dalawa ni Chris upang samahan sa lakad na iyon ni Luis."Pre, I can't do this on my own. Mas maganda ang magiging kalabasan nito kapag sumama kayo incase na may gusto kayong isuggest." Sagot ni Luis saka ipinark na sa garahe ng restaurant iyong sinakyan nilang kotse. Pagkapatay niya ng makina ay inalis na niya ang nakasuklib na seatbelt sa kanyang katawan.Pakamot-kamot naman ang dalawa na napilitang tanggalin na rin ang kanilang seatbelt."Ulul! Pwede mo naman kaming tawagan incase tatanungin mo kami kung may maisusuggest kami dyan sa binabalak mong proposal kay Mahana e. Pwede rin na ilista mo nalang at hindi ganito na inabala mo pa kami." Iritableng singhal ni Chris saka padabog na isinarado ang pinto ng sasakyan."Chris, relax.." umakbay si Luis sa kaniya. "Incase na
"Nakakagulat naman 'tong gusto mong mangyari, Luis." Pag-uumpisa ni Attorney Robles ng usapan matapos makarating ni Luis sa coffee shop na meeting place nila.Natawa ng bahagya si Luis. "Oo nga po e, pati 'yong mga kaibigan ko, nagulat din.""So, anong nagtulak sa'yo na gawin ito? Luis, let me remind you, konti nalang malalaman niyo na kung sino ang may kapakanan ng pekeng kasal niyo ni Mahana. Ayaw mo bang ituloy na lang?" Suhestiyon ng abogado."Attorney, I don't know how to explain this pero I want to settle everything now sa amin ni Mahana. Hindi ko masabi yong eksaktong dahilan ko para iatras ng ganitong biglaan 'yong annulment namin. Basta, ang alam ko, gusto ko nang bumukod at bumuo ng masayang pamilya na kasama siya." Masayang paliwanag ni Luis.Napangiti si Attorney na kasabay noon ang kaniyang pagtango na animoy natuwa sa mga sinabi ni Luis. Napabuntong-hininga ng malalim si Attorney Robles saka may kinuha sa kaniyang suitcase na dala at muling humarap kay Luis."Well, kung
"Kakaibang trip 'to, Luis, BADTRIP!"Halos ayaw ihakbang ni Mahana ang kanyang mga paa papasok ng mamahaling restaurant na pinareserve ni Luis upang doon ganapin ang engrandeng surpresa niya para sa wedding anniversary nila ni Mahana. Hindi naman na nila dapat icelebrate iyon dahil hindi bigdeal sa kanilang dalawa pero gusto ni Luis na may kaunting pagdiriwang pa din na magaganap sa espesyal na araw na iyon sa kanila bilang mag-asawa."Haha! Nandito ka naman na e. Just enjoy the moment with me." Ipinaghila niya ng upuan si Mahana saka ngitian ito na sinenyasan na maupo roon. Nagpapadyak pa si Mahana sa inis na parang bata at napakamot ng bahagya sa kanyang ulo bago tuluyang tinugon ang gusto ni Luis. Padabog siyang naupo at inayos ang kanyang sarili. Pagkaupo niya ay dali-dali namang pumunta si Luis sa kanyang pwesto.Pagkaupo pa lamang ni Luis ay isa-isa nang nagsilapit ang mga waiter upang ihain ang mga nagsasarapang pagkain sa kanilang lamesa na sa gitna nito ay may kandila pa't m