"Luis, fix yourself na dahil sasama ka meeting namin with Mr. Choi para sa business natin. Dapat ngayon pa lang ay matuto ka na para incase ibigay na namin sa iyo ang negosyo ay alam mo na ang gagawin mo."
Napatakip ako ng unan sa teinga ko dahil tanghaling tapat ay nandito na si Mama sa kwarto, nanenermon. Laking pagsisisi ko tuloy na umuwi dito dahil sa pagiging bungangera niya. Mas mainam pa sa condo, wala akong sermon na maririnig mula kay Mama."Bumangon ka na diyan." Hinila niya iyong kumot na nakatakip sa akin. "Saan ka na naman ba nagpunta kagabi at tinanghali ka na naman ng gising?""Ma, sa bar lang.." walang gana na sagot ko."Jusko, Luis, araw-araw na 'yang paglabas mo ng gabi para makipag-inuman ha. Imbes na 'yan ang atupagin mo, bakit hindi 'yang pag-aasawa mo ang asikasuhin mo.""Si Mama naman, kakagraduate ko pa lang, gusto mo na 'ko agad mag-asawa." Napakamot ako sa aking sentido."Aba! Kung puro barkada ang aatupagin mo, hindi ka magkakaroon ng inspiration na magsettle sa buhay mo. Atleast kapag may girlfriend ka ay magkakaroon ka ng plano sa buhay tsaka magiging masinop ka pa para sa future niyo.""'Yan ka na naman, Mama e, may plano naman talaga ako sa buhay ko, okay? Wait ka lang kasi, minamadali mo lahat e. Pati pag-aasawa ko, minamadali mo, baka mamaya pati pagkakaroon mo ng apo madaliin mo rin." Depensa ko."Talagang minamadali na kita dahil tumatanda ka na. Baka hindi namin maabutan ng Papa mo 'yong mga apo namin sa'yo." Inilapag ni Mama sa tabi ko 'yong kapirasong shirt at pantalon."Si Mama, kung ano-ano sinasabi." Napasimangot ako."Hay naku! Bumangon ka na dyan at magbihis para makaalis na tayo. Inaasahan ka namin don ng Papa mo."Pinagsarhan na ako ni Mama ng pinto bago pa ako makareklamo. Napadabog ako ng bangon saka sumandal sa headboard ng kama ko. Nahilot ko ang aking sentido dahil naramdaman ko ang pagkirot nito. Hangover is real.Sanay na ako sa pagiging OA ni Mama pagdating sa pakikipagrelasyon ko. Wala pa kasi akong naipapakilala sa kanila mula nong nagbinata ako. Aware sila sa pagiging playboy ko pero ang gusto nila ay magseryoso naman ako sa babae which is wala pa sa plano ko.Gusto ko ng ganitong buhay na sarili ko lang ang iniisip ko. Walang kaaway, walang katampuhan, walang kailangang suyuin at pag-effortan kapag monthsary or anniversary. Naniniwala kasi ako na ang tunay na pag-ibig ay darating sa tamang panahon.Matapos kong maligo ay inayos ko na ang sarili ko. Maaga pa naman kaya hindi ko muna isinuot 'yong inihanda ni Mama na susuotin ko. Bumaba na ako papunta sa kusina matapos kong maglagay ng pabango sa buo kong katawan. Naabutan ko si Alyssa na nanood sa may sala ng paborito niyang k-drama.Nasa wisyo ako para asarin siya kaya 'yong pinagbalatan ko ng saging ay ibinato ko sa gawi niya. Umusok na parang galit na leon ang ilong niya nang mapagtantong kagagawan ko yon."Para kang timang diyan! Kilig na kilig, huh? Psh!""Kuya, you're so dugyot!" Ibinato niya ito pabalik sa akin pero kaagad naman akong umilag at pinagtawanan ang pikon niyang mukha. Tumabi ako sa kanya at nakinood kahit hindi ko bet ang pinapanood niya."Baka sa ating dalawa, ikaw ang unang mag-asawa.""At paano mo naman nasabi, Kuya?""Dahil diyan," inginuso ko ang pinapanood niya.Inirapan niya ako. "Wow! Nanood lang ng kdrama, mauuna nang mag-asawa? Ang OA mo ah. E ikaw ba, kailan ka mag-aasawa?""Psh! Parehas lang kayo ni Mama, mga excited." Inalis ko ang pagkakaakbay sa kanya at kumuha nong popcorn na nilalamutak niya habang nanonood."Bakit? Nasa tamang edad ka naman na e, degree holder pa.""Required mag-asawa kapag degree holder na, hmm?" Ginulo ko ang buhok niya kaya napanguso siya sa inis. "Magka-utak talaga kayo ni Mama, mga babae nga naman talaga."Bago pa kami magkarambulan ni Alyssa ay pumaroon na ako sa kusina upang kumuha ng alak don sa may refrigerator namin. Abala ang lahat sa paghahanda ng meryenda, actually naghuhugas ng mga pinagkainan ang mga kasambahay namin dahil katatapos lang kumain ng lunch ang pamilya ko. Matapos kong makakuha ng isang lata ng alak sa loob ng ref namin ay isinarado ko na ito at binuksan ito. Pagkatungga ko pa lang ng lata ay napasubsob na ako dahil naramdaman ko na may bumatok sa akin. "Hmm, tanghaling tapat, alak na naman nilalamutak mo, 'di ka na nagsawa." Panenermon ni Mama sa akin.Napakamot ako sa aking ulo dahil bahagyang kumirot ang labi ko dahil napalakas ang batok ni Mama sa akin dahilan para sumubsob ang nguso ko sa lata. Muntik pang tumaob ang buong laman ng lata sa mukha ko. "Si Mama naman," reklamo ko sa kanya at kumuha ng kapiraso ng tissue sa ibabaw ng dining table namin upang punasan ang mukha ko. "Hindi ba pwedeng padaluyin mo muna ng tubig yang lalamunan ko kaysa alak, anak? Kagigising mo lang, alak na agad, hindi ka pa nakakakain ng kanin e." Nag-aalala na panenermon ni Mama sa akin. "Kumain ka kaya muna bago ka maglaklak ng alak dyan." Inilapag niya yong niluto niyang menudo saka kanin sa harapan ko. Ang isang kasambahay naman namin ay naglapag ng plato saka kutsara't tinidor. Pinaghain ako ni Mama na parang bata kaya mabilis ko siyang pinigilan."Ma, ako na," pang-aagaw ko sa sandok na hawak niya upang ako na ang maglagay non sa plato ko. "Binebaby mo naman ako masyado e.""Aba! Hindi ko na magagawa ang mga ganitong bagay kapag nag-asawa ka na, Luis.""Ma.." Singhal ko kaagad dahil ayon na naman ang hinaing niyang nakakastress. "Totoo naman ah kaya dapat kapag nag-asawa ka na, siguraduhin mo na don ka mapupunta sa babaeng kaya kang pagsilbihan sa lahat ng bagay. 'Yon bang marunong sa mga gawaing bahay at hindi sa pagpapaganda lang." Suhestiyon ni Mama pero hindi ko magawang matuwa. Muntik ko pang hindi malunok ang kanin na nasa bunganga ko sa mga pinagsasabi niya.Sobrang cringe!"Ma, tama na, baka 'di ako matunawan diyan sa mga pinagsasabi mo e." Napabuntong-hininga ako ng malalim. "Hay naku! Kung pwede lang na ako ang pumili ng mapapangasawa mo, ginawa ko na e. Pero, bilang magulang niyo, hahayaan namin kayo na pumili at magdesisyon ukol sa bagay na 'yon. Ang importante naman sa amin ay maging masaya kayo sa buhay may asawa niyo at mabigyan niyo kami ng maraming apo."Nabilaukan ako sa sinabing yon ni Mama kaya aligaga siyang nagsalin ng tubig sa baso ko at iniabot ito sa akin upang inumin. Matapos kong uminom ay hinaplos-haplos niya ng bahagya ang likod ko."Ma, nakakakilabot naman 'yang mga sinasabi mo." Tugon ko at napaubo ng bahagya. " Hingin mo na lahat sa akin, Ma, huwag lang asawa at apo.""E 'yon ang gusto ko e," nakangusong tugon nito kaya napahilamos na lang ako sa aking mukha. Kakatakot naman ang mga hinihingi ng nanay ko, Lord.Matapos ko na kumain ay bumalik na ako sa kwarto ko upang magbihis na dahil lalarga na kami. Kahit anong pagpupumilit ko kay Mama na hwag na lang ako isama ay ayaw niya. Konti na lang ay lumuhod ako sa harapa niya upang pumayag lang sagusto ko pero wala pa rin. Dinaig niya pa ang bato na hindi makaramdam sa inis ko."Ma, may lakad pala kami nina Kenneth kaya 'di ako makakapunta. Nextime na lang ako sasama sa inyo ni Papa," nagkunwari pa akong nagtitipa sa selpon ko para mas kapanipaniwala ang palusot ko."Kaya nga kita niyayaya dahil nakausap ko na sila kanina pa at nalaman ko na wala kayong lakad today," ngumisi pa ng nakakaasar si Mama kaya napapikit ako sa inis.Bakit ba nakalimutan ko na may lahing detective conan 'tong nanay ko? Fuck!"Ma, ayokong sumama baka maout of place lang ako don e." Nagpapadyak ako na parang bata sa harapan ng nanay ko at talagang katawa-tawa ang lagay ko ngayon."Sasama ka s aayaw at sa gusto mo, Luis. Wala ka naman ibang gagawin kundi ang matulog zat magkulong lang sa kwarto mo, hindi ba? Sayang ang oras kaya mas mabuting sumama ka na lang sa akin.""Ayoko nga, Ma. May hangover pa 'ko, hindi ka ba naaawa sa akin?"Umiling-iling pa siya at sa itsura niya ay talagang hindi ko siya mapapakiusapan."Tsaka na kita papayagan sa gusto mo kapag may naipakilala ka ng misis mo sa akin, okay?" Nakangising tugon ni Mama saka tinapik ng mahina ang pisngi ko. "Tara na, hinihintay na tayo ng Papa mo don kasama si Mr. Choi." Nauna na siyang maglakad palabas ng bahay."Tangina naman!"Nasabunot ko ang aking buhok sa inis. Gustong-gusto kong magwala sa galit pero nanay ko na ang kalaban ko dito. Nakakairita! Sana pala nanatili na lang ako na estudyante para sa ganon ay malaya ako sa buhay ko, hindi kagaya ngayon na konti na lang ay kontrolado na nila lahat maski ang pag-aasawa ko."Potangina niyo! Salamat ah, pinaalam niyo kay Mama na wala tayong lakad ngayong araw." Hindi ako nag-aksaya ng oras para tawagan ang mga magagaling kong kaibigan dahil sa inis. Nanggigigil ang kamao ko na sumuntok sa mga mukha nila, napahawak ako dahil sa pagigingh honest nila. Shit!"Welcome.." pilyong sagot ni Kenneth kaya nakatanggap siya ng malutong na mura sa akin at narinig ko ang tawanan nila. Ipinaalam ko sa kanila na isasama ako ni Mama sa lakad nila dahil nga nalaman niyang wala kaming lakad ngayon. "Bigyan mo na kasi ng daughter in law sina Tita saka apo para matahimik na sila." Demonyong suhestiyon ni Chris kaya si Kenneth samantalang si Rhaiven ay tahimik lang na nakikinig sa usapan naming tatlo. Sanay na kami sa pananahimik niya."Tangina niyong dalawa, mga demonyo." Pikon na singhal ko at nagpaalam na ako sa kanila dahil tinawag na ako ni Mama.Nagpahatid na lang kami sa driver namin at inabot na kami ng dilim nang makarating sa restaurant. Naroon na si Papa sa isang table kasama ang hindi pamilyar na mukha sa akin. Niyaya na kaagad ako ni Mama na lumapit sa kanila, kaagadna tumayo si Papa upang salubungin kami."Hello Mr. Choi, sorry we're late, sobrang traffic kasi e." Nakipagbeso si Mama sa matandang lalaki na nakangiti sa amin. " By the way, this is our son, Luis, Luis, this is Mr. Choi." Pagpapakilala ni Mama sa akin sa kameeting nila."Nice meeting you, Sir,." Magalang na tugon ko at nakipagkamay rito."Nice meeting you too, the future CEO of Arevalo Company."Ngumiti na lang ako kahit hindi ko yon gustong marinig dahil wala naman sa plano ko ang kunin o manahin ang kompanya na pinaghirapan ng mga magulang ko. Gusto kong magtrabaho sa isang kompanya na wala akong special treatment na matatanggap. Bukod sa gusto kong matuto, gusto ko rin kunin o gawin ang gusto ko nang pinaghihirapan.At kagaya ng inaasahan ko, naout of place nga ako. Wala naman akong ginawa kundi ang lamutakin lahat ng pagkain na nasa mesa. Tumunganga sa kawalan at makinig sa mga usapan nila kahit hindi ko naman talaga naiintindihan. Nakita ko kung paano mag-effort sina Mama sa trabaho nila. Napapabilib nila ako pero hindi ganyan ang gusto ko para sa sarili ko. Hindi lang isang beses na sinasama ako nina Mama sa mga lakad nila, nasundan pa 'yon ng ilang beses. Ganoon ang naging takbo ng buhay ko sa loob ng isang linggo, buwan, at hanggang sa naging taon na. Nakakalabas naman ako kasama ang mga kaibigan ko pero limitado na."I cant bro, kakauwi ko lang at pagod ako. Nextime na lang. Okay. Bye!"Padabog akong nahiga sa kama ko dahil sa pagod at inihagis sa kung saan ang selpon ko. Sa sobrang kapaguran, hindi na ako nakapunta sa bar kung saan nagyayaya sina Kenneth at Chris na mag-inom. Dito na lang ako sa condo ko magpapalipas ng gabi since binigyan ako ni Mommy ng rest ng dalawang araw. Kinabukasan, nagising ako sa sunod-sunod na pagdoorbell sa may pintunan kaya kahit na tinatamad ay bumaba ako upang pagbuksan iyon. "Good day, Sir. May sulat po kayo."Nagpasalamat ako sa lalaki saka ko kinuha yong iniabot nito sa akin. Antok na antok pa ako kaya hindi ko naintindihan 'yong sinabi niya. Isinarado ko na 'yong pintuan at parang lantang gulay na naupo sa may sofa dito sa sala ng condo ko.Walang gana kong binuksan 'yong sulat na hawak ko para mabasa na. Sa sobrang kaantukan, hindi ko na pinakialaman ang mensahe na nasa harapan nito. Basta ang alam ko ay para sa akin ang sulat ngunit hindi ko alam kung kanino galing.Marriage Contract..Nabuhayan ang diwa ko hindi lang ang dugo ko. Bumilis ang tibok ng puso ko't pinagpawisan ako ng malala nang mabasa ang pangalan ko don sa papel. 'Yong natutulog kong sistema kanina ay biglang nabuhayan pagkakita pa lamang sa malalaking letra na naroon sa itaas ng papel."What the fuck?!""Tangina ka! Legal 'to, pre.."Pinagpapasa-pasahan nina Kenneth, Chris, at Rhaiven 'yong marriage contract upang makita nila ito at mahawakan. Hindi ako nag-aksaya ng oras para tawagan sila para makahingi ng tulong. Akala nila nong una ay nakikipagbiruan lang ako sa kanila hanggang sa nagpakita ako ng proof ay nagsitakbukhan na sila papunta dito sa condo ko."Sabi sa inyo e, ayaw nyo pang maniwala kanina." Tugon ko at inilapag 'yong mga bote ng alak sa center table dito sa may sala para may mapagsaluhan naman kami. Hindi ko nakalimutan syempre 'yong pulutan namin."Aba! Malay ba natin kung nantritrip ka lang? Kilala ka pa naman namin." Patutsada ni Chris at kinuha iyong iniabot kong bote ng alak matapos kong alisin ang takip nito.Isa-isa ko rin na inabutan sina Kenneth at Rhaiven ng bote ng alak na noon ay sinusuri pa rin 'yong marriage contract. Nakakatuwa dahil sa wakas naisama nila si Rhaiven.Matapos ko silang bigyan ng kani-kanilang mga iinumin, naupo na ako sa pang-isahang sofa
“Welcome to our family, Mahana…” Mula rito sa may main door ng bahay namin, rinig na rinig ko na ang masayang tugon na iyon ni Mama. Patakbo akong nagtungo sa may sala at nakita ko ang babaeng kayakap ni Mama, nakadress ito ng babypink ang kulay na may kabagsakan ang buhok. Hindi ko nakita ang mukha niya dahil nakatalikod ito sa akin. Sumunod naman siyang winelcome ni Papa at huli sa pila si Alyssa na nagpipigil ng tili. “Anong welcome?” Pang-aagaw ko ng kanilang atensyon at doon ko na nakita ang kabuuan ng babae. Psh! Kagaya pa rin ng dati, ang pangit pa rin.“Hi there, son..” Lumapit si Mama sa akin saka niyakap ng sobrang higpit na talaga namang mararamdaman mo sa mga bisig nito ang tuwa. Kahit wala siyang sabihin, alam ko at ramdam ko na ang tuwa sa puso niya na sa wakas ay natupad na ang pinakamalaking pangarap niya sa akin at iyon ay ang makapag-asawa na.“Bakit niyo winewelcome ang babaeng ‘yan?" Taas kilay kong tanong, nagpalipat-lipat pa ako ng tingin sa kanilang tatlo at
"Ikaw na ang bahala sa Misis mo, Luis at kami ay matutulog na."Akay-akay ni Mama si Papa na halos lantang gulay na ang kalagayan dahil tinamaan na ng sobra ng kalasingan. Matapos kasi ang dinner ay nagyaya pa sila na uminom, go na go naman pati 'yong mga kamag-anak ko na pare-parehas din na lasing na, maliban kay Lola na nauna nang pumaroon sa may kwarto upang matulog. At kagaya ng sabi ni Lola, nagcelebrate nga sila pero hindi ako halos nakaramdam ng tuwa.Tinulungan ko si Mama na alalayan si Papa hanggang sa kwarto nila. Malakas kasi siyang uminom kagaya ko kaya wag na kayo magtama kung kanino ako nagmana sa pagiging lasinggero."Oh, saan ka pupunta?"Napansin ko na tinatahak ni Mahana ang daan palabas ng main door ng bahay namin nang pababa na ako sa may hagdanan."Uuwi na."Hinabol ko siya hanggang sa makalabas kami ng bahay. Tuloy-tuloy siya sa paglalakad at nakabuntot lang ako sa kanya."Ba't ka nakasunod sa'kin?" Huminto ito sa paglalakad at hinarap ako na makikita sa mukha
"Kalilipat pa lang ng pangalan ko sa kompanya, uutangan mo na 'ko. Ni wala pang bente kwatro oras na nakapangalan tong kompanya sa'kin e." Napasugod ako kay Rhaiven nang maalala ko na mauubos na ang laman ng bank account ko. Hindi magiging sapat ang pera ko na nandon para bayaran si Mahana if ever pumayag ito, idagdag pa 'yong gagastusin namin sa pagproseso nong annulment ng kasal namin.Sa aming lahat, si Rhaiven itong mapera dahil animoy nagtatae ng pera ang bank account nito or wallet. Swerte kumbaga ang isang to pagdating sa pera. Hindi naman ito 'yong unang beses na uutangan ko siya. Lahat kami kapag may problema pinansyal ay sa kanya kami kaagad tumatakbo. Hindi naman kasi madamot ang isang 'to."Babayaran ko naman, pre. Kinakailangan ko lang talaga ngayon."Nagdekwatro ako ng upo sa sofa na nasa gilid ng kanyang opisina habang abala na nilalaklak 'yong alak na inilabas niya kanina sa may center table."Hindi naman issue sa akin kung mababayaran o hindi e." Napasandal siya sa k
"Luis, ibalik mo sa'kin 'yong passport ko."Sinundan niya ako ng tingin papunta sa sala ng tinitirhan niya. Iyong kutsilyo na hawak niya kanina ay ibinaba na niya dahil natatakot siyang baka masaksak niya ako ng tuluyan. Nakangisi ako na naglakad-lakad sa kabuuan ng sala at ramdam na ramdam ko sa mga tingin niya 'yong inis."Pumayag ka muna sa gusto ko." Kinindatan ko pa siya na lalong nagpausok sa ilong niyang galit na galit."Psh! Ano ako tanga? Papayag sa gusto mo nang hindi ko pag-iisipan ng mabuti? Hoy! Kunin mo na lahat sa akin, huwag lang 'yang passport ko kaya akin na." Lumapit siya sa pwesto ko at kinapkapan ako sa buong katawan. Itinaas ko pa ng bahagya ang dalawang kamay ko para malaya siyang gawin ang gusto niya. Napakadesperada niya. Wala akong nagawa kundi ang pagtawanan siya."Oh, kalma, baka ibang passport makapa mo dyan." Pilyong biro ko at walang kahirap-hirap niyang kinurot ang braso ko. "Aray naman!"Namula iyong kinurot niya sa akin kaya hinimas-himas ko ito para
"As of now, wala pang balita ukol sa pagpapahanap kina Jade. Sa lawak ng mundo, hindi natin alam kung saan sulok sila hahanapin. Kumalma ka nga, 'yong reward na ibibigay ng Lola mo muna ang asikasuhin mo."Kinuha ko iyong iniabot ni Kenneth sa akin na bote ng alak. Sumadya ako rito sa condo niya para makibalita. Hindi ko siya makontak kaya sinadya ko na siya. Wala sina Chris at Rhaiven dahil busy sila sa mga buhay nila, lalong-lalo na si Rhaiven."Anong kalma? Paano ako kakalma sa lagay na 'to? Ni hindi ko alam kung nasaan sina Jade e. Pre, walang silbi kung makukuha ko 'yong reward kapag kasal pa rin ako sa babaeng 'yon. Gusto ko, as soon as possible ay mapasawalang bisa na 'yon."Kumuha ako ng pulutan namin at kinain ko iyon. Oo, napapayag ko nga si Mahana na magpanggap kami pero ang ikinakatakot ko, baka hindi niya gawin ng maayos ang trabaho niya. Bukod don, hindi pa alam ni Misty ang tungkol sa kasal namin ni Mahana."E anong magagawa natin, mukhang nagtatago sila e.""Iyon ang n
"Namatay siya because of cardiac arrest. Noong last na nag-usap kami, para siyang may gustong sabihin sa akin pero nahihirapan siyang magsalita. Ang buong akala ko, nandon siya sa bahay nagpapahinga pero hindi, animoy nagtatago siya kaya naron siya sa probinsiya."Tahimik kaming lahat sa pagkwekwento ng nakababang kapatid ni Mayor Queja ukol sa kalagayan nito. Interesado akong malaman lahat ang tungkol kay Mayor pagkatapos nong aksidenteng kasal namin ni Mahana na siya ang pasimuno.Mukhang tama nga ang hinala ko, may alam sina Mayor Queja sa kasal, at sa pagkakakwento ng kapatid nito, nagtatago siya dahil animoy may naghahanap sa kanila. Ang tanong, sino naman?"E, nasa'n po si Jade?" Lahat napunta sa akin ang kanilang tingin nang magsalita ako. Hindi ko na napigilan pa dahil gulong-gulo na ako sa mga nangyayari. Uhaw na uhaw ako sa mga impormasyon na makakapagsalba sa akin sa gantong kapalaran ko.Nagkibit-balikat ang ginang. "Hindi ko alam kung nasaan siya. Maski siya, naglaho na
"Hindi mo sinabi sa akin na close pala kayo ni Mama. Kailan pa?"Binasag ko ang katahimikan matapos naming ihatis si Mama sa bahay. Nang maabutan ko silang nag-uusap, aligaga silang dalawa na animoy gulat na gulat sa pagdating ko. Tutal sinusundo si Mahana, isinabay ko na rin si Mama na nabalitaan ko na nagtaxi lang papunta roon."Sinuyo ako ng Mama mo kaya siya nandon." Sagot ni Mahana sa akin habang nasa labas ng bintana ang kanyang tingin. "Napansin niya yata 'yong kilos nating dalawa kanina sa restaurant. Hindi mo sinabi sa akin na malakas ang pang-amoy ng nanay mo kapag magkagalit ang dalawang tao."Buong pwersa ko na kinalabit ang preno ng sasakyan ko dahil nagkulay red ang traffic light. Bahagya akong napatitig kay Mahana na noon na buryong-buryo sa postura niya. Kahit wala siyang ginagawa sa akin, inis na inis talaga ako sa kanya. Ewan ko talaga kung kaya ko siyang pakisamahan hanggang sa makuha ko yong rewars kay Lola."E bakit gulat na gulat kayo nong makita niyo 'ko?" Tanon
"Matagal na naming alam." Pambabasag ni Rhaiven sa katahimikan habang pinapanood nila si Luis na nilulunod ang sarili sa alak. Ni hindi na nila ito maawat at walang kahirap-hirap na inuubos ang mga alak na inorder nito. Napahinto si Luis sa paglagok ng bote ng alak na kanyang hawak. Diretso niyang tinapunan ng tingin si Rhaiven na seryosong nakatitig naman sa kanya. "What do you mean?"Nagkatinginan muna ang tatlo. Matagal na silang may alam pero nanatili silang tahimik at hinayaan na si Luis mismo ang makabisto kay Mahana. Palihim naman nila itong minamanmanan nang sa ganon ay may ebidensya sila kung sakaling pilit itong ideny ng babae.Sinenyasan ni Kenneth si Rhaiven na siya na lamang ang magpaliwanag kay Luis. Tutal siya naman ang unang nakaalam ng katotohanan dahil pasikreto itong kumuha ng imbestigador upang asikasuhin ang kaso nina Luis. Sa hindi inaasahang pagkakataon, may hindi kanais-nais siyang nalaman at iyon ay dawit si Mahana."Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin
"Let's talk, Mahana..."Malalaking hakbang ang ginawa ni Luis para maabutan si Mahana na dali-daling naglalakad papunta sa kwarto nila sa tinuluyan nilang hotel. Gusto niyang malaman ang katotohanan sa paratang ng kanyang pamilya laban kay Mahana. Hindi nag-antubili si Mahana na ipaliwanag ang kanyang sarili matapos ang hindi inaasahan na pagbubuking ng pamilya ni Luis sa kanya. Ang tanging paraan na naisip niya lang ay ang magwalk-out. Hindi siya nakapaghanda sa bagay na 'yon na matutuldukan ng biglaan ang kasinungalingan niya."Luis, please, huwag ngayon...." Mabilis na binawi ni Mahana ang braso niya na nahuli ni Luis pagdating nila sa tapat ng kanilang kwarto. Sinamantala ni Mahana na pihitin ang doorknob para makapasok na siya sa loob kahit ang totoo ay wala siyang takas kay Luis. "Hana, ano ba! Kausapin mo 'ko.." muling humakbang ng malaki si Luis upang maabutan si Mahana nang tuluyan na silang makapasok ng kwarto. Sinubukan niyang pakalmahin si Mahana upang makausap niya it
"Small world nga naman at dito pa tayo nagkita-kita. Kayo naman, hindi naman kayo nagsabi na pupunta pala kayo ng Baguio, e di sana nakisabay na kami para isahan na lang 'yong pagbyahe natin." Usisa ni Arlene, ang ina ni Luis."Unplanned rin po kasi 'tong pagpunta namin dito, Ma. Napaluwas lang kami ng biglaan ni Hana kahapon, right love?" Sagot ni Luis saka hinimas ang bandang balikat ni Mahana kung saan siya nakaakbay. Hindi makatingin ng diretso na tumango-tango si Mahana. "Yeah." Pilit pa itong ngumiti.Sa kabilang dako, pinasadahan ni Arlene ng tingin ang kaniyang daughter in law na si Mahana habang abala si Luis na kinakamusta ang Lola Luisa nito na noon ay bagong pasok lang ng hotel. Napangisi siya ng bahagya saka napabuga ng hangin."Hi, hija. Long time no see." Usisa ni Lola Luisa, lumapit naman si Mahana upang makipagbeso rito at kapansin-pansin ang pilit na pilit nitong pagngiti na animoy hindi komportable sa presensya ng pamilya ni Luis. "How are you, hija? Ang tagal ka n
"Luis, akin na 'yan, please."Sinubukang agawin ni Mahana ang hawak ni Luis na folder kung saan nakalagay ang mga dokumento na kaniyang ginamit upang ilakad ang kaniyang pag-alis ng bansa. Hindi niya inaasahan na mahahalungkat iyon ni Luis kahit pa man nakatago na iyon sa hindi masyadong napapansin na sulok.Kahit na anong pang-aagaw ang gawin ni Mahana, hindi niya makuha-kuha iyong folder dahil mabilis na iniilag ni Luis iyon gamit ang kaniyang kamay kasabay ng masamang titig nito sa kaniya. Doon na nakaramdam si Mahana ng kaba at takot lalo na at hindi siya handa sa panahon na iyon na malalaman ni Luis ang buong katotohanan sa madalas nitong paglabas at hindi pagsama sa lakad ng pamilya."Please, Luis, i-ibigay mo na 'yan sa akin." Pagmamakaawa ni Mahana, namumuo na rin ng luha sa gilid ng kaniyang mata dala ng kaba at takot. Nanginginig ang kaniyang buong katawan at hindi niya alam kung paano niya ipapaliwanag ang lahat sa lalaki. "No!" Pagmamatigas ni Luis sa maawtoridad na tinig
"Are you out of your mind, Luwi? Seryoso ka? Hindi ka tutuloy sa seminar na 'yon?"Inaasahan na ni Luis na ganoon ang magiging reaksyon ng kaniyang mga kaibigan sa pang-rereject na ginawa niya sa seminar na inalok sa kaniya. Nadismaya ang kaniyang mga tropa dahil pangarap niya noon pa man na mapasali sa seminar na iyon lalo na at nandon ang hinahangaan nitong businessman."Oo nga, pre, hindi ako tutuloy." Pagkumpirma nito. "Tsk!" Napailing-iling si Kenneth. "Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maiinis sa mga pinaggagagawa mo, Luis. Una, inurong mo 'yong kaso dahil sa kahibangan mo na ayusin ang sa inyo ni Mahana kahit alam natin na konting panahon na lang ay malalaman na natin kung sino ang may kagagawan ng pekeng kasal niyo. Tapos ngayon, nireject mo ang seminar na pinapangarap mo simula pa nong highschool tayo, para ano? Para kay Mahana na naman? Pre, ang dami mo ng sinasayang na opportunity oh." Pamamaktol nito dahil hindi na siya natutuwa sa mga desisyon na ginagawa ni Luis.Sin
"Sino bang kikitain mo at isinama mo pa talaga kami? Walang hiya ka! Para kang batang bubwit na kinakailangan pang samahan sa lahat ng lakad mo." Walang humpay na pagrereklamo ni Kenneth dahil kinidnap na naman silang dalawa ni Chris upang samahan sa lakad na iyon ni Luis."Pre, I can't do this on my own. Mas maganda ang magiging kalabasan nito kapag sumama kayo incase na may gusto kayong isuggest." Sagot ni Luis saka ipinark na sa garahe ng restaurant iyong sinakyan nilang kotse. Pagkapatay niya ng makina ay inalis na niya ang nakasuklib na seatbelt sa kanyang katawan.Pakamot-kamot naman ang dalawa na napilitang tanggalin na rin ang kanilang seatbelt."Ulul! Pwede mo naman kaming tawagan incase tatanungin mo kami kung may maisusuggest kami dyan sa binabalak mong proposal kay Mahana e. Pwede rin na ilista mo nalang at hindi ganito na inabala mo pa kami." Iritableng singhal ni Chris saka padabog na isinarado ang pinto ng sasakyan."Chris, relax.." umakbay si Luis sa kaniya. "Incase na
"Nakakagulat naman 'tong gusto mong mangyari, Luis." Pag-uumpisa ni Attorney Robles ng usapan matapos makarating ni Luis sa coffee shop na meeting place nila.Natawa ng bahagya si Luis. "Oo nga po e, pati 'yong mga kaibigan ko, nagulat din.""So, anong nagtulak sa'yo na gawin ito? Luis, let me remind you, konti nalang malalaman niyo na kung sino ang may kapakanan ng pekeng kasal niyo ni Mahana. Ayaw mo bang ituloy na lang?" Suhestiyon ng abogado."Attorney, I don't know how to explain this pero I want to settle everything now sa amin ni Mahana. Hindi ko masabi yong eksaktong dahilan ko para iatras ng ganitong biglaan 'yong annulment namin. Basta, ang alam ko, gusto ko nang bumukod at bumuo ng masayang pamilya na kasama siya." Masayang paliwanag ni Luis.Napangiti si Attorney na kasabay noon ang kaniyang pagtango na animoy natuwa sa mga sinabi ni Luis. Napabuntong-hininga ng malalim si Attorney Robles saka may kinuha sa kaniyang suitcase na dala at muling humarap kay Luis."Well, kung
"Kakaibang trip 'to, Luis, BADTRIP!"Halos ayaw ihakbang ni Mahana ang kanyang mga paa papasok ng mamahaling restaurant na pinareserve ni Luis upang doon ganapin ang engrandeng surpresa niya para sa wedding anniversary nila ni Mahana. Hindi naman na nila dapat icelebrate iyon dahil hindi bigdeal sa kanilang dalawa pero gusto ni Luis na may kaunting pagdiriwang pa din na magaganap sa espesyal na araw na iyon sa kanila bilang mag-asawa."Haha! Nandito ka naman na e. Just enjoy the moment with me." Ipinaghila niya ng upuan si Mahana saka ngitian ito na sinenyasan na maupo roon. Nagpapadyak pa si Mahana sa inis na parang bata at napakamot ng bahagya sa kanyang ulo bago tuluyang tinugon ang gusto ni Luis. Padabog siyang naupo at inayos ang kanyang sarili. Pagkaupo niya ay dali-dali namang pumunta si Luis sa kanyang pwesto.Pagkaupo pa lamang ni Luis ay isa-isa nang nagsilapit ang mga waiter upang ihain ang mga nagsasarapang pagkain sa kanilang lamesa na sa gitna nito ay may kandila pa't m
"Pamine mga bhie, bra, cup B size thirty two. Bagay 'to sa mga malalaki ang dyoga. Pamine na, bilis." Pang-aakit ni Luis sa mga viewers nila sa kanilang live selling ng mga produkto ni Mahana. Nakatanggap siya ng malakas na hampas mula kay Mahana na nakaupo sa likod nito. Natawa si Mahana pero mas nanaig ang kanyang inis sa mga sinabi ni Luis."Ang baboy mo talaga. Ayusin mo naman." Suway ng babae sa kanya sabay pinagdilatan siya ng mata."Bakit? Anong baboy don? E sa bra 'tong binebenta ko e. Maaakit ko ba sila kung sasabihin kong bagay 'to sa flat chested? Hindi naman, 'di ba?" Depensa ni Luis habang hawak-hawak iyong bra na kanyang binebenta."Oo nga pero ifilter mo naman 'yang sasabihin mo. Ma-ban pa 'yong account ko sa'yo e." Napakamot si Mahana sa kanyang ulo."Tsk! Ikaw na nga 'tong tinutulungan." Bulong ni Luis saka humarap ulit sa selpon upang ipagpatuloy ang kanyang ginagawa."Anong sabi mo?""Wala, sabi ko, icheck mo na baka may nagmine na." Palusot nito. "Okay, next item