Share

Chapter 3

Author: Yassieebells
last update Huling Na-update: 2023-12-28 15:22:28

"Tangina ka! Legal 'to, pre.."

Pinagpapasa-pasahan nina Kenneth, Chris, at Rhaiven 'yong marriage contract upang makita nila ito at mahawakan. Hindi ako nag-aksaya ng oras para tawagan sila para makahingi ng tulong. Akala nila nong una ay nakikipagbiruan lang ako sa kanila hanggang sa nagpakita ako ng proof ay nagsitakbukhan na sila papunta dito sa condo ko.

"Sabi sa inyo e, ayaw nyo pang maniwala kanina." Tugon ko at inilapag 'yong mga bote ng alak sa center table dito sa may sala para may mapagsaluhan naman kami. Hindi ko nakalimutan syempre 'yong pulutan namin.

"Aba! Malay ba natin kung nantritrip ka lang? Kilala ka pa naman namin." Patutsada ni Chris at kinuha iyong iniabot kong bote ng alak matapos kong alisin ang takip nito.

Isa-isa ko rin na inabutan sina Kenneth at Rhaiven ng bote ng alak na noon ay sinusuri pa rin 'yong marriage contract. Nakakatuwa dahil sa wakas naisama nila si Rhaiven.

Matapos ko silang bigyan ng kani-kanilang mga iinumin, naupo na ako sa pang-isahang sofa sa harapan nila. Nagdekwatro ako at ayon na naman 'yong kaba sa dibdib ko dahil lang sa marriage contract na 'yan na bigla-bigla dumating sa buhay ko.

"Sigurado ka bang sa'yo to?" Tanong ni Kenneth, nakaturo siya sa marriage contract na ngayon ay hawak na ni Rhaiven.

"Malamang, pangalan ko nandyan e.."

"E paano ka ba ikinasal nang hindi namin alam?" Puno ng kuryosidad na tanong ni Chris saka nilamutak ang pulutan na niluto ko.

"'Yon ang hindi ko alam, pre, basta paggising ko kanina, ayan dumating na 'yang pisteng marriage contract na 'yan. Ni hindi ko pa nga binasa kung kanino ako ikinasal e. Lintek na 'yan." Walang kahirap-hirap ko na itinungga 'yong bote ng alak na hawak ko.

"Mahana Salazar..."

Lahat kami napatingin kay Rhaiven matapos siyang may banggitin na pangalan. Sa aming lahat, siya lang yata 'yong nakapansin sa pangalan na 'yon dahil kami nina Kenneth, ang pagiging legitimo ng papel ang inuna naming bigyan ng pansin.

"Mahana Salazar ang pangalan ng babae na ikinasal sa'yo nong July 29 last year lang."  Pagpapatuloy ni Rhaiven kaya dali-dali kaming pumaroon sa pwesto niya at tinignan kung legit ba ang mga sinasabi niya at tumugma naman.

"Teka, sound's  familiar ah.." nagpalipat-lipat ng tingin sina Kenneth sa akin.

"Gago! Hindi ba 'yon ang binasted mo na babae nong highschool tayo? 'Yong dinaig pa ang aso na buntot ng buntot sa'yo, Luis?" Pagpapaalala ni Kenneth sa akin.

"Fuck! Wala naman akong naaalala na close kami ng babaeng 'yon kaya paano ako ikinasal sa kanya?"

Sumasakit ang ulo ko kaalala kung saan ko ba siya nakita. After naman kasi ng highschool ay iilan na lang sa mga batchmates namin ang nakikita ko, kasama na ang babaeng 'yon. Psh! Paano ko naman makakalimutan ang babaeng naging dahilan kung bakit ayaw kong magkagirlfriend?

"Nasaan ka nong July 29?"

Napatingin na naman kami kay Rhaiven, bukod sa nawiwirduhan kami sa kanya ay napupuno rin ng kaba 'tong dibdib ko. Psychic ba ang tao na 'to?

"Nasan ba 'ko non?" Napakamot ako sa aking ulo at pilit inaalala kung nasaan ako nong petsa na 'yon. " Hoy! Kayong dalawa, nasan tayo non?" Tanong ko kina Chris at Kenneth.

"Ang pagkakaalala ko, nandito lang tayo sa condo mo non e." Sagot ni Chris.

"Gago hindi, pumunta tayo ng bar non kasi niyaya tayo nina Jade, tama?" Nagpalipat-lipat ng tingin si Kenneth sa aming dalawa.

Oo! Sa bar, hindi ako pwedeng magkamali pero paano kami ikinasal ng babaeng 'yon?

"Wala akong maalala na kasama ko siya don kaya paano?" Naguguluhan na tugon ko.

"Sigurado ka, Luis?" Paniniguro ni Rhaiven. "Alalahanin mo kung sino ang mga kasama mo non at napunta sa kasalan na naging legal."

July 29....nasa bar ako oo, pero...

"Ang naaalala ko, iniwan niyo 'ko don kasama sina Jade.."

"Iniwan? Akala namin umuwi ka na non kaya umalis na din kami ni Chris non." Sagot ni Kenneth.

"Teka, hindi naman 'yon ang point, Luis, ang nakapagtataka, paano na nandon si Hana tapos naikasal kayo?" Komento ni Chris.

"Noon ba, napansin niyo na siya non sa bar  na kasama ko bago pa kayo umalis?" Tanong ko dahil nagbabakasakali ako na may ibang pang-aapproach akong ginawa kaya kami nagsama ng babaeng 'yon.

"Pre, sina Jade lang ang kasama mo na nakita namin."

Tangina! E paano na nandon si Hana?

"According dito, si Mayor Sherwin Queja ang nangkasal sa inyo.." pagbabasa ni Rhaiven sa kapirasong papel na hawak niya.

"Tatay 'yon ni Jade, diba? Luis, kasalo mo 'yong tatay niya non nong nag-iinuman kayo, hindi mo ba naaalala?"

Umiling-iling ako. "Chris, wala akong maalala. Tangina naman!"

"Malaking problema 'to lalo na at legal 'yong kasal niyo, pre." Usisa ni Kenneth na noon ay ibinalik sa loob ng folder 'yong marriage contract para hindi mawala.

"Ano ng balak mo? Patay ka sa nanay mo nyan kapag nalaman niya.."

Napahilot ako sa aking sentido dahil isang malaking sakit sa ulo ito kapag nalaman nina Mama. Atat na atat pa naman silang magkaasawa ako. Kinakailangan kong gumawa ng paraan para hindi nila 'to malaman. Gagawan ko ito ng paraan para mapawala ang bisa ng kasal. Magiging hadlang ito sa kalayaan ko kapag nalaman nina Mama.

"Luis, lahat ng bachtmate natin, napagtanungan ko na, hindi raw nila alam kung nasaan ang pamilya ni Jade." Pagbabalita ni Chris habang nakatutok siya sa kanyang laptop.

Wala kaming ginawa maghapon kundi ang tawagan lahat ng kakilala namin upang pagtanungan kung alam nila kung nasaan si Jade at ang pamilya nito.

"Pati mga highschool batchmates natin, hindi rin nila alam e."

Napamura nalang ako ng malutong dahil sa problema na ito. Kung karma ito sa pagiging pasaway ko, ang lala naman yata. Matatanggap ko ang ibang karma hwag lang ganito. Hindi nakakatuwa.

"Bakit hindi nyo subukang hanapin si Mahana?" Suhestiyon ni Rhaiven na abalang naglalaro sa dala niyang rubics cube.

"Ano naman ang maitutulong non?"

"Siya ang makakapagsabi na hindi niyo ginusto yon."

"Rhai, ni hindi tayo sigurado na inosente ang babaeng 'yon. Malay natin, siya ang may kapakanan lahat ng 'to, baka nga naghihiganti 'yon sa'kin e." Tugon ko dahil kanina pa lamang 'yon na ang hinala ko.

"May point ka naman pero mas mabuti nang sigurado tayo, di ba?"

Lumapit si Kenneth sa akin at hinaplos ang balikat ko para pakalmahin dahil kitang-kita nila na sobra akong nastress sa mga nangyayari.

"Parehas kayong may point, okay? Posible naman na kagagawan ni Hana lahat ng 'to dahil naghihiganti siya sa mga ginawa mo nong highschool tayo sa kanya at kagaya ng sabi ni Rhaiven, baka nga pwede rin na makatulong siya para masabi na hindi niyo ginusto 'yon." Pagpapakalma ni Kenneth.

"Ang tanong, saan naman natin hahanapin ang babaeng 'yon?"

"Basic!" Napunta ang tingin namin kay Chris. "Tara! Alam ko kung nasan siya."

Hindi na kami nag-aksaya ng oras para puntahan 'yong lugar na tinitirhan ni Hana na alam ni Chris. May tiwala naman ako dito sa kaibigan ko kaya sumama na ako sa kanya. Napunta kami sa isang kalye rito sa syudad na malayo sa nakasanayan naming apat. Pero hindi na namin inuna pa ang arte, pumaroon na kami sa isang bahay na tinutukoy ni Chris na bahay ni Hana.

"Tao po!"

Lumitaw ang isang matandang babae matapos naminh kumatok sa maliit na pintuan sa tapat ng bahay na hinintuan namin.

"Ano po 'yon?" Tanong ng ginang.

"Ah, nandiyan po ba si Mahana?"

"Ay hijo, matagal na siyang wala rito. Lumipat na, mga ilang buwan na din e. Sino ba sila?"

Tangina! Saan ka naman namin hahanapin, Hana?

"Mga...mga batchmates niya po... Opo.."

"Ahh, wala na siya dito e."

"San po siya lumipat?"

Nagkibit-balikat ang ginang sa tanong ni Chris. "Wala na akong ideya kung saan e basta nagpaalam na lang siya sa akin."

"E, selpon number niya po, meron po kayo?" Sumingit na ako upang magtanong.

"Wala rin e."

Wala kaming napala sa lakad naming 'yon. Okray! Kaya habang nasa byahe kami, hindi ko na halos mapigilan pa ang inis na nararamdaman ko. Pinapakalma ako nina Rhaiven at Chris, si Kenneth naman ang nagprisintang magmaneho at yong sasakyan niya ang ginamit namin.

"Tangina! Saan ko naman hahanapin ang babaeng 'yon? Kahit kailan talaga, malas 'yon sakin e. Buti nalang talaga di ko sya pinatulan non." Inis na inis na tugon ko.

"Bunganga mo! Hindi pa nga tayo sigurado kung tama yang hinala mo na kapakanan niya lahat ng to e. Tsaka, kumalma ka nga, unang araw pa lang naman 'to, may bukas pa para mag-isip ng paraan para masolusyunan ang problema mo." Pagpapakalma ni Chris sa akin na nasa tono na niya ang inis.

"Paano ako kakalma, pre? Legal 'yong kasal namin? Lintek na 'yan. Hindi natin alam kung nasaan si jade at nong papa niya e, idagdag mo pa yong Hana na 'yon."

"Gets ka namin, pre, wala naman patutunguhan 'yang pagsabog ng galit mo e. Ang gawin mo, kumalma ka para makapag-isip ka ng matino. Kahit pa naman magalit ka, sumabog ka sa inis ngayon, wala ka ng magagawa, nangyari na ang dapat na mangyari."

At ganoon nga ang ginawa ko, kumalma ako. Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko kahit kaunti. Pagkahatid nila sa akin sa condo ko ay tinignan ko ulit ang marriage contract sa ibabaw ng center table. Nakailang gusot na ko sa mata ko, legal pa rin. Nakailang sampal na ako sa sarili ko, wala pa ring nagbabago. Napasabunot nalang ako sa ulo ko dahil sa inis.

"Tangina naman!"

Pumaroon ako sa kusina upang magbukas ng panibagong bote ng alak na lalaklakin. Gusto kong magpakalasing para kahit papaano ay makalimutan ko ang tungkol sa bagay na 'yon.

Bumalik ako sa sala at padabog na umupo roon sa sofa. Walang kahirap-hirap ko na itinungga ang bote ng alak. Nakatanggap ako ng ilang mensahe mula sa mga kaibigan ko at pare-parehas sila ng sinabi na magpahinga na ako't kumalma. Nakiusap ako sa kanila na sa amin muna ang tungkol sa kasal. Hangga't maaari ay ayokong malaman ng pamilya ko ang tungkol don.

Nabalik ako sa reyalidad nang marinig ko na tumunog ang selpon ko. Tumatawag si Mama kaya inayos ko ang sarili ko. Pinindot ko ito upang masagot ang kanyang tawag.

"Ma, kung pababalikin mo 'ko para na naman sa business natin, I can't, I have something to work on..."

"No actually I have a goodnews for you.."

"What is it?"

"Luis, why you didn't tell us.."

"Tell what, Ma?"

"Na you're already married, actually your wife is here..."

"What?!"

Napabalikwas ako ng tayo sa pagkakaupo matapos marinig ang sinabi ni Mama sa kabilang linya. Humiwalay ang kaluluwa ko sa aking katawan pagkarinig sa sinabi niya. Don't tell me, nandon siya?

No fucking way!

Kaugnay na kabanata

  • Accidentally Married to a Playboy (Playboy Series #2)   Chapter 4: Reward

    “Welcome to our family, Mahana…” Mula rito sa may main door ng bahay namin, rinig na rinig ko na ang masayang tugon na iyon ni Mama. Patakbo akong nagtungo sa may sala at nakita ko ang babaeng kayakap ni Mama, nakadress ito ng babypink ang kulay na may kabagsakan ang buhok. Hindi ko nakita ang mukha niya dahil nakatalikod ito sa akin. Sumunod naman siyang winelcome ni Papa at huli sa pila si Alyssa na nagpipigil ng tili. “Anong welcome?” Pang-aagaw ko ng kanilang atensyon at doon ko na nakita ang kabuuan ng babae. Psh! Kagaya pa rin ng dati, ang pangit pa rin.“Hi there, son..” Lumapit si Mama sa akin saka niyakap ng sobrang higpit na talaga namang mararamdaman mo sa mga bisig nito ang tuwa. Kahit wala siyang sabihin, alam ko at ramdam ko na ang tuwa sa puso niya na sa wakas ay natupad na ang pinakamalaking pangarap niya sa akin at iyon ay ang makapag-asawa na.“Bakit niyo winewelcome ang babaeng ‘yan?" Taas kilay kong tanong, nagpalipat-lipat pa ako ng tingin sa kanilang tatlo at

    Huling Na-update : 2024-01-01
  • Accidentally Married to a Playboy (Playboy Series #2)   Chapter 5: Offer

    "Ikaw na ang bahala sa Misis mo, Luis at kami ay matutulog na."Akay-akay ni Mama si Papa na halos lantang gulay na ang kalagayan dahil tinamaan na ng sobra ng kalasingan. Matapos kasi ang dinner ay nagyaya pa sila na uminom, go na go naman pati 'yong mga kamag-anak ko na pare-parehas din na lasing na, maliban kay Lola na nauna nang pumaroon sa may kwarto upang matulog. At kagaya ng sabi ni Lola, nagcelebrate nga sila pero hindi ako halos nakaramdam ng tuwa.Tinulungan ko si Mama na alalayan si Papa hanggang sa kwarto nila. Malakas kasi siyang uminom kagaya ko kaya wag na kayo magtama kung kanino ako nagmana sa pagiging lasinggero."Oh, saan ka pupunta?"Napansin ko na tinatahak ni Mahana ang daan palabas ng main door ng bahay namin nang pababa na ako sa may hagdanan."Uuwi na."Hinabol ko siya hanggang sa makalabas kami ng bahay. Tuloy-tuloy siya sa paglalakad at nakabuntot lang ako sa kanya."Ba't ka nakasunod sa'kin?" Huminto ito sa paglalakad at hinarap ako na makikita sa mukha

    Huling Na-update : 2024-01-04
  • Accidentally Married to a Playboy (Playboy Series #2)   Chapter 6: Takas

    "Kalilipat pa lang ng pangalan ko sa kompanya, uutangan mo na 'ko. Ni wala pang bente kwatro oras na nakapangalan tong kompanya sa'kin e." Napasugod ako kay Rhaiven nang maalala ko na mauubos na ang laman ng bank account ko. Hindi magiging sapat ang pera ko na nandon para bayaran si Mahana if ever pumayag ito, idagdag pa 'yong gagastusin namin sa pagproseso nong annulment ng kasal namin.Sa aming lahat, si Rhaiven itong mapera dahil animoy nagtatae ng pera ang bank account nito or wallet. Swerte kumbaga ang isang to pagdating sa pera. Hindi naman ito 'yong unang beses na uutangan ko siya. Lahat kami kapag may problema pinansyal ay sa kanya kami kaagad tumatakbo. Hindi naman kasi madamot ang isang 'to."Babayaran ko naman, pre. Kinakailangan ko lang talaga ngayon."Nagdekwatro ako ng upo sa sofa na nasa gilid ng kanyang opisina habang abala na nilalaklak 'yong alak na inilabas niya kanina sa may center table."Hindi naman issue sa akin kung mababayaran o hindi e." Napasandal siya sa k

    Huling Na-update : 2024-01-07
  • Accidentally Married to a Playboy (Playboy Series #2)   Chapter 7: Yes or No

    "Luis, ibalik mo sa'kin 'yong passport ko."Sinundan niya ako ng tingin papunta sa sala ng tinitirhan niya. Iyong kutsilyo na hawak niya kanina ay ibinaba na niya dahil natatakot siyang baka masaksak niya ako ng tuluyan. Nakangisi ako na naglakad-lakad sa kabuuan ng sala at ramdam na ramdam ko sa mga tingin niya 'yong inis."Pumayag ka muna sa gusto ko." Kinindatan ko pa siya na lalong nagpausok sa ilong niyang galit na galit."Psh! Ano ako tanga? Papayag sa gusto mo nang hindi ko pag-iisipan ng mabuti? Hoy! Kunin mo na lahat sa akin, huwag lang 'yang passport ko kaya akin na." Lumapit siya sa pwesto ko at kinapkapan ako sa buong katawan. Itinaas ko pa ng bahagya ang dalawang kamay ko para malaya siyang gawin ang gusto niya. Napakadesperada niya. Wala akong nagawa kundi ang pagtawanan siya."Oh, kalma, baka ibang passport makapa mo dyan." Pilyong biro ko at walang kahirap-hirap niyang kinurot ang braso ko. "Aray naman!"Namula iyong kinurot niya sa akin kaya hinimas-himas ko ito para

    Huling Na-update : 2024-01-09
  • Accidentally Married to a Playboy (Playboy Series #2)   Chapter 8: Bad News

    "As of now, wala pang balita ukol sa pagpapahanap kina Jade. Sa lawak ng mundo, hindi natin alam kung saan sulok sila hahanapin. Kumalma ka nga, 'yong reward na ibibigay ng Lola mo muna ang asikasuhin mo."Kinuha ko iyong iniabot ni Kenneth sa akin na bote ng alak. Sumadya ako rito sa condo niya para makibalita. Hindi ko siya makontak kaya sinadya ko na siya. Wala sina Chris at Rhaiven dahil busy sila sa mga buhay nila, lalong-lalo na si Rhaiven."Anong kalma? Paano ako kakalma sa lagay na 'to? Ni hindi ko alam kung nasaan sina Jade e. Pre, walang silbi kung makukuha ko 'yong reward kapag kasal pa rin ako sa babaeng 'yon. Gusto ko, as soon as possible ay mapasawalang bisa na 'yon."Kumuha ako ng pulutan namin at kinain ko iyon. Oo, napapayag ko nga si Mahana na magpanggap kami pero ang ikinakatakot ko, baka hindi niya gawin ng maayos ang trabaho niya. Bukod don, hindi pa alam ni Misty ang tungkol sa kasal namin ni Mahana."E anong magagawa natin, mukhang nagtatago sila e.""Iyon ang n

    Huling Na-update : 2024-01-11
  • Accidentally Married to a Playboy (Playboy Series #2)   Chapter 9: Hinala

    "Namatay siya because of cardiac arrest. Noong last na nag-usap kami, para siyang may gustong sabihin sa akin pero nahihirapan siyang magsalita. Ang buong akala ko, nandon siya sa bahay nagpapahinga pero hindi, animoy nagtatago siya kaya naron siya sa probinsiya."Tahimik kaming lahat sa pagkwekwento ng nakababang kapatid ni Mayor Queja ukol sa kalagayan nito. Interesado akong malaman lahat ang tungkol kay Mayor pagkatapos nong aksidenteng kasal namin ni Mahana na siya ang pasimuno.Mukhang tama nga ang hinala ko, may alam sina Mayor Queja sa kasal, at sa pagkakakwento ng kapatid nito, nagtatago siya dahil animoy may naghahanap sa kanila. Ang tanong, sino naman?"E, nasa'n po si Jade?" Lahat napunta sa akin ang kanilang tingin nang magsalita ako. Hindi ko na napigilan pa dahil gulong-gulo na ako sa mga nangyayari. Uhaw na uhaw ako sa mga impormasyon na makakapagsalba sa akin sa gantong kapalaran ko.Nagkibit-balikat ang ginang. "Hindi ko alam kung nasaan siya. Maski siya, naglaho na

    Huling Na-update : 2024-01-14
  • Accidentally Married to a Playboy (Playboy Series #2)   Chapter 10: Head or Tail

    "Hindi mo sinabi sa akin na close pala kayo ni Mama. Kailan pa?"Binasag ko ang katahimikan matapos naming ihatis si Mama sa bahay. Nang maabutan ko silang nag-uusap, aligaga silang dalawa na animoy gulat na gulat sa pagdating ko. Tutal sinusundo si Mahana, isinabay ko na rin si Mama na nabalitaan ko na nagtaxi lang papunta roon."Sinuyo ako ng Mama mo kaya siya nandon." Sagot ni Mahana sa akin habang nasa labas ng bintana ang kanyang tingin. "Napansin niya yata 'yong kilos nating dalawa kanina sa restaurant. Hindi mo sinabi sa akin na malakas ang pang-amoy ng nanay mo kapag magkagalit ang dalawang tao."Buong pwersa ko na kinalabit ang preno ng sasakyan ko dahil nagkulay red ang traffic light. Bahagya akong napatitig kay Mahana na noon na buryong-buryo sa postura niya. Kahit wala siyang ginagawa sa akin, inis na inis talaga ako sa kanya. Ewan ko talaga kung kaya ko siyang pakisamahan hanggang sa makuha ko yong rewars kay Lola."E bakit gulat na gulat kayo nong makita niyo 'ko?" Tanon

    Huling Na-update : 2024-01-15
  • Accidentally Married to a Playboy (Playboy Series #2)   Chapter 11: Bright Idea

    "Why don't you tell him the truth nalang instead nagdadahilan ka pa sa kanya. Baka imbes na gustuhin ka non e maturn-off pa dahil diyan sa pagsisinungaling mo."Wala na akong ibang natanggap mula sa mga kaibigan ko kundi panenermon. Sila ang takbuhan ko kapag may problema ako dahil sila ang alam kong makakatulong sa akin. Akala ko magiging madali ang lahat sa akin kapag napapayag ko si Mahana na magpanggap bilang asawa ko pero hindi pala. Unti-unti niyang binabahiran ng kamalasan ang mga bagay na kinaiingatan ko."She's going to understand me, bro, kilala ko si Misty." Sabi ko na lang para gumaan ang nangangabang pakiramdam ko. "E ano ba kasi ang napag-usapan nila ni Mahana?" Tanong ni Rhaiven na nakahilata sa pang-isahang sofa. Narito kami sa condo ni Chris dahil tinulungan namin siyang planuhin iyong proposal niya kay Jaime sa susunod na buwan."Ayaw sabihin ni Mahana sa akin. Tangina non! Pahamak talaga. Ganon na ganon siya nong highschool tayo e. Nakakairita."Naalala ko na naman

    Huling Na-update : 2024-01-16

Pinakabagong kabanata

  • Accidentally Married to a Playboy (Playboy Series #2)   Chapter 62: Other side of the story

    "Matagal na naming alam." Pambabasag ni Rhaiven sa katahimikan habang pinapanood nila si Luis na nilulunod ang sarili sa alak. Ni hindi na nila ito maawat at walang kahirap-hirap na inuubos ang mga alak na inorder nito. Napahinto si Luis sa paglagok ng bote ng alak na kanyang hawak. Diretso niyang tinapunan ng tingin si Rhaiven na seryosong nakatitig naman sa kanya. "What do you mean?"Nagkatinginan muna ang tatlo. Matagal na silang may alam pero nanatili silang tahimik at hinayaan na si Luis mismo ang makabisto kay Mahana. Palihim naman nila itong minamanmanan nang sa ganon ay may ebidensya sila kung sakaling pilit itong ideny ng babae.Sinenyasan ni Kenneth si Rhaiven na siya na lamang ang magpaliwanag kay Luis. Tutal siya naman ang unang nakaalam ng katotohanan dahil pasikreto itong kumuha ng imbestigador upang asikasuhin ang kaso nina Luis. Sa hindi inaasahang pagkakataon, may hindi kanais-nais siyang nalaman at iyon ay dawit si Mahana."Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin

  • Accidentally Married to a Playboy (Playboy Series #2)   Chapter 61: The Truth

    "Let's talk, Mahana..."Malalaking hakbang ang ginawa ni Luis para maabutan si Mahana na dali-daling naglalakad papunta sa kwarto nila sa tinuluyan nilang hotel. Gusto niyang malaman ang katotohanan sa paratang ng kanyang pamilya laban kay Mahana. Hindi nag-antubili si Mahana na ipaliwanag ang kanyang sarili matapos ang hindi inaasahan na pagbubuking ng pamilya ni Luis sa kanya. Ang tanging paraan na naisip niya lang ay ang magwalk-out. Hindi siya nakapaghanda sa bagay na 'yon na matutuldukan ng biglaan ang kasinungalingan niya."Luis, please, huwag ngayon...." Mabilis na binawi ni Mahana ang braso niya na nahuli ni Luis pagdating nila sa tapat ng kanilang kwarto. Sinamantala ni Mahana na pihitin ang doorknob para makapasok na siya sa loob kahit ang totoo ay wala siyang takas kay Luis. "Hana, ano ba! Kausapin mo 'ko.." muling humakbang ng malaki si Luis upang maabutan si Mahana nang tuluyan na silang makapasok ng kwarto. Sinubukan niyang pakalmahin si Mahana upang makausap niya it

  • Accidentally Married to a Playboy (Playboy Series #2)   Chapter 60: Secret Reveal

    "Small world nga naman at dito pa tayo nagkita-kita. Kayo naman, hindi naman kayo nagsabi na pupunta pala kayo ng Baguio, e di sana nakisabay na kami para isahan na lang 'yong pagbyahe natin." Usisa ni Arlene, ang ina ni Luis."Unplanned rin po kasi 'tong pagpunta namin dito, Ma. Napaluwas lang kami ng biglaan ni Hana kahapon, right love?" Sagot ni Luis saka hinimas ang bandang balikat ni Mahana kung saan siya nakaakbay. Hindi makatingin ng diretso na tumango-tango si Mahana. "Yeah." Pilit pa itong ngumiti.Sa kabilang dako, pinasadahan ni Arlene ng tingin ang kaniyang daughter in law na si Mahana habang abala si Luis na kinakamusta ang Lola Luisa nito na noon ay bagong pasok lang ng hotel. Napangisi siya ng bahagya saka napabuga ng hangin."Hi, hija. Long time no see." Usisa ni Lola Luisa, lumapit naman si Mahana upang makipagbeso rito at kapansin-pansin ang pilit na pilit nitong pagngiti na animoy hindi komportable sa presensya ng pamilya ni Luis. "How are you, hija? Ang tagal ka n

  • Accidentally Married to a Playboy (Playboy Series #2)   Chapter 59: Takasan

    "Luis, akin na 'yan, please."Sinubukang agawin ni Mahana ang hawak ni Luis na folder kung saan nakalagay ang mga dokumento na kaniyang ginamit upang ilakad ang kaniyang pag-alis ng bansa. Hindi niya inaasahan na mahahalungkat iyon ni Luis kahit pa man nakatago na iyon sa hindi masyadong napapansin na sulok.Kahit na anong pang-aagaw ang gawin ni Mahana, hindi niya makuha-kuha iyong folder dahil mabilis na iniilag ni Luis iyon gamit ang kaniyang kamay kasabay ng masamang titig nito sa kaniya. Doon na nakaramdam si Mahana ng kaba at takot lalo na at hindi siya handa sa panahon na iyon na malalaman ni Luis ang buong katotohanan sa madalas nitong paglabas at hindi pagsama sa lakad ng pamilya."Please, Luis, i-ibigay mo na 'yan sa akin." Pagmamakaawa ni Mahana, namumuo na rin ng luha sa gilid ng kaniyang mata dala ng kaba at takot. Nanginginig ang kaniyang buong katawan at hindi niya alam kung paano niya ipapaliwanag ang lahat sa lalaki. "No!" Pagmamatigas ni Luis sa maawtoridad na tinig

  • Accidentally Married to a Playboy (Playboy Series #2)   Chapter 58: Her plan

    "Are you out of your mind, Luwi? Seryoso ka? Hindi ka tutuloy sa seminar na 'yon?"Inaasahan na ni Luis na ganoon ang magiging reaksyon ng kaniyang mga kaibigan sa pang-rereject na ginawa niya sa seminar na inalok sa kaniya. Nadismaya ang kaniyang mga tropa dahil pangarap niya noon pa man na mapasali sa seminar na iyon lalo na at nandon ang hinahangaan nitong businessman."Oo nga, pre, hindi ako tutuloy." Pagkumpirma nito. "Tsk!" Napailing-iling si Kenneth. "Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maiinis sa mga pinaggagagawa mo, Luis. Una, inurong mo 'yong kaso dahil sa kahibangan mo na ayusin ang sa inyo ni Mahana kahit alam natin na konting panahon na lang ay malalaman na natin kung sino ang may kagagawan ng pekeng kasal niyo. Tapos ngayon, nireject mo ang seminar na pinapangarap mo simula pa nong highschool tayo, para ano? Para kay Mahana na naman? Pre, ang dami mo ng sinasayang na opportunity oh." Pamamaktol nito dahil hindi na siya natutuwa sa mga desisyon na ginagawa ni Luis.Sin

  • Accidentally Married to a Playboy (Playboy Series #2)   Chapter 57: Dreams

    "Sino bang kikitain mo at isinama mo pa talaga kami? Walang hiya ka! Para kang batang bubwit na kinakailangan pang samahan sa lahat ng lakad mo." Walang humpay na pagrereklamo ni Kenneth dahil kinidnap na naman silang dalawa ni Chris upang samahan sa lakad na iyon ni Luis."Pre, I can't do this on my own. Mas maganda ang magiging kalabasan nito kapag sumama kayo incase na may gusto kayong isuggest." Sagot ni Luis saka ipinark na sa garahe ng restaurant iyong sinakyan nilang kotse. Pagkapatay niya ng makina ay inalis na niya ang nakasuklib na seatbelt sa kanyang katawan.Pakamot-kamot naman ang dalawa na napilitang tanggalin na rin ang kanilang seatbelt."Ulul! Pwede mo naman kaming tawagan incase tatanungin mo kami kung may maisusuggest kami dyan sa binabalak mong proposal kay Mahana e. Pwede rin na ilista mo nalang at hindi ganito na inabala mo pa kami." Iritableng singhal ni Chris saka padabog na isinarado ang pinto ng sasakyan."Chris, relax.." umakbay si Luis sa kaniya. "Incase na

  • Accidentally Married to a Playboy (Playboy Series #2)   Chapter 56: Its Over

    "Nakakagulat naman 'tong gusto mong mangyari, Luis." Pag-uumpisa ni Attorney Robles ng usapan matapos makarating ni Luis sa coffee shop na meeting place nila.Natawa ng bahagya si Luis. "Oo nga po e, pati 'yong mga kaibigan ko, nagulat din.""So, anong nagtulak sa'yo na gawin ito? Luis, let me remind you, konti nalang malalaman niyo na kung sino ang may kapakanan ng pekeng kasal niyo ni Mahana. Ayaw mo bang ituloy na lang?" Suhestiyon ng abogado."Attorney, I don't know how to explain this pero I want to settle everything now sa amin ni Mahana. Hindi ko masabi yong eksaktong dahilan ko para iatras ng ganitong biglaan 'yong annulment namin. Basta, ang alam ko, gusto ko nang bumukod at bumuo ng masayang pamilya na kasama siya." Masayang paliwanag ni Luis.Napangiti si Attorney na kasabay noon ang kaniyang pagtango na animoy natuwa sa mga sinabi ni Luis. Napabuntong-hininga ng malalim si Attorney Robles saka may kinuha sa kaniyang suitcase na dala at muling humarap kay Luis."Well, kung

  • Accidentally Married to a Playboy (Playboy Series #2)   Chapter 55: Wedding Anniversary

    "Kakaibang trip 'to, Luis, BADTRIP!"Halos ayaw ihakbang ni Mahana ang kanyang mga paa papasok ng mamahaling restaurant na pinareserve ni Luis upang doon ganapin ang engrandeng surpresa niya para sa wedding anniversary nila ni Mahana. Hindi naman na nila dapat icelebrate iyon dahil hindi bigdeal sa kanilang dalawa pero gusto ni Luis na may kaunting pagdiriwang pa din na magaganap sa espesyal na araw na iyon sa kanila bilang mag-asawa."Haha! Nandito ka naman na e. Just enjoy the moment with me." Ipinaghila niya ng upuan si Mahana saka ngitian ito na sinenyasan na maupo roon. Nagpapadyak pa si Mahana sa inis na parang bata at napakamot ng bahagya sa kanyang ulo bago tuluyang tinugon ang gusto ni Luis. Padabog siyang naupo at inayos ang kanyang sarili. Pagkaupo niya ay dali-dali namang pumunta si Luis sa kanyang pwesto.Pagkaupo pa lamang ni Luis ay isa-isa nang nagsilapit ang mga waiter upang ihain ang mga nagsasarapang pagkain sa kanilang lamesa na sa gitna nito ay may kandila pa't m

  • Accidentally Married to a Playboy (Playboy Series #2)   Chapter 54: Bumabawi

    "Pamine mga bhie, bra, cup B size thirty two. Bagay 'to sa mga malalaki ang dyoga. Pamine na, bilis." Pang-aakit ni Luis sa mga viewers nila sa kanilang live selling ng mga produkto ni Mahana. Nakatanggap siya ng malakas na hampas mula kay Mahana na nakaupo sa likod nito. Natawa si Mahana pero mas nanaig ang kanyang inis sa mga sinabi ni Luis."Ang baboy mo talaga. Ayusin mo naman." Suway ng babae sa kanya sabay pinagdilatan siya ng mata."Bakit? Anong baboy don? E sa bra 'tong binebenta ko e. Maaakit ko ba sila kung sasabihin kong bagay 'to sa flat chested? Hindi naman, 'di ba?" Depensa ni Luis habang hawak-hawak iyong bra na kanyang binebenta."Oo nga pero ifilter mo naman 'yang sasabihin mo. Ma-ban pa 'yong account ko sa'yo e." Napakamot si Mahana sa kanyang ulo."Tsk! Ikaw na nga 'tong tinutulungan." Bulong ni Luis saka humarap ulit sa selpon upang ipagpatuloy ang kanyang ginagawa."Anong sabi mo?""Wala, sabi ko, icheck mo na baka may nagmine na." Palusot nito. "Okay, next item

DMCA.com Protection Status