Eliana is an independent architect living alone in the city. A bread winner and a woman near her thirty's being pressured by her family to settle down but Eliana has other plan. Hindi ang pag-aasawa ang priority niya kung hindi ang big project na matagal na niyang hinihintay bilang isang architect. And this is the part where Eliana meets Sylvan, a famous engineer with a bad temper with female architect, as they joined to complete a big project. Eliana and Sylvan in one big project that resulted in one night's mistake. How did the bad temper Sylvan ended up waking up in one bed with the independent and mature Eliana? How will they deal with the aftermath of that one hot steamy night they've shared?
View MoreGABI na nang makarating sina Eliana sa kanilang bahay kung saan sinalubong sila ng kanyang magulang at mga kapatid.“Ate!” Agad siyang sinalubong ng yakap ng kanyang bunsong kapatid na si Elijah. “Kanina kanpa namin hinihintay.”Niyakap niya ng mahigpit ang kapatid. “Binata ka na, Elijah.”Parang kailan lang ay binibilhan niya pa ito ng mga laruan na pambata pero ngayon ay hindi na yata laruan ang gusto nito. Kasunod ng kapatid niya na yumakap sa kanya ang kanyang Mama at Papa.“Welcome back, Eli,” turan ng kanyang ina saka siya niyakap.“Namiss ko kayo ng sobra, Mama at Papa.” Niyakap niya ang mga magulang saka nagamano sa mga ito. “Mga kaibigan ko nga po pala.”“Magandang gabi po,” bati ng kanyang mga kasama na nakabuntot pala sa kanya.Muntik na niyang makalimutan ang kanyang mga kasama dahil sa sobrang pananabik sa pamilya.“Mga kaibigan ko nga po pala.” Pinakilala niya isa-isa ang mga kasama sa kanyang pamilya bago sila pumasok sa loob ng bahay. “Pangungunahan ko na kayo ha? Hind
HINDI sinasadya ni Sylvan na marinig ang pag-uusap ni Elian at ng ina nito sa cellphone. Lumabas siya sandali para bumili ng pagkain para sa kanilang hapunan. Mahaba ang naging tulog ni Eliana dala na rin ng pagod nito sa nangyari sa kanilang dalawa.Gigisingin na sana niya ito para maghapunan nang marinig niyang kausap nito sa cellphone ang ina nito. Pinakinggan niya ang usapan ng mga ito at doon niya nalaman na kaarawan pala ni Eliana sa susunod na araw.Nalaman din niya na gusto siya nitong isama kaya siguro ito nagtatanong kung busy siya sa nga susunod na araw. Sylvan felt guilty for saying that he’s busy.Hhininta niya na matapos ang pag-uusap ng mag-ina bago siya pumasok sa silid. Nadatnan niya si Eliana na nahihirapang tumayo kaya inalalayan niya ito.“Huwag ka muna tumayo kung hindi mo pa kaya,” aniya. Inalalayan niya itong makaupo na nakasandal sa headboard ng kama. “Dadalhan na lang kita ng pagkain dito.”“Thank you,” Eliana put down her phone on the night tavle. “Akala ko i
NAGISING si Eliana na masakit ang ulo at nilalamig. Nang tingnan niya ang sarili, namilog ang mata niya nang makitang wala siyang saplot at tanging kumot lang ang proteksyon niya sa katawan. Inalala niya ang nangyari ng nagdaang gabi. Ang natatandaan niya ay nagkukwentuhan sila ni Sylvan habang umiinom ng alak. Nalasing siya at... Natutop niya ang bibig nang maalala ang ginawang paghuhubad sa harap ni Sylvan at ang mga insecurities na sinabi niya rito. Nasabunutan niya ang sarili sa sobrang kahihiyan sa mga ginawa dahil sa impluwensiya ng alak. Kaya habang sinesermonan ang sarili ay dali-dali siyang naligo at nagbihis para hanapin si Sylvan. Nagising kasi siya na wala ito. Baka naturn off ito sa mga pinaggagawa niya. Wala ito sa sala at kusina nang bumaba siya pero nasa harap pa ng kanyang bahay ang Mercedes Maybach nito. Imposible naman na umalis ito at iniwan na sa kanya ang mamahalin nitong sasakyan. Sumilip siya sa labas ng bahay only to find the man she’s looking for, busy wi
ILANG minuto din na naghintay sa hapag kainan sina Eliana bago bumalik ang magkapatid na Ivan at Louisse mula sa seryosong pag-uusap nang mga ito. Madilim ang mukha nang mga ito nang humarap sa kanilang mga naroon.“This family dinner is just a waste of time,” pahayag ni Louisse saka tumingin sa kapatid nitong si Ivan. “Let’s go home and celebrate on our own.”Sinenyasan ni Louisse ang mga anak na sumunod sa kanya. Bagaman naguguluhan ay umahon sa kani-kanilang upuan ang magkakapatid na Alvi, Denisse at Denver kasama ang mga kapareha ng mga ito.“What happened, Tita?” Lakas loob na tanong ni Sylvia na pinigilan pa ang tiyahin na umalis. “Ano pong nangyari sa pag-uusap niyo ni Papa?”“Ang ama niyo na lang ang tanungin ninyo dahil mukhang siya ang may problema sa mga desisyon niya para sa pamilya ninyo. Ayokong madamay ang pamilya ko sa mga desisyon niya kaya kami na ang iiwas.” Louisse snapped at her brother before leaving.Nagpaalam lang ang magkakapatid sa kanila saka umalis ngunit b
HABANG ang lahat ay binabati sina Alvi at Sheeva, napansin naman niya na di mapakali si Sylvan at madilim ang mukha. Bakas ang pagkairita sa ekspresyon nito.“Okay ka lang?” tanong niya rito sa mahinang tinig.Sylvan impatiently tapped the table while clenching his jaw as he dealt with discomfort.“Someone’s rubbing their foot on my legs under the table.” Naiinis nitong turan. “I don’t want to ruin Alvi’s moment.”Keeping unnoticeable, she glanced under the table only to see a foot with a red nail polish in silvery sandals. Isa lang ang nakita niya na ganoon ang suot. She filled her chest with air and took the courage to speak up.“Mica, do you need something?” Lakas loob niyang tanong na pumukaw sa atensyon ng lahat.“Huh?” Gulat naman na tumingin si Mica sa kanya. Unayos ito ng upo at tarantang tumingin sa kanya. “No, I don’t need anything. Why?” Kita niya ang pagtahip ng dibdib nito sa kaba.“You kept on rubbing your foot on Sylvan’s legs, so I thought you might need something.” S
LULAN siya ng kotse ni Sylvan patungo sa mansion ng mga De Rueda para sa family dinner ng mga ito at kasama siya doon bilang girlfriend ni Sylvan. Hindi siya ready para sa mga ganoong bagay lalo na at nang araw lang din naman na ‘yon naging opisyal ang relasyon nila kahit pa nagtukaan na sila ng ilang beses. Pero makakatanggi ba naman siya kung ang ama na ni Sylvan ang nag-imbita sa kanya dahil nai-chika na kaagad ni Sheeva ang tungkol sa kanila ni Sylvan.Kaya heto ngayon siya, kinakabahan at hindi mapakali habang nasa biyahe patungo sa bahay ng mga De Rueda. Bumyahe pa talaga ang ama ni Sylvan mula sa Cebu para lang sa family dinner na ito kaya nakakahiya kung tatanggihan niya.PPakiramdam niya ay lalabas na sa dibdib niya ang kanyang puso sa lakas ng tibok nito at ang pawis niya ay parang may sariling aircon sa lamig. Ngayon lang siya nakaramdam ng ganitong kaba. Ganito ba talaga kapag meet the parents na ang level? Ang kaba niya ay nadagdagan ng inis nang sulyapan si Sylvan at n
NATIGILAN si Elaine sa ipinagtapat ni Sylvan. Maging si Noah ay nagulat at tumingin sa kanya upang makita ang kanyang reaksiyon.“You’re not surprised.” Elaine uttered in a cold voice. “Seems you already knew about it.”“Oo. Matagal ko nang alam at matagal ko na din alam na divorced na sila ng asawa niya.” Paliwanag niya sa kapatid.Tumango lamang ito saka bumalik sa pagsubo ng pagkain at hindi na nagsalita pa. Alam niyang hindi nagustuhan ni Elaine ang nalaman at ayaw nitong sirain ang araw na iyon kaya tumahimik na lang ito.Pagkatapos nilang mag-shopping at mamili nang mga gamit para sa kanilang mga kapatid ay kinausap siya ni Elaine. Iniwan sila nina Sylvan at Noah dahil pupunta ang mga ito sa wine store na nasa mall habang sila ay nasa isang cafe.“Ate, seryoso ka ba talaga kay Sylvan?” Inaasahan na niya ang tanong na iyon ng kapatid kaya alam na rin niya ang isasagot rito.“Matagal ko nang alam na may asawa siya at bago ko pa maramdaman ang nararamdaman ko ngayon para kay Sylva
HINATID sila ni Noah sa mall bago ito nagpaalam para sa umuwi. Nagpasalamat si Eliana kay Noah na ikinatuwa ng binata.“Salamat sa paghatid at pag-aalaga kay Elaine, Noah.” Sinamantala ni Eliana na may kausap sa cellphone ang kapatid para kausapin si Noah.“Elaine is a very special person to me, and I will risk my life for her.”Lihim na napahanga si Eliana sa sinabi nito ngunit hindi iyon sapat upang makuha ang buo niyang tiwala na hindi nito sasaktan ang kapatid.“I have no faith in words, Noah. I prefer actions,” aniya.“Elaine knew what I truly feel, Eliana. I respect her so much that I am willing to wait until you and the guy who was at your house last night have a label with your relationship.”Nanlaki ang mata niya sa sinabi ni Noah. Paano nito nalaman na may lalaki sa bahay niya kagabi?“How did you know?” she asked in amusement.Nangingiting sumulyap si Noah kay Elaine. “If I were you, I would remove the underwear of your man on your comfort room if you don’t want Elaine to f
TULAD nga ng sinabi ni Sylvan ay doon ito magpapalipas ng gabi sa bahay niya sa di niya malamang dahilan dahil may bahay at condo naman ito na pwedeng uwian.“Magpapalipas ka lang ng gabi pero bakit may backpack ka pa na dala?” Napansin niya ang bitbit nitong bag na sa hula niya ay mga personal na gamit nito.“Just in case kailangan kong mag-extend ng stay rito.” “Sylvan, hindi tayo maglive in partner. Kinaklaro ko lang sa ‘yo.” She’s against that idea lalo na pagdating sa side ng magulang niya. Kapag nalaman ito ng mga magulang ay baka itakwil na siya ng mga ito. Pinagtutulakan siya ng mga ito na magboyfriend pero hindi ang magkaroon ng live in partner.“I know, and it hurts me a lot.” Kunwari pa itong nasasaktan nang umupo sa couch.“Hindi ako nagbibiro, Sylvan. Baka malaman nina Mama na dito ka natutulog, malilintikan talaga tayong dalawa.”“Natulog ka na nga sa condo ko ‘di ba? Hindi naman sila nagalit.”“Hindi naman kasi nila alam na doon ako nagpalipas ng gabi.”Sylvan chortle
“MA, may trabaho ako ngayon.” Nilakasan ni Eliana ang boses upang marinig ng ina na nasa kabilang linya ang kanyang sinabi.Kasalukuyan kasi siyang naghahanda para pumasok sa trabaho nang tumawag ang Mama niya. Isa siyang interior architect sa Denisse Mendoza Firm o mas kilala bilang DM Firm. “Puro ka na lang trabaho, Eli. Hindi naman tayo naghihirap para isubsob mo ang sarili mo sa trabaho. Kaya pa naman namin ng Papa mo na buhayin kayong magkakapatid.” Heto na naman ang litanya ng kanyang Mama tungkol sa kanyang pagtatrabaho.Mahinang bumuga ng hangin si Eliana at pinagpatuloy ang pagsisipilyo.“Hindi ka na pabata, Eli. Mag-asawa ka na para hindi na kami nag-aalala ng Papa mo sa iyo.”Pinaikot ni Eliana ang mata sa narinig mula sa ina. Lagi na lang kasi nito pinipilit na mag-asawa na siya dahil magte-trenta na daw siya. Nagpunas siya ng bibig nang matapos magsipilyo saka kinuha ang cellphone at inalis sa pagkaka-loud speaker para mas makausap ang ina.Nagtungo siya sa kwarto para ...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments