Share

When the Sun Meets the Horizon
When the Sun Meets the Horizon
Author: ayelway22

Kabanata 1

Author: ayelway22
last update Last Updated: 2023-08-08 10:45:02

“MA, may trabaho ako ngayon.” Nilakasan ni Eliana ang boses upang marinig ng ina na nasa kabilang linya ang kanyang sinabi.

Kasalukuyan kasi siyang naghahanda para pumasok sa trabaho nang tumawag ang Mama niya. Isa siyang interior architect sa Denisse Mendoza Firm o mas kilala bilang DM Firm.

“Puro ka na lang trabaho, Eli. Hindi naman tayo naghihirap para isubsob mo ang sarili mo sa trabaho. Kaya pa naman namin ng Papa mo na buhayin kayong magkakapatid.” Heto na naman ang litanya ng kanyang Mama tungkol sa kanyang pagtatrabaho.

Mahinang bumuga ng hangin si Eliana at pinagpatuloy ang pagsisipilyo.

“Hindi ka na pabata, Eli. Mag-asawa ka na para hindi na kami nag-aalala ng Papa mo sa iyo.”

Pinaikot ni Eliana ang mata sa narinig mula sa ina. Lagi na lang kasi nito pinipilit na mag-asawa na siya dahil magte-trenta na daw siya. Nagpunas siya ng bibig nang matapos magsipilyo saka kinuha ang cellphone at inalis sa pagkaka-loud speaker para mas makausap ang ina.

Nagtungo siya sa kwarto para naman maghanda ng kanyang susuotin habang kausap pa din ang ina.

“Paano ako mag-aasawa, Ma? Eh wala nga akong boyfriend.” Biro nya pa sa ina.

“Gusto mo bang ihanap kita?” Alam na niya kung saan pupunta ang mga linyahan ng Mama niya na ‘yon kaya muli niyang ni-loud speaker ang cellphone at nilapag sa kama niya. Alam na niya kasi ang mga sasbaihin nito. Irereto siya nito sa kung sinong anak ng kakilala nito para maging boyfriend niya.

“Nakita ko sa f******k iyong anak ni Mareng Liza, si Marvin.” Kababata niya ang Marvin na tinutukoy ng Mama niya. “Kakababa lang nito ng barko at sa pagkakaalam ko ay kapitan na daw ito ng barko. Good catch na si Marvin, ‘nak. Gwapo, matangkad, mabait at mayaman.”

“Nakalimutan mong banggitin na may history siya nang pambabae at muntik pang mapikot dahil nakabuntis, Ma.”

“Kaya mo nang patinuin ‘yon, ‘nak.”

She exclaimed in disbelief. “Mama, architect ang anak niyo. Hindi po tagapagpatino sa mga lalaking loko-loko.”

“Kailan ka ba kasi magpapakilala ng boyfriend sa amin ng Papa mo? Naiinip na ako, ‘nak.”

“Ma, ipapaalala ko lang po sa inyo na 28 pa lang ako. Malayo pa ako sa trenta na sinasabi niyo. Saka bakit po ba kayo atat na atat na magka-boyfriend ako?” Sandali siyang huminto sa pagpili ng blouse na susuotin nang may maalala siya. “May ipinakilala na po ako sa inyo dati pero ayaw niyo naman po sa kanya.”

Narinig niya ang pagbuntong hininga ng ina. “Nak, naman. Napakabata mo pa naman kasi noon kaya hindi kami pumayag ng Papa mo. Masyado mo naman dinamdam na hanggang ngayon ay hindi ka na talaga nag-boyfriend.”

Gusto niyang matawa sa nagtatampong tono ng kanyang iina.She was 18 years old when she introduced Alvi to her parents. Alvi was her first boyfriend and her first love. After Alvi hindi na siya nag-boyfriend hindi dahil hindi siya maka-move on kung hindi dahil naging busy na siya sa pag-aaral. Nang maka-graduate ay sa pagtatrabaho naman siya naging abala.

“Hindi ako nagtatampo, Ma. Hindi lang po talaga ang pagbo-boyfriend ang priority ko ngayon. Alam niyo naman po kung ano ang priority ko, di ba?”

“Oo, alam ko, ‘nak. Alam kong naghihintay ka ng big project pero sana naman pagdating ng big project na ‘yan ay apo na ang ibibigay mo sa amin ng Papa mo.” Nanlaki ang mata niya sa narinig.

“Ma!! Grabe ka naman sa apo! Boyfriend nga ay wala ako, anak pa kaya.” Hindi siya makapaniwala sa sinabi ng Mama niya. Grabe, sa araw-araw na pagtawag nito sa kanya ay ngayon lang nito nabanggit ang apo.

“Ah basta, Eli, bago ka magbirthday ay dapat may boyfriend ka na. Mauunahan ka pa ni Elaine.”

“May boyfriend na si Elaine?!”

“Naku, di ko alam sa kapatid mo pero mukhang meron dahil laging gabi na umuuwi at nagpapaganda na lagi.”

“Hindi niya ako pwedeng maunahan, Mama! Baka di na talaga ako magka-jowa kapag nauna siya. Pagbawalan niyo si Elaine, Ma.”

“Bakit ko pagbabawalan ang kapatid mo? Nasa tamang edad na ‘yon. Pwede na nga ‘yon bumuo ng pamilya.” Sinundan ito ng malakas na tawa ng ina.

“Mama!!” Alam niyang inaasar lang siya nito ngunit nababahala siya sa pagkakaroon ng boyfriend ng nakababata niyang kapatid. “Sige na, Mama. Pumasok ka na rin sa school. Tatawagan ko pa si Elaine. Bye.”

Agad niyang pinatay ang tawag at hindi na niya hinintay na magpaalam ang ina. Tinawagan niya agad ang kapatid na si Elaine pero hindi ito sumagot. Malamang na natutulog pa ito ng mga ganoong oras dahil sa uri ng trabaho nito sa ospital. Tatawagan na lang niya ito mamaya.

Nagpatuloy na lamang siya sa paghahanda ng susuotin at naligo na rin para makapasok ng maaga sa firm.

PAGDATING sa firm ay sinalubong agad siya ng humahangos na si Paulo, ang interior designer slash assistant niya.

“Architect, dadating daw ngayon ang Madam Denisse. Mukhang may dala itong big project.” Napaka-tsismosa talaga ng assistant niya.

“Legit ba naman ‘yang tsismis mo, Pau?” Nagdududa niyang tanong rito habang patungo sila sa kanyang opisina.

“Architect naman, ako ang number one eavesdropper dito sa firm. Narinig ko na usapan ng board kanina. Kaya nga abalang-abala ang lahat ng department dahil bibisitahin daw ni Madam ang bawat department.” Kinabahan siya ng slight sa sinabi ni Pau dahil minsan lang bumisita sa firm ang CEO at may-ari hg firm na si Madam Denisse.

Napapaisip tuloy siya kung may big project nga ba itong dala para sa kanila. Although kinabahan ay kalmado pa rin si Eliana. Mas kinabahan pa rin siya sa sinabi ng Mama niya na may boyfriend na si Elaine.

Binalingan niyang muli si Pau. “Gather everyone in my office. May pag-uusapan tayo tungkol sa accomplishment ng sting team for the past months. Baka kasi hingiin ng Madam ang ating reports.”

“Copy that, Architect.”

Umalis na si Pau at siya naman ay dumiretso sa kanyang opisina. Ilang sandali pa nga ay naroon na sa office nya ang kanyang team kabilang ang kanilang interior designer at construction engineer.

Pinag-usapan lang nila ang mga projects na natapos nila at ang mga contracts para doon pati na rin ang mga legal documents. Binigyan jiya ng heads up ang kanyang team just in case mapunta sa department nila ang CEO at magtanong ito ng tungkol sa kanilang accomplishments. Malaking tulong din kasi ang mga na-closed nilang contracts at na-complete nilang projects para mabigyan ang team nila ng big projects.

Narinig nila sa ibang team na nasa firm na ang CEO at kasalukuyang nagme-meeting kasama ang mga senior vice president at mga department heads.

Habang nagme-meeting ang board ay hindi naman pwede na nakatunganga lang sila at naghihintay ng balita tungkol sa napag-usapan. They all went back to their work.

Kabilang si Eliana sa mga building architect ng firm. Kahit project manager siya ay siya pa rin ang tumatayong head architect ng team. Sa kanya nagmumula ang design na ini-improve ng kanyang mga kasama para masatisfy ang expectations ng client.

Sa kasalukuyan ay mayroon silang dalawang project na malapit nang matapos. Isang residential at isang industrial project. Interior na lang ang tinatapos sa dalawang projects kaya ang kasalukuyang busy sa kanila ngayon ay ang kanilang isa pang interior designer na si Chelsea. Si Pau ay interior designer sa mga industrial projects nila.

“Pau,” tawag niya sa kanyang designer na agad namang pumasok sa office niya.

“Yes, architect?”

“Pakitawagan si Chelsea at pakitanong ang updates sa residential house ni Ms. Cheng.”

“Okay po, architect.” Nagsimulang magtipa si Pau sa cellphone ng firm na binibigay sa bawat team.

Hindi man siya nakatingin kay Pau ay naririnig naman niya ang pakikipag-usap nito kay Chelsea. Naulinigan niya ang hindi magandang daloy ngnusapan ng dalawa dahil parang may problema sa side ni Chelsea. Hindi niya na muna ito tinanong sa halip ay tumingin lang siya kay Pau na hindi maipinta ang mukha.

Nang mapansin nito na nakatingin siya ay tinakpan nito ang speaker ng phone para makipag-usap sa akin.

“Wala daw sa site si Chelsea. Si Ara lang ang nasa site at wala pa raw fixtures na dumadating.” Ara is Chelsea’s assistant.

“Nasaan si Chelsea?” She remained calm, wala naman kasing mangyayari kung magagalit siya. Mas makakapag-isip pati siya ng solusyon kapag kalmado siya.

“Hindi daw po makakapunta sa site dahil may hang over pa. Birthday po kasi ng boyfriend ni Chelsea kagabi. May kaunting celebration party kaya nalasing.”

Tiningnan niya ng masama si Pau na agad napayuko. “Kasama ka sa party?”

“Yes, architect.” Hindi ito makatingin ng diretso sa kanya dahil sa ginawang pagparty.

“At hindi niyo ako sinabihan?”

“Eh hindi naman po kasi kayo mahilig sa party. Last time po na sinama namin kayo ay nagalit kayo dahil madaming lalaki ang nag-apply na boyfriend niyo.” Pau played with his fingers.

Narinig na naman niya ang salitang boyfriend at naalala na naman niya ang request ng Mama niya at ang pagkakaroon ng boyfriend ng kapatid niya. Mukhang party ang kailangan niya para makakilala ng pwedeng maging boyfriend.

“Alam ko naman po na hindi boyfriend ang priority mo, architect. Kaya hindi na po namin sinabi sa inyo ang tungkol sa birthday party.”

Project first before boyfriend, bulong niya sa sarili. Hindi dapat mauna ang boyfriend dahil baka madistract siya sa kanyang target project.

“Palalampasin ko ang ginawa niyo ngayon pero dahil wala si Chelsea sa site, ikaw ang pumunrmta doon at gawin ang trabaho niya. Akin na ang phone at tatawagan ko si Chelsea.” Hindi siya matapang na boss pero pagdating sa mga projects ay mahigpit siya.

Situation like this is one of the reasons why project first before boyfriend. Mahirap na committed ka sa dalawa dahil may isang commitment na isasacrifice mo para sa isa.

“Sige po, architect. Pupunta na po ako sa site.” Paalam ni Pau na malungkot ang mukha. Nilapag nito sa table niya ang phone saka umalis.

“Tawagan mo ako pagkarating mo doon para malaman ko ang updates. Mamaya ay tatawag si Ms. Cheng para humingi ng update.”

“Okay, architect.” Walang buhay na saad ni Pau saka matamlay na naglakad palabas ng office niya.

Bago tuluyang makaalis ay naiisipan niya itong asarin.

“That’s what you get for partying without me.” She chuckled, making Pau stopped from walking and glared at her. “Next time, try to invite me Pau, okay?”

Natawa siya nang magpapadyak ito paalis at halatang naiinis. Sanay na siya sa ugali ni Pau na maiinis pero mamaya ay okay na ito. Nang wala na si Pau ay tinawagan naman niya si Chelsea. Nagriring lang ang kabilang linya. Mukhang tulog pa nga ito at may hang-over. She will not tolerate this. Nagpadala siya ng email kay Chelsea na magreport immediately sa site.

Pagkasend ng email ay sakto namang pasok ni Mark sa kanyang opisina. Mark is one of the project managers of the firm.

“Eli!!” Nagulat pa siya sa pagsigaw nito.

Hindi naman ito galit dahil nakangiti ito sa kanya kaya nagtaka siya. Hindi mawala ang ngiti nito at excitement sa mukha. Idagdag pa ang mabilis nitong paglapit at pagyakap ng mahigpit sa kanya.

Hindi siya komportable sa ginawa nito kaya bahagya niya itong tinulak para mailayo sa kanya.

“What’s the matter, Mark? May nangyari ba sa meeting with the CEO?”

Hindi pa rin mawala ang ngiti ni Mark and the way he looked at her, there is something good that happened.

“What?” Naiinip niyang tanong rito. Hindi pa rin kasi ito nagsasalita at nakatingin lang sa kanya na nakangiti.

“We got it!” Mahina ngunit nakangiting wika ni Mark. Bakas ang sobrang kasiyahan sa mukha nito ngunit pinipigilan nito upang hindi makaabala sa mga kasama nila na nagtatrabaho.

Kumabog ng malakas ang dibdib niya sa narinig. Mahina ang boses ni Mark pero narinig niya ang sinabi nito. Alam na kasi niya ang tinutukoy ni Mark at hindi siya agad nakapag-react dahil pinoproseso pa ng maganda niyang utak ang lahat.

“Eli, I said we got it!” Pag-uulit pa ni Mark habang hawak ang balita niya at bahagya siyang niyugyog. “We got the big project!”

That was the time na unti-unti niyang naproseso ang napakagandang balita.

“Oh my God! We got it?!” tanong niya upang masiguro na tama ang narinig.

“Oo, sa team natin binigay ni Madam ang big project.” Inakbayan siya ji Mark. “Syempre hindi natin makukuha ‘yon kung hindi naging maganda ang performance natin nitong nagdaan na mga buwan. Team natin ang may pinakamaraming naclosed na deals and contracts since the beginning of the year at very much satisfied ang ating mga client sa naging result ng ating trabaho kaya sa atin binigay ang big project.”

Naramdaman niya ang marahang pagpisil ni Mark sa balikat niya pero hindi na niya iyon pinansin dahil overwhelmed pa siya sa balita nito. At last, dumating din ang big project na hinihintay niya.

“Napakagandang balita niyan, Mark. Sigurado akong matutuwa ang tram at mas sisipagan pa nila.”

“Yes, I’m sure of that. Sigurado rin na mas magiging busy ka at mas mawawalan ka ng time sa relasyon. Kaya bago magstart ang project, sagutin mo na ako, Eli.”

Nanlaki ang mata niya kay Mark at mabilis siyang lumayo dito. Hiwalay ito sa asawa at may isang anak kaya parang nangilabot siya sa sinabi nito.

“Ano bang sinasabi mo, Mark? Magkatrabaho lang tayo.” Pukioig siya ng ilang beses para mawala ang nararamdaman kilabot sa katawan dahil sa sinabi ni Mark.

Matagal na niyang napapansin na nagpapapansin ito sa kanya pero hindi niya pinapansin sa kadahilanan mas mataas ang posisyon nito sa kanya at may asawa at anak ito. Baka mahabol siya ng palo ng Mama niya kapag pumatol siya sa may asawa at anak. Hindi niya kayang lunukin ang ideyang iyon.

“Matagal na akong nanliligaw sa iyo pero hindi mo ako pinapansin, Eli. Sigurado ako na magugustuhan ka ni Myka.” Akma itong lalapit sa kanya kaya agad siyang lumayo. Myka is Mark’s daughter.

“Mark, nababaliw ka na ba? Kaya nga hindi ko pinapansin ang mga pagpapapansin mo dahil hindi kita gusto. Saka kung si Myka ang inaalala mo ay makipag-ayos ka sa asawa mo. ‘Yon ang ikatutuwa ng anak mo.”

“Hiwalay na kami ng ina ni Myka at may iba na rin g pamilya ang babae na ‘yon. Ikaw ang kailangan namin, Eli.” Tumiim ang bagang ni Mark habang nakatuon ang mga mata sa kanya. Kinabahan siya.

“Mark, hindi ako ang kailangan ninyo. Myka is a wonderful kid and she needs you more than you need me. Just be a good father to her.” Ayaw niyang saktan ang damdamin nito ngunit nais niyang maging totoo rito.

“Kung hindi mo ako sasagutin ay tatanggihan ko ang project na binigay sa atin.” Pagbabanta nito. “Pwede kong sabihin na hindi kaya ng team natin ang project.”

Natakot siya sa banta ni Mark. Ito na ‘yong big project na hinihintay niya tapos mawawala lang dahil sa lalaking may gusto sa kanya. Hindi siya agad nakaimik at nagdalawang isip.

“It’s your call, Eli.”

“You can’t do this, Mark. Binigay sa ating team ang project dahil kaya natin ‘yon. Don’t use the project to get what you want dahil kahit makuha natin ‘yong project na ‘yon at kahit sagutin kita, that won’t change the fact that I don’t like you.” She heaved out a sigh. “Ayokong saktan ka lalo na si Myka. Hindi ako ang kailangan niyo, Mark. Kung maging parte man ako ng pamilya niyo at kung kailangan kong mamili sa inyo ng trabaho ko, I will choose my career over you because I love my career more than I like you.”

Bumagsak ang balikat ni Mark sa mga sinabi niya. Hindi niya ginusto nan umabot sa ganito ang lahat. Masaya na siyang maging kaibigan ito pero kung higit pa doon ang gusto nito ay hindi na niya iyon kaya pang ibigay. Ayaw niya din na mapagalitan siya ng kanyang Mama at Papa. Boyfriend ang gusto ng mga ito para sa kanya hindi instant family.

“I get it.” Mahinang wika ni Mark. “I understand.”

Humakbang ito patungo sa pinto ng opisina niya.

“Mark, about the project. Please don’t decline it.” Nagmamakaawa niyang wika.

Malungkot na ngumiti ang project manager. “Meet the client and the architectural engineer tomorrow.”

Tumalikod na at umalis si Mark. Siya naman ay naiwang malungkot pero masaya. Malungkot siya para kay Mark ngunit wala naman pagsidlan ang tuwa niya dahil sa wakas ay may dumating din na big project sa kanya.

Hindi po oras para magcelebrate dahil hindi pa nila alam ang big project na gagawin nila. At the meantime, she sent a message to her team saying that they got the project they’ve been waiting for.

After hitting the send button to their group chat, her phone beeped non-stop. Puro mensahe ng kasiyahan mula sa kanyang team. Ang kaninang natutulog na si Chelsea ay active na ulit sa kanilang GC.

She sent a private message to Chelsea pero sa halip na kabahan ang babae ay natuwa pa ito. Willing daw itong mapagalitan at maparusahan basta kasama pa rin siya sa big project. That’s what she liked about her team, napaka-dedicated ng mga ito sa trabaho.

Hindi maalis ang ngiti niya sa labi. Naisipan niyang magpadala ng mensahe sa kanyang Mama tungkol sa magandang balita. Sigurado siyang telebabad na naman silang mag-ina mamaya pag-uwi niya.

Abala ang Mama niya kapag araw, ganoon din ang Papa niya. Isang school principal ang Mama niya at municipal councilor naman ang Papa niya. Hindi niya masasabing mahirap sila pero dahil marami silang magkakapatid ay kailangan niyang tumulong sa magulang para itaguyod ang apat pa niyang kapatid na nag-aaral. Sila pa lang kasi ni Elaine ang nakakatapos ng pag-aaral at nagtatrabaho. Si Elaine ay isang doktor sa isang public hospital sa probinsiya nila. Mayroon pa silang apat na kapatid na nag-aaral. Tatlo ang nasa kolehiyo at isa naman ang nasa highschool.

Si Elion, pangatlo sa kanilang magkakapatid ay graduatihg sa kursong Marine Engineering habang si Elara na pang-apat sa kanila ay second year college sa kursong dentistry. Ang panglima naman sa kanila na si Elaika ay first year college sa kursong accountancy at ang bunso naman jila ay grade 9 sa school na handle ng kanyang Mama.

Hindi biro ang mga kurso ng kanyang mga kapatid kaya todo kayod sila ni Elaine para makatulong sa kanilang mga magulang. Isa na din siguro iyon sa dahilan kung bakit wala sa isip niya ang pagboboyfriend.

Pagtapos ng trabaho niya ay dumadaan siya sa paborito niyang restaurant para bumili ng dinner niya bago siya magtungo sa lugar na gustong gusto niyang puntahan sa tuwing matatapos ang araw.

Pinarada niya ang kanyang kotse sa gilid ng kalsada saka bumaba para pagmasdan ang unti-unting paglubog ng araw. Amaze na amaze talaga siya kung paano unti-unting mawala sa horizon ang araw. It was like they are each other’s rest. Napangiti siya.

“When the time is right, I know that the right person will come. I just need to wait. Just like how the horizon waits for the sun to set,” she whispered as the sun slowly fades away from her sight.

Nang mabalot ng dilim ang paligid ay dumiretso na siya pauwi dahil alam niyang tatawagan na siya ng ina.

Related chapters

  • When the Sun Meets the Horizon   Kabanata 2

    KAGAGALING lang ni Sylvan sa firm na pagmamay-ari ng kanyang pinsan na si Denisse. His father asked him to work together with Denisse for the construction of DREAM House. DREAM stands for De Rueda Enterprise and Mendoza. DREAM House will be the safe haven for the De Rueda's and Mendoza's. Vacation house kung baga. Si Tita Louisse, ang Mama ni Denisse, ang pinakaclose na kapatid ng Papa niya kaya naman laging suportado nila ang isa't isa. Lalo na ngayon na nagsisimula si Denisse na makilala sa larangan ng arkitektura dahil sa magagandang feedback ng mga clients nito. Naalala niya ang naging usapan nila ni Denisse. “The DM Firm has been on the run for more than eight years now, Den. I wonder what’s behind the success of your firm except for the fact that you have a lot of connections.” Ang totoo ay hindi ang pag-a-arkitektura ang pangarap ni Denisse. She wanted to be a doctor, but architecture and engineering ran in their blood kaya wala itong choice kung hindi maging arkitekto. “Wel

    Last Updated : 2023-08-09
  • When the Sun Meets the Horizon   Kabanata 3

    ALAS kwatro na ng hapon kaya medyo busy na ang kalsada nang lumabas sila. Karamihan ng mga tao ay papauwi na galing trabaho ganoon din ang mga estudyante sa paaralan. Dumiretso si Sylvan sa parking area sa harap ng firm kung saan nakapark ang kotse nito. Iba talaga kapag kamag-anak ng boss. Samantalang siya ay sa basement pa ang diretso dahil doon nakapark ang kotse ng mga empleyado.“Kunin ko lang ang kotse ko sa basement.” Paalam niya rito ngunit sa halip na magsalita ay binuksan nito ang pinto sa passenger seat ng kotse nito.“Isang sasakyan na lang tayo para hindi mahirap sa pagtravel. Rush hour na kaya mas mahirap kapag dalawang sasakyan pa tayo. Antipolo lang naman site.” wika nito habang hinihintay siyang kumilos.“Paano ang kotse ko? Paano ako uuwi mamaya at paano ako papasok bukas?”Sylvan gave her a blank stare. “Get in, Eliana. You’re wasting our time.”Padabog siyang naglakad at sumakay sa kotse nito. Pagkaupo niya ay agad niyang naamoy ang pabango ni Sylvan sa loob ng kot

    Last Updated : 2023-08-13
  • When the Sun Meets the Horizon   Kabanata 4

    4 KINABAHAN si Eliana nang tumawag ang Papa niya pagkasakay niya ng kotse ni Sylvan. Ganoong oras kasi tumatawag ang mga magulang niya dahil alam ng mga ito na nasa bahay na siya nang ganoong oras. But this time, wala pa siya sa bahay at sigurado siyang maraming itatanong ang mga ito. Video call ang tawag ng ama kaya agad nitong nakita na nasa loob siya ng kotse at wala sa bahay na inuupahan niya. “Hindi ka pa nakakauwi, ‘nak?” tanong ng kanyang Papa Leandro. Inilayo niya ang cellphone kay Sylvan upang hindi ito makita ng ama. “Hindi pa po. Pauwi pa lang po ako.” “Nasaan ka?” singit ng kanyang Mama Edna. Bakas ang pag-aalala sa mukha nito. “Sinong kasama mo?” “Binisita lang po namin ang site para sa project na gagawin namin. Kasama ko po ang engineer namin kaya ‘wag po kayong mag-alala.” Sinulyapan niya si Sylvan na seryosong nagmamaneho. The toned muscles on his arms were flexing every time he steers the wheel. Nakikita niya ang kalakihan ng muscle nito dahil sa suot nitong pol

    Last Updated : 2023-08-15
  • When the Sun Meets the Horizon   Kabanata 5

    PAGKAPASOK nila sa restaurant ay nabigla pa si Eliana nang may agad na sumalubong sa kanila na staff. Tuwing umoorder kasi siya sa restaurant na iyon ay sa online platform lang at delivered pa kadalasan kaya hindi siya nakakapasok minsan sa restaurant na iyon.Noong isang beses na nakapasok siya sa restaurant ay umorder lang siya sa counter ng take out special pork sisig worth 1, 399. That time ay tulad lang siya ng mga ordinaryong customer na pinaglingkuran ng cashier. But with Sylvan now, she felt like they were a VIP guest in the restaurant.Dinala sila ng staff sa isang table for VIP. Kakain lang naman sila ng dinner pero naka-VIP treatment pa.“Sylvan, magte-take out na lang ako ng dinner ko. Alam mo bang mahal ang mga dishes dito?” bulong niya sa kasama nang makaupo sila.Paborito niya ang restaurant na ‘yon kaya alam niyan may kamahalan ang mga pagkain doon. Ang inoorder niya lang kasi sa restaurant na ‘yon ay ang paborito niyang special pork sisig na ang presyo ay katumbas na

    Last Updated : 2023-08-16
  • When the Sun Meets the Horizon   Kabanata 6

    ABALA sa kani-kanilang mga trabaho ang team ni Eliana nang araw na iyon. Nagsama-sama na sila sa kanilang work area para madali ang kanilang pagpaplano. Maging si Sylvan ay abala din dahil bawat aspeto ng project ay pinag-uusapan nilang mabuti ni Eliana. Natapos ang araw na iyon na lahat sila ay subsob sa trabaho ngunit natapos naman nila ang floor plan ng vacation house. May iba pang dapat gawin ngunit nakausad naman na sila. By next week magsisimula na sila sa construction kaya dapat matapos nila ang lahat ng kailangan para sa construction.Katulad ng kanyang nakasanayan bago umuwi, pinanood niya ang paglubog ng araw sa tabing dagat. Kukang ang araw niya kapag hindi nagagawa iyon pero nang araw na iyon ay hindi nakisama ang panahon dahil makulimlim at hindi matanaw ang araw sa kalangitan. Kaya bagsak ang balikat niyang umuwi.Pag-uwi ni Eliana ay kumain lang siya ng take-out na binili niya sa isang food chain na nadaanan niya pauwi. Wala pa siyang extra money para sa special sisig n

    Last Updated : 2023-08-20
  • When the Sun Meets the Horizon   Kabanata 7

    NAGISING si Eliana na mabigat ang pakiramdam at masakit ang ulo. Pagmulat niya ay agad siyang napakunot ng noo dahil hindi pamilyar sa kanya ang silid na kinaroroonan. Sigurado siysng wala siya sa ospital dahil hindi naman kulay abo ang pintura ng mga hospital. Nilibot niya ang paningin ngunit kahit anong gawin niya ay hindi niya makilala ang silid maging ang kama na kinahihigaan.Napadako ang kanyang tingin sa couch na nasa tapat ng kama na kinahihigaan at nakita niya ang nakahiga na si Sylvan. Nakatakip ang braso nito sa mga mata at ang manggas ng damit nito ay nakalilis hanggang siko. He looks so tired.“Sylvan,” pukaw niya rito na agad na tumunghay nang marinig ang boses niya. “Anong nangyari?” tanong niya rito.“Hinimatay ka kanina. Kumusta ang pakiramdam mo?” Nag-aalala nitong tanong saka bumangon at pinagsalin siya ng tubig sa baso.Nang makita niya ang tubig ay nakaramdam siya ng uhaw kaya kinuha niya iyon at uminom. Habang umiinom ay naalala niya ang ground breaking ceremony

    Last Updated : 2023-08-21
  • When the Sun Meets the Horizon   Kabanata 7

    NAGISING si Eliana na mabigat ang pakiramdam at masakit ang ulo. Pagmulat niya ay agad siyang napakunot ng noo dahil hindi pamilyar sa kanya ang silid na kinaroroonan. Sigurado siysng wala siya sa ospital dahil hindi naman kulay abo ang pintura ng mga hospital. Nilibot niya ang paningin ngunit kahit anong gawin niya ay hindi niya makilala ang silid maging ang kama na kinahihigaan.Napadako ang kanyang tingin sa couch na nasa tapat ng kama na kinahihigaan at nakita niya ang nakahiga na si Sylvan. Nakatakip ang braso nito sa mga mata at ang manggas ng damit nito ay nakalilis hanggang siko. He looks so tired.“Sylvan,” pukaw niya rito na agad na tumunghay nang marinig ang boses niya. “Anong nangyari?” tanong niya rito.“Hinimatay ka kanina. Kumusta ang pakiramdam mo?” Nag-aalala nitong tanong saka bumangon at pinagsalin siya ng tubig sa baso.Nang makita niya ang tubig ay nakaramdam siya ng uhaw kaya kinuha niya iyon at uminom. Habang umiinom ay naalala niya ang ground breaking ceremony

    Last Updated : 2023-08-21
  • When the Sun Meets the Horizon   Kabanata 8

    NAPABALIKWAS ng bangon si Eliana nang umagang iton dahil sa sunod-sunod na katok sa pinto ng kanyang bahay. Naiinis na sinulyapan niya ang orasan na nakasabit sa kulay abo na dingding na kanyang kwarto. Halos mapatalon na lang siya sa kama nang makita na pasado alas syete na nang umaga. Alas otso ang pasok niya sa firm at sigurado siyang kukulangin siya sa oras sa paghahanda pa lang.Muli niyang narinig ang sunod-sunod na katok sa pinto at nang magtungo siya sa bintana para silipin kung tama ang hinala niya kung sino ang kumakatok ay napangiti na lang siya. Nasa ikalawang palapag ang kwarto niya at mula roon ay tanaw niya ang kotse nitong nakapark sa tapat ng gate niya.Ilang araw na ba siyang sinusundo at hinahatid ni Sylvan sa bahay niya? Simula noong nawalan siya ng malay sa site ay lagi na itong nakaalalay sa kanya.Muli niyang narinig ang sunod-sunod nitong katok kaya bumaba na siya.“Sandali...” hiyaw niya saka humagilap ng towel na maitatakip sa katawan. Nakapantulog lang kas

    Last Updated : 2023-08-23

Latest chapter

  • When the Sun Meets the Horizon   Kabanata 23

    GABI na nang makarating sina Eliana sa kanilang bahay kung saan sinalubong sila ng kanyang magulang at mga kapatid.“Ate!” Agad siyang sinalubong ng yakap ng kanyang bunsong kapatid na si Elijah. “Kanina kanpa namin hinihintay.”Niyakap niya ng mahigpit ang kapatid. “Binata ka na, Elijah.”Parang kailan lang ay binibilhan niya pa ito ng mga laruan na pambata pero ngayon ay hindi na yata laruan ang gusto nito. Kasunod ng kapatid niya na yumakap sa kanya ang kanyang Mama at Papa.“Welcome back, Eli,” turan ng kanyang ina saka siya niyakap.“Namiss ko kayo ng sobra, Mama at Papa.” Niyakap niya ang mga magulang saka nagamano sa mga ito. “Mga kaibigan ko nga po pala.”“Magandang gabi po,” bati ng kanyang mga kasama na nakabuntot pala sa kanya.Muntik na niyang makalimutan ang kanyang mga kasama dahil sa sobrang pananabik sa pamilya.“Mga kaibigan ko nga po pala.” Pinakilala niya isa-isa ang mga kasama sa kanyang pamilya bago sila pumasok sa loob ng bahay. “Pangungunahan ko na kayo ha? Hind

  • When the Sun Meets the Horizon   Kabanata 22

    HINDI sinasadya ni Sylvan na marinig ang pag-uusap ni Elian at ng ina nito sa cellphone. Lumabas siya sandali para bumili ng pagkain para sa kanilang hapunan. Mahaba ang naging tulog ni Eliana dala na rin ng pagod nito sa nangyari sa kanilang dalawa.Gigisingin na sana niya ito para maghapunan nang marinig niyang kausap nito sa cellphone ang ina nito. Pinakinggan niya ang usapan ng mga ito at doon niya nalaman na kaarawan pala ni Eliana sa susunod na araw.Nalaman din niya na gusto siya nitong isama kaya siguro ito nagtatanong kung busy siya sa nga susunod na araw. Sylvan felt guilty for saying that he’s busy.Hhininta niya na matapos ang pag-uusap ng mag-ina bago siya pumasok sa silid. Nadatnan niya si Eliana na nahihirapang tumayo kaya inalalayan niya ito.“Huwag ka muna tumayo kung hindi mo pa kaya,” aniya. Inalalayan niya itong makaupo na nakasandal sa headboard ng kama. “Dadalhan na lang kita ng pagkain dito.”“Thank you,” Eliana put down her phone on the night tavle. “Akala ko i

  • When the Sun Meets the Horizon   Kabanata 21

    NAGISING si Eliana na masakit ang ulo at nilalamig. Nang tingnan niya ang sarili, namilog ang mata niya nang makitang wala siyang saplot at tanging kumot lang ang proteksyon niya sa katawan. Inalala niya ang nangyari ng nagdaang gabi. Ang natatandaan niya ay nagkukwentuhan sila ni Sylvan habang umiinom ng alak. Nalasing siya at... Natutop niya ang bibig nang maalala ang ginawang paghuhubad sa harap ni Sylvan at ang mga insecurities na sinabi niya rito. Nasabunutan niya ang sarili sa sobrang kahihiyan sa mga ginawa dahil sa impluwensiya ng alak. Kaya habang sinesermonan ang sarili ay dali-dali siyang naligo at nagbihis para hanapin si Sylvan. Nagising kasi siya na wala ito. Baka naturn off ito sa mga pinaggagawa niya. Wala ito sa sala at kusina nang bumaba siya pero nasa harap pa ng kanyang bahay ang Mercedes Maybach nito. Imposible naman na umalis ito at iniwan na sa kanya ang mamahalin nitong sasakyan. Sumilip siya sa labas ng bahay only to find the man she’s looking for, busy wi

  • When the Sun Meets the Horizon   Kabanata 20

    ILANG minuto din na naghintay sa hapag kainan sina Eliana bago bumalik ang magkapatid na Ivan at Louisse mula sa seryosong pag-uusap nang mga ito. Madilim ang mukha nang mga ito nang humarap sa kanilang mga naroon.“This family dinner is just a waste of time,” pahayag ni Louisse saka tumingin sa kapatid nitong si Ivan. “Let’s go home and celebrate on our own.”Sinenyasan ni Louisse ang mga anak na sumunod sa kanya. Bagaman naguguluhan ay umahon sa kani-kanilang upuan ang magkakapatid na Alvi, Denisse at Denver kasama ang mga kapareha ng mga ito.“What happened, Tita?” Lakas loob na tanong ni Sylvia na pinigilan pa ang tiyahin na umalis. “Ano pong nangyari sa pag-uusap niyo ni Papa?”“Ang ama niyo na lang ang tanungin ninyo dahil mukhang siya ang may problema sa mga desisyon niya para sa pamilya ninyo. Ayokong madamay ang pamilya ko sa mga desisyon niya kaya kami na ang iiwas.” Louisse snapped at her brother before leaving.Nagpaalam lang ang magkakapatid sa kanila saka umalis ngunit b

  • When the Sun Meets the Horizon   Kabanata 19

    HABANG ang lahat ay binabati sina Alvi at Sheeva, napansin naman niya na di mapakali si Sylvan at madilim ang mukha. Bakas ang pagkairita sa ekspresyon nito.“Okay ka lang?” tanong niya rito sa mahinang tinig.Sylvan impatiently tapped the table while clenching his jaw as he dealt with discomfort.“Someone’s rubbing their foot on my legs under the table.” Naiinis nitong turan. “I don’t want to ruin Alvi’s moment.”Keeping unnoticeable, she glanced under the table only to see a foot with a red nail polish in silvery sandals. Isa lang ang nakita niya na ganoon ang suot. She filled her chest with air and took the courage to speak up.“Mica, do you need something?” Lakas loob niyang tanong na pumukaw sa atensyon ng lahat.“Huh?” Gulat naman na tumingin si Mica sa kanya. Unayos ito ng upo at tarantang tumingin sa kanya. “No, I don’t need anything. Why?” Kita niya ang pagtahip ng dibdib nito sa kaba.“You kept on rubbing your foot on Sylvan’s legs, so I thought you might need something.” S

  • When the Sun Meets the Horizon   Kabanata 18

    LULAN siya ng kotse ni Sylvan patungo sa mansion ng mga De Rueda para sa family dinner ng mga ito at kasama siya doon bilang girlfriend ni Sylvan. Hindi siya ready para sa mga ganoong bagay lalo na at nang araw lang din naman na ‘yon naging opisyal ang relasyon nila kahit pa nagtukaan na sila ng ilang beses. Pero makakatanggi ba naman siya kung ang ama na ni Sylvan ang nag-imbita sa kanya dahil nai-chika na kaagad ni Sheeva ang tungkol sa kanila ni Sylvan.Kaya heto ngayon siya, kinakabahan at hindi mapakali habang nasa biyahe patungo sa bahay ng mga De Rueda. Bumyahe pa talaga ang ama ni Sylvan mula sa Cebu para lang sa family dinner na ito kaya nakakahiya kung tatanggihan niya.PPakiramdam niya ay lalabas na sa dibdib niya ang kanyang puso sa lakas ng tibok nito at ang pawis niya ay parang may sariling aircon sa lamig. Ngayon lang siya nakaramdam ng ganitong kaba. Ganito ba talaga kapag meet the parents na ang level? Ang kaba niya ay nadagdagan ng inis nang sulyapan si Sylvan at n

  • When the Sun Meets the Horizon   Kabanata 17

    NATIGILAN si Elaine sa ipinagtapat ni Sylvan. Maging si Noah ay nagulat at tumingin sa kanya upang makita ang kanyang reaksiyon.“You’re not surprised.” Elaine uttered in a cold voice. “Seems you already knew about it.”“Oo. Matagal ko nang alam at matagal ko na din alam na divorced na sila ng asawa niya.” Paliwanag niya sa kapatid.Tumango lamang ito saka bumalik sa pagsubo ng pagkain at hindi na nagsalita pa. Alam niyang hindi nagustuhan ni Elaine ang nalaman at ayaw nitong sirain ang araw na iyon kaya tumahimik na lang ito.Pagkatapos nilang mag-shopping at mamili nang mga gamit para sa kanilang mga kapatid ay kinausap siya ni Elaine. Iniwan sila nina Sylvan at Noah dahil pupunta ang mga ito sa wine store na nasa mall habang sila ay nasa isang cafe.“Ate, seryoso ka ba talaga kay Sylvan?” Inaasahan na niya ang tanong na iyon ng kapatid kaya alam na rin niya ang isasagot rito.“Matagal ko nang alam na may asawa siya at bago ko pa maramdaman ang nararamdaman ko ngayon para kay Sylva

  • When the Sun Meets the Horizon   Kabanata 16

    HINATID sila ni Noah sa mall bago ito nagpaalam para sa umuwi. Nagpasalamat si Eliana kay Noah na ikinatuwa ng binata.“Salamat sa paghatid at pag-aalaga kay Elaine, Noah.” Sinamantala ni Eliana na may kausap sa cellphone ang kapatid para kausapin si Noah.“Elaine is a very special person to me, and I will risk my life for her.”Lihim na napahanga si Eliana sa sinabi nito ngunit hindi iyon sapat upang makuha ang buo niyang tiwala na hindi nito sasaktan ang kapatid.“I have no faith in words, Noah. I prefer actions,” aniya.“Elaine knew what I truly feel, Eliana. I respect her so much that I am willing to wait until you and the guy who was at your house last night have a label with your relationship.”Nanlaki ang mata niya sa sinabi ni Noah. Paano nito nalaman na may lalaki sa bahay niya kagabi?“How did you know?” she asked in amusement.Nangingiting sumulyap si Noah kay Elaine. “If I were you, I would remove the underwear of your man on your comfort room if you don’t want Elaine to f

  • When the Sun Meets the Horizon   Kabanata 15

    TULAD nga ng sinabi ni Sylvan ay doon ito magpapalipas ng gabi sa bahay niya sa di niya malamang dahilan dahil may bahay at condo naman ito na pwedeng uwian.“Magpapalipas ka lang ng gabi pero bakit may backpack ka pa na dala?” Napansin niya ang bitbit nitong bag na sa hula niya ay mga personal na gamit nito.“Just in case kailangan kong mag-extend ng stay rito.” “Sylvan, hindi tayo maglive in partner. Kinaklaro ko lang sa ‘yo.” She’s against that idea lalo na pagdating sa side ng magulang niya. Kapag nalaman ito ng mga magulang ay baka itakwil na siya ng mga ito. Pinagtutulakan siya ng mga ito na magboyfriend pero hindi ang magkaroon ng live in partner.“I know, and it hurts me a lot.” Kunwari pa itong nasasaktan nang umupo sa couch.“Hindi ako nagbibiro, Sylvan. Baka malaman nina Mama na dito ka natutulog, malilintikan talaga tayong dalawa.”“Natulog ka na nga sa condo ko ‘di ba? Hindi naman sila nagalit.”“Hindi naman kasi nila alam na doon ako nagpalipas ng gabi.”Sylvan chortle

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status