Share

Kabanata 2

Author: ayelway22
last update Last Updated: 2023-08-09 09:49:34

KAGAGALING lang ni Sylvan sa firm na pagmamay-ari ng kanyang pinsan na si Denisse. His father asked him to work together with Denisse for the construction of DREAM House. DREAM stands for De Rueda Enterprise and Mendoza. DREAM House will be the safe haven for the De Rueda's and Mendoza's. Vacation house kung baga.

Si Tita Louisse, ang Mama ni Denisse, ang pinakaclose na kapatid ng Papa niya kaya naman laging suportado nila ang isa't isa. Lalo na ngayon na nagsisimula si Denisse na makilala sa larangan ng arkitektura dahil sa magagandang feedback ng mga clients nito. Naalala niya ang naging usapan nila ni Denisse.

“The DM Firm has been on the run for more than eight years now, Den. I wonder what’s behind the success of your firm except for the fact that you have a lot of connections.” Ang totoo ay hindi ang pag-a-arkitektura ang pangarap ni Denisse. She wanted to be a doctor, but architecture and engineering ran in their blood kaya wala itong choice kung hindi maging arkitekto.

“Well, isa lang ang maisasagot ko sa bagay na ‘yan, kuya Syl.” Pinagsalikop ni Denisse ang mga kamay sa harap nito katapat ng labi nito, ang mga siko ay nasa ibabaw ng office table nito. “I have the most amazing architects in the country, and when I say amazing, they are topnotchers in board exam.”

“Hmm, no wonder. So kanino mo ibibigay ang project para sa ating vacation house. Alam kong hindi ikaw ang architect na makakasama ko kaya make sure na maayos at magaling ang pagbibigyan mo ng project.”

Saglit na nag-isip si Denisse saka ngumiti ng makahulugan sa kanya. Inabot nito sa kanya ang isang folder na kanina pa sa table nito.

“Sa kanya ko ibibigay ang project as per advise na din ng board dahil ang team niya ang pinakamaraming naclose na deals and contracts sa firm for the past eight years. At karamihan ng magandang feedback sa firm ay under ng mga contracts na naclose niya.” Proud na wika ng pinsan niya. Hindi pa man niya nabubuksan ang folder ay mukhang mahusay nga ang architect na tinutukoy ni Denisse.

“Aside from that, top one din siya sa board exam ng architecture. Pinag-aagawan siya ng mga malalaking firm dati pero pinili niya ang firm ko simply because of the salary I offered.” Bumungisngis si Denisse na hindi naman usually nito ginagawa maliban na lang kung may tinatago ito.

“Iyon lang ba talaga ang dahilan kaya niya pinili ang pipitsugin mong firm?” Nagdududa siya sa pinsan dahil sa pagkakakilala niya rito ay marami itong tinatagong lihim.

“Oo naman, kuya. Kung hindi malaki ang offer ko d'yan baka matagal na ‘yan umalis. Kaya nga ginagalingan niya sa bawat project eh.” Denisse avoided his gaze, which is a sign that she’s lying.

“You’re lying, and I will find out why.” He said firmly as he opened the folder.

Pagkakita sa bio-data ng architect ay alam na kaagad niya ang tinatago ni Denisse. The woman in the picture is the same woman who brought chaos to their family.

“Are you sure about this?”

“Uh-hmm.” She nodded with a grin.

“Is this some kind of your revenge?”

“No, kuya! Wala akong ibang rason sa pagbibigay sa kanya ng project. Pinagbotohan yan ng board. That is not my decision.” Inirapan siya ni Denisse.

“Ipapahamak mo ang babaeng ito sa ginagawa mo Denisse.” Nag-aalala siya para sa babaeng nasa larawan. Wala itong kaalam-alam sa mga posibleng mangyari dahil sa project na tinanggap nito.

“Paanong ipapahamak, kuya Syl? Matagal na niyang hinihintay na magkaroon ng big project, eto na ‘yon.”

“Did you tell her what project she’ll be dealing with?”

Umiling si Denisse na mas nagpaalala sa kanya. “Bukas pa niya ime-meet sina Mama at Tito para sa expectations ng client.”

“Ewan ko sa ‘yo, Denisse. Ngayon pa lang sinasabi ko na sa iyo na hindi maganda ang magiging resulta ng ginagawa mo.”

“Wala naman akong ginagawa, kuya.” Muli itong tumawa na kinainis niya.

Umalis na lamang siya para di na tuluyang mainis sa pinsan. Dala ang folder ay nilisan niya ang firm.

Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit siya naiinis kay Denisse. All he knows is that he needs to do something to protect that woman kahit pa minsan nitong ginulo ang pamilya nila.

Travelling alone in his car, Sylvan stopped on the side of the road to watch the sun slowly meet the horizon. There is something on the sunset that makes him feel happy and satisfied. Nasa loob lamang siya ng kotse at pinagmamasdan ang paglubog ng araw nang may kotse na huminto sa unahan niya.

Hindi niya inaasahan ang lumabas mula sa kotse. Iyon ang babaeng nasa folder at ang arkitekto na makakasama niya sa pagpaplano ng kanilang vacation house.

Sumandal ang babae sa pinto ng kotse paharap sa papalubog na araw. Sa unti-unting pagdilim ng paligid ay siya namang pagliwanag ng mga ngiti ng babae.

She’s beautiful. Sigaw ng isip niya.

No wonder she brought chaos to their family. She was like Helen of Troy. A beauty that could launch a thousand ships.

Pinilig niya ang ulo. Ano ba itong naiisip niya? Bago pa man siya mawala sa pag-iisip ay nilisan na niya ang lugar kahit hindi pa tuluyang lumulubog ang araw.

TULAD nga ng inaasahan ni Eliana, pagkauwi na pagkauwi niya galing trabaho ay tumawag agad ang Mama niya kasama pa ang kanyang ama.

“Eli, sinabi ko na sa Papa mo na magkakaboyfriend ka na,” bungad kaagad ng Mama niya nang sagutin niya ang tawag nito.

“Ma! Big project pa lang po ang meron ako, hindi pa boyfriend. Ang advance niyo naman po masyado,” reklami niya habang naghahain ng pagkain para sa sarili.

Living independently taught her how to do things efficiently. Kapag marami silang projects ay hindi na siya nakakapagluto para sa sarili kaya naman umoorder na lang siya sa restaurant na nadadaanan niya. Hindi iyon praktikal pero wala naman siyang choice dahil may mga inuuwi siyang trabaho minsan. Katulad ngayon na may big project sila at ang client nila ay isang kilalang tao. Kailangan niyang mag-search ng tungkol sa client nila para makagawa siya ng design plan na pwede niyang ipresent bukas kapag nameet niya ito.

“Ganoon na din ‘yon, Eli, kasi sabi mo kaninang umaga kapag nakakuha ka ng big project ay magboboyfriend ka na.”

Hindi na siya nakipagdiskusyon sa mga magulang. Naka-video call sila kaya nakikita niya ang mga magulang ganoon din ang mga ito.

“Eli, umorder ka na naman ng mga pagkain ano?” tanong ng kanyang ama.

Nakita siguro ng Papa niya na sinalin niya sa plato ang pagkain mula sa paper box.

“Opo, Pa. Wala na po kasi akong time magluto.”

“Yan ang sinasabi ko kaya dapat ikaw ay nagboboyfriend na para may magluto para sa iyo.”

Mahina siyang tumawa sa sinabi ng ama. “Eh di sana ay chef na lang ang hanapin ko at hindi boyfriend, Pa.”

“Pwede naman na chef ang maging boyfriend mo.”

“Naku, ‘wag na nga ang boyfriend na ‘yan ang pag-usapan natin. Kumain na po kayo?” tanong niya sa mga ito.

“Hindi pa, ‘nak. Nagluluto pa lang ang kaibigan ni Elaine.”

Napakunot ang noo niya. “Kaibigan ni Elaine? Sino po? Si Nicole?”

Si Nicole lang kasi ang kilala niya na kaibigan ni Elaine na dinadala nito sa bahay. Ito lang naman kasi ang best friend ni Elaine na pinagkakatiwalaan nito.

“Hindi si Nicole.” Ang Papa niya ang sumagot dahil umalis ang mama niya at hindi niya alam kung saan pumunta. “Sandali at ipapakita ko sa iyo.”

Gumalaw ang video na tila naglalakad ang may hawak nito. Nakita niya ang ibang bahagi ng kanilang bahay habang naglalakad ang kanyang Papa dala ang tablet na gamit ng mga ito kapag nakikipag-video call sa kanya. Bigla niyang na-miss ang buhay sa probinsiya. Kailan kaya siya ulit makakauwi sa kanila?

Huminto ang paglalakad ng Papa niya nang marating ang kusina ng bahay nila. Iniharap ng Papa niya ang video sa harap ng kanilang gas stove kung saan may isang lalaki na nakatalikod at nakasuot ng apron habang nagluluto.

Natutop niya ang bibig nang makilala ang lalaki. Agad niyang nilunok ang pagkain na nasa bibig para makapagsalita ng maayos.

“Papa, nariyan po ba si Elaine?” tanong niya.

“Oo, narito ‘nak. Nasa kwarto niya at nagbibihis.” Muli niyang nakita ang mukha ng ama sa video habang nasa background naman nito ang Mama niya na kausap ang lalaking kilala niya.

“Papa, baba ko po muna ang tawag. May kakausapin lang po ako.”

Hindi na niya hinintay na sumagot ang ama dahil pinatay niya agad ang tawag para tawagan naman si Elaine. Ang loko niyang kapatid ay may kalokohang ginawa.

“Elaine!” bungad niya nang sagutin ng kapatid ang video call niya.

“Oh, napatawag ka, ate Eli.” Painosente pa ang kapatid niyang ito. Nagsusuklay ito sa harap ng salamin sa kwarto nila sa bahay. Magkasama sila sa kwarto ni Elaine ngunit dahil nasa Maynila siya ay ito lamang ang umuokupa ng kwarto.

“Umamin ka sa akin, Elaine. Anong ginagawa ng may-ari ng hospital na pinagtatrabahuhan mo sa bahay natin?”

Gulat na napatingin sa gawi niya ang kapatid.

“Paano mo nalaman, ate?” Bakas ang kaba sa mukha ng kapatid niya. Akala siguro nito ay hindi niya malalaman.

“Sinabi sa akin nina Mama at Papa. Now answer my question, Elaine. Are you sleeping with that guy?”

“Si ate naman, sleeping kaagad? Di ba pwede na nanliligaw pa lang?” Medyo nakahinga siya na maluwag sa sagot ng kapatid.

“Ang alam nina Mama ay boyfriend mo na ang lalakig ‘yon tapos dinadala mo pa d’yan sa bahay.”

“Wala naman ako balak na dalhin dito sa bahay si Noah. Kaso mapilit ang manliligaw ko kaya ayon pinagluluto niya kami ng hapunan. Inggit ka ‘no?” Heto na naman ang kapatid niya, inaasar na naman siya dahil wala siyang boyfriend o manliligaw.

“Tigilan mo ako, Elaine. Hindi ako nagmamadali sa pagboboyfriend saka baka nakakalimutan mo na hindi ka pwedeng magpakilala ng boyfriend kina Mama at Papa hangga’t hindi ako nagpapakilala ng boyfriend sa kanila.” Biglang sumimangot ang kapatid niya.

“Bilisan mo naman magboyfriend, ate. Gustong-gusto ko nang sagutin si Noah eh!” Naiinis na wika ni Elaine.

Tinawanan niya ang kapatid saka pinatay ang tawag. Naiiling na lang siyang nagpatuloy sa pagkain. Sigurado siyang hindi na siya kukulitin ng Mama niya na magboyfriend dahil naroon si Elaine at ang manliligaw nitong si Noah.

Pagkatapos kumain ay naglinis lang siya sa kusina saka nagshower bago siya humarap sa kanyang laptop paea magtrabaho.

KINAUMAGAHAN ay nag-video call muli ang Mama niya at nagkwento ng tungkol kay Noah at Elaine. Mula sa bahay hanggang sa pagpasok niya sa trabaho ay kausap niya ang ina at napunta na naman ang kanilang usapan sa tanong ng mama niya na...

“Ikaw, Eli, kailan ka magdadala ng manliligaw dito sa bahay?”

“Ma, gusto niyo bang dalhin ko sa bahay ang manliligaw ko na hiwalay sa asawa at may isang anak?” biro niya sa ina.

“Susmaryosep, Eliana! Huwag na huwag mong madadala rito ang lalaking ‘yan!” Tulad ng inaasahan ko ay nag-iba kaagad ang mood ng Mama niya.

“Kaya huwag niyo akong mamadaliin, Mama dahil baka maling tao ang maipakilala ko sa inyo.”

“Oh siya sige, hindi na ako mangungulit pero sana naman ay huwag dumating ang birthday mo na single ka pa rin.”

“Titingnan ko kung may mahahanap akong matinong lalaki sa loob ng dalawang buwan, Ma.” Dalawang buwan na lang kasi ay 29th birthday na niya.

Nakasanayan niya na umuwi sa kanila tuwing birthday niya para magcelebrate kasama ang pamilya. Sa tuwing umuuwi siya ay laging boyfriend ang hanap ng pamilya sa kanya. Paano pa siya makakahanap ng boyfriend ngayong magiging abala na siya sa malaking project.

Pagdating sa opisina ay agad siyang sinalubong ng team. Lahat sila ay hindi makapaniwala na sa kanila binigay ang big project ng firm para sa taong iyon.

“Architect, narinig ko na special ang project na ito.” Si Pau na lumapit pa sa tabi niya para sabihin ‘yon.

“Saan mo naman nasagap ang balita na ‘yan, Pau?” Si Chelsea na blooming na blooming at hindi halatang galing sa hang-over kahapon.

“Hindi mo ba narinig kay Sir Mark kanina? Espesyal daw sa pamilya ni Madam Denisse ang project na ito.”

Napaisip siya sa sinabi ni Pau. Matagal na niyang naiisip na may koneksyon ang CEO nila na si Denisse sa ex niya na si Alvi dahil parehong Mendoza ang last name nila.

Pero mukhang imposible naman dahil kung may kaugnayan niya ang dalawa, sana hindi na siya tinanggap ng CEO sa firm. Pinanatag niya ang loob niya.

“Eli,” tawag sa kanya ni Mark.

Napansin niya na nangangalumata ito at mukhang hindi nakatulog ng maayos. Gusot din ang buhok nito. Medyo naguilty naman siya dahil sa ginawa rito kahapon.

“Nine o’clock daw ang dating ng client. Sa conference na natin sila hintayin.” Pagkasabi noon ay bumalik sa opisina nito si Mark.

Hindi na nito hinintay na magsalita siya na hindi nakaligtas sa kanyang mga kasama.

“Anong nangyari kay sir Mark? Parang may iba?” Nakakunot ang noo na tanong ni Liam, ang assistant designer ni Pau.

“Oo nga,” sang-ayon naman ni Pau. “Actually , kahapon pa siya ganyan. Parang hindi masaya na nakakuha tayo ng malaking project.”

Agad naman niyang pinagtanggol ang kanilang project manager dahil alam niyang kasalanan niya kung bakit ito nagkaganoon.

“Baka may problema lang si Mark sa bahay. Alam niyo naman na nasa proseso sila ng annulment ng asawa niya ‘di ba?” Tumango ang kanyang mga kasama na tila nauunawaan ang sinasabi niya. “Unawain na lang natin si Mark. Hindi naman nakakaapekto sa trabaho ang kinikilos niya.”

“Oo nga naman. Sana lang ay maayos pa nilang mag-asawa ang lahat. Kawawa naman si Myka.”

Sang-ayon siya sa sinabi ni Chelsea ngunit hindi na siya umimik. Nagtungo na lang siya sa kanyang opisina at inihanda ang mga kailangan para sa meeting nila with client. Alas siete pa lang naman ng umaga, mahaba pa ang time niya para magprepare.

Nagtungo siya sandali sa pantry para magtimpla ng kape. Hindi na siya nakapagkape sa bahay kanina dahil kausap niya ang kanyang Mama. Hindi kompleto ang umaga niya kapag walang kape.

Nagtitimpla siya ng kanyang kape nang may tumabi sa kanya at kumuha ng tasa din nito. Akala niya ay si Pau ang tumabi sa kanya pero nagulat siya dahil hindi niya kilala ang lalaki.

“Excuse me,” pukaw niya rito. “Bago ka rito?”

Hindi siya pinansin ng lalaki at patuloy lang ito sa pagtimpla ng kape. Alam niyang bago lang ito sa firm dahil hindi nito alam kung nasaan ang mga kutsara. Kaya naman kumuha siya ng kutsara sa isa sa mga drawer at binigay sa lalaki.

“Alam mo ba kung anong room ang pinapasok mo, sir?” tanong niya sabay higop sa kanyang bagong timpla na kape. Balak niya pa kumuha ng biscuits pero nakaharang sa cupboard ang lalaki. Mamaya na lang siya kukuha kapag umalis na ito.

“Ikaw ba? Alam mo ba kung ano ang pinapasok mo, Miss?” Sinulyapan lang siya ng lalaki saka umalis dala ang kape nito.

Siya naman ay naiwang nagtataka sa sinabi ng lalaki. Binalik lang kasi nito ang tanong niya rito.

“Of course, alam ko ang pinapasok ko. Dito kaya ako nagtatrabaho,” aniya kahit wala na ang lalaking kausap kanina.

Kumuha na lang siya ng biscuits saka bumalik sa kanyang opisina. Nadatnan niya roon si Mark na mas maayos na hitsura kumpara kanina.

“Good morning.” Masaya niyang bati rito bago niya nilapag ang kape at tinapay sa coffee table.

“Good morning.” Ganting bati nito na nakapako ang tingin files na binabasa. “Eto ‘yong background information ng client mamaya. Sa iyo ko na ipapaubaya dahil may importante akong meeting sa aking lawyer mamayang 9 am. Sinabi ko na din sa team na tulungan ka kahit na alam kong kaya mo naman.”

Nilapag ni Mark sa office table niya ng folder na binabasa kanina.

“Mother and uncle ng ating CEO ang client natin at makakasama mo sa project ang architectural engineer na pinsan ni Madam Denisse. Bale kayo ang magtutulungan para sa project na ito.”

Tumango siya kay Mark na hindi makatingin sa kanha ng diretso. “Ako na ang bahala sa client natin, Mark. Take your time to fix your family.”

Pagkasabi niya noon ay tiningnan siya ng masama ji Mark. Kinabahan siya dahil ganoon din ang tingin nito sa kanya noong nagpumilit ito na sagutin niya.

“Wala nang aayusin, Eli. Matagal nang sira ang pamilya ko!” Malalaki at mabibigat na hakbang ang ginawa ni Mark papalabas ng kanyang opisina.

Naiwan siyang tulala sa nilabasan nitong pinto. Hindi siya matatauhan kung hindi pumasok si Pau dala ang laptop nito.

“Bakit hindi na naman maipinta ang mukha ni Sir Mark?” Umupo si Pau sa couch at nilapag ang laptop sa coffee table kung saan naroon ang kape at biscuit niya.

“Family problem,” tanging tugon niya saka umupo.

Kinuha niya ang file na iniwan ni Mark at binasa iyon habang nagkakape. Maya-maya ay si Chelsea naman ang dumating sa office niya dala ang laptop nito. Gumawa sila ng sample plan base sa profile ng kanilang client just in case na kailanganin nila mamaya.

When 9 am strikes the clock, excited ang lahat habang hinihintay sa conference room ang kanilang client. Bigatin ang client nila dahil family ito ng kanilang CEO kaya dapat nilang galingan.

Ilang sandali pa ay bumukas ang pinto ng conference room at iniluwa ang lalaking nakasabay niya sa pantry kanina kasama ang isang babae at lalaki. Mas lalo silang kinabahan dahil kasama din sa meeting ang kajilang CEO. Kung hindi siya nagkakamali ay ito na ang mga client nila. Sabay-sabay silang tumayo at binati ang mga ito.

“Good morning po,” magkakapanabay nilang wika.

Ngumiti sa kanila ang ginang ngunit napako ang tingin nito sa kanya. Ganoon din ang ginoo na bakas ang pagkagulat sa mukha habang ang kanilang CEO ay nakangiti lamang sa kanila.

Sa isip niya ay baka hindi lang makapaniwala ang mga ito na babae ang magiging architect nila. Si Pau at Chelsea nag-asikaso sa kanilang client habang siya ay inihanda na ang kakailanganing presentation. Hinanda na din niya ang kanyang sketch pad para sa mga gustong plano ng clients nila.

“Shall we all have our seats?” wika ng kanilang CEO na si Denisse.

Nauna nilang paupuin ang mga client saka sila umupo.

“Bago tayo magsimula sa meeting, I would like to introduce the engineer that will be your partner in this project.” Proud na tiningnan ni Denisse ang katabi nitong lalaki. “This is Engineer Sylvan De Rueda, my cousin, and he will be the engineer of this project.”

Unahon sa kinauupuan nito ang lalaki at isa-isa silang kinamayan. Mukhang mabait naman pala ito pero iba ito sa lalaking nakasama niya sa pantry.

Nang tumapat ito sa kanya ay hinintay pa nito na ilahad niya ang kanyang kamay bago ito nakipagkamay. Bahagya siyang nagulat nang pisilin nito ang palad niya pero hindi na lang niya pinansin dahil parang normal na rito ang pagpisil sa kamay ng iba.

“It’s nice to meet you all, and I hope that we can make this project great cause this project means a lot to our family.” Anunsiyo nang lalaki na sinang-ayunan ng lahat.

Nagpatuloy ang meeting tulad nang normal na pakikipagmetmeting nila sa kliyente. Inalam nila ang lahat ng expectations ng client habang pinagtutulungan nila na makapagcome up sa sketch ng at 3D design ng vacation house na gusto ng client.

Since first meeting pa lang ito, hindi pa sila makakapagpresent ng finished plan at 3D pero may idea na sila sa gustong mangyari ng client.

The meeting took five hours bago natapos at nadiscuss naman nila ang lahat. Natuwa ang team nila dahil mukhang satisfied sa mga suggestions and ideas nila ang client. Ganoon din ang kanilang CEO.

“No wonder ang team ninyo ang pinili ng board para sa project na ito, lahat kayo ay mahuhusay sa field ninyo.” Puri sa kanila ng kanilang CEO.

“Maraming salamat po, Madam. Makakaasa po kayo na masusunod po ang lahat ng gusto ninyo at magging isa po sa magagandang vacation house sa bansa ang DREAM House,” aniya.

Walang pagsidlan ang kaligayahan niya dahil sa una niyang big project sa walong taon niyang pagtatrabaho sa firm.

“Aasahan namin ‘yan.” Tumingin sa kanya ang ginang. “Mahalaga sa aming pamilya ito dahil ito ang magiging tahanan namin.”

“Wala kayong dapat alalahanin, Tita Louisse, dahil mukhang mahuhusay ang team na ito. Nakikita ko ang kanilang dedikasyon sa kanilang trabaho kaya sigurado akong hindi nila kayo bibiguin.” Sa limang oras na pagmemeeting nila ay ngayon lang may sinabi na sang-ayon sa team nila si Sylvan.

“Dapat lang, Sylvan, dahil mahalaga sa atin ang vacation house na ito. Hindi lang pamilya ng Tita Louisse mo at pamilya natin ang makikinabang dito kung hindi ang future generations ng De Rueda at Mendoza.” Tumikhim ang ginoo. “Para ito sa magiging pamilya mo, Sylvan.”

Natuon lahat ng pansin sa kanilang partner engineer na hindi agad nakaimik sa sinabi ng ama nito.

“Pa, wala pa sa isip ko ang bagay na ‘yan.” Kakamot-kamot sa ulo na wika nito.

Natuwa naman siya sa reaksyon nito kaya napangiti siya. Pareho ang mga magulang nila na pinepressure sila sa pag-aasawa.

“Kailan papasok sa isip mo ang pag-aasawa, Sylvan? Kapag hindi na namin kaya ng Mama mo magbuhat ng apo? Dapat nga sa mga panahong ito nag-aalaga na kami ng apo.” Nakikita niya sa ama ni Sylvan ang kanyang ama na sabik sa apo.

Hindi niya napigilan ang matawa ng mahina. Hindi naman niya inaasahan na hindi pala nakaligtas ang pagtawa niya kay Sylvan dahil tumingin ito sa kanya. Kaya pati ang iba ay napatingin din sa kanya.

“May nakakatawa ba, Eli?” Si Pau ang nagtanong.

Nakatingin sa kanya si Mr. De Rueda at Mrs. Mendoza. Ganoon din si Denisse at Sylvan.

“Natawa lang po ako dahil parehong pareho po sa mga sinasabi ng Papa ko ang sinabi ninyo kay Engineer, Sir." Tukoy niya kay Sylvan. "Ganyan na ganyan din po ang linya nila sa tuwing tatawag po sa akin at mangangamusta.” Magalang niyang sagot sa ginoo na nakatingin sa kanya.

“Wala ka pa rin bang asawa, Miss Jamilla?” tanong ng ina ni Denisse.

“Wala po. Career po muna bago ang bagay na ‘yon.”

“How about boyfriend?” Ang ama ni Sylvan naman ang nagtanong.

“Wala rin po.” Nahihiya niyang pag-amin sa mga ito.

“Never kang nagka-boyfriend?” This time it’s Denisse putting her in a hot seat.

“Nagka-boyfriend naman po pero matagal na po. College pa po ako n’on.” Kahit nahihiya ay nagawa pa rin niyang maging honest sa mga ito dahil unang-una ay kliyente niya ang mga ito at isa sa mga ito ang nagpapasahod sa kanya.

“Bakit kayo naghiwalay?” Muling tanong ng ginang.

Tila nakahalata naman ang kanyang mga kasama na nilalagay siya sa hot seat ng mga kliyente ngunit hindi naman magawa ng mga ito na sumingit dahil naroon ang boss nila.

“Nagkaproblema po kami.” Napayuko siya nang maalala si Alvi.

Hindi niya ginusto ang lahat. Kinailangan niyang pumili at hindi si Alvi ang dapat niyang piliin nang mga panahon na iyon. But God knows how much she loved that guy. Ilang taon na din naman ang lumipas at nakamove on na siya. Masaya na siya sa kinahinatnam ng desisyon niya noon.

“What happened to the guy?” Habol na tanong ng ginang.

“Wala na po ako naging balita sa kanya after po namin makapagtapos ng college. Ang alam ko po ay nagtungo siya sa ibang bansa.” Iyon lang talaga ang alam niya tungkol kay Alvi after nila maghiwalay.

“Paano kung bumalik ang lalaking iyon sa buhay mo?” It was Denisse asking her.

Hindi siya agad nakasagot sa tanong dahil kahit siya ay hindi alam ang isasagot rito. Hindi iyon sumagi sa isip niya dahil alam niyang hindi na babalik pa si Alvi. Hindi na siya umaasa na babalik ito.

“I think that’s enough, Den.” Sylvan saved her from her cousin’s question. “Hindi na related sa vacation house ang mga tanong ninyo.”

Sylvan gave a warning look to the three of his family before looking at her.

“Pasensiya na sa mga tanong nila. Medyo na-overwhelmed lang siguro sila dahil pareho ang situation mo sa situation ko, right Pa? Tita Louisse? Den?” Inisa-isa nitong tingnan ang ama, tiyahin at pinsan nito na tumango lang saka tumingin sa kanya.

Nagpaalam na ang mga ito pagkatapos nilang ma-finalize ang magiging outcome ng vacation house. Bumalik na din sa kani-kanilang pwesto ang team niya para simulan ang mga binigay niyang task sa mga ito.

Siya naman ay naiwan sa conference room kasama si Sylvan para mapag-usapan ang plano na gagwin nila sa vacation house.

“Alam mo ba talaga ang pinapasok mo, Eliana?”

Napahinto siya sa ginagawa sa kanyang laptop at tiningnan ang lalaking nakaupo sa kabilang side ng long table. Seryoso itong nakatingin sa kanya habang pinaglalaruan ng kamay ang isang lapis.

“Anong ibig mong sabihin?”

“Wala ka talagang alam sa pinasok mo.” Sagot nito sa sariling tanog saka umahon sa kinauupuan at naglakad para umalis.

“Sylvan,” tawag niya rito. “Akala ko ba pag-uusapan natin ang plano ng vacation house ninyo?”

“Let’s first visit the site.”

“Ngayon na?” Sinulyapan niya ang digital clock na nakahang sa dingding ng conference room. “Off ko na sa trabaho in 30 minutes. Pwede bang bukas na lang?”

“Do you want to finish this project immediately, Eliana?”

“Oo naman.” Agad niyang sagot.

“Then pack up your things, and we will go to the site.”

Wala siyang nagawa kung hindi ang sumunod dahil para din naman iyon sa ginagawa nilang project. Inayos niya ang mga gamit habang si Sylvan ay nakatayo lang sa may pinto ng conference room.

Dumaan pa siya sa kanyang opisina para kunin ang kanyang bag at iba pang gamit. Mukhang mag-oover time siya ngayon ah. Kung para naman sa ekonomiya, bakit hindi ‘di ba?

Related chapters

  • When the Sun Meets the Horizon   Kabanata 3

    ALAS kwatro na ng hapon kaya medyo busy na ang kalsada nang lumabas sila. Karamihan ng mga tao ay papauwi na galing trabaho ganoon din ang mga estudyante sa paaralan. Dumiretso si Sylvan sa parking area sa harap ng firm kung saan nakapark ang kotse nito. Iba talaga kapag kamag-anak ng boss. Samantalang siya ay sa basement pa ang diretso dahil doon nakapark ang kotse ng mga empleyado.“Kunin ko lang ang kotse ko sa basement.” Paalam niya rito ngunit sa halip na magsalita ay binuksan nito ang pinto sa passenger seat ng kotse nito.“Isang sasakyan na lang tayo para hindi mahirap sa pagtravel. Rush hour na kaya mas mahirap kapag dalawang sasakyan pa tayo. Antipolo lang naman site.” wika nito habang hinihintay siyang kumilos.“Paano ang kotse ko? Paano ako uuwi mamaya at paano ako papasok bukas?”Sylvan gave her a blank stare. “Get in, Eliana. You’re wasting our time.”Padabog siyang naglakad at sumakay sa kotse nito. Pagkaupo niya ay agad niyang naamoy ang pabango ni Sylvan sa loob ng kot

    Last Updated : 2023-08-13
  • When the Sun Meets the Horizon   Kabanata 4

    4 KINABAHAN si Eliana nang tumawag ang Papa niya pagkasakay niya ng kotse ni Sylvan. Ganoong oras kasi tumatawag ang mga magulang niya dahil alam ng mga ito na nasa bahay na siya nang ganoong oras. But this time, wala pa siya sa bahay at sigurado siyang maraming itatanong ang mga ito. Video call ang tawag ng ama kaya agad nitong nakita na nasa loob siya ng kotse at wala sa bahay na inuupahan niya. “Hindi ka pa nakakauwi, ‘nak?” tanong ng kanyang Papa Leandro. Inilayo niya ang cellphone kay Sylvan upang hindi ito makita ng ama. “Hindi pa po. Pauwi pa lang po ako.” “Nasaan ka?” singit ng kanyang Mama Edna. Bakas ang pag-aalala sa mukha nito. “Sinong kasama mo?” “Binisita lang po namin ang site para sa project na gagawin namin. Kasama ko po ang engineer namin kaya ‘wag po kayong mag-alala.” Sinulyapan niya si Sylvan na seryosong nagmamaneho. The toned muscles on his arms were flexing every time he steers the wheel. Nakikita niya ang kalakihan ng muscle nito dahil sa suot nitong pol

    Last Updated : 2023-08-15
  • When the Sun Meets the Horizon   Kabanata 5

    PAGKAPASOK nila sa restaurant ay nabigla pa si Eliana nang may agad na sumalubong sa kanila na staff. Tuwing umoorder kasi siya sa restaurant na iyon ay sa online platform lang at delivered pa kadalasan kaya hindi siya nakakapasok minsan sa restaurant na iyon.Noong isang beses na nakapasok siya sa restaurant ay umorder lang siya sa counter ng take out special pork sisig worth 1, 399. That time ay tulad lang siya ng mga ordinaryong customer na pinaglingkuran ng cashier. But with Sylvan now, she felt like they were a VIP guest in the restaurant.Dinala sila ng staff sa isang table for VIP. Kakain lang naman sila ng dinner pero naka-VIP treatment pa.“Sylvan, magte-take out na lang ako ng dinner ko. Alam mo bang mahal ang mga dishes dito?” bulong niya sa kasama nang makaupo sila.Paborito niya ang restaurant na ‘yon kaya alam niyan may kamahalan ang mga pagkain doon. Ang inoorder niya lang kasi sa restaurant na ‘yon ay ang paborito niyang special pork sisig na ang presyo ay katumbas na

    Last Updated : 2023-08-16
  • When the Sun Meets the Horizon   Kabanata 6

    ABALA sa kani-kanilang mga trabaho ang team ni Eliana nang araw na iyon. Nagsama-sama na sila sa kanilang work area para madali ang kanilang pagpaplano. Maging si Sylvan ay abala din dahil bawat aspeto ng project ay pinag-uusapan nilang mabuti ni Eliana. Natapos ang araw na iyon na lahat sila ay subsob sa trabaho ngunit natapos naman nila ang floor plan ng vacation house. May iba pang dapat gawin ngunit nakausad naman na sila. By next week magsisimula na sila sa construction kaya dapat matapos nila ang lahat ng kailangan para sa construction.Katulad ng kanyang nakasanayan bago umuwi, pinanood niya ang paglubog ng araw sa tabing dagat. Kukang ang araw niya kapag hindi nagagawa iyon pero nang araw na iyon ay hindi nakisama ang panahon dahil makulimlim at hindi matanaw ang araw sa kalangitan. Kaya bagsak ang balikat niyang umuwi.Pag-uwi ni Eliana ay kumain lang siya ng take-out na binili niya sa isang food chain na nadaanan niya pauwi. Wala pa siyang extra money para sa special sisig n

    Last Updated : 2023-08-20
  • When the Sun Meets the Horizon   Kabanata 7

    NAGISING si Eliana na mabigat ang pakiramdam at masakit ang ulo. Pagmulat niya ay agad siyang napakunot ng noo dahil hindi pamilyar sa kanya ang silid na kinaroroonan. Sigurado siysng wala siya sa ospital dahil hindi naman kulay abo ang pintura ng mga hospital. Nilibot niya ang paningin ngunit kahit anong gawin niya ay hindi niya makilala ang silid maging ang kama na kinahihigaan.Napadako ang kanyang tingin sa couch na nasa tapat ng kama na kinahihigaan at nakita niya ang nakahiga na si Sylvan. Nakatakip ang braso nito sa mga mata at ang manggas ng damit nito ay nakalilis hanggang siko. He looks so tired.“Sylvan,” pukaw niya rito na agad na tumunghay nang marinig ang boses niya. “Anong nangyari?” tanong niya rito.“Hinimatay ka kanina. Kumusta ang pakiramdam mo?” Nag-aalala nitong tanong saka bumangon at pinagsalin siya ng tubig sa baso.Nang makita niya ang tubig ay nakaramdam siya ng uhaw kaya kinuha niya iyon at uminom. Habang umiinom ay naalala niya ang ground breaking ceremony

    Last Updated : 2023-08-21
  • When the Sun Meets the Horizon   Kabanata 7

    NAGISING si Eliana na mabigat ang pakiramdam at masakit ang ulo. Pagmulat niya ay agad siyang napakunot ng noo dahil hindi pamilyar sa kanya ang silid na kinaroroonan. Sigurado siysng wala siya sa ospital dahil hindi naman kulay abo ang pintura ng mga hospital. Nilibot niya ang paningin ngunit kahit anong gawin niya ay hindi niya makilala ang silid maging ang kama na kinahihigaan.Napadako ang kanyang tingin sa couch na nasa tapat ng kama na kinahihigaan at nakita niya ang nakahiga na si Sylvan. Nakatakip ang braso nito sa mga mata at ang manggas ng damit nito ay nakalilis hanggang siko. He looks so tired.“Sylvan,” pukaw niya rito na agad na tumunghay nang marinig ang boses niya. “Anong nangyari?” tanong niya rito.“Hinimatay ka kanina. Kumusta ang pakiramdam mo?” Nag-aalala nitong tanong saka bumangon at pinagsalin siya ng tubig sa baso.Nang makita niya ang tubig ay nakaramdam siya ng uhaw kaya kinuha niya iyon at uminom. Habang umiinom ay naalala niya ang ground breaking ceremony

    Last Updated : 2023-08-21
  • When the Sun Meets the Horizon   Kabanata 8

    NAPABALIKWAS ng bangon si Eliana nang umagang iton dahil sa sunod-sunod na katok sa pinto ng kanyang bahay. Naiinis na sinulyapan niya ang orasan na nakasabit sa kulay abo na dingding na kanyang kwarto. Halos mapatalon na lang siya sa kama nang makita na pasado alas syete na nang umaga. Alas otso ang pasok niya sa firm at sigurado siyang kukulangin siya sa oras sa paghahanda pa lang.Muli niyang narinig ang sunod-sunod na katok sa pinto at nang magtungo siya sa bintana para silipin kung tama ang hinala niya kung sino ang kumakatok ay napangiti na lang siya. Nasa ikalawang palapag ang kwarto niya at mula roon ay tanaw niya ang kotse nitong nakapark sa tapat ng gate niya.Ilang araw na ba siyang sinusundo at hinahatid ni Sylvan sa bahay niya? Simula noong nawalan siya ng malay sa site ay lagi na itong nakaalalay sa kanya.Muli niyang narinig ang sunod-sunod nitong katok kaya bumaba na siya.“Sandali...” hiyaw niya saka humagilap ng towel na maitatakip sa katawan. Nakapantulog lang kas

    Last Updated : 2023-08-23
  • When the Sun Meets the Horizon   Kabanata 9

    TINAPOS lang ni Eliana ang trabaho niya nang araw na iyon bago siya umuwi. Ayaw pa siyang pauwiin nina Mark at Pau dahil sa kondisyon niya na namamaga ang pisngi at putok ang gilid ng labi. Gusto ng mga ito na dalhin muna siya sa ospital ngunit siya na ang tumanggi.“Ice pack lang katapat nito at pahinga,” aniya nang pilitin siya ng mga ito na magtungo sa ospital.Habang papauwi siya ay ilang beses na tumawag sa kanya si Sylvan ngunit hindi niya sinasagot ang tawag nito dahil ayaw niya pa itong makausap mula nang malaman niyang may asawa na ito.Kumain lang siya ng hapunan at nakipagkwentuhan sa kanyang Mama ngunit tiniyak niya na hindi makikita ng mga ito ang kanyang mukha. Mabuti na lang hindi nakahalata ang kanyang ina. Pagkatapos nilang magkwentuhan ay hindi siya agad dinalaw ng antok kaya nilibang na lang niya ang sarili.Nanonood siya ng TV habang nasa pisngi ang isang ice pack para mabawasan ang pamamaga nito nang may marinig siyang katok sa pinto. Nang buksan niya ito ay hindi

    Last Updated : 2023-08-25

Latest chapter

  • When the Sun Meets the Horizon   Kabanata 23

    GABI na nang makarating sina Eliana sa kanilang bahay kung saan sinalubong sila ng kanyang magulang at mga kapatid.“Ate!” Agad siyang sinalubong ng yakap ng kanyang bunsong kapatid na si Elijah. “Kanina kanpa namin hinihintay.”Niyakap niya ng mahigpit ang kapatid. “Binata ka na, Elijah.”Parang kailan lang ay binibilhan niya pa ito ng mga laruan na pambata pero ngayon ay hindi na yata laruan ang gusto nito. Kasunod ng kapatid niya na yumakap sa kanya ang kanyang Mama at Papa.“Welcome back, Eli,” turan ng kanyang ina saka siya niyakap.“Namiss ko kayo ng sobra, Mama at Papa.” Niyakap niya ang mga magulang saka nagamano sa mga ito. “Mga kaibigan ko nga po pala.”“Magandang gabi po,” bati ng kanyang mga kasama na nakabuntot pala sa kanya.Muntik na niyang makalimutan ang kanyang mga kasama dahil sa sobrang pananabik sa pamilya.“Mga kaibigan ko nga po pala.” Pinakilala niya isa-isa ang mga kasama sa kanyang pamilya bago sila pumasok sa loob ng bahay. “Pangungunahan ko na kayo ha? Hind

  • When the Sun Meets the Horizon   Kabanata 22

    HINDI sinasadya ni Sylvan na marinig ang pag-uusap ni Elian at ng ina nito sa cellphone. Lumabas siya sandali para bumili ng pagkain para sa kanilang hapunan. Mahaba ang naging tulog ni Eliana dala na rin ng pagod nito sa nangyari sa kanilang dalawa.Gigisingin na sana niya ito para maghapunan nang marinig niyang kausap nito sa cellphone ang ina nito. Pinakinggan niya ang usapan ng mga ito at doon niya nalaman na kaarawan pala ni Eliana sa susunod na araw.Nalaman din niya na gusto siya nitong isama kaya siguro ito nagtatanong kung busy siya sa nga susunod na araw. Sylvan felt guilty for saying that he’s busy.Hhininta niya na matapos ang pag-uusap ng mag-ina bago siya pumasok sa silid. Nadatnan niya si Eliana na nahihirapang tumayo kaya inalalayan niya ito.“Huwag ka muna tumayo kung hindi mo pa kaya,” aniya. Inalalayan niya itong makaupo na nakasandal sa headboard ng kama. “Dadalhan na lang kita ng pagkain dito.”“Thank you,” Eliana put down her phone on the night tavle. “Akala ko i

  • When the Sun Meets the Horizon   Kabanata 21

    NAGISING si Eliana na masakit ang ulo at nilalamig. Nang tingnan niya ang sarili, namilog ang mata niya nang makitang wala siyang saplot at tanging kumot lang ang proteksyon niya sa katawan. Inalala niya ang nangyari ng nagdaang gabi. Ang natatandaan niya ay nagkukwentuhan sila ni Sylvan habang umiinom ng alak. Nalasing siya at... Natutop niya ang bibig nang maalala ang ginawang paghuhubad sa harap ni Sylvan at ang mga insecurities na sinabi niya rito. Nasabunutan niya ang sarili sa sobrang kahihiyan sa mga ginawa dahil sa impluwensiya ng alak. Kaya habang sinesermonan ang sarili ay dali-dali siyang naligo at nagbihis para hanapin si Sylvan. Nagising kasi siya na wala ito. Baka naturn off ito sa mga pinaggagawa niya. Wala ito sa sala at kusina nang bumaba siya pero nasa harap pa ng kanyang bahay ang Mercedes Maybach nito. Imposible naman na umalis ito at iniwan na sa kanya ang mamahalin nitong sasakyan. Sumilip siya sa labas ng bahay only to find the man she’s looking for, busy wi

  • When the Sun Meets the Horizon   Kabanata 20

    ILANG minuto din na naghintay sa hapag kainan sina Eliana bago bumalik ang magkapatid na Ivan at Louisse mula sa seryosong pag-uusap nang mga ito. Madilim ang mukha nang mga ito nang humarap sa kanilang mga naroon.“This family dinner is just a waste of time,” pahayag ni Louisse saka tumingin sa kapatid nitong si Ivan. “Let’s go home and celebrate on our own.”Sinenyasan ni Louisse ang mga anak na sumunod sa kanya. Bagaman naguguluhan ay umahon sa kani-kanilang upuan ang magkakapatid na Alvi, Denisse at Denver kasama ang mga kapareha ng mga ito.“What happened, Tita?” Lakas loob na tanong ni Sylvia na pinigilan pa ang tiyahin na umalis. “Ano pong nangyari sa pag-uusap niyo ni Papa?”“Ang ama niyo na lang ang tanungin ninyo dahil mukhang siya ang may problema sa mga desisyon niya para sa pamilya ninyo. Ayokong madamay ang pamilya ko sa mga desisyon niya kaya kami na ang iiwas.” Louisse snapped at her brother before leaving.Nagpaalam lang ang magkakapatid sa kanila saka umalis ngunit b

  • When the Sun Meets the Horizon   Kabanata 19

    HABANG ang lahat ay binabati sina Alvi at Sheeva, napansin naman niya na di mapakali si Sylvan at madilim ang mukha. Bakas ang pagkairita sa ekspresyon nito.“Okay ka lang?” tanong niya rito sa mahinang tinig.Sylvan impatiently tapped the table while clenching his jaw as he dealt with discomfort.“Someone’s rubbing their foot on my legs under the table.” Naiinis nitong turan. “I don’t want to ruin Alvi’s moment.”Keeping unnoticeable, she glanced under the table only to see a foot with a red nail polish in silvery sandals. Isa lang ang nakita niya na ganoon ang suot. She filled her chest with air and took the courage to speak up.“Mica, do you need something?” Lakas loob niyang tanong na pumukaw sa atensyon ng lahat.“Huh?” Gulat naman na tumingin si Mica sa kanya. Unayos ito ng upo at tarantang tumingin sa kanya. “No, I don’t need anything. Why?” Kita niya ang pagtahip ng dibdib nito sa kaba.“You kept on rubbing your foot on Sylvan’s legs, so I thought you might need something.” S

  • When the Sun Meets the Horizon   Kabanata 18

    LULAN siya ng kotse ni Sylvan patungo sa mansion ng mga De Rueda para sa family dinner ng mga ito at kasama siya doon bilang girlfriend ni Sylvan. Hindi siya ready para sa mga ganoong bagay lalo na at nang araw lang din naman na ‘yon naging opisyal ang relasyon nila kahit pa nagtukaan na sila ng ilang beses. Pero makakatanggi ba naman siya kung ang ama na ni Sylvan ang nag-imbita sa kanya dahil nai-chika na kaagad ni Sheeva ang tungkol sa kanila ni Sylvan.Kaya heto ngayon siya, kinakabahan at hindi mapakali habang nasa biyahe patungo sa bahay ng mga De Rueda. Bumyahe pa talaga ang ama ni Sylvan mula sa Cebu para lang sa family dinner na ito kaya nakakahiya kung tatanggihan niya.PPakiramdam niya ay lalabas na sa dibdib niya ang kanyang puso sa lakas ng tibok nito at ang pawis niya ay parang may sariling aircon sa lamig. Ngayon lang siya nakaramdam ng ganitong kaba. Ganito ba talaga kapag meet the parents na ang level? Ang kaba niya ay nadagdagan ng inis nang sulyapan si Sylvan at n

  • When the Sun Meets the Horizon   Kabanata 17

    NATIGILAN si Elaine sa ipinagtapat ni Sylvan. Maging si Noah ay nagulat at tumingin sa kanya upang makita ang kanyang reaksiyon.“You’re not surprised.” Elaine uttered in a cold voice. “Seems you already knew about it.”“Oo. Matagal ko nang alam at matagal ko na din alam na divorced na sila ng asawa niya.” Paliwanag niya sa kapatid.Tumango lamang ito saka bumalik sa pagsubo ng pagkain at hindi na nagsalita pa. Alam niyang hindi nagustuhan ni Elaine ang nalaman at ayaw nitong sirain ang araw na iyon kaya tumahimik na lang ito.Pagkatapos nilang mag-shopping at mamili nang mga gamit para sa kanilang mga kapatid ay kinausap siya ni Elaine. Iniwan sila nina Sylvan at Noah dahil pupunta ang mga ito sa wine store na nasa mall habang sila ay nasa isang cafe.“Ate, seryoso ka ba talaga kay Sylvan?” Inaasahan na niya ang tanong na iyon ng kapatid kaya alam na rin niya ang isasagot rito.“Matagal ko nang alam na may asawa siya at bago ko pa maramdaman ang nararamdaman ko ngayon para kay Sylva

  • When the Sun Meets the Horizon   Kabanata 16

    HINATID sila ni Noah sa mall bago ito nagpaalam para sa umuwi. Nagpasalamat si Eliana kay Noah na ikinatuwa ng binata.“Salamat sa paghatid at pag-aalaga kay Elaine, Noah.” Sinamantala ni Eliana na may kausap sa cellphone ang kapatid para kausapin si Noah.“Elaine is a very special person to me, and I will risk my life for her.”Lihim na napahanga si Eliana sa sinabi nito ngunit hindi iyon sapat upang makuha ang buo niyang tiwala na hindi nito sasaktan ang kapatid.“I have no faith in words, Noah. I prefer actions,” aniya.“Elaine knew what I truly feel, Eliana. I respect her so much that I am willing to wait until you and the guy who was at your house last night have a label with your relationship.”Nanlaki ang mata niya sa sinabi ni Noah. Paano nito nalaman na may lalaki sa bahay niya kagabi?“How did you know?” she asked in amusement.Nangingiting sumulyap si Noah kay Elaine. “If I were you, I would remove the underwear of your man on your comfort room if you don’t want Elaine to f

  • When the Sun Meets the Horizon   Kabanata 15

    TULAD nga ng sinabi ni Sylvan ay doon ito magpapalipas ng gabi sa bahay niya sa di niya malamang dahilan dahil may bahay at condo naman ito na pwedeng uwian.“Magpapalipas ka lang ng gabi pero bakit may backpack ka pa na dala?” Napansin niya ang bitbit nitong bag na sa hula niya ay mga personal na gamit nito.“Just in case kailangan kong mag-extend ng stay rito.” “Sylvan, hindi tayo maglive in partner. Kinaklaro ko lang sa ‘yo.” She’s against that idea lalo na pagdating sa side ng magulang niya. Kapag nalaman ito ng mga magulang ay baka itakwil na siya ng mga ito. Pinagtutulakan siya ng mga ito na magboyfriend pero hindi ang magkaroon ng live in partner.“I know, and it hurts me a lot.” Kunwari pa itong nasasaktan nang umupo sa couch.“Hindi ako nagbibiro, Sylvan. Baka malaman nina Mama na dito ka natutulog, malilintikan talaga tayong dalawa.”“Natulog ka na nga sa condo ko ‘di ba? Hindi naman sila nagalit.”“Hindi naman kasi nila alam na doon ako nagpalipas ng gabi.”Sylvan chortle

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status