4
KINABAHAN si Eliana nang tumawag ang Papa niya pagkasakay niya ng kotse ni Sylvan. Ganoong oras kasi tumatawag ang mga magulang niya dahil alam ng mga ito na nasa bahay na siya nang ganoong oras.But this time, wala pa siya sa bahay at sigurado siyang maraming itatanong ang mga ito. Video call ang tawag ng ama kaya agad nitong nakita na nasa loob siya ng kotse at wala sa bahay na inuupahan niya.“Hindi ka pa nakakauwi, ‘nak?” tanong ng kanyang Papa Leandro.Inilayo niya ang cellphone kay Sylvan upang hindi ito makita ng ama. “Hindi pa po. Pauwi pa lang po ako.”“Nasaan ka?” singit ng kanyang Mama Edna. Bakas ang pag-aalala sa mukha nito. “Sinong kasama mo?”“Binisita lang po namin ang site para sa project na gagawin namin. Kasama ko po ang engineer namin kaya ‘wag po kayong mag-alala.” Sinulyapan niya si Sylvan na seryosong nagmamaneho.The toned muscles on his arms were flexing every time he steers the wheel. Nakikita niya ang kalakihan ng muscle nito dahil sa suot nitong polo na kumakapit sa braso at dibdib nito.“Sinong engineer ‘yan? Baka kung saan ka dalhin niyan.” Namula siya sa hiya dahil sigurado siyang narinig iyon ni Sylvan.“Mama!” saway niya sa ina. “Pauwi na po ako, tayawag na lang po ako mamaya.”“Ipakita mo muna sa amin kung sino ang kasama mo, Eli, para kapag may nangyari sa iyo habang pauwi ka ay siya ang mananagot sa amin ng Papa mo.” Pigil niya ang sarili na sawayin ang ina dahil sa mga sinasabi nito.Minsan talaga hindi mapigilan ang bibig ng Mama niya. Sasabihin nito kung ano ang nasa isip nito.“Ma, nakakahiya po sa kasama ko na pinaghihinalaan niyo siya,” bulong niya sa ina pero hindi naman iyon sapat para tumigil ito.“Hindi mawawala sa amin ang mag-alala, Eli. Bakit kasi magkasama kayo sa iisang sasakyan? Nasaan ang kotse mo?” It was her father bombarding her with questions.“Nasa firm po ang kotse ko. Nakisakay ako sa engineer namin para makaiwas sa traffic.”“Paano ka makakauwi niyan?” Muling tanong ng ama niya.“Ihahatid po ako ng engineer namin sa sakayan pabalik sa firm kaya huwag na po—”“Ano?!” Nagulat si Eliana nang bahagyang tumaas ang boses ng ama. “Matapos ka niyang dalhin sa site na ‘yan ay hahayaan ka niyang umuwi ng mag-isa?!”“Papa, kaya ko po ang sarili ko saka kaya ko po umuwi mag-isa—”Inagaw sa kanya ni Sylvan ang cellphone bago pa man niya matapos ang sasabihin sa ama. Binagalan nito ang pagmamaneho para maitabi sa gilid ng kalsada ang kotse.“Ihahatid ko po ang inyong anak hanggang sa pinto po ng bahay niya at wala po akong masamang balak sa anak niyo kaya huwag po kayong mag-alala. Hindi po ako masamang tao,” paliwanag ni Sylvan sa ama ng dalaga.Kanina pa kasi niya naririnig ang pag-uusap ng mga ito at hindi niya matanggap na pinag-iisipan siya ng hindi maganda ng mga magulang ni Eliana.“Sisiguraduhin ko po na makakauwi ng kompleto at buo ang anak ninyo,” dagdag pa ni Sylvan.Nang makita ang pagkabigla sa mukha ng mga magulang ni Eliana ay agad niyang binalik sa dalaga ang cellphone. Bigla siyang nakaramdam ng hiya sa ginawa niya.“I am sorry for grabbing your daughter’s phone, ma’am and sir. Hindi lang po ako nakapagpigil dahil pinag-iisipan niyo po ako ng masama,” pahabol pa jiyang paliwanag hoping that the two elders will understand what he did.Hjndi siya nakarinig ng tugon mula sa mga magulang ji Eliana sa kabilang linya. Nagalit yata ang mga ito sa kabastusan niya.“Eli, iharap mo ang camera sa engineer niyo.” That’s what he heard from Eliana’s father.Kinabahan si Sylvan kaya hindi agad ito kaagad nakapagmaneho. Nanatili ang sinasakayan nilang kotse sa gilid ng kalsada.Hindi naman mawari ni Eliana ang magiging reaksyon sa hiling ng ama na iharap kay Sylvan ang camera. Nag-aalala siya na baka kung ano ang sabihin ng mga magulang sa binata. Pinsan pa naman ito ng amo niya. Baka isumbong siya nito kay Denisse.“Hijo.” His father on the other line called up on Sylvan.“Sir,” tugon naman ni Sylvan na nakatuon ang pansin sa screen ng cellphone niya at bakas ang kaba sa mukha nito.“Anong pangalan mo?” Jusko. Mukhang alam na niya kung saan tutungo ang pakikipag-usap ng mga magulang kay Sylvan.“Sylvan De Rueda po, sir.”“Eliana, ibigay mo kay Sylvan ang cellphone,” utos ng kanyang ama. Labag man sa kanyang kalooban ay binigay niya sa binata ang cellphone.Tumingin ito sa kanya na tila nagpapa-rescue ngunit wala naman siya magagawa sa gusto ng magulang. Nag-aalala ang mga ito sa kanya kaya ganoon ang reaksiyon ng mga ito.Dahil nakatalikod sa kanya ang cellphone, sinisenyasan na lamang niya si Sylvan na huwag nang sumagot sa mga tanong ng ama niya ngunit hindi nito maintindihan ang gusto niyang iparating.“Sinabi mo kanina na hindi ka masamang tao at wala kang balak na masama sa anak namin, ‘di ba?” Narinig niyang tanong ng Papa niya kay Sylvan.“Opo, sir.” Gusto niyang matawa sa mukha ni Sylvan na kinabahan.“Ihahatid mo siya hanggang sa bahay niya?”“Yes, sir.”Napamasahe na lamang siya sa kanyang sentido habang nag-uusap ang dalawa.“Kung wala kang balak na masama sa anak namin tulad ng sinabi mo kanina... baka naman pwede pagbalakan mo ng maganda si Eliana. Ligawan mo na ang anak namin para naman hindi na ‘yan laging mag-isa at hindi tumandang—”Nanlaki sa gulat ang mata niya sa sinabi ng ama kaya agad niyang inagaw ang cellphone kay Sylvan at pinatay ang tawag bago pa man may masabing hindi maganda ama.Jusko, ipagkakanulo talaga siya ng mga magulang. Bahala na kung pagalitan siya ng mga ito mamaya dahil pinatayan niya ang mga ito ng tawag. Nakakahiya naman na kasi ang mga sinasabi ng mga ito.Hindi naman siya tigang na tigang para magmadali na magkaboyfriend.“Pasensiya ka na sa Papa ko.” Nahihiya niyang saad na hindi makatingin ng diretso sa binata. “Masyadong excited na magkaboyfriend ako kaya ganon.”Pinadalhan niya ng mensahe ang mga magulang na mag-uusap sila mamaya dahil sa ginawa ng mga ito. Hindi naman niya inaasahan ang magiging tugon ng ina sa mensahe niya.~Nak, ang gwapo ng engineer niyo. Gusto ko siya maging manugang.~Agad niyang tinago ang cellphone sa takot na baka makita ni Sylvan ang chat ng kanyang ina. Gusto niyang kurutin sa singit ang nga magulang dahil sa kapilyohan ng mga ito.“Bakit nga ba wala pang boyfriend ang isang Eliana Jamilla?”The way he pronounced her name made Eliana smile but was hesitant in answering his question. She looked away to think about on sharing her personal matter with the man she just met. But there’s a feeling inside her that tells her that they have something in common. Kung ano man ‘yon ay hindi din niya mawari.“You don’t have to answer if you don’t feel like answering my question. I am just curious why your parents are so eager to engage you in a relationship.” Pinaandar na muli ni Sylvan ang kotse at nagpatuloy na sa paglalakbay pabalik sa Manila.Eliana blew out a sigh. Wala naman siguro mawawala sa kanya kung mag-oopen up siya rito. Matagal din niya itong makakatrabaho at sa di niya malamang dahilan ay magaan ang loob niya rito. She feels like they some sort of connections at matagal na siya nitong kilala.“I got scared.” She expressed in low voice.“Scared of what?”Sinulyapan ni Eliana si Sylvan na sumulyap rin sa kanya habang naghihintay ng kanyang tugon.“Natatakot akong pumasok sa bagong relasyon dahil sa nangyari sa una kong naging relasyon.” Eliana frowned in hesitance. “It sounds crazy but it’s real. I was traumatized.”Habang nakatuon sa pagmamaneho ang kanyang mga mata ay nasa sinabi naman ni Eliana ang isip ni Sylvan. She was traumatized?He got curious on the reason behind Eliana’s traumatic experience.“Toxic ba ang una mong naging relasyon?” tanong ni Sylvan. Sinusubukan niyang alamin kung tutugma ang nalalaman niya sa kwento ni Eliana.“Hindi naman toxic. Medyo hindi lang naging maganda ang ending ng relasyon namin at wala kaming naging closure after nang aming paghihiwalay. Hindi ko alam kung galit ba siya sa akin o hindi. I don’t have any idea why he suddenly distanced himself after we broke up.”Sa tuwing napag-uusapan ang tungkol sa bagay na iyon ay bumabalik ang lungkot na naramdaman noon ni Eliana. Alam niya sa sarili niyang naka-move on na siya pero pakiramdam niya ay malaki ang kasalanan niya kay Alvi.“Maybe he was hurt. Siguro hindi niya matanggap ang naging reason mo para makipaghiwalay lalo na kung dahil sa ibang lalaki.” Sylvan hinted.Sinusubukan niyang paaminin si Eliana sa dahilan nito sa pakikipaghiwalay sa pinsan niyang si Alvi na naging dahilan nang muntik nang pagkakagulo sa pamilya nila. Kaya medyo may inis siyang nararamdaman kay Eliana dahil sa ginawa nito kay Alvi. Iniwan nito ang pinsan jiya para sa ibang lalaki.“There’s no third party on our break up.” Malungkot na pahayag ni Eliana habang sinasariwa sa isipan ang pakikipaghiwalay niya noon kay Alvi. “I had to choose my family over him dahil mas kailangan ako nina Mama at Papa noon. I had to focus on my studies dahil ako ang unang dapat tumulong sa kanila. Hindi ko kayang pagsabayin ang pakikipag-boyfriend sa aking pag-aaral, pagtatrabaho, bilang ate at bilang anak. Family first naman lagi ‘di ba?”Eliana looked at Sylvan for assurance that what she said was right.“Y-Yeah.” Sylvan stuttered, “Family first. You should always prioritize your family.”May pagtataka sa mukha si Sylvan nang tumingin kay Eliana. “Nakipaghiwalay ka sa dati kong boyfriend dahil sa pamilya mo?”“Oo. Mahal ko si Alvi pero mas mahal at kailangan ako ng family ko noon. And sa buhay ko ngayon, wala akong pinagsisisihan sa naging desisyon ko dahil nakikita kong maayos at masaya sina Mama at Papa at nakakapag-aral ng maayos ang mga kapatid ko.” Humugot ng malalim na buntong hininga si Eliana para ilabas ang nararamdaman niyang kalungkutan. “Pero sa kabila ng kasiyahan nila ay hindi ko magawang maging masaya para sa sarili ko.”“And why is that?”“Kapalit ng kasiyahan ng pamilya ko ay ang pansarili kong kaligayahan. Natatakot akong pumasok sa isang relasyon dahil baka maulit ang nangyari noon.”“Bakit hindi mo sabihin sa parents mo para di ka na nila kulitin na magkaroon ng boyfriend?”“Ayokong isipin nila na sila ang dahilan kung bakit natatakot akong makipagrelasyon.”Sylvan creased his brows. “Bakit naman nila iisipin ang bagay na ‘yon?”“Mahabang kwento pero to make the story short, my family doesn’t like Alvi for me. Tutol sila sa relasyon namin noon kaya pinapili ako ni Mama kung si Alvi o sila na pamilya ko.” Hindi namalayan ni Eliana ang pangingilid ng kanyang luha kaya umiwas siya ng tingin kay Sylvan para itago dito ang pagluha niya.Hanggang ngayon ay dinaramdam pa din niya ang bagay na ‘yon.“Natatakot ako na baka ang lalaking mamahalin ko ay hindi nila magustuhan at tutulan nila. I was hurt when I had to break up with Alvi. Hindi ko alam kung kakayanin kong maranasan ulit ang bagay na ‘yon.”“You have to tell your parents about that matter.” Nakaramdam ng awa para sa dalaga si Sylvan. Hindi niya akalain na iyon pala ang dahilan kung bakit wala pa rin itong nobyo.Sa kabilang banda ay nabuo ang pagdududa niya sa pinsang si Alvi dahil hindi tumutugma ang kwento nito sa kwento ni Eliana tungkol sa paghihiwalay ng mga ito. May hindi tama sa mga kwento ni Alvi at mukhang ginawa ito ng pinsan niya para mabilis na makalimutan si Eliana.“I can’t.”“Why? They have to know your fear in having intimate relationship.”“You mean the fear that they’ve caused me?” Eliana chuckled. “Kahit ‘wag na. I can handle this.”“You can handle?” May panghahamon na tanong ni Sylvan. “Kaya pala wala ka pa ring boyfriend hanggang ngayon. At huwag mong sasabihin sa akin na ‘yong Alvi na ‘yon lang ang naging boyfriend mo.”“Siya nga lang. Hindi ko ba ‘yon nasabi kanina?”Sylvan scoffed, followed by a mocking laugh. “Are you serious?!”“O-Oo.” Sinamaan ng tingin ni Eliana ang lalaki. “Anong nakakatawa ‘don?”“How old are you, Eliana?” Sylvan asked all of a sudden. “Let me guess. 30?”Eliana frowned at Sylvan. “Grabe ka naman maka-thirty. 28 pa lang ako.”“Close enough, and clearly you are not getting any younger. No wonder your parents are eager to get you a boyfriend.” May natanaw na restaurant si Sylvan sa kanto papasok sa street ng bahay ni Eliana. “Are you hungry?”Sinundan ni Eliana ang tinitingnan ni Sylvan at nakita niya ang kanyang paboritong restaurant kung saan siya bumibili ng kanyang dinner. Malapit na pala sila sa bahay niya. Bigla siyang nagutom nang makita ang restaurant kaya hindi na siya tumanggi nang alukin siya ni Sylvan na mag-dinner sa restaurant.PAGKAPASOK nila sa restaurant ay nabigla pa si Eliana nang may agad na sumalubong sa kanila na staff. Tuwing umoorder kasi siya sa restaurant na iyon ay sa online platform lang at delivered pa kadalasan kaya hindi siya nakakapasok minsan sa restaurant na iyon.Noong isang beses na nakapasok siya sa restaurant ay umorder lang siya sa counter ng take out special pork sisig worth 1, 399. That time ay tulad lang siya ng mga ordinaryong customer na pinaglingkuran ng cashier. But with Sylvan now, she felt like they were a VIP guest in the restaurant.Dinala sila ng staff sa isang table for VIP. Kakain lang naman sila ng dinner pero naka-VIP treatment pa.“Sylvan, magte-take out na lang ako ng dinner ko. Alam mo bang mahal ang mga dishes dito?” bulong niya sa kasama nang makaupo sila.Paborito niya ang restaurant na ‘yon kaya alam niyan may kamahalan ang mga pagkain doon. Ang inoorder niya lang kasi sa restaurant na ‘yon ay ang paborito niyang special pork sisig na ang presyo ay katumbas na
ABALA sa kani-kanilang mga trabaho ang team ni Eliana nang araw na iyon. Nagsama-sama na sila sa kanilang work area para madali ang kanilang pagpaplano. Maging si Sylvan ay abala din dahil bawat aspeto ng project ay pinag-uusapan nilang mabuti ni Eliana. Natapos ang araw na iyon na lahat sila ay subsob sa trabaho ngunit natapos naman nila ang floor plan ng vacation house. May iba pang dapat gawin ngunit nakausad naman na sila. By next week magsisimula na sila sa construction kaya dapat matapos nila ang lahat ng kailangan para sa construction.Katulad ng kanyang nakasanayan bago umuwi, pinanood niya ang paglubog ng araw sa tabing dagat. Kukang ang araw niya kapag hindi nagagawa iyon pero nang araw na iyon ay hindi nakisama ang panahon dahil makulimlim at hindi matanaw ang araw sa kalangitan. Kaya bagsak ang balikat niyang umuwi.Pag-uwi ni Eliana ay kumain lang siya ng take-out na binili niya sa isang food chain na nadaanan niya pauwi. Wala pa siyang extra money para sa special sisig n
NAGISING si Eliana na mabigat ang pakiramdam at masakit ang ulo. Pagmulat niya ay agad siyang napakunot ng noo dahil hindi pamilyar sa kanya ang silid na kinaroroonan. Sigurado siysng wala siya sa ospital dahil hindi naman kulay abo ang pintura ng mga hospital. Nilibot niya ang paningin ngunit kahit anong gawin niya ay hindi niya makilala ang silid maging ang kama na kinahihigaan.Napadako ang kanyang tingin sa couch na nasa tapat ng kama na kinahihigaan at nakita niya ang nakahiga na si Sylvan. Nakatakip ang braso nito sa mga mata at ang manggas ng damit nito ay nakalilis hanggang siko. He looks so tired.“Sylvan,” pukaw niya rito na agad na tumunghay nang marinig ang boses niya. “Anong nangyari?” tanong niya rito.“Hinimatay ka kanina. Kumusta ang pakiramdam mo?” Nag-aalala nitong tanong saka bumangon at pinagsalin siya ng tubig sa baso.Nang makita niya ang tubig ay nakaramdam siya ng uhaw kaya kinuha niya iyon at uminom. Habang umiinom ay naalala niya ang ground breaking ceremony
NAGISING si Eliana na mabigat ang pakiramdam at masakit ang ulo. Pagmulat niya ay agad siyang napakunot ng noo dahil hindi pamilyar sa kanya ang silid na kinaroroonan. Sigurado siysng wala siya sa ospital dahil hindi naman kulay abo ang pintura ng mga hospital. Nilibot niya ang paningin ngunit kahit anong gawin niya ay hindi niya makilala ang silid maging ang kama na kinahihigaan.Napadako ang kanyang tingin sa couch na nasa tapat ng kama na kinahihigaan at nakita niya ang nakahiga na si Sylvan. Nakatakip ang braso nito sa mga mata at ang manggas ng damit nito ay nakalilis hanggang siko. He looks so tired.“Sylvan,” pukaw niya rito na agad na tumunghay nang marinig ang boses niya. “Anong nangyari?” tanong niya rito.“Hinimatay ka kanina. Kumusta ang pakiramdam mo?” Nag-aalala nitong tanong saka bumangon at pinagsalin siya ng tubig sa baso.Nang makita niya ang tubig ay nakaramdam siya ng uhaw kaya kinuha niya iyon at uminom. Habang umiinom ay naalala niya ang ground breaking ceremony
NAPABALIKWAS ng bangon si Eliana nang umagang iton dahil sa sunod-sunod na katok sa pinto ng kanyang bahay. Naiinis na sinulyapan niya ang orasan na nakasabit sa kulay abo na dingding na kanyang kwarto. Halos mapatalon na lang siya sa kama nang makita na pasado alas syete na nang umaga. Alas otso ang pasok niya sa firm at sigurado siyang kukulangin siya sa oras sa paghahanda pa lang.Muli niyang narinig ang sunod-sunod na katok sa pinto at nang magtungo siya sa bintana para silipin kung tama ang hinala niya kung sino ang kumakatok ay napangiti na lang siya. Nasa ikalawang palapag ang kwarto niya at mula roon ay tanaw niya ang kotse nitong nakapark sa tapat ng gate niya.Ilang araw na ba siyang sinusundo at hinahatid ni Sylvan sa bahay niya? Simula noong nawalan siya ng malay sa site ay lagi na itong nakaalalay sa kanya.Muli niyang narinig ang sunod-sunod nitong katok kaya bumaba na siya.“Sandali...” hiyaw niya saka humagilap ng towel na maitatakip sa katawan. Nakapantulog lang kas
TINAPOS lang ni Eliana ang trabaho niya nang araw na iyon bago siya umuwi. Ayaw pa siyang pauwiin nina Mark at Pau dahil sa kondisyon niya na namamaga ang pisngi at putok ang gilid ng labi. Gusto ng mga ito na dalhin muna siya sa ospital ngunit siya na ang tumanggi.“Ice pack lang katapat nito at pahinga,” aniya nang pilitin siya ng mga ito na magtungo sa ospital.Habang papauwi siya ay ilang beses na tumawag sa kanya si Sylvan ngunit hindi niya sinasagot ang tawag nito dahil ayaw niya pa itong makausap mula nang malaman niyang may asawa na ito.Kumain lang siya ng hapunan at nakipagkwentuhan sa kanyang Mama ngunit tiniyak niya na hindi makikita ng mga ito ang kanyang mukha. Mabuti na lang hindi nakahalata ang kanyang ina. Pagkatapos nilang magkwentuhan ay hindi siya agad dinalaw ng antok kaya nilibang na lang niya ang sarili.Nanonood siya ng TV habang nasa pisngi ang isang ice pack para mabawasan ang pamamaga nito nang may marinig siyang katok sa pinto. Nang buksan niya ito ay hindi
HUMINTO ang kotse ni Sylvan sa tapat ng isa pang branch ng Adeu Red sa Maynila. She stopped the car as soon as Sylvan’s car halted. Humanap lang siya ng oarking space bago siya bumaba at nagtungo sa naghihintay na si Sylvan.“May ime-meet ba tayo dito?” Eliana scanned the place as they entered.Maraming tao ang abala sa kani-kanilang pagkain ngunit may isang tao siyang napansin na nakapako ang tingin sa kanya. Walang emosyon ngunit nasa kanya ang buong atensiyon ng ina ni Alvi.“Tita Louisse wants to talk to you,” Sylvan declaredSinamaan niya ng tingin si Sylvan dahil hindi kaagad nito sinabi na ime-meet nila ang ina ni Alvi. She glared at him but she didn’t do anything. She pursed her lips and took a deep breath.“You could’ve at least told me,” she hissed as they walked towards the woman. “Hindi pa gumagaling ang pisngi ko baka madagdagam ulit ang sakit.”“Hindi ka nila masasaktan, Eliana. I’ll make sure of that.” She felt safe upon hearing those words from Sylvan. He is her secur
MASAYA si Eliana na malamang hindi na galit sa kanya ang ina ni Alvi. Sapat na iyon para mapanatag siya tuwing makakasama niya ito sa tuwing may meeting sila para sa vacation house ng mga ito.Katulad na lamang ng mga sandaling nagkaroon ng problema sa site at kinailangan ang presensiya nila at ng kliyente.Nagkaroon ng pagbabago sa plano dahil nais ni Alvi na dagdagan ang mga silid sa vacation house. Mula sa 10 ay nais nitong dagdagan pa ng dalawang family room.“We can accommodate that.” Eliana said with confidence. “I can still put the family room here.”Tinuro niya ang isang bahagi ng floor plan ng vacation house na nakalatag sa mesa.“We can make an extension here but not sacrificing the exterior beauty of the vacation house. We can add another room here instead of a balcony. We can move the balcony on the west side of the house facing the view of sunset.” She watched Alvi’s reaction softened as he met her eyes. Muli niyang nakita ang dating Alvi na kalmado at maamo. She felt li
GABI na nang makarating sina Eliana sa kanilang bahay kung saan sinalubong sila ng kanyang magulang at mga kapatid.“Ate!” Agad siyang sinalubong ng yakap ng kanyang bunsong kapatid na si Elijah. “Kanina kanpa namin hinihintay.”Niyakap niya ng mahigpit ang kapatid. “Binata ka na, Elijah.”Parang kailan lang ay binibilhan niya pa ito ng mga laruan na pambata pero ngayon ay hindi na yata laruan ang gusto nito. Kasunod ng kapatid niya na yumakap sa kanya ang kanyang Mama at Papa.“Welcome back, Eli,” turan ng kanyang ina saka siya niyakap.“Namiss ko kayo ng sobra, Mama at Papa.” Niyakap niya ang mga magulang saka nagamano sa mga ito. “Mga kaibigan ko nga po pala.”“Magandang gabi po,” bati ng kanyang mga kasama na nakabuntot pala sa kanya.Muntik na niyang makalimutan ang kanyang mga kasama dahil sa sobrang pananabik sa pamilya.“Mga kaibigan ko nga po pala.” Pinakilala niya isa-isa ang mga kasama sa kanyang pamilya bago sila pumasok sa loob ng bahay. “Pangungunahan ko na kayo ha? Hind
HINDI sinasadya ni Sylvan na marinig ang pag-uusap ni Elian at ng ina nito sa cellphone. Lumabas siya sandali para bumili ng pagkain para sa kanilang hapunan. Mahaba ang naging tulog ni Eliana dala na rin ng pagod nito sa nangyari sa kanilang dalawa.Gigisingin na sana niya ito para maghapunan nang marinig niyang kausap nito sa cellphone ang ina nito. Pinakinggan niya ang usapan ng mga ito at doon niya nalaman na kaarawan pala ni Eliana sa susunod na araw.Nalaman din niya na gusto siya nitong isama kaya siguro ito nagtatanong kung busy siya sa nga susunod na araw. Sylvan felt guilty for saying that he’s busy.Hhininta niya na matapos ang pag-uusap ng mag-ina bago siya pumasok sa silid. Nadatnan niya si Eliana na nahihirapang tumayo kaya inalalayan niya ito.“Huwag ka muna tumayo kung hindi mo pa kaya,” aniya. Inalalayan niya itong makaupo na nakasandal sa headboard ng kama. “Dadalhan na lang kita ng pagkain dito.”“Thank you,” Eliana put down her phone on the night tavle. “Akala ko i
NAGISING si Eliana na masakit ang ulo at nilalamig. Nang tingnan niya ang sarili, namilog ang mata niya nang makitang wala siyang saplot at tanging kumot lang ang proteksyon niya sa katawan. Inalala niya ang nangyari ng nagdaang gabi. Ang natatandaan niya ay nagkukwentuhan sila ni Sylvan habang umiinom ng alak. Nalasing siya at... Natutop niya ang bibig nang maalala ang ginawang paghuhubad sa harap ni Sylvan at ang mga insecurities na sinabi niya rito. Nasabunutan niya ang sarili sa sobrang kahihiyan sa mga ginawa dahil sa impluwensiya ng alak. Kaya habang sinesermonan ang sarili ay dali-dali siyang naligo at nagbihis para hanapin si Sylvan. Nagising kasi siya na wala ito. Baka naturn off ito sa mga pinaggagawa niya. Wala ito sa sala at kusina nang bumaba siya pero nasa harap pa ng kanyang bahay ang Mercedes Maybach nito. Imposible naman na umalis ito at iniwan na sa kanya ang mamahalin nitong sasakyan. Sumilip siya sa labas ng bahay only to find the man she’s looking for, busy wi
ILANG minuto din na naghintay sa hapag kainan sina Eliana bago bumalik ang magkapatid na Ivan at Louisse mula sa seryosong pag-uusap nang mga ito. Madilim ang mukha nang mga ito nang humarap sa kanilang mga naroon.“This family dinner is just a waste of time,” pahayag ni Louisse saka tumingin sa kapatid nitong si Ivan. “Let’s go home and celebrate on our own.”Sinenyasan ni Louisse ang mga anak na sumunod sa kanya. Bagaman naguguluhan ay umahon sa kani-kanilang upuan ang magkakapatid na Alvi, Denisse at Denver kasama ang mga kapareha ng mga ito.“What happened, Tita?” Lakas loob na tanong ni Sylvia na pinigilan pa ang tiyahin na umalis. “Ano pong nangyari sa pag-uusap niyo ni Papa?”“Ang ama niyo na lang ang tanungin ninyo dahil mukhang siya ang may problema sa mga desisyon niya para sa pamilya ninyo. Ayokong madamay ang pamilya ko sa mga desisyon niya kaya kami na ang iiwas.” Louisse snapped at her brother before leaving.Nagpaalam lang ang magkakapatid sa kanila saka umalis ngunit b
HABANG ang lahat ay binabati sina Alvi at Sheeva, napansin naman niya na di mapakali si Sylvan at madilim ang mukha. Bakas ang pagkairita sa ekspresyon nito.“Okay ka lang?” tanong niya rito sa mahinang tinig.Sylvan impatiently tapped the table while clenching his jaw as he dealt with discomfort.“Someone’s rubbing their foot on my legs under the table.” Naiinis nitong turan. “I don’t want to ruin Alvi’s moment.”Keeping unnoticeable, she glanced under the table only to see a foot with a red nail polish in silvery sandals. Isa lang ang nakita niya na ganoon ang suot. She filled her chest with air and took the courage to speak up.“Mica, do you need something?” Lakas loob niyang tanong na pumukaw sa atensyon ng lahat.“Huh?” Gulat naman na tumingin si Mica sa kanya. Unayos ito ng upo at tarantang tumingin sa kanya. “No, I don’t need anything. Why?” Kita niya ang pagtahip ng dibdib nito sa kaba.“You kept on rubbing your foot on Sylvan’s legs, so I thought you might need something.” S
LULAN siya ng kotse ni Sylvan patungo sa mansion ng mga De Rueda para sa family dinner ng mga ito at kasama siya doon bilang girlfriend ni Sylvan. Hindi siya ready para sa mga ganoong bagay lalo na at nang araw lang din naman na ‘yon naging opisyal ang relasyon nila kahit pa nagtukaan na sila ng ilang beses. Pero makakatanggi ba naman siya kung ang ama na ni Sylvan ang nag-imbita sa kanya dahil nai-chika na kaagad ni Sheeva ang tungkol sa kanila ni Sylvan.Kaya heto ngayon siya, kinakabahan at hindi mapakali habang nasa biyahe patungo sa bahay ng mga De Rueda. Bumyahe pa talaga ang ama ni Sylvan mula sa Cebu para lang sa family dinner na ito kaya nakakahiya kung tatanggihan niya.PPakiramdam niya ay lalabas na sa dibdib niya ang kanyang puso sa lakas ng tibok nito at ang pawis niya ay parang may sariling aircon sa lamig. Ngayon lang siya nakaramdam ng ganitong kaba. Ganito ba talaga kapag meet the parents na ang level? Ang kaba niya ay nadagdagan ng inis nang sulyapan si Sylvan at n
NATIGILAN si Elaine sa ipinagtapat ni Sylvan. Maging si Noah ay nagulat at tumingin sa kanya upang makita ang kanyang reaksiyon.“You’re not surprised.” Elaine uttered in a cold voice. “Seems you already knew about it.”“Oo. Matagal ko nang alam at matagal ko na din alam na divorced na sila ng asawa niya.” Paliwanag niya sa kapatid.Tumango lamang ito saka bumalik sa pagsubo ng pagkain at hindi na nagsalita pa. Alam niyang hindi nagustuhan ni Elaine ang nalaman at ayaw nitong sirain ang araw na iyon kaya tumahimik na lang ito.Pagkatapos nilang mag-shopping at mamili nang mga gamit para sa kanilang mga kapatid ay kinausap siya ni Elaine. Iniwan sila nina Sylvan at Noah dahil pupunta ang mga ito sa wine store na nasa mall habang sila ay nasa isang cafe.“Ate, seryoso ka ba talaga kay Sylvan?” Inaasahan na niya ang tanong na iyon ng kapatid kaya alam na rin niya ang isasagot rito.“Matagal ko nang alam na may asawa siya at bago ko pa maramdaman ang nararamdaman ko ngayon para kay Sylva
HINATID sila ni Noah sa mall bago ito nagpaalam para sa umuwi. Nagpasalamat si Eliana kay Noah na ikinatuwa ng binata.“Salamat sa paghatid at pag-aalaga kay Elaine, Noah.” Sinamantala ni Eliana na may kausap sa cellphone ang kapatid para kausapin si Noah.“Elaine is a very special person to me, and I will risk my life for her.”Lihim na napahanga si Eliana sa sinabi nito ngunit hindi iyon sapat upang makuha ang buo niyang tiwala na hindi nito sasaktan ang kapatid.“I have no faith in words, Noah. I prefer actions,” aniya.“Elaine knew what I truly feel, Eliana. I respect her so much that I am willing to wait until you and the guy who was at your house last night have a label with your relationship.”Nanlaki ang mata niya sa sinabi ni Noah. Paano nito nalaman na may lalaki sa bahay niya kagabi?“How did you know?” she asked in amusement.Nangingiting sumulyap si Noah kay Elaine. “If I were you, I would remove the underwear of your man on your comfort room if you don’t want Elaine to f
TULAD nga ng sinabi ni Sylvan ay doon ito magpapalipas ng gabi sa bahay niya sa di niya malamang dahilan dahil may bahay at condo naman ito na pwedeng uwian.“Magpapalipas ka lang ng gabi pero bakit may backpack ka pa na dala?” Napansin niya ang bitbit nitong bag na sa hula niya ay mga personal na gamit nito.“Just in case kailangan kong mag-extend ng stay rito.” “Sylvan, hindi tayo maglive in partner. Kinaklaro ko lang sa ‘yo.” She’s against that idea lalo na pagdating sa side ng magulang niya. Kapag nalaman ito ng mga magulang ay baka itakwil na siya ng mga ito. Pinagtutulakan siya ng mga ito na magboyfriend pero hindi ang magkaroon ng live in partner.“I know, and it hurts me a lot.” Kunwari pa itong nasasaktan nang umupo sa couch.“Hindi ako nagbibiro, Sylvan. Baka malaman nina Mama na dito ka natutulog, malilintikan talaga tayong dalawa.”“Natulog ka na nga sa condo ko ‘di ba? Hindi naman sila nagalit.”“Hindi naman kasi nila alam na doon ako nagpalipas ng gabi.”Sylvan chortle