PAGKAPASOK nila sa restaurant ay nabigla pa si Eliana nang may agad na sumalubong sa kanila na staff. Tuwing umoorder kasi siya sa restaurant na iyon ay sa online platform lang at delivered pa kadalasan kaya hindi siya nakakapasok minsan sa restaurant na iyon.
Noong isang beses na nakapasok siya sa restaurant ay umorder lang siya sa counter ng take out special pork sisig worth 1, 399. That time ay tulad lang siya ng mga ordinaryong customer na pinaglingkuran ng cashier. But with Sylvan now, she felt like they were a VIP guest in the restaurant.Dinala sila ng staff sa isang table for VIP. Kakain lang naman sila ng dinner pero naka-VIP treatment pa.“Sylvan, magte-take out na lang ako ng dinner ko. Alam mo bang mahal ang mga dishes dito?” bulong niya sa kasama nang makaupo sila.Paborito niya ang restaurant na ‘yon kaya alam niyan may kamahalan ang mga pagkain doon. Ang inoorder niya lang kasi sa restaurant na ‘yon ay ang paborito niyang special pork sisig na ang presyo ay katumbas na ng 3 days meal niya. Bumibili lang naman siya ng sisig kapag stressed siya at kapag may extra money pa syempre.“Order anything you want on the menu, Eliana. It’s on me. Bayad ko na din dahil nag-open up ka sa akin. I feel special because of that.” Nangingiting wika ni Sylvan.The man in front of Eliana smiled genuinely not knowing that his smile sent an unexplainable feeling inside her.“Wow,” Eliana flashed a mischievous smile, reaching her eyes. “In that case, ano pa ba ang gusto mong malaman tungkol sa akin? I am willing to share anything kung ganito naman ang kapalit.” Eliana kidded, grabbing the menu laying flatly on the table.Natatawa na lang na umorder ang dalawa at havang hinihintay ang kanilang order ay nagkaroon si Eliana ng pagkakataon na mapagmasdan ang loob ng restaurant.“Maganda pala ang loob ng restaurant na ito. Online lang kasi ako umoorder ng pagkain dito kaya di ako nakakapasok dito.” Nilibot niya ng tingin ang buong lugar at napansin niya ang isang litrato sa isang sulok.Nakalagay ang malaking litrato sa isang lumang frame at makikitang luma na ang litrato. Larawan iyon ng isang pamilya. Nakaupo sa gitna ang mag-asawa. Nakaupo sa kandungan ng ama ang isang batang lalaki habang karga ng ina ang isang sanggol.“Sila siguro ang may-ari ng restaurant na ito,” turan ni Eliana saka tinuro kay Sylvan ang litrato.“Sila nga. That is Ama and Inay.” A wistful smile formed on Sylvan’s lips.“Paano mo nalaman?” Eliana asked out of curiosity. Parang kilalang-kilala kasi nito ang mga nasa litrato.Sylvan flashed a cryptic smile. “Eliana, what’s the name of this place?”“Adeu Red. Bakit?”“And what’s my name?” Sylvan asked again, hinting something.“Sylvan De Rueda. Bakit ba?” Naiinip niyang tanong rito.“Wala ka bang napapansin sa pangalan ng restaurant na ito at sa pangalan ko?”“Wala naman. Anong meron?” Wala pa ring ideya na tugon ni Eliana sa gustong sabihin ni Sylvan.“Pahiram akong lapis mo,” utos pa nito sa kanya.Kinuha niya ang lapis sa bag at binigay rito. May sinulat ito sa tissue na kinuha sa tissue dispenser and after a few seconds, binigay nito ang tissue sa kanya.Binasa niya ang nakasulat rito at automatic na napakunot ang noo niya.De Rueda – Adeu RedIyon ang nakasulat sa tissue. Ilang beses niyang inulit na basahin ang nakasulat bago niya napagtanto ang ibig sabihin noon.“Oh my God!” bulaslas niya habang tutop ang bibig. “Sa inyo itong restaurant?!”Paniniguro niya sa natuklasan na kapag binaliktad ang De Rueda ay Adeu Red ang mabubuo na siyang pangalan ng restaurant.“Kay Papa,” tipid na sagot ni Sylvan dahil ayaw niyang akuin ang pinaghirapan ng kanyang ama.“Si Mr. De Rueda na nameet ko this morning? Siya ang owner nito?” Hindi pa rin makapaniwalan si Eliana.“Yes, that’s him and this is just one of of his restaurants.”“Ang yaman niyo pala talaga.” Amaze na amaze niyang wika dahil hindi siya makapaniwala na bigatin ang kasama niya ngayon. “Kaya pala naka-VIP treatment tayo ngayon. Anak ka naman pala ng may-ari ng lugar na ito.”“Kaya nga pinaorder ko sa iyo kung ano ang gusto mo . It’s on me.”“Hindi ba magagalit ang Papa mo?”“Bakit naman siya magagalit? Pero ko naman ang ipangbabayad ko sa kakainin natin.”Lumapad ang ngiti ni Eliana.“Naku, sinimulan mo ang samahan natin bilang architect at engineer na ganito dapat hanggang dulo ito.” Biro pa ni Eliana dahil natutuwa siyang malaman na mabait naman pala ang isang Sylvan De Rueda.Nang dumating ang kanilang order ay kumain na sila at talagang napakasarap ng mga dishes sa Adeu Red. Hindi naman pala masamang kasama si Sylvan. Akala niya talaga ay suplado ito pero may kabaitan din naman pala. Mas gumaan ang loob niya rito.Pagkatapos nilang kumain ay binayaran na ni Sylvan ang kanilang bill amounting to 37, 600 pesos.“Sylvan, hahatian na kita sa bill. Ang laki ng bill natin tapos ikaw lang ang magbabayad.” Pangungulit niya rito dahil hindi siya makapaniwala na ganoon kalaki ang bill nila. Iilang putahe lang naman ang kanilang inorder pero halos pang-tuition na ng mga kapaitid niya ang bill nila.“Ako ang magbabayad, Eliana. Kung gusto mong bumawi ay ilibre mo na lang ako next time.” Inabot ni Sylvan ang card nito sa staff na agad namang inasikaso ang kanilang bill.Wala na siyang nagawa nang sabihin ng staff na okay na ang bill nila.“Babawi na lang ako sa susunod pero ‘wag naman muna dito sa restaurant niyo. Hindi ko pa afford ang presyo ng Papa mo.”Natatawa na lang si Sylvan habang naglalakad sila pabalik sa kanyang kotse. He never thought that Eliana was this honest to herself. Mukhang madali silang magkakasundo sa project na gagawin nila. All he’s hoping is that hindi maging problema sa kanyang pamilya ang presence ni Eliana sa project na ito. Denisse will be on the hot seat if that happens.Also, he has to do something to clear Eliana’s name to Alvi’s family. Hindi deserve ng tulad ni Eliana na mas pinili ang pamilya kaysa sa lalaking mahal nito ang lihim na galit ng pamilya ni Alvi. Nauunawaan niya si Eliana sa naging desisyon nito noon at kahit siya ang nasa sitwasyon nito at iyon din ang magiging desisyon niya.“Salamat sa paghatid.” Inayos ni Eliana ang kanyang nga gamit bago nito binuksan ang pinto para bumaba. Nasa tapat na kasi sila ng kanyang bahay. “Pag-usapan na lang natin bukas ang tungkol sa project.”“Okay then.” Sylvan smiled, watching Eliana’s evey move. “Pasok ka na.”“Sige. Good night. Bye.” Kumaway ang dalaga sa kanya bago ito tumalikod at naglakad patungo sa pinto ng bahay nito.Hindi kalakihan ang bahay na tinutuluyan ng dalaga. May security din ang lugar kaya ligtas ang mga nakatira roon. Tahimik ang paligid at mukhang mababait namang ang mga tao roon.Muli siyang nilingon ng dalaga at muling kumaway bago ito tuluyang pumasok sa kabahayan. Hindi mawala ang ngiti sa labi niya habang pinapanood ang pagbukas ng ilaw sa buong kabahayan ni Eliana.Nagmamaneho na siya pauwi ay hindi pa rin mawala ang ngiti niya not until tumunog ang cellphone niya at rumehistro ang pangalan ni Farina sa call register. Ayaw niya sanang sagutin ang tawag ngunit alam niyang hindi siya titigilan ni Farina.“Farina,” walang buhay niyang bungad sa babae.“Sylvan, I’m sorry. I was busy last night I was not able to respond to your mail.” Narinig ni Sylvan ang mahinang tugtog sa background ng babae. Itanggi man nito ay alam niyang nasa party na naman ito.“We can talk now.” Naging malambing at nang-aakit ang boses ng babae na hindi naman niya nagustuhan.“Just read my mail, Farina. Everything that we need to talk about was already sent to your mail.” He is back to his strict and authoritative voice which he seldom do.“There’s no need for me to read your mail because we can now talk. I have time now. Tell me what you said in your mail.” Para itong boss niya kung mag-utos kaya mas lalo siyang nainis.“Farina, there’s nothing for us to talk about. And just to make everything clear to you, we’ve already broke up. I mailed the divorce paper to you so please just sign it.” Pinatay niya ang tawag pagkatapos sabihin ang bagay na iyon kay Farina.Farina was his soon to be ex-wife. Yes, he’s married but his marriage with Farina was a chaos. Akala niya ay kapag kinasal sila ng babae ay hihinto na ito sa pagmomodelo para mapagtuonan ng pansin ang pagbuo nila ng pamilya. But he was wrong.They’ve been married for three years but all those years was wasted because of their own careers. Mas marami nga lang ang panahon na malayo si Farina dahil international model ito. Sa tatlong taon na iyon ay tuwing may espesyal na okasyon lamang sila nagkakasama madalas pa ay sandali lang dahil may kanya-kanya silang trabaho.Last month, he decided to finish everything between them dahil wala din naman patutunguhan ang kanilang pagsasama. Isang buwan na din siyang naghihintay na pirmahan ni Farina ang divorce papers na pinadala niya. Sana naman this time ay pirmahan na ito ng babae para pareho na silang maging malaya at hindi na matali sa kasal na wala namang patutunguhan.MAAGANG naghanda sa pagpasok sa trabaho si Eliana para maagang makapagcommute patungo sa firm. Wala siyang kotse kaya kailangan niyang maging maaga para maiwasan amg pagdagsa ng mga pasahero sa sakayan.Dala ang kanyang mga gamit ay nagmamadali siyang lumabas ng bahay. Only to find a familiar car parked in front of her house.“Sylvan?” pukaw niya sa lalaking nakasandal sa hood ng kotse at abala sa cellphone nito.Parang tumigil ang pag-inog ng mundo nang tumingin ito sa kanya at ngumiti. Para siyang nasa pelikula kung saan nag-i-slow motion ang lahat para sa kanilang dalawa. Habang nakangiti ito ay wala namang tigil ang abnormal na tibok ng puso niya. Nagpapalpitate yata siya. Kailangan na siguro niyang tigilan ang pagkakapae baka lalong maging abnormal ang tibok ng puso niya.“Good morning,” bati ni Sylvan saka siya nito pinagbuksan ng pinto ng kotse.Tila nagising naman sa kanyang pantasya si Eliana. “Anong ginagawa mo dito?”“Sinusundo ka. Hinatid kita dito kaya susunduin din kita. Kaya tara na.”“Seryoso ka?” Ayaw niyang maniwala pero mahirap naman na hindi niya paniwalaan kung nasa harap na niya ang ebidensiya. “Kaya ko naman mag-commute.”“At kaya din kitang sunduin kaya sakay na kasi mamaya ay traffic na.”Pagkarinig niya ng salitang traffic ay naalarma agad ang utak niya. Mabilis siyang naglakad patungo sa kotse nito at sumakay. Hinintay lang niya na makasakay ito saka sila umalis ngunit bago sila dumiretso sa firm ay dumaan muna sila sa Adeu Red para kunin ang inorder ni Sylvan na breakfast.“Bakit ang dami naman?”Napansin niya kasi na hindi lang pang dalawang tao ang mga inorder nito. Para itong magpapapiging sa dami ng inorder na halos mapuno na ang backseat ng kotse nito.“Para sa team ang iba. Alam ko kasi na magiging busy tayo ngayong maghapon para sa project.”Napaka-thoughtful naman pala ng engineer nila. Sigurado siyang si Pau ang unang matutuwa sa mga pagkain na inorder ni Sylvan lalo na at galing ito sa gustong-gusto nitong restaurant pero hindi nito afford ang presyo.Wala pang masyadong traffic nang tahakin nila ang high way. Maaga pa din nang marating nila ang firm at tulsd ng inaasahan niya ay maaaga din na pumasok sa trabaho ang mga kasama niya. That’s what they do every time na may hawak silang project. They are very dedicated with it. Bread and butter nila ang trabaho nila kaya wala silang ibang choice kung hindi ang magsipag.“Breakfast for everybody!” Anunsiyo niya sa mga kasama at inilahad ang dala nila ni Sylvan na mga plastic bag na may logo ng Adeu Red.“Architect, seryoso ka?” Si Pau ang unang lumapit sa kanila at hindi makapaniwala na tumingin sa mga dala niya.Binigay niya rito ang isang plastic. “Mukha ba kaming nagbibiro?”“Architect, kilala ka namin. Hindi ka marunong manlibre kasi kuripot ka. Anong nakain mo at may pa-breakfast for everybody ka?” Sumunod si Chelsea na nakiusyoso na din sa mga dala nila.Nilapag nila ni Sylvan ang ibang plastic sa long table na nasa work area nila.“Kuripot pa rin ako, Chelsea. Di ‘yon magbabago.” She said sarcastically to Chelsea but the latter just laugh. “Binili ‘yan ni Sylvan para sa team dahil concern siya sa vacation house nila na baka di niyo magawa ng ayos dahil sa gutom.”“Ayy, thank you, Engineer. Sana lahat ng nakakatrabaho naming engineer ay tulad mo. Napaka-thoughtful!” bulaslas ni Pau habang nilalantakan ang isang blueberry pancake at french toast.“Wala ‘yon. Naisip ko lang kasi na magiging busy tayo nagyong araw kami ni Eliana ng makakain natin.”“Thank you sa free breakfast, Engineer Sylvan,” Chelsea uttered in between her chewing. “Pero may napansin lang ako.” Tumingin si Chelsea kay Eliana saka lumipat ang tingin kay Sylvan.Nakaabang naman ang mga kasama nila sa iba pang sasabihin ni Chelsea habang panay ang subo ng pagkain.“Kailan pa kayo nag-first name basis?”Nasamid sa sariling laway si Eliana dahil sa tanong ji Chelsea.“Si Engineer Sylvan lang ang engineer na tinawag mo sa first name niya, Architect,” dagdag pa ni Chelsea na mas nagpasamid sa kanya.Mas lalo siyang nasamid nang gatungan pa ito ni Pau. “Oo nga, architect. Kahapon ay sabay kayong umalis na dalawa. Saan kayo nagpunta?”“Ano ba ‘yang mga tanong niyo na ‘yan? Kumain na nga lang kayo.” Kunwari ay galit niyang wika na hindi naman pinansin ng mga kasama.“Uy, umiiwas ang isa d’yan. Mukhang guilty.” Tudyo pa ni Pau sa kanila.“What’s wrong with addressing each other with their first name? Matagal tayong magkakatrabaho kaya mas okay kung firs name basis na tayo. Am I right, Eliana?” Binalingan ni Sylvan si Eliana na masama ang tingin sa mga kasama.“Wala namang mali doon, engineer. Nakakapagtaka lang po kasi na sa dami ng engineers na nakakatrabaho ng team namin at ni architect ay kayo lang po ‘yong tinawag niya ng first name. Kadalasan po kasi ay last name ang ginagamit niya sa aming mga engineers.”Isang pilyong ngiti ang pinakita ni Pau nang tumingin kay Eliana.Gusto naman nang sakalin ni Eliana ang leeg ni Pau dahil sa kadaldalan nito.“Huwag kang maniniwala sa mga ‘yan, Sylvan. Wala lang magawa ang mga ‘yan kaya ako na naman ang napagdidiskitahan.” Naiinis niyang wika. “Bilisan ninyong kumain d’yan. Marami pa tayong gagawin.”Nagtungo na si Eliana sa opisina niya bago pa siya tuluyang mainis sa mga kasama. Pati ba naman ang pagtawag niya kay Sylvan ay napansin pa nang mga ito.Umupo siya sa kanyang silya at napaisip. Napagtanto niya na tama nga si Chelsea at Pau. Sa lahat ng naging katrabaho nilang engineer ay si Sylvan lang ang tinatawag niya ng first name. Bakit nga ba?ABALA sa kani-kanilang mga trabaho ang team ni Eliana nang araw na iyon. Nagsama-sama na sila sa kanilang work area para madali ang kanilang pagpaplano. Maging si Sylvan ay abala din dahil bawat aspeto ng project ay pinag-uusapan nilang mabuti ni Eliana. Natapos ang araw na iyon na lahat sila ay subsob sa trabaho ngunit natapos naman nila ang floor plan ng vacation house. May iba pang dapat gawin ngunit nakausad naman na sila. By next week magsisimula na sila sa construction kaya dapat matapos nila ang lahat ng kailangan para sa construction.Katulad ng kanyang nakasanayan bago umuwi, pinanood niya ang paglubog ng araw sa tabing dagat. Kukang ang araw niya kapag hindi nagagawa iyon pero nang araw na iyon ay hindi nakisama ang panahon dahil makulimlim at hindi matanaw ang araw sa kalangitan. Kaya bagsak ang balikat niyang umuwi.Pag-uwi ni Eliana ay kumain lang siya ng take-out na binili niya sa isang food chain na nadaanan niya pauwi. Wala pa siyang extra money para sa special sisig n
NAGISING si Eliana na mabigat ang pakiramdam at masakit ang ulo. Pagmulat niya ay agad siyang napakunot ng noo dahil hindi pamilyar sa kanya ang silid na kinaroroonan. Sigurado siysng wala siya sa ospital dahil hindi naman kulay abo ang pintura ng mga hospital. Nilibot niya ang paningin ngunit kahit anong gawin niya ay hindi niya makilala ang silid maging ang kama na kinahihigaan.Napadako ang kanyang tingin sa couch na nasa tapat ng kama na kinahihigaan at nakita niya ang nakahiga na si Sylvan. Nakatakip ang braso nito sa mga mata at ang manggas ng damit nito ay nakalilis hanggang siko. He looks so tired.“Sylvan,” pukaw niya rito na agad na tumunghay nang marinig ang boses niya. “Anong nangyari?” tanong niya rito.“Hinimatay ka kanina. Kumusta ang pakiramdam mo?” Nag-aalala nitong tanong saka bumangon at pinagsalin siya ng tubig sa baso.Nang makita niya ang tubig ay nakaramdam siya ng uhaw kaya kinuha niya iyon at uminom. Habang umiinom ay naalala niya ang ground breaking ceremony
NAGISING si Eliana na mabigat ang pakiramdam at masakit ang ulo. Pagmulat niya ay agad siyang napakunot ng noo dahil hindi pamilyar sa kanya ang silid na kinaroroonan. Sigurado siysng wala siya sa ospital dahil hindi naman kulay abo ang pintura ng mga hospital. Nilibot niya ang paningin ngunit kahit anong gawin niya ay hindi niya makilala ang silid maging ang kama na kinahihigaan.Napadako ang kanyang tingin sa couch na nasa tapat ng kama na kinahihigaan at nakita niya ang nakahiga na si Sylvan. Nakatakip ang braso nito sa mga mata at ang manggas ng damit nito ay nakalilis hanggang siko. He looks so tired.“Sylvan,” pukaw niya rito na agad na tumunghay nang marinig ang boses niya. “Anong nangyari?” tanong niya rito.“Hinimatay ka kanina. Kumusta ang pakiramdam mo?” Nag-aalala nitong tanong saka bumangon at pinagsalin siya ng tubig sa baso.Nang makita niya ang tubig ay nakaramdam siya ng uhaw kaya kinuha niya iyon at uminom. Habang umiinom ay naalala niya ang ground breaking ceremony
NAPABALIKWAS ng bangon si Eliana nang umagang iton dahil sa sunod-sunod na katok sa pinto ng kanyang bahay. Naiinis na sinulyapan niya ang orasan na nakasabit sa kulay abo na dingding na kanyang kwarto. Halos mapatalon na lang siya sa kama nang makita na pasado alas syete na nang umaga. Alas otso ang pasok niya sa firm at sigurado siyang kukulangin siya sa oras sa paghahanda pa lang.Muli niyang narinig ang sunod-sunod na katok sa pinto at nang magtungo siya sa bintana para silipin kung tama ang hinala niya kung sino ang kumakatok ay napangiti na lang siya. Nasa ikalawang palapag ang kwarto niya at mula roon ay tanaw niya ang kotse nitong nakapark sa tapat ng gate niya.Ilang araw na ba siyang sinusundo at hinahatid ni Sylvan sa bahay niya? Simula noong nawalan siya ng malay sa site ay lagi na itong nakaalalay sa kanya.Muli niyang narinig ang sunod-sunod nitong katok kaya bumaba na siya.“Sandali...” hiyaw niya saka humagilap ng towel na maitatakip sa katawan. Nakapantulog lang kas
TINAPOS lang ni Eliana ang trabaho niya nang araw na iyon bago siya umuwi. Ayaw pa siyang pauwiin nina Mark at Pau dahil sa kondisyon niya na namamaga ang pisngi at putok ang gilid ng labi. Gusto ng mga ito na dalhin muna siya sa ospital ngunit siya na ang tumanggi.“Ice pack lang katapat nito at pahinga,” aniya nang pilitin siya ng mga ito na magtungo sa ospital.Habang papauwi siya ay ilang beses na tumawag sa kanya si Sylvan ngunit hindi niya sinasagot ang tawag nito dahil ayaw niya pa itong makausap mula nang malaman niyang may asawa na ito.Kumain lang siya ng hapunan at nakipagkwentuhan sa kanyang Mama ngunit tiniyak niya na hindi makikita ng mga ito ang kanyang mukha. Mabuti na lang hindi nakahalata ang kanyang ina. Pagkatapos nilang magkwentuhan ay hindi siya agad dinalaw ng antok kaya nilibang na lang niya ang sarili.Nanonood siya ng TV habang nasa pisngi ang isang ice pack para mabawasan ang pamamaga nito nang may marinig siyang katok sa pinto. Nang buksan niya ito ay hindi
HUMINTO ang kotse ni Sylvan sa tapat ng isa pang branch ng Adeu Red sa Maynila. She stopped the car as soon as Sylvan’s car halted. Humanap lang siya ng oarking space bago siya bumaba at nagtungo sa naghihintay na si Sylvan.“May ime-meet ba tayo dito?” Eliana scanned the place as they entered.Maraming tao ang abala sa kani-kanilang pagkain ngunit may isang tao siyang napansin na nakapako ang tingin sa kanya. Walang emosyon ngunit nasa kanya ang buong atensiyon ng ina ni Alvi.“Tita Louisse wants to talk to you,” Sylvan declaredSinamaan niya ng tingin si Sylvan dahil hindi kaagad nito sinabi na ime-meet nila ang ina ni Alvi. She glared at him but she didn’t do anything. She pursed her lips and took a deep breath.“You could’ve at least told me,” she hissed as they walked towards the woman. “Hindi pa gumagaling ang pisngi ko baka madagdagam ulit ang sakit.”“Hindi ka nila masasaktan, Eliana. I’ll make sure of that.” She felt safe upon hearing those words from Sylvan. He is her secur
MASAYA si Eliana na malamang hindi na galit sa kanya ang ina ni Alvi. Sapat na iyon para mapanatag siya tuwing makakasama niya ito sa tuwing may meeting sila para sa vacation house ng mga ito.Katulad na lamang ng mga sandaling nagkaroon ng problema sa site at kinailangan ang presensiya nila at ng kliyente.Nagkaroon ng pagbabago sa plano dahil nais ni Alvi na dagdagan ang mga silid sa vacation house. Mula sa 10 ay nais nitong dagdagan pa ng dalawang family room.“We can accommodate that.” Eliana said with confidence. “I can still put the family room here.”Tinuro niya ang isang bahagi ng floor plan ng vacation house na nakalatag sa mesa.“We can make an extension here but not sacrificing the exterior beauty of the vacation house. We can add another room here instead of a balcony. We can move the balcony on the west side of the house facing the view of sunset.” She watched Alvi’s reaction softened as he met her eyes. Muli niyang nakita ang dating Alvi na kalmado at maamo. She felt li
NILALARO ni Eliana ang susi ng kanyang kotse habang naghihintay ng paghinto ng malakas na ulan dulot ng bagyo. Maaga silang umuwi mula sa trabaho dahil sa bagyo ngunit hindi siya agad nakauwi dahil sa isang project proposal na kailangan niyang tapusin para sa isa nilang kliyente.It’s already past nine in the evening at sigurado siyang kanina pa tumatawag ang Mama niya sa kanya ngunit low battery na ang phone niya. She was waiting outside the firm when a gust of wind blew in her direction. Niyakap na lang niya ang sarili nang mabasa sa pagtama ng hangin na may kasamang tubig ulan.“Ma'am Eliana, hindi na po yata kayo makakauwi ngayong gabi. Baha na daw po sa sunod na barangay ayon po sa balita.” Pinakita sa kanya ng kanilang security guard ang pinapanood nitong balita.Ayon sa balita ay baha na nga sa kabilang barangay na madadaanan niya pauwi. Hindi na ito passable sa mga kotse at maliliit na sasakyan. “Naku, paano kaya ako nito makakauwi?” tanohg niya sa sarili.“May malapit po na
GABI na nang makarating sina Eliana sa kanilang bahay kung saan sinalubong sila ng kanyang magulang at mga kapatid.“Ate!” Agad siyang sinalubong ng yakap ng kanyang bunsong kapatid na si Elijah. “Kanina kanpa namin hinihintay.”Niyakap niya ng mahigpit ang kapatid. “Binata ka na, Elijah.”Parang kailan lang ay binibilhan niya pa ito ng mga laruan na pambata pero ngayon ay hindi na yata laruan ang gusto nito. Kasunod ng kapatid niya na yumakap sa kanya ang kanyang Mama at Papa.“Welcome back, Eli,” turan ng kanyang ina saka siya niyakap.“Namiss ko kayo ng sobra, Mama at Papa.” Niyakap niya ang mga magulang saka nagamano sa mga ito. “Mga kaibigan ko nga po pala.”“Magandang gabi po,” bati ng kanyang mga kasama na nakabuntot pala sa kanya.Muntik na niyang makalimutan ang kanyang mga kasama dahil sa sobrang pananabik sa pamilya.“Mga kaibigan ko nga po pala.” Pinakilala niya isa-isa ang mga kasama sa kanyang pamilya bago sila pumasok sa loob ng bahay. “Pangungunahan ko na kayo ha? Hind
HINDI sinasadya ni Sylvan na marinig ang pag-uusap ni Elian at ng ina nito sa cellphone. Lumabas siya sandali para bumili ng pagkain para sa kanilang hapunan. Mahaba ang naging tulog ni Eliana dala na rin ng pagod nito sa nangyari sa kanilang dalawa.Gigisingin na sana niya ito para maghapunan nang marinig niyang kausap nito sa cellphone ang ina nito. Pinakinggan niya ang usapan ng mga ito at doon niya nalaman na kaarawan pala ni Eliana sa susunod na araw.Nalaman din niya na gusto siya nitong isama kaya siguro ito nagtatanong kung busy siya sa nga susunod na araw. Sylvan felt guilty for saying that he’s busy.Hhininta niya na matapos ang pag-uusap ng mag-ina bago siya pumasok sa silid. Nadatnan niya si Eliana na nahihirapang tumayo kaya inalalayan niya ito.“Huwag ka muna tumayo kung hindi mo pa kaya,” aniya. Inalalayan niya itong makaupo na nakasandal sa headboard ng kama. “Dadalhan na lang kita ng pagkain dito.”“Thank you,” Eliana put down her phone on the night tavle. “Akala ko i
NAGISING si Eliana na masakit ang ulo at nilalamig. Nang tingnan niya ang sarili, namilog ang mata niya nang makitang wala siyang saplot at tanging kumot lang ang proteksyon niya sa katawan. Inalala niya ang nangyari ng nagdaang gabi. Ang natatandaan niya ay nagkukwentuhan sila ni Sylvan habang umiinom ng alak. Nalasing siya at... Natutop niya ang bibig nang maalala ang ginawang paghuhubad sa harap ni Sylvan at ang mga insecurities na sinabi niya rito. Nasabunutan niya ang sarili sa sobrang kahihiyan sa mga ginawa dahil sa impluwensiya ng alak. Kaya habang sinesermonan ang sarili ay dali-dali siyang naligo at nagbihis para hanapin si Sylvan. Nagising kasi siya na wala ito. Baka naturn off ito sa mga pinaggagawa niya. Wala ito sa sala at kusina nang bumaba siya pero nasa harap pa ng kanyang bahay ang Mercedes Maybach nito. Imposible naman na umalis ito at iniwan na sa kanya ang mamahalin nitong sasakyan. Sumilip siya sa labas ng bahay only to find the man she’s looking for, busy wi
ILANG minuto din na naghintay sa hapag kainan sina Eliana bago bumalik ang magkapatid na Ivan at Louisse mula sa seryosong pag-uusap nang mga ito. Madilim ang mukha nang mga ito nang humarap sa kanilang mga naroon.“This family dinner is just a waste of time,” pahayag ni Louisse saka tumingin sa kapatid nitong si Ivan. “Let’s go home and celebrate on our own.”Sinenyasan ni Louisse ang mga anak na sumunod sa kanya. Bagaman naguguluhan ay umahon sa kani-kanilang upuan ang magkakapatid na Alvi, Denisse at Denver kasama ang mga kapareha ng mga ito.“What happened, Tita?” Lakas loob na tanong ni Sylvia na pinigilan pa ang tiyahin na umalis. “Ano pong nangyari sa pag-uusap niyo ni Papa?”“Ang ama niyo na lang ang tanungin ninyo dahil mukhang siya ang may problema sa mga desisyon niya para sa pamilya ninyo. Ayokong madamay ang pamilya ko sa mga desisyon niya kaya kami na ang iiwas.” Louisse snapped at her brother before leaving.Nagpaalam lang ang magkakapatid sa kanila saka umalis ngunit b
HABANG ang lahat ay binabati sina Alvi at Sheeva, napansin naman niya na di mapakali si Sylvan at madilim ang mukha. Bakas ang pagkairita sa ekspresyon nito.“Okay ka lang?” tanong niya rito sa mahinang tinig.Sylvan impatiently tapped the table while clenching his jaw as he dealt with discomfort.“Someone’s rubbing their foot on my legs under the table.” Naiinis nitong turan. “I don’t want to ruin Alvi’s moment.”Keeping unnoticeable, she glanced under the table only to see a foot with a red nail polish in silvery sandals. Isa lang ang nakita niya na ganoon ang suot. She filled her chest with air and took the courage to speak up.“Mica, do you need something?” Lakas loob niyang tanong na pumukaw sa atensyon ng lahat.“Huh?” Gulat naman na tumingin si Mica sa kanya. Unayos ito ng upo at tarantang tumingin sa kanya. “No, I don’t need anything. Why?” Kita niya ang pagtahip ng dibdib nito sa kaba.“You kept on rubbing your foot on Sylvan’s legs, so I thought you might need something.” S
LULAN siya ng kotse ni Sylvan patungo sa mansion ng mga De Rueda para sa family dinner ng mga ito at kasama siya doon bilang girlfriend ni Sylvan. Hindi siya ready para sa mga ganoong bagay lalo na at nang araw lang din naman na ‘yon naging opisyal ang relasyon nila kahit pa nagtukaan na sila ng ilang beses. Pero makakatanggi ba naman siya kung ang ama na ni Sylvan ang nag-imbita sa kanya dahil nai-chika na kaagad ni Sheeva ang tungkol sa kanila ni Sylvan.Kaya heto ngayon siya, kinakabahan at hindi mapakali habang nasa biyahe patungo sa bahay ng mga De Rueda. Bumyahe pa talaga ang ama ni Sylvan mula sa Cebu para lang sa family dinner na ito kaya nakakahiya kung tatanggihan niya.PPakiramdam niya ay lalabas na sa dibdib niya ang kanyang puso sa lakas ng tibok nito at ang pawis niya ay parang may sariling aircon sa lamig. Ngayon lang siya nakaramdam ng ganitong kaba. Ganito ba talaga kapag meet the parents na ang level? Ang kaba niya ay nadagdagan ng inis nang sulyapan si Sylvan at n
NATIGILAN si Elaine sa ipinagtapat ni Sylvan. Maging si Noah ay nagulat at tumingin sa kanya upang makita ang kanyang reaksiyon.“You’re not surprised.” Elaine uttered in a cold voice. “Seems you already knew about it.”“Oo. Matagal ko nang alam at matagal ko na din alam na divorced na sila ng asawa niya.” Paliwanag niya sa kapatid.Tumango lamang ito saka bumalik sa pagsubo ng pagkain at hindi na nagsalita pa. Alam niyang hindi nagustuhan ni Elaine ang nalaman at ayaw nitong sirain ang araw na iyon kaya tumahimik na lang ito.Pagkatapos nilang mag-shopping at mamili nang mga gamit para sa kanilang mga kapatid ay kinausap siya ni Elaine. Iniwan sila nina Sylvan at Noah dahil pupunta ang mga ito sa wine store na nasa mall habang sila ay nasa isang cafe.“Ate, seryoso ka ba talaga kay Sylvan?” Inaasahan na niya ang tanong na iyon ng kapatid kaya alam na rin niya ang isasagot rito.“Matagal ko nang alam na may asawa siya at bago ko pa maramdaman ang nararamdaman ko ngayon para kay Sylva
HINATID sila ni Noah sa mall bago ito nagpaalam para sa umuwi. Nagpasalamat si Eliana kay Noah na ikinatuwa ng binata.“Salamat sa paghatid at pag-aalaga kay Elaine, Noah.” Sinamantala ni Eliana na may kausap sa cellphone ang kapatid para kausapin si Noah.“Elaine is a very special person to me, and I will risk my life for her.”Lihim na napahanga si Eliana sa sinabi nito ngunit hindi iyon sapat upang makuha ang buo niyang tiwala na hindi nito sasaktan ang kapatid.“I have no faith in words, Noah. I prefer actions,” aniya.“Elaine knew what I truly feel, Eliana. I respect her so much that I am willing to wait until you and the guy who was at your house last night have a label with your relationship.”Nanlaki ang mata niya sa sinabi ni Noah. Paano nito nalaman na may lalaki sa bahay niya kagabi?“How did you know?” she asked in amusement.Nangingiting sumulyap si Noah kay Elaine. “If I were you, I would remove the underwear of your man on your comfort room if you don’t want Elaine to f
TULAD nga ng sinabi ni Sylvan ay doon ito magpapalipas ng gabi sa bahay niya sa di niya malamang dahilan dahil may bahay at condo naman ito na pwedeng uwian.“Magpapalipas ka lang ng gabi pero bakit may backpack ka pa na dala?” Napansin niya ang bitbit nitong bag na sa hula niya ay mga personal na gamit nito.“Just in case kailangan kong mag-extend ng stay rito.” “Sylvan, hindi tayo maglive in partner. Kinaklaro ko lang sa ‘yo.” She’s against that idea lalo na pagdating sa side ng magulang niya. Kapag nalaman ito ng mga magulang ay baka itakwil na siya ng mga ito. Pinagtutulakan siya ng mga ito na magboyfriend pero hindi ang magkaroon ng live in partner.“I know, and it hurts me a lot.” Kunwari pa itong nasasaktan nang umupo sa couch.“Hindi ako nagbibiro, Sylvan. Baka malaman nina Mama na dito ka natutulog, malilintikan talaga tayong dalawa.”“Natulog ka na nga sa condo ko ‘di ba? Hindi naman sila nagalit.”“Hindi naman kasi nila alam na doon ako nagpalipas ng gabi.”Sylvan chortle