Share

Kabanata 3

Author: ayelway22
last update Last Updated: 2023-08-13 00:37:09

ALAS kwatro na ng hapon kaya medyo busy na ang kalsada nang lumabas sila. Karamihan ng mga tao ay papauwi na galing trabaho ganoon din ang mga estudyante sa paaralan. Dumiretso si Sylvan sa parking area sa harap ng firm kung saan nakapark ang kotse nito. Iba talaga kapag kamag-anak ng boss. Samantalang siya ay sa basement pa ang diretso dahil doon nakapark ang kotse ng mga empleyado.

“Kunin ko lang ang kotse ko sa basement.” Paalam niya rito ngunit sa halip na magsalita ay binuksan nito ang pinto sa passenger seat ng kotse nito.

“Isang sasakyan na lang tayo para hindi mahirap sa pagtravel. Rush hour na kaya mas mahirap kapag dalawang sasakyan pa tayo. Antipolo lang naman site.” wika nito habang hinihintay siyang kumilos.

“Paano ang kotse ko? Paano ako uuwi mamaya at paano ako papasok bukas?”

Sylvan gave her a blank stare. “Get in, Eliana. You’re wasting our time.”

Padabog siyang naglakad at sumakay sa kotse nito. Pagkaupo niya ay agad niyang naamoy ang pabango ni Sylvan sa loob ng kotse. Alam niyang pabango nito ang naamoy niya dahil naamoy niya ito kanina noong nasa pantry sila. Mas lalo niyang naamoy ang pabango ji Sylvan namg sumakay ito sa driver’s seat.

Hindi niya maikakaila na nakaka-turn on ang amoy ng pabango nito. Hindi masakit sa ilong at parang natural lang ang amoy.

“Medyo traffic na kaya baka abutin ng 30 minutes ang biyahe natin.” Anunsiyo nito saka pinaandar ang kotse at nagmaniobra.

“Sige.” Tangi niyang sagot at tinuon ang pansin sa kanilang dinadaanan.

Ang totoo ay iniisip niya kung paano siya uuwi mamaya at kung paano siya papasok bukas. Nasa firm ang kanyang kotse at hindi niya alam kung ihahatid ba siya ni Sylvan mamaya pabalik sa firm o magcocommute siya. Imposibleng ihatid siya pabalik ng lalaki dahil hindi naman siya nito responsibilidad. Pero sa kabilang banda ay ito ang may kasalanan kung bakit naiwan ang kotse niya.

Habang nagtatalo ang kanyang isipan ay nakaramdam siya ng pagkalam ng sikmura. Hindi pa nga pala siya nakakapagmeryenda. At sa mga ganitong pagkakataon ay hindi niya dapat pinapabayaan ang sarili.

“Sylvan, pakihinto ng kotse sa tapat ng coffee shop na ‘yon,” turo niya sa coffee shop na madadaanan nila.

“Huwag mo akong utusan. Hindi mo ako driver.” Pagsusuplado nito.

“Sinabi ko bang driver kita? Kaya nga Sylvan tawag ko ‘di ba? Ihinto mo na lang para walang away. Nagugutom na ako,” aniya na hindi na pinansin ang pagsama ng tingin ng lalaki sa kanya.

Hininto din naman nito ang kotse ngunit bago siya bumaba ay may sinabi ito na kinainis niya.

“Kapag hindi ka nakabalik sa loob ng limang minuto ay iiwan na kita. Bahala ka nang pumunta sa site mag-isa.” Sinamaan niya ito ng tingin pero tinapunan lang siya nito ng blangkong ekspresyon.

Suplado! Mabilis siyang bumaba ng kotse at nagmamadaling pumasok sa coffee shop. Hindi na siya umorder ng kape dahil aabutin pa ‘yon ng Pasko. Bumili na lang siya ng tinapay at tubig. Muntik niya pa awayin ang cashier dahil ang bagal kumilos.

Panay ang lingon niya sa labas ng shop at sa kanyang suot na relo. Baka nga totohanin ng lokong ‘yon ang sinabi nito. Kaya naman niyang magcommute papuntang Antipolo pero nakakapagod ‘yon kaya pagtiyatiyagaan na niyang makasama ang supladong pinsan ng boss niya.

Lakad-takbo ang ginawa niya para makabalik agad sa kotse ni Sylvan. Pagkasakay niya ay pinasibad kaagad nito ang sasakyan dahilan para mahulog ang bote ng tubig na hawak niya.

“Taeng-tae ka na ba? Nagmamadali ka eh!” Naiinis niyang wika saka kinuha ang bote ng tubig sa sahig ng kotse. Kinailangan niya pang yumuko para mahanap kung saan tumilapon ang bote. Nakita niya ito sa may paa ni Sylvan. Tumingin siya rito para tingnan kung aware itong nasa gitna ng dalawa nitong paa ang tubig niya.

Nang mapansing seryoso ito sa pagmamaneho st hindi nakatingin sa kanya ay lakas loob siyang yumuko at kinuha ang bote sa pagitan ng mga paa nito. Hindi sinasadyang lumapat ang braso niya sa binti nito ganoon din ang ulo niya sa bandang baba nito. Alam niyang napaka-awkward ng kanilang posisyon at parang may sariling buhay ang bote ng tubig dahil mas lalo pa itong lumayo.

“Sylvan, pwede bang iusog mo ng kaunti ang binti ko. Hindi ko maabot—ay!” Napatili siya nang biglang apakan nito ang preno dahilan para mapasubsob siya sa dashboard ng kotse.

Bumalik siya sa pagkakaupo na nakasapo sa kanyang noo na tumama sa dashboard. Sinamaan niya ng tingin ang lalaki. Ang sama talaga ng ugali.

Kinuha nito ang bote ng tubig sa may paahan nito at binigay sa kanya. “Here!”

“Salamat!” pasigaw niyang wika saka bumaling sa kabilang direksiyon. Naiinis siya rito.

Kanina pa ito mainit ang dugo sa kanya. Kung gaano kabait ang boss Denisse niya ay siya namang sama ng ugali ng pinsan nito.

“Pwede mo naman kasing ipaabot sa akin ‘yong tubig,” paliwanag pa nito pero hindi niya pinansin.

Kumain siya ng tinapay para kahit papaano ay mawala ang sama ng loob. Hindi na siya umimik pa pagkatapos niyang kumain dahil sa totoo lang naiinis siya sa tuwing magsasalita ang lalaki. Pakiramdam niya ay wala siyang masasabing tama kapag ito ang kausap. Laging ito ang tama at hindi ito magpapatalo.

“Malapit na tayo,” anunsiyo nito.

Tumango lang siya at nanatiling tahimik. Nilaro na lang niya ang hawak na lapis at gumuhit ng kung anu-ano sa kanyang sketch pad. Ginuhit niya ang mga puno na pinapanood niya kung paano nila nilalampasan.

Naexcite at napangiti siya nang makita ang papalubog na araw sa pagitan ng mga puno na kanilang nadadaanan.

“Sylvan, meron ba ditong lugar na pwede nating panoorin ang sunset?” Hindi maalis ang tingin niya sa papalubog na araw kaya hindi niya nakita ang pagtaas ng sulok ng labi ng lalaki.

“Mas makikita mo ang sunset sa site na pupuntahan natin.”

Para siyang bata na agad na niligpit ang mga gamit dahil may magandang lugar na pupuntahan. Tinahak ng kotse ang isang daan na nilinisan para maging mahawan ang lugar. Nakatitiyak siyang nasa sita na sila.

Pagkahinto ng kotse ay agad siyang bumaba dahil tulad ng sinabi ni Sylvan, tanaw na tanaw nga sa lugar ang paglubog ng araw.

“Wow,” bulaslas niya habang yakap ang kanyang sketch pad. “Tingnan mo, ang ganda ng sunset dito.”

Hinila niya ang kamay ni Sylvan na nakasiksik sa bulsa nito patungo sa kinatatayuan niya para ipakita rito ang paglubog ng araw.

“Ang ganda ‘di ba?” Nakatuon ang pansin niya sa paglubog ng araw na hindi niya napansin na sa kanya nakatuon ang mga mata ni Sylvan.

“Yes, it’s beautiful,” tugon nag binata na may ngiti sa labi saka pinagmasdan ang paglubog ng araw.

“Nakagagaan ng pakiramdam na makita ‘yong unti-unting paglubog ng araw,” Eliana uttered, her eyes fixed on the breath-taking view before her.

“I agree. Parang dinadala niya sa paglubog ang lahat ng problema na dala mo.”

“Mahilig ka rin manood ng sunset?” usisa ni Eliana.

Kapwa sila nakatingin sa pagtago ng araw sa likod ng mga bundok at mga puno. Ang mga ngiti sa mga labi nito ay nagpapakita ng kasiyahan na di mapapantayan ng mga sandaling iyon.

“I like the feeling of watching the sun slowly fades into the horizon.”

“Fade? Hindi naman naglalaho ang araw sa tuwing lumulubog ito.”

Sylvan looked at the woman beside him with pure disbelief in his face. Alam naman niyang hindi nawawala ang araw. Hindi siya bobo sa science para di malaman ang bagay na ‘yon.

“Nagpapahinga lang siya dahil may ibang nangangailangan sa kanya sa ibang panig ng ating mundo.” Pagpapatuloy pa nito.

Gusto niya itong pektusan dahil pinagmumukha siya nitong hindi alam ang bagay na iyon ngunit nang makita na seryoso itong nakatingin sa magandang tanawin ay naisip na lang niyang may malalim na kwento sa likod ng mga sinasabi nito.

“Opacarophile.”

“Huh?” Nilingon siya ng dalaga na nagtatanong ang mga mata.

“A person who loves sunset is an opacarophile,” he explained.

“Ngayon ko lang narinig ‘yon.” Amazed na wika ni Eliana. “Ano nga ulit ‘yon? Opa... Opaca.”

Sylvan chuckled as Eliana struggled to utter the word. “Opacarophile,” pag-uulit niya.

“Opaca...rophile. Now, I know.” Eliana giggled in happiness when she successfully uttered the word that best describes her. “Opacarophile ka din ba?” tanong ni Eliana sa binata.

Unti-unti nang dumidilim ang paligid dahil lumubog na ang araw ngunit sapat pa rin ang liwanag para makita niya ang mukha ng binata. Ngayon niya lang ito natitigan ng matagal at hindi maikakaila ang kagwapuhan nitong taglay. Idagdag pa ang matipuno nitong katawan na tiyak niyang bunga ng regular nitong pag-eehersisyo.

“I like sun sets because of the relaxing feeling it gives me. Hindi lang pagsikat ng araw ang sumisimbolo ng bagong simula para sa akin. Sunset gives me chances everyday to make it better the next day. I like watching the sunset over the sea,” Sylvan cleared his throat when Eliana moved closer to his side. The close distance between them distracted him. “What are you doing?”

“Making myself safe.” Mas lalong sumiksik si Eliana sa tagiliran ng binata. May narinig kasi siyang kaluskos sa bandang kanan niya kaya dumikit siya kay Sylvan para kung sakali mang may humila sa kanya ay makakahawak kaagad siya sa binata.

Unti-unti nang dumidilim at nasa medyo liblib silang lugar sa isang bayan sa Antipolo. Hindi siya pamilyar sa lugar kaya natatakot siya. Hindi alam ni Eliana kung anong mga hayop ba ang nasa paligid nila o baka may masasamang tao na pagdiskitahan sila.

“Safe from what?” Naguguluhang tanong ni Sylvan sa dalaga.

“From whatsoever is around us. May kumakaluskos sa banda doon.” Tinuro ni Eliana ang dakong kanan niya kung saan niya narinig ang kaluskos. May matatas na damo pa sa lugar na ‘yon kaya di niya alam kung anobg meron doon.

“Ganyan ka ba kapag bumibisita sa site?” May panunudyo sa tanong ni Sylvan.

Agad namang dinepensahan ni Eliana ang sarili. “Ngayon lang ako bumisita sa site ng gabi, Sylvan. Hindi ako inoobliga ng mga nakakasama kong engineer na bumisita sa site nang gabi.”

“So clearly, this is your first.” May pagmamalaking pahayag ni Sylvan.

“Oo. Dapat may overtime pay ito.”

“Don’t worry, sasabihin ko kay Denisse na bigyan ka ng extra pay dahil dito.” Binalingan ni Sylvan ang tinutukoy ni Eliana na pinanggalingan ng kaluskos. “Baka ‘yong mga trabahador lang ‘yong narinig mo kanina.”

“Stay-in ba sila dito?”

“Oo, magsisimula na kasi ang construction ng vacation house. Sa pagkakaalam ko ay may barracks sila sa di kalayuan.”

“Bakit ito ang napili ninyong site para sa vacation house? May sentimental value ba ang lugar na ito sa family niyo?” Nang sabihin ni Sylvan na may mga trabahador na naroon ay nawala ang takot niya sa lugar.

Nagkaroon siya ng lakas ng loob ng suriin ang lugar. Napakalawak ng lupa na ‘yon. It was a 30 hectare land situated at a higher elevation near the mountain. Nasa mataas na lugar ang lupa kaya tanaw din sa lugar ang city lights pagsapit ng gabi. A perfect view for someone who wants a quiet and peaceful life away from the noisy life in the city.

“Ito ang unang lupa na nabili ni Papa noong magtagumpay ang kompanya nila ni Tita Louisse. Mahalaga ito sa kanila at gusto nila na dito magtitipon-tipon ang aming mga pamilya sa tuwing may okasyon. Kaya gusto nila na maging maayos ang construction ng kanilang DREAM house.”

Sa tuwing naaalala ni Sylvan ang mga pinagdaanan ng kanyang ama para magkaroon sila ng maayos na buhay ay hindi niya mapigilan ang maging proud sa ama.

Mula sa pagiging isang simpleng tagaluto sa karinderya ay naglakas loob ang ama niya magtayo ng sarili nitong kainan. Isang maliit na restaurant ang sinimulan ng kanyang ama at sa tulong ng kanyang Tita Louisse na dating OFW ay napalago niya ito. Hanggang sa makilala sa merkado ang mga luto ng kanyang ama at makapagpatayo ng branch ng kanyang restaurant sa ibang lugar.

Mas nakilala ang restaurant at luto ng kanyang ama hanggang sa pasukin ng ama niya ang paggawa ng mga food products. And that was the start of Adeu Red Food Products at ang Adeu Red Hotel and Restaurants na mayroong branches sa iba’t ibang panig ng bansa. And soon they will have international branches of Adeu Red while the Adeu Red Food Products were already in export to some countries in Asia.

Masasabi niyang yumaman ang kanyang ama dahil sa sipag at diskarte nito sinamahan pa ng suporta ng kanyang Tita Louisse.

“Sylvan?”

Napukaw ng pagkumpas ni Eliana ang diwa ni Sylvan na ilang minuto nang nakatitig sa kawalan dahil sa pagbabalik tanaw sa buhay ng ama nito.

“Bigla kang natahimik.”

“May naalala lang ako,” pag-amin niya sa dalaga.

“Huwag kang mag-alala, sinisiguro ko sa iyo na magiging maganda ang vacation house niyo rito.” Kompiyansang wika ni Eliana.

“I know kaya nga ikaw ang pinili ni Denisse na maging interior architect ng project.”

“Nakakapresure nga eh.”

“Don’t be. We are a team here.” Ngumiti si Sylvan para gumaan ang pakiramdam ni Eliana at hindi ito mapressure sa gagawin nilang project.

Hindi niya alam kung makakatulong ang pagngiti pero ano bang malay niya.

“O-Oo, team tayo.” Nauutal na wika ni Eliana dahil nadistract ito sa pagngiti ni Sylvan na noon lamang jito ginawa mula nang makasalamuha niya ito sa pantry.

Sylvan looked around and noticed that it’s getting really dark. Nang sulyapan niya ang orasan ay mag-aalas siyete na nang gabi.

“We’d better go. It’s getting late,” yaya ni Sylvan sa dalaga.

Simulyap din si Eliana sa suot nitong wrist watch at sumang-ayon kay Sylvan. “Pakibaba na lang ako sa sakayan pabalik sa firm. Kukunin ko pa kasi ang kotse ko doon.”

“Ihahatid na kita.”

Nagulat si Eliana sa pagpresinta ni Sylvan na ihatid siya. Teka, saan ba siya nito ihahatid? Sa sakayan? Sa firm? O sa bahay?

“Ha?” Kunwari ay hindi narinig ni Eliana ang sinabi ni Sylvan para makasiguro kung saan ba siya nito ihahatid.

“Ihahatid na kita, ang sabi ko,” pag-uulit naman ng binata na tila masama pa ang loob dahil inulit nito ang sinabi.

“Naku, ‘wag na. Kaya ko naman bumyahe.” Tanggi ni Eliana kahit deep inside ay nagbubunyi siya dahil ihahatid siya nito.

Bahala na kung saan siya ihatid. Ang mahalaga ay ihahatid siya nito.

“I insist. Get in the car, Eliana. Ihahatid kita.”

Sylvan pressed the car key making the car alarm sound. Binuksan pa nito ang pinto para sa kanya.

“Salamat,” aniya saka sumakay sa kotse.

Nang makasakay si Sylvan sa driver’s seat ay inilagay nito sa GPS ng kotse ang address ni Eliana. Hindi ito napansin ng dalaga dahil may tumawag sa cellphone nito at kung hindi siya nagkakamali ay lalaki ang tumawag. Boyfriend siguro ni Eliana.

Nagmaneho na lamang siya upang maihatid si Eliana na abala sa pagpapaliwanag sa kausap nito sa cellphone. Pinapaliwanag nito kubg bakit nasa labas pa din ito nang ganoong oras ng gabi.

Related chapters

  • When the Sun Meets the Horizon   Kabanata 4

    4 KINABAHAN si Eliana nang tumawag ang Papa niya pagkasakay niya ng kotse ni Sylvan. Ganoong oras kasi tumatawag ang mga magulang niya dahil alam ng mga ito na nasa bahay na siya nang ganoong oras. But this time, wala pa siya sa bahay at sigurado siyang maraming itatanong ang mga ito. Video call ang tawag ng ama kaya agad nitong nakita na nasa loob siya ng kotse at wala sa bahay na inuupahan niya. “Hindi ka pa nakakauwi, ‘nak?” tanong ng kanyang Papa Leandro. Inilayo niya ang cellphone kay Sylvan upang hindi ito makita ng ama. “Hindi pa po. Pauwi pa lang po ako.” “Nasaan ka?” singit ng kanyang Mama Edna. Bakas ang pag-aalala sa mukha nito. “Sinong kasama mo?” “Binisita lang po namin ang site para sa project na gagawin namin. Kasama ko po ang engineer namin kaya ‘wag po kayong mag-alala.” Sinulyapan niya si Sylvan na seryosong nagmamaneho. The toned muscles on his arms were flexing every time he steers the wheel. Nakikita niya ang kalakihan ng muscle nito dahil sa suot nitong pol

    Last Updated : 2023-08-15
  • When the Sun Meets the Horizon   Kabanata 5

    PAGKAPASOK nila sa restaurant ay nabigla pa si Eliana nang may agad na sumalubong sa kanila na staff. Tuwing umoorder kasi siya sa restaurant na iyon ay sa online platform lang at delivered pa kadalasan kaya hindi siya nakakapasok minsan sa restaurant na iyon.Noong isang beses na nakapasok siya sa restaurant ay umorder lang siya sa counter ng take out special pork sisig worth 1, 399. That time ay tulad lang siya ng mga ordinaryong customer na pinaglingkuran ng cashier. But with Sylvan now, she felt like they were a VIP guest in the restaurant.Dinala sila ng staff sa isang table for VIP. Kakain lang naman sila ng dinner pero naka-VIP treatment pa.“Sylvan, magte-take out na lang ako ng dinner ko. Alam mo bang mahal ang mga dishes dito?” bulong niya sa kasama nang makaupo sila.Paborito niya ang restaurant na ‘yon kaya alam niyan may kamahalan ang mga pagkain doon. Ang inoorder niya lang kasi sa restaurant na ‘yon ay ang paborito niyang special pork sisig na ang presyo ay katumbas na

    Last Updated : 2023-08-16
  • When the Sun Meets the Horizon   Kabanata 6

    ABALA sa kani-kanilang mga trabaho ang team ni Eliana nang araw na iyon. Nagsama-sama na sila sa kanilang work area para madali ang kanilang pagpaplano. Maging si Sylvan ay abala din dahil bawat aspeto ng project ay pinag-uusapan nilang mabuti ni Eliana. Natapos ang araw na iyon na lahat sila ay subsob sa trabaho ngunit natapos naman nila ang floor plan ng vacation house. May iba pang dapat gawin ngunit nakausad naman na sila. By next week magsisimula na sila sa construction kaya dapat matapos nila ang lahat ng kailangan para sa construction.Katulad ng kanyang nakasanayan bago umuwi, pinanood niya ang paglubog ng araw sa tabing dagat. Kukang ang araw niya kapag hindi nagagawa iyon pero nang araw na iyon ay hindi nakisama ang panahon dahil makulimlim at hindi matanaw ang araw sa kalangitan. Kaya bagsak ang balikat niyang umuwi.Pag-uwi ni Eliana ay kumain lang siya ng take-out na binili niya sa isang food chain na nadaanan niya pauwi. Wala pa siyang extra money para sa special sisig n

    Last Updated : 2023-08-20
  • When the Sun Meets the Horizon   Kabanata 7

    NAGISING si Eliana na mabigat ang pakiramdam at masakit ang ulo. Pagmulat niya ay agad siyang napakunot ng noo dahil hindi pamilyar sa kanya ang silid na kinaroroonan. Sigurado siysng wala siya sa ospital dahil hindi naman kulay abo ang pintura ng mga hospital. Nilibot niya ang paningin ngunit kahit anong gawin niya ay hindi niya makilala ang silid maging ang kama na kinahihigaan.Napadako ang kanyang tingin sa couch na nasa tapat ng kama na kinahihigaan at nakita niya ang nakahiga na si Sylvan. Nakatakip ang braso nito sa mga mata at ang manggas ng damit nito ay nakalilis hanggang siko. He looks so tired.“Sylvan,” pukaw niya rito na agad na tumunghay nang marinig ang boses niya. “Anong nangyari?” tanong niya rito.“Hinimatay ka kanina. Kumusta ang pakiramdam mo?” Nag-aalala nitong tanong saka bumangon at pinagsalin siya ng tubig sa baso.Nang makita niya ang tubig ay nakaramdam siya ng uhaw kaya kinuha niya iyon at uminom. Habang umiinom ay naalala niya ang ground breaking ceremony

    Last Updated : 2023-08-21
  • When the Sun Meets the Horizon   Kabanata 7

    NAGISING si Eliana na mabigat ang pakiramdam at masakit ang ulo. Pagmulat niya ay agad siyang napakunot ng noo dahil hindi pamilyar sa kanya ang silid na kinaroroonan. Sigurado siysng wala siya sa ospital dahil hindi naman kulay abo ang pintura ng mga hospital. Nilibot niya ang paningin ngunit kahit anong gawin niya ay hindi niya makilala ang silid maging ang kama na kinahihigaan.Napadako ang kanyang tingin sa couch na nasa tapat ng kama na kinahihigaan at nakita niya ang nakahiga na si Sylvan. Nakatakip ang braso nito sa mga mata at ang manggas ng damit nito ay nakalilis hanggang siko. He looks so tired.“Sylvan,” pukaw niya rito na agad na tumunghay nang marinig ang boses niya. “Anong nangyari?” tanong niya rito.“Hinimatay ka kanina. Kumusta ang pakiramdam mo?” Nag-aalala nitong tanong saka bumangon at pinagsalin siya ng tubig sa baso.Nang makita niya ang tubig ay nakaramdam siya ng uhaw kaya kinuha niya iyon at uminom. Habang umiinom ay naalala niya ang ground breaking ceremony

    Last Updated : 2023-08-21
  • When the Sun Meets the Horizon   Kabanata 8

    NAPABALIKWAS ng bangon si Eliana nang umagang iton dahil sa sunod-sunod na katok sa pinto ng kanyang bahay. Naiinis na sinulyapan niya ang orasan na nakasabit sa kulay abo na dingding na kanyang kwarto. Halos mapatalon na lang siya sa kama nang makita na pasado alas syete na nang umaga. Alas otso ang pasok niya sa firm at sigurado siyang kukulangin siya sa oras sa paghahanda pa lang.Muli niyang narinig ang sunod-sunod na katok sa pinto at nang magtungo siya sa bintana para silipin kung tama ang hinala niya kung sino ang kumakatok ay napangiti na lang siya. Nasa ikalawang palapag ang kwarto niya at mula roon ay tanaw niya ang kotse nitong nakapark sa tapat ng gate niya.Ilang araw na ba siyang sinusundo at hinahatid ni Sylvan sa bahay niya? Simula noong nawalan siya ng malay sa site ay lagi na itong nakaalalay sa kanya.Muli niyang narinig ang sunod-sunod nitong katok kaya bumaba na siya.“Sandali...” hiyaw niya saka humagilap ng towel na maitatakip sa katawan. Nakapantulog lang kas

    Last Updated : 2023-08-23
  • When the Sun Meets the Horizon   Kabanata 9

    TINAPOS lang ni Eliana ang trabaho niya nang araw na iyon bago siya umuwi. Ayaw pa siyang pauwiin nina Mark at Pau dahil sa kondisyon niya na namamaga ang pisngi at putok ang gilid ng labi. Gusto ng mga ito na dalhin muna siya sa ospital ngunit siya na ang tumanggi.“Ice pack lang katapat nito at pahinga,” aniya nang pilitin siya ng mga ito na magtungo sa ospital.Habang papauwi siya ay ilang beses na tumawag sa kanya si Sylvan ngunit hindi niya sinasagot ang tawag nito dahil ayaw niya pa itong makausap mula nang malaman niyang may asawa na ito.Kumain lang siya ng hapunan at nakipagkwentuhan sa kanyang Mama ngunit tiniyak niya na hindi makikita ng mga ito ang kanyang mukha. Mabuti na lang hindi nakahalata ang kanyang ina. Pagkatapos nilang magkwentuhan ay hindi siya agad dinalaw ng antok kaya nilibang na lang niya ang sarili.Nanonood siya ng TV habang nasa pisngi ang isang ice pack para mabawasan ang pamamaga nito nang may marinig siyang katok sa pinto. Nang buksan niya ito ay hindi

    Last Updated : 2023-08-25
  • When the Sun Meets the Horizon   Kabanata 10

    HUMINTO ang kotse ni Sylvan sa tapat ng isa pang branch ng Adeu Red sa Maynila. She stopped the car as soon as Sylvan’s car halted. Humanap lang siya ng oarking space bago siya bumaba at nagtungo sa naghihintay na si Sylvan.“May ime-meet ba tayo dito?” Eliana scanned the place as they entered.Maraming tao ang abala sa kani-kanilang pagkain ngunit may isang tao siyang napansin na nakapako ang tingin sa kanya. Walang emosyon ngunit nasa kanya ang buong atensiyon ng ina ni Alvi.“Tita Louisse wants to talk to you,” Sylvan declaredSinamaan niya ng tingin si Sylvan dahil hindi kaagad nito sinabi na ime-meet nila ang ina ni Alvi. She glared at him but she didn’t do anything. She pursed her lips and took a deep breath.“You could’ve at least told me,” she hissed as they walked towards the woman. “Hindi pa gumagaling ang pisngi ko baka madagdagam ulit ang sakit.”“Hindi ka nila masasaktan, Eliana. I’ll make sure of that.” She felt safe upon hearing those words from Sylvan. He is her secur

    Last Updated : 2023-08-27

Latest chapter

  • When the Sun Meets the Horizon   Kabanata 23

    GABI na nang makarating sina Eliana sa kanilang bahay kung saan sinalubong sila ng kanyang magulang at mga kapatid.“Ate!” Agad siyang sinalubong ng yakap ng kanyang bunsong kapatid na si Elijah. “Kanina kanpa namin hinihintay.”Niyakap niya ng mahigpit ang kapatid. “Binata ka na, Elijah.”Parang kailan lang ay binibilhan niya pa ito ng mga laruan na pambata pero ngayon ay hindi na yata laruan ang gusto nito. Kasunod ng kapatid niya na yumakap sa kanya ang kanyang Mama at Papa.“Welcome back, Eli,” turan ng kanyang ina saka siya niyakap.“Namiss ko kayo ng sobra, Mama at Papa.” Niyakap niya ang mga magulang saka nagamano sa mga ito. “Mga kaibigan ko nga po pala.”“Magandang gabi po,” bati ng kanyang mga kasama na nakabuntot pala sa kanya.Muntik na niyang makalimutan ang kanyang mga kasama dahil sa sobrang pananabik sa pamilya.“Mga kaibigan ko nga po pala.” Pinakilala niya isa-isa ang mga kasama sa kanyang pamilya bago sila pumasok sa loob ng bahay. “Pangungunahan ko na kayo ha? Hind

  • When the Sun Meets the Horizon   Kabanata 22

    HINDI sinasadya ni Sylvan na marinig ang pag-uusap ni Elian at ng ina nito sa cellphone. Lumabas siya sandali para bumili ng pagkain para sa kanilang hapunan. Mahaba ang naging tulog ni Eliana dala na rin ng pagod nito sa nangyari sa kanilang dalawa.Gigisingin na sana niya ito para maghapunan nang marinig niyang kausap nito sa cellphone ang ina nito. Pinakinggan niya ang usapan ng mga ito at doon niya nalaman na kaarawan pala ni Eliana sa susunod na araw.Nalaman din niya na gusto siya nitong isama kaya siguro ito nagtatanong kung busy siya sa nga susunod na araw. Sylvan felt guilty for saying that he’s busy.Hhininta niya na matapos ang pag-uusap ng mag-ina bago siya pumasok sa silid. Nadatnan niya si Eliana na nahihirapang tumayo kaya inalalayan niya ito.“Huwag ka muna tumayo kung hindi mo pa kaya,” aniya. Inalalayan niya itong makaupo na nakasandal sa headboard ng kama. “Dadalhan na lang kita ng pagkain dito.”“Thank you,” Eliana put down her phone on the night tavle. “Akala ko i

  • When the Sun Meets the Horizon   Kabanata 21

    NAGISING si Eliana na masakit ang ulo at nilalamig. Nang tingnan niya ang sarili, namilog ang mata niya nang makitang wala siyang saplot at tanging kumot lang ang proteksyon niya sa katawan. Inalala niya ang nangyari ng nagdaang gabi. Ang natatandaan niya ay nagkukwentuhan sila ni Sylvan habang umiinom ng alak. Nalasing siya at... Natutop niya ang bibig nang maalala ang ginawang paghuhubad sa harap ni Sylvan at ang mga insecurities na sinabi niya rito. Nasabunutan niya ang sarili sa sobrang kahihiyan sa mga ginawa dahil sa impluwensiya ng alak. Kaya habang sinesermonan ang sarili ay dali-dali siyang naligo at nagbihis para hanapin si Sylvan. Nagising kasi siya na wala ito. Baka naturn off ito sa mga pinaggagawa niya. Wala ito sa sala at kusina nang bumaba siya pero nasa harap pa ng kanyang bahay ang Mercedes Maybach nito. Imposible naman na umalis ito at iniwan na sa kanya ang mamahalin nitong sasakyan. Sumilip siya sa labas ng bahay only to find the man she’s looking for, busy wi

  • When the Sun Meets the Horizon   Kabanata 20

    ILANG minuto din na naghintay sa hapag kainan sina Eliana bago bumalik ang magkapatid na Ivan at Louisse mula sa seryosong pag-uusap nang mga ito. Madilim ang mukha nang mga ito nang humarap sa kanilang mga naroon.“This family dinner is just a waste of time,” pahayag ni Louisse saka tumingin sa kapatid nitong si Ivan. “Let’s go home and celebrate on our own.”Sinenyasan ni Louisse ang mga anak na sumunod sa kanya. Bagaman naguguluhan ay umahon sa kani-kanilang upuan ang magkakapatid na Alvi, Denisse at Denver kasama ang mga kapareha ng mga ito.“What happened, Tita?” Lakas loob na tanong ni Sylvia na pinigilan pa ang tiyahin na umalis. “Ano pong nangyari sa pag-uusap niyo ni Papa?”“Ang ama niyo na lang ang tanungin ninyo dahil mukhang siya ang may problema sa mga desisyon niya para sa pamilya ninyo. Ayokong madamay ang pamilya ko sa mga desisyon niya kaya kami na ang iiwas.” Louisse snapped at her brother before leaving.Nagpaalam lang ang magkakapatid sa kanila saka umalis ngunit b

  • When the Sun Meets the Horizon   Kabanata 19

    HABANG ang lahat ay binabati sina Alvi at Sheeva, napansin naman niya na di mapakali si Sylvan at madilim ang mukha. Bakas ang pagkairita sa ekspresyon nito.“Okay ka lang?” tanong niya rito sa mahinang tinig.Sylvan impatiently tapped the table while clenching his jaw as he dealt with discomfort.“Someone’s rubbing their foot on my legs under the table.” Naiinis nitong turan. “I don’t want to ruin Alvi’s moment.”Keeping unnoticeable, she glanced under the table only to see a foot with a red nail polish in silvery sandals. Isa lang ang nakita niya na ganoon ang suot. She filled her chest with air and took the courage to speak up.“Mica, do you need something?” Lakas loob niyang tanong na pumukaw sa atensyon ng lahat.“Huh?” Gulat naman na tumingin si Mica sa kanya. Unayos ito ng upo at tarantang tumingin sa kanya. “No, I don’t need anything. Why?” Kita niya ang pagtahip ng dibdib nito sa kaba.“You kept on rubbing your foot on Sylvan’s legs, so I thought you might need something.” S

  • When the Sun Meets the Horizon   Kabanata 18

    LULAN siya ng kotse ni Sylvan patungo sa mansion ng mga De Rueda para sa family dinner ng mga ito at kasama siya doon bilang girlfriend ni Sylvan. Hindi siya ready para sa mga ganoong bagay lalo na at nang araw lang din naman na ‘yon naging opisyal ang relasyon nila kahit pa nagtukaan na sila ng ilang beses. Pero makakatanggi ba naman siya kung ang ama na ni Sylvan ang nag-imbita sa kanya dahil nai-chika na kaagad ni Sheeva ang tungkol sa kanila ni Sylvan.Kaya heto ngayon siya, kinakabahan at hindi mapakali habang nasa biyahe patungo sa bahay ng mga De Rueda. Bumyahe pa talaga ang ama ni Sylvan mula sa Cebu para lang sa family dinner na ito kaya nakakahiya kung tatanggihan niya.PPakiramdam niya ay lalabas na sa dibdib niya ang kanyang puso sa lakas ng tibok nito at ang pawis niya ay parang may sariling aircon sa lamig. Ngayon lang siya nakaramdam ng ganitong kaba. Ganito ba talaga kapag meet the parents na ang level? Ang kaba niya ay nadagdagan ng inis nang sulyapan si Sylvan at n

  • When the Sun Meets the Horizon   Kabanata 17

    NATIGILAN si Elaine sa ipinagtapat ni Sylvan. Maging si Noah ay nagulat at tumingin sa kanya upang makita ang kanyang reaksiyon.“You’re not surprised.” Elaine uttered in a cold voice. “Seems you already knew about it.”“Oo. Matagal ko nang alam at matagal ko na din alam na divorced na sila ng asawa niya.” Paliwanag niya sa kapatid.Tumango lamang ito saka bumalik sa pagsubo ng pagkain at hindi na nagsalita pa. Alam niyang hindi nagustuhan ni Elaine ang nalaman at ayaw nitong sirain ang araw na iyon kaya tumahimik na lang ito.Pagkatapos nilang mag-shopping at mamili nang mga gamit para sa kanilang mga kapatid ay kinausap siya ni Elaine. Iniwan sila nina Sylvan at Noah dahil pupunta ang mga ito sa wine store na nasa mall habang sila ay nasa isang cafe.“Ate, seryoso ka ba talaga kay Sylvan?” Inaasahan na niya ang tanong na iyon ng kapatid kaya alam na rin niya ang isasagot rito.“Matagal ko nang alam na may asawa siya at bago ko pa maramdaman ang nararamdaman ko ngayon para kay Sylva

  • When the Sun Meets the Horizon   Kabanata 16

    HINATID sila ni Noah sa mall bago ito nagpaalam para sa umuwi. Nagpasalamat si Eliana kay Noah na ikinatuwa ng binata.“Salamat sa paghatid at pag-aalaga kay Elaine, Noah.” Sinamantala ni Eliana na may kausap sa cellphone ang kapatid para kausapin si Noah.“Elaine is a very special person to me, and I will risk my life for her.”Lihim na napahanga si Eliana sa sinabi nito ngunit hindi iyon sapat upang makuha ang buo niyang tiwala na hindi nito sasaktan ang kapatid.“I have no faith in words, Noah. I prefer actions,” aniya.“Elaine knew what I truly feel, Eliana. I respect her so much that I am willing to wait until you and the guy who was at your house last night have a label with your relationship.”Nanlaki ang mata niya sa sinabi ni Noah. Paano nito nalaman na may lalaki sa bahay niya kagabi?“How did you know?” she asked in amusement.Nangingiting sumulyap si Noah kay Elaine. “If I were you, I would remove the underwear of your man on your comfort room if you don’t want Elaine to f

  • When the Sun Meets the Horizon   Kabanata 15

    TULAD nga ng sinabi ni Sylvan ay doon ito magpapalipas ng gabi sa bahay niya sa di niya malamang dahilan dahil may bahay at condo naman ito na pwedeng uwian.“Magpapalipas ka lang ng gabi pero bakit may backpack ka pa na dala?” Napansin niya ang bitbit nitong bag na sa hula niya ay mga personal na gamit nito.“Just in case kailangan kong mag-extend ng stay rito.” “Sylvan, hindi tayo maglive in partner. Kinaklaro ko lang sa ‘yo.” She’s against that idea lalo na pagdating sa side ng magulang niya. Kapag nalaman ito ng mga magulang ay baka itakwil na siya ng mga ito. Pinagtutulakan siya ng mga ito na magboyfriend pero hindi ang magkaroon ng live in partner.“I know, and it hurts me a lot.” Kunwari pa itong nasasaktan nang umupo sa couch.“Hindi ako nagbibiro, Sylvan. Baka malaman nina Mama na dito ka natutulog, malilintikan talaga tayong dalawa.”“Natulog ka na nga sa condo ko ‘di ba? Hindi naman sila nagalit.”“Hindi naman kasi nila alam na doon ako nagpalipas ng gabi.”Sylvan chortle

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status