The Monster CEO's Twins

The Monster CEO's Twins

last updateLast Updated : 2022-03-29
By:  Blissy Lou  Completed
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
9.9
26 ratings. 26 reviews
127Chapters
43.4Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Leave your review on App

Ava Blythe Jones, isang maganda, masipag, at independiyenteng babae na may kakila-kilabot na nakaraan. Bago masaksihan ang ginawang karumaldumal na pagpatay sa kaniyang mga magulang, ay tumatak sa kaniyang isipan ang kahuli-hulihang habilin ng mga ito, na magtago at lumayo sa makapangyarihang Fonteverde. Nang gabing ginulo na naman siya ng isang masamang panaginip at hindi na muling makatulog ay nagpasya siya na pumunta sa isang night club para pansamantalang makalimot. Hindi aakalain ni Ava na ang gabing iyon ang maglalapit sa kaniya sa anak ng taong matagal na niyang tinataguan. Ang mas malala pa roon ay may nangyari sa kanila. Nagkaroon sila ng kambal na anak, ngunit bago pa malaman ni Alas Fredo Fonteverde, ang makapangyarihan at kilala bilang isang halimaw na CEO, ay tumakbo at nagpakalayo na si Ava. Hindi nanaisin ni Ava na makilala ng kaniyang mga anak ang demonyong ama ng mga ito. Lalo pa nang dahil kay Alas ay nawalay sa kaniya ang kaniyang anak na babae. Sa muli niyang pagbabalik sa Pilipinas ay binabalak niyang paghigantihan ang mga magulang nito at bawiin ang kaniyang anak na babae. At sa pagbabalik na iyon ay malabo na siyang makilala ng isang Alas Fonteverde dahil sa ibang-iba na siya mula sa Ava noon; isa na siyang sopistikada at matalinong babae. Mapagtagumpayan kaya ni Ava ang kaniyang planong maghiganti at mabawi ang anak? O pati siya ay mapapahamak sa mga bisig ng isang kinikilalang “The Monster CEO?”

View More

Latest chapter

Free Preview

Prologue

Abala ako sa pagguhit dito sa may sala sa aking sketch pad nang pumasok si daddy at mommy sa bahay."Hi, mommy! Hi, daddy!" puno ng kagalakan kong bati sa kanila at tumawa para salubungin sila nang mainit na yakap.Napansin kong parehong balisa at namumutla sina mommy at daddy. Tumatagaktak na rin ang pawis ni daddy sa kaniyang noo.“Is there something wrong po ba?” Pagtataka ko.Umupo si daddy para pantayan ang tangkad ko kasabay noon ang paghawak niya sa mga balikat ko.“Remember this, Blythe, we love you. No matter what happen, please don't stay away from your nanny. Sumama ka sa kaniya at magpakalayo-layo kayo. Ingatan mo ang sarili mo lalo na sa mga Fonteverde.”I started crying even though I don't exactly know what dad talking about.“What do you mean po, Daddy? I don't get it po.” Dire-diretso akong umiling. “Mommy?” Nang humarap ako kay mommy.I saw mommy crying too that m

Interesting books of the same period

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

user avatar
Wel Lou Mariño
sobrang ganda po ng story na to! sulit po ang pagbabasa dahil bibigyan po kayo ng magandang wakas. very interesting.
2023-04-13 16:54:30
1
user avatar
jhanz15
Ang ganda ng flow ng story. Nakakaexcite po basahin ang bawat chapter. ...
2023-04-07 12:17:34
2
user avatar
Pogi Ako
very interesting story. nakakadala Ng emotion.
2023-03-31 23:29:04
1
user avatar
Pogi Ako
napakagandang story nakakaadik basahin
2023-03-11 10:12:59
1
user avatar
Blissy Lou
Hello po, dear reader! ^^ Please interact with me I just one to thank to you for supporting the TMCT.╰⁠(⁠*⁠´⁠︶⁠`⁠*⁠)⁠╯
2023-03-10 18:31:02
1
user avatar
Ychin Remaxia
nice one so beautiful story
2022-07-28 20:47:43
1
user avatar
Blissy Lou
Magandang balita po mga readers. Mayroon na pong ads si GN. Sa isang ads po na mapapanood ninyo ay makaka-unlock na po kayo ng chaps. 2 ads po everyday, nare-refresh siya every 24 hrs po. Kaya maliban sa pag-iipon po ng bunos ay may ads na. ^^
2022-07-25 16:02:50
5
user avatar
RIAN
Love it po...️
2022-07-22 13:33:14
1
user avatar
Blissy Lou
Magandang araw po! ^^ Sa mga mambabasa ng TMCT na maliligaw po rito sa comment section, ako po ay nagpapasalamat ng sobra sa suporta as reader ng kuwentong ito. Hindi ko po inaasahan na tataas pa po ang views, subs., at gems na matatanggap ko po rito. Maging ang share ko po.
2022-07-06 09:01:09
1
user avatar
youngyangleee
interesting!!!! ang ganda!! keep it up author!
2022-03-29 00:34:24
2
user avatar
Fochacy
omggg! na-curious ako sa bawat chapters nitoooo! might continue reading the lock chapters kapag nagkatime. Basahin niyo ito, di kayo magsisisi!!!...️
2022-03-28 15:11:15
2
user avatar
Reign David Johanz Ignacio
Napakaganda ng istorya at nakakakuha kaagad ng interes. Kapana-panabik ang bawat kabanata. Keep it up, Author!
2022-03-05 17:51:20
3
user avatar
MeteorComets
I give it 5 stars kasi the plot is spectacular, ma cu-curious ka for the next chaps and of course at the same time, yung characters na parang gusto ko nalang maging bidang babae. Haha. Ang gandaaaaa. Good job author. Keep it up po. <3
2022-02-23 08:26:31
2
user avatar
Don Thyro Lamion
OMG, Another CEO story that I would love to read ...️...️...️
2022-02-21 19:03:12
2
user avatar
Jealie
ang ganda ateee, hihi. hindi ko pa siya nababasa lahat pero nakaka-excite
2022-02-15 22:22:15
2
  • 1
  • 2
127 Chapters

Prologue

Abala ako sa pagguhit dito sa may sala sa aking sketch pad nang pumasok si daddy at mommy sa bahay."Hi, mommy! Hi, daddy!" puno ng kagalakan kong bati sa kanila at tumawa para salubungin sila nang mainit na yakap.Napansin kong parehong balisa at namumutla sina mommy at daddy. Tumatagaktak na rin ang pawis ni daddy sa kaniyang noo.“Is there something wrong po ba?” Pagtataka ko.Umupo si daddy para pantayan ang tangkad ko kasabay noon ang paghawak niya sa mga balikat ko.“Remember this, Blythe, we love you. No matter what happen, please don't stay away from your nanny. Sumama ka sa kaniya at magpakalayo-layo kayo. Ingatan mo ang sarili mo lalo na sa mga Fonteverde.”I started crying even though I don't exactly know what dad talking about.“What do you mean po, Daddy? I don't get it po.” Dire-diretso akong umiling. “Mommy?” Nang humarap ako kay mommy.I saw mommy crying too that m
Read more

Chapter 1

Ava’s P.O.VHalos kapusin ako ng hininga pagkabangon ko mula sa pagkakahiga. Napahilamos ako nang mapagtantong nananaginip na naman ako. Halos hindi na rin mapigilan ang mabilis na pagtahip ng puso ko.Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko bago tumayo at naglakad patungo sa study table. Umupo ako sa harap nito.Bahagya akong natulala at nang matauhan ay marahan kong pinagsasampal ang mukha. Irita ko ring sinabunutan ang sarili.“Ano ba, Ava! Tama na, okay? Hindi ito magugustuhan ng nanny mo at paniguradong malulungkot ang mommy at daddy mo,” panenermon ko sa sarili.Hanggang sa hindi ko na namalayan ang pagtulo ng luha sa aking mga mata. Napatingala ako para pigilan ito. Iniikot ko na rin ang paningin upang maibaling sa iba ang aking atensyon. Hanggang sa mahagip ng aking paningin ang orasang nakapatong sa mesang katabi ng aking higaan.Alas onse na ng gabi. Paniguradong mahihirapan na naman a
Read more

Chapter 2

Napamulat ako nang tumama ang sinag ng araw sa mga mata ko. Sobrang bigat ng aking pakiramdam na tila tatrangkasuhin ako. Maliban doon ay masakit din ang buong katawan ko lalo na ang pang-ibabang bahagi. Teka! Nanlaki na lamang ang mga mata ko at napaupo nang may maalala. Ngunit kaagad naman akong napakislot nang bigla namang kumirot ang aking ulo. Pero nang tuluyang makumpirma ang hinala ay halos hindi ko na malaman kung ano ang gagawin. Buong akala ko ay panaginip lang ang lahat. Ngunit ikaw ba naman ang magising na may katabing hindi mo kilalang lalaki sa isang kuwarto na kapuwa kayo h**o’t h***d, panaginip pa rin ba? Oh my God! Anong nagawa ko? Pinagsasampal ko ang aking sarili. Gusto kong sumigaw. Ngunit nang biglang gumalaw ang lalaki ay agad ko ring pinakalma ang sarili. Hindi. Hindi maaari ito! Isang hindi kanais-nais na gawain ng isang babae ang ginawa mo Ava. Kung buhay lang ang nanny mo ay malalagot ka talaga. Dahan-
Read more

Chapter 3

Pagkatapos noon ay hindi na ako nagtagal dahil kailangan ko nang umuwi at marami pa akong gagawing project sa school. Dahil nasa loob ng subdivision ang bahay nila ay maglalakad pa ako palabas.Noong una ay nagpupumilit pa siyang doon na lang ako magpalipas ng gabi pero tumanggi ako. Hindi rin daw niya ako maihahatid sa labas dahil wala ang sasakyan sa kanila at dala ito ng mga magulang niya na bumisita sa kaniyang lola sa kabilang subdivision. Sabi niya’y tatawag na lang daw siya sa mga security guard sa labas para magpapasok ng kahit tricycle man lang sa loob para sunduin ako. Pero hindi pa rin ako nagpapigil. Sinabi ko na lang din sa kaniya na kailangan ko munang magliwaliw kaya gusto kong maglakad muna papalabas. Sa huli ay sumuko na lang din siya at hinayaan ako.Marami-rami rin ang napag-usapan namin ni Shaelza na kahit papaano ay nagpagaan ng loob ko.Noong una ay nagsuhestiyon siya sa akin na sasabihin ko raw sa ama ng dinadala ko, na buntis ako at
Read more

Chapter 4

Ava’s P.O.V“Daddy,” wika ko nang lumitaw si daddy sa harapan ko. “Daddy,” muling pagtawag ko ngunit wala siyang kibo at mukhang balisa.“Blythe, baby?” Napatingin ako kay mommy na ngayon ay naglalakad papalapit sa amin bitbit ang malungkot na ngiti.“Mommy,” nangungulap kong usal.Kaagad kong dinaluhan si mommy at niyakap. Gumanti naman siya sa mga yakap ko at hinagod ang aking buhok.How I miss her.“Baby, please take good care of yourself” she spoke calmly and full of concern. Tumango-tango ako. “I
Read more

Chapter 5 (Part 1)

Pagkarating namin sa Paris, France ay nangupahan kami ng dalawang kuwartong matitirhan; isa ang sa kaniya at isa naman sa akin. Sa una ay nahirapan pa akong mag-adjust sa bagong paligid ngunit habang tumatagal ay nasasanay na ako. Hindi ako pinabayaan ni Jemuel sa buong pagbubuntis ko sa aking anak lalo na nang malaman naming kambal pala ang magiging anak ko. Sinuportahan niya kami kahit na ilang beses ko siyang sinabihan na intindihin niya ang kaniyang sarili at huwag kami dahil hindi naman niya kami responsibilidad. Ngunit palagi siyang nagkukusang-loob. Hindi niya ako pinagtatrabaho dahil maselan daw ang pagbubuntis ko. Kaya ang pagiging healthcare assistant niya sa isang private hospital ang tumustos ng pangangailangan namin araw-araw.Knowing Jemuel who is a registered licensed doctor in the Philippines but lowered his pride just to be an assistant here in France. In the Philippines, his life was good
Read more

Chapter 5 (Part 2)

Third Person P.O.V Isang middle age na instik na pasyente ang nagpupumilit bumangon sa kaniyang higaan dahil naiihi na siya, ngunit dahil namamaga ang kaniyang mga paa dulot ng sakit na dyabetis, ay nahihirapan siyang timbangin ang sarili paupo sa wheelchair. Wala ang kaniyang tagabantay sa kadahilanang bumaba ito para bumili ng pagkain. Tulog siya kanina nang iwan siya ng kaniyang anak. Sa kaniyang pagpupumilit ay nasagi niya sa mesang katabi niya ang mga insenso at nahulog. Sa kamalasmalasan ay nahulog pa ito malapit sa nakalaylay na puting manipis na kurtina. Maya-maya'y biglang nagliyab ang kurtina at nahulog ang babae sa kaniyang hospital bed. Mabilis na kumalat ang apoy lalo na nang gumapang ito sa kawad ng kuryente. Sa takot ng babae ay nagmadali siyang gumapang patungong pinto at sinikap ang sariling tumayo sa tulong ng kinapitan niyang haligi. 
Read more

Chapter 6

Ava’s P.O.VI'm was busy fixing myself. Tinabingan ko ng pulang lipstick ang kulay rosas ko ng labi matapos kong lagyan ng light make up ang aking mukha. Hindi ko na kailangan pa ng makapal na make up para magmukhang tao dahil sa simpleng ayos lang ay napapansin na naman ako. I have my own natural beauty. Nang matapos ay pumunta ako sa malaking tokador at binuksan ito para mamili ng susuotin sa araw na ito. Kailangan kong ma-impress ang client para maging proud sa akin ang boss namin. I chose the white sleeve dress that was above the knee and paired it with a yellow fitted blazer. Pagkatapos kong isuot ito ay tiningnan ko ang sarili sa harap ng salamin.After five years of hardship and being anxious, now I have recovered and become a brave and resilient woman. Natapos ko na ang kurso at propesyong inaasam-asam ko noon pa man. If I stay with yesterday I wi
Read more

Chapter 7

“Mom, you said I have a sister. Will I ever meet my twin here in the Philippines?” Herald asked as we got into the car that had been waiting for us outside the airport.Napatingin kami ni Jemuel sa isa’t isa. Alam ni Herald na may kakambal siya, ngunit hindi ko sinabi na nasa kamay ito ng walang puso nilang ama. Hindi ko ipinagdamot sa anak ko ang impormasyon tungkol sa kaniyang kakambal. Ngunit kailangan ko lang baguhin ang kuwento. Sinabi ko lang sa kaniya noon na may kakambal siya pero nasa malayong lugar. Makikita lamang namin siya once na makapunta kami roon. Hindi ko naman aakalain na maiisip ito ngayon ni Herald.“Not yet, Son. But soon,” naging sagot ko na lamang.Natahimik si Herald nang sabihin ko iyon na ipinagtaka ko. He’s the kind of kid who has a lot of questions and
Read more

Chapter 8

“What?” bulalas ni Jemuel nang sabihin ko sa kaniya ang plano ko para makuha si Hera sa walang puso niyang ama. “Are you insane?” habol pa niya.Narito kami ngayon sa balkonahe. Inaya ko siya uminom ng beer para kausapin. He’s my friend. Sa sobrang dami ng naitulong niya sa amin at sa tagal na rin naming magkasama ay parang naging kapareha at kasama ko na siya sa lahat ng bagay. Ayaw kong maglihim sa kaniya na ikasisira ng aming pagkakaibigan lalo na sa plano kong ito na paglapit sa taong pumatay sa mga magulang ko at dahilan ng pagiging miserable ko sa buhay.“Ito na lamang ang paraang naisip ko at sana maintindihan mo ’yon,” katuwiran ko.Umiling siya na tila nadismaya sa akin. Tumayo siya at tumungo sa barandilya. Mula sa kaitaasan na aming kinaroonan ay mga kumikis
Read more
DMCA.com Protection Status