Pagkarating namin sa Paris, France ay nangupahan kami ng dalawang kuwartong matitirhan; isa ang sa kaniya at isa naman sa akin. Sa una ay nahirapan pa akong mag-adjust sa bagong paligid ngunit habang tumatagal ay nasasanay na ako. Hindi ako pinabayaan ni Jemuel sa buong pagbubuntis ko sa aking anak lalo na nang malaman naming kambal pala ang magiging anak ko. Sinuportahan niya kami kahit na ilang beses ko siyang sinabihan na intindihin niya ang kaniyang sarili at huwag kami dahil hindi naman niya kami responsibilidad. Ngunit palagi siyang nagkukusang-loob. Hindi niya ako pinagtatrabaho dahil maselan daw ang pagbubuntis ko. Kaya ang pagiging healthcare assistant niya sa isang private hospital ang tumustos ng pangangailangan namin araw-araw.
Knowing Jemuel who is a registered licensed doctor in the Philippines but lowered his pride just to be an assistant here in France. In the Philippines, his life was good, but because of me, he was touched by my suffering.
Mabait si Jemuel. Kaya hindi ko alam kung ano ang ginawa kong maganda na ibinigay siya sa amin ng Maykapal. Naging matalik ko na siyang kaibigan. Hindi rin siya nagpapakita ng ibang intensyon. He always be a gentleman. Siya palagi ang kasalo ko sa tuwing nahihirapan, nalulungkot, natatakot, nasasaktan at nasisiyahan ako. Alam na niya ang lahat ng tungkol sa akin maging ang h***p na ama ng mga anak ko ay kilala niya na. Naikuwento ko na rin ang nangyari sa mga magulang ko, ang pamilyang konektado sa pagpatay sa kanila at sa tungkol sa mga nasaksihan ko.
Nakatatawa nga dahil kung sino pa ang taong iniiwasan ko ay siya pang magbibigay sa akin ng di-inaasahang grasya—ang kambal. Nasira man ang pangarap ko’y hindi naman masama ang naging resulta.
“I’ll do the dishes. Go to your room and take a rest,” he said and took the washed plate in my hand.
“No. You should go to in your room and take a rest. I can manage this. Mga plato lang naman ito at hindi ako mapapano nito,” I insisted.
Alam kong pagod na siya dahil galing pa siya sa trabaho.
“Are you sure?” he asked.
I give him an assurance smile.
“Okay. Just call me on the phone or knock on my door if you need something.”
Tumango na lang ako.
Lumabas na nga siya sa pinto ng apartment ko dahil sa kabilang apartment siya tumutuloy.
Habang naghuhugas ng plato ay biglang humilab ang tiyan ko. Malaki na ito ngayon dahil kabuwanan ko na. Hindi ko iyon pinansin at baka mga paa lang iyon ng mga anak kong makukulit sa loob. Pero habang tumatagal ay mas lalong sumasakit hanggang sa napahawak na lang ako sa tiyan ko at napaupo. Sobrang sakit. Nagulat na lang ako nang may tubig na umagos.
“Ava, I forgot my—Sh*t!” Tumakbo patungo sa akin si Jemuel nang makita ang sitwasyon ko at kaagad akong binuhat.
Sumisigaw na ako sa sobrang sakit na maging ang pangalan ni Jemuel ay isinisigaw ko na. Nanginginig na siya sa sobrang pagkataranta na kahit ang pagpasok ng susi sa susian ng sasakyan ay nahihirapan siya.
Parang nata*** ako na hindi ko alam na gusto kong t*****d na halos himatayin ako sa sobrang sakit. Pagkarating sa hospital ay kaagad niyang ipinarada ang sasakyan at lumabas. Tumakbo siya patungo sa kabila kung nasaan ako at agad na binuhat pagkabukas niya ng pinto. Tumakbo siya papasok sa loob ng hospital at kaagad din kaming sinalubong ng stretcher ng mga tauhan sa hospital.
“WITH JUST a little push, the head of the second child will appear.”
Dahil sa sinabi ng babaeng doktor ay ibinigay ko na ang lahat ng lakas ko. I screamed as my voice almost break. Hanggang sa ang iyak ng bata ay pumaibabaw sa buong pandinig ko. Halos napangiti ang lahat at maging ako ay sobrang nagagalak bago tuluyang lamunin ng antok sa sobrang pagod.
Third Person P.O.V
Kanina pa siya pabalik-balik sa labas ng delivery room. Hindi niya alam ang mararamdaman sa kaalamang ang kaibigan niyang babae ay naghihirap sa loob ng delivery room. May bahagi sa kaniyang natutuwa at may bahagi rin na sobrang kinakabahan. Hindi na siya makapaghintay pa na makita ang mga ito. Gusto niyang siya ang magpaanak kay Ava ngunit magkaiba ang patakaran dito sa ibang bansa kaysa sa Pilipinas. Kulang ang edukasyong nakuha niya at hindi pa niya natapos ang masteral sa Pilipinas kaya nga bilang assistant na lamang ang napasukan niyang trabaho pagkarating dito.
Napahinto na lang siya sa kaniyang ginagawa nang bumukas ang pinto ng delivery room at bumungad sa kaniya ang nakangiting doktora.
“How’s—”
Hindi pa niya natapos ang dapat sabihin ay agad siyang kinamayan nito.
“Congratulations, your twins are healthy and your wife is in good condition. She only fell asleep because she was too tired to deliver the babies.”
Gusto niyang suwatan ang doktora sa sinabi nitong ‘your’ pero hindi niya rin maitanggi dahil may bahagi sa kaniya na gustong-gusto rin ito. Kung maaari lang.
Ava’s P.O.V
Nililigpit ko na ang mga gamit namin dahil lalabas na kami ng hospital kasama ang mga kambal. Bumaba lang si Jemuel para bayaran ang hospital bills namin.
Naudlot na lamang ang ginagawa ko nang biglang umiyak ang isa sa kambal. Kaagad akong tumungo sa bassinets ng dalawa.
“Why is our older brother crying?” Pagbuhat ko kay Herald. Tiningnan ko ang kakambal niya na mahimbing na natutulog. She's beautiful. Nang lumakas ang pag-iyak ni Herald ay inilabas ko na lang siya sa silid namin para hindi niya mabulabog ang kaniyang kakambal.
Pumunta kami sa dulo ng hallway sa kaliwang bahagi ng building kung saan makikita ang harapang bahagi ng gusali dahil sa salamin ang haligi nito.
Tumahan na lang bigla si Herald.
“Ito pala ang gusto ng kuya namin ang buhatin ni mommy at ipasyal.” Napailing na lang ako sa kaalamang iyon at hindi napigilang matawa.
Nagulat na lang ako nang biglang tumunog ang fire alarm at magsihiyawan ang mga tao palabas sa kani-kanilang kuwarto. Dahil sa kinaroroonan ko ang exit ay maraming tao ang tumakbo papunta sa bahagi namin.
“What’s happening?” I asked the woman approaching us.
“There was a fire in a room at the end of the hallway from the back of the building. You should run too while the fire is not yet growing and spreading.”
Tila nabuhusan ako ng malamig na tubig na puno ng yelo dahil sa kaniyang sinabi. She even grab my hand to help me get out of there but I could not move where I stood.
Ang kuwarto namin ay sa ikatlong kuwarto na nasa dulo ng hallway mula sa likod.
“Come on!”
Nang hindi ako gumalaw ay hinayaan na lamang niya ako at tumakbo.
Hindi ko kaagad napansin ang taong papalapit sa amin na hindi tumitingin sa kaniyang harapan, sa gulat ay hindi ko na rin alam ang gagawin ko kung iiwas ako o hindi, nang biglang may humablot sa amin at inilayo kami rito.
“Jemuel,” naging usal ko nang tumingala’t makilala siya. “Si Hera.” Tuloy-tuloy na ang pag-agos ng luha ko.
Bumaba ang tingin niya sa sanggol na dala ko at nang malamang si Herald lang ang hawak ko ay kaagad siyang bumaling sa hallway na patungo sa kuwarto kung saan naroroon ang isa pang kambal. Hindi pa gano'n kakapal ang usok na nanggagaling dito.
“Jemuel, my daughter. Please, let's save her,” pagtangis ko.
Umiiyak na rin sa Herald at hindi ko na siya mapatahan pa.
“Tumakbo ka na palabas. Ako na ang bahala sa kaniya,” pag-utos niya.
Umiling-iling ako. “Gusto kong sumama.”
“Hindi ka p’wedeng sumama. Mapapahamak lamang tayo. Ako na ang bahala kay Hera,” pagpukaw niya.
“Please save her,” buong pagsusumamo kong pakiusap.
“Yes, I will.”
Tumango ako. Ngunit nang pareho kaming bumaling papuntang exit ay may mga lalaking nakaitim na naglalakad patungo sa kinaroroonan namin. Ngunit hindi nila kami napansin at nakatuon lang ang kanilang atensyon sa daan na tinatahak kung saan marami silang nasasalubong na tao. Nanlaki na lamang ang mga mata ko nang makilala ang dalawa sa kanila. Sila iyong lalaking kasama ng batang Fonteverde nang pinatay nila ang kawawang mamá sa abandonadong gusali. Kaagad akong hinila ni Jemuel palapit sa kaniya at tumakbo kami sa kabilang hallway kung saan patungo sa kabilang bahagi ng hospital building. Palayo sa hallway kung saan si Hera naroroon. Kahit may iniinda pa sa bahaging ibaba ay sinikap ko pa ring tumakbo ng maayos.
“Nakita ko sila sa nurse station kanina. Nagulat na lang ako nang tanungin nila ang room number mo kaya nagmadali akong tumakbo rito. Ava, kilala ka na nila.” Mas lalo akong binalot ng takot dahil sa sinabi ni Jemuel.
Hanggang ngayon ay hinahanap pa rin nila ako.
“Ibababa ko muna kayo ni Herald bago ko puntahan si Hera.”
Huminto ako’t humarap kay Jemuel.
Napailing-iling ako. “Jemuel, pakiusap. Ako na ang bahala sa sarili ko at kay Herald. Puntahan mo na si Hera.” Mahigpit kong hinawakan ang braso niya.
Tiningnan niya ito bago nagtama ang paningin namin. “Sisikapin kong iligtas si Hera. Pakiusap din bumaba na kayo.”
Tumango-tango ako habang ang mga mata ay tuloy-tuloy pa rin ang pag-agos ng luha. Nanlalabo na rin ang paningin ko dulot ng mga luha.
“Go.” Pagtulak niya at tumakbo naman agad ako. Nang bumaling ako ay wala na rin siya sa kaninang kinatatayuan namin kaya nagpatuloy ako sa pagtakbo papalabas ng building.
HALOS nasa ibaba na ng gusali ang lahat at may mga na-re-rescue na rin na mga taong naiwan sa loob ang mga rescuer. Ngunit ang kinababahala ko ay wala pa rin si Jemuel. Kitang-kita sa ibaba ang mabilis na pagkalat ng apoy sa ikalimang palapag ng hospital building kahit na inaapulahan na ito ng mga bumbero. Halos hindi ko na alam ang gagawin ko. Tinitingnan ko na lamang si Herald na ngayon ay mahimbing nang natutulog para patahanin at palakasin ang sarili ko.
‘Sana maligtas ng tito mo Jemuel ang kakambal mo, anak,’ taimtim kong dalangin habang walang tahan sa pag-iyak.
Maya-maya'y nakita ko ang isang rescuer na inaalalaya si Jemuel palabas. Tila binunutan ako ng tinik nang makita siya ngunit kaagad din itong napalitan nang siya lamang ang inaalalayan at walang bibit na sanggol sa mga bisig. Bigla na lang nagunaw ang pag-asa ko at kaagad dinaluhan si Jemuel.
“Jemuel.” Kaagad din siyang binitawan ng rescuer nang lumapit ako.
Nakayuko lamang siya at tila pinipigilan ang sariling tumingin sa akin.
“Nasaan si Hera?” Tumingin-tingin pa ako sa likod niya nagbabakasakali na baka may nag-rescue din sa anak ko.
Ngunit nang wala ay muli kong hinarap si Jemuel. Balisang-balisa ang anyo niya kaya hindi ko napigilang mapaisip ng kung ano-ano.
“Jemuel, please tell me! Nasaan si Hera?” hindi ko na napigilang sumigaw. At dahil doon ay nagulat at umiyak na rin si Herald.
Napansin ko na lamang ang luha na dumaloy sa kaniyang pisngi at maya-maya'y napailing siya.
“I’m so sorry. Malaki na ang apoy bago ako matuloy papunta doon.”
Sa sinabi niya ay mas lalo na lang akong pinanghinaan. Kaagad niya naman akong nasalo’t tinulungang tumayo ng tuwid at niyakap.
“Hindi ito p’wede! Hera!”
Tila pinagsakluban ako ng langit at lupa at naninikip na rin ang d****b ko sa sobrang sakit na nararamdaman.
MATAGAL akong napatahan sa pag-iyak at nawalan ng imik. Tila natulala na lang sa mga nangyari. Maya-maya'y muli na naman akong napahikbi. Hindi ko kaya. Hindi ko na kayang mawalan na naman ng isang parte sa buhay ko. Lalo akong namuhi sa mga Fonteverde. Kung hindi dumating ang mga lalaking iyon ay nailigtas na sana ang anak ko. Sinagad na nila ang pasensya ko. Hindi ko siya mapapatawad dahil dito.
Napatingin na lang ako sa karamihan na nasa state of shock kagaya ko dahil sa nangyari at sa hindi inaasahan ay napagawi ang paningin ko sa lalaking nakatayo sa dulo na may hawak na sanggol. Tila nabuhayan ako nang makita ang pamilyar na kulay rosas na telang nakabalot sa sanggol na bitbit niya. Nagtaka si Jemuel nang ibigay ko sa kaniya si Herald at tumayo.
Hindi napansin ng lalaki ang paglapit ko sa kaniya dahil abala siya sa kausap niya sa kaniyang cellphone.
“Yes, boss. Pagkapasok namin doon ay may nakabulagta nang babae sa loob at duguan. May umiiyak din na sanggol. Kinuha na lamang namin ang sanggol at hinayaan ang babae.”
Mataman akong nakinig sa pag-uusap nila. Hindi ko man marinig ang nasa kabilang linya ay malinaw pa rin sa akin ang nagagawa nilang pag-uusap.
“Yes, boss. I assure you that this is the daughter of Ava Blythe Jones because of the lastname placed on the child's name tag.”
Napahawak na lang ako sa aking bibig nang marinig iyon. Napaluha na lang ako sa sobrang tuwa. Tila nabuhayan ako ng loob. Ngunit kaagad din iyong napalitan nang marinig ang pangalang binigkas ng lalaki.
“We will, Mr. Fonteverde.”
Kaagad akong nagtago sa likod nang sasakyan malapit sa kinaroroonan namin nang ibaba niya ang kaniyang cellphone at tumingin sa paligid.
Third Person P.O.V Isang middle age na instik na pasyente ang nagpupumilit bumangon sa kaniyang higaan dahil naiihi na siya, ngunit dahil namamaga ang kaniyang mga paa dulot ng sakit na dyabetis, ay nahihirapan siyang timbangin ang sarili paupo sa wheelchair. Wala ang kaniyang tagabantay sa kadahilanang bumaba ito para bumili ng pagkain. Tulog siya kanina nang iwan siya ng kaniyang anak. Sa kaniyang pagpupumilit ay nasagi niya sa mesang katabi niya ang mga insenso at nahulog. Sa kamalasmalasan ay nahulog pa ito malapit sa nakalaylay na puting manipis na kurtina. Maya-maya'y biglang nagliyab ang kurtina at nahulog ang babae sa kaniyang hospital bed. Mabilis na kumalat ang apoy lalo na nang gumapang ito sa kawad ng kuryente. Sa takot ng babae ay nagmadali siyang gumapang patungong pinto at sinikap ang sariling tumayo sa tulong ng kinapitan niyang haligi.
Ava’s P.O.VI'm was busy fixing myself. Tinabingan ko ng pulang lipstick ang kulay rosas ko ng labi matapos kong lagyan ng light make up ang aking mukha. Hindi ko na kailangan pa ng makapal na make up para magmukhang tao dahil sa simpleng ayos lang ay napapansin na naman ako. I have my own natural beauty. Nang matapos ay pumunta ako sa malaking tokador at binuksan ito para mamili ng susuotin sa araw na ito. Kailangan kong ma-impress ang client para maging proud sa akin ang boss namin. I chose the white sleeve dress that was above the knee and paired it with a yellow fitted blazer. Pagkatapos kong isuot ito ay tiningnan ko ang sarili sa harap ng salamin.After five years of hardship and being anxious, now I have recovered and become a brave and resilient woman. Natapos ko na ang kurso at propesyong inaasam-asam ko noon pa man. If I stay with yesterday I wi
“Mom, you said I have a sister. Will I ever meet my twin here in the Philippines?” Herald asked as we got into the car that had been waiting for us outside the airport.Napatingin kami ni Jemuel sa isa’t isa. Alam ni Herald na may kakambal siya, ngunit hindi ko sinabi na nasa kamay ito ng walang puso nilang ama. Hindi ko ipinagdamot sa anak ko ang impormasyon tungkol sa kaniyang kakambal. Ngunit kailangan ko lang baguhin ang kuwento. Sinabi ko lang sa kaniya noon na may kakambal siya pero nasa malayong lugar. Makikita lamang namin siya once na makapunta kami roon. Hindi ko naman aakalain na maiisip ito ngayon ni Herald.“Not yet, Son. But soon,” naging sagot ko na lamang.Natahimik si Herald nang sabihin ko iyon na ipinagtaka ko. He’s the kind of kid who has a lot of questions and
“What?” bulalas ni Jemuel nang sabihin ko sa kaniya ang plano ko para makuha si Hera sa walang puso niyang ama. “Are you insane?” habol pa niya.Narito kami ngayon sa balkonahe. Inaya ko siya uminom ng beer para kausapin. He’s my friend. Sa sobrang dami ng naitulong niya sa amin at sa tagal na rin naming magkasama ay parang naging kapareha at kasama ko na siya sa lahat ng bagay. Ayaw kong maglihim sa kaniya na ikasisira ng aming pagkakaibigan lalo na sa plano kong ito na paglapit sa taong pumatay sa mga magulang ko at dahilan ng pagiging miserable ko sa buhay.“Ito na lamang ang paraang naisip ko at sana maintindihan mo ’yon,” katuwiran ko.Umiling siya na tila nadismaya sa akin. Tumayo siya at tumungo sa barandilya. Mula sa kaitaasan na aming kinaroonan ay mga kumikis
Hanggang kailan ba tayo matatakot? Hanggang kailan natin ikukulong ang sarili natin sa takot? Minsan tinuturuan natin ang ating sarili na maging matapang, ngunit isang katok lang sa atin ng mga bagay na ating kinatatakutan ay babalik na naman tayo sa pagiging mahina.Minsan din kapag magapi natin ang takot lalo na sa isang taong nakagawa ng bagay na ikinatatakot natin ay napapalitan din ng galit at pagkamuhi. Bakit? Dahil ginawa nilang miserable ang buhay natin. Namuhay tayo sa takot nang dahil sa kanila. Itong galit na ito o pagkamuhi ay magdadala rin sa atin sa kapahamakan kung tayo man ay naging padalos-dalos sa desisyon natin sa buhay.Kaya saan tayo lulugar? Ano ang dapat nating gawin?Basta ang alam ko lang ay ang harapin ang takot at isantabi ang galit para maisakatuparan lamang ang hinahangad ng puso.
Third Person P.O.V “Tito Jemuel, when are you going to visit us?” Herald asked him on the other line. Ilang araw na ba siyang hindi nakapupunta sa condo unit ng mag-ina? Two? Three? Four days? Hindi niya na alam. At wala siyang plano dahil maliban sa abala siya para sa papalapit na pagbubukas ng klinika niya ay hindi pa niya kayang harapin si Ava. He already did everything, but why does it seem to be not enough to her? He was upset because of the woman's decision. Hindi man lang siya sinama sa naging plano ng babae. Tila wala siyang naitulong at basta na lamang itinapon. Kausap niya ngayon ang inaanak niya sa kabilang linya. Kinonekta lamang niya sa aparatong nilalagay sa tainga ang tawag sa selpon dahil nagmamaneho siya ngayon ng kaniyang sasakyan. “I can't sa
Kabababa ko lamang sa tricycle na sinakyan ko papasok sa subdivision kung saan matatagpuan ang malaking tahanan ng mga Fonteverde. Nang ibigay sa drayber ang pamasahe ay kaagad akong dumako sa maliit na gate para mag-doorbell. Hindi ko pa nadiin ang kamay ko sa pulang bilog na pindutan ay bigla nalang bumukas ang malaking gate sa gilid nito. Lumabas ang isang itim at tinted na SUV. Dahil sa pagkabigla ay napatalikod ako. Hindi ko alam kung nakita ako ng kung sinong tao na nasa loob ng sasakyan, pero kahit naka-tinted ang salamin ay sigurado akong si Alas Fonteverde ang nasa loob nito. Nang makalayo na ay saka lang ako humarap at tinanaw ang sasakyan hanggang sa lumiit ito sa aking paningin. Hindi ko akalaing maaabutan ko siyang paalis ng kanilang bahay. Sabado ngayon kaya kahit sabado ay hindi ito nawawalan ng trabaho. Mga kawawang nilalang. Masyadong ginugugol ang sarili sa pagpapayaman. “Astrid, and’yan
Ava’s P.O.V Kumawala ako mula sa pagkakayakap ko kay Hera. “Do you want to go outside?” I ask her. Gusto ko lang subukang yayain siya ulit kahit alam ko na ang isasagot niya. Napayuko siya. “Do you think daddy will get mad at me when I go outside without his permission?” she asked. Hinawakan ko ang dulo ng kaniyang baba at itinaas ito upang magkasalubong ang aming paningin. Tumingin siya sa akin at nagkatinginan kami. Nagawa nga rin niyang ngumiti sa akin, ngunit kababakasan naman ng kalungkutan. Ramdam ng bawat ina kung ano ang nararamdaman at pinagdadaanan ng kanilang mga anak kahit hindi ito sinasabi sa kanila. Malinaw sa kilos at sa matang hindi marunong magsinunga
Nagulat ako nang mapansin ang pagliwanag ng sahig na kinaaapakan ko. May liwanag na hugis palaso na tila ba nais akong sundan ang guhit na iyon. Pakiramdam ko ay tila ba nasa loob ako ng isang malaking silid na computer-based ang sahig dahil sa biglang paglitaw ng liwanag nito. Pinaglalaruan ba ako ng kung sino? Sinundan ko ang naturang arrow at tumigil iyon sa isang hugis bilog. Nang tingnan ko ang naturang liwanag ay may mga letra na biglang lumitaw roon. ‘Thank you for making me smile everytime I frown...’ Muli ay lumitaw ang arrow na liwanag sa sahig at tinuro na naman ako sa panibagong daan. Tila wala sa sarili na sinundan ko ang liwanag na iyon at tumigil sa liwanag na tatsulok ang hugis. Gaya ng unang hugis ay may mga letra ring lumabas doon. ‘Thank you for being a strength at my weakest...’ Muli ay lumitaw ang liwanag na arrow at muling gumuhit ang kahabaan niyon sa sahig na sinundan ko naman. Dinala ako niyon sa hugis parisukat na sahig. Muli
“Maraming salamat din sa ’yo,” tugon ko.Mula sa malayo ang tingin ay inilipat niya ito sa akin at ngumiti.“You are special to me, Ava. Kaya ingatan mo rin ang sarili mo. Alam kong matapang kang babae at matalino. Kaya alam kong kaya mong ipagtanggol ang sarili mo. Pero sana minsan turuan mo rin ang sarili mong sumandal sa iba. Hindi ka nag-iisa sa laban.”“Bawasan din ang pagiging kampante sa sarili na kaya mo, minsan matuto ka ring sumuko at tanggihan ang mga bagay na mahirap gawin. Hindi kasi lahat ng bagay ay kaya at kakayanin mo, minsan kaya mo nga pero masakit na.”“Narito naman kasi kami na handa kang tulungan pero binabalewala mo. Pinapamukha mo sa amin na wala kaming silbi para sa ’yo para akuin ang lahat ng pasanin na bitbit mo. Bilang kaibigan, nakatatampo. Pero dahil kinaya po nga, binabati kita. Ngunit sa susunod sana ay kumatok ka na. Ang kaibigan ay hindi lang maaasahan sa purong
“Salamat po.”“You’re welcome,” nakangiti at magkasabay na tugon nina Hera at Herald sa batang ulila nang bigyan nila ito ng isang set na gamit pang eskuwela, na may kasamang laruan na naaayon sa kasarian ng bata kung ito ba ay babae o lalaki.Sunod-sunod na nakapila ang sari-saring mga bata sa kanila na mayroong malawak na ngiti sa kanilang mga labi at hindi na makapaghintay pa na tanggapin ang para sa kanila. Samantala ang mga nakakuha na ay nakaupo na sa kani-kanilang upuan at pinapakita sa kasama ang mga gamit na natanggap nila kahit na pare-pareho lang ay tila ba pinapasikat pa rin nila sa isa’t isa. Nakatutuwang tingnan.“Marami po talagang salamat, Mr. at Mrs. Fonteverde sa tulong ninyo sa mga bata at sa donasyon po ninyo sa ampunang ito. Malaking bagay po ito sa mga bata.” Pagkuha sa aming atensyon ng Senior Sister na siyang namumuno ng bahay-ampunan na napili ng kambal na lugar pagdarausan para sa kanilang
Isang mahigpit na yakap at dampi ng mga labi ang nagpaputol sa akin mula sa mahimbing na pagkakatulog. Napangiti ako nang manuot sa aking ilong ang natural niyang amoy. Simula nang maamoy iyon noon ay ito na ang naging paborito kong amoy. Nang imulat ko ang aking mga mata’y tumama sa akin ang sinag ng araw na nagmumula sa salaming dingding. Naalala kong hinayaan lang pala namin itong nakabukas kagabi para mapanood ang di-mabilang na mga tala na kumikislap sa kalangitan. Hanggang sa tumungo na nga kami sa bagay na kalimitang ginagawa ng mag-asawa. “Good morning, Love. I love you,” bulong niya sa aking tainga dahilan upang dumaloy sa buong sistema ko ang init ng kaniyang hininga nang dumampi ito sa leeg ko. Hindi ko napigilang mapapikit dahil sa sensasyon na bumubuhay ulit sa aking katawang-lupa. Naalala ko tuloy ang ginawa namin kagabi at ngayon nga’y gu
“Love, tutal ay naging bukas na rin tayo sa isa’t isa para pakinggan ang sarili nating mga dahilan at doon ay nagkaroon tayo ng pagkakaunawaan. Bakit hindi natin hayaang pakinggan din ang iyong tiyo sa kaniyang mga sasabihin para naman maunawaan din natin ang bahagi niya? Love, kasi kung puro na lang galit ang nasa puso natin, hinding-hindi tayo uusad. Magiging ganito tayo habang-buhay.” Napayuko ng ulo si Alas dahil sa mga sinabi ko.“Please, hayaan natin siyang magsalita para sa sarili niya at doon na lang tayo huhusga. Ang hirap kasing humusga na lang na wala naman tayong alam sa mga pinagdaanan niya.” Tumingin ako kay Jemuel na kagaya rin ni Alas ay nakayuko na.“Wala akong magandang rason o dahilan na magsisilbing depensa sa sarili dahil mga mali naman ang ginawa ko.” Napatingin ako kay Mr. Segundo sa sinabi niya.“Mr. Segundo, hindi ako naniniwala na wala lang lahat ng mga ginawa mo. Alam kong may pinag
Dahil sa mga katotohanang naihayag ay walang sino man ang naglakas-loob na kumibo. Binalot kaming tatlo ngayon ng nakabibinging katahimikan. Isang tao lang pala ang siyang puno’t dulo ng mga ito. Dahil sa kaniya ay halos magdusa kaming lahat.Tiningnan ko si Alas na ngayon ay nakayuko lang at nakatuon sa tasa ng kape ang atensiyon. Sa aming dalawa ay siya itong tunay na nabilog at naloko ng taong iyon. Buong buhay niya ay ang taong iyon na ang kaniyang tinatakbuhan at pinagkakatiwalaan. Nakaramdam ako ng awa sa aking asawa. Naaawa ako sa kaniya sapagkat pinaglaruan lang siya ng mga taong nasa paligid niya at iyong mga taong kinakapitan pa niya.“Kung alam n’yo lang kung gaano kaganda ang relasyon ng mga magulang ninyo noon. Kaya nga hindi ko alam kung bakit nadala sila sa panunukso ng isang Segundo. Napakagahaman talaga ng taong iyon. Kahit noon pa man ay may nararamdaman na akong hindi maganda sa kaniya. Hindi nga ako nagkamali, nagtagumpay nga siyan
“HAPPY BIRTHDAY!” sabay-sabay naming sigaw pagkabukas ng pintuan ng bahay. Pagkatapos niyon ay bumungad sa aming paningin ang naka-wheelchair na si Jemuel. Sumabog din ang confetti na pinaputok namin at nagsiingay ang mga bata gamit ang torotot na humahaba ang dulo sa tuwing hinihipan. Namilog ang mga mata ni Jemuel dahil sa labis na pagkagulat. Samantalang ang kaniyang ina na nasa likod niya, at may hawak ng hawakan ng wheelchair na sakay niya, ay malawak ang pagkakangiti. “W-What the...” hindi niya halos mabigkas ang mga katagang iyon. Maya-maya’y isang liwanag ang kumislap sa harapan niya. “Hey, Kheil. You look handsome on your photo,” komento ni Alas sa larawang nakuha roon sa kamera na hawak-hawak niya habang naglalakad papalapit sa pinsan.
HAWAK-HAWAK ni Alas ang kamay ni Jemuel habang nasa loob ng isang silid sa pribadong ospital na iyon. Ilang araw na ang nakalipas matapos ang kaguluhang iyon ngunit hindi pa rin nagigising ang isa man kina Ava at Jemuel. Sabi naman ng doktor ay ligtas na mula sa kapahamakan ang dalawa ngunit hindi pa rin maintindihan ni Alas kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin nagigising ang mga ito.Si Segundo Fonteverde ay sumailalim sa isang operasyon dahil sa natamo nito ngunit ligtas na rin naman daw ito sa kapahamakan. Ang importante ay buhay pa rin ang demonyong tiyuhin at anumang oras ay pupuwede pa rin niyang singilin. Wala siyang balak na singilin ang matanda sa sarili niyang mga kamay. Batas na mismo ang naghahanap dito at mas mabuti iyon dahil mararanasan nito ang bunga ng kasamaang ginawa nito sa buong buhay ng tiyuhin.Si Jemuel ang unang nais niyang makausap upang makipag-ayos rito. Sa dinami-dami ng kasalanan at sakit ng loob na ginawa sa kaniya ng pinsan ay tila
“HULI KAYO! DITO lang pala kayo nagtatago, ha,” sigaw ng isang armadong lalaki. Halos mapasinghap sa gulat sina Shaelza at ang kambal nang makita ang lalaki sa kanilang likuran. Naroroon pa rin kasi sila at nagtatago sa likod ng naglalakihang bakal. Natatakot silang lumabas dahil baka mahagip ng ligaw na bala ang isa man sa kanila. Bukod doon ay wala rin silang dalang anumang armas upang ipanlaban sa mga armadong kalalakihan. May mga bata pa siyang kasama kung kaya’y limitado lang ang bawat galaw niya. Napasigaw silang tatlo nang tutukan sila ng baril ng lalaking iyon. Kasunod ng isang nakabibinging pagputok ng baril ay ang pagkakatumba sa sahig ng armadong lalaking may balak na bumaril sa kanila. “Ayos lang ba kayo? Ang mga bata, okay lang ba?” tanong ni Jemuel mula sa likuran ng natumbang lalaki. Siya pala ang bumaril sa taong iyon kaya bumulagta sa konkretong sahig ang lalaki. Iniligtas ni Jemuel ang buhay nila. “Maraming salamat, Jemuel. Oo, ayos