Pagkatapos noon ay hindi na ako nagtagal dahil kailangan ko nang umuwi at marami pa akong gagawing project sa school. Dahil nasa loob ng subdivision ang bahay nila ay maglalakad pa ako palabas.
Noong una ay nagpupumilit pa siyang doon na lang ako magpalipas ng gabi pero tumanggi ako. Hindi rin daw niya ako maihahatid sa labas dahil wala ang sasakyan sa kanila at dala ito ng mga magulang niya na bumisita sa kaniyang lola sa kabilang subdivision. Sabi niya’y tatawag na lang daw siya sa mga security guard sa labas para magpapasok ng kahit tricycle man lang sa loob para sunduin ako. Pero hindi pa rin ako nagpapigil. Sinabi ko na lang din sa kaniya na kailangan ko munang magliwaliw kaya gusto kong maglakad muna papalabas. Sa huli ay sumuko na lang din siya at hinayaan ako.
Marami-rami rin ang napag-usapan namin ni Shaelza na kahit papaano ay nagpagaan ng loob ko.
Noong una ay nagsuhestiyon siya sa akin na sasabihin ko raw sa ama ng dinadala ko, na buntis ako at siya ang ama. Ang kaso natatakot akong itanggi niya itong dinadala ko at itaboy kami. May posibilidad iyon dahil hindi ko naman kilala ang lalaking iyon at baka marami na ang dumaang babae sa kaniya at isa na ako doon. Pagkatapos ay kalilimutan niya na. Ayaw ko namang mapahiya. At saka sa mukha ko lamang siya nakilala.
Kaya sinabi na lang niya na huwag na akong mag-alala dahil tutulungan niya ako. Ano pa’t magkaibigan kami at baka raw multuhin pa siya ni nanny once na pabayaan niya ako. Ang loko, nagawa pang magbiro.
Napahinto na lamang ako sa paglalakad nang may marinig na boses ng lalaking nagsusumamo sa kung kanino. Pumasok ako sa isang private property para sundan lamang ang hinaing na iyon. Umakyat ako sa sira at lumang gusali. Habang tumatagal ay nagiging klaro sa aking pandinig ang sinasabi nito.
“Nagmamakaawa ako. May sarili akong pamilya.” Buong pagsusumamo ng mamá.
“Pamilya? Noong una bago mo tanggapin ang offer sa‘yo na maging mata sa mga transaction at pamamalakad ng kompanya. Naisip mo ba sila? Naisip mo ba na may posibilidad na mapahamak din sila?” pagsabat ng isa. Base sa boses ay bata pa ito.
“Ano ang ibig mong sabihin? Pakiusap, ako na lang. Huwag mo na silang idamay. Ako ang nagkasala sa iyo at hindi sila. Pakiusap!” pag-iyak niya. Halos masira na rin ang boses niya dahil sa pagsusumamo. Sa paulit-ulit na pag-iyak at pakiusap.
Sumilip ako sa gilid ng malaking sirang bintana at doon nakita ko ang mga lalaking nakasuot ng itim na suit. Pinapalibutan ng tatlong lalaki ang dalawang lalaki sa gitna kung saan ang isang lalaki ay nakaluhod sa matangkad na lalaking nakatayo rito. Napahawak na lamang ako sa aking bibig nang makita ang baril na pinaglalaruan nito sa kaniyang kaliwang kamay habang nakaharap sa nakaluhod na mamá.
“I warned you before but you still dared to fool me. Alam mo ba kung ilang bilyones lol ang nasayang dahil sa ginawa mo?” pagngingitngit niya.
“Babayaran ko iyon, babayaran ko iyon. Pakiusap lang. Huwag mo ng idamay ang pamilya ko.”
“Ang project na nawala ay kulang pang kabayaran sa buhay mo at sa buhay ng pamilya mo. Alam mo ba iyon?” Yumukod siya rito at idinampi ang bunganga ng baril sa pisngi ng kawawang mama.
“Ako na lang ang patayin mo. Kunin mo na rin ang mga kayamanan ko. Basta huwag mo lang saktan ang pamilya ko.”
Halos kumirot na rin ang ngalangala ko para sa kawawang mamá. Napahawak na rin ako sa harap ng aking d****b dahil sa kaba at takot.
Kahit nanginginig ang mga kamay ay sinubukan kong tawagan si Shaelza. Nag-ri-ring lamang ang cellphone nito.
‘Sagutin mo, Shaelza.’
Ngunit natigilan lamang ako nang biglang tumawa nang napakalakas ang matangkad na lalaki. Sa muling pagkakataon ay sumilip ang nakaraan sa alaala ko. Iyong tawang iyon, ang tawang iyon ang kinamumuhian ko sa lahat. Paano niya ngagawang tumawa ng ganoon kalakas pagkatapos niyang patayin ang mga magulang ko?
“Sino ba ang may sabi sa’yong hindi kita papatayin?”
Kumabog na ng napakabilis ang puso ko nang itutok niya ang baril sa ulo ng mamá. Gusto kong makatulong. Gusto kong tulungan ang mamá. Ngunit paano? Marami sila. Ang magagawa ko lang ay ang isumpa ko siya sa isip ko.
“Mr. Fonteverde!”
Sa ikalawang pagkakataon ay halos magulantang ako nang pumaibabaw ang tunog ng putok na baril at matumba ang mamá. Ngunit ang nagpahinto ng paggalaw ng paligid ko ay ang pinakawalan nitong angalan. Diretso akong napatitig sa matangkad na lalaking nakatayo na tinawag na Mr. Fonteverde. Parang gusto ko siyang sugurin, kunin ang baril na hawak niya at pagbabarilin siya. Mga sakim!
Bahagya siyang napaharap sa gawi ko at mas lalo akong pinanghinaan nang makita ang kalahating bahagi at ang kurba ng kaniyang mukha, na noong mga oras na iyon, sa kuwartong iyon kung saan ko siya pinagmasdan habang natutulog siya, ay hinahangaan ko pa. Halos mangulap na ang mga mata ko at namalayan ko na lang ang tuloy-tuloy na pagdausdos ng aking luha sa mga mata. Hindi ako makapaniwala.
Natauhan na lamang ako nang tumunog ang hinahawakan kong aparato. At dahil doon ay napagawi silang lahat sa akin. Nanlaki na lamang ang kaniyang mga mata nang magtama ang mga paningin namin. Sa paraan ng pagkagulat niyang iyon ay tila nakilala niya ako at hindi siya makapaniwala na nandoon ako.
Kahit na nakalubog pa mula sa rebelasyon ay sinikap kong gumalaw at kaagad akong tumakbo papalayo.
“Hulihin ninyo!” rinig ko pang pag-utos niya sa mga tao niya bago ko lisanin ang gusali.
Tumakbo ako patungo sa malawak na lote na puno ng nagsisitaasang mga talahib bago ko sinagot ang tawag.
“Ava, napatawag ka? Nasaan ka na ngayon? Nakauwi ka na ba?” walang prenong tanong ni Shaelza sa kabilang linya.
“Shaelza, tulong!” hapong-hapo kong pag-iyak.
“Teka! Ava, are you all right? Nasaan ka? Bakit ganyan ang boses mo?”
“Tulungan mo ’ko. May mga humahabol sa akin na mga masasamang tao,” halos nauutal na ako at hindi ko rin maiwasan ang madapa sa mga talahib dahil sa katitingin ko sa aking likod kung sumusunod pa rin ba sila. Naroroon pa sila, hinahabol ako.
“Ava, nasaan ka?” halos pasigaw nang tanong ni Shaelza. “Ava? Sumagot ka? Buksan mo ang G.P.S mo!” sumisigaw na siya sa kabilang linya.
Hindi ko magawang kalikutin ang cellphone dahil sa panginginig ng mga kamay ko. At mas lalo akong nawalan ng pag-asa nang mawalan ng baterya ang aking cellphone. Bakit ngayon pa! Punong-puno na ng luha ang mga mata ko’t parang ilog na sa pag-agos. Halos wala na rin akong maaninagang daan. Hindi ko na alam kung saan na ako nagsusuot.
Diyos ko po, tulungan po Ninyo ako at ang anak ko.
“Bilisan ninyo. Hanapin n’yo. Huwag ninyong hayaang makatakas!” Rinig kong sigaw ng isang lalaki.
Maya-maya lamang ay biglang nandilim ang paningin ko at ang sumunod na nangyari ay tuluyan na akong natumba.
Third Person P.O.V
Bumusina ang isang puting kotse sa tapat ng two storey modern exterior house at kaagad din siyang pinagbuksan ng mga katulong. Nang maiparada ang sasakyan sa loob ng garahe at pagkapatay ng makina ay bumaba ang isang matangkad na lalaki na naka-itim na italian fabric trousers na pinaresan ng puting long sleeve polo. Naka-insert ang polo niya sa kaniyang pants. Sabado ngayon, ngunit pumasok siya sa kaniyang trabaho.
He is an Ob-gyn doctor with his own office and center or let's just call him a private ob-gyn doctor. He goes to a public hospitals only when requested.
Nang makapagtapos ng kolehiyo sa edad na dalawampu’t isa ay nag-take agad siya ng board exam for his specialization at agad ding pinalad dahil nakapasa siya't nakapagtrabaho sa isang malaking public hospital sa Manila sa loob ng tatlong taon at pagkatapos ay gumawa ng sarili niyang center. Lahat ng iyon ay bunga ng sarili niyang pagsisikap.
At the age of twenty-six, he’s already financially stable. And no worries at all dahil binigyan niya na ng bahay at magandang buhay ang kaniyang mommy. Sa ibang salita ay commitment na lang ang kulang. But unfortunately wala pa siyang napupusuang babae.
“Good evening, Sir Jemuel.” Salubong sa kaniya ng isa nilang katulong.
Iniabot niya ang bitbit na bag at agad naman nitong tinanggap dahil ito naman talaga ang pakay ng katulong na tulungan ang kaniyang amo na dalhin ang gamit nito sa kaniyang kuwarto.
Tumango siya rito bilang tugon. “Si mommy?” tanong niya.
“Nasa garden po, Sir, kausap po si Sir Segundo.”
Napahinto siya at napatingin sa kanilang katulong dahil sa naging sagot nito.
“He’s here.”
“Opo, Sir.” sagot ng katulong kahit na hindi tanong ang paraan ng kaniyang pagsabi.
“Sige, Manang. Salamat.”
“Sige po, Sir.”
Tumungo siya sa garden at doon ay nakita nga niya ang kaniyang mommy kausap ang taong iyon. Naabutan pa niya ang dalawa na nagtatawanan. Marahil ay maganda ang pinag-uusapan ng mga ito.
“Oh, son, here you are. Come here,” masayang pag-imbita sa kaniya ng kaniyang mommy. At dahil doon ay humarap sa kaniya ang kausap nito.
Ngumiti sa kaniya ang matandang lalaki na nangangalang Segundo.
“Mom.” Lumapit siya’t niyakap at hinalikan sa pingi ang ina.
“How’s your day?” nakangiting tanong sa kaniya ng kaniyang mommy.
“Just a bit tired,” maiksing sagot niya.
“It's weekend. Do you still have a job? Shouldn’t you be resting on days like this?” biglang tanong ng lalaki sa kaniya.
“It’s just a waste of time if I take a break," he just answered.
“Oo nga naman. Lalo na kung kakarampot lang ang kita mo sa mga ganyan. Idagdag mo pa ang mga pasyenteng nagmamakaawa dahil wala silang pangtustos sa mga bayarin.” Iling-iling ng matanda.
Dahil doon ay biglang kumulo ang kaniyang dugo. Knowing that the old man underestimating his profession and job. Palibhasa pera ang tinitingnan nito hindi ang serbisyong naibibigay sa tao.
“Mom, let me excuse. I have something to do,” may paggalang na pamamaalam niya sa kaniyang ina. Aalis siya hangga't nakakapagtimpi pa siya.
“But, son? Minsan lang ang daddy mo rito. Could you allow us to be together for a few minutes, couldn't you? Ipagpabukas mo na lang iyang gagawin mo, please,” pakiusap ng kaniyang ina.
Napatingin siya kaniyang ina bago sa matandang lalaki. Wala siyang nagawa kundi ang tumango na lang na ikinatuwa naman ng kaniyang ina.
Umupo siya sa tabi ng ina. Kung hindi lang dahil sa kaniyang ina ay hindi niya masisikmurahang makasama ang isang matandang lalaking ito sa isang lugar kahit ilang segundo lang.
Nakikinig lamang siya sa kuwentuhan ng dalawa. Pinapanood na lamang niya ang kaniyang ina kung gaano ito kasaya na kasama ang lalaki. Instead of feeling happy too, he became even more bitter seeing it.
“Are you happy with your job?”
Napatingala siya nang biglang malihis ang pag-uusap ng dalawa at nasa kaniya na ang atensyon ng mga ito. His mother smiled at him.
Tumingin siya sa nagtanong. “Yes. I am satisfied with my job,” he endedly answered.
“You don’t feel awkwardness every time you see a private part of a woman and child coming out there? Isn't that looked embarrassing especially when you're a man? Ikaw ba naman lalaki makakita ng private part ng maraming babaeng nanganganak,” the old man jokingly stated.
Pagak siyang natawa dahil sa mga sinabi nito.
“I’m not. In fact, I'm glad to see a new born baby and to know that I'm one of those people who welcome them in our world. Masaya akong nagagawa ko ang responsibilidad ko. Hindi katulad ng iba na basta pinasok lang at pinutok pagkatapos ay tatakasan, right?” he responded.
Kumupas ang ngiti sa mga labi ng matandang lalaki dahil sa isinagot niya at marahas itong tumayo at dinuro siya.
“You!” The old man.
“Me what?” he retorted. “May nasabi ba akong masama?” he added.
“Son!” pagsaway sa kaniya ng kaniyang ina.
Halos hindi siya makapaniwalang tumingin sa kaniyang ina. Ngayon pagkatapos ng lahat ay itong matandang lalaki pa ang kakampihan ng ina niya.
“Let me excuse,” iyon na lamang ang sinabi niya at umalis.
Tinawag siya ng kaniyang ina pero hindi niya na ito nilingon.
“Manang!” pagtawag niya sa katulong.
“Sir?”
“Open the gate.”
“Yes, Sir.” Tumakbo agad ang katulong sa labas para buksan ang gate.
Pagkapasok niya sa sasakyan ay halos mapamura na lang siya at pinaghahampas ang manibela. Kaagad din niyang binuksan ang engine ng sasakyan at minanyobra.
How could he interfere with his life and his work? He didn't even contribute to his life. Basta na lang ito pumasok sa buhay nila nang malamang lalaki ang naging anak nito sa babae niya which is ang ina niya. Palibhasa halos babae ang anak nito sa totoong asawa na hindi nito mapakinabangan sa business world.
Poor children, judged by their own father.
Ang nasa isip niya nang bigla siyang mapapreno sa gulat ay dahil may babaeng lumabas sa malagong talahiban. Kahit inaagaw na ng dilim ang liwanag ay naaninagan niya ito sa tulong na rin ng liwanag na nanggagaling sa kaniyang sasakyan. Pinagmasdan niya lamang ito kung tao ba ito o ano dahil kahit kailan naman ay wala pa naman siyang nakikitang multo. Kitang-kita niya ang ginawang pagsusumikap ng babae na makatayo at sa pagtumba nito ay bigla na lang siyang nabahala at agad lumabas ng sasakyan para daluhan ito.
“Miss, are you okay?” tanong niya habang tinutulungan ang babaeng tumayo.
Ang katawan nito’y parang lantang-gulay. Nanghihina na para bang nauubusan na ng lakas.
“Tulong,” ang naging usal ng babae bago ito tuluyang mawalan ng malay sa kaniyang bisig.
Ava’s P.O.V“Daddy,” wika ko nang lumitaw si daddy sa harapan ko. “Daddy,” muling pagtawag ko ngunit wala siyang kibo at mukhang balisa.“Blythe, baby?” Napatingin ako kay mommy na ngayon ay naglalakad papalapit sa amin bitbit ang malungkot na ngiti.“Mommy,” nangungulap kong usal.Kaagad kong dinaluhan si mommy at niyakap. Gumanti naman siya sa mga yakap ko at hinagod ang aking buhok.How I miss her.“Baby, please take good care of yourself” she spoke calmly and full of concern.Tumango-tango ako. “I
Pagkarating namin sa Paris, France ay nangupahan kami ng dalawang kuwartong matitirhan; isa ang sa kaniya at isa naman sa akin. Sa una ay nahirapan pa akong mag-adjust sa bagong paligid ngunit habang tumatagal ay nasasanay na ako. Hindi ako pinabayaan ni Jemuel sa buong pagbubuntis ko sa aking anak lalo na nang malaman naming kambal pala ang magiging anak ko. Sinuportahan niya kami kahit na ilang beses ko siyang sinabihan na intindihin niya ang kaniyang sarili at huwag kami dahil hindi naman niya kami responsibilidad. Ngunit palagi siyang nagkukusang-loob. Hindi niya ako pinagtatrabaho dahil maselan daw ang pagbubuntis ko. Kaya ang pagiging healthcare assistant niya sa isang private hospital ang tumustos ng pangangailangan namin araw-araw.Knowing Jemuel who is a registered licensed doctor in the Philippines but lowered his pride just to be an assistant here in France. In the Philippines, his life was good
Third Person P.O.V Isang middle age na instik na pasyente ang nagpupumilit bumangon sa kaniyang higaan dahil naiihi na siya, ngunit dahil namamaga ang kaniyang mga paa dulot ng sakit na dyabetis, ay nahihirapan siyang timbangin ang sarili paupo sa wheelchair. Wala ang kaniyang tagabantay sa kadahilanang bumaba ito para bumili ng pagkain. Tulog siya kanina nang iwan siya ng kaniyang anak. Sa kaniyang pagpupumilit ay nasagi niya sa mesang katabi niya ang mga insenso at nahulog. Sa kamalasmalasan ay nahulog pa ito malapit sa nakalaylay na puting manipis na kurtina. Maya-maya'y biglang nagliyab ang kurtina at nahulog ang babae sa kaniyang hospital bed. Mabilis na kumalat ang apoy lalo na nang gumapang ito sa kawad ng kuryente. Sa takot ng babae ay nagmadali siyang gumapang patungong pinto at sinikap ang sariling tumayo sa tulong ng kinapitan niyang haligi.
Ava’s P.O.VI'm was busy fixing myself. Tinabingan ko ng pulang lipstick ang kulay rosas ko ng labi matapos kong lagyan ng light make up ang aking mukha. Hindi ko na kailangan pa ng makapal na make up para magmukhang tao dahil sa simpleng ayos lang ay napapansin na naman ako. I have my own natural beauty. Nang matapos ay pumunta ako sa malaking tokador at binuksan ito para mamili ng susuotin sa araw na ito. Kailangan kong ma-impress ang client para maging proud sa akin ang boss namin. I chose the white sleeve dress that was above the knee and paired it with a yellow fitted blazer. Pagkatapos kong isuot ito ay tiningnan ko ang sarili sa harap ng salamin.After five years of hardship and being anxious, now I have recovered and become a brave and resilient woman. Natapos ko na ang kurso at propesyong inaasam-asam ko noon pa man. If I stay with yesterday I wi
“Mom, you said I have a sister. Will I ever meet my twin here in the Philippines?” Herald asked as we got into the car that had been waiting for us outside the airport.Napatingin kami ni Jemuel sa isa’t isa. Alam ni Herald na may kakambal siya, ngunit hindi ko sinabi na nasa kamay ito ng walang puso nilang ama. Hindi ko ipinagdamot sa anak ko ang impormasyon tungkol sa kaniyang kakambal. Ngunit kailangan ko lang baguhin ang kuwento. Sinabi ko lang sa kaniya noon na may kakambal siya pero nasa malayong lugar. Makikita lamang namin siya once na makapunta kami roon. Hindi ko naman aakalain na maiisip ito ngayon ni Herald.“Not yet, Son. But soon,” naging sagot ko na lamang.Natahimik si Herald nang sabihin ko iyon na ipinagtaka ko. He’s the kind of kid who has a lot of questions and
“What?” bulalas ni Jemuel nang sabihin ko sa kaniya ang plano ko para makuha si Hera sa walang puso niyang ama. “Are you insane?” habol pa niya.Narito kami ngayon sa balkonahe. Inaya ko siya uminom ng beer para kausapin. He’s my friend. Sa sobrang dami ng naitulong niya sa amin at sa tagal na rin naming magkasama ay parang naging kapareha at kasama ko na siya sa lahat ng bagay. Ayaw kong maglihim sa kaniya na ikasisira ng aming pagkakaibigan lalo na sa plano kong ito na paglapit sa taong pumatay sa mga magulang ko at dahilan ng pagiging miserable ko sa buhay.“Ito na lamang ang paraang naisip ko at sana maintindihan mo ’yon,” katuwiran ko.Umiling siya na tila nadismaya sa akin. Tumayo siya at tumungo sa barandilya. Mula sa kaitaasan na aming kinaroonan ay mga kumikis
Hanggang kailan ba tayo matatakot? Hanggang kailan natin ikukulong ang sarili natin sa takot? Minsan tinuturuan natin ang ating sarili na maging matapang, ngunit isang katok lang sa atin ng mga bagay na ating kinatatakutan ay babalik na naman tayo sa pagiging mahina.Minsan din kapag magapi natin ang takot lalo na sa isang taong nakagawa ng bagay na ikinatatakot natin ay napapalitan din ng galit at pagkamuhi. Bakit? Dahil ginawa nilang miserable ang buhay natin. Namuhay tayo sa takot nang dahil sa kanila. Itong galit na ito o pagkamuhi ay magdadala rin sa atin sa kapahamakan kung tayo man ay naging padalos-dalos sa desisyon natin sa buhay.Kaya saan tayo lulugar? Ano ang dapat nating gawin?Basta ang alam ko lang ay ang harapin ang takot at isantabi ang galit para maisakatuparan lamang ang hinahangad ng puso.
Third Person P.O.V “Tito Jemuel, when are you going to visit us?” Herald asked him on the other line. Ilang araw na ba siyang hindi nakapupunta sa condo unit ng mag-ina? Two? Three? Four days? Hindi niya na alam. At wala siyang plano dahil maliban sa abala siya para sa papalapit na pagbubukas ng klinika niya ay hindi pa niya kayang harapin si Ava. He already did everything, but why does it seem to be not enough to her? He was upset because of the woman's decision. Hindi man lang siya sinama sa naging plano ng babae. Tila wala siyang naitulong at basta na lamang itinapon. Kausap niya ngayon ang inaanak niya sa kabilang linya. Kinonekta lamang niya sa aparatong nilalagay sa tainga ang tawag sa selpon dahil nagmamaneho siya ngayon ng kaniyang sasakyan. “I can't sa
Nagulat ako nang mapansin ang pagliwanag ng sahig na kinaaapakan ko. May liwanag na hugis palaso na tila ba nais akong sundan ang guhit na iyon. Pakiramdam ko ay tila ba nasa loob ako ng isang malaking silid na computer-based ang sahig dahil sa biglang paglitaw ng liwanag nito. Pinaglalaruan ba ako ng kung sino? Sinundan ko ang naturang arrow at tumigil iyon sa isang hugis bilog. Nang tingnan ko ang naturang liwanag ay may mga letra na biglang lumitaw roon. ‘Thank you for making me smile everytime I frown...’ Muli ay lumitaw ang arrow na liwanag sa sahig at tinuro na naman ako sa panibagong daan. Tila wala sa sarili na sinundan ko ang liwanag na iyon at tumigil sa liwanag na tatsulok ang hugis. Gaya ng unang hugis ay may mga letra ring lumabas doon. ‘Thank you for being a strength at my weakest...’ Muli ay lumitaw ang liwanag na arrow at muling gumuhit ang kahabaan niyon sa sahig na sinundan ko naman. Dinala ako niyon sa hugis parisukat na sahig. Muli
“Maraming salamat din sa ’yo,” tugon ko.Mula sa malayo ang tingin ay inilipat niya ito sa akin at ngumiti.“You are special to me, Ava. Kaya ingatan mo rin ang sarili mo. Alam kong matapang kang babae at matalino. Kaya alam kong kaya mong ipagtanggol ang sarili mo. Pero sana minsan turuan mo rin ang sarili mong sumandal sa iba. Hindi ka nag-iisa sa laban.”“Bawasan din ang pagiging kampante sa sarili na kaya mo, minsan matuto ka ring sumuko at tanggihan ang mga bagay na mahirap gawin. Hindi kasi lahat ng bagay ay kaya at kakayanin mo, minsan kaya mo nga pero masakit na.”“Narito naman kasi kami na handa kang tulungan pero binabalewala mo. Pinapamukha mo sa amin na wala kaming silbi para sa ’yo para akuin ang lahat ng pasanin na bitbit mo. Bilang kaibigan, nakatatampo. Pero dahil kinaya po nga, binabati kita. Ngunit sa susunod sana ay kumatok ka na. Ang kaibigan ay hindi lang maaasahan sa purong
“Salamat po.”“You’re welcome,” nakangiti at magkasabay na tugon nina Hera at Herald sa batang ulila nang bigyan nila ito ng isang set na gamit pang eskuwela, na may kasamang laruan na naaayon sa kasarian ng bata kung ito ba ay babae o lalaki.Sunod-sunod na nakapila ang sari-saring mga bata sa kanila na mayroong malawak na ngiti sa kanilang mga labi at hindi na makapaghintay pa na tanggapin ang para sa kanila. Samantala ang mga nakakuha na ay nakaupo na sa kani-kanilang upuan at pinapakita sa kasama ang mga gamit na natanggap nila kahit na pare-pareho lang ay tila ba pinapasikat pa rin nila sa isa’t isa. Nakatutuwang tingnan.“Marami po talagang salamat, Mr. at Mrs. Fonteverde sa tulong ninyo sa mga bata at sa donasyon po ninyo sa ampunang ito. Malaking bagay po ito sa mga bata.” Pagkuha sa aming atensyon ng Senior Sister na siyang namumuno ng bahay-ampunan na napili ng kambal na lugar pagdarausan para sa kanilang
Isang mahigpit na yakap at dampi ng mga labi ang nagpaputol sa akin mula sa mahimbing na pagkakatulog. Napangiti ako nang manuot sa aking ilong ang natural niyang amoy. Simula nang maamoy iyon noon ay ito na ang naging paborito kong amoy. Nang imulat ko ang aking mga mata’y tumama sa akin ang sinag ng araw na nagmumula sa salaming dingding. Naalala kong hinayaan lang pala namin itong nakabukas kagabi para mapanood ang di-mabilang na mga tala na kumikislap sa kalangitan. Hanggang sa tumungo na nga kami sa bagay na kalimitang ginagawa ng mag-asawa. “Good morning, Love. I love you,” bulong niya sa aking tainga dahilan upang dumaloy sa buong sistema ko ang init ng kaniyang hininga nang dumampi ito sa leeg ko. Hindi ko napigilang mapapikit dahil sa sensasyon na bumubuhay ulit sa aking katawang-lupa. Naalala ko tuloy ang ginawa namin kagabi at ngayon nga’y gu
“Love, tutal ay naging bukas na rin tayo sa isa’t isa para pakinggan ang sarili nating mga dahilan at doon ay nagkaroon tayo ng pagkakaunawaan. Bakit hindi natin hayaang pakinggan din ang iyong tiyo sa kaniyang mga sasabihin para naman maunawaan din natin ang bahagi niya? Love, kasi kung puro na lang galit ang nasa puso natin, hinding-hindi tayo uusad. Magiging ganito tayo habang-buhay.” Napayuko ng ulo si Alas dahil sa mga sinabi ko.“Please, hayaan natin siyang magsalita para sa sarili niya at doon na lang tayo huhusga. Ang hirap kasing humusga na lang na wala naman tayong alam sa mga pinagdaanan niya.” Tumingin ako kay Jemuel na kagaya rin ni Alas ay nakayuko na.“Wala akong magandang rason o dahilan na magsisilbing depensa sa sarili dahil mga mali naman ang ginawa ko.” Napatingin ako kay Mr. Segundo sa sinabi niya.“Mr. Segundo, hindi ako naniniwala na wala lang lahat ng mga ginawa mo. Alam kong may pinag
Dahil sa mga katotohanang naihayag ay walang sino man ang naglakas-loob na kumibo. Binalot kaming tatlo ngayon ng nakabibinging katahimikan. Isang tao lang pala ang siyang puno’t dulo ng mga ito. Dahil sa kaniya ay halos magdusa kaming lahat.Tiningnan ko si Alas na ngayon ay nakayuko lang at nakatuon sa tasa ng kape ang atensiyon. Sa aming dalawa ay siya itong tunay na nabilog at naloko ng taong iyon. Buong buhay niya ay ang taong iyon na ang kaniyang tinatakbuhan at pinagkakatiwalaan. Nakaramdam ako ng awa sa aking asawa. Naaawa ako sa kaniya sapagkat pinaglaruan lang siya ng mga taong nasa paligid niya at iyong mga taong kinakapitan pa niya.“Kung alam n’yo lang kung gaano kaganda ang relasyon ng mga magulang ninyo noon. Kaya nga hindi ko alam kung bakit nadala sila sa panunukso ng isang Segundo. Napakagahaman talaga ng taong iyon. Kahit noon pa man ay may nararamdaman na akong hindi maganda sa kaniya. Hindi nga ako nagkamali, nagtagumpay nga siyan
“HAPPY BIRTHDAY!” sabay-sabay naming sigaw pagkabukas ng pintuan ng bahay. Pagkatapos niyon ay bumungad sa aming paningin ang naka-wheelchair na si Jemuel. Sumabog din ang confetti na pinaputok namin at nagsiingay ang mga bata gamit ang torotot na humahaba ang dulo sa tuwing hinihipan. Namilog ang mga mata ni Jemuel dahil sa labis na pagkagulat. Samantalang ang kaniyang ina na nasa likod niya, at may hawak ng hawakan ng wheelchair na sakay niya, ay malawak ang pagkakangiti. “W-What the...” hindi niya halos mabigkas ang mga katagang iyon. Maya-maya’y isang liwanag ang kumislap sa harapan niya. “Hey, Kheil. You look handsome on your photo,” komento ni Alas sa larawang nakuha roon sa kamera na hawak-hawak niya habang naglalakad papalapit sa pinsan.
HAWAK-HAWAK ni Alas ang kamay ni Jemuel habang nasa loob ng isang silid sa pribadong ospital na iyon. Ilang araw na ang nakalipas matapos ang kaguluhang iyon ngunit hindi pa rin nagigising ang isa man kina Ava at Jemuel. Sabi naman ng doktor ay ligtas na mula sa kapahamakan ang dalawa ngunit hindi pa rin maintindihan ni Alas kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin nagigising ang mga ito.Si Segundo Fonteverde ay sumailalim sa isang operasyon dahil sa natamo nito ngunit ligtas na rin naman daw ito sa kapahamakan. Ang importante ay buhay pa rin ang demonyong tiyuhin at anumang oras ay pupuwede pa rin niyang singilin. Wala siyang balak na singilin ang matanda sa sarili niyang mga kamay. Batas na mismo ang naghahanap dito at mas mabuti iyon dahil mararanasan nito ang bunga ng kasamaang ginawa nito sa buong buhay ng tiyuhin.Si Jemuel ang unang nais niyang makausap upang makipag-ayos rito. Sa dinami-dami ng kasalanan at sakit ng loob na ginawa sa kaniya ng pinsan ay tila
“HULI KAYO! DITO lang pala kayo nagtatago, ha,” sigaw ng isang armadong lalaki. Halos mapasinghap sa gulat sina Shaelza at ang kambal nang makita ang lalaki sa kanilang likuran. Naroroon pa rin kasi sila at nagtatago sa likod ng naglalakihang bakal. Natatakot silang lumabas dahil baka mahagip ng ligaw na bala ang isa man sa kanila. Bukod doon ay wala rin silang dalang anumang armas upang ipanlaban sa mga armadong kalalakihan. May mga bata pa siyang kasama kung kaya’y limitado lang ang bawat galaw niya. Napasigaw silang tatlo nang tutukan sila ng baril ng lalaking iyon. Kasunod ng isang nakabibinging pagputok ng baril ay ang pagkakatumba sa sahig ng armadong lalaking may balak na bumaril sa kanila. “Ayos lang ba kayo? Ang mga bata, okay lang ba?” tanong ni Jemuel mula sa likuran ng natumbang lalaki. Siya pala ang bumaril sa taong iyon kaya bumulagta sa konkretong sahig ang lalaki. Iniligtas ni Jemuel ang buhay nila. “Maraming salamat, Jemuel. Oo, ayos