Napamulat ako nang tumama ang sinag ng araw sa mga mata ko. Sobrang bigat ng aking pakiramdam na tila tatrangkasuhin ako. Maliban doon ay masakit din ang buong katawan ko lalo na ang pang-ibabang bahagi.
Teka!
Nanlaki na lamang ang mga mata ko at napaupo nang may maalala. Ngunit kaagad naman akong napakislot nang bigla namang kumirot ang aking ulo.
Pero nang tuluyang makumpirma ang hinala ay halos hindi ko na malaman kung ano ang gagawin. Buong akala ko ay panaginip lang ang lahat. Ngunit ikaw ba naman ang magising na may katabing hindi mo kilalang lalaki sa isang kuwarto na kapuwa kayo h**o’t h***d, panaginip pa rin ba?
Oh my God! Anong nagawa ko?
Pinagsasampal ko ang aking sarili. Gusto kong sumigaw. Ngunit nang biglang gumalaw ang lalaki ay agad ko ring pinakalma ang sarili.
Hindi. Hindi maaari ito! Isang hindi kanais-nais na gawain ng isang babae ang ginawa mo Ava. Kung buhay lang ang nanny mo ay malalagot ka talaga.
Dahan-dahan akong tumayo para hindi ko magising ang lalaki. Kahit masakit pa ang katawan ay pinilit kong kumilos. Dapat akong makaalis dito. Wala akong mukhang maihaharap once na magising ang estrangherong ito.
Dinampot ko isa-isa ang mga gamit kong nakakalat at nagbihis. Hinanap ko ang shoulder bag ko at napapikit na lang nang makitang nakapatong ito sa bedside table na nasa ulohan ng lalaki. Kinuha ko ang takong ko at dahan-dahang naglakad papalapit dito.
Bago ko makuha ang bag ay naagaw ng magandang mukha ng lalaki ang paningin ko. Napakurap pa ako ng ilang beses para makumpirma ito. From his thick eyebrows, small eyes with long eyelashes, long nose; and small and kissable face. I envy him for having a creamy-white and perfect curve face.
He’s like a greek god even he is sleeping.
Niwagwag ko na lamang ang ulo nang matauhan. Kaagad kong kinuha ang bag at tumakbo patungong pinto. Dali-dali kong tinungo ang hagdan pababa at nasorpresa ako nang tumambad sa aking paningin ang malawak at malinis na club. Pamilyar sa akin ang counter, ang mga couch at table, at ang malawak na dance floor. Iniling-iling ko ang aking ulo.
Ayaw ko nang mag-isip pa.
“CLASS DISMISSED!” Natauhan na lang ako nang bigla iyong bigkasin ng aming propesor. Naging okupado yata ang utak ko sa buong klase dahil hindi ko namalayan ang oras.
Speaking of time.
Tumingin ako sa wristwatch ko at napapikit na lamang nang sampung minuto na lang ay huli na ako sa trabaho ko. Kaagad kong iniligpit ang aking mga gamit at tumayo.
Sa ganitong paraan tumatakbo ang buhay ko; estudyante sa umaga at waitress ng isang fastfood chain sa hapon hanggang alas-dyes ng gabi. Bale anim na oras ang inilalagi ko sa trabaho at minsan nagkakaroon pa ng overtime.
Simula nang mamatay si nanny sa sakit na tuberculosis ay mag-isa na akong kumakayod para sa sarili. Pinalaki niya akong madiskarte sa buhay na kahit mag-isa na ay kaya pa ring buhayin ang sarili. Ngayon ay nasa huling taon na ako sa kolehiyo sa kursong Interior Designing. Kaya nagsusumikap ako dahil kaunti na lang maabot ko na ang pangarap ko.
Dahil medyo malayo pa ang lokasyon ng tinatrabahuhan ay nagmamadali ako para makalabas agad ng campus at makahabol ng pampasaherong sasakyan. Sakto namang pagkalabas ko ay may humintong jeep kaya nakasakay agad ako.
Pagkahinto ng jeep sa harap ng fastfood chain na tinatrabahohan ko ay nagmadali akong bumaba.
“Magandang hapon, Manong!” bati ko sa kasamahan namin security guard pagkarating.
Ngumiti siya sa akin. “Magandang hapon din, Iha. Nahuli tayo ngayon, ah,” wika niya.
“Oho nga po. Sige po.” Nagmadali na akong pumasok.
Nagkasalubong kami ng kasama ko, pareho kaming night schedule, bihis na siya at may bitbit ng mga orders.
“Oh, Ava! Nahuli ka yata?”
“Oho nga po, Ate Luna. Nagkaroon kami ng make-up class, e,” pagsagot ko.
“Ahh gano’n ba. Magmadali ka na baka maabutan ka pa ni manager.”
“Sige ho. Salamat.”
Kaagad akong pumunta sa locker room namin at nagbihis. Habang nagbibihis ay bigla na lang pumasok sa isip ko ang mga nangyari apat na linggo na rin ang nakalilipas. Hanggang ngayon ay sumasagi pa rin sa isip ko iyon. Hindi ko pa naikuwento kay Shaelza ang tungkol doon dahil nahihiya ako. Marahas na lamang akong napabuntong-hininga.
Nag-umpisa na ako sa trabaho at dahil katapusan na ng linggo ay marami kaming customer ngayon. Umiikot na rin ang paningin ko marahil sa pagod at pabalik-balik na paglalakad ko upang gawin ang aking trabaho.
Nang mailapag ko sa lababo ang tray na puno ng pinagkainan ng mga customer ay bigla akong napasapo sa aking ulo. Kaagad akong dinaluhan ng isa sa aming dishwasher na malapit lang sa aking kinaroroonan.
“Okay ka lang ba, Ava?” bakas ang pag-aalala sa tanong niya.
“Oho. Baka sa pagod lamang ito,” pagtugon ko.
“Halos ilang araw ko na ring napapansin ang pagkahilo at pagiging balisa mo sa tuwing pumapasok ka rito, a. Okay ka lang ba talaga?” pag-uulit niya sa kaniyang tanong. Naniniguro.
Napatingin ako sa kaniya at bahagya akong ngumiti. “Huwag ka pong mag-alala, Ate Rachel. Okay lang po talaga ako.”
“Masiyado mo na kasing sinusubsob ang sarili mo sa pag-aaral at pagtatrabaho kaya ayan. Alagaan mo kaya ang sarili mo. Magpahinga ka rin,” pagbibigay payo niya.
“Kailangan ho. Sige ho. Marami pa ho akong liligpitin sa labas. Maraming salamat ho sa pag-aalala,” pamamaalam ko.
“Sigurado ka bang kaya mo?”
Binigyan ko siya ng ngiting may kapanatagan at tumango sa kaniya bago umalis.
KAAGAD akong napahiga sa higaan pagkarating sa apartment na tinutuluyan ko. Sobrang bigat ng pakiramdam ko. Napatayo na lamang ako nang biglang bumaliktad ang sikmura ko. Dali-dali akong tumakbo sa palikuran at nagduduwal. Pagkatapos ay binuksan ko ang gripo upang maghilamos ng mukha.
Napatingin ako sa aking repleksyon sa salamin. Naalala ko ang sinabi sa akin kanina nang kasamahan ko sa trabaho. Tama nga siya, masyado ko ng pinababayaan ang sarili ko. Napapansin ko na rin ang pagiging maputla ko nitong mga nakaraang araw, dumadalas na rin ang pagkahilo ko at pagduduwal. Binalewala ko na lamang at lumabas ng banyo.
KINAUMAGAHAN ay nagising na lang ako dahil sa ingay sa kabilang apartment. Kinuha ko ang unan at tinakpan ang tainga ngunit wala pa ring epekto.
Bakit kasi ang aga magpatugtog ng mga ito? Nakakabanas naman ng pasensya.
Marahas akong napaupo pagkatapos ay tumayo. Pinuntahan ko ang apartment na katabi ko at kumatok. Ilang katok na ang ginawa ko ay wala pa ring nagbubukas kaya mas nilakasan ko ang pagkatok sa pinto. Pagkabukas ay sumalubong sa aking paningin ang isang lalaking magulo ang buhok na naka-shorts lamang.
“Yes?” tanong niya.
“Hi. P’wede bang pakihinaan ang sound system ninyo,” mahinahon kong wika.
“What?” Pagkunot-noo niya.
Ayon. Bingi na nga.
“Iyong sound system. Pakihinaan sana.”
“...kasi nakabubulabog na kayo.’ Mga kataga na gusto ko sanang idugtong pa kaso ay baka masira ko ang mukhang maganda niyang umaga.
“Who’s that, babe?” tanong ng babae.
“I think it's your neighbor. I can't hear what she's saying,” usal niya.
“Paano nga maririnig, e, ang lakas ng sound system,” hindi ko napigilang ibulong sa sarili.
Ngumiti ako nang maya-maya’y lumabas ang babaeng nakasuot ng puting oversized t-shirt at magulo rin ang buhok. May dala-dala itong hindi ko malaman kung anong klaseng shakes na nakalagay sa malaking tasa.
“Oh, Hi! What shjkdk...”
Wala na akong naintindihan sa sinasabi ng babae nang biglang bumaliktad ang sikmura ko dahil sa amoy na nanggagaling sa shakes na hawak niya. Nagmadali akong pumasok sa apartment ko at tumakbo sa banyo.
Napaupo na lamang ako sa higaan ko nang maubusan ng lakas dahil sa pagduduwal. Napadako ang tingin ko sa kalendaryo at tila binuhusan ako ng malamig na tubig sa napagtanto.
Teka! Anong petsa na ba ngayon?
Kaagad akong bumaba at tumungo sa malapit na pharmacy store. Hindi ito maaari pero kailangan kong kumpirmahin.
Tinitigan ako ng babaeng binilhan ko ng aking kailangan. Hindi niya ako makilala dahil sa naka-hoody ako’t nagsuot pa ng facemask kaya pagsuri na lamang sa kabuoan ko ang nagawa niya. Nagtaka marahil dahil marami-rami rin itong pregnancy test na binili ko. Kaagad akong umalis pagkakuha ko ng kailangan ko at umuwi sa apartment. Pumunta agad ako sa banyo pagkarating.
IPINIKIT ko ang aking mga mata habang hinihintay ang ikatlong resulta. Nanginginig na ang mga kamay ko. Ipinagdarasal ko na sana negatibo na sa pagkakataong ito.
Nang matapos ang pagbibilang ay unti-unti kong binuksan ang mga mata at halos umakyat ang init ng katawan ko sa aking ulo sa nakita.
Dalawang guhit? Dalawang pulang guhit pa rin.
Nagawa ko pang ipikit muli ang aking mga mata at muling idinilat ito. Walang nagbago. Tinitigan ko ang unang dalawang pregnancy test na parehong may dalawang pulang guhit.
Halos napahilamos ako ng mukha sa sobrang pagkasiphayo. Hindi ko napigilan, tuloy-tuloy na tumagaktak ang butil ng mga luha na nanggagaling sa aking mga mata.
Diyos ko! Bakit ganito? Hindi pa ho ako handa.
“AVA!” SHAELZA looked surprised when she opened the door for me. Alam kong hindi niya ako inaasahan ngayon dahil abala akong tao at minsan lang kami kung magkita.
Kaagad ko siyang niyakap at nagsimulang umiyak ulit sa mga balikat niya.
I met Shaelza through my nanny because then after what happened to mommy and daddy, nanny looked for a new job. Hindi naman niya raw kasi ako kayang buhayin kung wala siyang trabaho kaya nag-apply siya at nakapasok bilang isang katulong sa mga magulang ni Shaelza. Hindi naman gano’n kayaman ang pamilya nila pero tama lamang na magkaroon sila ng magandang buhay. Mabait ang mga magulang ni Shaelza at maging siya. Kaya hindi kami nahirapang makagaanan sila ng loob. Dinadala lagi ako ni nanny sa bahay nina Shaelza noon sa tuwing pumapasok siya kaya ayon naging kalaro at naging kaibigan ko na rin siya.
“What?” Halos mawasak eardrums ko nang sumigaw si Shaelza.
Napayuko na lamang ako.
“Ano’ng sabi mo? Buntis ka?” pag-uulit niya sa sinabi ko.
Tumango ako at maya-maya'y humagalpak siya ng tawa.
“Ano ka ba, Friend. Tapos na ang april fools. Ngayon ka pa may ganang magbiro ng gan’yan?” tatwa niya.
“Shaelza, nagsasabi ako ng totoo,” pagkumbinsi ko.
“Paano ka mabubuntis, aber? E, halos trabaho at pag-aaral lang naman ang inaatupag mo. Wala ka ngang jowa. Iyong mga nirereto ko sa‘yo hindi mo naman pinapansin. ’Wag mong sabihing may sinagot ka isa sa kanila nang ’di ko alam?”
“Hindi. Ito kasi i—”
Hindi niya pinatapos ang dapat kong sabihin at basta na lang siyang nagtatalak ulit.
“Hindi naman pala. E, paano? ’Wag mong sabihin sa akin na nag-nightclub ka mag-isa nang hindi ko alam? Nagpakalasing, sumayaw na wala sa sarili, at may biglang lumapit na guy... at pagkatapos ayon na. Hindi mo namalayan nandoon na kayo. Gano’n ba?”
Halos napanganga ako sa mga sinabi niya. Parehong-pareho at eksaktong-eksakto.
“Paano mo nalaman?” pagtanong ko.
Nangunot ang kaniyang noo. “Anong paano ko nalaman?”
“Iyon. Wala ka naman nang mangyari iyon pero paano mo nalaman?”
Halos napasinghap siya’t napahawak pa sa kaniyang bibig.
“G*g* ka, friend. Huwag mong sabihing iyon nga ang nangyari?” bulyaw niya.
Nanahimik ako at maya-maya'y tumango.
“Oh my gash!” bulalas niya. “Nabasa ko lang iyon sa isang kuwentong inaabangan ko araw-araw. Hindi ko aakalaing mangyayari rin iyon sa totoong buhay,” halos hindi niya makapaniwalang saad.
“So, buntis ka nga?” muling tanong niya.
Tumango ako at ibinigay ang ebidensya sa kaniya.
“Tatlo pa ’yan para maniwala ka,” ani ko na lang.
Maya-maya'y nagulat na lang ako nang bigla siyang magtitili.
“So, ano? Pogi ba ang tatay?”
Naibaba ko na lamang ang mga balikat ko dahil sa kaniyang naging tanong. Hindi ko alam kung makatutulong ba ’tong kaibigan ko sa problema ko ngayon o hindi.
Pagkatapos noon ay hindi na ako nagtagal dahil kailangan ko nang umuwi at marami pa akong gagawing project sa school. Dahil nasa loob ng subdivision ang bahay nila ay maglalakad pa ako palabas.Noong una ay nagpupumilit pa siyang doon na lang ako magpalipas ng gabi pero tumanggi ako. Hindi rin daw niya ako maihahatid sa labas dahil wala ang sasakyan sa kanila at dala ito ng mga magulang niya na bumisita sa kaniyang lola sa kabilang subdivision. Sabi niya’y tatawag na lang daw siya sa mga security guard sa labas para magpapasok ng kahit tricycle man lang sa loob para sunduin ako. Pero hindi pa rin ako nagpapigil. Sinabi ko na lang din sa kaniya na kailangan ko munang magliwaliw kaya gusto kong maglakad muna papalabas. Sa huli ay sumuko na lang din siya at hinayaan ako.Marami-rami rin ang napag-usapan namin ni Shaelza na kahit papaano ay nagpagaan ng loob ko.Noong una ay nagsuhestiyon siya sa akin na sasabihin ko raw sa ama ng dinadala ko, na buntis ako at
Ava’s P.O.V“Daddy,” wika ko nang lumitaw si daddy sa harapan ko. “Daddy,” muling pagtawag ko ngunit wala siyang kibo at mukhang balisa.“Blythe, baby?” Napatingin ako kay mommy na ngayon ay naglalakad papalapit sa amin bitbit ang malungkot na ngiti.“Mommy,” nangungulap kong usal.Kaagad kong dinaluhan si mommy at niyakap. Gumanti naman siya sa mga yakap ko at hinagod ang aking buhok.How I miss her.“Baby, please take good care of yourself” she spoke calmly and full of concern.Tumango-tango ako. “I
Pagkarating namin sa Paris, France ay nangupahan kami ng dalawang kuwartong matitirhan; isa ang sa kaniya at isa naman sa akin. Sa una ay nahirapan pa akong mag-adjust sa bagong paligid ngunit habang tumatagal ay nasasanay na ako. Hindi ako pinabayaan ni Jemuel sa buong pagbubuntis ko sa aking anak lalo na nang malaman naming kambal pala ang magiging anak ko. Sinuportahan niya kami kahit na ilang beses ko siyang sinabihan na intindihin niya ang kaniyang sarili at huwag kami dahil hindi naman niya kami responsibilidad. Ngunit palagi siyang nagkukusang-loob. Hindi niya ako pinagtatrabaho dahil maselan daw ang pagbubuntis ko. Kaya ang pagiging healthcare assistant niya sa isang private hospital ang tumustos ng pangangailangan namin araw-araw.Knowing Jemuel who is a registered licensed doctor in the Philippines but lowered his pride just to be an assistant here in France. In the Philippines, his life was good
Third Person P.O.V Isang middle age na instik na pasyente ang nagpupumilit bumangon sa kaniyang higaan dahil naiihi na siya, ngunit dahil namamaga ang kaniyang mga paa dulot ng sakit na dyabetis, ay nahihirapan siyang timbangin ang sarili paupo sa wheelchair. Wala ang kaniyang tagabantay sa kadahilanang bumaba ito para bumili ng pagkain. Tulog siya kanina nang iwan siya ng kaniyang anak. Sa kaniyang pagpupumilit ay nasagi niya sa mesang katabi niya ang mga insenso at nahulog. Sa kamalasmalasan ay nahulog pa ito malapit sa nakalaylay na puting manipis na kurtina. Maya-maya'y biglang nagliyab ang kurtina at nahulog ang babae sa kaniyang hospital bed. Mabilis na kumalat ang apoy lalo na nang gumapang ito sa kawad ng kuryente. Sa takot ng babae ay nagmadali siyang gumapang patungong pinto at sinikap ang sariling tumayo sa tulong ng kinapitan niyang haligi.
Ava’s P.O.VI'm was busy fixing myself. Tinabingan ko ng pulang lipstick ang kulay rosas ko ng labi matapos kong lagyan ng light make up ang aking mukha. Hindi ko na kailangan pa ng makapal na make up para magmukhang tao dahil sa simpleng ayos lang ay napapansin na naman ako. I have my own natural beauty. Nang matapos ay pumunta ako sa malaking tokador at binuksan ito para mamili ng susuotin sa araw na ito. Kailangan kong ma-impress ang client para maging proud sa akin ang boss namin. I chose the white sleeve dress that was above the knee and paired it with a yellow fitted blazer. Pagkatapos kong isuot ito ay tiningnan ko ang sarili sa harap ng salamin.After five years of hardship and being anxious, now I have recovered and become a brave and resilient woman. Natapos ko na ang kurso at propesyong inaasam-asam ko noon pa man. If I stay with yesterday I wi
“Mom, you said I have a sister. Will I ever meet my twin here in the Philippines?” Herald asked as we got into the car that had been waiting for us outside the airport.Napatingin kami ni Jemuel sa isa’t isa. Alam ni Herald na may kakambal siya, ngunit hindi ko sinabi na nasa kamay ito ng walang puso nilang ama. Hindi ko ipinagdamot sa anak ko ang impormasyon tungkol sa kaniyang kakambal. Ngunit kailangan ko lang baguhin ang kuwento. Sinabi ko lang sa kaniya noon na may kakambal siya pero nasa malayong lugar. Makikita lamang namin siya once na makapunta kami roon. Hindi ko naman aakalain na maiisip ito ngayon ni Herald.“Not yet, Son. But soon,” naging sagot ko na lamang.Natahimik si Herald nang sabihin ko iyon na ipinagtaka ko. He’s the kind of kid who has a lot of questions and
“What?” bulalas ni Jemuel nang sabihin ko sa kaniya ang plano ko para makuha si Hera sa walang puso niyang ama. “Are you insane?” habol pa niya.Narito kami ngayon sa balkonahe. Inaya ko siya uminom ng beer para kausapin. He’s my friend. Sa sobrang dami ng naitulong niya sa amin at sa tagal na rin naming magkasama ay parang naging kapareha at kasama ko na siya sa lahat ng bagay. Ayaw kong maglihim sa kaniya na ikasisira ng aming pagkakaibigan lalo na sa plano kong ito na paglapit sa taong pumatay sa mga magulang ko at dahilan ng pagiging miserable ko sa buhay.“Ito na lamang ang paraang naisip ko at sana maintindihan mo ’yon,” katuwiran ko.Umiling siya na tila nadismaya sa akin. Tumayo siya at tumungo sa barandilya. Mula sa kaitaasan na aming kinaroonan ay mga kumikis
Hanggang kailan ba tayo matatakot? Hanggang kailan natin ikukulong ang sarili natin sa takot? Minsan tinuturuan natin ang ating sarili na maging matapang, ngunit isang katok lang sa atin ng mga bagay na ating kinatatakutan ay babalik na naman tayo sa pagiging mahina.Minsan din kapag magapi natin ang takot lalo na sa isang taong nakagawa ng bagay na ikinatatakot natin ay napapalitan din ng galit at pagkamuhi. Bakit? Dahil ginawa nilang miserable ang buhay natin. Namuhay tayo sa takot nang dahil sa kanila. Itong galit na ito o pagkamuhi ay magdadala rin sa atin sa kapahamakan kung tayo man ay naging padalos-dalos sa desisyon natin sa buhay.Kaya saan tayo lulugar? Ano ang dapat nating gawin?Basta ang alam ko lang ay ang harapin ang takot at isantabi ang galit para maisakatuparan lamang ang hinahangad ng puso.
Nagulat ako nang mapansin ang pagliwanag ng sahig na kinaaapakan ko. May liwanag na hugis palaso na tila ba nais akong sundan ang guhit na iyon. Pakiramdam ko ay tila ba nasa loob ako ng isang malaking silid na computer-based ang sahig dahil sa biglang paglitaw ng liwanag nito. Pinaglalaruan ba ako ng kung sino? Sinundan ko ang naturang arrow at tumigil iyon sa isang hugis bilog. Nang tingnan ko ang naturang liwanag ay may mga letra na biglang lumitaw roon. ‘Thank you for making me smile everytime I frown...’ Muli ay lumitaw ang arrow na liwanag sa sahig at tinuro na naman ako sa panibagong daan. Tila wala sa sarili na sinundan ko ang liwanag na iyon at tumigil sa liwanag na tatsulok ang hugis. Gaya ng unang hugis ay may mga letra ring lumabas doon. ‘Thank you for being a strength at my weakest...’ Muli ay lumitaw ang liwanag na arrow at muling gumuhit ang kahabaan niyon sa sahig na sinundan ko naman. Dinala ako niyon sa hugis parisukat na sahig. Muli
“Maraming salamat din sa ’yo,” tugon ko.Mula sa malayo ang tingin ay inilipat niya ito sa akin at ngumiti.“You are special to me, Ava. Kaya ingatan mo rin ang sarili mo. Alam kong matapang kang babae at matalino. Kaya alam kong kaya mong ipagtanggol ang sarili mo. Pero sana minsan turuan mo rin ang sarili mong sumandal sa iba. Hindi ka nag-iisa sa laban.”“Bawasan din ang pagiging kampante sa sarili na kaya mo, minsan matuto ka ring sumuko at tanggihan ang mga bagay na mahirap gawin. Hindi kasi lahat ng bagay ay kaya at kakayanin mo, minsan kaya mo nga pero masakit na.”“Narito naman kasi kami na handa kang tulungan pero binabalewala mo. Pinapamukha mo sa amin na wala kaming silbi para sa ’yo para akuin ang lahat ng pasanin na bitbit mo. Bilang kaibigan, nakatatampo. Pero dahil kinaya po nga, binabati kita. Ngunit sa susunod sana ay kumatok ka na. Ang kaibigan ay hindi lang maaasahan sa purong
“Salamat po.”“You’re welcome,” nakangiti at magkasabay na tugon nina Hera at Herald sa batang ulila nang bigyan nila ito ng isang set na gamit pang eskuwela, na may kasamang laruan na naaayon sa kasarian ng bata kung ito ba ay babae o lalaki.Sunod-sunod na nakapila ang sari-saring mga bata sa kanila na mayroong malawak na ngiti sa kanilang mga labi at hindi na makapaghintay pa na tanggapin ang para sa kanila. Samantala ang mga nakakuha na ay nakaupo na sa kani-kanilang upuan at pinapakita sa kasama ang mga gamit na natanggap nila kahit na pare-pareho lang ay tila ba pinapasikat pa rin nila sa isa’t isa. Nakatutuwang tingnan.“Marami po talagang salamat, Mr. at Mrs. Fonteverde sa tulong ninyo sa mga bata at sa donasyon po ninyo sa ampunang ito. Malaking bagay po ito sa mga bata.” Pagkuha sa aming atensyon ng Senior Sister na siyang namumuno ng bahay-ampunan na napili ng kambal na lugar pagdarausan para sa kanilang
Isang mahigpit na yakap at dampi ng mga labi ang nagpaputol sa akin mula sa mahimbing na pagkakatulog. Napangiti ako nang manuot sa aking ilong ang natural niyang amoy. Simula nang maamoy iyon noon ay ito na ang naging paborito kong amoy. Nang imulat ko ang aking mga mata’y tumama sa akin ang sinag ng araw na nagmumula sa salaming dingding. Naalala kong hinayaan lang pala namin itong nakabukas kagabi para mapanood ang di-mabilang na mga tala na kumikislap sa kalangitan. Hanggang sa tumungo na nga kami sa bagay na kalimitang ginagawa ng mag-asawa. “Good morning, Love. I love you,” bulong niya sa aking tainga dahilan upang dumaloy sa buong sistema ko ang init ng kaniyang hininga nang dumampi ito sa leeg ko. Hindi ko napigilang mapapikit dahil sa sensasyon na bumubuhay ulit sa aking katawang-lupa. Naalala ko tuloy ang ginawa namin kagabi at ngayon nga’y gu
“Love, tutal ay naging bukas na rin tayo sa isa’t isa para pakinggan ang sarili nating mga dahilan at doon ay nagkaroon tayo ng pagkakaunawaan. Bakit hindi natin hayaang pakinggan din ang iyong tiyo sa kaniyang mga sasabihin para naman maunawaan din natin ang bahagi niya? Love, kasi kung puro na lang galit ang nasa puso natin, hinding-hindi tayo uusad. Magiging ganito tayo habang-buhay.” Napayuko ng ulo si Alas dahil sa mga sinabi ko.“Please, hayaan natin siyang magsalita para sa sarili niya at doon na lang tayo huhusga. Ang hirap kasing humusga na lang na wala naman tayong alam sa mga pinagdaanan niya.” Tumingin ako kay Jemuel na kagaya rin ni Alas ay nakayuko na.“Wala akong magandang rason o dahilan na magsisilbing depensa sa sarili dahil mga mali naman ang ginawa ko.” Napatingin ako kay Mr. Segundo sa sinabi niya.“Mr. Segundo, hindi ako naniniwala na wala lang lahat ng mga ginawa mo. Alam kong may pinag
Dahil sa mga katotohanang naihayag ay walang sino man ang naglakas-loob na kumibo. Binalot kaming tatlo ngayon ng nakabibinging katahimikan. Isang tao lang pala ang siyang puno’t dulo ng mga ito. Dahil sa kaniya ay halos magdusa kaming lahat.Tiningnan ko si Alas na ngayon ay nakayuko lang at nakatuon sa tasa ng kape ang atensiyon. Sa aming dalawa ay siya itong tunay na nabilog at naloko ng taong iyon. Buong buhay niya ay ang taong iyon na ang kaniyang tinatakbuhan at pinagkakatiwalaan. Nakaramdam ako ng awa sa aking asawa. Naaawa ako sa kaniya sapagkat pinaglaruan lang siya ng mga taong nasa paligid niya at iyong mga taong kinakapitan pa niya.“Kung alam n’yo lang kung gaano kaganda ang relasyon ng mga magulang ninyo noon. Kaya nga hindi ko alam kung bakit nadala sila sa panunukso ng isang Segundo. Napakagahaman talaga ng taong iyon. Kahit noon pa man ay may nararamdaman na akong hindi maganda sa kaniya. Hindi nga ako nagkamali, nagtagumpay nga siyan
“HAPPY BIRTHDAY!” sabay-sabay naming sigaw pagkabukas ng pintuan ng bahay. Pagkatapos niyon ay bumungad sa aming paningin ang naka-wheelchair na si Jemuel. Sumabog din ang confetti na pinaputok namin at nagsiingay ang mga bata gamit ang torotot na humahaba ang dulo sa tuwing hinihipan. Namilog ang mga mata ni Jemuel dahil sa labis na pagkagulat. Samantalang ang kaniyang ina na nasa likod niya, at may hawak ng hawakan ng wheelchair na sakay niya, ay malawak ang pagkakangiti. “W-What the...” hindi niya halos mabigkas ang mga katagang iyon. Maya-maya’y isang liwanag ang kumislap sa harapan niya. “Hey, Kheil. You look handsome on your photo,” komento ni Alas sa larawang nakuha roon sa kamera na hawak-hawak niya habang naglalakad papalapit sa pinsan.
HAWAK-HAWAK ni Alas ang kamay ni Jemuel habang nasa loob ng isang silid sa pribadong ospital na iyon. Ilang araw na ang nakalipas matapos ang kaguluhang iyon ngunit hindi pa rin nagigising ang isa man kina Ava at Jemuel. Sabi naman ng doktor ay ligtas na mula sa kapahamakan ang dalawa ngunit hindi pa rin maintindihan ni Alas kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin nagigising ang mga ito.Si Segundo Fonteverde ay sumailalim sa isang operasyon dahil sa natamo nito ngunit ligtas na rin naman daw ito sa kapahamakan. Ang importante ay buhay pa rin ang demonyong tiyuhin at anumang oras ay pupuwede pa rin niyang singilin. Wala siyang balak na singilin ang matanda sa sarili niyang mga kamay. Batas na mismo ang naghahanap dito at mas mabuti iyon dahil mararanasan nito ang bunga ng kasamaang ginawa nito sa buong buhay ng tiyuhin.Si Jemuel ang unang nais niyang makausap upang makipag-ayos rito. Sa dinami-dami ng kasalanan at sakit ng loob na ginawa sa kaniya ng pinsan ay tila
“HULI KAYO! DITO lang pala kayo nagtatago, ha,” sigaw ng isang armadong lalaki. Halos mapasinghap sa gulat sina Shaelza at ang kambal nang makita ang lalaki sa kanilang likuran. Naroroon pa rin kasi sila at nagtatago sa likod ng naglalakihang bakal. Natatakot silang lumabas dahil baka mahagip ng ligaw na bala ang isa man sa kanila. Bukod doon ay wala rin silang dalang anumang armas upang ipanlaban sa mga armadong kalalakihan. May mga bata pa siyang kasama kung kaya’y limitado lang ang bawat galaw niya. Napasigaw silang tatlo nang tutukan sila ng baril ng lalaking iyon. Kasunod ng isang nakabibinging pagputok ng baril ay ang pagkakatumba sa sahig ng armadong lalaking may balak na bumaril sa kanila. “Ayos lang ba kayo? Ang mga bata, okay lang ba?” tanong ni Jemuel mula sa likuran ng natumbang lalaki. Siya pala ang bumaril sa taong iyon kaya bumulagta sa konkretong sahig ang lalaki. Iniligtas ni Jemuel ang buhay nila. “Maraming salamat, Jemuel. Oo, ayos