Share

The Monster CEO's Twins
The Monster CEO's Twins
Author: Blissy Lou

Prologue

Author: Blissy Lou
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

Abala ako sa pagguhit dito sa may sala sa aking sketch pad nang pumasok si daddy at mommy sa bahay.

"Hi, mommy! Hi, daddy!" puno ng kagalakan kong bati sa kanila at tumawa para salubungin sila nang mainit na yakap.

Napansin kong parehong balisa at namumutla sina mommy at daddy. Tumatagaktak na rin ang pawis ni daddy sa kaniyang noo.

“Is there something wrong po ba?” Pagtataka ko.

Umupo si daddy para pantayan ang tangkad ko kasabay noon ang paghawak niya sa mga balikat ko.

“Remember this, Blythe, we love you. No matter what happen, please don't stay away from your nanny. Sumama ka sa kaniya at magpakalayo-layo kayo. Ingatan mo ang sarili mo lalo na sa mga Fonteverde.”

I started crying even though I don't exactly know what dad talking about.

“What do you mean po, Daddy? I don't get it po.” Dire-diretso akong umiling. “Mommy?” Nang humarap ako kay mommy.

I saw mommy crying too that made me broke my heart seeing her like this.

Dahil sa malala kung pag-iyak ay h******n ako ni mommy para aluhin, "Baby."

Narinig kong tinawag ni daddy si nanny kaya dali-dali itong pumunta sa amin.

“Bakit, Ser? Ano po’ng nangyayari?” Nahihimigan ko na maging siya ay naguguluhan.

“Ikaw na ang bahala sa aming anak. Pakiusap ingatan mo siya,” pakiusap ni daddy.

“Ho? Bakit po kayo—”

“Huwag ka nang magtanong, please. Kunin mo na si Blythe. Sa likod kayo dumaan!” Halos hindi na mapakali si daddy.

“Opo. Halika na, baby gerl.” Hinigit ni Yaya Oli ang braso ko.

“No. I don't want to leave. I want to be with you all. I don't want to go with nanny. I don't wanna be separated with mama!” Pagwawala ko at mas lalo kong hinigpitan ang pagyakap kay mommy.

“Baby, please stay alive. Magpakatatag ka, ha? We love you. Mommy and daddy loves you.” Hinalikan ako ni mommy sa aking noo. Niyakap kami pareho ni Daddy at pagkatapos noon ay ang paghila sa akin ni yaya papalayo sa kanila.

“No! No!”

Bakit pakiramdam ko ay may hindi kanais-nais na mangyayari?

Bago kami makalabas sa likurang pintuan ay rinig na rinig namin ang malakas na puwersang sumira sa malaking pintuan sa harapan. Kaagad akong dinaklot ni Yaya Oli sa madilim na bahagi upang magtago at tinakpan ng kaniyang kamay ang aking bibig upang hindi makalikha ng anumang ingay. May pumasok na mga kalalakihan na purong itim ang kasuotan at pinalibutan sina mommy at daddy.

Nagpapalag ako sa mga bisig ni yaya nang makitang tinutukan nila ng baril sina mommy at daddy. Parang binuhusan ako ng malamig na tubig sa sobrang takot sa kung anong mangyari sa kanila. Ngunit malakas si yaya.

Naagaw ng bagong pasok ang atensyon ng lahat lalo na sa kaniyang tawang tila galing sa ilalim ng lupa; nakatatakot. Bagay na bagay sa mukha niyang puno ng itim na patse. Huminto siya sa pagtawa at pinukulan ng tingin sina mommy and daddy.

“Kung bakit hindi niyo na lang kasi ibigay sa akin ang formula. Hindi na sana tayo umabot pa sa ganito, Dr. at Dra. Jones,” puno ng pang-uuyam niyang wika.

“Wala kaming tiwala sa ’yo, Mr. Fonteverde. Kung ibigay man namin ito o hindi papatayin mo pa rin kami. Dahil gano'n ka kagahaman at kasakim!” sabat ni daddy.

Muling tumawa ang tinawag niyang Mr. Fonteverde.

“Oh! Speaking of trust. Mukhang kayo ang sumira ng tiwalang iyon dahil pagkatapos n’yong gamitin ang pera ko sa experiment ninyo ay basta n’yo na lamang akong tinakbuhan.” Umiling-iling siya na waring hindi makapaniwala na magagawa iyon nina mommy at daddy sa kaniya.

“You are not only greedy, you are also a liar and you want to turn us around,” mommy's retorted, “Kung pera lang naman ang basehan dito, hindi ba’t mas kikita ka at ang kompanya mo, kaysa sa amin?” she added.

The man burst out laughing.

“Mag-asawa nga talaga kayo, pareho kayong matalino. But unfortunately no matter how smart the both of you, it's not gonna work for me. How does it feel that you and santanas will meet in a little while?” he laughed as he faced his back to my parents.

I saw daddy smirked. “Matagal na naming nakita si santanas. Ikaw, hindi mo ba siya nakikita sa salamin?” sarkastiko niyang pahayag.

Muling humarap sa kanila ang lalaki, napatabingi siya ng ulo at ngumisi.

“Then just send my regards to my king,” pagkatapos niyang sabihin iyon ay isang putok ang pumaibabaw mula sa baril na dala niya.

“Wilson!” mommy screamed.

Napapitlag ako. Nanlaki ang mga mata ko at napatda sa kinatatayuan ko nang umagos ang maraming dugo mula sa ulo ni daddy bago siya matumba sa mga bisig ni mommy. Nanlambot ang tuhod ko sa nasaksihan at agad dinaluhan ni yaya. Kahit na ganoon ay hindi niya pa rin niluwagan ang paghawak sa akin at pagtakip sa aking bibig, sa takot na tumakbo at magsisigaw papunta kina mommy.

Gusto kong yakapin si mommy ngayon. Gusto kong puntahan si daddy at gisingin mula sa panaginip na ito.

‘Daddy!’ I cried out in my mind.

“Halimaw ka! Wala kang awa!”

‘Mommy.’ Hindi na matigil sa pag-agos ang mga luha ko sa mata. Lalo na nang masaksihan ang pagtangis ni mommy.

“Oh, well! Thank you.”

At pagkatapos noon ay ang magkasunod na dalawang putok. Halos umakyat ang dugo ko sa aking ulo nang masaksihan muli ang walang kisap-matang pagpatay kay mommy. Maging ang pagkabog ng puso ko’y halos huminto.

Mommy!

Comments (3)
goodnovel comment avatar
Nora Guyo
prologue plng maganda na...
goodnovel comment avatar
Nerman Marcera
brutal killing
goodnovel comment avatar
Clenessa Falcunaya Gabinete
ang galing ...️...️...️
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • The Monster CEO's Twins   Chapter 1

    Ava’s P.O.VHalos kapusin ako ng hininga pagkabangon ko mula sa pagkakahiga. Napahilamos ako nang mapagtantong nananaginip na naman ako. Halos hindi na rin mapigilan ang mabilis na pagtahip ng puso ko.Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko bago tumayo at naglakad patungo sa study table. Umupo ako sa harap nito.Bahagya akong natulala at nang matauhan ay marahan kong pinagsasampal ang mukha. Irita ko ring sinabunutan ang sarili.“Ano ba, Ava! Tama na, okay? Hindi ito magugustuhan ng nanny mo at paniguradong malulungkot ang mommy at daddy mo,” panenermon ko sa sarili.Hanggang sa hindi ko na namalayan ang pagtulo ng luha sa aking mga mata. Napatingala ako para pigilan ito. Iniikot ko na rin ang paningin upang maibaling sa iba ang aking atensyon. Hanggang sa mahagip ng aking paningin ang orasang nakapatong sa mesang katabi ng aking higaan.Alas onse na ng gabi. Paniguradong mahihirapan na naman a

  • The Monster CEO's Twins   Chapter 2

    Napamulat ako nang tumama ang sinag ng araw sa mga mata ko. Sobrang bigat ng aking pakiramdam na tila tatrangkasuhin ako. Maliban doon ay masakit din ang buong katawan ko lalo na ang pang-ibabang bahagi. Teka! Nanlaki na lamang ang mga mata ko at napaupo nang may maalala. Ngunit kaagad naman akong napakislot nang bigla namang kumirot ang aking ulo. Pero nang tuluyang makumpirma ang hinala ay halos hindi ko na malaman kung ano ang gagawin. Buong akala ko ay panaginip lang ang lahat. Ngunit ikaw ba naman ang magising na may katabing hindi mo kilalang lalaki sa isang kuwarto na kapuwa kayo h**o’t h***d, panaginip pa rin ba? Oh my God! Anong nagawa ko? Pinagsasampal ko ang aking sarili. Gusto kong sumigaw. Ngunit nang biglang gumalaw ang lalaki ay agad ko ring pinakalma ang sarili. Hindi. Hindi maaari ito! Isang hindi kanais-nais na gawain ng isang babae ang ginawa mo Ava. Kung buhay lang ang nanny mo ay malalagot ka talaga. Dahan-

  • The Monster CEO's Twins   Chapter 3

    Pagkatapos noon ay hindi na ako nagtagal dahil kailangan ko nang umuwi at marami pa akong gagawing project sa school. Dahil nasa loob ng subdivision ang bahay nila ay maglalakad pa ako palabas.Noong una ay nagpupumilit pa siyang doon na lang ako magpalipas ng gabi pero tumanggi ako. Hindi rin daw niya ako maihahatid sa labas dahil wala ang sasakyan sa kanila at dala ito ng mga magulang niya na bumisita sa kaniyang lola sa kabilang subdivision. Sabi niya’y tatawag na lang daw siya sa mga security guard sa labas para magpapasok ng kahit tricycle man lang sa loob para sunduin ako. Pero hindi pa rin ako nagpapigil. Sinabi ko na lang din sa kaniya na kailangan ko munang magliwaliw kaya gusto kong maglakad muna papalabas. Sa huli ay sumuko na lang din siya at hinayaan ako.Marami-rami rin ang napag-usapan namin ni Shaelza na kahit papaano ay nagpagaan ng loob ko.Noong una ay nagsuhestiyon siya sa akin na sasabihin ko raw sa ama ng dinadala ko, na buntis ako at

  • The Monster CEO's Twins   Chapter 4

    Ava’s P.O.V“Daddy,” wika ko nang lumitaw si daddy sa harapan ko. “Daddy,” muling pagtawag ko ngunit wala siyang kibo at mukhang balisa.“Blythe, baby?” Napatingin ako kay mommy na ngayon ay naglalakad papalapit sa amin bitbit ang malungkot na ngiti.“Mommy,” nangungulap kong usal.Kaagad kong dinaluhan si mommy at niyakap. Gumanti naman siya sa mga yakap ko at hinagod ang aking buhok.How I miss her.“Baby, please take good care of yourself” she spoke calmly and full of concern.Tumango-tango ako. “I

  • The Monster CEO's Twins   Chapter 5 (Part 1)

    Pagkarating namin sa Paris, France ay nangupahan kami ng dalawang kuwartong matitirhan; isa ang sa kaniya at isa naman sa akin. Sa una ay nahirapan pa akong mag-adjust sa bagong paligid ngunit habang tumatagal ay nasasanay na ako. Hindi ako pinabayaan ni Jemuel sa buong pagbubuntis ko sa aking anak lalo na nang malaman naming kambal pala ang magiging anak ko. Sinuportahan niya kami kahit na ilang beses ko siyang sinabihan na intindihin niya ang kaniyang sarili at huwag kami dahil hindi naman niya kami responsibilidad. Ngunit palagi siyang nagkukusang-loob. Hindi niya ako pinagtatrabaho dahil maselan daw ang pagbubuntis ko. Kaya ang pagiging healthcare assistant niya sa isang private hospital ang tumustos ng pangangailangan namin araw-araw.Knowing Jemuel who is a registered licensed doctor in the Philippines but lowered his pride just to be an assistant here in France. In the Philippines, his life was good

  • The Monster CEO's Twins   Chapter 5 (Part 2)

    Third Person P.O.V Isang middle age na instik na pasyente ang nagpupumilit bumangon sa kaniyang higaan dahil naiihi na siya, ngunit dahil namamaga ang kaniyang mga paa dulot ng sakit na dyabetis, ay nahihirapan siyang timbangin ang sarili paupo sa wheelchair. Wala ang kaniyang tagabantay sa kadahilanang bumaba ito para bumili ng pagkain. Tulog siya kanina nang iwan siya ng kaniyang anak. Sa kaniyang pagpupumilit ay nasagi niya sa mesang katabi niya ang mga insenso at nahulog. Sa kamalasmalasan ay nahulog pa ito malapit sa nakalaylay na puting manipis na kurtina. Maya-maya'y biglang nagliyab ang kurtina at nahulog ang babae sa kaniyang hospital bed. Mabilis na kumalat ang apoy lalo na nang gumapang ito sa kawad ng kuryente. Sa takot ng babae ay nagmadali siyang gumapang patungong pinto at sinikap ang sariling tumayo sa tulong ng kinapitan niyang haligi.

  • The Monster CEO's Twins   Chapter 6

    Ava’s P.O.VI'm was busy fixing myself. Tinabingan ko ng pulang lipstick ang kulay rosas ko ng labi matapos kong lagyan ng light make up ang aking mukha. Hindi ko na kailangan pa ng makapal na make up para magmukhang tao dahil sa simpleng ayos lang ay napapansin na naman ako. I have my own natural beauty. Nang matapos ay pumunta ako sa malaking tokador at binuksan ito para mamili ng susuotin sa araw na ito. Kailangan kong ma-impress ang client para maging proud sa akin ang boss namin. I chose the white sleeve dress that was above the knee and paired it with a yellow fitted blazer. Pagkatapos kong isuot ito ay tiningnan ko ang sarili sa harap ng salamin.After five years of hardship and being anxious, now I have recovered and become a brave and resilient woman. Natapos ko na ang kurso at propesyong inaasam-asam ko noon pa man. If I stay with yesterday I wi

  • The Monster CEO's Twins   Chapter 7

    “Mom, you said I have a sister. Will I ever meet my twin here in the Philippines?” Herald asked as we got into the car that had been waiting for us outside the airport.Napatingin kami ni Jemuel sa isa’t isa. Alam ni Herald na may kakambal siya, ngunit hindi ko sinabi na nasa kamay ito ng walang puso nilang ama. Hindi ko ipinagdamot sa anak ko ang impormasyon tungkol sa kaniyang kakambal. Ngunit kailangan ko lang baguhin ang kuwento. Sinabi ko lang sa kaniya noon na may kakambal siya pero nasa malayong lugar. Makikita lamang namin siya once na makapunta kami roon. Hindi ko naman aakalain na maiisip ito ngayon ni Herald.“Not yet, Son. But soon,” naging sagot ko na lamang.Natahimik si Herald nang sabihin ko iyon na ipinagtaka ko. He’s the kind of kid who has a lot of questions and

Latest chapter

  • The Monster CEO's Twins   Chapter 83.3: Ang Pagwawakas

    Nagulat ako nang mapansin ang pagliwanag ng sahig na kinaaapakan ko. May liwanag na hugis palaso na tila ba nais akong sundan ang guhit na iyon. Pakiramdam ko ay tila ba nasa loob ako ng isang malaking silid na computer-based ang sahig dahil sa biglang paglitaw ng liwanag nito. Pinaglalaruan ba ako ng kung sino? Sinundan ko ang naturang arrow at tumigil iyon sa isang hugis bilog. Nang tingnan ko ang naturang liwanag ay may mga letra na biglang lumitaw roon. ‘Thank you for making me smile everytime I frown...’ Muli ay lumitaw ang arrow na liwanag sa sahig at tinuro na naman ako sa panibagong daan. Tila wala sa sarili na sinundan ko ang liwanag na iyon at tumigil sa liwanag na tatsulok ang hugis. Gaya ng unang hugis ay may mga letra ring lumabas doon. ‘Thank you for being a strength at my weakest...’ Muli ay lumitaw ang liwanag na arrow at muling gumuhit ang kahabaan niyon sa sahig na sinundan ko naman. Dinala ako niyon sa hugis parisukat na sahig. Muli

  • The Monster CEO's Twins   Chapter 83.2: Ang Pagwawakas

    “Maraming salamat din sa ’yo,” tugon ko.Mula sa malayo ang tingin ay inilipat niya ito sa akin at ngumiti.“You are special to me, Ava. Kaya ingatan mo rin ang sarili mo. Alam kong matapang kang babae at matalino. Kaya alam kong kaya mong ipagtanggol ang sarili mo. Pero sana minsan turuan mo rin ang sarili mong sumandal sa iba. Hindi ka nag-iisa sa laban.”“Bawasan din ang pagiging kampante sa sarili na kaya mo, minsan matuto ka ring sumuko at tanggihan ang mga bagay na mahirap gawin. Hindi kasi lahat ng bagay ay kaya at kakayanin mo, minsan kaya mo nga pero masakit na.”“Narito naman kasi kami na handa kang tulungan pero binabalewala mo. Pinapamukha mo sa amin na wala kaming silbi para sa ’yo para akuin ang lahat ng pasanin na bitbit mo. Bilang kaibigan, nakatatampo. Pero dahil kinaya po nga, binabati kita. Ngunit sa susunod sana ay kumatok ka na. Ang kaibigan ay hindi lang maaasahan sa purong

  • The Monster CEO's Twins   Chapter 83.1: Ang Pagwawakas

    “Salamat po.”“You’re welcome,” nakangiti at magkasabay na tugon nina Hera at Herald sa batang ulila nang bigyan nila ito ng isang set na gamit pang eskuwela, na may kasamang laruan na naaayon sa kasarian ng bata kung ito ba ay babae o lalaki.Sunod-sunod na nakapila ang sari-saring mga bata sa kanila na mayroong malawak na ngiti sa kanilang mga labi at hindi na makapaghintay pa na tanggapin ang para sa kanila. Samantala ang mga nakakuha na ay nakaupo na sa kani-kanilang upuan at pinapakita sa kasama ang mga gamit na natanggap nila kahit na pare-pareho lang ay tila ba pinapasikat pa rin nila sa isa’t isa. Nakatutuwang tingnan.“Marami po talagang salamat, Mr. at Mrs. Fonteverde sa tulong ninyo sa mga bata at sa donasyon po ninyo sa ampunang ito. Malaking bagay po ito sa mga bata.” Pagkuha sa aming atensyon ng Senior Sister na siyang namumuno ng bahay-ampunan na napili ng kambal na lugar pagdarausan para sa kanilang

  • The Monster CEO's Twins   Chapter 82

    Isang mahigpit na yakap at dampi ng mga labi ang nagpaputol sa akin mula sa mahimbing na pagkakatulog. Napangiti ako nang manuot sa aking ilong ang natural niyang amoy. Simula nang maamoy iyon noon ay ito na ang naging paborito kong amoy. Nang imulat ko ang aking mga mata’y tumama sa akin ang sinag ng araw na nagmumula sa salaming dingding. Naalala kong hinayaan lang pala namin itong nakabukas kagabi para mapanood ang di-mabilang na mga tala na kumikislap sa kalangitan. Hanggang sa tumungo na nga kami sa bagay na kalimitang ginagawa ng mag-asawa. “Good morning, Love. I love you,” bulong niya sa aking tainga dahilan upang dumaloy sa buong sistema ko ang init ng kaniyang hininga nang dumampi ito sa leeg ko. Hindi ko napigilang mapapikit dahil sa sensasyon na bumubuhay ulit sa aking katawang-lupa. Naalala ko tuloy ang ginawa namin kagabi at ngayon nga’y gu

  • The Monster CEO's Twins   Chapter 81.2

    “Love, tutal ay naging bukas na rin tayo sa isa’t isa para pakinggan ang sarili nating mga dahilan at doon ay nagkaroon tayo ng pagkakaunawaan. Bakit hindi natin hayaang pakinggan din ang iyong tiyo sa kaniyang mga sasabihin para naman maunawaan din natin ang bahagi niya? Love, kasi kung puro na lang galit ang nasa puso natin, hinding-hindi tayo uusad. Magiging ganito tayo habang-buhay.” Napayuko ng ulo si Alas dahil sa mga sinabi ko.“Please, hayaan natin siyang magsalita para sa sarili niya at doon na lang tayo huhusga. Ang hirap kasing humusga na lang na wala naman tayong alam sa mga pinagdaanan niya.” Tumingin ako kay Jemuel na kagaya rin ni Alas ay nakayuko na.“Wala akong magandang rason o dahilan na magsisilbing depensa sa sarili dahil mga mali naman ang ginawa ko.” Napatingin ako kay Mr. Segundo sa sinabi niya.“Mr. Segundo, hindi ako naniniwala na wala lang lahat ng mga ginawa mo. Alam kong may pinag

  • The Monster CEO's Twins   Chapter 81.1

    Dahil sa mga katotohanang naihayag ay walang sino man ang naglakas-loob na kumibo. Binalot kaming tatlo ngayon ng nakabibinging katahimikan. Isang tao lang pala ang siyang puno’t dulo ng mga ito. Dahil sa kaniya ay halos magdusa kaming lahat.Tiningnan ko si Alas na ngayon ay nakayuko lang at nakatuon sa tasa ng kape ang atensiyon. Sa aming dalawa ay siya itong tunay na nabilog at naloko ng taong iyon. Buong buhay niya ay ang taong iyon na ang kaniyang tinatakbuhan at pinagkakatiwalaan. Nakaramdam ako ng awa sa aking asawa. Naaawa ako sa kaniya sapagkat pinaglaruan lang siya ng mga taong nasa paligid niya at iyong mga taong kinakapitan pa niya.“Kung alam n’yo lang kung gaano kaganda ang relasyon ng mga magulang ninyo noon. Kaya nga hindi ko alam kung bakit nadala sila sa panunukso ng isang Segundo. Napakagahaman talaga ng taong iyon. Kahit noon pa man ay may nararamdaman na akong hindi maganda sa kaniya. Hindi nga ako nagkamali, nagtagumpay nga siyan

  • The Monster CEO's Twins   Chapter 80

    “HAPPY BIRTHDAY!” sabay-sabay naming sigaw pagkabukas ng pintuan ng bahay. Pagkatapos niyon ay bumungad sa aming paningin ang naka-wheelchair na si Jemuel. Sumabog din ang confetti na pinaputok namin at nagsiingay ang mga bata gamit ang torotot na humahaba ang dulo sa tuwing hinihipan. Namilog ang mga mata ni Jemuel dahil sa labis na pagkagulat. Samantalang ang kaniyang ina na nasa likod niya, at may hawak ng hawakan ng wheelchair na sakay niya, ay malawak ang pagkakangiti. “W-What the...” hindi niya halos mabigkas ang mga katagang iyon. Maya-maya’y isang liwanag ang kumislap sa harapan niya. “Hey, Kheil. You look handsome on your photo,” komento ni Alas sa larawang nakuha roon sa kamera na hawak-hawak niya habang naglalakad papalapit sa pinsan.

  • The Monster CEO's Twins   Chapter 79.2

    HAWAK-HAWAK ni Alas ang kamay ni Jemuel habang nasa loob ng isang silid sa pribadong ospital na iyon. Ilang araw na ang nakalipas matapos ang kaguluhang iyon ngunit hindi pa rin nagigising ang isa man kina Ava at Jemuel. Sabi naman ng doktor ay ligtas na mula sa kapahamakan ang dalawa ngunit hindi pa rin maintindihan ni Alas kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin nagigising ang mga ito.Si Segundo Fonteverde ay sumailalim sa isang operasyon dahil sa natamo nito ngunit ligtas na rin naman daw ito sa kapahamakan. Ang importante ay buhay pa rin ang demonyong tiyuhin at anumang oras ay pupuwede pa rin niyang singilin. Wala siyang balak na singilin ang matanda sa sarili niyang mga kamay. Batas na mismo ang naghahanap dito at mas mabuti iyon dahil mararanasan nito ang bunga ng kasamaang ginawa nito sa buong buhay ng tiyuhin.Si Jemuel ang unang nais niyang makausap upang makipag-ayos rito. Sa dinami-dami ng kasalanan at sakit ng loob na ginawa sa kaniya ng pinsan ay tila

  • The Monster CEO's Twins   Chapter 79.1

    “HULI KAYO! DITO lang pala kayo nagtatago, ha,” sigaw ng isang armadong lalaki. Halos mapasinghap sa gulat sina Shaelza at ang kambal nang makita ang lalaki sa kanilang likuran. Naroroon pa rin kasi sila at nagtatago sa likod ng naglalakihang bakal. Natatakot silang lumabas dahil baka mahagip ng ligaw na bala ang isa man sa kanila. Bukod doon ay wala rin silang dalang anumang armas upang ipanlaban sa mga armadong kalalakihan. May mga bata pa siyang kasama kung kaya’y limitado lang ang bawat galaw niya. Napasigaw silang tatlo nang tutukan sila ng baril ng lalaking iyon. Kasunod ng isang nakabibinging pagputok ng baril ay ang pagkakatumba sa sahig ng armadong lalaking may balak na bumaril sa kanila. “Ayos lang ba kayo? Ang mga bata, okay lang ba?” tanong ni Jemuel mula sa likuran ng natumbang lalaki. Siya pala ang bumaril sa taong iyon kaya bumulagta sa konkretong sahig ang lalaki. Iniligtas ni Jemuel ang buhay nila. “Maraming salamat, Jemuel. Oo, ayos

DMCA.com Protection Status