"Here's my calling card. Call me if you need something…" One night stand. Iyon ang nangyari sa pagitan nina Graciella Santiago at ng lalaking hindi niya kilala. Akala niya ay hindi na niya ito muling makikita pa pero isang buwan matapos ang una nilang tagpo, nalaman nalang niyang dinadala na niya ang anak nito. Wala naman dapat siyang balak na tawagan ang lalaki pero nang mapagdesisyunan ng kanyang ina na ipakasal siya sa isang matandang hukluban kapalit ng pera, agad niyang tinawagan ang estranghero na ama ng kanyang anak para pakasalan siya! Akala niya isang gaya lamang niya si Drake Levine Yoshida subalit isang araw natuklasan nalang niya na ang lalaking basta nalang niya niyaya ng kasal ay isa palang mayamang lalaki! At hindi lang basta mayaman kundi isang bilyonaryo at nagmamay-ari ng kumpanyang pinagtatrabahuan niya!
Lihat lebih banyakDahil nasa kay Felip ang atensyon niya kanina, hindi niya napansin ang biglaang pagsulpot ni Drake. Pero nagpapasamat parin siya sa pagdating nito dahil mabilis siyang nilubayan ni Felip at agad na umalis.Mabuti narin at naroon ang presensya ng lalaki dahil baka kapag hindi siya binitawan ni Felip kanina, natawagan na niya si Kimmy at naisumbong ang ginawa ng boyfriend nito. Kahit na naisip na niyang ipaalam sa kaibigan niya ang tungkol sa natuklasan niya, nagbago ang isip niya at ipagpapaliban na lamang ng dalawang araw ang pagsusumbong niya.Kailangan masiguro niyang stable ang emosyon nito kapag nag-usap na sila lalo pa't galing pa ito sa isang nakamatraumang insidente.Gayunpaman, hindi niya alam kung guni-guni lang niya pero naramdaman niyang parang nagseselos si Drake kanina...Bago paman siya makapag-isip ng maayos, dumating na si Grandma Celestina at nagpalipat-lipat ang tingin sa kanilang dalawa ni Drake. "Magkakilala kayo?"Medyo naguluhan din si Graciella at nagpalipat-lip
Hindi naman napansin ni Celestina ang pangyayari sa loob. Masyado siyang nakatuon sa papalapit niyang apo. Sa wakas, nandito na si Levine at matutupad na ang plano niya!"Ikaw talagang bata ka! Ang tagal-tagal mong dumating! Kanina pa ako naghihintay sayo! Ano bang ginagawa mo doon at—"Napatigil sa pagsasalita si Madam Celestina nang mapansin niya kung saan nakatingin si Levine. Sinundan niya ng tingin ang mga mata ng apo at ganun nalang ang gulat niya sa naabutan niyang eksena."Sino ba ang lalaking yan? Tsaka bakit hawak niya ang kamay ni Graciella? Ano bang nangyayari?"Malamig na tingin ang ipinukol ni Drake sa dalawa. Malamang hindi kilala ng lola niya ang lalaki, pero siya, kilang-kilala niya. That man was none-other than Felip Bautista! The man who gave her a necklace! Hindi lang isa kundi pangawalawang beses na niyang nahuli ang mga ito. The first one might be a coincidence but the second one can't be that way too!Akala niya nagkamali siya sa hinala niya kay Graciella but he
Hindi naman nagmamadali si Graciella. Katunayan, humingi na siya ng isang oras na break bago siya lumabas at may isang oras din siya para sa lunchtime kaya dalawang oras lahat ang pahinga niya. Sapat na iyon para sandaling samahan si Grandma Celestina sa restaurant at makipagkwentuhan sa ginang.Nag-aalala pa siya nang makita niyang mabilis na tumakbo palabas ng restaurant si Grandma Celestina. Baka madapa ito ang masaktan.Sa kabutihang palad, bagaman ang matandang babae ay mabagal sa kanyang mga galaw at halos maaksidente sa truck nang unang magkita sila, napagtanto niyang maliksi parin naman ito.Mula sa labas, nakita ni Graciella na nakikipag-usap ito sa kanyang cellphone mula sa pamamagitan ng salamin na pinto. Bagaman hindi niya alam kung ano ang sinasabi ng matandang babae pero mukhang masaya ito at nakangiti pa.Ibinaling ni Graciella sang kanyang mga mata sa ibang direksyon at nakita niya ang isang pamilyar na pigura sa bandang counter ng restaurant."Felip?" Mahina subalit s
Isang katok mula sa labas ang pumukaw sa abalang isipan ni Drake. Nag-angat siya ng tingin at napadako ang kanyang mga mata sa orasan at napagtanto na tanghali na pala."Master Levine, gusto niyo po bang mag-order ng pagkain para sa tanghalian?" Tanong ni Owen.Wala sa sariling napasimangot si Drake nang maalala ang pagkain na inorder nito kahapon. Akmang tatanggi siya nang makatanggap siya ng tawag mula sa kanyang lola. Huminga siya ng malalim bago ito sinagot."Grandma?""Levine, pagod na pagod ako galing sa pagshoshoping. Pwede mo ba akong puntahan? Sabay na tayong mananghalian. Malapit lang naman ako sa opisina mo. Wag kang magtatagal ha, gutom na gutom na ako. Hihintayin kita."Dahil sa takot na tanggihan siya ni Drake, sinabi niya agad ang pangalan ng restaurant at mabilis na pinatayan ng tawag ang apo.Kumunot ang noo ni Drake habang nakatitig sa screen ng kanyang cellphone.Maganda sa pandinig niya ang sinabi nitong manananghalian sila, but knowing his grandmother, alam niyang
Sa kaisipang iyon ay tuluyan ng nakatulog ng mahimbing si Graciella...Kinabukasan, nasa kusina na si Graciella gaya ng kadalasan nang magising si Drake. Nagluto si Graciella ng egg rolls, dumplings, sausages at sinamahan pa ng toasted bread.Agad na nanuot sa kanyang ilong ang mabangong aroma ng pagkain. Kahapon ay nagdiet na siya kaya ngayon, pagbibigyan niya ang sarili niya na kumain sa inihanda ni Graciella. Isa pa, laging masarap ang pagkain niya nitong mga nakaraang araw kaya nahihirapan siyang mg-adjust at bumalik sa dating gawi na puro asin lang ang seasonings ng mga kinakain niya.Siguro dadalasan nalang niya ang pag-eexercise niya para hindi siya tumaba.Nang makaupo siya sa mesa ay agad siyang inasikaso ni Graciella. Inabutan siya nito ng pinggan at kubyertos. Halos kulang nalang subuan siya ng babae na ipinagtaka niya subalit kanya na lamang ipinagsawalang bahala."Thank you.""You're welcome," tugon ng asawa niya bago naupo sa silya na katapat niya. "Oo nga pala Drake, an
Bahagyang nagulat si Graciella sa tanong ni Drake pero mabilis din naman siyang nakabawi at tipid na ngumiti. "Salamat Drake pero hindi na nagparamdam pa sa akin si Mama Thelma."Pakiramdam ni Drake, hindi nagsasabi ng totoo si Graciella. Masyadong bayolente ang ina ng babae noong pumunta ito sa apartment nila noong nakaraan kaya imposible na tumigil na ito sa panggugulo kay Graciella. Pero dahil sinabi na nito na hindi, hindi narin niya ito pwedeng kulitin pa.Hindi naman inaasahan ni Graciella na maaalala pa ni Drake ang tungkol sa bagay na iyon. It was her family's affair at hindi pa kaaya-aya kung iisipin. Ayaw niyang magkaroon pa ito ng ugnayan sa kanyang ina. Kung sakali man na manggulo ulit si Mama Thelma, siya lang dapat ang pagtuunan nito ng pansin at hindi si Drake.Akmang magsasalita siya pero walang boses na lumabas sa labi niya dahil hindi naman niya alam kung ano pa ang sasabihin niya.Nang oras na iyon, napagtanto ni Graciella na wala pala siyang masyadong alam tungkol
Wala namang problema kay Drake kahit na hiwalay sa asawa ang makakatuluyan niya but dating her while she's still bound to her husband is really, really indecent!Kaya naman, mariin ang naging pagtanggi ni Drake at pinangakuan lang ang dalawang matanda na uuwi siya sa mga susunod na araw bago pinatayan ng tawag ang kanyang lola.Nakahinga naman ng maluwag si Daichi habang masama ang loob ni Celestina."Noong nakaraan walang pag-aalinlangan niya akong pinababa sa sasakyan niya tapos ngayon pinatayan na ako ng tawag kahit na hindi pa ako tapos na makipag-usap sa kanya!""Bata pa ang apo natin Celestina. Kung tutuusin ay hindi pa niya kailangan na magmadali sa paghahanap ng asawa. Isa pa, kung pipilitin mo siyang makipagdate kay Graciella habang kasal pa ito, ano nalang ang kaibahan nilang dalawa sa nagtataksil na asawa ni Graciella?"Nang marinig ni Celestina ang opinyon ng asawa niya ay napatango-tango siya. May punto din naman si Daichi sa mga sinabi nito."Kung ganun ay pupuntahan ko
Napangiwi si Graciella dahil sa hiya. "Grandma, bakit hindi pa kayo natutulog? Halos hating gabi na po," pag-iiba niya ng usapan."Hay naku Graciella, wag mong binabago ang usapan. Dapat kumprontahin mo ang asawa mo tungkol sa bagay na natuklasan mo. Hindi na mapagkakatiwalaan ang mga lalaki sa panahon ngayon. Kapag hindi ka kumilos ngayon, lolokohin kalang niya ng paulit-ulit kaya wag kang matakot."Huminga ng malalim si Graciella bago nagsalita. "Sige po Grandma. Gagawin ko po ang sinabi ninyo.""Mabuti naman kung ganun. Hindi na uso ang magpakamartyr ngayon. Dapat lumaban ka para hindi ka apakan ng mga yan!" Matapang pa nitong asik.Akmang sasagot siya nang may marinig siyang isa pang boses sa kabilang linya. "Bakit mo naman nasabi na hindi mapagkakatiwalaan ang mga lalaki ngayon? Inaano ba kita?" Boses ng isang matandang lalaki.Siguro ay asawa ito ni Grandma Celestina."Hindi ikaw ang kinakausap ko kaya wag kang makisali. Ang ibig kong sabihin ay ang asawa ni Graciella na makapal
Napakurap-kurap siya. Talaga bang halata siya masyado o sadyang matalino lang si Drake? Ganito rin ang nangyari kanina nang hindi pa niya ito nasasabihan tungkol sa pakay niya na turuan nito si Gavin ng piano."Care to tell me the reason why?"Napalunok siya. Ayaw niyang makita nito ang nararamdaman niyang tensyon. "Ano ka ba naman Drake. Hindi kita iniiwasan no. Wala namang rason para gawin ko yan. Sadyang gabi na talaga at gusto ko ng magpahinga," pagsisinungaling niya at binuntutan pa ng isang pilit na tawa."Then why won't you look at me?" Mapang-arok nitong tanong.Hindi alam ni Graciella kung nag-iilusyon lang siya pero pakiramdam niya, kahit kinorner na siya ni Drake at nasa lalaki ang momentum sa kasalukuyan, tila isa itong bata na hindi nakuha ang gusto kaya nagmamaktol.Subalit sa kabila ng tono nito, alam niyang hindi kasing inosente ng isang bata si Drake and she can prove that. Humugot siya ng hangin bago dahan-dahang sinalubong ang nakakapasong titig ng lalaki.Sa tagal
"You're pregnant…"Gulat na napatingin si Graciella Santiago sa maliit na larawan na nasa monitor. Tama ba ang narinig niya? Buntis siya?Kalmado lang na nakatingin ang doktor sa kanya. Marami na siyang nakitang babae na kagaya ni Graciella ang reaksyon sa tuwing sinasabi niyang positibo ang resulta."Is this your first pregnancy? Kung hindi ay kailan ang huli?" Tanong ng doktor.Hindi agad nakasagot si Graciella, masyado siyang nagulat sa nalaman niya at hindi niya alam kung ano ang sasabihin niya."Abortion can lead to a lifelong infertility Miss Santiago," biglang sabi ng doktor nang hindi siya magsalita.Namilog ang kanyang mata sa narinig. "Wala po akong balak magpa-abort Doc!" Agad na umamo ang mukha ng doktor sa sinabi niya. "You're three and a half weeks pregnant. Your baby is in good position pero kailangan mo parin ng regular check-up para mamonitor natin ang kalagayan niya at masigurado ang kalusugan niya."Halos wala sa sarili si Graciella nang lumabas siya ng ospital. Hi...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Komen