Di mapigilan ni Liliana na masaktan nang makita niya na harap harapan ang fiancee at ang bestfriend niya na nagtatalik sa mismong gabi pa ng engagement nila ni Gerald nalaman pa niya na tanging mana lang ang kailangan ni Gerald sa kanya. At nagulat siya nang may isang hotel staff ang nagpalayo sa kanya doon at sinamahan siya nang isang iglap nagbago ang lahat ng gabing iyon nang malaman niya na kinasal siya sa hotel staff na yun at may nangyari pa sa kanila ng gabing iyon at ang pinaka malala pa ay ito ang CEO Boss sa kompanyang pinagtrabahuan niya. Paano niya malulusutan ang lahat ng ito na ang lalaking pinakasalan niya ang pinaka mayamang businessman sa boung mundo?
View More3rd Person's Point of View* Hindi tumalab kay Theoris ang gayuma na pinainom sa kanya ni Bea nung wala siyang malay. Dahil na rin sa antidote na ininom niya na may halong dugo ng mga Windermere. Parang nawala agad ang bisa nun sa katawan niya. Tamang-tama naman na mag-a-acting si Theoris na parang na-in love siya kay Bea. Nakipagkita si Theoris kay Bea nung gabing iyon sa isang bar at excited naman si Bea nun at may dala rin siyang gayuma para painumin na naman si Theoris. "Baby," tawag sa kanya ni Bea. Napatingin naman sa kanya si Theoris at napangiti naman ito sa kanya at niyakap siya nito bigla na kinagulat naman ni Bea. At doon niya nakita na tumalab nga ang pininom nitong gayuma. Napangiti naman siya at doon na nagpa-sweet sila na parang sila na talaga. Nilagyan niya ng gayuma ang inumin ni Theoris at hindi naman iyon nawala sa paningin ni Theoris kaya mabilis niyang pinagpalit ang baso na nasa harapan niya. "Cheers?" Ngumiti naman si Bea. "Cheers." Napangiti naman siy
3rd Person's Point of View* Flashback... Nakarating ngayon si Theoris sa laboratory na pamamay-ari ng pamilya ng mga Windermere. Kagaya ng sinabi ni Ash sa kanya ay pagkagising niya ay agad siyang dumiretso doon sa laboratory. "Mabuti naman at nakarating ka na." Napatingin naman siya kay Azrael na nasa harapan niya at dahan-dahan na tumango. "Kanina ka pa hinihintay ni Ash sa loob at nandodoon din ang mga magulang nila." "I know." Alam ni Theoris na makakaharap niya ang mga magulang nila dahil gusto nilang malaman ang tungkol sa lason na iniinom niya na iyon din ang panlaban sa dugo nila Liliana. "Follow me." Lumakad naman sila at nakasunod lang sa Theoris kay Azrael. "Bakit ka nga pala nandidito sa Pinas?" Napatingin naman si Azrael. "Alam mo naman na nanganak si Ate Claudia noh?" "So tapos na siyang manganak eh bakit hindi ka pa bumalik sa america?" "Ang heartless mo naman, Theoris. Alam mo naman na may isa pang dahilan kung bakit ako nandidito noh?" "Ano?" "Gusto kon
3rd Person's Point of View* Malaki ang ngiti ni Bea habang naglalakad sa aisle sa isang magandang hotel garden sa lugar nila at nandidito na rin ang mga bisita sa paligid nila na nagpapalakpakan at ang pamilya lang ni Theoris ay ang grandpa nito at si Clea. Hindi rin sila makapaniwala sa pag-iba ng puso ni Theoris. "Grandpa, paano natin mapapahinto si Theoris? Alam naman natin na hindi ang babaeng yan ang mahal ni Theoris, 'di ba? Si Shana naman ang mahal niya. Parang ginayuma si Theoris." "I know that. Hindi rin natin mapipigilan ang bagay na yan dahil alam mo na na napapalibutan tayo ngayon ng mga tauhan ng pamilya ng bride." Wala silang magawa kundi ang tumingin na lang sa mga mangyayari ngayon. Kinuha ni Clea ang phone niya at agad niyang minessage ang mga tauhan nila at hindi rin ito ma-send dahil walang signal dito. "Mukhang planado nila ang lahat na nandidito. Sana tinali ko na lang si Theoris nung nakita ko siya. Alam ko naman na hindi talaga ito ang babaeng mahal niya a
Shana's Point of View* Nagising ako kinabukasan at nandidito pa rin ako sa kwarto ni Theoris. Hindi ko napansin na nakatulog pala ako kakahintay sa kanya. Napansin ko ang kumot na nakatakip sa akin na kinakunot ng noo ko at naka-on na din ang aircon. Automatic pala nag-o-on ang aircon? Hindi ko kasi naalala na nag-on ako kahapon ng aircon. Natigilan ako baka dumating na si Theoris kaya agad akong tumayo at agad lumabas sa kwarto. Agad kong nilibot ang boung kwarto at wala akong makita kahit isang anino niya. "Theoris? Nandidito ka ba? Theoris!" Para na akong baliw nagpaikot-ikot dito sa buong kwarto pero wala akong makita ni-anino niya. Napaiyak na lang ako nang napansin ko na may nakahain sa lamesa. At may pagkain sa lamesa. Sinong nagluto nito? Bakit may pagkain sa lamesa? Umuwi ba siya? Eh bakit hindi niya ako ginising? Hinawakan ko ang pagkain at mainit iyon. Nandidito nga siya. Kinalimutan na ba niya talaga ako? Napatingin ako sa sticky note na nasa gilid at nanlala
3rd Person's Point of View* Hinatid ni Theoris si Bea sa mansion nito at umunang lumabas si Theoris sa sasakyan nito. "Kagaya ng sinabi mo ay sa judge muna tayo ikakasal bukas. Nakahanda na ba ang lahat?" Ngumiti naman si Bea at dahan-dahan na tumango. "Yes. Tayo na lang dalawa ang kulang doon at isa pa kompleto ang pamilya ko bukas. Excited na ako sa bagay na yun." Napangiti naman si Theoris at hinalikan niya ang noo nito. "Matulog ka ng maaga, okay? Para fresh na fresh ka bukas sa kasal natin." "Yes, ikaw rin. Wag mo akong masyadong ma-miss. Can I kiss your lips now?" Ngumiti naman si Theoris at lalapit sana ang labi ni Bea sa kanya pero pinigilan naman iyon ni Theoris. "Not now, baby. Bukas ko na titikman ang halik mo sa kasal natin." Mas lalong napangiti si Bea sa sinabi nito. "Pwede naman na dito ka na matulog. Magkatabi tayo sa kama." "Baby, alam mo naman na bawal ang bagay na yun diba? Gusto mo ba na hindi matuloy ang kasal natin kinabukasan?" "Okay fine." Napapou
Shana's Point of View* Nakatulala ako habang nakatingin sa malayo. Hindi pa rin ako makapaniwala sa ginawa ni Cloud noon. Namumugto na rin ang mga mata ko habang nakatingin sa langit habang nasa gilid ko si Azrael. "He loves you so much simula pa noon kaya nga nagmamakaawa siya kay Theoris na siya na lang ang magiging fiancee mo." "Anong sabi ni Theoris?" "Hindi pumayag si Theoris. Dahil mahal ka rin niya pero hindi lang siya nagbo-voice out sa nararamdaman niya sayo." Nakikinig lang ako sa sinasabi ni Azrael habang nakatingin sa kalangitan. "Hanggang sa nagdesisyon ang mga magulang ni Cloud na sabihin sa Grandpa ni Theoris na si Cloud na lang ang magiging partner mo. " Napatingin ako sa kanya. "Ganun na lang yun? Ano naman ang reaksyon ni Theoris?" "At wala namang nagawa si Theoris sa bagay na yun at doon na siya nagsimulang maging cold sa lahat ng bagay lalo na't dinala rin siya ng Grandpa niya sa ibang bansa." Doon pala nagsimula ang pagka-cold niya. Dahil lang din pala
3rd Person's Point of View* Nandidito sila Shana at Azrael ngayon sa isang over viewing at may firing range sa unahan. Hindi aakalain ni Shana sa mahinhin na mukha ni Azrael ay ito pa ang napailing lugar na akala niya sa kung saan siya nito dadalhin. Tiningnan ni Shana si Azrael na may pagtataka. "Uhmm... Dito ko naisipan dahil para malabas mo ang sakit na nararamdaman mo ngayon." Hindi pa kasi umiiyak si Shana at nag-aalala si Azrael kung ano ang mangyayari kung hindi nito malalabas ang sakit na nararamdaman nito. "Mukhang kailangan ko ang bagay na yan." Napangiti naman si Azrael at dahan-dahan na napatango. "Mabuti naman kung ganun." Lumabas na siya sa sasakyan at lumakad na papunta sa gilid ni Shana ay pinagbuksan niya ng pintuan si Shana. Inanalayan naman niya itong bumaba. "Thank you." "Shall we?" Tumango naman si Shana at lumakad na sila paalis sa sasakyan at pumasok sa loob. "Mabuti gising ka na matapos ang kalahating buwan na pagkaka-coma." Napatingin naman si Sh
3rd Person's Point of View* Nakita ni Theo na nakatayo ngayon si Shana sa may pintuan ng hospital habang kasama niya si Bea. Agad naman siyang napatingin ulit kay Bea at sabay ngiti. "Anong gusto mong kainin?" tanong niya rito at hinaplos niya ang pisngi ni Bea. "I want Korean foods!" "Okay, okay, let's go." In-interwise niya ang kamay niya kay Bea at bago sila lumakad ay nakita niya na kasama ngayon ni Shana si Azrael at sabay silang umalis ng hospital. Hindi na na lang niya iyon pinansin at lumakad na papunta sa exit ng hospital at nakita nila ang mga bodyguards nila na naghihintay sa kanila. Inanalayan naman ni Theo si Bea na makaakyat at sumakay na rin siya sa sasakyan. Yumakap naman si Bea sa braso niya na kinangiti niya. "Sa Korean restaurant tayo." "Yes, sir." "Baby." Napatingin naman si Theo kay Bea. "Yes?" "Nakita ko kanina si Shana. Gulat na gulat ang mukha niya habang nakatingin sa atin." "Shana?" Tumango naman ito. "Yes, kilala mo ba siya?" "Baby, wala n
Shana's Point of View* Nasa sasakyan kami ngayon at pumunta kami sa hospital ngayon para makita si Theoris. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa kalahating buwan na iyon. “Scarlet, tell me everything na nangyari habang wala akong malay.” “Uhmm… nalagay sa delikadong sitwasyon ang buhay mo, milady. Bakit mo naman kasi ininom ang lasong iyon.” “Kung hindi ko iyon ininom ng ikalawang beses ay hindi sana malalaman na delikado iyon sa akin at sa pamilya ko.” Doon ko naisip na hindi lahat ng lason ay walang epekto sa amin. “Nakita niyo na ba ang babaeng yun?” Natigilan naman si Scarlet at napatingin naman siya sa akin. “Sinong babae ba ang mean mo?” “Bea.” “Teka may alam ka tungkol sa malanding babaeng yun?” Napakunot ang noo ko habang nakatingin sa kanya. Ibig sabihin nun ay alam na nila ang tungkol sa babaeng yun? Na ang pamilya nito ang utak ng lasong iyon. “Kaaway mo beh?” tanong nito sa akin at napaiwas naman ako ng tingin. “Nakita ko na siya isang beses at siya yung ta
Nagising si Liliana sa kama nito nang marinig niyang tumunog ang phone niya at na aksidenteng na alarm pala niya ang phone niya kaya in-off na lang niya iyon at napatingin sa tabi niya at wala pa din ang Fiancee niyang si Gerald. Tiningnan niya ang oras at alas 2 na ng madaling araw. Di na siya mapakali kaya tumayo na siya sa higaan dahil baka kung ano na ang nangyari kay Gerald. Hinanap niya ito sa boung room nila at hindi niya ito nahagilap. Dito na sila natulog sa hotel kung saan ginanap ang engagement party nila kagabi at nauna siyang natulog kanina dahil nalasing na din siya at naiwan si Gerald sa party. Pinabayaan na lang niya ito dahil naintindihan naman niya na sobrang saya nito kasama ang mga kaibigan niya pero ngayon hindi na normal na hindi niya ito kasama ngayon. Tiningnan niya ang phone niya at tinawagan si Gerald pero naka-off ang phone nito kaya lumakad siya palabas nang may napansin siya sa harapang pintuan ng kwarto nila. Nakita niya ang pamilyar na sapatos at si...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments