Liliana’s Point Of View*Nandidito kami ngayon ni Jack sa rooftop at ito ang bagong tambayan namin ngayon every lunch at dala naming dalawa ang mga baon naming lunch box.“Ang sasarap talaga ng mga pagkain ninyo at may dessert pa. Ikaw ba ang nagluto niyan?”Dahan dahan naman akong tumango sabay ngiti. Sino pa ba ang nagluto ng bagay na yan? Yes, minsan si Manang pero ako pa din naman baka mapagod si manang.“Weee.”Napakunot naman ang noo ko at nabatukan ko siya agad na kinapout naman niya habang nakahawak sa ulo niya.“Bakit nambabatok? Ang sakit nun ha.”Napahimas naman siya sa ulo niya at mukhang nalakasan ko atah.“Kasalanan mo yan kung bakit ka nabatukan. Hindi naman kasi naniniwala eh.”“Hindi ko naman kasi nakita na marunong kang magluto sa ilang taon nating magkaibigan ay di ko talaga nakikita.”“Dahil kay Gerald lang ako nagluluto noon at hindi sa ibang tao. Alam mo naman na ayaw makipagshare ang bff mo.”Diininan ko talaga ang word na bff sa kanya na kinakunot ng noo niya.
Liliana's Point Of View* Nagising ako at nasa isang pamilyar na lugar ako ngayon at nasa parang puti na lugar... Nanlaki ang mga mata ko at agad akong napatingin sa paligid. "N-Nasaan na ako? Nandidito na ba yung manok?" Agad kong hinanap ang manok nang may isang babaeng nakaputi ang sout na pumasok sa pintuan. "Miss, nakikita mo ba yung lalaking may dalang manok?" tanong ko sa kanya at napakunot naman ang noo niya. "Manok po?" "Oo, yung lalaki na parang may sout na tela na puti at may dalang manok. Si ano... ano ngang pangalan nun?" "Miss, mukhang nananaginip po ba kayo? Mukhang kailangan ko pong tawagin si Do---" Iniisip ko ang pangalan nun nang maalala ko na. "Tama si San Pedro yun! Yung may dalang manok. Nasa langit na ako diba?" Nanlalaki naman ang mga mata ng Nurse. "Wala po kayo sa langit, Miss..." "Ha?! Wala ako sa langit!" Napatingin ako sa paligid. "So, nasa impyerno ako?" "Waaa, hindi po! Hindi pa kayo patay. Nasa earth pa po tayo." "So kalul
Liliana’s Point Of View*Napamulat ako dahil sa alarm na nasa gilid ng kama ko na palaging tumutunog. Nung tingnan ko iyon ay late na ako! Waaa! Agad akong napatayo sa kinahihigaan ko at dumiretso sa banyo para maligo at mabilisan talaga ang mga ginagawa ko.Natagalan kasi ako sa pag-gising dahil sa pag-gawa ko ng kontrata kahapon at mga 12 na atah akong nakatulog kaya ngayon ay sobrang late ko na!Naalala ko ulit ang nangyari kahapon lalo na ang tanong na iyon.‘What if I make you fall for me?’Yun ang tanong niya sa akin na kinatulala ko. As in tulala talaga ako habang nakatingin sa kanya nung oras na yun. Parang nabinge atah ako nun eh.“Just kidding, kagaya ng sinabi mo ay ikaw ang bahala.”Ngumiti na lang ako at dahan dahan na tumango. Akala ko ano na eh pero bakit may parang kirot sa puso ko nun? Basta… di ko din alam eh.Nevermind, ang importante ngayon ay ang makaalis na ako dahil anong oras na.Biglang tumunog ang phone ko at napatingin naman ako doon at nakikita ko ang pang
Liliana’s Point Of View*Napatakip ako sa labi ko.“I already taste that.”“Unconscious ako nun. Wala nga akong maalala nung panahong iyon.”Dahan dahan naman siyang lumapit sa akin at inilapit niya ang mukha niya sa akin.“Gusto mo bang ipa-alala ko ulit sayo ang bagay na yun?”Nanlaki ang mga mata ko at tinulak ko ang mukha niya gamit ang kamay ko.“N-No thanks!”Natawa naman siya ng mahina dahil sa sinabi ko. “Parang ginawa mo talaga akong katatawanan dito ano?“Nah, you’re so cute when you’re panicking. I like that.”Uminit naman ang mukha ko dahil sa sinabi niya.“Pinagtitripan mo nga ako!”“Okay, I’m sorry. Anyway, are you ready now to go?”Dahan dahan naman akong tumango.“Baka gusto mong uminom ng tubig. Alam mo naman na mainit ang panahon ngayon.”“You’re concern to me now? I like that, my Wife.”Kumindat siya na kinapikit ko dahil ayokong kumilig sa inis. Ganun yun.“Ewan ko sayo. Bahala ka sa buhay mo.”“Wife, I need water, please.” Napahinto naman ako sa paglalakad at na
Liliana's Point Of View*I think hindi maganda ang bagay na yun na sabihin ko ang Boss ko bilang servant ko."N-Nevermind," mahinang ani ko sa kanya at agad na akong nagpunas ng kamay."Alis na tayo."Nagulat ako nung na-corner ako ngayon at nakasandal ako sa pader at siya naman ay nakaharang ang isang kamay niya at ang lapit niya sa akin."Hindi mo pa nasasagot ang tanong ko sayo. Ayaw mo ba akong ilagay sa mga plano mo, Wife?"Tiningnan ko siya sa mga mata niya at mahina akong napaubo."Mr. Asher...""Nah, don't call me that, Darling. I'm your Husband."Hinawakan niya ang buhok ko at hinalikan niya iyon na kinainit ng mukha ko at napalunok ako habang nakatingin sa kanya."K-Kaya nga tayo mag-uusap sa Condo mo kasama ang abogado mo diba para malaman natin kung ano ang mga pagkakasunduan natin at masali na din kita sa plano ko."Nakita ko na nakakunot naman ang noo niya dahil sa sinabi ko at nakikita ko na parang nasaktan siya sa sinabi ko."So all this time, I wasn't part of your pla
Liliana's Point Of View*Natapos ang desisyon namin at isa isang binabasa ni Zep ang mga desisyon na pinili namin."Okay, babasahin ko ulit ang mga inilagay ninyo dito baka may mga disagree pa kayo dito."Dahan dahan naman akong tumango at ganun din si Mr. Asher"Ang una ay yes to physical touch. Like touch, hug, kiss and everything. Kayo na ang bahala sa iba. Desisyon mo naman iyon Lady Liliana. Kung hindi siya makikinig sayo ay may kaparusahang mangyayari."Tumango naman ako."Ikalawa naman ay walang 3rd wheel ang makikisali dito sa relasyon ninyo. Ah oo nga pala may ex ka pala. Anong gagawin mo sa bagay na yun?""The contract will be effective kung papaselosin namin ang ex-fiancee niya."Napatingin naman ako kay Mr. Asher at napataas naman ang isang kilay niya habang nakatingin sa akin."I'm now part of your plan, right?"Nanlalaki ang mga mata ko dahil nakuha niya ang gusto kong gawin."Kahit hindi mo ko isali sa mga plano mo ay wala ka ng magagawa dahil kasali na ako sa simula pa
Liliana’s Point Of View*Mabilis akong naghiwa ng mga gulay at natatawa ako sa mga ginagawa nilang pagtitig sa akin habang naghihiwa ako na parang ito ang unang kita nila na may naghihiwa ng gulay.“Woah, alam niyo nakakatawa ang mga mukha niyo.”“Ganyan ka ba talaga kabilis maghiwa ng mga gulay? Para kang isang magaling na Chef.”“Ah nag-aral lang ako ng isang taon ng pagluluto para paglulutuan ko ang Asawa ko sa future.”“I’m ready to taste it.”Napatingin naman kami kay Asher at natawa naman akong mahina dahil sa sinabi niya. Oo nga pala siya ang Husband ko.“Ash, itong gulay kainin mo kahit walang luto.”Napakunot naman ang noo ni Asher at kumuha ng isang pipino at pinakain kay Zep na kinatawa ko at kumain naman siya kahit may balat pa yun.Napailing iling na lang ako.“Doon na nga kayo nagluluto ako eh.”Napapout naman sila sa sinabi ko at pinalo pa ni Ash sa balikat si Zep.“Dahil sayo kaya tayo pinalayas sa kusina ko.”Natawa na lang ako sa sinabi ni Asher at tinulak tulak si Z
3rd Person's Point Of View*Hinawakan ni Liliana ang kamay ni Asher. "Tell me everything, malilinawan ako pagsasabihin mo sa akin lahat."Dahan dahan na lang napatango si Asher."Okay, I will tell you everything you want to know."Tumango naman si Liliana at sabay ngiti.Flashback..."At tungkol sa kasal. I'm serious about marrying you."Seryosong ani ni Asher kay Liliana at namula naman ang mukha ni Liliana dahil nakikita niya mismo sa mga mata ni Asher na gusto talaga siyang pakasalan nito.Hinawakan ni Asher ang kamay ni Liliana ay nakikita ni Asher ang singsing na isinuot niya kanina kay Liliana."How about you? Will you marry me, Liliana? Dahil ngayon ay papakasalan kita ngayon mismo na walang hinihiling na kapalit."Ngumiti naman si Liliana at agad napatango tango sa sinabi ni Asher."I will marry you."Lasing na ngayon si Liliana at ngumiti siya at sabay tango tango sa tanong ni Asher."Yes! I will marry you! Tayo na sa simbahan."Nagulat naman si Asher dahil hinawakan na ang
Liliana's Point of View*Nasa isang lugar ako ngayon at nagtatakbo ako ngayon at napatingin ako sa dalawang tao sa unahan na lalaki at babae na mukhang nasa mga 30’s na siguro.Tiningnan ko sila at lumuhod ang lalaki na di ko masyadong malinaw ang mukha niya at pati na din ang babae.“Let’s go, Princess?” tanong nito sa akin at lumakad naman ako papunta sa lalaki at hinawakan ko ang kamay niya.“Okay, Daddy.”Lumapit din ang babae sa akin at hinawakan din niya ang kamay ko.“Excited mo na bang makita ang Brother mo?”Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi ng babae. Pero imbes na magtaka ay napatango lang ako.“Baby Sister!”Napatingin ako sa unahan at nakita ko ang mukha ng lalaking bata na nakangiting nakatingin sa akin at agad akong lumapit sa kanya. Nang may naalala ako na mga magulang ko ang kasama ko at napatingin ako kung nasaan sila at nanlaki ang mga mata ko dahil wala sila sa kinatatayuan nila ngayon at napatingin din ako sa gilid ko at wala na din yung tumawag sa akin ng Baby
Liliana’s Point of View*Nagstretching na ako nung natapos ko ng macheck ang lahat ng mga pinasa sa akin at pinasa ko na agad kay Bart ang final output nang biglang tumunog ang email ko at nagmessage pala sa akin si Bart.‘Take care at magpakarami kayo, Bakla!’Yun ang sabi nang nasa email at natawa na lang ako sa chinat niya sa akin. “Baliw talaga tung barbie na toh.”Biglang may kumatok at napatingin ako kay Asher na may dala pala siyang pagkain na pang meryenda ko.Napangiti ako nung inilagay niya sa lamesa.“This is for you, wife.”“Thank you.”Tumabi naman siya sa akin na kinatingin ko sa kanya at doon ko napansin na nakatingin pala siya sa akin.“Bakit?”“I love watching you.”“Pfft, pinagsasabi mo diyan.”“Naka-points kasi ako kaya good mood ako ngayon.”“Bakit ngayon lang ba? Parati ka ngang nakangiti pagmakikita mo ang mukha ko.”Napangiti naman siya. Ayan na nga yung sinasabi ko eh na kinapikit ko dahil nakakasilaw ang ngiti niya.Pero nagulat ako nung nagtama ang mga labi
Liliana’s Point of View*“H-Huh?”Biglang isang iglap ay naramdaman ko na niyakap niya ang katawan ko at dahan dahan na inilapit sa kanya at di ko na lang pinansin ang nilalang na tumitigas sa baba.“Hubby, I’m still tired from what happened between us last night. I'm still sore."“Don’t worry because I’ll take action this time, and you just stay put, okay?”Hala di talaga siya mapipigilan! Agad kong pinigilan ang mukha niya na hahalikan sana sa labi ko.“Ha! Teka lang!”Natigilan naman siya at tiningnan ako sa mga mata ko.“Hmm? What is it? Nagsisisi ka ba sa nangyari sa atin? Kulang pa ba ang performance ko? Sabihin mo sa akin at mag-aaral pa ako.”“Eh? Waaaa hindi ganun yun. Yung nangyari kasi kagabi ay tama lang yun sa beer na ininom mo. Wala ng iba sa bagay na yun. Nalasing din ako... Alam mo naman na malalasing ako agad agad di katulad ng sayo na matagal malasing."Nakikita ko na parang nanlumo naman siya dahil sa sinabi ko.“Did I force myself to you, wife? I’m sorry, I won’t d
3rd Person’s Point of View*Nasa isang magandang bahay ay nakaupo ngayon ang batang Asher habang nagbabasa kasama ang mga magulang nila dahil may binisita sila na kakilala ng mga magulang nila.Walang emosyon si Asher habang maayos pa ding nakaupo at umiinom ng tea.“Hindi namin alam na ganito pala ka-gwapo ng anak ninyo, Tiffanie, Ashton.”Napangiti naman ang mga magulang ni Asher sa mga magulang ni Liliana dahil sa sinabi nito.“Sigurado na magkakasundo sila ng older son namin na si Lorenzo dahil same naman sila ng edad.”Napatingin naman sila sa anak nila na nakatingin sa kanila at binaba ni Ashton ang tea cup niya. Sa batang edad niya ay matured na siyang gumalaw dahil sa pagpapalaki sa kanya ng mga magulang niya.“I also want to meet him in person, Mr. and Mrs. Everheart.”Napangiti naman sila sa sinabi nito at nagsign naman sila sa katulong na ipatawad si Lorenzo.“Pababain muna namin si Enzo, okay? Sigurado na magkakasundo kayo dahil kagaya mo ay gusto din niyang magbasa ng mga
3rd Person's Point of View*Dumating sa airport ang dalawang lalaki na nasa 50's na at kasama nito ang nakakatandang anak nito at tinanggal nito ang sunglasses habang nakatingin sa paligid. Kasama din nila ang mga bodyguards nila na pu-protekta sa kanila sa mga kalaban."I didn't know that the Philippines could be this hot," ani ni Mateo at napatingin naman siya sa anak niya na si Theo na tinanggal din niya ang sunglasses niya.Iniisip niya na makita niya ulit ang babaeng nakasama niya noon na hindi alam ng Dad niya ay sobrang excited na siya sa bagay na yun. Hindi lang nito sinabi dahil accident lang ang pagkikita nila noon."I don't care. As long as I get to see my future fiancée, I don't care about the heat right now. I need to beat that guy and win her over.""That's my son. Are you really sure you haven't seen their daughter yet?"Agad namang napailing-iling si Theo sa tanong ng Dad niya."Okay, let's go to the hotel first to rest, and tomorrow we'll visit Alessandro's grandchild
3rd Person’s Point Of View*Bago niya tinawagan si Liliana sa scene na ito ay busy siya sa pagtatrabaho.Nagtatrabaho ngayon si Asher nang biglang may tumawag sa kanya ngayon at di pa niya iyon pinansin dahil baka iyong nang-iinis lang na investors ang tumatawag pero dahil sa curiosity dahil baka asawa niya ang tumawag kaya tiningnan niya iyon at napakunot ang noo niya dahil unregistered number sa sariling phone niya mismo na tanging ang asawa lang niya ang nakaka-access. Dalawa kasi ang phone niya sa trabaho at para lamang sa asawa niya ang isa.Pero may tumatawag sa exclusive number niya. Sinagot naman niya iyon.“Young man, bakit ang tagal mong makasagot?” Natigilan siya nang marinig niya agad ang boses ng Grandpa ni Liliana.“Sire, paano niyo po nalaman ang number ko?”“Binigay ni Liliana sa akin. May sasabihin ako sayo and please protect Liliana.”Natigilan naman si Asher dahil sa sinabi ng Grandpa nito.“Who’s that bastard try to hurt my Wife?”“Just protect her. Hindi pa nami
Liliana’s Point of View*Lumabas na ako ng department at dumiretso na ako sa elevator at agad pinindot ang down button. Ang plano ko na sa text ko na lang sasabihin ang bagay na yun.Lumabas na ako sa kompanya at agad na akong nagpara ng taxi papunta sa boarding house ni Gerald. Pumasok na ako sa taxi at agad kong sinabi kung nasaan ang bahay ni Gerald at pinatakbo na ang sasakyan.Agad kong tinext ang Asawa ko na aalis muna ako para di siya mag-aalala kung saan ako pumunta pero di ko muna sinabi kung nasaan ako pupunta. Oh diba? Sinabi na aalis ako pero di ko sinabi kung nasaan.Nang napansin ko na tumatawag si Grandpa na kinakunot ng noo ko. Kaya sinagot ko iyon. Di ko talaga alam kung saan sila nagpupunta. Pinabayaan ko na lang dahil baka nagdedate lang silang dalawa ni Grandma at alam niyo na namamasyal sila na hindi man nila nagawa noon pa man dahil sa kabusy nila.“Grandpa, napatawag ka? Kumusta ang Honeymoon ninyo ni Grandma?”“What? Apo, hindi kami nagha-honeymoon.”Mahina na
Liliana's Point of View* Nakatingin ako sa mga mata niya at ngayon di na ako magpapatalo sa pagtitig niya sa akin. "Anong gagawin mo, wife?" Siningkitan ko siya ng tingin. "Alam ko na hindi mo yun magagawa at may dahilan ka kung bakit mo sila sinisante." Nagkatitigan kaming dalawa nang napangiti siya habang nakatingin sa akin. "You really know me?" Napangiti naman ako at tinulak ko ang mukha niya para lumayo sa akin. "Hindi ako makakarating sa position ko kung di ako marunong umintindi at magdedesisyon ng tama sa isang bagay at bilang isang may-ari ng isang malaking kompanya ay di mo agad papaalisin ang mga taong malaki ang tulong sayo." Nakatingin lang sila sa akin habang nakikinig sa sinasabi ko. "Mukhang may nagawa silang pagkakamali na ayaw na ayaw mo." Dahan dahan naman siyang napatango habang nakatingin sa akin. "You're right, hindi nga kami nagkamali na ilagay ka sa posisyong iyon. Actually, ang lahat ng empleyadong nandodoon ay binabalak na nakawan ang k
Liliana's Point Of View*Hindi ko na iniisip ang bagoong sa sitwasyon namin ngayon. Itutulak ko sana si Asher pero mahigpit niya akong niyakap."What are you doing here?"Napalunok si Bert nang magsalita si Asher at namutla."P-Pasensya na po, Mr. Windermere."Napayuko naman siya at ramdam ko ang panginginig niya at napabuntong hininga ako at napatingin kay Asher. "Don't look at my friend."Napakunot naman ang noo ni Asher at tinakpan ko ang mga mata niya para di niya tingnan si Bert."Come here, Bert."Napatingin naman si Bert sa akin at nagtataka pa din sa nangyayari ngayon. "Di na siya nakatingin. Don't worry.""H-How..."Lumapit sa amin si Caleb."Milady, anong gagawin po natin sa kanya?" Nagulat naman silang napatingin kay Caleb na parang sinasabi niya na pabagsakin namin si Bert."I will tell him the truth. Pero hindi dito at doon tayo sa opisina ni Ash--- niya. Opisina niya."Tinuro ko si Asher baka malabi sa labi talaga ako dito pagsasabihin ko pangalan niya. Mahirap na!Na