Liliana's Point Of View*I think hindi maganda ang bagay na yun na sabihin ko ang Boss ko bilang servant ko."N-Nevermind," mahinang ani ko sa kanya at agad na akong nagpunas ng kamay."Alis na tayo."Nagulat ako nung na-corner ako ngayon at nakasandal ako sa pader at siya naman ay nakaharang ang isang kamay niya at ang lapit niya sa akin."Hindi mo pa nasasagot ang tanong ko sayo. Ayaw mo ba akong ilagay sa mga plano mo, Wife?"Tiningnan ko siya sa mga mata niya at mahina akong napaubo."Mr. Asher...""Nah, don't call me that, Darling. I'm your Husband."Hinawakan niya ang buhok ko at hinalikan niya iyon na kinainit ng mukha ko at napalunok ako habang nakatingin sa kanya."K-Kaya nga tayo mag-uusap sa Condo mo kasama ang abogado mo diba para malaman natin kung ano ang mga pagkakasunduan natin at masali na din kita sa plano ko."Nakita ko na nakakunot naman ang noo niya dahil sa sinabi ko at nakikita ko na parang nasaktan siya sa sinabi ko."So all this time, I wasn't part of your pla
Liliana's Point Of View*Natapos ang desisyon namin at isa isang binabasa ni Zep ang mga desisyon na pinili namin."Okay, babasahin ko ulit ang mga inilagay ninyo dito baka may mga disagree pa kayo dito."Dahan dahan naman akong tumango at ganun din si Mr. Asher"Ang una ay yes to physical touch. Like touch, hug, kiss and everything. Kayo na ang bahala sa iba. Desisyon mo naman iyon Lady Liliana. Kung hindi siya makikinig sayo ay may kaparusahang mangyayari."Tumango naman ako."Ikalawa naman ay walang 3rd wheel ang makikisali dito sa relasyon ninyo. Ah oo nga pala may ex ka pala. Anong gagawin mo sa bagay na yun?""The contract will be effective kung papaselosin namin ang ex-fiancee niya."Napatingin naman ako kay Mr. Asher at napataas naman ang isang kilay niya habang nakatingin sa akin."I'm now part of your plan, right?"Nanlalaki ang mga mata ko dahil nakuha niya ang gusto kong gawin."Kahit hindi mo ko isali sa mga plano mo ay wala ka ng magagawa dahil kasali na ako sa simula pa
Liliana’s Point Of View*Mabilis akong naghiwa ng mga gulay at natatawa ako sa mga ginagawa nilang pagtitig sa akin habang naghihiwa ako na parang ito ang unang kita nila na may naghihiwa ng gulay.“Woah, alam niyo nakakatawa ang mga mukha niyo.”“Ganyan ka ba talaga kabilis maghiwa ng mga gulay? Para kang isang magaling na Chef.”“Ah nag-aral lang ako ng isang taon ng pagluluto para paglulutuan ko ang Asawa ko sa future.”“I’m ready to taste it.”Napatingin naman kami kay Asher at natawa naman akong mahina dahil sa sinabi niya. Oo nga pala siya ang Husband ko.“Ash, itong gulay kainin mo kahit walang luto.”Napakunot naman ang noo ni Asher at kumuha ng isang pipino at pinakain kay Zep na kinatawa ko at kumain naman siya kahit may balat pa yun.Napailing iling na lang ako.“Doon na nga kayo nagluluto ako eh.”Napapout naman sila sa sinabi ko at pinalo pa ni Ash sa balikat si Zep.“Dahil sayo kaya tayo pinalayas sa kusina ko.”Natawa na lang ako sa sinabi ni Asher at tinulak tulak si Z
3rd Person's Point Of View*Hinawakan ni Liliana ang kamay ni Asher. "Tell me everything, malilinawan ako pagsasabihin mo sa akin lahat."Dahan dahan na lang napatango si Asher."Okay, I will tell you everything you want to know."Tumango naman si Liliana at sabay ngiti.Flashback..."At tungkol sa kasal. I'm serious about marrying you."Seryosong ani ni Asher kay Liliana at namula naman ang mukha ni Liliana dahil nakikita niya mismo sa mga mata ni Asher na gusto talaga siyang pakasalan nito.Hinawakan ni Asher ang kamay ni Liliana ay nakikita ni Asher ang singsing na isinuot niya kanina kay Liliana."How about you? Will you marry me, Liliana? Dahil ngayon ay papakasalan kita ngayon mismo na walang hinihiling na kapalit."Ngumiti naman si Liliana at agad napatango tango sa sinabi ni Asher."I will marry you."Lasing na ngayon si Liliana at ngumiti siya at sabay tango tango sa tanong ni Asher."Yes! I will marry you! Tayo na sa simbahan."Nagulat naman si Asher dahil hinawakan na ang
Liliana’s Point Of View*Nakatulala ako habang nakatingin kay Asher dahil sa lahat ng kinukwento niya ngayon. Sa kwento niya ay ako ang wild doon. Waaaa! Biktima nga siya! Naaawa lang siya sa akin kaya niya ako pinakasalan!Nilandi ko siya at wala siyang nagawa sa bagay na yun at pinatawag niya pa si Mayor at si Zephyr na mahimbing na natutulog nung gabing iyon. Dahil sa kabaliwan ko ay marami ang nadamay.“I’m so sorry, don’t worry, gagawin ko ang lahat makabawi sa lahat ng kasalanan ko.”“Kasalanan? Wala ka namang kasalanan sa lahat nang nangyayari. At hindi naman kasalanan ang ginawa mo dahil umagree naman ako sa kagustuhan mo. Wag mo ng sisihin ang sarili mo tungkol sa bagay na yun.”“Waaa, bakit ang bait mo sa akin. Puro mga walang kahiyaan ang mga ginawa ko sayo at Boss pa kita.”“Hmm, wala lang. I find it amusing.”“Naman ehh!”Kinuha ko ang beer sa lamesa at ininom ko iyon na kinagulat niya.“Baka malasing ka."“Ayos lang dahil linggo naman bukas at asawa naman kita.”Nakita k
3rd Person’s Point Of View*Napangiti si Asher dahil sa sinabi ni Liliana sa kanya na tutulungan siya nitong gumaling ang panlasa niya. Hindi niya alam na si Liliana pala ang magiging antidote niya para makatikim ulit ng masarap na ulam. Napatingin ulit siya kay Liliana na umiinom habang nakatingin sa phone niya.“Damn those b*tches.”Napatingin naman siya sa phone ni Liliana na makikita sa picture na nasa picnic ang dalawa at magkahawak kamay pa ito at may ibang pictures din na sabay itong pumasok sa isang motel ang ex-fiancee at ex-bff niya.“Hindi talaga sila nagsisisi sa kasalanan nila huh.”“Ang mga ganyang tao ay na-aaddict na sila sa sex. Hindi na nilang iwasan o iwanan ang bagay na yun. Kung sasama ka pa sa lalaking yan baka galawin ka niya o baka umabot sa punto na gagahasain ka na niya.""Subukan lang niya at puputulan ko siya ng patotoy niya. Mga hayop talaga sila lalo na ang bestfriend ko kuno. Damn, ahas pala. Alam ko pag malaman niya an ikaw ang asawa ko ay aagawin ka d
Liliana’s Point Of View*Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumama sa mukha ko ngayon at mas lalo kong niyakap ang unan na yakap yakap ko ngayon at natigilan ako dahil humihinga ang unan ko at rinig ko ang heartbeat niya at dahan dahan akong napatingin sa unan ko at nanlalaki ang mga mata ko na makita siyang mahimbing na natutulog sa tabi ko. Sino pa ba edi si Asher. Teka magkatabi kaming natutulog ngayon! Napatingin ako sa katawan niya ngayon na kadikit ang mukha ko doon at napakagat ako sa labi ko habang nakatingin doon.Dahan dahan akong napalayo at nakahubad siya ng damit at napatingin naman ako sa baba at may kumot doon at napatingin ako sa damit ko at mabuti sout ko pa din pero asan ang bra ko?Agad akong gumalaw at dahan dahan kong tinatanggal ang kamay niya sa bewang ko at akala ko makakatakas na ako pero hindi pa pala dahil niyakap niya ako ng mahigpit at inilapit niya ako sa kanya at nakatalikod ako sa kanya at ramdam ko ang mainit na katawan niya sa likod ko at hininga
Liliana's Point Of View*Damn... Damn..."Wife?" Napapikit pa din ako at napahawak sa ulo ko. Naalala ko na ang mga ginawa ko kahapon sa kanya! Hinawakan ko ang dibdib niya tapos kumandong pa ako sa kanya habang yakap yakap ko siya."Asher...""Wife, don't call my name like that. Paano natin mapapaniwala ang lahat ng tao at ng abogado mo kung hindi ka sweet sa akin.""Hindi naman kasi ako sweet na tao eh!""Ako, sweet ako."Napakunot naman ang noo ko habang nakatingin sa kanya. Naalala ko ulit ang nangyari kahapon. Waaaa! Ayoko na talagang uminom!Sinandal ko ang ulo ko sa bintana at dahan dahan ko yung tinatama doon."Wife? Hey, don't do that."Pinark niya sa gilid ang sasakyan at agad lumapit sa akin at inilayo ang ulo ko aa bintana."Bakit mo sinasaktan ang sarili mo?""Please, wag mo na akong ipalapit sa mga beer... waaa sorry sa ginawa ko sayo kahapon!"Napatakip ako sa mukha ko dahil sa kahihiyan."Naalala mo na kung ano ang nangyari kagabi? Anong naalala mo? Hmm?"Tinuro ko an
Liliana's Point of View*Nagtatrabaho kami ngayon nang napansin ko na wala sa mood si Mirabelle at parang may dalaw atah siya ngayon dahil mukhang high blood."Jack."Napatingin naman si Jack sa akin. Mabuti narinig niya agad ang tawag ko sa kanya. "Bakit?""Parang bad mood atah ang antagonist ngayon?"Napatingin tingin naman siya sa paligid nang napahinto ang tingin niya kay Mirabelle."Damn."Natigilan kami nang biglang nagmura ang muse ng department namin na kinatingin naming lahat sa kanya.Maski siya ay nagulat dahil sa sinabi niya at napatingin siya sa amin."Ah sorry po."Dahan dahan naman kaming tumango at bumalik na lang ang tingin namin sa ginagawa namin. Napatingin naman kaming dalawa ni Jack sa isa't isa."Ang isang antagonist din ay iba din ang emosyon."Ngumuso si Jack sa unahan at napatingin naman ako kay Gerald na nakakunot din ang noo. Doon
Liliana's Point of View*Nagtataka naman akong napatingin sa kanya. Teka hindi ko kilala ang taong ito."It seems I'm not the one you're looking for, Mr. Theo."Napakunot ang noo niya at hinawakan niya ang kamay ko."You're Maeve. Hindi mo na ba talaga ako maalala?"Naging malungkot ang mukha niya habang nakatingin sa akin."I'm sorry, pero hindi."Binawi ko ang kamay ko. Gwapo nga siya pero may Asawa na ako baka makita niya ako."Babe."Napatingin ako sa unahan at lumapit naman sa akin si Gerald. Oh? Timing huh?"Who are you?" kunot noong tanong ni Gerald sa kanya.Pero tiningnan lang niya si Gerald na mula ulo hanggang paa."Uhmm... Not here," mahinang ani ko at hinawakan ko ang kamay ni Gerald. "Babe, mukhang na misunderstanding lang niya. Hindi naman ako ang hinahanap niya."Kumalma naman ang mukha ni Gerald at dahan dahan na napatango at tumingin siya kay Mr. Theo."I'm sorry.""But your name is also Maeve, right?"Napatingin ako ulit sa kanya. Kilala niya talaga ako? Sure na su
Liliana's Point of View*Nasa isang lugar ako ngayon at nagtatakbo ako ngayon at napatingin ako sa dalawang tao sa unahan na lalaki at babae na mukhang nasa mga 30’s na siguro.Tiningnan ko sila at lumuhod ang lalaki na di ko masyadong malinaw ang mukha niya at pati na din ang babae.“Let’s go, Princess?” tanong nito sa akin at lumakad naman ako papunta sa lalaki at hinawakan ko ang kamay niya.“Okay, Daddy.”Lumapit din ang babae sa akin at hinawakan din niya ang kamay ko.“Excited mo na bang makita ang Brother mo?”Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi ng babae. Pero imbes na magtaka ay napatango lang ako.“Baby Sister!”Napatingin ako sa unahan at nakita ko ang mukha ng lalaking bata na nakangiting nakatingin sa akin at agad akong lumapit sa kanya. Nang may naalala ako na mga magulang ko ang kasama ko at napatingin ako kung nasaan sila at nanlaki ang mga mata ko dahil wala sila sa kinatatayuan nila ngayon at napatingin din ako sa gilid ko at wala na din yung tumawag sa akin ng Baby
Liliana’s Point of View*Nagstretching na ako nung natapos ko ng macheck ang lahat ng mga pinasa sa akin at pinasa ko na agad kay Bart ang final output nang biglang tumunog ang email ko at nagmessage pala sa akin si Bart.‘Take care at magpakarami kayo, Bakla!’Yun ang sabi nang nasa email at natawa na lang ako sa chinat niya sa akin. “Baliw talaga tung barbie na toh.”Biglang may kumatok at napatingin ako kay Asher na may dala pala siyang pagkain na pang meryenda ko.Napangiti ako nung inilagay niya sa lamesa.“This is for you, wife.”“Thank you.”Tumabi naman siya sa akin na kinatingin ko sa kanya at doon ko napansin na nakatingin pala siya sa akin.“Bakit?”“I love watching you.”“Pfft, pinagsasabi mo diyan.”“Naka-points kasi ako kaya good mood ako ngayon.”“Bakit ngayon lang ba? Parati ka ngang nakangiti pagmakikita mo ang mukha ko.”Napangiti naman siya. Ayan na nga yung sinasabi ko eh na kinapikit ko dahil nakakasilaw ang ngiti niya.Pero nagulat ako nung nagtama ang mga labi
Liliana’s Point of View*“H-Huh?”Biglang isang iglap ay naramdaman ko na niyakap niya ang katawan ko at dahan dahan na inilapit sa kanya at di ko na lang pinansin ang nilalang na tumitigas sa baba.“Hubby, I’m still tired from what happened between us last night. I'm still sore."“Don’t worry because I’ll take action this time, and you just stay put, okay?”Hala di talaga siya mapipigilan! Agad kong pinigilan ang mukha niya na hahalikan sana sa labi ko.“Ha! Teka lang!”Natigilan naman siya at tiningnan ako sa mga mata ko.“Hmm? What is it? Nagsisisi ka ba sa nangyari sa atin? Kulang pa ba ang performance ko? Sabihin mo sa akin at mag-aaral pa ako.”“Eh? Waaaa hindi ganun yun. Yung nangyari kasi kagabi ay tama lang yun sa beer na ininom mo. Wala ng iba sa bagay na yun. Nalasing din ako... Alam mo naman na malalasing ako agad agad di katulad ng sayo na matagal malasing."Nakikita ko na parang nanlumo naman siya dahil sa sinabi ko.“Did I force myself to you, wife? I’m sorry, I won’t d
3rd Person’s Point of View*Nasa isang magandang bahay ay nakaupo ngayon ang batang Asher habang nagbabasa kasama ang mga magulang nila dahil may binisita sila na kakilala ng mga magulang nila.Walang emosyon si Asher habang maayos pa ding nakaupo at umiinom ng tea.“Hindi namin alam na ganito pala ka-gwapo ng anak ninyo, Tiffanie, Ashton.”Napangiti naman ang mga magulang ni Asher sa mga magulang ni Liliana dahil sa sinabi nito.“Sigurado na magkakasundo sila ng older son namin na si Lorenzo dahil same naman sila ng edad.”Napatingin naman sila sa anak nila na nakatingin sa kanila at binaba ni Ashton ang tea cup niya. Sa batang edad niya ay matured na siyang gumalaw dahil sa pagpapalaki sa kanya ng mga magulang niya.“I also want to meet him in person, Mr. and Mrs. Everheart.”Napangiti naman sila sa sinabi nito at nagsign naman sila sa katulong na ipatawad si Lorenzo.“Pababain muna namin si Enzo, okay? Sigurado na magkakasundo kayo dahil kagaya mo ay gusto din niyang magbasa ng mga
3rd Person's Point of View*Dumating sa airport ang dalawang lalaki na nasa 50's na at kasama nito ang nakakatandang anak nito at tinanggal nito ang sunglasses habang nakatingin sa paligid. Kasama din nila ang mga bodyguards nila na pu-protekta sa kanila sa mga kalaban."I didn't know that the Philippines could be this hot," ani ni Mateo at napatingin naman siya sa anak niya na si Theo na tinanggal din niya ang sunglasses niya.Iniisip niya na makita niya ulit ang babaeng nakasama niya noon na hindi alam ng Dad niya ay sobrang excited na siya sa bagay na yun. Hindi lang nito sinabi dahil accident lang ang pagkikita nila noon."I don't care. As long as I get to see my future fiancée, I don't care about the heat right now. I need to beat that guy and win her over.""That's my son. Are you really sure you haven't seen their daughter yet?"Agad namang napailing-iling si Theo sa tanong ng Dad niya."Okay, let's go to the hotel first to rest, and tomorrow we'll visit Alessandro's grandchild
3rd Person’s Point Of View*Bago niya tinawagan si Liliana sa scene na ito ay busy siya sa pagtatrabaho.Nagtatrabaho ngayon si Asher nang biglang may tumawag sa kanya ngayon at di pa niya iyon pinansin dahil baka iyong nang-iinis lang na investors ang tumatawag pero dahil sa curiosity dahil baka asawa niya ang tumawag kaya tiningnan niya iyon at napakunot ang noo niya dahil unregistered number sa sariling phone niya mismo na tanging ang asawa lang niya ang nakaka-access. Dalawa kasi ang phone niya sa trabaho at para lamang sa asawa niya ang isa.Pero may tumatawag sa exclusive number niya. Sinagot naman niya iyon.“Young man, bakit ang tagal mong makasagot?” Natigilan siya nang marinig niya agad ang boses ng Grandpa ni Liliana.“Sire, paano niyo po nalaman ang number ko?”“Binigay ni Liliana sa akin. May sasabihin ako sayo and please protect Liliana.”Natigilan naman si Asher dahil sa sinabi ng Grandpa nito.“Who’s that bastard try to hurt my Wife?”“Just protect her. Hindi pa nami
Liliana’s Point of View*Lumabas na ako ng department at dumiretso na ako sa elevator at agad pinindot ang down button. Ang plano ko na sa text ko na lang sasabihin ang bagay na yun.Lumabas na ako sa kompanya at agad na akong nagpara ng taxi papunta sa boarding house ni Gerald. Pumasok na ako sa taxi at agad kong sinabi kung nasaan ang bahay ni Gerald at pinatakbo na ang sasakyan.Agad kong tinext ang Asawa ko na aalis muna ako para di siya mag-aalala kung saan ako pumunta pero di ko muna sinabi kung nasaan ako pupunta. Oh diba? Sinabi na aalis ako pero di ko sinabi kung nasaan.Nang napansin ko na tumatawag si Grandpa na kinakunot ng noo ko. Kaya sinagot ko iyon. Di ko talaga alam kung saan sila nagpupunta. Pinabayaan ko na lang dahil baka nagdedate lang silang dalawa ni Grandma at alam niyo na namamasyal sila na hindi man nila nagawa noon pa man dahil sa kabusy nila.“Grandpa, napatawag ka? Kumusta ang Honeymoon ninyo ni Grandma?”“What? Apo, hindi kami nagha-honeymoon.”Mahina na