Liliana's Point Of View*
Nagising ako dahil sa liwanag na tumama sa mukha ko galing sa labas ng bintana. Napapikit ako dahil ramdam ko ngayon ang sakit sa katawan ko at hapdi sa pagitan ng binti ko at lalo na din sa ulo ko na parang biniak. Ano ba ang nangyayari? Parang nakipaglaban ako kahapon ha dahil sa sakit ng katawan ko ngayon. Naramdaman ko na may yumakap sa akin ngayon kaya napamulat ako at agad tumambad sa akin ang matigas na katawan ng isang lalaki at may abs pa ito at nasa harap ko talaga. Dahan dahan akong napatingin sa nagmamay-ari ng abs na nasa katawan na nakayakap ng mahigpit sa akin ngayon at nakita ko ang isang lalaki na di ko man maalala kung saan ko nakita pero pamilyar siya. Inalala ko ang nangyari kahapon at doon bumalik sa isipan ko ang pagtataksil na ginawa sa akin ng fiancee ko na si Gerald at ang bestfriend ko na si Maribelle. Biglang pumasok sa alaala ko ang nangyari kahapon. "Sabi niya walang ibang papatol sayo dahil nerd ka diba? So I will marry you at magiging loyal ako sayo hanggang sa huling hininga natin. Do you agree with that? Miss..." "Liliana." "My Liliana." "Hindi mo deserve ang mga lalaking kagaya niya. Cheater pa at... maliit pa." End Of Flashback... At doon naalala ko na ang lalaking katabi ko ngayon ay si Fern. Naalala ko na ang lalaking ito ngayon. Siya ang tumulong sa akin sa lahat. Teka lang ako ba ang dahilan kung bakit napunta kami sa ganito?! Ako ang nagyaya sa kanya na mag-inom at di ko alam kung ano ang ginawa ko kahapon sa kanya. Napakagat ako sa labi ko. Ang isang inosenteng hotel staff ay ginawan ko ng ganito! Dahil lang sa problema ko. Tinulungan niya ako at nalasing ako.... 'Please, make love to me.' Natigilan ako nung narinig ko ang boses ko na sinabi ko yun sa kanila. Biglang uminit ang mukha ko dahil sa sinabi ko. Nakakahiya! "I'm sorry..." mahinang ani ko sa kanya. Agad akong napatingin sa paligid at nasa isang magandang kwarto pa kami ngayon. Dahan dahan akong gumalaw at iniinda ko ngayon ang sakit sa katawan ko. Nagmamadali akong nagbihis at mabuti mahimbing ang tulog niya ngayon. Yung unan kasi ang pinayakap ko sa kanya. Ano ba talaga ang nangyayari? Sa sobrang kalasingan ko ay umabot kami sa ganitong sitwasyon! Nakabihis na ako at tiningnan ko siya at kinuha ko ang pera sa pitaka ko at inilagay sa lamesa para pangdespensa sa nagawa ko sa kanya. Napaka-inosente niya. Napansin ko ang singsing na nasa daliri ko at dalawa na iyon na kinataka ko. Isa lang naman ang inilagay niyang singsing nung nasa room kami kung saan may nangyari kina Gerald at Mirabelle. Pero ngayon ay dalawa na ang nasa daliri ko ngayon. Tinanggal ko na lang iyon at inilagay sa lamesa. Malaking pasasalamat ko sa kanya dahil pinagaan niya ang loob ko at pinahiram pa niya sa akin ang napakagandang singsing na ito para sabihin na siya na ang ikakasal sa akin. At alam ko naman na gusto lang niyang itakas ako doon. Susukuan ko na lang ang mana ko dahil mukhang wala na talaga akong pag-asa na mag asawa pang muli. Baka iisipin nila na dahil lang sa mana kaya ako atat na magpakasal. Napabuntong hininga na lang ako habang nakatingin sa labas ng bintana. Napatingin ako sa relo ko at nanlalaki ang mga mata ko nang makita ang oras ngayon. "Damn, late na ako sa trabaho ko. Mukhang kailangan ko munang mag sick leave ngayon." Napatingin ako kay Fern na natutulog pa din. "Thank you for coming into my life." Nakita ko na gumalaw siya na kinalaki ng mga mata ko at agad akong nagmamadaling kinuha ang ang bag ko at nahulog pa ito at agad ko namang nakuha ang gamit ko at agad akong tumakbo ng mabilis paalis doon. Agad na akong sumakay ng elevator at mabuti ako lang mag isa dito ngayon at sinusuklayan ko ang buhok ko na parang may malakas na hangin. Uminit ang mukha ko nang makita ang kiss mark at bite marks sa leeg ko at agad ko namang tinakpan iyon ng buhok at agad na akong nakarating sa ground floor at lakad takbo na ang ginawa ko hanggang makalabas na ako sa Hotel at sumakay na ng taxi. Nakahinga naman ako ng maluwag at napakagat sa labi ko. Di ko alam na binigay ko ang virginity ko sa lalaking kakilala ko pa lang at hindi sa boyfriend ko na tatlong taon kong nakasama. Napayakap ako sa bag ko nang biglang nagvibrate ang phone ko at kinuha ko iyon sa bag at nakita ko agad ang word na 'My love' sa message. Napakunot ang noo ko at inend ang call. Damn him. Hindi ko kailanman makakalimutan ang ginawa nilang kahayupan sa akin. Agad kong iniba nag pangalan niya at ginawa kong 'The Cheater'. Napakagat ako sa labi ko nung kumirot ang puso ko. Ayoko ng iyakan ang lalaking yun! Hindi muna ako uuwi sa amin. Doon muna ako sa Grandma ko. Siya ang bestfriend ng Grandma ko at tinuring na din niya akong totoong apo. "Kuya, doon na po tayo sa South Street." "Okay, Ma'am." Alam ko kasi na nandodoon ngayon sa bahay ko si Gerald at ayoko munang pumunta doon. Biglang tumunog na naman ang phone ko at nakita ko na tumatawag si Grandma kaya sinagot ko iyon. "Hello, apo?" "Grandma, bakit ka po napatawag?" "Hinahanap ka sa akin ni Gerald. May nangyari ba?" Napakagat ako sa labi ko. Di ko pa kayang sabihin sa kanya ang bagay na yun. "Ah, Grandma, hindi po. Nasa bahay niyo ka po ba?" "Ah oo, Apo. Nandidito ako ngayon. Ah nandidito pala si Gerald sa sala." Natigilan ako sa sinabi ni Grandma. "H-Huh? Nandyan siya?" "Yes, Apo." "Sabihin mo sa kanya na umalis pa ako at di pa ako makakauwi. At pauwiin mo na yan sa bahay nila." "Saan ka pupunta, apo?" "May bibilhin lang po for personal po. Baba ko na po, Grandma. Babye." "Sige, Apo." Binaba ko na ang tawag at napakagat ako sa kuko ko dahil sa stress. Napatingin ako sa kompanya na pinagtatrabahuan ko mukhang dito na lang siguro ako papasok nagyon. Alam ko na dito din nagtatrabaho ang dalawang hayop na yun pero mukhang absent sila ngayon. Dito muna ako dahil may damit naman ako dito at tulugan na din dito. "Kuya, dito na lang po ako." Pinara naman niya sa gilid ang sasakyan at nagbayad na ako ng pamasahe bago lumabas sa sasakyan. Napatingin ako sa malaking kompanya at napabuntong hininga ako bago lumakad at damn ang sakit ng katawan ko! Nahihirapan akong lumakad at para akong lalagnatin ngayon dito. Malapit na ako sa entrance at hinahanap ko ang ID ko kung nasaan iyon pero di ko nakikita at isa pa parang umiikot din ang paningin ko ngayon dahil na din sa hangover. Di na ako mag-iinom! Yun na ang una at huli ko na mag-iinom ako! Hindi ko talaga mahanap ang ID ko nang biglang dumilim ang paningin ko at matutumba na sana pero biglang may sumalo sa akin sa likuran ko. "Liliana!" Kahit hindi ko siya nakikita ay alam ko ang boses na yun. Siya si Jack at kaibigan din siya ni Gerald pero mas close pa kami at para ko na din siyang bestfriend. "J-Jack, don't let Gerald know na nandidito ako..." Hanggang sa mawalan na ako ng malay sa bisig niya. 3rd Person's Point Of View* Binuhat naman ni Jack si Liliana papunta sa loob ng kompanya at agad naman siyang nakilala ng mga gwardya kaya dinala niya ito sa clinic at nakita nila na nilalagnat ito. "Ano bang ginawa ni Gerald sa kanya?" nag aalalang tanong ni Jack sa sarili. Marami din siyang alam sa pinaggagawa ni Gerald at naaawa siya kay Liliana dahil ganun ang trato ni Gerald sa kanya. Nilagyan na ng dextrose si Liliana dahil sobrang taas ng lagnat niya. "I will protect you, Liliana." At sa isang banda naman ay dumating ang isang magarang sasakyan at agad namang naging alerto ang lahat ng employee na nandodoon. Agad ding naghintay ang mga malalaking kapartner nito sa business. Lumabas sa sasakyan ang isang lalaki at agad nitong inayos ang sout nitong business suit at walang emosyong nakatingin sa kanila. "Good noon, Mr. Windermere." Yumuko sila at lumakad naman si Asher papasok at di man lang sila tiningnan. Lumapit naman sa tabi niya ang Secretary nitong Caleb. "For today's meeti---" "Caleb, find my Wife in this company." Natigilan naman ang lahat sa sinabi nito at lalo na din si Caleb. "Eh?" Napatingin naman si Asher kay Caleb at inilahad ang ID na hawak nito na naiwan ni Liliana sa kwarto nila kanina. "Wala munang ibang makakaalam sa kung sino ang Asawa ko just let them know na may Asawa ako. Find her and bring her to me in my office right now." "Yes, Sir." ****** LMCD22Liliana's Point Of View*Dahan dahan akong nagmulat dahil pakiramdam ko ang bigat ng kamay ko at nakikita ko agad ang puting kisame at agad kong naamoy ang amoy ng clinic at tiningnan ko ang paligid at nasa clinic nga ako.Napatingin ako sa natutulog sa gilid at nakita ko si Jack na ginawang unan ang kamay ko. Kaya pala di ko magalaw ang kamay ko."J-Jack... ehem..."Ang dry naman ng lalamunan ko. Di ko pa magalaw ang kamay ko dahil mukhang namamanhid iyon. Ginalaw ko naman ang isang kamay ko at sinabunutan si Jack at agad naman siyang napatayo dahil sa gulat."Sinong sumabunot sa aki--- oh! Liliana, gising ka na pala.""Ang kamay ko di ko magalaw.""Eh? Hala anong nangyari?! I should call the nurse."Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya."Ginawa mong unan kaya namamanhid."Nagulat naman siya sa sinabi ko."I'm so sorry!"Hahawakan sana niya pero agad kong pinigilan ang kamay niya dahil masakit kasi siya na pamamanhid. "Hayaan mo na dumaloy ang dugo ko.""Sorry."Dahan dahan nam
Nagising si Liliana sa kama nito nang may narinig niyang tumunog ang phone niya at na aksidenteng na alarm pala niya ang phone niya kaya in-off na lang niya iyon at napatingin sa tabi niya at wala pa din ang Fiancee niyang si Gerald. Tiningnan niya ang oras at alas 2 na ng madaling araw. Di na siya mapakali kaya tumayo na siya sa higaan dahil baka kung ano na ang nangyari kay Gerald.Hinanap niya ito sa boung room nila at hindi niya ito nahagilap. Dito na sila natulog sa hotel kung saan ginanap ang engagement party nila kagabi at nauna siyang natulog kanina dahil nalasing na din siya at naiwan si Gerald sa party. Pinabayaan na lang niya ito dahil naintindihan naman niya na sobrang saya nito kasama ang mga kaibigan niya pero ngayon hindi na normal na hindi niya ito kasama ngayon.Tiningnan niya ang phone niya at tinawagan si Gerald pero naka-off ang phone nito kaya lumakad siya palabas nang may napansin siya sa harapang pintuan ng kwarto nila. Nakita niya ang pamilyar na sapatos at s
3rd Person's Point Of View*Hawak hawak ni Liliana ang kamay ng estrangherong lalaki habang tahimik na umiiyak. Nakasakay na sila ng elevator papunta sa rooftop ng Hotel dahil yun lang ang nasa isipan ng estranghero na makakatulong sa Dalaga.Hindi pa din humihinto sa paghikbi si Liliana hanggang makarating na sila sa rooftop at lumakad ulit sila habang hawak pa din ng lalaki ang kamay niya hanggang sa huminto sila at matatanaw na ang lahat ng lugar sa pwestong iyon."Liliana."Dahan dahan namang tumingin si Liliana sa Hotel Staff na kasama niya ngayon. Puno ng luha ang mukha ni Liliana at kumuha naman ang binata ng panyo sa bulsa niya at tinanggal nito ang reading glasses na sout ni Liliana at dahan dahan niyang pinunasan ang luha sa mukha nito na kinatingin niya sa lalaki."Don't cry, hindi niya deserve ang luha mo.""I love him... I really love him. He's my life at di ko kaya na mawala siya sa buhay ko. Binigay ko ang lahat ng pangangailangan niya except sa virginity ko dahil gusto